You are on page 1of 121

REPUBLIKA NG PILIPINAS

KOMISYON SA LALONG MATAAS NA EDUKASYON


DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY
BACOLOR, PAMPANGA

COLLEGE OF ARTS AND SCIENCES

SOSYEDAD AT
PANITIKAN
KABANATA 1
Aralin 1
Batayang Kaalaman sa Panitikan

Ayon sa Webster’s New Collegiate Dictionary, “Ang panitikan ay kabuuan o


kalipunan ng mga pinagyamang isinulat o inilimbag sa isang tanging wika ng mga tao.
Ayon kay G. Azarias, “Ang panitikan ay nagpapahayag ng damdamin ng tao
tungkol sa iba’t ibang bagay sa daigdig, sa pamumuhay, sa pamahalaan, sa lipunan at
sa kaugnayan ng kanilang kaluluwa sa Dakilang Lumikha.
Ayon kay G. Abadilla, “Ang panitikan ay bungang-isip na isinatitik.
Ayon naman kay Luz A. de Dios, ang panitikan ay mula sa mga salitang
pangyayaring isinatitik at pinalamutian.
Ang panitikan ay kalipunan ng magagandang karanasan at pangarap o adhikain
ng isang lahi. Dito nasasalamin ang iba’t ibang damdamin ng mga tao tulad ng
kalungkutan, kaligayahan, galit, pag-ibig, paghihiganti at iba pa.
Ang panitikan ay siyang nagpapahiwatig ng tunay na pagkatao ng bawat tao.
Samakatuwid, ang panitikang Filipino ay nagpapahiwatig din ng tunay na pagkatao ng
bawat Pilipino. Ang panitikan ay maaaring nasusulat o di nasusulat. Ang mga di
nasusulat ay yaong mga ulat na di nalikom dahil sa ang kultura ay lubhang matanda na
at dahil na rin sa kalagayan ng mga ninuno natin noon.
Ang nakasulat na panitikan ng Pilipinas ay mayroon lamang apat na raang taong
gulang, maikling panahon kung ihahambing sa panitikan ng maraming bansa.
Magkaugnay ang kasaysayan at panitikan. Ito ay dalawang bagay na laging
magkaagapay. Nasusulat sa kasaysayan ang tunay na nagaganap sa bawat panahon.
Ang mga manunulat at makata ay sumusulat ng kanilang akda mula sa tunay na
nakikita sa paligid subalit ito’y nilalagyan ng palamuti upang maging kagila-gilalas o higit
na kaakit-akit, na siyang ipinagkaiba sa kasaysayan.

Layunin at dahilan ng pag-aaral sa Panitikan ng Pilipinas


Bilang mga Pilipino, tungkulin nating pahalagahan ang sariling panitikan. Ang
mga sumusunod ang siyang mga dahilan kung bakit dapat pag-aralan ang panitikan ng
bansa.
1. Mababatid ng mga tao ang kanilang sariling tatak, ang sariling anyo ng kanyang
pagkalahi, ang sariling kalinangan at mga minanang yaman ng isip.
2. Makikita nila sa kanilang sarili, ang kalawakan, kalakasan at kahinaan ng
kanilang pag-uugali at paniniwala.
3. Masasalamin ang nakaraan ng kanilang mga ninuno; kung paano sila nabuhay,
nagkamali at nagtagumpay; at dahil dito ay maiiwasan nila ang pagkakamali at
higit pang mapauunlad at mapayayabong ang mga minanang kabutihan.
4. Makikita ang mga kapintasan at kagalingan ng sariling panitikan at sa gayo’y
magkaroon ng pagsasanay sa paglinang ng kakayahan at kasanayan sa
pagbabago at upang higit na mapadalisay at mapaningning ang mga
kagalingang ito at maiwasan ang mga kamalian.
5. Matutuhang ipagmalaki ang mga bagay na kanila at maging matibay at matatag
ang pagkilala sa kanilang pagkalahi.
6. Mapupukaw ang marubdob na pagmamalasakit at pagpapahalaga sa sariling
wika.
Aralin 2

PAHAPYAW NA PAGTUNTON SA LITERATURANG FILIPINO SA IBA’T IBANG


PANAHON (CHAVEZ)

Bago pa dumating ang mga Kastila, ang mga ninuno natin ay mayroon nang
sariling kakayahan at bago pa sakupin ng imperyo ng Madjapahit noong ika-14 na
siglo.
Ang Literaturang Filipino ay naiiba sa kabuuan. Nagsimula ito sa tradisyong
pasalita. Ang mga kalapit bansa tulad ng Malaysia, Cambodia, Indonesia at Arabia ay
may kani-kaniyang ambag sa ating panitikan. Ang mga ito ay nasa anyong awiting-
bayan, alamat, karunungang bayan at iba-ibang uri ng tula.
Taong 1521 nang maligaw si Ferdinand Magellan sa ating dalampasigan, subalit
tuluyang sinakop at inalipin ng mga Kastila ang mga Pilipino noong taong 1565.
Pinamunuan ito ni Miguel Lopez de Legaspi na sa dalawang kamay ay may hawak na
espada at krus. Espada upang turuan daw ng tamang paraan ng pamamahala ang
ating mga ninuno at ang krus ay upang matutuhan at makilala ang tunay na Diyos.
Pinalaganap ng mga Kastila ang tradisyong Europa na napapaloob sa komedya,
sarswela, kurido, awit, pasyon at tungkol sa mga santo.
Taong 1872 nang magsimulang mag-alsa ang mga Pilipino sa pangunguna ni
Sarhento La Madrid, subalit ilang oras lamang at napatay rin sila agad. Sinamantala ng
mga prayleng Kastila ito at sinangkot nila ang tatlong Paring Martir. Dito na nagsimula
ang pagsulat ng mga propagandista sa pangunguna ni Gat. Jose Rizal. Ginamit ang
Tagalog, Kastila at iba’t ibang wikain sa pagsulat ng mga nobela, tula, sanaysay at
ibang akda sa mga pahayagang Tagalog at Kastila. Ang mga akda ay punung-puno ng
damdaming makabayan at nagbunsod sa mga Pilipino upang magkaisa at nagwakas sa
Himagsikan.
Sa panahon ng Himagsikan noong 1896, taon nang barilin sa Bagumbayan si
Gat. Jose P. Rizal noong Disyembre 30, nagbago ang paksa ng mga panitikan. Naging
maapoy, mapanuligsa at mapaghamon, puno ng pag-ibig sa bayan, paghahangad ng
kalayaan at pagtuligsa sa mga dayuhan.
Taong 1898 nang tuluyang lumisan ang mga Kastila sa bansa subalit nasa ilalim
pa rin tayo ng kapangyarihan ng mga banyagang Amerikano.
Mula sa taong 1898 hanggang 1941, tayo ay kunwaring tinulungan at pinalaya
ng mga Amerikano sa kamay ng mga Kastila. Namuhunan ang mga Amerikano. Sa
tratado ng Paris noong Disyembre 10, 1898, napagkasunduang bilhin ng Amerika ang
Pilipinas sa mga Kastila. Dito lumitaw ang tunay na kulay at pakay ng Amerika sa
Pilipinas. Tatayo ang Amerika bilang ama ng Pilipinas gaya ng pagtayo bilang ina ng
Pilipinas ang Espanya noong panahon nila. Ngunit naging mas masahol pa ang
pamamalakad ng mga Kano kaysa sa mga Kastila. Itinuring tayong Indio ng mga Kastila
subalit baboy damo naman ang tingin ng mga Kano sa atin. Naghasa muli ng itak ang
mga Pilipino. Nabalingan ang panulat at ipinakita ang pabugsu-bugsong tema ng
kalayaan.
Sa pananakop ng mga Amerikano, ang mga Pilipino ay patuloy pa rin sa
panunuligsang makikita sa mga akdang isinulat sa wikang Ingles, Tagalog at iba’t ibang
wikain sa Pilipinas. Madaling natuto ng Ingles ang mga Pilipino kaya sa loob ng humigit
kumulang ng dalawampung taon ay nagsisisulat na sila ng mga tula, sanaysay, maikling
kuwento at nobela sa Ingles. Dito nagsimulang umunlad ang panitikang Pilipino sa
Ingles.
Taong 1942 – 1945, naging napakasaklap ng buhay ng mga Pilipino sa kamay
ng mga Hapones. Gutom, kawalang katiyakan sa buhay at kawalang pag-asa ang
masasalamin sa kanilang mga mata. Punung-puno ng paghihinagpis ang bawat
tahanan dahil sa kawalang pusong pamamalakad ng mga Hapones. Sa panahong ito
namulaklak ang panitikang Tagalog sa utos ng Hapon at gamitin ang sariling wika sa
panulat. Natuto ng Haiku ang mga Pilipino.
Taong 1946 hanggang sa kasalukuyan ay Panahon ng Republika. Masalimuot
ang mga pangyayari sa panahong ito. Unti-unting itinayo ang moog na sinira ng
digmaan. Mga masasakit na alaala ng kahapon na ang tanging gamot ay malalalim na
buntong-hininga. Namamalasak sa mga katha ang kabiguan, kalupitan at masaklap na
karanasan.
Ang dekada-50 ay nagkaroon ng sigla sa panulat dahil sa KADIPAN
(Kapisanang Aklat, Diwa at Panitik) at ang Gawad Palanca, na itinatag ni Don Carlos
Palanca ng La Tondeña Incorporada.
Ang dekada-60 ay ang pagbibinhi ng aktibismo. Naging magulo ang kapaligiran
at dumami ang katiwalian.
Ang dekada-70 ay nauso ang paghawak ng mga plakard, barikada at pagbulagta
ng mga walang buhay sa kalsada. Ibinaba ang Batas Militar. Hanggang magkaisa ang
bayan sa EDSA sa buwan ng Pebrero taong 1986. Ang sumunod ay isang kasaysayang
nadagdag sa ating lahi.
Sa kasalukuyan, dalawang wika ang ginagamit sa pagsulat ng panitikan: Ingles
at Filipino. Dahil may kinikilala na tayong wikang pambansa, ang Filipino, ay lubusan ng
ginagamit, pinalalaganap at itinuturo sa lahat ng antas ng pag-aaral. Unti-unti na tayong
nakabuo ng pambansang panitikang naglalarawan ng tunay na layunin, damdamin at
hangarin ng bayan.
Aralin 3 (AGUILAR, ALINSUNURIN)

KAURIANG PANLAHAT NG PANITIKAN


Ang mga akdang pampanitikan ay mauuri sa dalawang anyong panlahat:

TULA AT TULUYAN
A. Ang Prosa o Tuluyan ay malayang pagbuo ng mga salita sa karaniwang
takbo ng pangungusap. Ilan sa mga halimbawa ng prosa o tuluyan ay ang mga
sumusunod:

1. Dula – naglalarawan ng isang bahagi ng buhay sa pamamagitan ng kilos at


tinatanghal sa tanghalan.
2. Nobela – nagsasalaysay ng mga masalimuot na pangyayaring naganap sa
isang mahabang panahon.
3. Maikling Kuwento – nagtataglay ng isang kakintalang nilikha ng mga hindi
karaniwang pangyayari sa pamamagitan ng pinakamatipid na paggamit
ng mga salita.
4. Alamat – nagsasalaysay ng pinagmulan ng mga bagay-bagay.
5. Pabula – ang mga tauhan ay hayop na ang layunin ay magbigay-aral.
6. Anekdota – salaysay na hango sa tunay na karanasan o pangyayari sa
buhay ng tao. Ito’y kapupulutan din ng aral.

B. Ang Patula ay binubuo ng pahayag na may sukat at tugma. Ang sukat ay


tumutukoy sa bilang ng pantig ng mga salita sa bawat taludtod samantalang ang tugma
ay tumutukoy sa pagkakatulad ng tunog ng huling pantig ng huling salita sa bawat
taludtod. Ang patula ay nahahati sa apat na uri.

1. Tulang Pandamdamin o Liriko


a. Pastoral – naglalarawan ng buhay sa bukid.
b. Soneto – naglalaman ito ng labing-apat na taludtod.
c. Oda – isang tula ng paghanga o papuri sa isang bagay.
d. Elehiya – tula ng panimdim o kalungkutan dahil sa kamatayan.
e. Dalit – imno at mga kantang papuri sa Panginoon o sa Mahal na Birhen.

2. Tulang Pasalaysay
a. Epiko – nagsasalaysay ng di kapani-paniwalang kabayanihan ng isang
tao.
b. Kurido – hango sa alamat ng Europa.
c. Awit – hango sa haraya ng may-akda.
3. Tulang Pandulaan
a. Moro-moro – paglalaban ng mga Muslim at mga Kristiyanong
humahantong sa pagbibinyag sa mga Muslim.
b. Panuluyan – pagsasadula sa paghahanap nina Birheng Maria at San Jose
ng matutuluyan.

4. Tulang Patnigan
a. Balagtasan – tagisan ng talinong patula.
b. Duplo – ginaganap sa bakuran ng namatayan.
c. Karagatan – hango sa alamat ng isang prinsesang inihulog sa dagat ang
singsing.
d. Batutian – sagutang patula na may halong pangungutya at pagpapatawa.
Aralin 4 (BAGANG, BALUYUT)

ANG TEORYANG SOSYOLOHIKAL AT MGA URI NITO

Teoryang Sosyolohikal
a.      Ang pananaw na ito ay nagbibigay ng pangunahing halaga sa tao, dahil dito
ang tao ang sentro ng daigdig, ang sukatang bagay at panginoon ng
kanyang kapalaran.
b.      Sa pananaw na ito’y mahalagang mabatid ang kapaligirang sosyolohikal ng
akda.
 Pananaw Sosyolohikal
1)      Ang indibidwal na pagsusuri ng akda ay nagkakaroon ng higit na
matibay na kapit sa ugnayang namamagitan sa buhay ng mga
tauhan at ng mga puwersa ng lipunan o umiiral na suliraning
panlipunan.
2)      Ang tao at ang kanyang mga saloobin at damdamin  ang naging
pangunahing paksa rito.
3)      Pinahahalagahan ang kalayaan at isipan, ang ganap na kagalingan ng
henyo,  at mga natatanging talino at kakayahan ng tao at kalikasan.

Pananaw Sosyolohikal
Ang lapit-sosyolohikal ay naaangkop sa tradisyon at prestihiyo ng dulaan sa
Pilipinas. Sa pagkapit sa mga isyung panlipunan na pinapaksa ng mga dula at sa
pagbabago ng konsepto ng entablado bilang tanghalan, mananatiling may lugar ang
lapit-sosyolohikal sa panlasa at pakikibaka ng mamamayan.
Sa sosyolohikal na pananaw, mas malawak ang perspektib na pagsusuri ng
isang akda. Hindi lamang ang kasiningan at naging katangian ng akda ang binubusisi,
kundi pati na rin ang bahagi ng lipunan at kasaysayang pinagluwalan nito.
Sa ganitong lapit ay pinagtitibay ng pahayag ng likhang-sining at lipunan. Ang
isang akda ay produkto ng malikhaing pag-iisip ng manunulat na nabubuhay sa isang
panahon na may partikular na katangiang humubog sa kanyang pagkatao. Sa
pagsusuring sosyolohikal, hindi sapat na suriin lamang ang akda kundi pati na rin ang
lipunang kinabibilangan ng may-akda na siyang nagluwal ng akdang yaon. Ayon nga
kay Tainer, isang manunulat na Pranses:
Ang panitikan ay bunga ng sandali, ng lahi at ng panahon at kapaligiran.
Sa isang pagsusuring Sosyolohikal, tinitingnan ang kalagayan at ugnayan ng
mga panlipunang institusyon tulad ng pamahalaan, simbahan, pamilya, paaralan at iba
pa sa pagtatakda ng sitwasyon at oportunidad para sa mga mamamayan nito.
Kung gagamitin ang pananaw na ito sa pagsusuri ng panitikan, mainam na
mapag-aralan ang kasaysayan ng akda at ang panahon na kinabibilangan nito at ng
awtor. Hindi lamang into internal na pagsusuri ng akda, kundi pati na rin ng mga
eksternal na salik na nakaiimpluwensya rito.

URI NG TEORYANG SOSYOLOHIKAL

1. Madilim na Panahon (Dark Ages) - walang kakayahan ang mga tao na mag-isip


tulad ng mga tao ngayon. Di sila pwede magkwestiyon ng kung ano-ano dahil
ang mga may karapatan lang na gawin ang mga ganito ay ang mga nakapag-
aral. Kumbaga sobrang makapangyarihan sila sa paraan na kaya nilang mang-
impluwensya ng maraming tao. Kung ano ang ideal concept ng society sa
pananaw nila, yun yung inihahain nila sa mga tao.

2. Panahon ng Pagkamulat (Age of Enlightenment) - sa panahong ito naman ay


nagsimula na sila na baguhin ang ganoong (walang kakayahan ang tao na mag-
isip) sistema ng lipunan. Nagsimula na sila mag-isip at magkwestiyon sa mga
nangyayari sa kanilang paligid. Mayroon na sila ngayong kalayaang mag-isip.
Dito rin sa panahon na ito dumagungdong ang mga pangalan ng mga
sosyolohistang nakapagbigay ng ambag sa konsepto ng sosyolohiya. Nariyan
si Jean Jacques Roseau na nagsabi na kailangan mag-aklas ng mga tao kung
tingin nila mali ang sistema ng lipunan; Voltaire na nagsabi na may karapatan
ang mga tao na mag-rebelde kung ang gobyerno ay hindi na naibibigay ang mga
pangangailangan nila; at si Wollstone Craft na nagbigay ng boses sa mga
kababaihan.

3. Himagsikang Pranses (French Revolution) - nagkaroon na ngayon ng ideya


ang mga tao sa na mag-aklas dahil sa maling pamumuno at isinasakatuparan na
nila ang mga ito, at sa huli namayani ang kanilang pagtutulungan. Ang aral na
maaarinating mahihinuha sa pangyayaring ito ay kaisipang kayang gumawa ng
pagbabago ng mga tao laban sa maling sistema ng lipunan kung magsasama-
sama.

4. Himagsikang Industriyal (Industrial Revolution) - umuusbong ang konsepto ng


kapitalismo. Naniniwala ito sa konseptong pribadong pagmamay-ari bilang
karapatan ng mamamayan. Masigla ang kompetisyon sa kapitalismo sapagkat
lahat ay maaaring magmay-ari ng mga salik ng produksiyon basta sila ay may
produksiyon at kapital.

5. Klasikong Romantisismo (Classical Romanticism) - pinaliwanag nito na kaya


gumulo ang lipunan dahil pinakikialaman ng mga tao ang kagustuhan at batas
ng Manlilikha. May mga tauhan sa akda na higit pang makapangyarihan ang tao
kaysa Diyos na lumikha sa kaniya. Naniniwala ang tao na kasabay siyang
isinilang ng kapangyarihan na taglay niya at hindi ito kaloob sa kaniya ninoman.

6. Namamalaging Romantisismo (Conservative Romanticists) - sinasang-ayunan


nila na kaya gumulo ang lipunan dahil sa pagwasak ng nagdaang sistema. Sila
ay naglalayong panatilihin ang pangkasalukuyang sistema para manumbalik ang
kaayusan sa lipunan. Ang tanging tunay na kaalaman ay kaalaman na batay sa
aktuwal na kahulugan ng karanasan. Ang ganitong kaalaman ay maaaring
dumating lamang mula sa paninindigan ng teorya sa pamamagitan ng pang-
agham na pamamaraan.

7. Pasulong (Progressive) - ayon sa ilang Sosyolohista, magiging maayos lamang


ang sistema ng lipunan kung magkakaroon ng pagbabago rito. Kung kaya’t
patuloy na ngang nagbago ang mga sistema ngayon at nabuo ang sistemang
panlipunan natin ngayon. Ang uring ito ay bukas sa lahat ng posibilidad sa lahat
ng salik na makatutulong sa pag-unlad ay isinasaalang-alang.
Aralin 5 (BALUYUT R. BELLEZA, CAGANG)
MGA KILALANG BAYANI /MANUNULAT AT KANILANG MGA AKDA

JUAN CRISOSTOMO SOTO


Si Juan Crisostomo Soto ay isinilang sa Sta. Ines, Bacolor, Pampanga noong
ika-27 ng Enero, 1867. Makata, mandudula, editor at manunulat sa wikang
Kapampangan. Siya’y tinaguriang “Ama ng Panitikang Kapampangan”. Siya ay apo ni
Sixto Caballa, isang makatang mahilig sa pakikipaglaban sa tula. Namukod-tangi siya
sa Karagatan.
Siya’y nagsimulang mag-aral sa mga gurong sina Cirillo Hernandez Lario
Sampania at ilang mga guro na nagbabahay-bahay ng pagtuturo. Ipinagpatuloy niya
ang pormal na pag-aaral sa paaralan ni Agapito Layug. Sa gulang na 14 ay lumipat siya
sa paaralan ni Vicente Quirino at dito siya nagsimula ng Segunda Ensenanza at
nagtapos sa San Juan de Letran.
Labag sa kagustuhan ng kanyang ama, ipinagpatuloy niya ang pagsulat at sa
gulang na 16, naging loyante si Juan sa Flores de Mayo at Santa Cruzan. Nag-aral din
siya sa San Fernando. Dumating ang tropang mandudula ni Praxedes Julia Fernandez
at makailang ulit silang nagpalabas. Dito siya unang nakapanood ng dula bukod sa
moro-moro. Sa laki ng paghanga niya sa dulaan, tuluyan na siyang huminto sa pag-
aaral at iniukol niya ang lahat ng panahon sa pagbasa at pag-aaral sa mga dulang
Shakespeare. Sa mga dulang makabayan higit na umani ng tagumpay ang mga ito.
Sigalut Balayan at Sinta (trahedya na may tatlong yugto), Ing Panin Nang Sintang at
Anac Ning Katipunan. Ayon kay Galang, ang dalawang huli ang pinakamaganda sa
kanyang naisulat. Ang mga dula ni Soto ay nagpanhik sa kanya ng salapi. Ito’y isinulat
niya isang gabi lamang ng kamatayan ng kanyang anak na si Maria Luz Generosa na
pinalayawang Apang. Gayon na lamang ang inaning tagumpay nito lalo na nang
maipalabas sa Teatro Zorila. Iisahing yugtong katatawanan ang kahuli-hulihang isinulat
niya nang nasa banig na siya ng karamdaman. Siya’y madalas lumabas sa kanyang
mga dula at naghuhudas sa mga senakulo. Alang Dios ang kanyang obra maestra.
Sa mga naisulat ni Juan Crisostomo Soto ay mapapansing siya’y nag-ukol ng
katapatan sa buhay at sa damdamin ng kanyang panahon. Deputy Assesor siya sa
Pampanga nang bawian ng buhay noon ika-12 ng Hunyo, 1918 dahil sa sakit sa puso.

CRISOTAN
Ang Crisotan ay sagutang patula na tinatawag na Balagtasan ng mga
Kapampangan. Ang katawagan ay binuo ni Amado Yuzon nang itatag ang Agumang
Crissot noong 1926. Ito ay hango sa pangalan ni Juan Crisostomo Soto. Ang kauna-
unahang Crisotan ay itinanghal noong 1926 sa isang bahay sa Sta. Cruz, Manila.
Ginampanan ito nina Lino Dizon at Nicasio Dungo na kung saan tumayong lakandiwa si
Amado Yuzon. Karaniwang itinatanghal ito kapag may kapistahan
Si Amado Yuzon ay tinawag na unang hari ng Crisotan matapos magwagi sa
Crisotan na itinanghal noong Abril 30, 1930 sa San Fernando. Ang paksang
pinagtalunan ay “Ing Sanu Ing Lacuas Banal, Ing Sinta Keng Balen, Lugud King Indu o
Sinta King Dalaga”. Ipinagtanggol ni Yuzon ang Lugud King Indu; Silvestre Punsal –
Sinta King Dalaga; at Roman P. Reyes – Sinta King Balen. Ang lakandiwa ay si Judge
Eduardo Gutierrez David at ang mga hurado ay sina Edilberto Joven, Conrado Gwekoh
at Modesto Joaquin. Matagal ding hinawakan ni Yuzon ang pagiging Hari ng Crisotan.
Ang Crissotan na binubuo ng tatlong nagtatalo ay tinawag na Tolentinuan bilang
parangal kay Aurelio Tolentino. Binubuo ng limang tayuan at tatlong talata ang
binibigkas sa bawat tayo.
Noong 1931, nagtanghal sa Floridablanca, Pampanga ng Crissotan, lakandiwa si
Amado Yuzon, si Ricardo Guevarra sa panig ng Ginto at si Eusebio Sampang ang sa
panig ng Bakal.
ALANG DIOS
ni: Juan Crisostomo Soto
Si Enrique ay isang mahirap na pintor at lihim na kasintahan ni Maria Luz.
Nabilanggo siya dahil napagbintangang magnanakaw ng krusipikong dyamante na pag-
aari ng kasintahang si Maria Luz na anak ng mayamang si Don Andres. Sa paglabas ng
bilangguan, umuwi siya sa bayang sinilangan. Dito nabalitaan niyang ikakasal si Maria
Luz kay Ramon, isang anak mayaman. Binalak niyang lisanin ang bayan dahil sa
kataksilan ng kasintahan. Umiiyak na ipinagtapat ni Maria Luz na hindi niya kagustuhan
ang lahat. Ito ay pakana lahat ng madrastang si Donya Cucang. Hindi siya pinaniwalaan
ni Enrique. Si Maria Luz ay sapilitang ipakakasal kay Ramon.
Samantala, ang katulong na si Clara ay nakokonsensiya sa kanyang ginawa.
Ipinagtapat niya ang lahat kay Enrique. Sa gabi, nang mawala ang krusipikong
dyamante ay nakita niya ang papaalis na si Enrique mula sa lihim na pakikipagkita kay
Maria Luz. Sa pagnanais na mapangalagaan ang puri ng alaga ay ninakaw niya ang
krusipiko at ipinalabas na si Enrique ay magnanakaw at hindi ito kasintahan ng kanyang
alaga. Huli na ang pagtatapat niya dahil ikakasal na si Maria Luz kay Ramon o sa
lalaking hindi niya mahal.
Nagkaroon ng alitan sa pagitan nina Enrique at Ramon. Hinamon ng huli si
Enrique ng duwelo. Sa tulong ni Don Monico, napigilan ang labanan ng dalawa.
Ipinagtapat ni Don Monico na silang dalawa ay magkapatid sa ama. Ganoon din sina
Clara at Maria Luz. Nagkasundo ang magkapatid at umuwi upang ipagtapat kay Maria
Luz ang lahat ngunit patay na ito nang datnan sa kanyang silid. Dito nasabi ni Enrique
na Alang Dios na tinutulan ni Don Monico at sinabing May Dios na nagpapatawad sa
mga nagkakasala. May Dios na kumukupkop sa mabubuti at nagpaparusa sa mga
masasama.

ANDRES BONIFACIO
Isinilang sa Tondo, Maynila noong Nob. 30, 1863. Kinilalang Dakilang Dukha,
Ama ng Katipunan at Ama ng Demokrasyang Pilipino. Maagang naulila kaya’t siya’y
nagsilbing magulang ng kanyang mga kapatid. Pumasok na mensahero at naging
kargador sa isang bahay-kalakal.
Siya ay nakatapos lamang ng pag-aaral ng alpabeto hanggang mag-aral na
lamang sa sarili ng wikang Kastila. Naging mahusay din siya sa pagsasalita ng wikang
Kastila. Nagbasa siya ng mga aklat na ukol sa “Kasaysayan ng Rebolusyong Pranses”,
“Buhay ng mga Pangulo ng Estados Unidos”, ang “Noli” at “Fili” ni Jose Rizal. Kaya’t
masasabing ang kanyang katalinuhan ay nanggaling sa paaralan ng karanasan.
Sumapi sa La Liga Filipina na samahang itinatag ni Jose Rizal. Nang si Jose
Rizal ay ipatapon sa Dapitan, itinatag niya ang Katipunan na naging batis ng diwang
Malaya ng mga mamamayang Pilipino. Sa Katipunan, ginamit niya ang sagisag na
Magdiwang. Siya ang nanguna sa Sigaw sa Pugad-Lawin.
Siya ang unang nagsalin sa Tagalog ng Mi Ultimo Adios ni Jose Rizal. Ang
karamihan sa kanyang isinulat ay sa wikang Tagalog at gumamit ng mga sagisag na
Agapito Bagumbayan at May Pag-asa. Ang kanyang akdang Ang Dapat Mabatid ng
mga Tagalog ay isinulat niya sa iilalim ng sagisag panulat na Agapito Bagumbayan.

