You are on page 1of 3

" MENSAHE PARA SA KABATAAN "

Dear Young Lady,

This is a very timely topic for the Millenials.


I wrote you this letter kasi may gusto akong linawin sa'yo. May mga bagay na dapat mo nang
maintindihan. Kailangan mo nang maintindihan ang mg bagay na dati ko na ring naitanong sa sarili ko,
pero walang sumagot sa akin, at ayokong maramdaman mo ang mga naramdaman ko nung mga
panahong iyon.

"Self-worth"

O ang halaga mo bilang tao, most especially, ang topic na ito ay intended para sa mga kababaihan na
tulad mo.

*Insert instrumental song of your choice*

Usapang halaga, kung i-coconvert ka sa pera, magkano ka!?

Minus: virginity, experience, moral, education, intelligence, beauty, faith, expensive clothes, body
enhancements, treatments, tattoos, grades, piercings, hair length, your family status, lavish material
things and what other people think of you, sa iyong palagay, magkano ka?

Kapag pinahi mo na ang make-up mo sa mukha, sa tuwing tinatanggal mo ang mga alahas mo, pag
binitawan mo na lahat ng mga mamahaling gamit mo, sa tuwing wala nang ibang nakakakitang tao,
magkano ka?

"YOU ARE PRICELESS!"

Subukan mong humarap sa salamin nang walang saplot, kausapin mo ang iyong sarili, itanong mo sa
babaeng nasa kabilang dulo ng salamin kung ano ang halaga nya.

Sounds creepy pero ikaw lang ang pwedeng magpresyo sa sarili mo.
Kung ganoon ka kahalaga, paano mo tinatrato ang sarili mo?

Real talk na tayo.

Paano mo ginagasta ang sarili mo!?


Alam ko na iilan lamang sa mga Millenials ang makakabasa at makakaintindi ng Entry kong ito. But I
want to take the risk. Sana makatulong ako.

Anong ginagawa mo pag walang nakatingin sa'yo?


Nagyoyosi o Nag-iinom? Anong dahilan mo?
Masaya di ba! Nakakawala ng problema!

Nakakalimutan mo na nag-away kayo ng mga magulang mo. Nakakalimutan mo panandalian na hindi


perpekto ang buhay mo, na madami kayong problema sa bahay. Syet! Oo nga, malilimutan mo din na
nag-break kayo ng hudas mong ex-boyfriend. Sige, walwalan na!!! Senglotan na!!! Nasaktan tayo eh!
Wala tayong pake kung ala-una na ng madaling-araw, text ka nalang sa parents mo na may group
project kayo! Better yet, off mo na lang ang phone mo, tutal, di k rin naman nila mahahanap. Masaya
kasi kasama ang tropa, palagi ka nilang gets! Alam nila mga problema mo... Ang totoo nga nyan
parehas kayong bagsak sa subjects nyo di ba, eto pa, parehas din kayong umaabsent.

Sa bawat tagay sa baso, kasama ang tawanan, ang biruan, ang pamumulutan, at kasabay ng pag-ikot
nang tagay ang pag-ikot nang paligid mo. Unti-unti nang namamanhid ang mukha mo, kasabay nang
mga tawa at hampas sa katabi mo, at sa unti-unting pagkaubos ng yosi mo na binili mo gamit ang
allowance na binigay ng parents mo... tila nawawala din lahat ng takot at pag-aalala mo na bukas
papagalitan ka na naman ng mga magulang mo... O bukas, magpapapirma ka ng excuse letter sa mga
teacher mo na ikaw din naman ang pumirma. You always took the risk of doing so, para lang maka-set
o maka-nomu kasama ng tropa. May mga bihirang pagkakataon pa na sa inuman nyo, may magdadala
ng tropa at iba pang friends na kalaunan ay magiging kaibigan mo na rin. Magsisimula sa ngitian,
hanggang sa biruan, maya-maya magkatabi na kayo. At tapos ayun, ang ending its either boarding
house, kotse, condo, motel, hotel, banyo, parking lot, playground, apartment, kwarto, kanto,
bakanteng-lote, eskinita, o pag minamalas-malas, sementeryo... Habang magsasalo kayo sa hiningang
tila sabay nyong nilalanghap. Sa halik na gumagapang hanggang sa kayong dalawa ay sumasayaw na
lamang sa tugtuging kayo lamang dalawa ang nakakarinig. At ano? Kung suswertihin next month may
regla ka pa. Haya-e na, buwanan ka lang namang mangangamba, pangangmbang bunga ng minsan
nyong kalibugan. Nag-enjoy ka rin naman eh. Sabi nga nila...

"MANTIKA NALANG ANG VIRGIN SA PANAHON NGAYON!"

Wala tayong pakialam sa sasabihin ng ibang tao, ang iwasan mo lang ay ang gumawa ka ng mga
desisyon na maaari mong pagsisihan sa hinaharap yung bagay na maaaring makababa sa halaga mo
bilang babae. Napakahalaga mo para sayangin lang ang sarili mo. Tungkol naman sa pagbo-boyfriend
mo... Palagi mong tatandaan na hindi paligsahan ang pagjojowa, na dapat hindi ka mabakante o dapat
jowa mo ang pinaka-epek na Bae sa campus. Tandaan mo:

"HABANG PARAMI SILA NANG PARAMI, PARUMI KA NANG PARUMI!"