ANG DAPAT MABATID NG MGA TAGALOG


Itong Katagalugan na pinamamahalaan ng unang panahon ng ating tunay na
mga kababayan niyaong hindi pa tumutungtong sa mga lupaing ito ang mga kastila ay
lubos na nabubuhay sa kasaganaan at kaginhawaan. Kasundo niya ang mga
kapitbayan at lalong-lalo na ang mga taga Japon. Sila’y kabilihan at kapalitan ng mga
kalakal. Malabis ang pagyabong ng lahat ng pagkakakitaan. Kaya’t dahil dito’y
mayaman ang kaasalan ng lahat. Bata’t matanda at sampung mga babae ay marunong
bumasa at sumulat ng mtalagang pagsulat nating mga tagalog. Dumating ang mga
kastila at dumulog na nakipagkaibigan. Sa mabuti nilang hikayat na di umano, tayo’y
aakayin sa lalong kagalingan at lalong imumulat an gating kaisipan, ang nasabing
nagsisipamahala ay nangyaring nalamuyot sa tamis ng kanilang dila sa paghibo. Gayon
man sila’y ipinailalim sa talagang kaugalian na mga tagalog na sinaksihan at pinagtibay
ang kanilang pinagkayarian sa pamamagitan ng isang panunumpa na kumuha ng
kaunting dugo sa kani-kanilang mga ugat at yao’y inihalo’t ininom nila kapwa tanda ng
tunay at lubos na pagtatapat na di magtataksil sa pinagkayarian. Ito’y siyang tinatawag
na “Pacto de Sangre” ng haring Sikatuna at ni Legaspi na pinaka-katawan ng hari ng
espanya.
Buhat nang ito’y mangyari, bumubilang na ngayon sa tatlong daang taon mahigit
ang lahi ni Legaspi ay ating binubuhay sa lubos na kasaganaan, ating pinagtatamasa at
binubusog, kahit abutin natin ang kasalatan at kadayukdukan; iginugugol natin ang
yaman, dugo at sampu ng buhay sa pagtatanggol sa kanila; kinakahamok natin sampu
ng tunay na mga kababayan na ayaw pumayag na sa kanila’y pasakop at gayon din
nman ay nakipagbaka tayo sa mga Intsik at taga-Holanda na nagbalak umagaw sa
kanila nitong Katagalugan.
Ngayon sa lahat ng ito’y ano ang ginawa nating paggugol sa nakikitang
kaginhawaan g ibinigay sa ating bayan? Ano ang nakikita nating pagtupad sa kanilang
kapangakuan na siyang naging dahilan ng ating paggugol! Wala kung di pawing
kataksilan ang ganti sa ating mga pagpapala at mga pagtupad sa kanilang
ipinangakong tayo’y lalong gigisingin sa kagalingan ay bagkus tayong binulag, inihawa
tayo sa kanilang hamak na asal, pinilit na sinira ang mahal at magandang ugali ng ating
Bayan; Iminulat tayo sa isang maling pagsampalataya at isinadlak sa lubak na
kasamaan ang kapurihan ng ating Bayan; at kung tayo’y mangahas humingi ng kahit
kabahid na lingap, ang nagiging kasagutan ay ang tayo’y itapon at ilayo sa piling ng
ating minamahal na anak, asawa at matandang magulang. Ang bawat isang himutok ay
pumulas sa ating dibdib ay itinuring na isang malaking pagkakasala at kara-karakang
nilalapatan ng sa hayop na kabangisan.
Ngayon ay wala ng maituturing na kapanatagan sa ating mamamayan;
ngayonlagi ng ginagambala an gating katahimikan ng umaalingawngaw na daing at
pananambitan buntong hininga at hinagpis na makapal na ulila, bao’t mga magulang ng
mga kababayang ipinanganyaya ng mga manlulupig na kastila; ngayon tayo’y malunod
na sa nagbabahang luha ng ina na nakitil na buhay ng anak sa pananangis ng sanggol
na pinangulila ng kalupitan na ang bawat patak ay katulad ng isang kumukulong tinga,
na sumasalang sa mahapding sugat ng ating pusong nagdaramdam; ngayon lalo’t lalo
tayong nabibilibiran ng tanikala ng pagkaalipin, tanikalang nakalalait sa bawat lalaking
may iniingatang kapurihan. Ano ang nararapat nating gawin? Ang araw ng kauwiran na
sumisikat sa Silanganan, ay malinaw na itinuturo sa ating mga matang malaong
nabulagan ang landas na dapat nating tunguhin, ang liwanag niya’y tanaw sa ating mga
mata, ang kukong nag-akma ng kamatayang alay sa ating mga ganid na asal. Itinuturo
ng katuwiran, na wala tayong iba pang maaantay kundi lalu’t lalong kaalipinan. Itinuturo
ng katuwiran na huwag nating sayangin ang panahon sa pag-asa sa ipinangakong
kaginhawaan na hindi darataing at hindi mangyayari. Itinuturo ng katuwiran ang tayo’y
umasa sa ating sarili at huwag hintayin sa iba an gating kabuhayan. Itinuturo ng
katuwiran ang tayo’y magkaisang-loob, makaisang-isip at akala at nang tayo’y
mgkalakas na maihanap ang naghaharing kasamaan sa ating Bayan.
Panahon na ngayong dapat lumitaw ang liwanag ng katotohanan; panahon ng
dapat nating ipakilala na tayo’y may sariling pagdaramdam, may puri, may hiya at
pagdadamayan. Ngayon panahon ng dapat simulant ang pagsisiwalat ng mga mahal at
dakilang aral n magwawasak sa masinsing tabing na bumubulag sa ating kaisipan;
panahon na ngayong dapat makilala ng mga tagalog ang pinagbuhatan ng kanilang
mga kahirapan. Araw na itong dapat kilalanin na sa bawat isang hakbang natin ay
tumutuntong tayo at nabibingit sa malalim na hukay ng kamatayan na sa ati’y inuumang
ng mga kaaway.
Kaya! Oh mga kababayan!Ating idilat ang bulag na kaisipan at kusang igugol sa
kagalingan an gating lakas sa tunay at lubos nap ag-asa na magtagumpay sa
nilalayong kaginhawaan ng bayanag tinubuan.

Emilio Jacinto (1875 – 1899)


Sagisag ng kabataang mapaghimagsik. Si Jacinto ay kinilalang Utak ng
Katipunan sapagkat tumayo siyang kanang-kamay ni Bonifacio. Hindi niya
hinihiwalayan liban na lamang sa huling yugto ng paghihimagsik, nang mapasugo siya
sa Laguna at si Bonifacio nama’y sa Cavite. Anak mahirap din si Jacinto. Siya ay may
matiising mga magulang na naghirap mapasok lamang sa kolehiyo ang anak. Kaya si
Jacinto ay nakapag-aral at naging bihasa sa Kastila na una niyang natutuhan sa
lansangang pinaglumagian niya nang bata pa. Lalong bihasa sa Kastila, nagpakahusay
si Jacinto sa Tagalog, sapagkat ito ang wikang kailangan para makasapi sa Katipunan
hanggang sa makasulat ng mga maaalab na katha bilang pagsunod sa tanging layuning
makaanib sa samahang mapaghimagsik. Matapat na makabayan, si Jacinto ay sumulat
ng mga paksang makabayan at mapaghimagsik sa Tagalog at Kastila. Sa mga isinulat
niya sa Tagalog na nilagdaang Dimas Ilaw, ibinibilang ang tinanggap na Kartilya ng
Katipunan na pinagtibay gamitin sa halip ng kartilya na inihanda ni Bonifacio, saka ang
Pahayag, Sa mga Kababayan, Ang Kasalanan ni Cain, Pagkatatag ng Pamahalaan sa
Hukuman ng Silangan at Samahan ng Bayan sa Pangangalakal. Isa sa lalong malaking
nagawa niya ang pagkakatatag at pagkakapamahala niya ng Kalayaan, ang
tagapamansag ng Katipunan na miminsang lumitaw noong Enero 18, 1896 na sa
pagkalaganap ay nakaaakit ng libu-libong kaanib ng samahan.
Si Emilio Jacinto ang naging matalinong katulong ni Andres Bonifacio sa
pagtatatag ng Katipunan. Siya ang tinaguriang “Utak ng Katipunan.” Pinamatnugutan
din niya ang “Kalayaan”, ang pahayagan ng Katipunan. Iniurong ni Bonifacio ang
kanyang isinulat na Kartilya bilang paggalang sa tungkulin ni Jacinto bilang kalihim ng
Katipunan. Ang kanyang Kartilya ang nasunod bilang kautusan ng mga kaanib sa
samahan.

Liwanag at Dilim
ni Emilio Jacinto

Ang ningning ay nakakasilaw at nakasisira sa paningin. Ang liwanag ay


kinakailangan ng mata upang mapagwari ang buong katunayan ng mga bagay-bagay.
Ang bubong kung tinatamaan ng nag-aapoy na sikat ng araw ay nagniningning,
ngunit sumusugat sa kamay ng nagaganyak na dumampot.
Ang ningning ay madaya.
Ating hanapin ang liwanag, tayo’y huwag mabighani sa ningning. Sa katunayan
ng masamang kaugalian, nagdaraan ang isang karwaheng maningning na hinihila ng
kabayong matulin. Tayo’y magpupugay at ang isasaloob ay mahal na tao ang
nakalulan. Datapwa’t marahil naman ay isang magnanakaw, marahil sa isang malalim
na kaniyang ipinagtatanghal na kamahalan at mga hiyas na tinataglay ay natatago ang
isang sukaban.
Nagdaraan ang isang maralita na nagkakandahirap-hirap sa pinapasan. Tayo’y
napapangiti at isasaloob: Saan kaya ninakaw? Datapwa’t maliwanag nating nakikita sa
pawis sa kanyang noo at sa hapo ng kaniyang katawan na siya’y nabubuhay sa sipag
at kapagalang tunay.
Ay! Sa ating pag-uugali ay lubhang nangapit ang pagsamba sa ningning at
pagtakwil sa liwanag.
Ito na nga ang isa pang dahilan kung kaya ang tao at ang mga bayan ay
namumuhay sa hinagpis at dalita.
Ito na nga ang dahilan kung kaya ang mga loob na inaakay ng kapalaluan at ng
kasakiman ay nagpupumilit na lumitaw na maningning lalung-lalo na nga ang mga hari
at mga pinuno na pinagkatiwalaan na sa ikagiginhawa ng kanilang mga kampon at
ibang walang nasa kundi ang mamalagi sa kapangyarihan sukdang ikainis at ikamatay
ng Bayan na nagbigay sa kanila ng kapangyarihan.
Tayo’y mapagsampalataya sa ningning, huwag nating pagtakhan na ang ibig
mabuhay sa dugo ng ating mga ugat ay magbalat-kayong ningning.
Ay! Kung ang ating dinudulugan at ating hinahainan ng puspos na galang ay ang
maliwanag at magandang asal at matapat na loob, ang kahit sino ay walang
mapagpapaningning pagkat hindi natin pahahalagahan at ang mga isip at akalang ano
pa man ay hindi hihiwalay sa maliwanag na banal na landas ng katwiran.
Ang kaliluhan at ang katampalasanan ay humahanap ng ningning upang huwag
mapagmalas ng mga matang tumatanghal ng kanilang kapangitan ngunit ang
kagalingan at ang pag-ibig na dalisay ay hubad, mahinhin at maliwanag na
napatatanaw sa paningin.
Ang lumipas na pinanginoon ng Tagalog ay labis na nagpapatunay ng
katotohanan nito.
Mapalad ang araw ng liwanag!
Ay! Ang Anak ng Bayan, ang kapatid ko ay matuto kaya na kumuha ng
halimbawa at lakas sa pinagdaanang mga hirap at binatang mga kaapihan?

JOSE RIZAL

Si Jose Protasio Rizal ay ang Pambansang Bayani ng Pilipinas. Siya ay


isinilang sa Calamba, Laguna noong Hunyo 19, 1861. Ang kanyang mga magulang ay
sina Ginoong Francisco Mercado at Ginang Teodora Alonzo.

Ang kanyang ina ang naging unang guro niya. Maaga siyang nagsimula ng pag-
aaral sa bahay at ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Biñan, Laguna.
Nakapag tapos siya ng Batsilyer sa Agham sa Ateneo de Manila noong Marso 23, 1876
na may mataas na karangalan.

Noong 1877, ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Unibersidad ng


Santos Tomas at Unibersidad Central de Madrid hanggang sa matapos niya ng sabay
ang medisina at pilosopia noong 1885. Natuto rin siyang bumasa at sumulat ng iba’t
ibang wika kabilang na ang Latin at Greko. At nakapagtapos siya ng kanyang masteral
sa Paris, France at Heidelberg, Germany.

Ang pinakadakilang bayani ng bansa ay hindi gaanong nagsulat sa wikang


Tagalog bagama’t nagmalasakit siya sa wika natin nang di gayun-gayon lamang.
Isinilang siya noong ika-19 ng Hunyo, 1861 at binaril sa Luneta noong ika- 30 ng
Disyembre, 1896. Ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ay isinulat niya sa wikang
Kastila ngunit nagkaroon ng mga salin sa iba’t ibang wika. Ang dalawang dakilang
akdang ito ni Rizal ay siyang malimit taguriang nobelang pangkasaysayan dahil sa
makatotohanang paglalahad ng mga buhay na pangyayari sa Pilipinas noong panahon
ng Kastila. Isinalin niya sa Tagalog ang mga kilalang kwento ni Hans Cristian at gayon
din ang William Tell ni Schikker.

ANG KABATAANG PILIPINO


ni Jose Rizal

Itaas ang iyong malinis na noo


Sa araw na ito, Kabataang Pilipino
Igilas mo rin ang kumikinang mong
Mayamang haraya,
Magandang pag-asa ng Bayan kong Mutya!
Makapangyarihang wari’y lumilipad,
At bibigyan ka ng muning mataas
Na maitutudla ng ganap na lakas
Mabilis na hangin sa kanyang paglipad
Malinis na diwa, sa likmuang hangad.

Ikaw ay bumaba
Na taglay ang ilaw
Ng sining at agham
Sa paglalabanan
Bunying Kabataan
At iyong kalagin ang gapos mong iyan
Tanikalang bakal na kinatalian
Ng malulain mong waring kinagisnan.

Tingnan mo’t sa danay


Na lubhang mainit na pinamahayan
Ng mga anino ng kakastilaan,
Ay isang marilag na putong ang alay
Ng kamay ng awa’t may dunong na taglay
Sa iyong sinilang
Sa lupaing ito ng kasilanganan.

Ikaw na palagi nang mataas ang lipad


Sa pakpak ng iyong mayamang pangarap,
Na iyong makita sa Olimpong ulap
Ang lalong matamis
Na mga tulaing pinakananais
Na higit ang sarap
Kaysa ‘ambrosia’ at ‘nectar’ na lagas
Ng mga bulaklak.

Ikaw na may tinig


Na buhat sa langit

Kaagaw sa tamis
Ng kay Filomenang malinis na himig
Sa gabing tahimik
At pinaparam mo sa taong may sakit.

Ikaw, na ang batong sukdulan ng tigas


Sa lakas ng iyong diwa’y naggagawad
Ng buhay at gilas
At ang alaalang malinis at wagas
Ng waring makislap
Ay nabibigyan ng kamay mong makislap
Ng buhay na walang masasabing wakas.

At ikaw na siyang
Sa may iba’t ibang
Balani ni Febong kay Apeles mahal,
Sa lambong ng katalagahan,
Gayundin,
Na sa guhit ng pinsel mong tanga’y
Nakapaglilipat sa kayong alinman.

Hayo na’t tumakbo! Sapagkat ang banal


Na ningas ng wari’y nais maputungan
Kayong naglalamay
At maipamansag ng tambuling tangan
Saanman humangga
Ang ngalan ng tao sa di matulusang
Lawak ng palibot na nakasasaklaw.

Malwalhating araw
Ito, Pilipinas, sa lupang tuntungan!
Ang Lumikha’y dapat na pasalamatan
Dahilan sa kanyang nasang mapagmahal
Na ikaw’y pahatdan
Ng aliw at madlang mga kabutihan.

FRANCISCO BALTAZAR (BALAGTAS)


Siya ang kinilalang “Ama ng Panulaang Tagalog” at tinaguriang Sisne ng
Panginay ay isinilang sa Panginay, Bigaa, Bulacan noong ika-2 ng Abril, 1788. Panday
lamang ang ama niyang si Juan Baltazar kaya kinuha siya ng isang ale sa ina at
pinapag-aral sa Maynila. Bilang pagtanaw ng utang na loob sa nagpa-aral sa kanya ay
ginamit ni Francisco ang apelyidong Balagtas nito. Nag-aral siya ng pagtula sa ilalim ni
Jose Dela Cruz na pangunahing makata noon sa Tondo.
Nanirahan si Francisco sa Pandacan at dito niya nakilala si Maria Asuncion
Rivera, ang Celia sa aklat niyang Florante at Laura. Nakaribal niya kay Maria si Mariano
Capule, isang mestisong Intsik na siyang gumawa ng paraan para mabilanggo si
Francisco at sa ganoon ay masarili niya si Maria hanggang sa mapangasawa ito.
Habang nakapiit, isinulat ni Francisco ang kanyang obra maestrang Florante at
Laura. Nang lumaya mula sa bilangguan, sa Bataan nanirahan si Francisco at
nanungkulang Huwes Awksilyer. Dito niya nakilala si Juana Tiambeng na kanyang
napangasawa. Nagkaroon sila ng labing-isang anak.
Isinulat ni Francisco noong 1834 ang kauna-unahan niyang tula na nagpatanyag
sa kanya, Ang Pagsisi. Narito pa ang kanyang ibang isinulat: Orosman at Zapira, Don
Nono at Zelinda, Clara Balmori at El Negrito Amante. Ang Vohamet at Constanza ay
hindi naitanghal sapagkat itinuring ng mga maykapangyarihan na may diwang laban sa
pamahalaan. Isa namang parsa ang La India Elegante y El Negrito Amante, na nanuya
sa hindi pantay na pagtinging panlipunan ng mga Kastila sa mga Pilipino.
BUOD NG FLORANTE AT LAURA
Ni Francisco Baltazar
Nagsimula ang salaysay ng awit sa isang gubat na mapanglaw. Nakatali sa
isang punungkahoy at naghihinagpis si Florante. Si Konde Adolfo ang dahilan ng
kanyang kasawian at nawalan siya ng malay-tao habang inaalala ang kasintahang si
Laura. Nalaman niyang pumayag daw si Laura na pakasal kay Konde Adolfo.
Sisilain ng dalawang leon si Florante nang siya ay iligtas ni Prinsipe Aladin ng
Persya. Nang magkamalay-tao si Florante, nagulat siya sapagkat nasa kandungan siya
ng isang kaaway. Nagkapalagayan sila ng loob at isinalaysay ni Florante ang buhay
niya kay Prinsipe Aladin.
Anak si Florante ng Duke ng Briseo na tagapayo ni Haring Linceo ng Albanya at
ni Prinsesa Floresca ng Crotona. Ipinadala siya ng ama sa Atena upang mag-aral at
dito niya nakaaway ang dati ay pangunahing mag-aaral na si Konde Adolfo na naiinggit
sa katanyagan ni Florante. Mabuti at nailigtas si Florante ni Menandro na pamangkin ng
guro nilang si Antenor at kaibigang matalik ni Florante nang totohanin ni Adolfo ang
pag-espada kay Florante sa isa nilang palabas. Itiniwalag sa paaralan si Adolfo at ito’y
umuwi sa Albanya.
Umuwi rin sa Albanya si Florante dahil namatay ang kanyang ina. Noon naman
humingi ng saklolo sa Albanya ang hari ng Crotona na lolo ni Florante. Bumuo ng
pangkat na tutulong sa Crotona at si Florante ang ginawang pinuno nito. Bago
nagtungo sa Crotona ay naging kasintahan ni Florante si Laura na anak ng hari ng
Albanya.
Nagwagi si Florante sa Crotona at tinalo niya ang tanyag na heneral ng Persya,
si Osmalik. Nang magbalik siya sa Albanya, nilulusob at kinukubkob ng mga Persiyano
ang Albanya. Tinalo rin nina Florante at Menadro ang mga Persiyano.
Nilusob nina Florante at Menandro ang Etolia nang tumanggap ng tawag si
Florante mula sa hari ng Albanya at siya ay pinauuwi. Patibong lamang ito ni Adolfo na
umaagaw sa kaharian. Pinatay ni Adolfo si Haring Linceo at Duke Briseo. Dinakip ng
mga kawal ni Adolfo si Florante at ipinagapos sa gubat habang pinipilit si Laura na
pakasal kay Adolfo.
Si Aladin naman ang nagsalaysay ng buhay niya. Anak siya ng sultan ng Persya,
Si Sultan Ali Adab at siya ang namuno sa mga Persyanong lumusob sa Albanya.
Nagbalik siya sa Persya at galit siyang ipinahuli ng kanyang ama sa bintang na
pinabayaan niya ang pakikipaglaban sa Albanya kaya natalo ang mga Persyano.
Pinalaya lamang siya nang pumayag si Flerida, ang kasintahan niya na pakasal sa
Sultan. Ngunit tumakas si Flerida nang palayain si Aladin, upang hanapin si Aladin.
Masayang tinig ng mga babae ang pumukaw sa pag-uusap ng dalawa. Sina Flerida at
Laura ang dumating. Nailigtas ni Flerida si Laura sa tangkang panggagahasa ni Adolfo
sa gubat. Pinana ni Flerida ang taksil.
Pamaya-maya ay dumating ang pangkat ni Menandro na kapwa nagbinyag
bilang kristiyano habang hindi pa namatay si Sultan Ali Adab. Nang mamatay ang
sultan, nagbalik sa Persya sina Aladin at naghari doon. Sina Florante at Laura naman
ay namuno sa Albanya.
Kabanata II (CALMA, CAMU, CUNANAN, DELA CRUZ)
Aralin 1

Batayang Kaalaman sa Lipunan

SOSYEDAD / LIPUNAN – tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan sa


isang organisadong komunidad na may iisang batas, tradisyon at pagpapahalaga.
- Ito ay isang buhay na organismo kung saan nagaganap ang mga pangyayari at
Gawain. Ito ay patuloy na kumikilos at nagbabago – Emile Durkheim.
(Mooney,2011)

- Ito ay kakikitaan ng tunggalian ng kapangyarihan. Ito ay nabubuo dahil sap ag-


aagawan ng mga tao ng pinagkukunang-yaman upang matugunan ang kanilang
pangangailangan – Karl Marx (Panopio, 2007)

- Ito ay binubuo ng tao na may magkakahawig na ugnayan at tungkulin.


Nuunawaan at higit na nakikilala ng tao ang kanyang sarili sa pamamagitan ng
pakikisalamuha sa iba pang miyembro ng lipunan – Charles Cooley (Mooney,
2011)

ELEMENTO NG LIPUNAN
1. Tao o Mamamayan – ang pinakamahalagang element ng lipunan na nainirahan
sa isang tiyak na teritoryo o lupang sakop ng lipunan.
2. Teritoryo – lawak ng nasasakupan ng lipunan at tinitirhan ng mga tao.
3. Pamahalaan – ahensiya na nagpapatupad ng mga batas at mga kautusan at
nagpapahayag sa kalooban ng lipunan.
4. Soberenya – pinakamataas na kapangyarihan ng lipunan para mapatupad o
mag-utos ng kagustuhan nito sa mga mamamayan sa pamamagitan ng mga
batas.

BUMUBUO SA LIPUNAN:
A. Istrukturang Panlipunan

MGA ELEMENTO NG ISTRUKTURANG PANLIPUNAN


1. Institusyon – isang organisadong Sistema ng ugnayan sa isang lipunan.
a. Pamilya
b. Edukasyon
c. Ekonomiya
d. Relihiyon
e. Pamahalaan

2. Social Group – tumutukoy sa dalawa o higit pang taong may magkatulad na


katangian na nagkakaroon ng ugnayan sa bawat isa at binubuo ng isang
ugnayang panlipunan.

3. Status – tumutukoy sa posisyong kinabibilangan ng isang indibidwal sa lipunan.


a. Ascribed Status – nakatalaga sa isang indibidwal simula nang siya ay
isilang.
b. Achieved Status – nakatalaga sa isang indibidwal sa bias ng kanyang
pagsusumikap.

4. Gampanin (Roles) – tumutukoy ang mga gampaning ito sa mga karapatan,


obligasyon at mga inaasahan ng lipunang kanyang gingalawan.

B. Kultura – ay isang kumplikadong Sistema ng ugnayan na nagbibigay kahulugan


sa paraan ng pamumuhay ng isang grupong panlipunan o isang lipunan sa
kabuuan.

- Ito ay kabuuang konseptong sangkap sa pamumuhay ng mga tao, ang batayan


ng kilos at gawi at ang kabuuang gawain ng isang tao.

- Ito ay tumutukoy sa kahulugan at paraan ng pamumuhay na naglalarawan sa


isang lipunan.

URI NG KULTURA
1. Materyal – binubuo ng mga gusali, likhang-sining, kagamitan at iba pang bagay
na nakikita at nahahawakan na likha ng tao.
- Ang mga bagay na ito ay may kahulugan at mahalaga sap ag-unawa sa kultura
ng isang lipunan.

2. Hindi Materyal – kabilang dito ang mga batas, gawi, ideya, paniniwala at norms
ng isang grupo ng mga tao.

MGA ELEMENTO NG KULTURA


1. Paniniwala (Beliefs) – tumutukoy ito sa mga kahulugan at paliwanag tungkol sa
pinaniniwalaan at tinatanggap na totoo.

2. Pagpapahalaga (Values) – maituturing itong batayan ng isang grupo kung ano


ang katanggap-tanggap at kung ano ang hindi. Ito ang batayan kung ano ang
tama at mali, kung ano ang nararapat at hindi nararapat.

3. NORMS – tumutukoy ito sa mga asal, kilos o gawi na binubuo at nagsisilbing


pamantayan sa isang lipunan.
- Nagsisilbing batayan ng mga ugali, aksyon at pakikitungo ng isang indibidwal sa
lipunang kinabibilangan.

a. Folkways – ang pangkalahatang batayan ng kilos ng mga tao sa isang grupo


o sa isang lipunan sa kabuuan.
b. Mores – tumutukoy sa mas mahigpit na batayan ng pagkilos. Ang paglabag
sa mores magdudulot ng mga legal na parusa.
4. Simbolo – ang paglalapat ng kahulugan sa isang bagay ng mga taong
gumagamit nito. Kung walang simbolo, walang magaganap na komunikasyon at
hindi rin magiging possible ang interaksyon ng mga tao sa lipunan.
Kabanata III (DIZON, GALINDEZ, GANTANG, GARCIA,
WASIGUEN)
Aralin 1
Panitikan Hinggil sa Lipunan/Pamahalaan

MILIMINAS
Miliminas: Taong 0069 ni Nilo Par Pamonag salin ni Ruby V. Gamboa-Alcantara mula
sa "Miliminas: Tuig 0069"

Tungkol sa awtor/tagasalin:
Si RUBY V. GAMBOA-ALCANTARA ay isang guro,
manunulat at kritiko mula sa Departamento ng Filipino at
Panitikan ng Pilipinas sa UP Diliman, Quezon City. Siya ang
awtor ng aklat na Ritwal at Diksiyonaryong Hiligaynon-Filipino.
Siya ay naging aktibong kasapi ng Unyon ng mga Manunulat sa
Pilipinas.

MILIMINAS:TAONG 0069
Miliminas, ito ang pangkat ng mga pulo na matatagpuan sa kalagitanaan ng
Dagat Pasipiko bago pa nagkaroon ng malaking pagbaha. Ang pangkat na ito ng pulo
ay binubuo ng higit sa 7,200 mga pulo. Ito ang tawag sa mga mamamayan ng nasabing
kapuluan at katulad din natin ang mga balat at hitsura. Ang kanilang pananalita ay
katulad rin sa atin. Ngunit dahilan sa nahuhuli sila sa sibilisasyon may mga pag-uugali
sila at pagsasalita na kaiba rin sa atin.
Mik ang tawag sa kanilang pera. At tawag nila sa isang taong mayroong isang
milyong mik o higit pa ay mikinaryo. Sa pagbibihis ay malaki ang pagkakaiba natin sa
kanila . Ang kanilang tawag sa pormal na damit para sa mga babae ay ang katumbas
sa atin ngayon na bathing suit at kamiseta at korto para sa lalaki.
Para mapangalagaan ang kanilang moralidad sa pagbibihis, may batas silang
ipinatutupad na hulihin ang sinumang magdaramit ng mahaba pa sa sa mini-skirt at
micro-skirt.

Ang upuan sa kanilang mga sasakyan ay nilalagyan ng kiluhan upang masukat


ang timbang ng mga pasahero dahil ito ang pagbabatayan ng kanilang pamasahe. Ito
ang tinatawag ng kanilang Public "Diservice Commission" na equality before the kilo.
Tungkol naman sa pamamalakad ng trapiko ay may ordinansa sila na
nagpaparusa sa mabagal magpatakbo. Ang kasalanan ng mabagal magpatakbo ay
tinatawag na not overspeeding.
Mayroon din silang serbisyo sa tubig na tinatawag na Nawasdak. Ang ahensyang
ito ay may 3 uri ng tubo. Ang una ay nilalabasan ng Malinis na tubig; ang ikalawa ay
nilalabasan ng Maruming tubing; at ang ikatlo, walang tubing kundi Hangin lamang.
Nakapagtataka? Ito ang pag-uuri ng Quatwasdak; Ang gripo na may malinis na tubig ay
mahal ang bayad at para sa mayaman lamang; ang may maruming tubig, para sa lahat
ng marunong magtrabaho o kung mayaman naman, gustong magtrabaho; at ang
pangatlo, para sa mga mahirap at ito ay walang bayad.
Mayroon ding nagmomonopolyo ng kuryente. Ito ang Patay Electric Company.
Tatlo rin ang uri ng serbisyo nito sa publiko. Ito ang Light Service, Brownout Service at
Blackout Service. Ang Light service ay nagbibigay ng ilaw sa araw at gabi. Ang
Brownout service ay nagbibigay ng ilaw kung hindi mo kailangan at mawawala kung
kailangan mo ang ilaw sa pagkain ng hapunan at pagbabasa kung gabi. Kung gusto mo
lang ng pangdekorasyon, ang dapat mong ipakabit ay iyong Blackout service.
Ang mga sidewalk sa kanilang lungsod ay higit na malalapad kaysa sa atin. Bakit
nga ba? Ang dahilan ay sapagkat ang mga bazaar ang umuukupa ng mga sidewalk at
ang mga nagtitinda ng sigarilyo at kung anu-ano ang siyang umuukupa ng mga kwartu-
kwarto na kung sa atin ngayon ay mga bazaar. At sabihin pa, ang mga may-ari ng mga
bazaar ang hinuhuli ng mga pulis sa kanilang pagtitinda sa mga sidewalk.
Ang mga opisyal sa bansa na tumaba habang sila ay nasa serbisyo ay
pinapatawan ng sala o akusasyon sa kanilang mga resolution, genuine na mga batas ,
at iba pa.
Upang mapagkatiwalaan ang mataas na opisyal ng bansa, itinatag ang anti-
genuine commission para sa paghuli ng mga nagpaparami ng pag-aari o tumatanggap
ng mga lagay na genuine, tulad ng genuine na resolutions, genuine na pera, genuine na
batas, at iba pa.
Ang pinakamalaking tindahan ay tinatawag na Super Blackmarket. May pintura
itong itim. Dito ipinagbibili ang mga bagay na ngayon ay ipinagbabawal tulad ng busil na
sigarilyo, apyan, mga bagay na ninakaw, at mga ipinagbibiling pekeng bagay. Ang mga
genuine na bagay ay ipinagbibili ng patago at tigkakaunti lamang dahil laging hinuhuli
ng mga alagad ng katiwalian ang nagbebenta ng mga ito at kinukumpiska pa ang
kanilang mga paninda. Katiwalian ang tawag nila sa kanilang batas, at ang
nagpapatupad nito ay tinatawag nilang alagad ng katiwalian.
Ang mga baril ng mga alagad ng katiwalian ay paltik. Dahil sa ang nag-aari
ng lisensyadong baril ay hinuhuli at pinapatawan ng salang illegal possession of
genuine firearm.
Sa panahong ito ay uso rin ang kickback na kaunti lang ang ikinaiba sa ating
tinatawag na kickback ngayon. Ang mga buwaya ng bansa (ito ang tawag sa mga
mataas na opisyal sa pamahalaan) ay sinisipa sa likod para sa bawat gatas o milk na
tanggaping suhol sa kanyang mga transaksyon. Ang mga buwaya ng bansa ay tumitigil
sa pagpapasipa kapag makapal na ang kanilang likod dahil ito ang magiging isang
batayan sa pagpili ng isang "Outstanding Buwaya of the Year".

Dalawang klase ng batas ang ipinalabas ng kanilang batasan na tinatawag na


"Circus of Miliminas". Ang isang batas ay para sa mayaman at ang isa ay para sa
mahirap.
Ang mga alagad ng bansa ay maliit lang ang sweldo pero malaki naman ang
kanilang maaaring gastusing representasyon.
Ang mga mamamayan ng Miliminas ay masyadong relihiyoso. Tatlo ang paborito
nilang santo- ang mik (ang pera mismo), ang buwaya, at si Santasa, isang taong may
sungay at buntot katulad ng tinatawag natin ngayong satanas. Ang pinakamalaking
kasalanang magagawa ay ang hindi pagpatay, hindi pagtataksil sa asawa at hindi pag-
angkin sa yaman ng iba, pagkaawa sa mga mahirap at hindi pagbibigay ng anumang
hingin sa kanila ng mga buwaya ng bansa.
Ang mga malaking transakyon ng pamahalaan ay pinagkakasunduan sa ilalim ng
puno, at tinatawag nila itong shady transactions. Ang iba naman ay binubuo sa ilalim ng
mesa ng mga opisyal ng pamahalaan. Dahil dito, ang mga mesa ay mataas para hindi
mauntog ang ulo ng mga opisyal kapag sumusuot sila sa ilalim nito.
Ang mga hues de pas natin ngayon ay tinatawag nila na hues de aupas. Parang
nakakatawa, ano? Pero iyan ang katotohanan. At isa pang nakapagtataka, ang
ginugwardyahan ay ang mga walang kasalanan. Bakit ganoon ang pamamalakad ng
hustisya rito? Iyan ang batas. At ang balak ay mapili ng hues de paupas kung sinu-sino
sa mga mamamayan ang palaaway at eskandaloso at sino ang mababait. Pagkatapos
ng bista at bumaba na ang hatol, ibinibilanggo ang mga walang sala upang ihiwalay sa
maraming mga nakakalayang masasamang tao. Sabihin pa, malalaki ang bilangguan
dito at kumpleto sa mga kasangkapan kaysa sa labas. Ang lahat ng bilanggo ay
tinatawag na VIP (Very Important Prisoner).
Kung tungkol sa sistema ng pagpili ng mga opisyal, ibang-iba sa atin. Simula pa
lang ng kampanya, magkaharap na sa entablado ang magkakalaban sa pulitika.
Nagbabatuhan ng putik. Sa atin ngayon ang mudslinging ay pasaring lamang sa mga
talumpati samantalang sa kanila ay talagang ginagawa. Ang bawat kandidato ay dapat
magsinungaling, magmura, mambato ng putik sa kalaban, mangako ng mga hindi
matutupad, dahil kung hindi nya ito gagawin ay pawawalan ng bisa ang kanyang
kandidatura ng komisyon ng kalokohan, ang ahensyang namamahala sa eleksyon. Sa
araw ay namimili rin ang tao ng iboboto kahit na ang isinusulat sa balota ay hindi na nila
pinag-iisipan. Ang inisip nila ay ang naipon na bala ng mga kandidato, at mga napatay
ng kanilang mga kampon, at ang may pinakamaraming pera. Ang kanilang ibinoto ay
tinatawag na ibinoto sa bala at hindi ibinoto sa balota.
Ang mga pulitiko at ang kanilang mga kampon ay hindi natatakot mapatay at
pumatay sa panahon ng kampanya at eleksyon dahilan sa kanilang paniniwalang ito
ang magdadala sa kanilang kaluluwa sa impyerno kung saan mabubuhay sila nang
maligaya kasama si Santasa, ang kanilang paboritong santo.
Ang Eleksyon ay tuwing ikalawang taon. Kung gayon ay masasabi natin na
madaling maubos ang mga mamamayan dito kung madali ang patayan sa panahon ng
eleksyon. Subalit nababawi rin ito ng imbensyon ng isang bantog na baliw (ito ang
tawag nila sa kanilang henyo) na nakabuo ng isang tabletang kung iinumin ng mag-
asawa ay magkakaanak ang babae ng isang instant baby, na ipinagbubuntis sa loob
lamang ng dalwampu't apat na oras.

Napakadali ng pagpapalit-palit ng kapangyarihan sa MIliminas. Patuloy pa rin


ang pag-iral ng mga bayang kontento na sa klase ng pamamalakad dito na sa panahon
ngayon ay masasabing kabaligtaran ng mga pangyayari. Ipinagmamalaki pa ng
matataas ang katungkulan sa pamahalaan ang pagsasamantala sa kabuhayan ng mga
mamamayan. Ang bagong Milimino, ang mga bayaning gumagala sa kapuluan, sila ang
magigiting na tumanggap ng mga papuri na maririnig mo sa bibig ng nakaraang
administrasyon. At sinu ang kanilang pinagtutungkulan? Ang pinagtutungkulan nila ng
papuri ay mga ismagler, mga namomorsyento, mga kickback artist, mga mayamang
nag aapi sa mga mahirap, mga nang-aagaw ng lupa ng may lupa, mga alagad ng
katiwalian na nang-aabuso sa mga mamamayan, mga hues de paupas at mga
pislak(piskal) na hindi tumitingin sa kisalp ng espada ng katarungan at timbangan ng
katotohanan kundi tumitingin sa kalansing ng pilak at timbangan ng malalakas at
maykapangyarihan, mga walang ginagawa sa bayan kundi aksayahin ang kaban ng
bansa na sa halip na gamitin ang kanilang katungkulan sa pagsisilbi sa publiko ay
ginagamit pa ito sa pangangamkam ng yaman.
Ang ilan sa mga alagad ng bayan na sa ngayon na masasabi nating gumagawa
ng mabuti ay nagtatago, nahihiya dahil pinagtatawanan sila ng kanilang mga
kasamahan. Hindi lang iyan, kinukutya pa sila, at kung mahuli ng kanilang hepe ay
kinagagalitan pa at inaalis sa trabaho.
May ilang kabataang malawak ang pagiisip na tumawag ng isang pulong kung
saan ipinaliwanag nila ang kaibahan ng pamamahala na kanilang isinasagawa. Ang
kanilang prinsipyo ay humingi ng isang klase ng pag-uugnayan ng mga namamahala at
pinamamahalaan. Noong simula ay tinatawanan lamang sila ng mga pinuno. Ngunit ng
lumaon ay madame na ang dumadalo sa kanilang pulong, bukod pa sa mga mahirap.
Ipinagbawal ng pamahalaan ang pagdaraos ng pulong ng grupong ito ng mga kabataan
na tinatawag nilang dungis ng lipunan.
Ang simpatya ng mga mahirap ay nakuha ng mga kabataan. At ang pagbabawal
sa kalayaan ng mga ito, at nang lumaon ay pagpatay ng ilan sa kanila, ang naging
dahilan ng pagkagalit ng mga mayaman at ng may katungkulan. Sumiklab ang isang
rebulusyong lumaganap sa buong kapuluan ng Miliminas.
Bilang parusa sa kanilang dyos na si Santasa, dumating ang isang malaking
baha, nagkaroon ng malakas na paglindol hanggang sa pumutok ang isang malaking
bulkan sa kailaliman ng dagat sa gitna ng kapuluan na siyang naging dahilan ng
paglalaho ng Miliminas sa sanlibutan.
Aralin 2

UPUAN
ni GLOC 9

Tungkol sa awtor/umawit:
Si Gloc-9 (Aristotle Pollisco) ay isang Pilipino na
kwalipikado sa Awit Award. Ang kanyang mabilis na pagsalita ay
ang daan upang siya ay maging isa sa mga tagumpay
na rapper sa Pilipinas. Siya ay nanalo ng gantimpala sa pagiging
Pinakamagaling na Rapper sa Philippine Hip-Hop Music
Awards sa tatlong magkakasunod na taon (2005–2007) at siya rin
ay nakilala sa MYX at MTV

UPUAN

Kayo po na nakaupo
Subukan nyo namang tumayo
At baka matanaw, at baka matanaw na nyo
Ang tunay na kalagayan ko
Tao po, nandyan po ba kayo sa loob ng
Malaking bahay at malawak na bakuran
Mataas na pader pinapaligiran
At naka pilang mga mamahaling sasakyan
Mga Patay na laging bulong ng bulong
Wala namang kasal pero marami ang naka barong
Lumakas man ang ulan ay walang butas ang bubong
Mga plato't kutsara na hindi kilala ang tutong
At ang kanin ay simputi ng gatas na nasa kahon
At kahit na hindi pasko sa lamesa ay may hamon
Ang sarap sigurong manirahan sa bahay na ganyan
Sabi pa nila ay dito mo rin matatagpuan
Ang tao na nagmamay-ari ng isang upuan
Na pag may pagkakatao'y pinag-aagawan
Kaya naman hindi niya pinakakawalan
Kung makikita ko lamang siya ay aking sisigawan
Kayo po na naka upo
Subukan nyo namang tumayo
At baka matanaw, at baka matanaw na nyo
Ang tunay na kalagayan ko
Mawalang galang na po
Sa taong naka upo
Alam niyo bang pantakal ng bigas namin ay di puno
Ang ding-ding ng bahay namin ay pinagtagpi-tagping yero
Sa gabi ay sobrang init na tumutunaw ng yelo
Na di kayang bilhin upang ilagay sa inumin
Pinakulong tubig sa lumang takuring uling-uling
Gamit lang panggatong na inanod lamang sa istero
Na nagsisilbing kusina sa umaga'y aming banyo
Ang aking inay na may kayamanan isang kaldero
Na nagagamit lang pag ang aking ama ay sumweldo
Pero kulang na kulang parin
Ulam na tuyo't asin
Ang singkwenta pesos sa maghapo'y pagkakasyahin
Di ko alam kung talagang maraming harang
O mataas lang ang bakod
O nagbubulag-bulagan lamang po kayo
Kahit sa dami ng pera niyo
Walang doktor na makapagpapalinaw ng mata niyo
Kaya...
Wag kang masyadong halata
Bato-bato sa langit
Ang matamaa'y wag magalit
O bato-bato bato sa langit
Ang matamaan ay
Wag masyadong halata (ooh)
Wag kang masyadong halata
Hehey, (Wag kang masyadong halata)
(Wag kang masyadong halata)

Aralin 3

Heneral Luna
Direksyon ni: Jerrold Tarog
Isinulat nina:Henry Francia
E.A. Rocha
Jerrold Tarog

Panuorin ang pelikula sa link na ito: https://www.youtube.com/watch?v=SYWo6FoVacY

Tungkol sa Pelikula
Ang Heneral Luna ay isang pelikulang naglalahad sa tunay
na kwento ni Heneral Antonio Luna, ipinapakita dito kung paano siya
mamuno sa ilalim ng Unang Republika ng Pilipinas noong panahon
ng gyera ng Amerikano at Filipino.
Mula sa direksyon ni Jerrold Tarog at mula sa produksyon ng
Artikulo Uno Productions, ang pelikulang ito ay umani ng mga papuri
mula sa mga Filipino. Ang magandang pamamaraan ng pagkuha ng
eksena at pagsasaayos ng mga pangayayare ang siyang ikinatuwa ng madla lalo na sa
mga linya o hugot na bitaw ng mga artista.
Higit kumulang 80 million pesos ang gastos sa produksyon ng ganitong klaseng pelikula
kung kaya’t naisama ito sa pinakamahal na nagastusan sa paggawa lamang ng isang
pelikula sa bansa. Ngunit sa kabila ng gastos, mas malaking bagay naman ang
maiaambag nito sa bansa maliban sa pagmulat sa mga mata ng sambayanang Filipino,
ipinapakita na din sa pamamagitan ng pelikulang ito kung gaano na umuunlad sa
industriya ng paggawa ng mga pelikula ang bansang Pilipinas.

Mga Gumanap
• John Arcilla bilang Gen. Antonio Luna
• Mon Confiado bilang President Emilio Aguinaldo
• Epi Quizon bilang Prime Minister Apolinario Mabini
• Joem Bascon bilang Col. Francisco “paco” Roman
• Archie Alemania bilang Captain Eduardo Rusca
• Alvin Anson bilang Gen. Jose Alejandro
• Nonie Buencamino bilang Felipe Buencamino
• Paulo Avelino bilang Gen. Gregorio del Pilar
• Leo Martinez bilang Pedro Paterno
• Alex Medina bilang Captain jose Bernal
• Art Acuna bilang Colonel Manuel Bernal
• Ronnie lazaro bilang Lt. Garcia
• Ketchup Eusebio bilang Capt. Pedro Janolino
• Bing Pimentel bilang Laureana Luna
• Lorenz Martinez bilang Gen. Tomas Mascardo
• Benjamin Alves bilang Lt. Manuel L. Quezon
• Romcel Musa bilang Gen. Arthur MacArthur
• Allan Paule bilang Juan Luna
• Marc Abaya bilang batang Antonio
• Perla Bautista bilang Trinidad Aguinaldo
• Carlo Aquino bilang katulong ni Del Pilar

Buod ng Pelikula

Nagsimula ang pelikula nang si Presidente Emilio Aguinaldo at ang miyembro ng


kanyang gabinete ay nagkakaroon ng debate tungkol sa pagdating ng mga Amerikano
sa ating bansa ngunit si Felipe Buencamino at Pedro Paterno ay gustong sumuporta sa
mga plano ng Amerikano, samantalang ang punong ministro na si Apolinario Mabini at
Genaral Antonio Luna ay naghahangad ng kalayaan para sa Pilipinas. Ngunit sa di
inaasahang pangyayari ang mga Amerikano pala ay gustong sakupin ang ilan sa mga
siyudad ng Maynila at nagdeklara ng gyera laban sa mga Pilipino.

Si Luna at ang kanyang mga masugid at matapat na tagapaglingkod na si


Heneral Jose Alejandro, Colonel Francisco “paco” Roman, Kapitan Eduardo Rusca,
Kapitan Jose Bernal ay sumama sa kampanya laban sa mga mananakop na Amerikano
sa pamumuno ni General Arthur Mc Arthur na ama ni General Mc Arthur nakilala sa
katagang (I shall return).

Si Luna ay humingi ng dagdag na kasapi mula kay Kapitan Pedro Janolino ngunit
si Janolino ay hindi sumunod sa kadahilanang susunod lamang siya kung ito ay ipinag-
uustos ng presidente at hindi kailanman kung galing kay Heneral Luna. Si Luna ay
nagalit nang husto kung kaya’t ipinahiya niya ito sa harap ng kanyang mga tauhan na
naging dahilan ing pagtanim ni Janolino ng sama ng loob kay Luna.

Si Heneral luna ay kilala sa katagang “Artikulo Uno” kung kaya’t siya ay lubos na
kinakatakutan ng mga sundalo o mga alipores nito. Ang Artikulo Uno ay naglalayong
ipatupad sa kung sinuman ang hindi sumunod sa kanyang pinag-uutos ay mahahatulan
ng kamatayan nang walang paglilitis. Kung kaya’t si Heneral Luna ay nakakumbinsi ng
higit kumulang apat na libong katao na sumanib sa kanyang hukbo.Sa kabilang banda
si Buencamino at si Paterno ay nagsalita na buo ang kanilang suporta sa panig ng mga
Amerikano na syang ipinakulong agad ni Luna.

Ngunit nang malaman ni Heneral Luna na nakalaya sina Buencamino at Paterno,


pumunta agad ito sa himpilan nila Aguinaldo at Mabini, doon ay nakipagpulong ito at
siya’y humihingi ng kompormiso na tumiwalag at hindi na maging Heneral kailanman
ngunit si Aguinaldo ay hindi pumayag, sa halip ay pinayagan ni Aguinaldo na mamuno
si Heneral Luna sa Philippine Army sa gawing norte.

Sa mga sumunod na araw, ipinatawag si Luna ni Aguinaldo sa pamamagitan ng


telegrama na pumunta sa Cabanatuan kung saan namamalagi si Emilio Aguinaldo,
ngunit ang natagpuan na lamang niya roon ay si Buencamino. Ngunit may biglang
nagpaputok ng baril sa labas ng himpilan kung kaya’t agad itong lumabas at nagmasid.
Nakita ni Luna si Janolino na nanlilisik ang mga mata at may awrang galit na galit.
Biglang inatake nito si Luna maging ang mga tauhan nito, pinagbabaril, pinagtataga nila
si Luna ngunit kahit na sugatan ay patuloy itong lumaban hanggang sa nabaril ito sa
mata, ngunit patuloy pang bumabangon at nagpapakita na hindi sya magpapatalo
hanggang sa nabaril ito ng isa sa mga tauhan ni Janolino sa gitnang bahagi ng ulo sa
bandang sentro ng kanyang utak at dito napatumba nila si Luna. Samantala, napatay
din nila si Roman sa pamamagaitan ng pagbaril sa ulo at si Rusca ay walang nagawa
kun hindi sumuko nalang. Lahat ng kasapi at mga taong naglingkod nang tapat sa
kanya ay ipinapatay ni Aguinaldo. Habang inililibing si Luna, napansin ni Mabini ang
duguang sandata ng isa sa mga tauhan ni Janolino ngunit nanatiling takip-bibig sa
kanyang mga napansin o nakita.
Kabanata IV (GOMEZ, GUEVARRA, GUEVARRA R. GUINTO,
VALENCIA)
Aralin 1

PANITIKAN HINGGIL SA KAHIRAPAN

Ang kahirapan ay isa sa mga problema na kinakaharap ng mga Pilipino. Ito ay


isa rin sa problema na hindi matapos tapos at hindi rin mabigyan ng solusyon. Mahigit
kumulang 48% o 11.1 milyon ang bilang ng mga pamilyag Pilipino na nagsasabi at
itinuturing ang kanilang sarili bilang mahirap. Ito ay batay sa ikalawang ‘survey’ na
ginawa ng SWS o Social Weather Stations.

Isa sa sanhi ng kahirapan ay ang pagkakaroon ng mababang antas ng


edukasyon. Marami ang nagsasabi na ang edukasyon ang ating puhunan para sa ating
kinabukasan ngunit marami rin ang hindi nakakapag aral dahil nagkakaroon ng
kakulangan sa pera na ipangbabayad sa paaralan na papasukan pati na rin pangbili ng
kagamitan na kakailanganin ng isang mag-aaral. Ang ibang mag-aaral naman ay
nagtratrabaho habang nag aaral. Ito na rin ang magsisilbing tulong nila sa kanilang mga
magulang at matustusan ang kanilang sariling pag-aaral ngunit ang iba ay mas pinipili
ang magtrabaho na lamang dahil ang kanilang kinikita ay sapat lamang sa kanilang
pangangailangan araw-araw at kulang pa para sila ay makapasok sa paaralan.

Ang kawalan ng malinaw na pagplaplano at malabis na paggatos ay isa rin


sa dahilan ng kahirapan dahil ang ibang tao ay padalos-dalos kung mag
desisyon. Mayroong mga tao na mas inuuna ang kanilang kagustuhan kasya sa
pangangailangan ng kanilang pamilya. Ang nararapat na pera na nakalaan para sa
kanilang kakainin araw-araw ay kadalasang nauubos dahil ang iba ay hindi marunong
humawak ng pera. Ang iba naman ay nagkaroon muna ng pamilya kaysa trabaho kung
kaya’t hindi sila malinawan kung saan kukuha ng pera na kanilang gagamitin sa pang
araw-araw. Mayroong mga nakakahanap ng trabaho ngunit hindi naman
pangmatagalan marahil ay kulang lamang sila sa tiyaga at pag pupursigi ngunit isa rin
sa dahilan ay ang pagkakaroon ng mababang antas ng edukasyon.

Maraming pilipino ang nalululong sa masamang bisyo. Ito ay maituturing na


dahilan rin sa kahirapan. Ang paggamit ng alak at sigarilyo ay nakakasira ng ating
kalusugan , pamilya, kabuhayan at kinabukasan dahil kung ito ay iyong makasanayan
ay mahirap na itigil. Ang iba ay ginagastos ang pera sa pagbili ng mga alak hanggang
sa wala na silang maiuwing pera sa kanilang pamilya dahil naubos na sa pag inom at
pagsusugal. Ito rin ang dahilan ng hindi pagtratrabaho dahil nauubos na ang oras sa
bisyo at hindi na magawang pumasok at mag hanapbuhay. Ang resulta ay ang kawalan
ng sweldo o kita na maaaring magamit sana sa pangtustos ng pangangailangan ng
kanilang pamilya.

Kung ating susuriin ay na sa ating mga kamay ang kapangyarihan upang tayo ay
magtagumpay dahil kung atin lamang gugustuhin ay maraming paraan upang tayo ay
makaahon sa kahirapan. Nararapat lamang na tayo ay magkaroon ng tiyaga at
magpursigi sa lahat ng ginagawa at mga oportunidad. Nararapat din na unahin muna
natin ang mag hanap ng trabaho at magkaroon ng sapat na kita kasya sa ibang gusto
nating gawin. Sa ganitong paraan maaaring mabawasan ang mga bilang ng mga
mahihirap sa Pilipinas.

Sanggunian: https://medium.com/@maryandreipascual/ang-mga-sanhi-ng-kahirapan-
sa-pilipinas-81bc76790219

ANG KALUPI
ni Benjamin P. Pascual

Tungkol sa awtor
Si BENJAMIN P. Pascual' ay ipinanganak sa Lungsod ng
Laoag, Ilocos Norte. Isa siyang kuwentista at nobelista. Marami na
siyang naisulat na maikling kuwento sa wikang Ilokano at nakasulat na
rin ng dalawang nobela sa wikang ito. Naisalin niya sa wikang Ilokano
ang Rubaiyat ni Omar Khayam. Magkasama sila ni Jose Bragado na
nag-edit ng Pamulinawen, isang antolohiya ng mga tula ng 36 na
makatang Ilokano. Siya ang Tagapayong Legal ng GUMIL, Metro
Manila. Mula sa kanyang panulat ang maikling kuwentong Ang Mga
Lawin na isinalin ni Reynaldo Duque sa Tagalog.

ANG KALUPI
Mataas na ang araw nang lumabas si Aling Marta sa bakuran ng kanilang maliit
na barungbarong. Aliwalas ang kanyang mukha: sa kanyang lubog na mga mata na
bahagyang pinapagdilim ng kanyang malalagong kilay ay nakikintal ang kagandahan ng
kaaya-ayang umaga. At sa kanyang manipis at maputlang labi, bahagyang pasok sa
pagkakalat, ay naglalaro ang isang ngiti ng kasiyahan. Araw ng pagtatapos ng kanyang
anak na dalaga; sa gabing iyon ay tatanggapin nito ang diploma bilang katunayang
natapos niya ang apat na taong inilagi sa mataas na paaralan. Ang sandaling
pinakahihintay niya sa mahaba-haba rin namang panahon ng pagpapaaral ay dumating
na. Ang pagkakaroon ng isang anak na nagtapos ng high school ay hindi na isang maliit
na bagay sa isang mahirap na gaya niya, naiisip niya. Sa mapangarapin niyang diwa ay
para niyang nakikita ang kanyang anak na dalaga sa isang kasuotang putting-puti,
kipkip ang ilang libro at nakangiti, patungo sa lalo pang mataas na hangarin sa buhay,
ang makatapos sa kolehiyo, magpaunlad ng kabuhayan at sumagana. Maaaring balang
araw ay magkaroon din siya ng mamanuganging may sinabi rin naman. Nasa daan na
siya ay para pa niyang naririnig ang matinis na halakhak ng kanyang anak na dalaga
habang paikut-ikot nitong sinusukat sa harap ng salamin ang nagbubur-dahang puting
damit na isusuot sa kinagabihan. Napangiti siyang muli.
Mamimili si Aling Marta. Bitbit ng isang kamay ng isang pangnang sisidlan ng
kanyang pamimiling uulamin. Habang daan, samantalang patungo sa pamilihang bayan
sa Tundo, ay mataman niyang iniisip ang mga bagay na kanyang pamimilhin. Hindi
pangkaraniwang araw ito at kailangang magkaroon silang mag-anak ng hindi
pangkaraniwang pananghalian. Bibili siya ng isang matabang manok, isang kilong
baboy, gulay na panahog at dalawang piling na saging. Bibili na rin siya ng garbansos.
Gustong-gusto ng kanyang magtatapos na anak ang minatamis na garbansos.
Mag-ikakasiyam na nang dumating siya sa pamilihan. Sa labas pa lamang ay
naririnig na niya ang di magkamayaw na ingay na nagbubuhat sa loob, ang ingay ng
mga magbabangus na pagkanta pangisinisigaw ang halaga ng kanilang paninda, ang
salit-salitang tawaran ng mga mamimili.
Linggo ng umaga at ang palengke ay siksikan. Sa harapan niya painiling
magdaan. Ang lugar ng magmamanok ay nasa dulo ng pamilihan at sa panggitnang
lagusan siya daraan upang magdaan tuloy sa tindahan ng mga tuyong paninda at
bumili ng mantika. Nang dumating siya sa gitnang pasilyo at umakmang hahakbang na
papasok, ay siyang paglabas na humahangos ng isang batang lalaki, at ang kanilang
pagbabangga ay muntik na niyang ikabuwal. Ang siko ng bata ay tumama sa kanyang
dibdib. “Ano ka ba?” ang bulyaw ni Aling Marta. “Kaysikip na ng daraanan ay patakbo
ka pa kung lumabas!”
Ang bata ay nakapantalon ng maruming maong na sa kahabaan ay pinag-ilang-
lilis ang laylayan. Nakasuot ito ng libaging kamiseta, punit mula sa balikat hanggang
pusod, na ikinalitaw ng kanyang butuhan at maruming dibdib. Natiyak ni Aling Marta na
ang bata ay anak-mahirap.
“Pasensya na kayo, Ale” ang sabi ng bata. Hawak nito ang isang maliit na bangos.
Tigbebente, sa loob-loob ni Aling Marta. Ang bata ay takot na nakatingin sa kanya,
“Hindi ko ho kayo sinasadya. Nagmamadali ho ako e.”
“Pasensya!” – sabi ni Aling Marta. “Kung lahat ng kawalang-ingat mo’y
pagpapasensiyahan nang pagpapasensiyahan ay makakapatay ka ng tao.”
Agad siyang tumalikod at tuloy-tuloy na pumasok. Paano’t pano man, naisip niya,
ay ako ang huling nakapangusap. Higit kong daramdamin kung ako na itong nagawan
ng hindi mabuti ay sa kanyang pa manggagaling ang huling salita. Mataman niyang
inisip kung me iba pang nakikita sa nangyari. Marahas ang kanyang pagkakapagsalita
sa bata at maaaring may kakilala siyang nagdaraan na nakarinig ng kanyang mga
sinabi. Dumating siya sa tindahan ng mga tuyong paninda at bumili ng ilang kartong
mantika.
“Tumaba yata kayo, Aling Gondang,” ang bati niya sa may kagulangan nang tindera na
siya niyang nakaugaliang bilhan. Nakangiti siya at ang babae ay ngumiti rin.
“Tila nga ho,” ani Aling Gondang. “Tila ho nahihiyang ako sa pagtitinda.”
Natawa si Aling Marta at pagkaraan ay dumukot sa bulsa ng kanyang bestido
upang magbayad. Saglit na nangulimlim ang kanyang mukha at ang ngiti sa maninipis
niyang labi ay nawala. Wala ang kanyang kalupi! Napansin ng kaharap ang kanyang
anyo.
“Bakit ho?” anito.
“E…e, nawawala ho ang aking pitaka,” wala sa loob na sagot ni Aling Marta.
“Ku, e magkano ho naman ang laman?” ang tanong ng babae.
Ang tanda niyang laman ng kanyang kalupi ay pitumpong piso na siyang bigay
na sahod ng kanyang asawa nang sinundang gabi. Sabado. Ngunit aywan ba niya kung
bakit ang di pa ma’y nakikiramay ang tonong nagtatanong ay nakapagpalaki ng
kanyang loob upang sabihing, “E, sandaan at sampung piso ho.”
Nanatili siya sa pagkakatayo nang ilang saglit, wari’y tinakasan ng lakas, nag-
iisip ng mga nakaraang pangyayari. Mayamaya ay parang kidlat na gumuhit sa kanyang
alaala ang gusgusing batang kanyang nakabangga. Tumama ang siko nito sa kanyang
dibdib, sa kanyang katawan! Dali-dali siyang tumalikod at patakbong lumabas. Hindi pa
marahil iyon nakakalayo; may ilang sandali pa lamang ang nakaraan, ang tabas ng
mukha, ang mukha, ang gupit, ang tindig. Sa labas, sa harap ng palengke na
kinaroroonan ng ilang tindahang maliliit at ng mangailan-ngilang namimili at ang batang
panakaw na nagtitinda ng gulay, ay nagpalingan-linga siya. Patakbo uli siyang lumakad,
sa harap ng mga bilao ng gulay na halos mayapakan na niya sa pagmamadali, at sa
gawing dulo ng prusisyon na di kalayuan sa natatanaw niyang karatig na outpost ng
mga pulis, ay nakita niya ang kanyang hinahanap. Nakatayo ito sa harap ng isang bilao
ng kangkong at sa malas niya ay tumatawad. Hindi siya maaari magkamali: ang
wakwak na kamiseta nito at ang mahabang panahon na ari’y salawal ding ginagamit ng
kanyang ama, ay sapat nang palatandaan upang ito ay madaling makilala. At ang
hawak nitong bangos na tigbebente.
Maliksi siyang lumapit at binatak ang bata sa liig. “Nakita rin kita!” ang sabi niyang
humihingal. “Ikaw ang dumukot sa pitaka ko, ano? Huwag kang magkakaila!”
Tiyakan ang kanyang pagsasalita; ibig niyang sa pagkalito ng bata sa pag-aapuhap ng
isasagot ay masukol niyang buong-buo. Ngunit ang bata ay mahinang sumagot:
“Ano hong pitaka?” ang sabi. “Wala ho akong kinukuha sa inyong pitaka.”
“Ano wala!” pasinghal na sabi ni Aling Marta. “Ikaw nga ang dumudukot ng pitaka ko at
wala ng iba. Kunwa pa’y binangga mo ‘ko, ano ha? Magaling, magaling ang sistema
ninyong iyan! Kikita nga kayo rito sa palengke!”
Marami nang nakapaligid sa kanila, mga batang nagtitinda, lalaki at babaeng namimili.
Hinigpitan ni Aling Marta ang pagkakahawak sa leeg ng bata at ito’y pilit na iniharap sa
karamihan.
“Aba, kangina ba namang pumasok ako sa palengke e banggain ako,” ang sabi niya.
“Nang magbabayad ako ng pinamimili ko’t kapain ang bulsa ko e wala nang laman!”
“Ang mabuti ho’y ipapulis ninyo,” sabing nakalabi ng isang babaeng nakikinig.
“Talagang dito ho sa palengke’y maraming naglilipanang batang gaya niyan.”
“Tena,” ang sabi ni Aling Marta sa bata. “Sumama ka sa akin.”
“Bakit ho, saan ninyo ako dadalin?”
“Saan sa akala mo?” sabi ni Aling Marta at pinisil ang liig ng bata. “Ibibigay kita sa pulis.
Ipabibilanggo kita kapag di mo inilabas ang dinukot mo sa akin.”
Pilit na nagwawala ang bata; ipinamulsa niya ang hawak na bangos upang
dalawahing-kamay ang pag-alis ng mabutong daliri ni Aling Marta na tila kawad sa
pagkakasakal ng kanyang liig. May luha nang nakapaminta sa kanyang mga mata at
ang uhog at laway ay sabay na umaagos sa kanyang liig. Buhat sa likuran ng mga
manonood ay lumapit ang isang pulis na tanod sa mga pagkakataong tulad niyon, at
nang ito ay malapit na ay sinimulan ni Aling Marta ang pagsusumbong. “Nasiguro ko
hong siya dahil nang ako’y kanyang banggain, e, naramdaman ko ang kanyang kamay
sa aking bulsa,” patapos niyang pagsusumbong. “Hindi ko lang ho naino kaagad pagkat
ako’y nagmamadali.”
Tiningnang matagal ng pulis ang bata, ang maruming saplot nito at ang
nagmamapa sa duming katawan, pagkatapos ay patiyad na naupo sa harap ng nito at
sinimulang mangapkap. Sa bulsa ng bata, na sa pagdating ng pulis ay tuluyan nang
umiyak, ay lumabas ang isang maruming panyolito, basa ng uhog at tadtad ng sulsi,
diyes sentimos na papel at tigbebenteng bangos.
“Natitiyak ho ba ninyong siya ang dumukot ng inyong pitaka?” ang tanong ng pulis kay
Aling Marta.
“Siya ho at wala ng iba,” ang sagot ni Aling Marta.
“Saan mo dinala ang dinukot mo sa aleng ito?” mabalisik na tanong ng pulis sa bata.
“Magsabi ka ng totoo, kung di ay dadalhin kita.”
“Wala ho akong dinukot na maski ano sa kanya,” sisiguk-sigok na sagot ng bata. “Maski
kapkapan ninyo ‘ko nang kapkapan e wala kayong makukuha sa akin. Hindi ho ako
mandurukot.”
“Maski kapkapan!” sabad ni Aling Marta. “Ano pa ang kakapkapin naming sa iyo kung
ang pitaka ko e naipasa mo na sa kapwa mo mandurukot! O, ano, hindi ba ganon
kayong mga tekas kung lumakad…dala-dalawa, tatlu-talto! Ku, ang mabuti ho yata,
mamang pulis, e ituloy na natin iyan sa kuwartel. Baka roon matulong matakot iyan at
magsabi ng totoo.”
Tumindig ang pulis, “Hindi ho natin karakarakang madadala ito ng walang evidencia.
Kinakailangang kahit paano’y magkakaroon tayo ng maihaharap na katibayang siya nga
ang dumukot ng inyong kuwarta. Papaano ho kung hindi siya?”
“E, ano pang ebidensya ang hinahanap mo?” ang sabi ni Aling Marta na nakalimutan
ang pamumupo. “Sinabi nang binangga akong sadya, at naramdaman ko ang kanyang
kamay sa aking bulsa. Ano pa?” Sa bata nakatingin ang pulis na wari’y nag-iisip ng
dapat niyang Gawain, maya’y maling naupo at dumukot ng isang lapis at isang maliit na
kuwaderno sa kanyang bulsa.
“Ano ang pangalan mo?” ang tanong niya sa bata.
“Andres Reyes po.”
“Saan ka nakatira?” ang muling tanong ng pulis. Lumingon ang bata sa kanyang paligid,
inisa-isa ang mga mukhang nakatunghay sa kanya. “Wala ho kaming bahay,” ang
sagot. “Ang tatay ko ho e may sakit at kami ho, kung minsan, ay sa bahay ng Tiyang
Ines ko nakatira, sa Blumentritt, kung minsan naman ho e sa mga tiyo ko sa Kiyapo at
kung minsan e sa bahay ng kapatid ng nanay ko rito sa Tundo. Inutusan nga lang ho
niya ‘kong bumili ng ulam para Mamayang tanghali.”
“Samakatuwid ay dito kayong mag-ama nakatira ngayon sa Tundo?” ang tanong ng
pulis.
“Oho,” ang sagot ng bata. “Pero hindi ko nga lang ho alam ang kalye at numero ng
bahay dahil sa noong makalawa lang kami lumipat at saka hindi ho ako marunong
bumasa e.”
Ang walang kawawaang tanong at sagot na naririnig ni Aling Marta ay makabagot sa
kanyang pandinig; sa palagay ba niya ay para silang walang mararating. Lumalaon ay
dumarami ang tao sa kanyang paligid at ang pulis na umuusig ay tila siyang-siya sa
kanyang pagtatanong at pagsusulat sa kuwaderno. Nakaramdam siya ng pagkainis.
“Ang mabuti ho yata e dalhin na natin iyan kung dadalhin,” ang sabi niya.
“Pinagkakaguluhan lamang tayo ng mga tao rito at wala namang nangyayari. Kung
hindi naman ninyo kaya ay sabihin ninyo at tatawag ako ng ibang pulis.”