Kaya piliin mo yung nararapat na lalaki na magiging dahilan nang paghuhubad mo nang panty.

Ang hanapin mo sana ay yung lalaking nakikita ang halaga mo. Piliin mo sana yung lalaking ini-
imagine kang guma-graduate kasama nya at hindi yung lalaking ini-imagine ka sa banyo habang
nakahubad ka. Piliin mo sana yung lalaking handang maghintay hanggang pwede na at hindi yung
lalaking ipinipilit yung gusto nya mairaos lang ang maramot nyang pagnanasa. Piliin mo yung lalaking
ihahatid ka sa inyo, magpapakilala sa magulang mo at aayain kang magsimba tuwing linggo at wag
ang lalaking hihintayin ka lang hanggang dun sa kanto. Piliin mo yung lalaking kayang makita ang
halaga mo kahit wala kang kolorete sa mukha o kahit hindi mo suot yung pang malakasan mong
OOTD. Piliin mo yung lalaking lalambingin ka kapag may PMS ka at hindi yung lalaking sasabayan pa
ang init ng ulo mo na kala mo nireregla din sya. Piliin mo yung lalaking kahit palagi kayong nag-aaway,
palagi namang ipinapaalala sa'yo na hinding-hindi kayo maghihiwalay. Madaling isipin, pero sa totoo
lang sana matuto ka ding maghintay at kung may nanliligaw man sa'yo ngayon, wag mo muna silang
sagutin, hindi naman sa magpapa-bebe ka... I-enjoy mo muna ang pagkabata mo, ang pagiging
malaya mo, mga bata pa kayo at marami pang pwedeng mangyari, subukin mo kung kaya ka nyang
hintayin. Hanggang marating mo na yung lugar na pangarap mong puntahan, hihintayin ka nya,
hanggang sa makuha mo na lahat nang pinapangarap mo. And when the right time comes, you would
have to choose the man whom you could bear to grow old with. Darating ka dyan, wag kang
magmadali...

"BECAUSE THE VALUE OF THE BEST WINE ARE MEASURED BY TIME."

Wag kang mag-alala kung umedad ka...


"AGE DOESN'T MATTER, UNLESS YOU'RE A CHEESE!"

Sana malaman mong mahalaga ka, bago mo hiwain yang pulsuhan mo. Sana malaman mong
mahalaga ka bago mo isuot ang lubid sa leeg mo o inumiin lahat ng gamot sa medicine cabinet nyo.
Bago ka sumuko, isipin mo rin ang ibang tao, yung mga taong nasa mas mahihirap na sitwasyon, mga
taong nangangarap na maging kanila ang buhay na tinatamasa mo, kaya matutong kang
magpahalaga sa buhay mo.

So kapag kaya mo nang kwentahin ang halaga mo bilang babae at bilang tao, hindi ka mahihirapan sa
paggastos nito kasi alam mo na ang limits mo at hindi ka na mag-eexceed sa alotted budget mo. Hindi
man ngayon, sana balang-araw ay maintindihan mo ang lahat nang ibig kong sabihin bago pa mahuli
ang lahat.

Ayaw kong madapa ka sa lugar kung saan ako nadapa nung kapanahunan ko... Nung wala pang sulat
na katulad nito. Ayako na pagsisihan mo yung mga bagay na pinagsisihan ko na. Ayokong ulitin mo
lahat nang mga naging pagkakamali ko bilang babae. Ayokong matulad ka sa akin, na hanggang
ngayon hindi pa rin naitatama lahat nang mga pagkakamali ko sa nakaraan. Ayokong makatulugan mo
rin ang pag-iyak tuwing gabi nang dahil sa parehong dahilan. Ayoko. Ayokong gumawa nang isa pang
ako. Kung kaya ko lang sana, ipadadala ko ang sulat na ito sa nakaraang ako, para iligtas ang
hinaharap na ako. Pero ang tanging magagawa ko lang ay ipaliwanag sa'yo ang halaga mo. Ikaw na
bumabasa nito ngayon.

Sana wag mo akong husgahan, kagalitan o layasan. Pinagsasabihan lang kita kasi para sa akin
mahalaga ka. Dahil ikaw na lang ang natitirang tama sa buhay ko. Naiintindihan kong minsan ipinipilit
ko na ang gusto ko, minsan pa parang dinidiktahan ko na ang buhay mo. Yun ay dahil iyon ang alam
kong tama. At balang-araw, pasasalamatan mo rin ako. Balang-araw ikaw naman ang nasa katayuan
ko. At balang-araw gagawin mo rin ang lahat nang alam mong ikabubuti nang magiging anak mo.
Sana, intindihin mo, sana hindi pa huli para makita mo ang halaga ng pagkababae mo. At kahit ano
mang pagkakamali ang magawa mo, palagi mong tatandaan na may tahanan kang mauuwian,
tahanang kahit kailan ay hindi ka huhusgahan, tahanang palaging ikaw ang magiging kayamanan,
tahanang palaging bukas para mapuntahan mo kapag tinalikuran kana nang mundong inaakala mong
magpapasaya sa'yo. Tahanang muli kang ibabangon at ibabalik sa'yo ang halaga nang pagiging
masaya mo. Dahil, ano't-ano man ang iyong kahinatnan, palaging handa ang aking mga bisig para
muli kang mahagkan.

Palaging naghihintay sa'yo,


MAMA

You might also like