“Hirap sa inyo ay sabad kayo ng sabad, e” sabi ng pulis. “Buweno, kung gusto n’yong
dalhin ngayon din ang batang ito, pati kayo ay sumama sa akin sa kuwartel. Doon
sabihin ang gusto ninyong sabihin at doon ninyo gawin ang gusto ninyong gawin.”
Inakbayan niya ang bata at inilakad na patungo sa outpost, kasunod ang hindi umiyak
na si Aling Marta at ang isang hugos na tao na ang ilan ay pangiti-ngiti habang silang
tatlo ay pinagmamasdan. Sa harap ng outpost ay huminto ang pulis.

“Maghintay kayo rito sa sandali at tatawag ako sa kuwartel para pahalili,” ang
sabi sa kanya at pumasok. Naiwan siya sa harap ng bata, at ngayon ay tila maamong
kordero sa pagkakatungo, sisiguk-sigok, nilalaro ng payat na mga daliri ang ulo ng
tangang bangos. Luminga-linga siya. Tanghali na; ilan-ilan na lamang ang nakikita
niyang pumasok sa palengke. Iniisip niya kung ilang oras pa ang kinakailangan niyang
ipaghintay bago siya makauwi; dalawa, tatlo, o maaaring sa hapon na. naalala niya ang
kanyang anak na dalagang magtatapos, ang kanyang asawa na kaipala ay naiinip na
sa paghihintay; at para niyang narinig ang sasabihin nito kung siya’y darating na walang
dalang ano man, walang dala at walang pera. Nagsiklab ang poot sa kanya na kanina
pa nagpupuyos sa kanyang dibdib; may kung anong sumalak sa kanyang ulo; mandi’y
gagahanip ang tingin niya sa batang kaharap. Hinawakan niya ito sa isang bisig, at sa
pagdidilim ng kanyang paningin ay pabalingat niyang pinilit sa likod nito.

“Tinamaan ka ng lintek na bata ka!” ang sabi niyang pinanginginigan ng laman.


“Kung walang binabaing pulis na makapagpapaamin sa iyo, ako ang gagawa ng
ikaaamin mo! Saan mo dinala ang dinukot mo sa ‘kin? Saan? Saan?”
Napahiyaw ang bata sa sakit; ang bisig nito ay halos napaabot ni Aling Marta sa
kanyang balikat sa likod. Ang mga nanonood ay parang nangangapatdan ng dila upang
makapagsalita ng pagtutol. Ang kaliwang kamay ni Aling Marta ay pakabig na
nakapaikot sa baba ng bata; sinapo ito ng bata ng kanyang kamay at nang mailapit sa
kanyang bibig ay buong panggigil na kinagat.

Hindi niya gustong tumakbo; halos mabali ang kanyang siko at ang nais lamang
niya ay makaalpas sa matitigas na bisig ni Aling Marta; ngunit ngayon, nang siya ay
bitiwan ng nasaktang si Aling Marta at makalayong papaurong, ay naalaala niya ang
kalayuan, kay Aling Marta at sa dumakip na pulis, at siya ay humahanap ng
malulusutan at nang makakita ay walang lingun-lingon na tumakbo, patungo sa ibayo
nang maluwag na daan. Bahagya na niyang narinig ang mahahayap na salitang
nagbubuhat sa humahabol na si Aling Marta, at ang sigaw ng pulis at ang sumunod na
tilian ng mga babae; bahagya ng umabot sa kanyang pandinig ang malakas na busina
ng ilang humahagibis na sasakyan. Sa isang sandali ay nagdilim sa kanya ang buong
paligid at sa pagmumulat na muli ng kanyang paningin, sa pagbabalik ng kanyang
ulirat, ay wala siyang nakita kundi ang madaliin ang anino ng kanyang mukhang
nakatunghay sa kanyang lupaypay at duguang katawan.
Hindi umimik si Aling Marta habang minamasdan ang bata. Maputla ang kulay ng
kanyang mukha at aywan ba niya at pati siya ay tila pinanawan ng lakas. Malamig na
pawis ang gumigiit sa kanyang noo at ang tuhod niya ay parang nangangatog. Hindi
siya makapag-angat ng paningin; sa palagay ba niya ay sa kanya nakatuon ang
paningin ng lahat at siyang binuntunan ng sisi. Bakit ba ako nanganganino sa kanila?
Pinipilit niyang usalin sa sarili. Ginawa ko lamang ang dapat gawin nino man at
nalalaman ng lahat na ang nangyayaring ito’y pagbabayad lamang ng bata sa kanyang
nagawang kasalanan.

Ang pulis ay nakabalik na sa outpost at sa isang ospital na tumatawag. Ang bata


ay napagtulungan ng ilan na buhatan sa bangketa upang doon pagyamanin at
ipaghintay ng ambulansiya kung aabot pa. Ang kalahati ng kanyang katawan, ang
dakong ibaba, ay natatakpan ng diyaryo at ang gulanit niyang kasuotang ay tuluyan
nang nawalat sa kanyang katawan. Makailang sandali pa, pagdating ng pulis ay
pamuling nagmulat ito ng paningin at ang mga mata ay ipinako sa maputlang mukha ni
Aling Marta.

“Maski kapkapan ninyo ako, e, wala kayong makukuha sa akin,” ang sabing
paputol-putol na nilalabasan ng dugo sa ilong. “Hindi ko kinuha ang inyong pitaka.”
May kung anong malamig na naramdaman si Aling Marta na gumapang sa kanyang
katawan; ang nata ay pilit na nagsasabi ng kanyang pahimakas. Ilang sandali pa ay
lumungayngay ang ulo nito at nang pulsuhan ng isang naroroon ay marahan itong
napailing. Patay na, naisaloob ni Aling Marta sa kanyang sarili.

“Patay na ang dumukot ng kuwarta ninyo,” matabang na sabi ng pulis sa kanya.


Nakatayo ito sa kanyang tabi at hawak naman ang kuwaderno at lapis. “Siguro’y
matutuwa na kayo niyan.”
“Sa palagay kaya ninyo e may sasagutin ako sa nangyari?” ang tanong ni Aling Marta.
“Wala naman, sa palagay ko,” ang sagot ng pulis. “Kung me mananagot niyan ay
walang iba kundi ang pobreng tsuper. Wala rin kayong sasagutin sa pagpapalibing.
Tsuper na rin ang mananagot niyan,” may himig pangungutya ang tinig ng pulis.
“Makakaalis na po ako?” tanong ni Aling Marta.
“Maaari na,” sabi ng pulis. “Lamang ay kinakailangang iwan ninyo sa akin ang inyong
pangalan at direksyon ng inyong bahay upang kung mangangailangan ng kaunting pag-
aayos ay mahingan naming kayo ng ulat.”

Ibinigay ni Aling Marta ang tinitirhan at pagkatapos ay tuwid ang tinging lumalayo
sa karamihan. Para pa siyang nanghihina at magulong-magulo ang kanyang isip. Sali-
salimuot na alalahanin ang nagsasalimbayan sa kanyang diwa. Lumakad siya ng
walang tiyak na patutunguhan. Naalala niya ang kanyang anak na ga-graduate, ang
ulam na dapat niyang iuuwi na, at ang nananalim, nangungutyang mga mata ng
kanyang asawa sa, sandaling malaman nito ang pagkawala ng pera. Magtatanong iyon,
magagalit, hanggang sa siya ay mapilitang sumagot. Magpapalitan sila ng mahahayap
na pangungusap, sisihan, tungayawan, at ang mga anak niyang ga-graduate ay
magpapalahaw ng panangis hanggang sila ay puntahan at payapain ng mga
kapitbahay.
Katakut-takot na gulo at kahihiyan, sa loob-loob ni Aling Marta, at hindi
sinasadya ay muling nadako ang pinag-uugatang diwa sa bangkay na bata na
natatakpan ng diyaryo, na siyang pinagmulan ng lahat.

Kung hindi sa Tinamaan ng lintek na iyon ay hindi ako masusuot sa suliraning


ito, usal niya sa sarili. Kasi imbis, walang pinag-aralan, maruming palaboy ng
kapalarang umaasa sa taba ng iba. Mabuti nga sa kanya!

Kinakailangan niyang kumilos, umisip ng paraan. Kinakailangang kahit


papaano’y makapag-uwi siya ng ulam sa pananghalian. Pagkakain ng kanyang asawa
ay malamig na ang kokote nito at saka niya sasabihin ang pagkawala ng pera.
Maaaring magalit ito at ipamukha sa kanya, tulad ng madalas na sabihin nito, na ang
lahat ay dahil sa malabis niyang paghahangan na makagpadal ng labis na salaping
ipamimili, upang maka-pamburot t maipamata sa kapwa na hindi na sila naghihirap.
Ngunit ang lahat ay titiisin niya, hindi siya kikibo. Ililihim din niya ang nangyaring sakuna
sa bata; ayaw ng kanyang asawa ng iskandalo; at kung sakali’t darating ang pulis na
kukuha ng ulat ay lilihimin niya ito. At tungkol sa ulam mangungutang siya ng pera sa
tindahan ni Aling Gondang at iyon ang kanyang ipamimili – nasabi niya rito na ang
nawala niyang pera ay isang daan at sampung piso at halagang iyon ay napakalaki na
upang ang lima o sampung ay ipagkait nito sa kanya bilang panakip. Hindi iyon
makapahihindi. May ngiti ng kasiyahang naglalaro sa manipis na labi ni Aling Marta
nang ipihit niya ang kanyang mga paa patungong pamilihan.
Tanghali na nang siya ay umuwi. Sa daan pa lamang bago siya pumasok sa
tarangkahan, ay natanaw na niya nag kanyang na dalaga na nakapamintana sa
kanilang barung-barong. Nakangiti ito at siya ay minamasdan, ngunit nang malapit na
siya at nakita ang dala ay napangunot-noo, lumingon sa loob ng kabuhayan at may
tinawag. Sumungaw ang payat na mukha ng kanyang asawa.
“Saan ka kumuhang ipinamili mo niyan, Nanay?” ang sabi ng kanyang anak na ga-
graduate,

“E…e,” hindi magkandatutong sagot ni Aling Marta. “Saan pa kundi sa aking pitaka.”

Nagkatinginan ang mag-ama.


“Ngunit, Marta,” ang sabi ng kanyang asawa. “Ang pitaka mo e Naiwan mo! Kaninang
bago ka umalis ay kinuha ko iyon sa bulsa ng iyong bestidong nakasabit at kumuha ako
ng pambili ng tabako, pero nakalimutan kong isauli. Saan ka ba kumuha ng ipinamili mo
niyan?”
Biglang-bigla, anaki’y kidlat na gumuhit sa karimlan, nagbalik sa gunita ni Aling
Marta ang larawan ng isang batang payat, duguan ang katawan at natatakpan ng
diyaryo, at para niyang narinig ang mahina at gumagaralgal na tinig nito; Maski
kapkapan ninyo ako, e, wala kayong makukuha sa ‘kin. Saglit siyang natigilan sa
pagpanhik sa hagdanan; para siyang pinanganga-pusan ng hininga at sa palagay na
niya ay umiikot ang buong paligid; at bago siya tuluyang mawalan ng ulirat ay wala
siyang narinig kundi ang papanaog na yabag ng kanyang asawa’t anak, at ang papaliit
na lumalabong salitang: Bakit kaya? Bakit kaya?
Aralin 2
MABANGIS NA LUNGSOD
ni Efren Abueg

Tungkol sa awtor

Si Efren Abueg ay naglathala ng mga aklat na may


pamagat na Mga Agos sa Disyerto (1965), mga Piling Akda ng
Kadipan (1965) at Manunulat (1970). Ang mga kathang
pinanalo niya ay “Mabangis na Lunsod” (1959) at “Kamatayan
ni Tio Samuel” na nagkamit ng unang gantimpalang Palanca
noong 1968. Ang maikling kathang ito ay nagtamo ng
Pangatlong GantimpalangPalanca noong 1961.

MABANGIS NA LUNGSOD

Malapad ang katawan ni Bruno. Namumutok ang kanyang mga bisig.Subalit ang
balanang kanin niya’y nagmumula sa pawis ng kahabag-habag namga pulubi at
manininda sa Kiyapo. Sa mga iyon, isa sa kanyang pinagsamantalahan ay kabilang ang
batang si Adong na sa kabila ng kamuraan ng isip atdamdamin ay pinagharian ng
paghihimagsik laban sa kabangisan ni Bruno.O kulampalad na Adong….
Ang gabi ay mabilis na lumatag sa mga gusali, lumamon sa malaki’t maliit na
lansangan, dumantay sa mukha ng mga taong pagal, sa mga taong sa araw-araw ay
may manipis na sutla lamang ng dilim na walang lawak mula sa lupa hanggang sa mga
unang palapag ng mga gusali. Ang gabi ay ukol lamang sa dilim sa kalangitan sapagkat
ang gabi sa kalupaan ay hinahamig lamang na mabangis na liwanag ng mga ilaw-
dagitab.
Ang gabi ay hindi napapansin ng labindalawahing taong gulang na si Adong. Ang
gabi ay tulad lamang na pagiging Kiyapo ng pook na iyon. Kay Adong, ang gabi’y
naroroon, hindi dahil sa may layunin sa pagiging naroon, kundi dahil sa naroroon,
katulad sa kanya kung naroon man o wala ang gabi – at ang Kiyapo.
Ngunit isang bagay ang may kabuhuhan kay Adong sa Kiyapo. Alisin na ang
nagtatayugang gusali roon, alisin na ang bagong lagusan sa ilalim ng lupa. Alisin na
ang mga ilawang hanggang sa huling oras ng gabi’y mailaw at maingay. Huwag lamang
matitinag ang simbahan at huwag lamang mababawasan ang mga taong pumapasok at
lumalabas doon dahil sa isang bagay na hinaharap sa isang marikit na altar. Sapagkat
ang simbahan ay buhay ni Adong.
Kung ilang hanay ang pulubing naroroon at mga nagtitinda ng tiket na swipsteyk,
ng kandila, ng kung anu-anong ugat ng punungkahoy at halaman. At sa mga hanay na
iyon ay nakatunghay ang simbahan, naaawa, nahahabag. At nakatingala naman ang
mga nasa hanay na iyon kabilang si Adong. Hindi sa simbahan, kundi sa mga taong
may puso pa upang dumukot sa bulsa at maglaglag ng singko o diyes sa maruruming
palad.

Napaiyak na si Adong. Ang tingin niya tuloy sa mga ilaw dagitab ay parang mga
piraso ng apoy na ikinakalat sa katawan. Kangina pa siyang tanghali sa loob ng
marusing na bakuran ng simbahan. Nagsawa na ang araw sa kanyang likod na
bahagya nang nadaramtan at nangawit na ang kanyang mga bisig sa kalalahad ng
kamay ngunit ang isa pang tunog ng babala. Babalang ipinararamdam ng pangangalam
ng kanyang sikmura at sinasapitan pa ng takot na waring higad na gumagapang sa
kanyang katawan.

“Mama…ale… palimos po..”


Ang maraming mukhang nagdaraan ay malalamig na parang bato, ang imbay ng
mga kamay ay hiwatig ng pagwawalang bahala, ang hakbang ay pagpapahalata ng
pagmamadali – ng pag-iwas.
Singko pa lamang, “Ale…hindi pa po ako nanananghali.”
Kung may pumapansin man sa panawagan ni Adong, ang nakikita naman niya
ay hirap, pandidiri, pagkasuklam. Pinaghahanapbuhay ‘yan ng mga magulang, madalas
marinig ni Adong. Nasasaktan siya sapagkat wala siyang magulang. Nasasaktan siya
sapagkat ang bahagi ng pangungusap na iyon ay utos sa kanya ni Aling Ebeng, ang
matandang pilay na kanyang katabi sa dakong liwasan ng simbahan.

At halos araw-araw, lagi siyang napapaiyak, hindi lamang niya ipinahahalata kay
Aling Ebeng, ni kaninuman sa naroroong nagpapalimos. Alam niyang hindi maiiwasan
ang paghingi sa kanya ni Bruno ng piso, sa lahat. Walang bawas.

“May reklamo?” nakasisindak ang tinig ni Bruno. Ang mga mata nito’y nanliliisik
kapag nagpatumpik-tumpik siya sa pagbibigay.

Ang mga kamay ni Adong ay manginginig pa habang inilalagay niya sa masakim


na palad ni Bruno ang salapi, mga sentimong matagal ding kumalansing sa kanyang
bulsa, ngunit kailanman ay hindi nakarating sa kanyang bituka.

“Maawa na po kayo, Mama…Ale… gutom na gutom na ako!”


Ang mga daing ay walang halaga, waring mga patak ng ulan sa malalaking bitak
ng lupa. Ang mga tao’y bantad na sa pagpapalimos ng maraming pulubi. Ang mga tao’y
naghihikahos na rin. Ang panahon ay patuloy na ibinuburol ng karukhaan.

Ang kampana ay tumutugtog at sa loob ng simbahan, pagkaraan ng ilang


sandali, narinig ni Adong ang pagkilos ng mga tao. Papalabas, waring nagmamadali na
tila ba wala pang isang oras na pagkakatigil sa simbahan ay napapaso, luluwa. Natuwa
si Adong. Pinagbuti niya ang paglalahad ng kanyang palad at pagtawag sa mga taong
papalapit sa kanyang kinaroroonan.

“Malapit nang dumating si Bruno…” ani Aling Ebeng na walang sino mang
pinatutungkulan, manapa’y para sa lahat na maaaring makarinig.

Biglang-bigla, napawi ang katuwaan ni Adong. Nilagom ng kanyang bituka ang


nararamdaman niyang gutom. Ang pangambang sumisigid sa kanyang mga laman at
nagpapatindig sa kanyang mga balahibo ay waring dinaklot at itinapos sa malayo ng
isang mahiwagang kamay. Habang nagdaraan ang mga tao, malamig, walang awa,
walang pakiramdam – nakadaram siya ng kung anong bagay, na apoy sa kanyang
kalooban. Aywan niya kung bakit gayon ang nararamdaman niya matapos mapawi ang
kanyang gutom at pangamba. Kung ilang araw na niyang nadarama iyon at hanggang
sa ngayon ay naroroon pa’t waring nag-uutos sa kanyang gumawa ng isang marahas
na bagay.

Ilang singkong bagol ang nalaglag sa kanyang palad, hindi inilagay kundi
inilaglag sapagkat ang mga palad ng nagbigay ay nandidiring mapadiit sa marurusing
na palad na wari bang ang maninipis na kamay lamang ang malinis. Dali-daling inilagay
ni Adong ang mga bagol sa kanyang bulsa. Lumikha iyon ng babaw na tunog nang
tumama sa iba pang sentimong nasa kanyang lukbutan. Ilan pang bagol ang nalaglag
sa kanyang palad at sa kaabalahan niya’y hindi niya napansin kakaunti na ang mga
taong lumalabas mula sa simbahan. Nakita na naman ang mga taong lumalabas mula
sa simbahan. Nakita na naman ni Adong ang mga mukhang malamig, ang imbay ng
mga kamay na nagpapahiwatig ng pagwawalang-bahala, ang mga hakbang ng
pagmamadali – ng pag-iwas.

“Adong…ayun na si Bruno,” narinig niyang wika ni Aling Ebeng.


Tinanaw ni Adong ang inginuso ng matanda. Si Bruno nga. Ang malapad na
katawan.Ang namumutok na titig. Ang mainit na ulong pinapangit ng suot na gora.
Napadukot si Adong sa kanyang bulsa. Dinama niya ang mga bagol. Malamig. At ang
lamig na iyon ay hindi nakasapat upang ang apoy na naramdaman niya kangina pa ay
mamatay. Mahigpit niyang ikinulong sa kanyang palad ang mga bagol.

“Diyan na kayo Aling Ebeng… sabihin ninyo kay Bruno na wala ako.” Mabilis
niyang sabi sa matanda.

“Ano? Naloloko ka ba Adong?” sasaktan ka ni Bruno. Nakita ka na niya.


Narinig man ni Adong ang sinabi ng matanda ay nagpatuloy pa rin sa paglakad.
Sa simula’y marahan, ngunit nang makubli siya sa kabilang bakod ng simbahan ay
pumulas siya ng takbo. Lumusot siya sa pagitan ng mga dyipni na mabagal sa pag-
usad. Sumiksik siya sa kakapalan ng mga taong salu-salubong sa paglakad. At akala
niya’y nawala siya sa loob ng sinuot niyang mumunting eskinita.

Sumandal siya sa poste ng ilaw-dagitab. Dinama niya ang tigas niyon sa


pamamagitan ng kanyang likod. At sa murang isipan ni Adong ay tumindig ang
tagumpay ng isang musmos na paghihimagsik, ng paglayo kay Bruno, ng pagtayo sa
Kiyapo, ng paglayo sa gutom, sa malalamig na mukha, sa nakatunghay na simbahan,
sa kabangisang mula’t mula pa’y nakilala niya at kinasuklaman. Muling dinama niya ang
bagol sa kanyang bulsa. At iyon ay matagal din niyang pinakalansing.

“Adong,” sinundan iyon ng papalapit na yabag.


Napahindik si Adong. Ang basag na tinig ay naghatid sa kanya ng lagim. Ibig
niyang tumakbo. Ibig niyang magpatuloy ang kanyang paglayo. Ngunit ang mga kamay
ni Bruno ay parang bakal na nakahawak na sa kanyang bisig, niluluray ang munting
lakas na magkaroon ng kapangyarihang maghimagsik laban sa gutom, sa pangamba at
kabangisan.

“Bitiwan mo ako, Bruno! Bitiwan mo ako!” naisigaw na lamang ni Adong.


Ngunit hindi na niya muling narinig ang basag na tinig. Naramdaman na lamang
niya sa kanyang mukha ang malulupit na palad ni Bruno. At siya ay natulig. Nahilo. At
pagkaraan ng ilang sandali, hindi na niya naramdaman ang kabangisan sa
kapayapaang biglang kumandong sa kanya.

Aralin 3

MAGDA
Gloc-9

Tungkol sa Awitin:
Artist: Gloc-9
Featured artist: Rico Blanco
Album: Liham at Lihim
Released: 2013
Genre: R&B/Soul
Awards: Awit Award for Best Rap/Hiphop Recording, Awit Award for Song of the
Year, Awit Award for Best Collaboration

Tungkol sa umawit
Si Gloc-9 (Aristotle Pollisco) ay isang Pilipino na kwalipikado
sa Awit Award. Ang kanyang mabilis na pagsalita ay ang daan
upang siya ay maging isa sa mga tagumpay na rapper sa Pilipinas.
Siya ay nanalo ng gantimpala sa pagiging Pinakamagaling na
Rapper sa Philippine Hip-Hop Music Awards sa tatlong magkakasunod na taon (2005–2007) at
siya rin ay nakilala sa MYX at MTV.

Siya ay umusbong hindi bilang rapper kung di bilang tao mula sa Binangonan Rizal na
tagahanga ni Francis M. Naging empleyado ng fastfood chain at ng malaking media
company bilang music researcher, bago na-diskubre bilang rapper. Gumawa ng love at dance
rap, ngunit paglao’y makikilala sa paggawa ng mga kantang patungkol sa personal na
pakikipamuhay sa araw-araw ng kahirapan, sa harap ng krisis ng tunggalian sa Pinas na
kinalakhan.
MAGDA
Magdalena, ano'ng problema?
Bakit 'di ka makawala sa kadena?
At sa gabi-gabi, ikaw ay nasa selda
Na hanapbuhay mo ngayon
Magdalena, ano'ng problema?
Alam naman natin na dati kang nena
At sa iyong ama, ikaw ay prinsesa
Ano'ng nangyari sa'yo?
Ito'y kwento ng isang babaeng
Tulog sa umaga, gising sa gabi
Ang kan'yang mukha'y puno ng kolorete
Sa lugar na ang ilaw ay patay sindi
Simulan na natin ang istorya
Ako'y kanyang matalik na kaibigan
Ernesto ang aking pangalan
Kwentong dapat n'yong malaman
'Wag nang magbulag-bulagan
Bakit ang nais natin ay malaman ang baho ng iba?
Pagbibigyan kita
Kilala mo ba si Magda?
Na aking kababata mula pa nang pagkabata
Kami'y lagi magkasama, mga bangkang papel sa sapa
Kan'yang ngiti, lumiliwanag ang paligid
At pag siya'y dumadaan, mga leeg ay pumipilipit
Ubod ng ganda noong siya ay nagdalaga
Tuwing kausap ko na, malimit akong tulala
Kahit may nararamdaman, pinilit kong isara
Ang bibig at pintig ng puso sa kan'ya
At sa sayawan, matapos kaming makapagtapos
Dahil pinawis ang mukha, ako'y nagpunas ng pulbos
Kahit parang hindi pantay, nagmamadaling hinila
Pinakilala niya lalaki na taga-Maynila
Magdalena, ano'ng problema?
Bakit 'di ka makawala sa kadena?
At sa gabi-gabi, ikaw ay nasa selda
Na hanapbuhay mo ngayon
Magdalena, ano'ng problema?
Alam naman natin na dati kang nena
At sa iyong ama, ikaw ay prinsesa
Ano'ng nangyari sa'yo?
Maraming taon, ako'y nalipasan
Pinilit ko mang takasan
Bagkus ay aking nalaman
Ang tunay kong kailangan
'Di ko maibaling ang pagtingin ko sa iba
Minamahal ko s'ya
Hahanapin ko si Magda
Lumuwas habang nagdarasal na maabutan
Sa lugar na ang sabi'y kanyang pinagtatrabahuan
Nakita ko'ng larawan niya na nakadikit sa pintuan
Iba man ang kulay ng buhok, 'di ko malilimutan
Ang kan'yang mata at tamis ng kan'yang ngiti
At dahil ubod ng saya, hindi na nag-atubili
Agad pumasok sa silid pero bakit ang dilim?
Madaming lamesa't mga nag-iinumang lasing
Nang biglang nagpalakpakan, may mabagal na kanta
Sa maliit na entablado ay nakita ko na
Ako ay nagtaka, nagtanong, nagkamot
Bakit s'ya sumasayaw na sapatos lang ang suot?
Ito'y kwento ng isang babaeng
Tulog sa umaga, gising sa gabi
Ang kanyang mukha'y puno ng kolorete
Sa lugar na ang ilaw ay patay sindi
Ituloy natin ang istorya
Agad s'yang sumama sa 'kin, walang kakaba-kaba
Ang trato niya sa'kin ay nobyo, tila kataka-taka
Bumaba sa taxi'ng pinara sa may Sta. Mesa
Parang ako'y bida sa mga sumunod na eksena
Kung ito ay panaginip, ayoko nang magising
Ngunit ako'y nanaginip, umaga na nang magising
Ang naabutan ko lamang ay may sobre sa lapag
Liham para sa 'kin na isinulat niya magdamag
Kahit gulong gulo ang isip, pinilit kong basahin
'Di malilimutan ang mga sinabi niya sa akin
"Mahal kong Ernesto, alam kong tulog mo'y malalim
'Di na 'ko nagpaalam, 'di na kita ginising
Salamat nga pala sa pasalubong mong kalamay
At sa pinakamasayang gabi ng aking buhay
Nu'ng iniwan ko ang baryo natin, ang akala ko
Isang tunay na pag-ibig ang matatagpuan ko
Hinanap kung saan-saan at kung kani-kanino
'Di ko inakalang ito ang kahahantungan ko
Imbis na ako'y sagipin, itinulak sa bangin
Ito pala'ng ibig sabihin ng kapit sa patalim
Kung mabaho sabunin, kung makati gamutin
Kung hindi na masikmura ay ibaling ang tingin
Kahit ako ay bayaran at kaladkaring babaeng
Alam ang amoy ng laway ng iba't ibang babae
Isa lang ang kaya kong sa'yo'y maipagmalaki
Ikaw lang ang bukod-tanging hinalikan ko sa labi
Gusto ko mang manatili sa'yong mga yakap
Ako ma'y natutuwa dahil ako'y iyong nahanap
Wala na yatang walis ang makakalinis ng kalat
At ang katulad ko sa'yo ay 'di karapat-dapat
Pinangarap kong sa altar, ako'y iyong ihatid
Ngunit sa dami ng pait, ang puso ko'y namanhid
'Di ko makakalimutan ang pabaon mong halik
Pero pakiusap, huwag ka na sana pang babalik
Regalo ng Maykapal ang ikaw ay makilala
Salamat sa ala-ala, nagmamahal, Magda"
Magdalena, ano'ng problema?
Bakit 'di ka makawala sa kadena?
At sa gabi-gabi, ikaw ay nasa selda
Na hanapbuhay mo ngayon
Magdalena, ano'ng problema?
Alam naman natin na dati kang nena
At sa iyong ama, ikaw ay prinsesa
Ano'ng nangyari sa'yo?
Ito'y kwento ng isang babae

Kabanata V (JUANGA, LANGIT, LAXA, LEE, YANGA)


Aralin 1

PANITIKAN HINGGIL SA KARAPATANG PANTAO

Panimulang Gawain

Panoorin ang video na “Kababaihan, Ganito tayo ginuhit ng Lipunan” isang spoken
word poetry mula kay Beverly Cumla. (https://www.youtube.com/watch?
v=LZ6mTw5jnRw)
Pagkatapos ay magkakaroon ng isang malayang talakayan tungkol sa paksa ng tula.

Mga gabay na tanong:

● Paano maihahalintulad ang kasalukuyang pagtingin sa mga kababaihan sa


karapatang pantao?
● Ano ang katayuan ng karapatang pantao ngayon sa Pilipinas?

Ang Pulahan
Vicente Sotto
Isinalin sa Ingles ni Teresita Maceda

Mataas na ang araw.


Si Iyo Diyakoy at ang dalawang anak na sina Garitoy at Isyong ay papauwi na
mula sa paglilinis at pagdaramo ng kanilang lupa para mag-almusal.
Mula sa malayo ay natanaw nila ang limang konstableng palabas sa kanilang
kubo, dala-dala ang kanilang mga riple at mukhang masayang-masaya.

“Tay,” sabi ng nauunang si Garitoy. “Hinahanap ba tayo ng mga konstable?”


“Bakit? Ano ba ang ginawa nating kasalanan?”
“Tay,” sabad ni Isyong. “Magtago muna tayo sa likod ng mga kugon. Baka
naghahanap iyan ng magdadala ng kanilang mga bitbit.
“Tama, magtago muna tayo dito. Hintayin muna natin silang makalayo.”
Sumiksik ang tatlo sa gitna ng mga kugon. Ang mga konstable ay lumakad nang
papalayo, papalayong patungo sa kabundukan hanggang sa hindi na nila ito matanaw.

II
Isang kagimbal-gimbal na tanawin!
Si Iya Santa, ang asawa ni Iyo Diyakoy ay nakatali sa haligi ng bahay. Si Atang,
ang asawa ni Garitoy ay walang saya. Nakabulagta sa kama, nakatali ang mga paa at
kamay. Ang asawa ni Isyong na si Basil ay nakabulagta rin sa sahig. Katulad ni Atang,
wala rin siyang kauotang pang-ibaba at nakatali rin ang mga kamay at paa. Ang anak ni
Iyo Diyakoy na si Andat ay natagpuan sa isang silid na naliligo sa sariling dugo, walang
saplot ang katawan at nakatali rin. Ang mga anak nina Atang at Basil ay umiiyak at
nakalagay sa isang basket. Ang mga babae ay pawang may busal sa bibig.
Ito ang tanawing bumulaga kina Iyo Diyakoy, Garitoy at Isyong sa pagpasok nila
sa kubo.
“Bathala! Ano’ng nangyari sa inyo?”
“Diyos ko!”
“Panginoon ko!”
Iisa ang tanong nila habang inaalisan ng tali ang mga kababaihan.
Hindi sila nakapagsalita, tanging iyak at panangis ang itinugon nila.
Si Iya Santa ang unang nagsalita sa kanila habang umiiyak nang malakas.
“Ay pastilan! Limang konstable ang pumasok sa ating kubo. Itinali ako sa haligi,
ang mga bata ay tinakpan nila ng basket, pinagsamantalahan nila sina Atang, Basil at
Andat. Pinagtulungan nilang halayin si Andat. Binusalan nila ang aming mga bibig.”
“Mga tampalasan!” ang sigaw ni Iyo Doyakoy.
Kapwa nanginginig sa galit at walang sali-salitang umalis sina Garitoy at Isyong.
Hinabol nila ang mga konstable.
Pagkaraan ng ilang sandali, nakarinig sila ng sunud-sunod na mga putok. Sina
Garitoy at Isyong ay kapwa bumulagta sa lupa at naliligo sa sariling dugo.
III
Magtatakipailim na.
Ang bakuran nina Iyo Diyakoy ay puno ng mga tao. Ang mga kamag-anak niya at
mga kapitbahay ay nagsitungo sa kanilang bahay. Nakaburol dito ang mga bangkay
nina Garitoy at Isyong.

Puno ng kalungkutang nagsalita si Iyo Diyakoy.


“Mga kamag-anak at kaibigan! Ano pa ang hinihintay natin? Kung magrereklamo
tayo kay Mayor ay tiyak na hindi niya tayo pakikinggan dahil mahihirap na nagsasaka
lang tayo. Paghihigantihan pa tayo ng mga konstable tulad ng ginagawa nila sa iba.
Ano pa ang hinihintay natin? Nais ba ninyong mangyari din sa ating mga asawa’t anak
ang naganap dito kaninang umaga?”
Ang lahat ay sumagot.
“Lumaban tayo! Higit naming nanaisin ang mamatay kaysa maulit pa ito.”
Sa oras ding iyon, inilibing ang mga bangkay ng dalawang anak ni Iyo Diyakoy at
ang samahang Ang Pulahan ay itinatag.

IV
Ang kapayapaan ng bayan ay nawala.
Ang mga konstable at pulis ay ginalugad ang kabundukan para hulihin ang mga
pulahan.

Ang mga inosente, mga takot, ang mga naiwan sa kani-kanilang bahay at hindi
sumama kina Iyo Diyakoy ang siyang dinakip at kinulong. Ang mga bilangguan ay
napuno ng mga taong ang tanging kasalanan ay ang pagiging isang mahirap. Ang
kahirapang ito ang nagtaboy sa kanila upang manirahan sa paanan ng bundok.

Ang mga babaing nakatira sa mga bukirin at bundok ay pinagsasamantalahan,


matanda man at bata; buntis at hindi at anuman ang kanilang kapansanan.

Pero ang Pulahan ay lalong dumami, tumatag at lumakas. Ang hindi makatagal
sa kalupitan ng mga konstable ay namundok at sumama kina Iyo Diyakoy makaiwas
lang sa kasamaan ng mga ito.

Para maiwasan ang higit pang kapinsalaan at katampalasan, inutusan ng


Gobernador ang mayor ng bayan na makipag-usap kay Iyo Diyakoy at hikayating
sumuko at humingi ng tawad.

Ang pinuno ng Ang Pulahan ay tumugon sa ganito: “Ginoong mayor, sabihin mo


sa gobernador na hindi namin kailangang himingi ng tawad. Nilalabanan namin ang
pamahalaan, nilalabanan namin ang mga taong nagmamalupit at umaabuso sa amin.
Hindi kami mga rebelde at lalong hindi kami tulisan. Hindi kami rebelde dahil wala
kaming sariling bandila. Nirerespeto at kinikilala namin ang bandila ng Amerika. At
lalong hindi kami tulisan bagama’t bumababa kami upang kumuha ng bigas at pera;
ginagawa namin dala ng dumaranas kami ng kagutuman. Kung ang katarungan ay
manunumbalik at paiiralin ito ng patas, bababa kami at magbabalik sa aming mga
bahay at magtatrabaho sa bukid. Ang hinihingi namin ay katarungan. Pero ang aming
kababaihan ay pinagsasamantalahan, ang aming mga alagang baboy, manok, mais at
iba pang produkto ay ninanakaw, ang mga lalaking nagtatanggol sa kani-kanilang
asawa ay pinapatay. Mas nanaisin namin ang mamatay sa kabundukang nakatingala sa
Diyos ng kalangitan.

Dahil sa pagpapanggap ng isang konstable na siya ay kabilang sa Ang Pulahan,


si Iyo Diyakoy ay nahuli at nakulong.

Isinakdal siya sa salang panunulisan at pagnanakaw kaya hinatulan siya ng


kamatayan.

Pagkatapos mahatulan ng hukuman ng parusang kamatayan, tumayo si Iyo


Diyakoy at mahinahong nagsalita.

“Magaling, kagalang-galang na hukom. Tinatanggap ko ang hatol na kamatayan.


Pero hayaan mo muna akong magtanong. Bakit hindi mo pinarusahan ang mga
gumahasa sa aking anak na dalaga na siyang naging dahilan kung bakit ako naging
Pulahan? Ito ba ang tinatawag na katarungan?”

“Tumahimik ka!” ang pasigaw na sagot ng hukom.


Kasimbilis ng tigreng nilundag ni Iyo Diyakoy ang hukom sa kanyang luklukan.
Kinuha ang malaking bote ng tinta at ipinalo sa ulo ng hukom na humatol sa kanya ng
kamatayan.

Pinagtulungan siyang gulpihin ng mga pulis. Namilipit siya sa sakit hanggang


sumuka ng dugo si Iyo Diyakoy sa ibabaw ng bangkay ng naghihingalong hukom.

Dalawa ang inilibing sa araw na iyon, ang hukom at ang pinuno ng mga Pulahan.

Aralin 2

ISANG DIPANG LANGIT


ni Amado V. Hernandez

Si Amado V. Hernandez na pumalit kay Jose Corazon de Jesus bilang makata


sa Tagalog ay nagkamit ng “Republic Cultural Award” noong 1962 sa Katipunan ng
kanyang mga tulang may pamagat na “Isang Dipang Langit”. Isinulat niya ito sa piitan
sa Muntinlupa. Siya’y napiit sapagkat napagbintangang isang komunista dahil sa
pagtatanggol sa mga dukha at manggagawa. Ang kanyang mga tula at mga dula ay
nagtatanggol sa katarungang panlipunan. Pagkatapos ng walong taong pagkakapiit ay
nakalaya na rin siya ngunit makalipas ang ilang taon ay binawian siya ng buhay.

Ako’y ipiniit ng linsil na puno


Hangad palibhasang diwa ko’y piitin
Katawang marupok, aniya’y pagsuko
Damdami’y supil na’t mithiin ay supil.

Ikinulong ako sa kutang malupit,


Bato, bakal, punlo, balasik ng bantay,
Lubos na tiwalag sa buong daigdig
At inaring kahit buhay man ay patay.

Sa munting dungawan, tanging abot-malas


Ay sandipang langit na puno ng luha
Maramot na birang ng pusong may sugat,
Watawat ng aking pagkapariwara.

Sintalim ng kidlat ang mata ng tanod,


Sa pintong may susi’y walang makalapit,
Sigaw ng bilanggo sa katabing muog,
Anaki’y atungal ng hayop sa yungib.

Ang maghapo’y tila isang tanikala


Na kalakaladkad ng paang madugo,
Ang buong magdamag ay kulambong luksa
Ng kabaong waring lungga ng bilanggo.

Kung minsa’y magdaan ang payak na yabag,


Kawi ng kadena ang kumakalanding,
Sa mapulang araw saglit ibibilad
Sanlibong aninong niluwa ng dilim.

Kung minsan, ang gabi’y biglang nagulantang,


Sa hudyat o may takas at aso ng punlo;
Kung minsa’y tumatangis ang lumang batingaw,
Sa bitayang muog, may naghihingalo.

At ito ang daigdig ko ngayon….


Bilangguang mandi’y libingan ng buhay
Sampu, dalawampu at lahat ng taon;
Ng buong buhay ko’y dito mapipigtal.

Ngunit yaring diwa’y walang takot-hirap


At batitis pa rin itong aking puso;
Piita’y bahagi ng pakikilamas,
Mapiit ay tanda ng hindi pagsuko.

Ang tao’t bathala ay di natutulog


At di habang araw ang api ay api,
Tanang paniniil ay may pagtutuos,
Habang may Bastila’y may bayang gaganti.

Ang bukas, diyan din, aking matatanaw


Sa sandipang langit na wala nang luha,
Sisikat ang gintong araw ng tagumpay….
Layang sasalubong ako sa paglaya!

Aralin 3

ANG LOYALISTA
ni Reynaldo A. Duque

Si Reynaldo Duque ay ipinanganak noong ika-29 ng Oktubre 1945 sa Bagani


Ubbog, Ilocos Sur. Siya ay nagtrabaho bilang managing editor ng Liwayway na
magasin. Siya rin ang naging president ng Gunglo Dagiti Mannurat ng Ilokano (GUMIL)
Filipinas. Si Duque ay nagsusulat ng tula, nobela, maikling kwento na nasa wikang
Ilocano, Tagalog at Ingles.

Huwag, huwag ka nang mag-imberna


Sa gitna ng buhos ng ulan
Malayo, malayo pa ang iyong lalakbayin
Hindi yupi ang lumbo ng iyong panimdim
Nakapinid na ang mga taberna
Panaghoy mo’y di na alintana
Dito, ipapako ka na nila
At duduraan ka pa sa mukha!

Huwag, huwag mong hintayin


Na tumila pa ang buhos ng ulan
Bagak na, bagak na ang hininga
Ng kerwe ng sakbibi ng bakling sanga
Hagkan mo ang dilim sa iyong palad
Wala na rito ang kawaksi mong liyag
Dito, wala nang samaritano
Na huhugasan mga sugat mo!

Huwag, huwag ka nang tumigil


Sa gitna ng buhos ng ulan,
Huwag, huwag ka nang marapa sa lansangan
Daan mo’y dapat ding bagsakan ng ulan
Ipagpatuloy ang paglalakbay
Hayaan mo silang maghilik sa hukay
Dito, matindi ang mga bangungot
Na gigisingin ng sigaw mong kurus!

Kabanata VI (LIMPIN, LIWANAG, MALIT, MANALAC C.


ZUNIGA)

Aralin 1

PANITIKAN HINGGIL SA MGA MANGGAGAWA


           Ang bawat bansa ay nangangailagan ng mga manggagawang magbibigay
serbisyo para magawa ang nga bagay na kailgan ng tao. Sila ang nagsisilbing
instrumento upang matugunan ang pangangailangan ng tao. Sila din ang nagbibigay ng
mga walang katapusang pangangailangan ng kanilang pamilya.

           Sa ating bansa ang mga manggagawa ang nagbibigay ng serbisyo sa taong


bayan katulad nalang ng pagsisilbi sa mga malls, hospital, gobyerno at maging sa
paaralan. Kung wala ang mga ito marahil hindi kayang umunlad ng isang bansa at
mahihirapan ang bawat tao na kumilos sapagkat ang mga manggagawa ng bansa ay
tumutulong para mas mapabilis ang mga gawaing tao at para mapagsilbihang ang
taong bayan ng tapat.

PINAGLAHUAN
Ni Faustino Aguilar
Tinawag na Alexander Dumas ng Panitikang Tagalog
Isa si Faustino Aguilar sa mga sumulat ng nobelang panlipunan. Marami siyang
naisulat na nobela na iba-iba ang paksa. Sa kanyang Pinaglahuan ay binigyang diin
niya ay kaawa-awang sitwasyon ng mahihirap. Ang Busabos ng Palad ay tungkol sa
pag-ibig. Sa Ngalan ng Diyos ay isang nobelang tumutuligsa sa relihiyon.

Buod ng Nobela

Nalaman ni Luis Gatbuhay mula sa kanyang kasintahan, ang magandang si


Danding na ipinagkasundo siya ng kanyang amang ipakasal kay Rojalde, isang
mayamang Kastila. Hindi pinakinggan ng kanyang ama ang kanyang pagtutol, bagkus
ipinamata ng kanyang ama ang kanyang karapatan bilang magulang.

Ang ama ni Danding na si Don Nicanor ay nagkautang kay Rojalde ng halagang


P30,000.00 na ipinatalo sa monte, jueteng at iba pang sugal. Naubos din ang pera sa
pagpapamisa, pagpapadamit sa mga santo, pagpapakain sa mga simbahan na ginawa
niya sa paniniwalang ito ay makatatakip sa kanyang mga kasalanan at pagkukulang.

Naniniwala si Don Nicanor na kapag manugang na niya si Rojalde ay kalilimutan


nito ang utang niya. Pinapangarap din niya na siya’y gawing tagapamahala ni Rojalde
sa kanyang mga negosyo.

Sa kabilang dako, sampung taon nang naninirahan sa Pilipinas si Mr. Kilsberg.


Siya’y dating kolektor ng isang negosyanteng Intsik. Nakatagpo ng kaibigan si Mr.
Kilsberg na handang mamuhunan sa kanya sa isang negosyo. Umangkat siya ng mga
tela at ipinamahagi ito sa mga Intsik na nagtitinda nito ng tingi sa Rosario. Sa loob ng
dalawang taon ay nagpautang na siya sa mga kasamahang negosyante na may interes
na 30% sa bawat taon. Kapag ang mga ito’y hindi nakapagbayad, binibili niya ang mga
paninda nito sa pamamagitan ng balanse ng utang. Nadoble at natriple ang tubo dahil
sa labis na pagpepresyo ng kalakal. Dahil sa mga ginagawa niyang ito, hindi na siya
naiba sa pagnanakaw, ayon kay Luis, si Mr. Kilsberg ay yumaman.

Bukod dito, mayroon pang pagawaan ng bakal si Mr. Kilsberg na binubuksan


niya sa ganap na alas-sais ng umaga. Ang oras ng pagtatrabaho ay halos inaabot ng
sampung oras at ang sahod ay isang peseta lang o dalawampu’t limang sentimo lang.
Pinagkaitan pa niya ng halagang limang piso ang alilang walang pera para mailibing
ang anak. Nanghihinayang din siyang bumuli ng matibay na kadenang ginagamit sa
kanyang “machine shop”. Naaksidente ang isang manggagawa dahil naputol ang
kadenang ginamit na siyang naging dahilan ng kamatayan nito. Lahat ng ito ay
ipinagwalang-bahala niya.

Ang mga pangyayaring ito ay hindi nalingid kay Luis kaya’t nanguna siya sa
pakikipaglaban para sa karapatan ng mga manggagawa. Naging dahilan ito upang
isangkot siya sa isang nakawan at siya’y nabilanggo sa pakana ni Rojalde.
Samantala, patuloy sa panunuyo si Rojalde kay Danding sa kabila ng mahigpit
na pagtanggi nito. Ngunit walang nagawa ang kahinaan ni Danding sa pagsalungat sa
agos kaya napilitan siyang pakasal kay Rojalde.

Namatay si Luis sa loob ng bilangguan. Nanganak naman si Danding matapos


ang pitong buwang pagsasama nila ni Rojalde. Ganoon na lang ang panlulumo niya
nang malamang husto sa buwan ang anak na isinilang. Ang sanggol ay anak ni Luis.
Ang pagkamatay ni Luis sa bilangguan ay sumilang naman ng isang buhay.

Aralin 2

MEDIKO
Ni: Benigno Ramos

Si Benigno Ramos ay tagapagsulong ng kasarinlan ng Pilipinas mula sa Estados


Unidos. Kumampi siya sa mga Hapon noong sumiklab ang Ikalawang Digmaang
Pandaigdig. Siya ang nagtatag ng grupong Malayang Katipunan ng mga Pilipino o
Makapili.

Ipinanganak siya sa Taliptip, Bulakan, Bulacan noong 1892. Ang kanyang ama
ay si Catalino Ramos na isang katipunero. Ang kanya naming ina na si Benigna
Pantaleon ay nagging tagapangalaga ng mga sugatang katipunero.

May isang medikong matapos mamatay


Nagtangkang umakyat sa sangkalangitan,
Siya, na sa lupa ay iginagalang,
Walang salang doo’y may sadyang luklukan.

Yang kaluluwang ngayo’y naglalakad


Walang automobile at resetang hawak,
Sa gitna ng ilang ay iiyak-iyak
Na animo’y batang natyanak sa gubat.

Nag-iisa siyang bumangon sa hukay


At walang aliping sa kanya’y nagbantay
Walang konsulteryong siksikan sa dalaw
Walang telepono na nananawagan.

Walang tanging damit sa kanyang paglakad


Kung hindi ang lambong ng maputing ulap.
Wala ni isa mang taong makausap,
Ang lahat sa kanya ay kasindak-sindak.
Tumuktok sa pinto, pagdating sa langit,
“Huwag kang tumuloy!” ang sigaw ng tinig.
“Sa bayan ng Diyos ay walang may sakit,
Dito ay wala kang kwartang mahahaplit.

Aralin 3

Ang Magsasaka
Ni: Julian Cruz-Balmaceda

Si Julian Cruz Balmaseda (Hul·yán Kruz Bal·ma·sé·da) ay bantog na makata,


mandudula, nobelista, dalubwika, iskolar, at kritiko. Isa siya sa mga tagapagtatag ng
organisasyong pampanitikan na Aklatang Bayan at ang naging ikalawang pangulo nito. Ang
kaniyang saliksik sa panulaang Tagalog na pinamagatang Ang Tatlong Panahon ng Tulang
Tagalog noong 1938 ay itinuturing na klasiko.

Isinilang siya noong 28 Enero 1885 sa Udyong, Bataan kina Regino Cruz Balmaseda at
Simeona Francisco ng Bacoor, Cavite. Nag-aral siya sa isang pribadong paaralan ni Procopio
Lazaro at sa Escuela de Latinidad ni Hipolito Magsalin. Nakapagtapos siya ng sekundarya sa
Cavite at kumuha ng mga kurso sa Colegio de San Juan de Letran at Escuela de Derecho.

Sa maghapong singkad ikaw’y nasa-linang


Sulong mo’y ararong batak ng kalabaw.
Di mo pinapansin ang lamig at ginaw,
Ang basal ng lupa’y mabungkal mo lamang.
Iyong isinabog ang binhi sa lupa
Na ikalulunas ng iyong dalita;
Tag-ani’y dumating sa dili-kawasa
Lahat ng hirap mo’y nabihis ng tuwa.
Anupa’t ang bawat butil
Ng bigas na naging kanin
Sa isip at diwa nami’y
May aral na itinanim.
Iya’y tunay na larawan
Ng lahat mong kapaguran
Bawat butil na masayang
Ay pintig ng iyong buhay.
Kaya nga’t sa aming puso’t dilidili,
Nakintal ang isang ginintuang sabi;
Sa lahat at bawat bayaning lalaki
Ikaw, magsasaka, ang lalong bayani.
Kabanata VII (MANALAC Z. MANALANSAN JEL.
MANALANSAN JEN, MANALILI)
Aralin 1

PANITIKAN HINGGIL SA ISYUNG PANGKASARIAN

Pagdadalaga ni Maximo Oliveros


isinulat ni Araeus Solito
( Indi Film )

MAY AKDA

Si Araeus Solito ay isa sa mga kinikilalang “Award Winning Filipino Film Maker” n gating
bansa. Tubong Palawan at napabibilang sa lahi ng mga Shaman sa Timog Palawan.
Siya ay ipinanganak sa Maynila, nagtapos ng Sekundarya sa Philippine Science High
School at nag-aral ng Teatro sa Unibersidad ng Pilipinas.

Isa sa mga nangungunang independent Film Maker sa Pilipinas at kamakailan nga


napili sa Take 100. The Future of Film, isang aklat na inlathala ng Phaidon Press, New
York na kung saan ang naglalaman ng surver na nagpapakita ng isang umuusbong na
henerasyon ng mga pinaka-mahusay ng filmmakers sa buong mundo at siya ay napiling
bilang pangsampu sa mga ito. Tuli ( 2005), Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros
(2005), Pisay (2007) at Esprit de Corps (2014, ay iilan lamang yang sa kanyang mga
likha.

TAUHAN

Maximo Oliveros - siya ay labing –dalawang gulang na bading na nanggaling sa


pamilya ng mga kriminan na nagmahal ng isang pulis

Victor- siya ang bagong pulis na nadestino sa lugar nila Maxi na dedikado sa kanyang
trabahon na hulihin ang mga masasamang loob

Paco Oliveros- siya ang ama ni Maxi na utak ng mga criminal sa kanilang lugar

Kuya Boy- ang panganay na kapatid ni Maxi na aksidenteng nakapatay ng estudyante


habang naghoholdap

Kuya Bogs- ang isa pang kuya ni Maxi na mapagmahal sa kanyan

BUOD NG PELIKULA
Ang pelikula ay tungkol sa isang labing-dalawang gulang na bading na nagngangalang
Maximp “Maxi” Oliveros. Siya ang bunso sa tatlong magkakapatid. Ang kanyang ina ay
pumanaw dahil sa sakit, na hindi nakayanang maipagamot ng kanyan pamilya. Kung
kaya’t ang tatay niya ay nagging isang krimanal upang makakuha ng mas malaking
pera pantustos sa pangangailangan ng kanyang pamilya.

Isang gabi, pinagtripan si Maxi ng mga adik sa kanilang lugar, at siya’y sinagip ng
bagon destinong pulis na nagngagngalang Victor. Dahil dito nagkaroon ng pagtingin si
Maxi sa nasabing pulis at sila ay nagging matalik nag magkaibigan.

Isang gabi, aksidenteng nakapatay ang kapatid ni Maxi na si Voy kaya’t pinaghanap ng
pulis ang sospek. Upang mapalayo sa kapahamakan, pinayauhan ni Maxi na ‘wag na
siyang lumapit sa nasabing pulis. Hindi tumugil si Maxi hanggan sa isang araw ay
tinanong siya ni Victor tungkol sa krimen. Hindi siya nagsalita, at nang nakarating ang
balita sa ama ni Maxi, pinabugbog niya si Victor upang takutin at hindi na ituloy ang
paghahanap sa sospek. Inalagaan ni Maxi si Victor habang siya’y naghihina sa
pagkakabugbog. Kasabay nito ang pagpalit ng saryento sa istasyon ng pulis.

Dahil sa bagong saryento na hindi nagpapasuhol sa mga criminal, dinakip si Bogs para
sa imbestigasyon. Dahil ditto, nilayuan ni Maxi si Victor. Isang gabi, nakipagkita ng
palihim si Pac kay Victor, ngunit kasama ng pulis ang bagong saryento na kakilala nang
matagal ng ama ni Maxi. Binaril si PAco, at saktong dumating si Maxi.

Simula noon, namuhay ang ng normal ang pamilyan Oliveros, at tulayan ng kinalimutan
ni Maxii si Victor.

Sanggunian: https://www.scribd.com/doc/64149750/Reaction-on-Ang-Pagdadalaga-ni-
Maximo-Oliveros
https://www.scribd.com/doc/177630765/Talambuhay-Ni-Auraeus-Solito

Buong Pelikula: https://www.youtube.com/watch?v=FSn1qFpdNXs

Aralin 2

SIRENA
inawit ni Gloc-9
( Awit )

MAY AKDA
Si Aristotle Pollisco o sa mas kilala sa kanyang ngalang Gloc-9 sa entablado. Siya ay
naipanganak noong ika- 18 ng Oktubre taong 1977. Si Gloc- 9 ay isang kilalang Filipino
rapper, mang-aawit at manunulat. Siya ay kinilala bilang pinakamahusay Filipino rapper
sa lahat ng panahon, ang mabalis ang klarong pagbigkas ng kanyan mga salita sa pag-
rarap ang nagpasakit sa kanya sa Pilipinas. Nakiisa na rin siya sa mga iba’t ibang
proyektong ng mga ibang Pinoy OPM Artist, katulad ng Parokya ni Edgar at Francis M.

SIRENA

Ako'y isang sirena


Kahit anong sabihin nila ako ay ubod ng ganda
Ako'y isang sirena
Kahit anong gawin nila bandera ko'y di tutumba
Drum na may tubig ang sinisisid
Naglalakihang mga braso sa akin dumidikdik
Drum na may tubig ang sinisisid
Sa patagalan ng paghinga, sa'kin kayo ay bibilib

Gloc 9:
Simula pa no'ng bata pa ako
Halata mo na kapag naglalaro
Kaya para lahat ay nalilito
Magaling sa Chinese garter at piko
Mga labi ko'y pulang pula
Sa bubble gum na sinaba
Palakad lakad sa harapan ng salamin
Sinasabi sa sarili "ano'ng panama nila"
Habang kumekembot ang bewang
Mga hikaw na gumegewang
Gamit ang pulbos na binili kay aling bebang
Upang matakpan ang mga pasa sa mukha
Na galing sa aking ama
Na tila di natutuwa sa tuwing ako'y nasisilayan
Laging nalalatayan
Sa paglipas ng panahon ay di ko namamalayan
Na imbes na tumigas ay tila lalong lumalambot
Ang puso kong mapagmahal
Parang pikit matang kulot.
Ako'y isang sirena
Kahit anong sabihin nila ako ay ubod ng ganda
Ako'y isang sirena
Kahit anong gawin nila bandera ko'y di tutumba
Drum na may tubig ang sinisisid
Naglalakihang mga braso sa akin dumidikdik
Drum na may tubig ang sinisisid
Sa patagalan ng paghinga, sa'kin kayo ay bibilib

Gloc 9:
Hanggang sa naging binata na ako
Teka muna mali, dalaga na pala ‘to
Pero bakit parang lahat ay nalilito pa rin
Ano bang mga problema nyo
Dahil ba ang mga kilos ko'y iba
Sa dapat makita ng inyong mata
Sa tuwing nanonood ng liga laging natutulala
Kahit di pumasok ang bola ako'y tuwang tuwa
Kahit binaliw na sa tapang, kasi ganun na lamang
Akong paluin ng tubo kahit kinakalawang
"tama nanaman itay, di napo ako pasaway
Di ko na po isusuot ang lumang saya ni inay
Kapag ako'y naiiyak ay sumusugod sa ambon
Iniisip ko na lamang na baka ako'y ampon
Kasi araw araw na lamang ay walang humpay na banat
At inaaabot ang ganda ko pang ilalim ng dagat
Ako'y isang sirena
Kahit anong sabihin nila ako ay ubod ng ganda
Ako'y isang sirena
Kahit anong gawin nila bandera ko'y di tutumba
Drum na may tubig ang sinisisid
Naglalakihang mga braso sa akin dumidikdik
Drum na may tubig ang sinisisid
Sa patagalan ng paghinga, sa'kin kayo ay bibilib

Gloc 9:
Lumipas ang mga taon na nagsipag-asawa
Aking mga kapatid, lahat sila'y sumama
Nagpakalayo layo ni hindi makabisita
Kakain na po itay, nakahanda na'ng lamesita
Akay akay sa paglakad paisa isang hakbang
Ngayo'y buto't balat ang dati matipunong katawan
Ngayon sa iyong kaarawan, susubukan kong palitan
Ang lungkot na nadarama, wag napo nating balikan
Kahit medyo naiinis hindi dahil sa nagka-cancer
Kasi dahil ang tagapag-alaga mo'y nakaduster
Isang gabi, akoy iyong tinawag, lumapit
Ako sayong tabi ikay tumangan, kumapit
Ka sa aking kamay kahit hirap magsalita
Anak, patawad sana sa lahat ng aking nagawa
Di sinusukat ang tapang at ang bigote sa mukha
Dahil kung minsan mas lalake pa sa lalake ang bakla
Drum na may tubig ang sinisisid
Naglalakihang mga braso, sa'kin dumidikdik
Drum na may tubig ang sinisisid
Sa patagalan ng paghinga sakin kayo ay bibilib
Ako'y isang sirena
Kahit anong gawin nila
Bandera koy di tutumba…

SANGGUNIAN: https://genius.com/Gloc-9-sirena-lyrics
https://www.allmusic.com/artist/gloc-9-mn0000662137/biography

Aralin 3

DIE BEAUTIFUL
Rodolfo C. Vera
(Pelikula)

MAY AKDA

Si Rodolfo C. Vera o mas kilalang tawag sa kanyang Rudy, ay naipanganak noong


ika- 5 ng Disyembre taong 1960. Siya ay kilalang manunulat at kilala rin siya bilang
tagpagtatag ng Juana Change Movement, playwright ng PETA, tagasulat ng senaryo sa
parehong TV (Bayan Ko) at pelikula (Juana C. the Movie, Death March).

BUOD:
Suki ng mga gay beauty pageants ang transgender na si Trisha Echevarria (Paolo
Ballesteros). kontesera na ang naging Simula high school hanggang nang tumanda ay
ang pagiging hanap buhay nito. Ngunit sa kabila ng taglay nitong ganda at alindog ay
lagi siyang umuuwing talunan, ito'y dahil hirap siya sa pagsagot sa mga katanungang
ibinabato sa kaniya pagdating sa question and answer portion.

Sa huling beauty pageant na kaniyang sinalihan, matapos mapunta sa kaniya ang


tanong na buong buhay niya'y ang tanging tanong na kaniyang memoryado ang sagot
ay sa wakas kay Trisha napunta ang korona. Ngunit ilang minuto lang matapos itong
makoronahan ay bigla siyang binawian ng buhay dahil sa aneurysm. Ngayon ay
kinakailangang sundin ng kaibigan nitong si Barbs (Christian Bables) ang mga bilin ni
Trisha para sa kaniyang lamay, ang bihisan siya ng iba't-ibang hitsura araw-araw mula
kay Angelina Jolie hanggang kay Beyonce. 

Samantala, sa bawat pagbibihis kay Trisha habang siya’y nakaburol ay ipinakita rin ang
mga mahahalagang yugto ng mga pangyayari sa kanyang buhay. Mula sa
pakikipaglaban ng kanyang identidad sa mismong kanyang pamilya, sa pagtulong sa
ibang tao, sa kanyang naging pag-ibig, sa kanyang pagpapakilala bilang naiiba sa
kanyang kinabibilangang miyembro ng lipunan ( mga nabibilang sa ikatlong kasarian),
hanggang sa kanyang pananagumpay sa pagnanasang maitampok ang kanyang
sariling pagkatao at nag-iiwan ng mensaheng kabilang ang mga tulad niya na alayan ng
respetong nararapat na ipagkaloob sa kanila dahil sila rin ay tao at kabilang sa
pinakamahalagang nilalang ng Diyos sa mundo.

SANGGUNIAN: https://entertainment.inquirer.net/93137/rody-vera-is-on-a-roll?
fbclid=IwAR1EWBhXVefX0JxL1bFcBe_K2uFN5eCgbz6MoPneB5Xd9GGNjJYLKZ7koY
o

Aralin 4

REYNA NG MGA PUSA AT ESPADA


John Carlo “Jc” Pacala

MAY AKDA

Si John Carlo “Jc” Pacala ay isang nakapagtapos sa programa niyang Political


Science sa Unibersidad ng Santo Tomas. Isa siya sa mga dawangpu’t pitong pinagpala
sa ika anim na pu’t limang Palanca Memorial Awards, ang tinaguriang pinakamataas at
kinikilalang parangan sa mga manunulat.
Nabigo si Jc sa una niyang pagpasa o pagsali sa Palanca Memorial Awards.
Pero hindi siya tulad ng ibang tao susuko na lamang. Nagsumikap siya, hinasa ang
kanyang pagsulat para mas maging mahusay na manunulat. At hindi kalaunan
nasungkit din niya ito.
 
REYNA NG MGA PUSA AT ESPADA
Ang alam ko lang na clemency ay ‘yung pinipiga sa pansit. Natawa ka ‘no? ‘wag.
Minsan na ‘kong pumatay ng tao. Papatay ulit ako ngayong araw na ito. Hindi ako
inosente. Masama akong tao. Maniwala ka.
Ipinababatid ng Mahal na Pangulo ng Pilipinas na ipinagkaloob niya sa akin, kay Jose
T. Clutario III, ang kanyang awa. Executive clemency. Pwede na raw akong makalabas
sa bilangguang ito. Matapos ang apat na dekada at apat na taon, matapos ubanin ang
iyong buhok at ugatin ang iyong bayag, Congratulations sabi ni His Excellency, laya ka
na! Ayoko, Mr. President. Nais kong ipabatid ‘yun.

Napagplanuhan ko na nga ito, eh. Tipong premeditated murder ang dating at isang I
plea guilty your Honor, hindi katulad noong apat na dekada at apat na taon na ang
nakakaraan. Noong wala pa sa bokabularyo ko ang salitang guilty. Ganito yung naisip
ko:

<Plan A> Mamaya, sa paglilinis ng kasilyas ni Cebreros, sa kanyang pag-eskoba


kasabay ng pilit na pagkabisa ng alpabeto, hihilamin ko siya ng tubig na may kinanaw
na sabong panlaba at chlorox. Kapag hindi na siya makakita, iuumpog ko yung ulo niya
sa inidoro, o kaya sa baldosa hanggang sa mabasag ang bungo niya. Hindi naman
kailangang bumasa o sumulat bago tanggapin sa langit kaya pwede siya doon. O sa
impyerno siguro.

<Plan B> Pagdating ng tanghalian, habang ngumunguya si Liwanagan at


pinagpaplanuhang magbitiw ng bagong green joke na itinuro sa kanya ng kinakasama
niya, ‘yun bang sumiping sa kanya noong kamakalawa, kukunin ko ang oportunidad na
iyon para saksakin siya sa lalamunan. Gamit ang tinidor. Uulit-ulitin ko na lang
hanggang sa lumabas ang nginuyang munggo at tamban, o kung anuman ang ulam
mamaya.

<Plan C> Makakapaghintay ako hanggang mamayang gabi. Pero hindi na bukas.
Hihintayin ko ang pagpatay ng ilaw saka ko ipupulupot sa leeg ni Trampe ang punda ng
unan hanggang sa hindi na siya makahinga. Bakit si Trampe at bakit punda ng unan?
Hindi ko rin alam. Wala na akong maiisip. Ni hindi ko nga alam kung mamamatay siya
ng ganoong paraan. Ika nga, wala namang masama kung susubukan, ‘di ba?

Siguro naman, kapag may napatay ulit ako kahit isa, magdadalawang-isip na ang
presidenteng ibigay sa akin ang mailap niyang awa. Ang tanda mo na nga, wala ka pa
ring kadala-dala. Kaya dadagdagan pa nila ang sintensya ko ng isa pang dekada. Isang
taon. O kahit isang araw lang. Papatay na lang ako ulit para sa isa pa. At isa pa ulit.

Si Peng ang nagbigay sa aking ng ideyang ito.

“Patayin mo ‘ko,” suhestiyon niya noong ibalita ko sa kanya ang pagkakasama sa’kin
para sa executive clemency ng pangulo. Ilang matatandang bilanggo rin ang palalayain.
‘yung ilang ihip na lang ng masamang hangin ay kukuhanin na ng hukay. Pakiramdam
ko nga, ayaw lang nilang problemahin ang pagpapalibing sa’min, dun kayo sa labas at
‘wag niyo kaming abalahin.

Sinabi ko kasi kay Peng, ayokong umalis. Wala naman akong pupuntahan. Ayokong
iwan ang brigada. Matanda na ko. Baka paglabas ko, may kabaong at musikong
sasalubong sa’kin, ako na lang ang hinihintay.

“Bilibid ‘to, hindi Golden Acres.” Hindi ako nililingon ni Peng. Nakaupo siya sa ibabang
bahagi ng papag na double deck, yung pinaghahatian naming dalawa, nakatalikod.
Parang kausap ko ang kuluntoy at kupas na dragong nakaimprenta sa likuran niya,
nakalaylay sa kulubot niyang balat. “Kung ayaw mong umalis, ‘wag kang umalis.
Pumatay ka. Patayin mo ko. Tutal, parang ganoon rin naman yun kung aalis ka.”

“Alin ang parang ganoon?” Napangiti ako. Madalas, nagbibitiw tayo ng mga tanong na
alam na natin ang kasagutan. Mga tanong na hindi na kailangang itanong dahil hindi rin
naman umaasa ng sagot. Biglang nag-ipon ang plema sa lalamunan ko pero wala
naman lumabas noong iubo ko. Sa pagitan ng mga tahol ko, nagbitiw ulit ako ng tanong
na hindi naghahanap ng sagot. “Bakit, hahanapin mo ba ko kung sakali ngang matuloy
ang paglaya ko bukas?”

“Tangina mo,” mabilis niyang sagot. Napansin kong nagbabalasa pala siya ng baraha
sa harapan niya at inilatag niya ito. Isa-isa, hanggang sa makabuo ng pitong hilera.
Solitaryo. “Nanaginip ako kagabi,” sabi niya,” naglalaro ako ng solitaryo, tinatanong ko
raw yung baraha, kung lalabas ka nang talaga. Pero hindi ako makabuo. Isang beses,
dalawang beses, labindalawa. Paulit-ulit. Hanggang sa isang beses, noong buklatin ko
lahat ng baraha, lahat, bawat isa, kulay pula. Paano ako makakabuo kung lahat ay
kulay pula. Lahat, maliban sa Queen of Spades.”

Sa tuwing maglalaro ng solitaryo si Peng, alam mong may bumabagabag sa kanya.


May mga nakabiting tanong sa isipan niya.. “Humihingi ako ng sagot sa baraha,” sabi
niya sa’kin dati Minsan, mabubuo ang laro, mabubuklat lahat at maiaayos sa hilera ng
sunod-sunod na pula-itim-pula-itim na mga baraha. “Ibig sabihin niyan, oo ang sagot ng
baraha sa tanong mo. Kapag naman wala nang posibleng galaw, dead end na, hindi
ang sagot ng baraha. Magbalasa ka na lang ulit at magtanong ng iba.”

Siguro ngayon, sinusubukan niya ang kanyang panaginip. Tinatanong kung makakalaya
nga ako. Kung iiwan ko itong brigada bukas. Mga tanong na alam na natin ang
kasagutan. Inilipat niya ang four of hearts sa ibaba ng five of clubs, o flower kung si
Peng ang tatanungin mo.

“Clubs? Flower yan! Tignan mo, o, mukhang bulaklak.” Nakikipagtalo si Peng dati, nung
tinuturuan niya kong magsolitaryo.

“Clubs nga yan. May bulaklak bang kulay itim, sige nga?”

“Yung bulok…”
Sunod ay binuklat niya ang baraha sa hilerang inabandona ng four of hearts at
lumantad ang King of Hearts. Ang Hari ng mga Puso. Inilipat niya sa ilalim nito ang
Queen of Spades. Ang Reyna ng mga Pusa. Parang pinagtagpo ang dalawang
monarkong ito ngayong araw.
“Naalala mo pa ba nung ginawa mo ‘to?” Sa wakas, humarap na rin siya sa’kin, si Peng,
hawak ang Queen of Spades.
Sa lahat ng baraha, natatangi ang reynang ito. Yung orihinal kasi na Queen of Spades,
yung talagang kasama nung deck, nawala nung minsang may nanghiram sa baraha ni
Peng at naglaro ng pusoy. Halos mag-amok si Peng at kulang na lang ay
pagbubugbugin niya yung mga naglaro, kung hindi lang dumating ang mga umawat na
bantay.

“Eh, tarantado pala kayo. Pa’no ngayon yan malalaro?”

“Masyado kang mainit, Pengson. Palaro mo na lang muna yang burat mo diyan kay
Clutario.”

Kung hindi talaga naawat si Peng, malamang ay naglimas ako noon ng dugo sa brigada
namin. Ganito kasi yung mga eksenang hinding hindi niya pinapalampas. Noon. Noong
hindi pa nangangawit ang tiyani sa pagtanggal ng puti niyang buhok. Noong matikas pa
ang dibdib niya at hindi pa hinihila ng grabedad ang kanyang utong. Noong sa tuwing
nilalagyan ko ng mainit na langis ang kanyang braso o binti ay dahil sa pakikipagbuno o
pagbubuhat ng mabigat at hindi dahil umaatake ang rayuma niya. Noon. Ilang dekada
na ang nakaraan.

Para makumpleto ang limampu’t dalawang baraha, gumupit ako ng kuwadradong


kasing sukat ng regular na baraha gamit ang karton ng sigarilyo at saka ko ito ginuhitan.
Gamit ang ballpen, ginaya ko ang itsura nung Queen of Hearts pero pinalitan ko ng
spades ang mga puso. Tawa siya nang tawa nung ipakita ko iyon sa kanya.

“Ano ‘to?”

“Queen of Spades ‘yan. Kapalit nung nawala.”

“Bakit mukhang pusa?”

At noon nga nagkaroon ng pusa sa kanyang kaha ng baraha. Ang Reyna ng Espada at
Pusa. Hindi na muling nagamit sa pusoy ang baraha. Dahil sa kakaibang likod nito,
paniguradong malalaman agad ng kalaro mo na may hawak kang Queen of Spades,
kahit anong tago ang gawin mo. Pero kung solitaryo lang, pwede namang pagtiyagaan.

Ganoon naman talaga, ‘di ba? Kapag nawala, kailangang palitan. Kung hindi man
katulad, kailangang pagtiyagaan para magamit at magpatuloy ang buhay. Gaya nung
chess set na minsang nawalan ng puting kabayo, para magamit, humalili sa pwesto nito
ang isang maliit na graba. Ito ngayon ang sumusulong ng pa-letrang L para patumbahin
ang tore at kainin ang hari ng kalaban. Gaya kung paano namin unti-unting pinalitan
ang mga alaala ng mga tao sa labas ng bilangguan ng kung ano ang meron kami. Kung
ano ang nandiyan. Mga nawalang pinsan, alternatibong tatay, pekeng kapatid. Mga
taong pupuno sa aming kakulangan.
*****

Hindi pa man siya nakakabuo, iniligpit na ni Peng ang baraha saka inilagay sa kaha.
Oras na ng paglilinis ng brigada. At bawat miyembro ng tahanan naming ito ay may
nakatokang trabaho. Halimbawa, itong si Carbonel, nakadestino sa pagtanggal ng agiw
at sapot sa kisame. Siya ang may gusto nito. Naging pampalipas oras niya na rin kasi
ang paghahanap ng itlog na gagamba. Kung hindi ka pa nakakakita noon, kulay puti
iyon, parang bulak at hugis galyetas. Bubuklatin niya ito, tatanggalan ng kinabukasan
ang mga batang gagamba, saka itatapat ang itlog sa ilaw. Sabi niya, may nakikita
siyang numero doon. Noong nasa labas pa raw siya, tinatayaan niya raw ‘yung mga
numeron iyon sa lotto. Nung nakulong siya, ibinibigay niya ito sa misis nya tuwing
bumibisita ito para patayaan ang mga binuklat na itlog.

“Nanalo ka naman ba kahit minsan?”

“Wala nga eh, itlog din. Pero meron pa namang next time. ‘yaan mo, babalatuhan kita.”

Pero wala nang next time. Lahat ng nakita niyang itlog ay naipon at nakabalot sa
damitan niya. Tatayaan niya daw lahat kapag nakalaya siya. Hindi na kasi muling
bumalik ang asawa ni Carbonel. Nung inusisa ko kung bakit hindi na dumadalaw ang
misis niya, ang tanging sagot niya sa’kin, “Baka naka-jackpot na.”

Pagkatapos ng kisame ay ang higaan. Pagpagin ang kumot at punda. Labhan kung
kinakailangan. Itapat sa araw para sumingaw. Inspeksyunin ang mga double deck at
baka may nakasalising anay. Susundan ito ng pagwawalis sa sementadong sahig saka
lalampasuhin.

Kailangan malinis at doble ingat sa mikrobyo. Dahil mainit at dikit-dikit, mabilis


magkahawa-hawa ng kung ano-anong sakit. Naalala ko tuloy noong nagkaroon ng
bulutong dito sa loob, hindi ko na matandaan kung kailan eksakto sa tagal. Kung
merong world record sa pinakamaraming sabay-sabay na pagkakamot, sana isinali ko
ang brigada namin. Sa kaso ni Peng, gabi noong nagsimula siyang magkamot. Patay
na ang ilaw. Paikot-ikot siya sa kamang pinaghahatian namin, hindi mapakali.

“Ano bang nangyayari sa’yo,” pabulong pero iritable kong tanong sa kanya dahil hindi
rin ako makatulog.

“Ang kati-kati ng likod ko. Nahawa na yata ako ng bulutong.”

“Eh, akala ko ba nagkaroon ka na ng bulutong dati. Isang beses ka lang pwedeng


magkabulutong.”
“Tigdas yata ‘yun, eh. Ewan. Di ko alam. Kamutin mo nga.”

“Dito ba?” Kinamutan ko siya sa bandang balikat.

“Ibaba mo ng kaunti.”

Buong gabi ko siyang kinamutan ng likod hanggang sa mamalayan kong naghihilik na


siya. Pinilit kong matulog pero hindi ako madapuan ng antok. Nahawa yata ng bulutong
yung utak ko noon, pilit nagpapakamot pero hindi maabot-abot. Pinagmasdan ko ang
hubog ng ulo ni Peng sa pudpod niyang buhok. Pinagala ko ang daliri ko sa kanyang
batok kung saan tumutubo ang maliliit na buhok hanggang sa likuran ng sapad niyang
bungo. Sabi nila, kapag sapad daw ang ulo ng isang tao, malamang sa malamang ay
nakapirmi ito sa pagkakahiga noong sanggol pa lamang. Hindi naglilikot, walang
reklamo, payapa. At ganoon ang nakita ko kay Peng habang natutulog siya noong
gabing iyon. Napakainosente at walang muwang. Isang batang hindi umiiyak para
maghanap ng gatas dahil alam niyang wala.

Sa paggalugad ko sa kanyang ulo, iba ang sinasabi ng kanyang puyo. Dalawang ipo-
ipo, dalawang mata ng bagyo ng inipong buhok. Isang pilyong bata. Magulo, mapusok,
salbahe. Nagtaka tuloy ako kung anong uri ng binatilyo si Peng. Siguro’y mabilis siyang
mapikon kapag nabuburot sa tumbang preso. Siguro, tipong naghahagis ng pusa mula
sa bintana para malaman kung talagang bumabagsak ang mga pusa sa paa nila. O
baka naman siya ‘yung tipong naghahanap ng maya o langaylangay sa mga sanga ng
puno saka titiradurin, ikukulong at kakalimutan ang kawawang pilay na ibon.

Naisip ko noon, biyakin ko kaya ang bungo niya para malaman kung ano ang nilalaman
ng kanyang utak? Ano nga ba ang iniisip niya? Natatandaan niya pa kaya yung mga
mukha ng mga batang kinidnap niya? Mga batang natututo pa lang ng A is for Apple at
B is for Ball, may makukulay na pencil case at de-hilang bag. Mga natatarantang yaya.
Mga aligagang magulang. Natatandaan niya pa kaya yung mga mukha nung kasama
niya, na sa tingin ko ay nakalimutan na siya? Mga kasamahan niyang wala siyang balak
ilantad para kahit papaano’y bumaba ang sintensiya niya. Pero baka kapag biniyak ko
ang bungo niya, mas marami pang lumabas na katanungan kaysa sagot. Baka mas lalo
akong maligaw sa buhol-buhol at liko-likong laberinto ng kanyang gunita.

Inaninag ko ang kanyang mukha. Alam mo, napagtanto ko na kapag nasanay na ang
mata mo sa kadiliman, mas malinaw mo nang makikita ang mga bagay-bagay. Ang
mahabang pilikmata ni Peng, ang matangos niyang ilong, maliit na labi, at buhay na
nunal sa kanyang baba.

“Nagmana ako sa lolo ko,” naalala kong sinabi niya dati nung tanungin ko siya kung
nanay ba o tatay kanyang kamukha. Tapos naikuwento niyang hindi niya kabisado ang
mukha ng mga magulang niya. Sumama sa ibang lalaki ang nanay niya at
nagpakamatay ang tatay niya dahil sa depresyon.
“Mga limang taon ako noon, o anim yata,” kuwento niya, “Kagigising ko lang, lumabas
ako ng bahay para magmumog at maghilamos sa may poso. Tapos, nung tinutuyo ko
na ang muka ko, nandoon si tatay, nakabigti sa puno ng kamagong sa tapat ng bahay.
Para siyang asong ulol. Ganoon ang ginagawa sa mga asong ulol sa probinsya namin,
ibinibitin sa puno.

“Lolo ko na ‘yung nagpalaki sa’kin. Yung lolo ko,” pagpapatuloy niya, “hindi ko ‘yun
tunay na lolo. Asawa yun ng ditse ng nanay ng tatay ko.”

“Ano ulit? ‘Yung nanay ng tatay mo, may asawang iba?”

“Hindi. Ano ka ba, ang hina mong Clutario ka. Yung nanay ng tatay ko, lola ko ‘yun.
Makinig ka ha. ‘yung lola ko, may kapatid siya, ‘yung ditse niya. Tapos, itong ditse, may
asawa. ‘yun yung lolong flolo ko na hindi ko tunay na lolo na nagpalaki sa’kin. Kuha
mo?”

“Bali bayaw ng totoo mong lola?”


“Ewan. Mahina ako sa ganyan. Bayaw, bilas, manugang. Hindi ko naiintindihan.”
Sa madaling salita, hindi tunay na lolo ang nag-alaga sa kanya. Isang alternatibong lolo.
Kung ano ang meron. Siguro, tinatanong mo, paano siya nagmana sa nag-alaga sa
kanya? Wala rin akong kaide-ideya.

Bumaba ang kamay ko sa braso niya, papunta sa kanyang kamay. Malaki ang palad
niya na may mahahabang daliri at matitigas na kalyo. Nagpapawis ang kamay niya. Sa
likod ng palad niya’y nakaumbok ang mga ugat. Parehong mga kamay na naggapos sa
mga dinakip na bata para sa pera. Nagbusal ng bibig. Nagkandado sa bodega. Bigla
niyang pinisil ang palad ko at ikinulong sa mga da niya.

“Salamat, ha.” Hindi pa pala siya tulog. O baka nananaginip lang. Hindi ko alam.

“Saan?”

Bumuntong hininga lang siya, hindi na sumagot. Isa pa uling buntong hininga at dinala
niya ang kamay ko sa kanyang tiyan, nakadantay ang braso ko sa tagiliran niya, ang
dibdib ko sa likuran niya, Naamoy ko ang pawis sa kanyang batok. Naramdaman ng
kamay ko ang init sa kanyang pusod at ang maninipis na hibla ng balahibong
nakapaligid dito. Walang anuman, gusto kong sabihin, pero baka nakatulog na siya ulit.

Hindi ko namalayang nakatulog ako noon. Nagising na lang akong nakaupo siya sa gilid
ng papag, nakahubad ang pang itaas. Nakita ko ang likod niyang pinutakti ng bulutong,
parang mga nakatanim na bomba sa kulay lupa niyang balat, at ano mang oras na
makanti ay muling magpapasabog ng kati. Nag-utos ang isang agurang, o miyembro ng
lupon ng mga nakakatandang preso, na magpakulo ng buto ng kulantro at ipaligo sa
lahat ng may bulutong.
“Clutario, paki buhusan naman ‘yung likod ko.” Iyon ang huling beses na nakita ko ang
likuran niyang iyon. Nagpa-tattoo kasi siya, ‘yung malaking dragon, nung nagpeklat ang
mga bulutong. Ngayon, hindi mo na makikita ang matandang dragon dahil mukha na
itong pinagbalatan ng ahas.

Binasa ko ang likod niya ng manilaw-nilaw na tubig at dumaloy ito mula leeg pababa sa
gulugod, pa kanyang puwit at binti. Sa pagtama nito sa sahig, nabasag ang mga patak
ng tubig sa ilan pang piraso ng mga patak. Inabot niya sa’kin ang sabon. “Paki na rin,
kung pwede.”

Mabuti’t may alam ang mga agurang ng brigada noong araw. Pagkat iyon naman ang
trabaho nila, ang magpayo. Gaya nga ng kasabihan, ang karunungan ay kasabay ng
katandaan. Pero hindi sa lahat ng panahon. Gaya ngayon. Ako at si Peng ay miyembro
na ng kagurangan at wala naman akong nakikitang karunungan sa sarili ko. O kay
Peng. Wala silang matututunan sa amin.

Kasabay ng paglilinis ng higaan at sahig ay ang paglilinis ng kasilyas. Kailangang


paputiin ang inidoro at kuskusin ang pagitan ng mga baldosa. Noong araw, sementado
lang yang banyo na ‘yan. Nagsimula ‘yung kabilang brigada na ipabaldosa ‘yung kanila.
Tapos, naggayahan ang buong carcel.

Nahahati kasi sa dalawang bahagi ang compound ng Bilibid. Presidio at carcel. Sabi
nila, noong unang panahon daw, noong panahon ng mga Kastila at nasa Maynila pa
ang Bilibid, sa presidio inilalagak ang mga presong nasintensiyahan na. Sa carcel, yung
mga naghihintay pa lang ng sintensya. Mula Maynila, inilipat sa Muntinlupa ang Bilibid
pero nandoon pa rin ang dibisyon. Ngayon, ang dibisyong ito ang nagsasabi kung
saang pangkat kaalyado ang isang bilanggo.Sa presidio, nandoon ang mga pangkat na
kaalyado ng Sputnik gaya ng Commando, Happy Go Lucky, at Bahala Na Gang. Dito sa
carcel, kung nasaan ako at si Peng, narito karamihan ang kaalyado ng OXO. Nandito
ang Genuine Ilocano Gang, Batang City Jail, Batang Cebu, at kung ano pa. Yung mga
walang pangkat, yung mga cuerna, nakakalat sila sa kung saan saang brigada.

Bawat brigada at pangkat, mayroong bosyo. Mayor. Lider. Dito sa amin, si Mayor ang
nakaisip gayahin ang pagpapabaldosa ng banyo. Pinag-ipunan iyon ng buong brigada.
Patak-patak. Importante kay Mayor itong banyo dahil isa ito sa pinakamalaking proyekto
niya. Bawat tao ay gustong mag-iwan ng marka nila sa mundo. Kumbaga, ito ang
kanyang monumentong ambag sa sibilisasyon. Dito rin siya madalas gumagawa ng
mga desisyon para sa brigada.

“Magaan ang pakiramdam ko dito, eh. Parang wala akong dalang bagahe, Nakakapag-
isip ako ng matino,” naalala kong sabi dati ni Mayor.

Mahirap ang trabaho ng aming bosyo at hindi pwedeng kung kani-kanino lang ibinibigay
ang posisyon. Dapat ay marunong makipagkapwa tao pero kayang dumisiplina ng
miyembro. May lakas ng loob para magpataw ng takal o isang hampas ng dos por dos
sa mga nagkasala at pasaway na kabrigada. Wala na rin dapat utak laya ang preso at
tinanggap na niyang mabubulok siya dito.At siyempre, dapat kilala niya hanggang sa
bawat patay na kuko ang mga miyembro para sa ganoong paraan, magamit sila at
mapakinabangan. Sino ang pwedeng karpintero, tubero, sino ang pwedeng magluto,
isali sa susunod na paliga. At siyempre, sino ang maglilinis ng kanyang trono.

Napansin kong nakangiti sa’kin si Cebreros. Kanina pa pala ako nakatulala sa kanya
habang iniiskoba niya ang makutim na lumot sa pagitan ng mga baldosa. Nagkakabisa
siya ng A-B-C.

“Agurang, kanina ka pa nakatitig, ah. Taeng tae ka na, no? O baka naman may session
kayo ni Agurang Pengson Loverboy?” Nung makita niyang wala akong reaksyon, mas
lumaki ang ngiti niya. “Joke lang, ha. Kung natatae ka, saglit na lang ‘to?”

“Anak ka ng hindot. Hindi na tinitigasan ‘yang si Peng.” Naisip ko, ito na ang tsansa
para biyakin ko ang kanyang bungo.
Loko-loko talaga ‘yang si Mayor. Ikinuwento na yata sa lahat ng natoka sa kasilyas ang
istorya namin ni Peng. Nahuli kasi kami dati ni Mayor, noong hindi pa siya Mayor at
natotoka pa sa kasilyas, ilang dekada na ang nakararaan, bago pa magkabit ng
baldosa.

“Putang ina, mag-abiso naman kayo sa susunod. Magkakabit pa kayo diyan, para
kayong mag-inang kangaroo. Umurong tae ko sa inyo, eh.”

“Wag ka nang puro daldal,” utos ni Peng, “magbantay ka na lang diyan.”

“Oo na, lover boy. Makautos ka, ah.” Yun ang naging bansag niya kay Peng. Lover boy.
Ang Hari ng mga Puso.
Mula noon, sa tuwing kinakati si Peng , kahit wala na siyang bulutong, sa tuwing
kumakalat ang init mula sa pusod niya sa buong katawan, si Mayor noong hindi pa siya
mayor, ang opisyal naming bantay.

“Ayos na ‘yan, agurang, pwede ka nang manalamin sa tiles.”

Lumabas na siya ng kubeta bitbit ang C for Cat, D for Dog, E for Elephant. Buo ang
bungo. Malinis nga ang kubeta. Nakakahinayang bahiran lang ng dugo.

****

“Anong meron? Wala yatang palikpik ang ulam?”

Nagtawag na para sa tanghalian. Ang ulam? Manok sa gisantes. Himala ng mga himala
at naisip nilang mag manok.

“Siyempre, may lalaya sa brigada natin, eh. Ano Clutario, excited ka na?”

“Ah, oo.”
Sa mesa, bumabanat na naman si Liwanagan ng green joke na ibinato sa kanya ng
kinakasama niya, ‘yung bumisita sa kanya noong kamakalawa. Ano daw ang
pinakamalakas na muscle sa katawan. Nagtawanan sila. Dila daw ang sagot. Hindi ko
naintindihan. Sa kabilang banda, may ibinabalita si Mayor tungkol sa susunod na laban
ng basketball. Hindi ako interesado. Nababahala ako kay Peng. Sa plato niya, nakaipon
ang gisantes sa gilid at ang tumbong ng manok. Nung maubos niya ang kanin, inilagay
niya ito sa platong may mga buto at mismis ng kanin. Uminom siya ng tubig at umalis
sa mesa.

Mapili sa pagkain si Peng at isang milagrong nabuhay si Peng sa kulungan. Lalo pa’t
isa ang pagkain sa mga pinag-aawayan, lalo na noong kabataan ko. Halimbawa, ‘yung
mga Batang Cebu, ang gusto eh, isda at gulay. ‘Yung mga taga Bicol, gusto
maanghang. Kapag Iglesia, hindi kakain ng dinuguan. Yung mga Manila Boys, gusto,
fried chicken.Tapos bigla silang mag-aaway-away kasi hindi sila nagkakaintindihan,
akala nung mga taga-Maynila, sila ‘yung pinag-uusapan nung mga nagbi-Bisaya.

Si Peng, hindi siya kumakain ng ng okra dahil baka daw tumubo ‘yung buto sa tiyan
niya. Pinagbawalan din siya ng doktor na kumain ng mga sitaw, munggo, bitswelas, at
eto nga, gisantes. Sa manok, hindi siya kumakain ng tumbong dahil napapanghihan
siya dito. Na siya namang paborito ko. Madalas ay lahat ng ayaw niyang pagkain,
inililipat niya sa plato ko.

“Kainin mo,” sasabihin niya sa’kin.

“Huwag,” kunwaring pigil ko sa kanya, “may ilaw pa.” Susundan ko iyon ng kindat.

“Tarantado,” ngumisi siya, “kainin mo yan.”


Isa ‘yon sa mga birong kami lang ang nakakaalam. Iyon kasi ang mismong salitang
binibitawan niya kapag nagsisiping kami at ang bibig ko ay dumako na sa pagitan ng
kanyang mga hita. Kainin mo. Tapos ay uungol siya ng pigil na pigil, nakakuyom ang
mga labi dahil ayaw niyang marinig ng mga kasama namin ang aming pagsisiping.
Kahit na napaka imposible noon sa napakaliit na espasyong ito. Pero pilit niyang ititikom
ang labi, kahit nanginginig na ito na halos gumagaya na sa tunog ng bentilador na
walang langis.

Minsan naman, papatong siya sa’kin, ang dibdib niya sa’king dibdib, mukha sa aking
mukha. At iyon lang ang tsansa niyang mahalikan ako. Ang ilong namin ay nagpapalitan
ng hininga. Kinikiliti ang baba ko ng buhok sa buhay niyang nunal sa baba. Kami ay
nasa isang duwelo ng mga espada. Ginagagap ng kamay ko ang likuran niya, ang
kabuuan ng dragon sa kalagitnaan ng pagbuga ng apoy, ang kaliskis nito at mala-ahas
na buntot. May mga panahong bumabaon ang kuko ko sa kanyang balat.

“Para ka namang pusa,” sasabihin niya sa pagitan ng kanyang malalalim na paghinga.


“Kaya nga kinakain ko ang mga tira-tira mo, di ba?” Saka ko gagayahin ang pagngiyaw
ng pusa.

Bumanat na naman si Liwanagan ng green joke mula sa kinakasama niya. Tungkol sa


babaeng virgin na hindi isinali ng mga kaibigan niya sa paluwagan. Hindi ko na tinapos
ang istorya. Hindi ko na lubos maisip kung paanong habang nagkakangkangan sila,
bumibira ang kinakasama niya ng “Labs, may magjowa sa sinehan. Pini-finger nung
lalaki ‘yung babae. Sabi nung lalaki, ‘Honey, naiwan ko ‘yung college ring ko sa loob.’
Kaya kinapa ni lalaki. Nung nakuha niya yung singsing, nagulat siya. ‘Honey, bakit
nagkulay green, acidic ka ba?’ Ay, hindi. Baka sa dati kong boyfriend yan, Lasalista
‘yun, eh.’”

Isang joke pa at lalaslasin ko na ang lalamunan niya ng tinidor. Itatarak ko ang tinidor
gaya kung paano ko itinarak ang basag na bote ng alak sa leeg ng tatay ko. Ang sarili
kong ama na ipinagahasa ang kapatid kong babae noong malaman niyang may
karelasyon itong kapwa babae. Nang malaman niyang lesbiyana ang kapatid kong si
Onor. Kung paanong naisip ng tatay ko, ang mahusay kong ama, ang lasenggo kong
ama, ang ama kong parating sinasabihan ni Onor na ‘Tay, baka ikamatay mo yang
kakaalak. Kung paanong naisip niyang mababago niya si Onor kapag pinasukan ng titi
ang puwerta nito. Ginahasa si Onor sa kamalig ng tatlong lalaking hindi niya nakilala
dahil madilim, at hindi sanay ang mata ni Onor sa kadiliman.
“’Tay,, hindi ba tayo magsusumbong sa mga pulis?”

“Hayaan mo na, para naman maging babae yang kapatid mo, tignan mo, kapag
nagkaanak yan. Lalambot yan.”

Kay Onor ako unang nagsabi na alanganin ako, na bakla ako, na may gusto ako sa
kapwa ko lalaki. Si Onor na nagsabing pareho pala tayo at nagbalita sa ’king may
nililigawan siyang kamag-aral niyang si Thelma. Si Onor, ang kapatid kong mas
matapang sa’kin, ang may lakas ng loob na ipagsigawan kung ano siya. Ako, isa akong
gagamba na kapag pinuwersang palabasin mula sa itlog nito, mamamatay ako, ni wala
man lang tsansang maging kahit ano, hindi man lang manalo sa lotto.Mas
nararamdaman ko ang kalayaan sa pagkakakulong. Gaya ngayon, sa pagkakakulong,
ligtas ako. Ito ang aking sanktwaryo.
Hinintay ko ang pagtulog ng tatay ko. Paano niya nagawa iyon kay Onor na may
parehong hubog ng ilong niya, halos magkahawig na bibig? Hinampas ko siya ng bote
ng alak sa ulo. Nung maalimpungatan siya, nataranta ako at kaya hinampas ko siya ulit
ng mas malakas at nabasag ang puwit ng bote. Itinarak ko iyon sa leeg ng tatay ko.
Sumirit ang dugo. Pero hindi sapat iyon kapalit ng dugong gumapang sa binti ni Leonor,
ang tinanggal niyang pagkatao. Kaya winakwak ko ang lalamunan ng tatay ko.
Isinumbong ako ni Onor sa pulis. Si Onor na noo’y naglilihi sa balimbing. Ang putang
inang tibong sumbungerang si Onor. Natatakot na daw siya sa’kin. Ang traydor na si
Onor. Parang hindi na daw niya ako kilala. Mali raw ang ginawa ko. Ang
mapanghusgang si Onor. Hindi man lang niya ako binisita. Ang kapatid kong si Onor.
Mabuti pa si Liwanagan, binibisita siya ng kinakasama niya. Parati siyang
pinapasalubungan ng isang bayong na libog at isang sakong green jokes. At kung
papatayin ko siya ngayon, siguro babanat pa rin si babae ng mga green jokes sa lamay
niya habang nagbubuka ng butong pakwan. Magtatanong siya sa kahit na sino, baka sa
nanay ni Liwanagan, o sa pinsan nito, kung ano ang pinakamalamig na bahagi ng
katawan ng lalaki. At sasagutin niya ito ng mga hita, dahil kung mainit ito, malamang ay
naluto na ang mga itlog. Malamang, sasabihin niya ito habang iniiyakan ang bangkay ni
Liwanagang butas-butas ang leeg. At ayokong makita iyon.

Nagligpit na ko ng pinagkainan. Kasama ng mga mismis ng kanin, nandoon pa rin ang


tumbong ng manok.

*****

Patay na ang ilaw pero wala pa rin akong napapatay. Naghihilik na si Trampe at gusto
kong ipasak ang kamao ko sa bibig niya. Pero wala na akong gana. Tinatamad ako.

Katabi ko si Peng. Alam kong gising siya at nakatitig sa papag na nasa ibabaw ng
aming higaan, ang bawat dugtungan at pinagpakuan ng mga kahoy, na kaya niyang
aninagin sa dilim. Dahil tulad ko, nasanay na ang mata niya sa kadiliman.

“Peng,” bulong ko. Hindi agad siya sumagot. Ang naririnig ko lang ay ang kanyang
paghinga. “Pa’no, lalabas na ko bukas.”

“Oo nga, eh. Lalaya ka na.”

“Hindi,”mabilis kong sagot,” Lalabas lang ako. Panibagong mga lugar. Panibagong mga
mukha. Pero matagal na kong lumaya.”

Hinawakan niya ang kamay ko. Ang kulubot at mabuto niyang kamay. “’Yan naman
kasing presidente na ‘yan. Binigyan ka ng clemency, wala namang pansit. Sa’n mo
kaya gagamitin ‘yun, di ba?”

“E di gagawa ako ng clemency juice. Para sa’yo. Masyado ka kasing nagmamaasim.”

Pinatigil niya akong magsalita, nakatapat ang hintuturo niya sa bibig ko. Tapos ay
hinalikan niya ako. Sa pisngi. Sa leeg. Sa labi.
Pumatong siya sa’kin. Sa huling pagkakataon. Pumaibabaw ang Hari ng mga Puso sa
Reyna ng Espada. Solitaryo. Iisa.

Lalabas na ako bukas. At matatandaan ko ang gabing ito, ang napakatahimik na gabing
binasag ng bentilador na kulang ang langis. Isa sa mga gabing nakakulong ako, sa
kanyang mga binti at braso, kung kailan ko naramdaman ang tunay na kalayaan.

SANGGUNIAN:
https://www.youtube.com/watch?v=M4-
15CZAcmk&fbclid=IwAR10szyU2PPO1GBAGVBt3S4_RwYHzlmSsqdwkfRcLXa5r3RQj
BM4KuTrgYM&app=desktop
https://thepacsmachine.wordpress.com/2015/09/27/ang-reyna-ng-espada-at-mga-pusa/

Kabanata VIII (MANANSALA, MANIULIT, MARIS, MARTIN)


Aralin 1

PANITIKAN HINGGIL SA ISYUNG PAMPAMILYA


ANG MGA ANAK NI MANG GUSTING
Lualhati T. Bautista
(Maikling Katha)

MAY AKDA
Si Luwalhati Bautista ay isa sa pinakatanyag na Filipinong nobelista. Ilan sa
kanyang mga akda ay Dekada 70, Bata Bata Pano ka Ginawa? at Gapo.
Siya ay ipinanganak sa Tondo Manila noong ika-2 ng Disyembre 1945. Bagamat
kulang sa pormal na pagsasanay, siya ay naging kilala sa kanyang makatotohanan at
matapang na paghayag sa mga isyung kinasasangkutan ng mga babaeng Filipino at sa
kanyang makabagbag damdamin na pagpapakita sa babae na may mahirap na
sitwasyun sa bahay at sa trabaho.
Natanggap niya ang Palanca Awards (1980, 1983, 1984) para sa nobelang
Gapo, Dekada 70 at Bata, Bata Paano ka Ginawa? Mga nobelang naglalarawan nang
kaapihan ng mga kababaihan noong panahon no Marcos.

ANG MGA ANAK NI MANG GUSTING

Ugali nang sabihin nating ang mga anak ay siyang gabay ng mga magulang sa
pagtanda. Ngunit may mga anak na nagpapalagay na alalalahanin at pabigat ang mga
magulang na hindi nila kinakailangan pa. Mandi’y hindi nila naisip na bukas-makalawa
ay mga magulang din silang patungo sa pagtanda at mauuwi sa gayon ding kalagayan.
Ano kaya’t ang palagay nilang iyan ang tutubo rin sa isipan ng kanilang anak..
mamarapatin kaya nila?
Halos pabagsak na ibinaba ni Fely ang telepono.
“Buwisit!”
Inalis ni Gi ang salamin na mula sa ibinababang pahayagang hawak.
“Bakit na naman? Sino ba ‘yan?”
“Si Letty. Uuwi raw silang mag-anak sa Baguio at kung pwede raw ay dito muna
si Tatay.”
Nangunot ng noo ni Gi.
“Biro mo, isasaksak na naman dito ang matandang iyon!”
Nagbuntunghininga si Gi. “Ikaw ang….Tatay mo naman iyon, a.”
“Oo nga. E kaso… alam mo namang ang hirap kapag narito ang Tatay. Ang
sikip-sikip na nga rito sa ‘tin. Saka sa mga anak mo lang kulang na kulang ang
sinusweldo mo…Idaragdag pa siya.”
“Iyan namang si Letty…” patuloy sa pagsasalita si Fely, “hindi pa isama ‘yung
matandang iyon!”
Itinaas na muli ni Gi ang mukha at sinulyapan ang asawa. “Alam mo kung anong
napupuna ko sa inyong magkapatid? Ang sasama ng ugali ninyo sa Tatay ninyo!”
“Hindi mo naman naiintindihan, e.” padarag na sagot ni Fely. “Si Letty ang dapat
kumupkop sa kanya at mas may kaya sila nang kaunti kung sa atin rin lang. Saka
malaki ang lugar sa kanila, hindi paris dito na lilima-lima tayong mag-anak ay para
tayong sardinas sa sikip.”
“Ku!” piksi si Gi at ipinagpatuloy na ang pagbabasa.
Nagkukula si Fely nang marinig niya ang ugong ng pumarang sasakyan. Natiyak
niya agad na sina Letty na iyon. Padabog halos na muli niyang ibinalumbong at ibinalik
sa timba ang inilalatag nang damit. Saka kunwa’y nakangiting sinalubong ang mga
bagong dating.
“Mano, Itay.”
“Naku, Ate, ang taba mo ngayon,” bulalas ni Letty.
“Tama ka na, sa’n ba ako tataba? Santambak na kunsumisyon ang inaabot ko
araw-araw sa mga pamangkin mo. Buti nga kamo kayo, puro gudtaym.”
“Negosyo ang sasadyain namin sa Baguio,” paliwanag ng bayaw niyang si
Maning. “’To lang kapatid mo, mahilig sumama e. Kaya isasama na rin namin tuloy si
Boyet.” Ang nag-iisang anak ang tinutukoy ni Maning.
“Kung isinasama na rin ba ninyo ang Tatay,” padaplis ni Fely.
“Damuho ka, pwede pa ba ako sa biyahe?” nakatawang sabad ng kanyang ama.
“Heto nga’t mula Quezon City hanggang Blumentritt lang e hinihingal na ako sa pagod.”
Nagtuloy sila sa sala at nagsiupo.
“Ang mga apo ko?” tanong ng matanda.
“Nasa eskwela ho ang dalawang malaki. Ayan ho ang bunso,” tinawag ni Fely
ang anak. “Jun, mano sa Lolo.”
Kiming inabot ni Jun ang kamay ng agwelo saka idiniit sa noo. Pagkatapos ay
yumakap sa ina at isinubsob ang mukha sa kandungan nito.
“Nahihiya. Ang tagal kasing hindi nakita ang Lolo niya. Bihira kasi kayong
pumasyal rito.”
“Hayaan mo,” hinaplos ni Letty ang buhok ng pamangkin, “Dito nang lagi ang
Lolo. Inyo na.”
Nagkatawanan.
Hindi nagtagal at nagpaalam na ang mag-asawang Maning at Letty.
“Kayo na muna ang bahala sa Tatay. Uuwi kami agad.” Si Mang Gusting ay
naiwan na sa anak niyang si Fely.
Dumaan ang tatlong araw.
Damdam ni Fely ay magkakasakit na siya. Kunsumisyon si Mang Gusting,
perhuwisyo pa sa mga bata. Sabagay, ang kay Mang Gusting ay malaking kagustuhan
lamang na makatulong. Katulad noong minsan…
“Ako na ang maghuhugas ng pinggan, Fely. Magpahinga ka na.”
“Huwag na Itay. Ako na ho.”
Naggalit-galitan si Mang Gusting. “Bakit, akala mo ba’y mahina na ang ama mo
at hindi kayang magtrabaho kahit pakapa-kapa? Bitiw diyan at ako ang gagawa.”
Nainis si Fely. Ang ginawa’y ipinagpag ang kamay at tumalikod. Pabayaan na
niya ang gusto ng ama bago siya makasagot ng hindi tama.
Naupo si Fely sa sopa at humawak ng babasahin. Ngunit hindi pa halos niya
nabubuklat ay nagulantang na siya sa ingay na likha ng pagkahulog at pagkabasag ng
isang bagay. Takbo siya sa kusina. At halos ibig niyang mahimatay. Durug-durog sa
lapag ang mga kristal na basong kaytagal niyang iningatan.
“Naku…he..he.. pasensiya ka na anak. D-dumulas sa kamay.” Dinampot ng
nanginginig na kamay ng matanda ang mga piraso ng nadurog na kasangkapan.
“E ano pa ba’ng magagawa ko kung di magpasensya? Ang kulit n’yo naman
kasi. Sinabing ako na…” padabog na kumuha si Fely ng pandakot at walis.
Habang nililinis ni Fely ang lapag ay nakamata si Mang Gusting, ayos humihingi
ng paumanhin. Talagang galit si Fely at sinadya niyang ipakita ang galit na iyon.
Tukso! Sumabay pa ang iyakan ng mga bata. Nag-aaway. Nagmura na si Fely.
Sumugod siya sa kwarto at sa mga bata ibinunton ang galit. Pinagpapalo ang mga ito at
pinagmumura.
Kinagabihan. Nang inakala ni Mang Gusting na malamig na ang ulo ni Fely ay
pinasok niya ito sa kwarto.
“Dahil sa nangyari kangina, anak,” pagsisimula ng matanda.
“Ang Tatay, wala na ho sa akin iyon. Ako nga ho ang dapat na humingi ng
paumanhin at sa konting bagay ay nagpuyos agad ako,” malumanay na sagot ni Fely
“Hamo’t hindi na mauulit iyon.”
Noon ay napag-isip-isip ni Fely na mali ang kanyang inasal sa magulang kung
kaya nilapitan niya ito at pinagsalikop ang dalawang kamay sa batok ng matanda.
Sumaya na ang mukha ng matanda.
Minsan uli. Tanghali noon.
Pumasok si Fely sa kwarto ng mga anak upang hakutin ang maruruming damit
na lalabhan nang matawag ang pansin niya ng umaasok ng ulunan ng matandang
Gusting na kasalukuyang naghihilik sa tabi ng apo. Napasugod si Fely.
“Itay, gumising kayo. ‘Tay. Dali’t… sabay tapon niya ng kung anu-ano sa nag-
aapoy na unan. Mabuti’t naisip niya agad na hindi iyon ang tamang gawin. Dinampot
niya ang unan sa lapag at doon ay pinagsikapang mapatay ang apoy.
“Nakatulog kayong naninigarilyo, ‘Tay.”
“N-naku, hindi ko alam. Ng..ngayon lang nangyari ito. P-pasensiya ka na.”
Nagtiim na lamang ang mga labi ni Fely. Kung si Tito ang nakagawa nito’y
walang pagsalang makakatikim ng banat.
At ang mumunti pang pangyayaring sumunod doon, maliliit at malalaking
kunsumisyon ay siyang pumuno sa dibdib ni Fely. Wala siyang magawa kundi ang
maghimutok sa asawa.
“Talaga, Gi. Nanganing-nganing batukan ko na!”
“Pasensiya na, iha. Matanda na ang Tatay,” sagot ni Gi.
“E, putris naman! Pasensya! Pasensya! Aba’y daig pa ang mga anak mo.”
Napatawa lamang si Gi.
Sa wakas, ang mag-asawang Letty at Maning ay bumalik din sa Maynila.
Pagdating kina Fely, mangyari pa, kumustahan, yakapan. Kaunting kwento at ang
pagkakataong hinihintay ni Fely na magkasarilinan silang magkapatid ay dumating din.
“Kumusta ang Tatay?” ani Letty.
Sukat doon at ang pagdaing ay sunud-sunod na ibinulalas ni Fely.
“Alagaan mo pala ang matandang iyan ay daig mo pa’ng nag-alaga ng sampung
sundalo!” patuloy na daing ni Fely.
“Kaya nga binigay ko na sa iyo, e. Aalagaan ko na ang sampung Boyet,
mapuwera na lang sa listahan ang matandang iyan.”
“Kung gano’n… ibig mong sabihin, akin na iyan? Aba Letty, hindi pwede! Alam
mong tatlu-tatlong anak ko!”
“Di gawin mo nang apat. Ngayon ka lang naman. Alalahanin mong dalawang
taon na ‘kong nagsakripisyo,” panunumbat ni Letty.
“Oo nga. Pero maawa ka naman Letty.”
Tinapik ni Letty sa bisig ang kapatid, “Isi ka lang.” At tumawa na itong magbalik
sa sala. Naiwan sa Fely na halos ay ibig magsisigaw sa matinding ngitngit. Mangiyak-
ngiyak.
Mula noon ay naging tuluyan nang mainitin ang ulo ni Fely. Aywan ba niya pero
habang tumatagal ay bumibigat ang dibdib niya sa matanda. Gayong kung babalikan
lamang niya sa isip ay mapaglilimi niyang noong araw ay naging napakabuting
magulang sa kanila ni Mang Gusting. At napakalupit nila upang gantihan ang matanda
nang ganoon.
Ngunit iyon ay noon. Ang pagmamahal na dati’y iniuukol niya sa ama ay
natabunan ng mga kunsumisyong idinudulot nito sa kanya.
Naisip niyang kailangang magkasundo sila ni Letty ukol sa bagay na ito. Hindi
siya paaagrabyado sa kapatid, ba! Hindi niya matatagalan habang-buhay na nasa piling
nilang mag-anak ang matanda. Hinding-hindi!
Isang araw ay tinawagan niya si Letty.
“Pumunta ka rito. Mag-usap tayo tungkol kay Tatay,” sabi nito sa kapatid.
“Anong pag-uusapan na naman?” dinaraan siya ni Letty sa tawa.
“Masinsinan, Letty,” mariing tugon niya.
At si Letty nga, kasama ang anak ay dumating. Isang biyernes ng hapon.
Upang hindi marinig ng matanda ang kanilang pag-uusap, binigyan ito ni Fely ng
pampanood sa isang malapit na sinehan at pinasama ang kanyang panganay na si Tito.
Nang makapagsarili na sila ni Letty, sabi niya: “Sabihin mong masama akong
anak, Letty. Pero, talaga… sawang-sawa na ako sa Tatay. Mahal ko siya kung sa
mahal, pero por Diyos,” tinampal niya ang noo. “Talagang daig pa’ng mga anak ko sa
kunsimisyon, maniwala ka!” bagama’t talos niyang hindi masyadong totoo.
Hindi sumasagot si Letty.
Nagpatuloy si Fely. “Kung ayaw mo siyang kunin, may naisip akong palagay ko’y
mas makabubuti. May nalalaman akong tahanang laan para sa mga matatandang
kaparis niya. Doon ay makakasama niya ang kapwa nita matanda na at… patapon na,
‘ika nga. Magtulong na lang tayo sa pagtustos sa kanya kung ibig mo.”
Napayuko si Letty. Nag-iisip.
“Hindi ko ibig na gawin ito sa Tatay, Letty,” dagdag ni Fely. “Pero ito na lang ang
huling magagawa natin.”
“T-tutol ang loob ko, Ate,” mahinang sagot ni Letty.
Napalingon ang magkapatid nang pabalabag na mabuksan ang pinto. Nakita nila
si Gi. Tiim-bagang na nakatitig sa kanila. Magkakuyom ang mga palad. At sa mata’y
may poot.
“Hinding-hindi ko inaasahang maaatim ninyong gawin ito sa inyong ama, Letty..
Fely..” mariing-mariin ang pagkakabigkas niyon.
Napatayo si Fely. Namutla. Tinangka niyang magpaliwanag, ngunit sa inaanyo
ng asawa ay biglang nanuyo ang kanyang lalamunan.
“Samantalang siya ang nagbigay buhay sa inyo, nagpalaki, nag-aruga hanggang
sa marating ninyo ang kinalalagyan ninyo ngayon.
Ang dalawa’y kapwa napipi.
“At ngayong wala na siyang silbi at panahon naman upang kayo ang magsilbi sa
kanya ay turu-turuan kayo. Anong klase kayong mga anak! Balang araw, Fely, sana’y
marinig mo namang sinasabi ni Tito kay Rita ang: “aalisin na natin ang Nanay, Rita.
Wala na siyang silbi!”
Parang sinampal si Fely sa sinabi ng kabiyak.
“Isipin ninyo, itatapon ninyo sa isang bahay-ampunan ang inyong ama? Upang
doon na niya hintayin ang kanyang kamatayan. Samantalang dala-dalawa kayong may
kaya namang makapagbigay sa kanya ng ginhawa kahit man lang sa mga huling araw
niya.”
“Tama na Gi!” Itinakip ni Fely ang dalawang palad sa tainga.
Kinagabihan, matagal nang nakahiga si Fely ay ayaw pa siyang dalawin ng
antok. Sa kanya, ang gabing iyon ay gabi ng paglilimi, ng pagbabalik sa isip ng mga
nagdaang araw, ng bukas… paglaki ng kanyang mga anak at siya’y matanda na at
nasa kalagayan ng kanyang ama. Iyon ay gabi din ng pagsisisi. Mataos na pagsisisi.
Paano niya maitutuwid ang lahat? Sana ay hindi pa huli.
Kinabukasan pa lang, ang lahat ay sinimulan na niyang maganda para kay Mang
Gusting. Asikaso niya ito sa agahan. Pinatulong niya ito sa mga mumunting bagay na
ibig makatulong ng matanda. Sinikap niyang ipadama kay Mang Gusting na ito’y may
silbi pa at may magagawa pang mahalaga liban sa humiga at maupo maghapon.
Nakita naman niyang nakasiya iyon kay Gi.
Ngunit kinalingguhan at dumating ang mag-asawang Letty at Maning. Pagkaraan
ng konting balitaan ay sinabi ni Letty: “Sa amin ka na muna uli ‘Tay. Hinahanap-hanap
ka ni Boyet.”
“Aba!” tutol agad ni Fely. “Ibinigay mo na yata sa ‘min ang Tatay.”
Napatingin sa kanya si Letty. At sila’y nagkatitigan. Naroon ang pagkaunawa sa
mga mata ng isa’t isa.
Nakatawang sumabad si Gi. “Baka mag-away pa kayo. Ang mabuti, dyak en
poy.”
“Halinhinan na lang,” sabi ni Maning. “Mga isang buwan sa inyo, isang buwan sa
amin. ‘Di walang kagalitan.”

Aralin 2
BUOD NG SAMPAGUITANG WALANG BANGO
ni Iñigo Ed Regalado

MAY AKDA
Si Iñigo Ed Regalado ay isang batikang peryodista, nobelista, kwentista,
mandudula at makata. Kabilang sa mga nobelang kanyang nailimbang ang “Madaling
Araw” (1909). “Kung Magmahal ang Dalaga” (1911), “Ang Labing-Apat na Awa”,
“Sampaguitang Walang Bango” (1918), “May Pagsinta’y Walang Puso” (1912), “Huling
Pagluha”, “Ang Dalaginding”, “Anak ng Dumalaga”, “Ang May Lasong Ngiti”,
“Nagdalawang Mukha” at marami pang iba. Marami rin siyang naisulat na libreto ng
mga operang sarili tulad ng “Mariang Makiling”, “Pagmamahalan” at “Ang Mithi”,
“Pagkakaisa”, “Watawat”, at “Kapangyarihan ng Bayan”. Naging punong patnugot siya
ng “Liwayway” at patnugot tagapagpaganap ng “Ilang-Ilang”. Matagal na naging
editorial writer at columnist ng Taliba. Naging isa sa mga unang kasangguni sa Surian
ng Wikang Pambansa. Siya ang tanging Pilipinong manunulat na binigyan ng
karangalang Master of Arts in Literature Honoris Causa ng Centro Escolar University.

BUOD NG SAMPAGUITANG WALANG BANGO

Si Nenita at Paquito ay dating magkasintahan nang sila’y nasa haiskul pa. Labis
silang nagmamahalan subalit magkaiba ang kanilang daigdig. Si Paquito ay mahirap
lamang samantalang si Nenita ay nakaririwasa. Dahil dito’y naisip ni Paquito na
gumawa ng paraan upang sila’y magkasira. Pinagselos niya si Nenita sa pamamagitan
ng panliligaw kay Liling, isa nilang kamag-aral. Sumama ang loob ni Nenita at hindi na
nagpatuloy sa pag-aaral. Upang makalimot ay sinagot niya si Don Bernandino Deala na
kilala sa palayaw ng Bandino. Siya’y isang matagumpay na mangangalakal. Natakda
ang kanilang kasal. Ang pag-aasawa ni Nenita ay lubhang dinamdam ni Paquito kaya
ibinuhos na lamang ang kanyang panahon sa pag-aaral. Nakatapos siya ng abogasya
at naging matagumpay.
Sa isang pagdiriwang sa Malacañang na handog ni Gobernador Harison sa
nagsisibuo ng lehislatura ay muling nagkita ang dating magkasintahan. Abalang-abala
si Nenita sa dami ng nakikipagsayaw at nakikipanayam sa kanya. Dito niya nakasayaw
si Paquito at muli silang nagbalitaan. Namahinga sila sa may bintana sa dakong ilog at
dito’y naikwento ni Nenita na si Bandino, ang kanyang asawa ay mahilig sa mga babae.
Naawa si Paquito sa kanya at muling nagkapalagayan ng loob. Sila’y nagkayaring
magkikitang muli.
Sina Bandino at Nenita ay may kapitbahay, si Don Diego. Humahanga siya kay
Nenita. Mapalad daw si Bandino sa pagkakaroon ng asawa na bukod sa maganda ay
mapagkakatiwalaan pa. Lagi niyang pinaaalalahanan si Bandino na ang ginagawa niya
ay maaari ring mangyari sa kanya kung hindi siya hihinto sa kapilyuhan.
Samantala, sina Nenita at Paquito ay patuloy na nagtatagpo at ang kanilang pag-
iibigan ay lalong naging makulay. Lingid sa kanila, sa isa nilang pagkikita ay napansin
sila ni Don Diego na noon ay namamasyal din. Nasira ang kanyang pagtingin kay
Nenita.
Si Liling namang kasintahan ni Paquito ay nakabalita na rin tungkol sa dalawa.
Sumulat siya kay Paquito at sila’y nagkasira rin. Nagkasundo sina Paquito at Liling na
mag-usap sa pagdiriwang sa tahanan ni Contales.
Sa pagdiriwang ay naging tampok si Liling dahil sa kanyang kagandahan at
kahinhinan. Ito ay ikinatuwa ni Paquito at talagang sila’y mag-uusap na ngunit
ipinatawag siya ni Nenita. Tumutol si Paquito at sa takot na may makapansin sa kanila’y
nanaig din si Nenita.
Sa gayon ay nagpatuloy ang madalas na pagkikita nina Nenita at Paquito
hanggang matuklasan ni Lijukom, matalik na kaibigan ni Bandino. Ipinagtapat niyang
lahat kay Bandino ang lahat ng kanyang nalalaman. Hindi makapaniwala si Bandino
kaya’t napagkasunduan nilang subaybayan si Nenita. Napatunayan niya ang
katotohanan tungkol sa pagtataksil ng dalawa. Naging paksa ng usap-usapan sina
Bandino at Paquito.
Kinabukasan sa pag-uwi ni Bandino ay nadaanan niyang natutulog si Nenita at
ang anak na si Neli. Niyakap niya si Neli na ikinabigla nito. Nagising si Nenita at sila’y
nagharap. Nalaman ni Nenita na batid na ni Bandino ang kanyang kataksilan. Humingi
ng tawad si Nenita at sinabing nagawa niya ito dahil sa pagpapabaya at pambabae ni
Bandino. Gusto ng utangin ang buhay ng asawa subalit nagpigil siya alang-alang sa
anak nila.
Naisip ni Bandinong magpakamatay na lamang. Nagtungo sa hardin si Bandino
at akmang kakalabitin na lamang ang gatilyo ng baril nang biglang yumakap ang
kanyang anak. Pumutok ang baril ngunit walang natamaan. Kumalat ang balita sa
buong Maynila. Nabalitaan iyon ni Liling at ito’y nakipagkalas kay Paquito. Sa sama ng
loob ay nagtungo si Paquito sa Mindanao. Ipinalagay ni Nenita na kahinaan ng loob ang
pagtalilis sa kanya sa oras ng pangangailangan.
Si Bandino naman ay nagpasyang mangibang bansa kasama ang anak upang
makalimot. Ang paglayo nila ay pinagdusahan at pinagsisihan ni Nenita. Hinanap-hanap
niya ang kanyang anak na labis niyang minamahal. Ang akala ng iba’y katangi-tangi
ang maganda at kadalisayan ni Nenita, iyon pala’y isa siyang Sampaguitang Walang
Bango.
Aralin 3

DONYA MARIA AT DON FELIPIE


Mula sa salin sa Ingles ni Haydrian de Veyra

Noong unang panahon ay may mag-asawang ang pangalan ay Donya Maria at


Don Felipe.
Nang magdalangtao si Donya Maria, isang maghuhula ang nagsabi sa kanilang
kambal ang mga anak at parehong babae. Ang isa ay may balat na bituin sa noo at ang
isa ay buwan sa dibdib. Masama ang palatandaan ng mga ito kaya ganoon na lamang
ang pangamba ni Don Felipe.
Nang manganak ang asawa, kinuha niya ang bagong silang at itinapon sa ilog sa
takot na magdala sila ng kamalasan sa buhay. Lingid sa kaalaman ng Don, sinundan
siya ni Donya Maria. Nang makaalis ang Don, kinuha ng Donya ang kambal at ipinatayo
ng kubo sa tabi ng balon. Araw-araw umiigib siya ng tubig sa balon para lamang
mapasuso ang kambal.
Isang araw, napansin ng Don ang madalas napag-igib ng tubig ng Donya sa
balon. Sinabi niya sa asawa na siya ay iigib sa araw na iyon. Natuklasan niya ang
ginawa ng asawa. Kinuha niya ang kambal at muli itinapon sa gitna ng kagubatan dahil
takot siya sa kamalasan na maaaring idulot ng kambal sa kanya.
Isang mangangaso ang nakakita sa kambal at inalagaan niya ang dalawa. Nang
sila’y lumaki, natakot ang mangangaso sa kanila. Hindi niya matingnan ang kambal
dahil nasisilaw siya sa liwanag na nakapaligid sa kanila. Pinagsabi niya sa buong bayan
ang pangyayari hanggang ito ay makarating kay Don Felipe. Pinuntahan ng Don ang
kambal. Nang siya’y makita ay sinabi nila: “Ikaw ang aming amang nagtakwil sa amin.
Pagbabayaran mo ang iyong ginawa.” Hindi man lamang nakapagsalita ang Don dahil
binawian siya ng buhay.
Kabanata IX (MENDOZA, MIGUEL, NALUZ MAE, NALUZ
MARY)
Aralin 1

PANITIKAN HINGGIL SA SITWASYON NG MGA PANGKAT MINORYA

Manoro
Ito ay kuwento ng isang batang babae nan ais magkaroon ng pagabbago. Si
Jonalyn Ablong ay isang Aeta na nagmula sa Pampanga. Siya ay nakapagtapos
lamang ng elementarya ngunit binigyang pansin pa rin niya ang pagtuturo ng pagbasa
at pagsulat sa kaniyang mga kasamahang Aeta upang sa darating na eleksiyon ay
makaboto sila ng maayos at makapili ng karapatdapat na pinuno.
Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, nawawala ang kaniyang lolo kaya siya at
ang kaniyang ama ay pumanik ng bundok upang maghanap.
Mahanap kaya ni Jonalyn ang kaniyang lolo habang pnipilit niyang matruan ang
kaniyang mga kasamang Aeta na malaman ang kanilang mga Karapatan sa pagboto?

Panoorin: https://www.youtube.com/watch?
v=KLXTvH7b1hI&fbclid=IwAR3XBExXOlbfbxM0Aa6ayFR9KQn2wOMYK7d53Vx40lYH0
sfPnrE80qSmqBQ&app=desktop

Aralin 2

I witness: Isang Araw sa Buhay ng Pinakamaliit na Tribo sa Pilipinas


(Dokumentaryo)

Ito ay isang dokumentaryo ni Mariz Umali sa I witness na nagpapakita sa paraan


ng pamumuhay ng mga Batak sa Palawan. Karaniwang makikita sa dokumentaryo ang
paraan ng pangangaso at pagtatanghal ng mga katutubo para sa mga turista.
Panoorin:
https://www.youtube.com/watch?v=qV9HWDLhcvk&t=99s

Aralin 3

Komunidad ng mga Katutubong Aeta, nanganganib na mawala dahil sa New Clark


City (Dokumentaryo)

Mahigit 10, 000 ektarya ang Sacobia Ancestral Land sa Tarlac na nagsisilbing
tahanan ng 16 na tribo ng mga Aeta. Ngunit ang lupain na pagmamay- ari nila sa loob
ng mahigit na isang siglo, possible nang mabura sa mapa dahil sa itatayong New Clark
City.
Ano kaya ang mangyayari sa mga tribong ito?

Panoorin:
https://www.youtube.com/watch?v=EJ9oMVHjWVA

Aralin 4

Investigative Documentaries: Indigenous Communities (Dokumentaryo)

Marami sa kanila ang nananatili pa rin sa lupang kinagisnan. May ilang


nakikipagsapalaran na rin sa mga lungsod. Sa pinakahuling datos ng National
Commission on Indigenous People, may higit labing apat na milyon na ang miyembro
ng IP’s.
Kung tutuusin ay protektado sila ng batas pero malayo sa katotohanan ang
kanilang nararanasan. May mga nagiigng biktima ng diskriminasyon pagdating sa
edukasyon at paghahanap ng trabaho. May napapatalsik mula sa sariling lupaing
kinagisnan na maging ng kanilang mga ninuno. May nababalewalang benepisyo dahil
sa katiwalian ng ilan. May nabuburang tradisyon dahil sa kakulangan ng sapat na
atensiyon ng gobyerno.
Sa kanila nito, naninindigan ang marami sa kanila para ipaglaban ang kanilang
Karapatan.
Panoorin: https://www.youtube.com/watch?v=M1B1bFWHWbE
Aralin 5

600 Pesos ( Judith’s Life Story)

Panoorin ang 600 Pesos (Judith's Life Story) na handog ng Maalala mo Kaya
na hango sa totoong buhay. Kuwento ito ng isang Aeta na si Judith Manap na
nagpursigi sa buhay sa kabila ng mga diskriminasyong natatanggap ng kaniyang mga
kasamang Aeta.
Isang magandang oportunidad ang kumatok sa pintuan ng kaniyang buhay nang
inimbitahan siya na sumali sa Mutya ng Biaan at ito ang nagging daan upang mapalitan
ang pagtingin sa kanila ng mga tao.
Panoorin:

https://www.youtube.com/watch?
v=xUcX6YrGI1U&feature=share&fbclid=IwAR00PJ51DbCReTErlabGDj5b4rB6dlXTEjdg
SUzY_KVgJO0irxrzEpSh7Uc

Kabanata X (NARANJO, NAVALTA, NAVARRO, PAMINTUAN)


Aralin 1

PANITIKAN HINGGIL SA DIASPORA / MIGRASYON

Panoorin – https://www.youtube.com/watch?v=LdyX3pycl-A

Diaspora

Ang salitang "Diaspora" ay salitang nag-uugnay sa mga sinaunang Griyego na


nagsisikap na sakupin at manirahan sa mga lupain sa labas ng bansang Griyego upang
matugunan nang kanilang suliranin sa lumalaking populasyon nuong ikaapat na siglo
bago ipanganak si Kristo.

Sa pamamagitan ng Lumang Tipan na isinalin sa Griyego, nagkaruon ng


pagbabago ang orihinal na konsepto ng "Diaspora" na tumalakay sa mga mamamayang
Hudyo (Jews) na ipinatapon ng mga Babilonyan mula sa Hudea at ng Romano Imperyo
mula Herusalem.

Ang pangkaraniwang salitang na "Diaspora" ay tumutukoy sa lupon ng mga tao o


etnikong populasyon na pinilit or hinimok na iwan ang kanyang tradisyunal na ethinkong
tahanan at mamuhay at manirahan sa ibang komunidad. Makalipas ang maraming siglo
matapos maglaho ang kaharian ng mga sinaunang Griyego, ang kasaysayan ng ating
daigdig ang nagsilbing isang buhay na saksi sa pangkasalukuyang konteksto ng mga
pangdaigdigang diaspora na nag-ugat mula sa pagpapatapon, pagpapa-alipin,
kapootang panlahi, digmaan at iba pang di mapagkaunawaan ng mga tao, o dahil sa
mga natural na kalamidad o kalunos lunos na sitwasyong pang ekonomiya sa Bayang
Sinilangan.

Ang diaspora ay isang kaganapan kung saan may malaking pagkilos ng mga tao
na lumilikas at naghahanap ng kaligtasan mula sa isang magulong kondisyon.
Ito ang simula ng kwento sa paglalakbay ng Lahing Kayumangi.

ANG UNANG OFW

Ang kauna-unang Pilipinong Mandaragat at nagtrabaho bilang isang banyagang


mangagawa na naitala sa kasaysayan ay si Trapobana, isang alipin na nabili ni
Ferdinand Magellan mula Melaka (ngaun ay Singapore) at isinama sa kanyang
paglalayag patungong Portugal. Mula sa kanyang pangalang Trapobana na
pinaniniwalaang isang pangalang Pagano, pinalitan ito ng pangalang angkop at
madaling tandaan ng mga Kastila at siya ay tinawag na Enrique.

Dahil nakakitaan si Enrique ng kasipagan, angking kaalaman at dedikasyon sa


trabaho, ginawa syang isang mandaragat ("seafarer") at isinama siya ni Magellan sa
kanyang paglalayag sa buong mundo. Bilang isang katutubo mula sa Cebu, si Enrique
ay nagsilbing "interpreter" ng mga Kastila sa kanilang pagdaong sa Pilipinas sa isla ng
Limasawa at sumunod ay sa Cebu. Nabigo si Magellan na sakupin ang Cebu na nauwi
sa isang madugong digmaan na naging dahlan ng kanyang kamatayan, isang
pagkakataon na sinamantala ni Enrique na manatili sa isla bilang na unang
"Balikbayan" at muling niyakap ang Lupang Sinilangan.

Migrasyon
MIGRASYON - tumutukoy sa paglipat ng mga tao sa ibang lugar upang doon
manirahan.

MIGRASYONG PANLOOB (internal migration)- ay ang migrasyon sa loob lamang ng


bansa.

MIGRASYONG PANLABAS (international migration) - ang tawag kapag lumilipat na


ang mga tao sa ibang bansa upang doon na manirahan o mamalagi nang matagal na
panahon.

MIGRANTE - ang tawag sa mga taong lumilipat ng lugar.


a. MIGRANT- pansamantala
b. IMMIGRANT- pampermanente

MIGRASYONG PANLABAS o INTERNATIONAL MIGRATION


Ayon sa estadistika ng UN noong taong 2013, 231.5 milyong tao o tatlong
porsiyento ng populasyon ng buong mundo ang nakatira sa labas ng kanilang bansang
sinilangan.

MIGRASYONG PANLOOB o INTERNAL MIGRATION


Sa mga papaunlad na bansa sa daigdig, isa ang Pilipinas sa may pinakamataas
na antas ng paglago ng mga lungsod kung saan 60 porsiyento ng populasyon ay
naninirahan sa mga lungsod.
Ayon sa ulat ng World Bank (WB) noong 2011, ang urban population ng Pilipinas
ay umabot na sa 61,925,169.87 noon pa lamang 2010.

MGA SANHI NG MIGRASYON


Malaking porsiyento ng mga migranteng nangingibang-bansa ay tinatawag na
ECONOMIC MIGRANTS o iyong naghahanap ng mas magandang pagkakataon upang
mapaunlad ang kanilang kabuhayan.

Bahagi rin ng mga migrante sa buong mundo ay mga REFUGEE na lumikas sa


kanilang sariling bayan upang umiwas sa labanan, prosekusyon o karahasan, at gutom
na sanhi ng mga kalamidad.

MIGRASYON NG PILIPINO
Sa tala noong 2012, tinatayang mahigit 10 milyong Pilipino ang naghahanap-
buhay sa mahigit 190 bansa sa daigdig.

Kabilang sa mga ito ang 3.5 milyong Pilipinong permanente nang naninirahan
bilang immigrante sa ibang bansa, tulad ng United States, Canada, Australia, Japan,
United Kingdom, at Germany.

Mayroon ding 3.8 milyong Overseas Filipino Workers (OFWs) o temporary


migrants na nagtatrabaho sa mga bansang tulad ng Saudi Arabia, United Arab
Emirates, Kuwait, Hongkong, Japan, Italy at
Ang kadalasang dahilan ng migrasyon ng mga Pilipino ay ang paghahanap ng
mas magandang trabaho na may malaking sahod upang matustusan ang mga
pangangailangan ng pamilya.

EPEKTO NG MIGRASYON:

PAGBABAGO NG POPULASYON
Ang pagkakaroon ng napakataas at napakababang populasyon ay may tuwirang
epekto sa migrasyon.

KALIGTASAN AT KARAPATANG PANTAO


Ayon sa International Organization for Migration, umaabot sa milyon-milyong
migrante ang walang kaukulang papeles taon-taon.

PAMILYA AT PAMAYANAN
Ang pangingibang bansa ng mga OFW ay may epekto sa kanilang mga naiwang
pamilya, lalo na sa kanilang mga anak.

PAG-UNLAD NG EKONOMIYA
Malaki ang naitutulong ng mga OFW sa pagpaplano ng ekonomiya ng Pilipinas,
maraming OFW ang nakapag-ahon sa kanilang pamilya sa kahirapan.
Ang kanilang REMITTANCE o ipinapadalang pera sa kanilang pamilya ay
nagsisilbing kapital para sa negosyo.

BRAIN DRAIN - Kung saan matapos makapag-aral sa Pilipinas ang mga eksperto sa
iba’t-ibang larangan ay mas pinili nilang mangibang bansa dahil sa mas magandang
oportunidad na naghihintay sa kanila. EPEKTO NG MIGRASYON

INTEGRATION at MULTICULTURALISM
Sa Italy, mayroon silang “batas sa seguridad” (legge sulla sicurezza). Layunin
nito ang magkaroon ng maayos na integration ng mga dayuhan sa Italy at magandang
relasyon.

MULTICULTURALISM
Isang doktrinang naniniwala na ang iba’t ibang kultura ay maaaring
magsamasama nang payapa at pantay-pantay sa isang lugar o bansa.

MILAN
Ni RAYMOND LEE
(Buod)

MILAN - https://www.facebook.com/watch/?v=559849831423870
https://www.facebook.com/Cine-Mari-124733022254804/videos/
559849831423870/
https://www.facebook.com/124733022254804/videos/559849831423870/

Si Lino, bilang isang OFW, ay nagtatrabaho para lang mahanap ang kanyang
asawa. Ang buhay ni Lino ay kulang. Akala niya ang sagot ay magkaroon ng mahal sa
buhay ngunit mali siya. Si Mary Grace ay mayroon ng sariling buhay, may asawa at
anak.

Si Jenny naman, bilang isang OFW, ay nagtatrabaho para sa kanyang pamilya,


para hindi sila maghihirap, araw-araw at buong araw siyang nagtatrabaho para sa pera.
Naging magkaibigan sina Lino at Jenny. Hindi sila nakaramdam ng saya sa
kanilang paghahanapbuhay sa Milan. Ang alam nila, mahalaga ang kumita ng pera at
ito ang makapagpapaligaya sa kanila, lalo na kay Jenny, para palagi siyang may
maipapadala sa kaniyang pamilya nang hindi na makaranas pa ng hirap.

  Ang nararanasan ng mga OFW ay malungkot magtrabaho sa ibang bansa. Wala


silang mahanap na bagay kung ano ang maaaring magbigay ng saya para sa buhay
nila. Alam nila na wala sila sa Pilipinas, at kailangan nilang tanggapin ang mga anong
bago (ibang kultura, ibang tao, ibang lugar, atbp.)

  Ayon sa pelikula, ang mga isyung hinaharap nila ay pu abuklat nyang atyu ng
trabaho para kumita ng pera. Gusto nila talaga ang buhay nila sa Pilipinas dahil ang
ginagawa lang ng isang OFW ay magtrabaho sa ibang bansa na iba ang kultura, mga
tao, mga okasyon, at iba pa. 'Yun lang ang ginagawa ng isang OFW, mag-ipon ng pera
para sa kanilang sarili o para sa kanyang pamilya.
  Ang mensahe ng pelikulang "Milan" ay puwede kang maging masaya sa buhay
kung mayroon kang mahal sa buhay para hindi magiging malungkot at kung masipag
kang magtrabaho hindi magiging mahirap ang buhay.
Natagpuan nina Jenny at Lino sa isa’t isa ang kahulugan ng kaligayahan. Kapag
may nagmamahal sa iyo, nagkakaroon ng kahulugan ang iyong buhay. Ang anumang
mabigat ay nagiging magaan dahil sa anumang oras ay may karamay ka at
makakapitan.
Aralin 2

PAG-UWI
Liwayway A. Arceo

Tungkol sa manunulat:

Maituturing na pangunahing manunulat na babae sa Tagalog si Liwayway A.


Arceo at maagang kinilala sa larangan ng panulat sa pagkapili ng kanyang “Uhaw ang
Tigang na Lupa” (Nalathala sa Liwayway, Mayo 8, 1943) bilang pangalawang
pinakamahusay na kwentong Tagalog ng 1943.
Isinilang si LAA sa Canal dela Reina, Tondo, Maynila. Naging patnugot –
pangkababaihan ng Lingguhang Liwayway (1963). May akda siya ng mga sanaysay
(1946-1984), maikling katha (1941-1982) at nobela (1952-1987). Siya ay sumulat din ng
mga dulang panradyo. Na sinubaybayan ng bayang tagapakinig mula (1949-1958).
Noong 1962, ang kwento niyang “Banyaga” ang nagkamit ng unang gantimpala sa
patimpalak ng Palanca.
Ang mga kwento niyang “Uhaw….” At ang “Saan ang Lakad Mo Ngayon, Ma” ay
kabilang sa aklat-katipunan ng piling katha ni Liwayway A. Arceo na ipinalimbag ng
Ateneo University Press (1984). Si LAA ay may bahay ng makatang Manuel Principe
Bautista at ina ng anim na anak.

PAG-UWI
Liwayway A. Arceo

“Badong…. Anak….”
Ang tinig ay gumagaralgal. Tila may gatol sa lalamunan. Bahaw. Halos hindi
makalaya sa mga labi. Ngunit nanunuot sa puso ni Salvador. Lumukob sa kanyang
katauhan.
At nagtiim ang kanyang mga bagang. Napalunok siya upang sugpuin ang
damdaming nagpipilit makahulagpos sa kanyang dibdib.
Nag-ibayo ang pagpupuyos ng kanyang damdamin. Malamig ang dantay ng
palad sa kanyang pisngi. Gumapang sa kanyang noo. Sa kanyang buhok. Nadako sa
kanyang baba. Sinalat-salat ang gilit niyon. Muling gumapang paakyat ang mga daliri.
“Umiiyak ka? Bakit?.. Ba-kit ka… umiiyak? Gagaling na ako, a! Ibang-iba na ang
aking pakiramdam ngayon! Nagkita na uli tayo, anak…”
Nawala ang kanyang tinig. Halos hindi niya naigalaw ang kanyang mga kamay
nang angatin ang mga iyon at ikulong sa kanyang mga palad ang kamay ni Aling Idad.
Inilagak niya sa balikat at inangat iyon nang bahagya at itinuon doon ang kanyang mga
mata.
Isang tuyot na ubo ang yumanig sa kama, na hawak niya. Parang hindi niya
marinig ang ubong iyon. Ngunit nadama niya. Sa tangan niyang palad ay alam niya ang
pagpipilit ng kanyang ina na supilin ang ubo. Ngunit hindi magawa iyon.
“Isasandig ko ang Inang, Kuya.” Narinig niya ang tinig ng kanyang batang
kapatid na si Salud.
“Naupo ito sa gilid ng higaan ng matanda. Isinalo ang kaliwang bisig sa likod ni
Aling Idad. Sa isang marahang igpaw ay naiangat nila ang katawan ng matanda. Hawak
pa rin ni Salvador ang kamay ng Ina. Ngunit nakuha niya ang dibdib nito. Nadama ng
kanyang mga daliri ang mahigpit na paghinga na tila daloy ng tubig kung dumaraan sa
masikip na lagusan. At nang humupa ang pag-ubo ng matanda sa pakiramdam ni
Salvador ay tumigil na rin ang paghinga niyon.
Nang maibalik ni Salud si Aling Idad sa pagkakahiga ay nadama ni Salvador na
hinatak nito ang kamay na hawak niya. Magaan ang galaw ng kamay. Halos ay wala
nang lakas. Wala ng buhay.
“Matulog ka na… ikaw nga… pagod ka sa biyahe,” sabi sa kanya.” “Igayak mo
ang higaan ng kuya mo…” baling kay Salud.
“Huwag na kayong magsalita,” wika ni Salud. “Mangangati na naman ang
lalamunan n’yo. Nakagayak na ang higaan ni kuya. Matulog na kayo…”
Tila tuod na nakatayo si Salvador sa tabi ng higaan ina. Sa malamlam na
liwanag sa silid ay nakikita niya ang hapis na mukha ng matanda. Ang kulubot na mga
pisnging halos ay wala nang buhay. Malalim ang nakalapat na mga mata. At ang butas
ng ilong ay kumikibut-kibot sa madalang at malalim na paghinga. Larawang napakalayo
sa larawang iniwan niya.
Ibinaba ni Salud ang kulambong nakatali sa apat na tulos ng higaan.
“Matulog ka na rin, Salud. Ikaw nga… may maliit…”
“Kayo ang magpahinga…”
Mabigat ang mga paa ni Salvador nang lumabas siya sa silid. Napatigil siya sa
may pinto nang naramdamang hindi niya kasunod si Salud. Lumingon siya. Nakaluhod
si Salud na malapit sa higaan ng kanilang ina. Nang muling ituwid niya ang katawan ay
nakita ni Salvador na karga na ang anak na maliit.
“Nagising si Nene e… kinuha ko na. Do’n na tayo sa labas.”
Tahimik na kabahayan. Tulog na ang mga nagbahay sa loob ng kulambong nasa
gitna ng kabahayan. Malamlam din ang liwanag ng ilaw na nasa gitna ng kisame.
Naupo si Salvador sa tabi ng bintana. Ngunit nakatanaw siya kay Salud na nakaupo na
sa isang silyang tumba-tumba. Nakaluwa ang kaliwang dibdib ni Salud na maliit sa
kabiyak sa harap ng suot na kamisola at nakaduldol sa bibig ng sanggol.
Napakunot ang noo ni Salvador. Hindi na si Salud ang nakikita niya ngayon. Si
Hule, nang sumalubong sa kanya kangina sa may hagdanan nang bagong dating siya.
Habang naririnig niya ang pagsipsip ng sanggol na ang mga labi ay nakakapit sa
laylayan ng suot ni Hule. Malayung-malayo ang kaanyuan nito sa larawang inibig niya
noon. Mahinhing mga kilos. Mahabang buhok na laging nakapusod, hindi tulad ngayong
nakasabog at halos hindi na mahagod ng suklay. Makinis na mga bisig na laging
kinalalanghapan niya ng halimuyak ng kalamansing inilakip sa tubig na ipinambanlaw
sa pagpaligo.
Aywan niya kung panunumbat o pasaring. Ngunit nakadama siya ng kapaitan sa
kanyang dibdib. Nalasahan din niya ang pait niyon sa kanyang labi. Halos hindi niya
makausap. Nang mabalitaan niya noon na nag-asawa na si Hule, nasabi niya sa sarili
na nawalan siya ng isang hiyas. Ngunit hindi niya masisi si Hule. Sabi niya noon ay apat
na taon lamang siyang maglalagi sa ibang bansa. Mag-iipon lamang siya. Ibig lamang
niyang guminha-ginhawa ang kanilang buhay. Ibig niyang magkaroon ng mga
kabaguhan sa kanilang nayon na nahuhuli sa kabihasnan. Ngunit hindi siya umuwi
makaraan ang apat na taon. Nagpatuloy siya sa paghahanapbuhay. Akala niya
mauunawaan iyon ni Hule. Nang sumunod na taon ay nabalitaan niyang nag-asawa na
ito.
Matagal bago niya malimot ang dating katipan. Ngunit hindi isang puti ang
naging kabiyak ng kanyang dibdib. Isang Pilipinang humahanap din ng kapalaran sa
Estados Unidos. Nagkaisa sila ng mga pangarap. At nakatupad siya sa habilin ng
kanyang ina. “Anak, huwag kang mag-aasawa ng banyaga. Magiging dayuhan ka rin sa
sariling bayan.”
“Kuya….”
Napakurap siya. Muli niyang nakita si Salud. Isinara na nito ang bukas na damit
sa tapat ng dibdib. Tulog na ang sanggol na kalong. Kumibot ang kanyang mga labi.
“Kayong mga babae, kayo…” Ngunit walang tinig na lumalabas sa kanyang mga labi.
Nanuyo ang kanyang lalamunan. At muling sumagi sa kanyang gunita ang kaanyuan
kangina ni Hule.
“Ano sa palagay mo…ang….lagay ni Inay?”
Tila may kumirot sa kanyang puso. Nang una niyang tanggapin ang sulat ng isa
niyang pamangkin tungkol sa pagkakasakit ni Aling Idad ay madalian siyang sumagot.
Bukod sa palagiang halagang ipinadadala niya sa kanyang ina ay nagpadala siya ng
malaki-laki ring halaga. At mahigpit ang kanyang bilin. “Sabihin mo sa Lola mo na
magpagamot. Magpatingin sa doktor. Basahin mo nang malakas sa Lola mo ang sulat
kong ito. Ulit-ulitin mo ang bilin ko. At isulat mo kung ano ang mangyayari.”
Hiningi niya ang reseta ng mga gamot na mahirap mabili sa kanilang nayon. At
sa pamamagitan niyon ay natiyak niya kung ano ang karamdaman ng kanyang ina.
“Napakadali nang gamutin ngayon ang T.B.” May lakip na paninisi ang tinig ni
Salvador kanginang makita niya ang anyo ng kanyang ina. “Lalo na rito… sariwa ang
hangin, maraming itlog ng manok, sagana ang gatas! At ang mga ipinadadala kong…”
“Ang….anak kong ito!” Nagpilit na sumagot si Aling Idad. “E, lalong
nangangailangan…ang mga pamangkin mo! Ako’y…matanda na…”
Hindi niya makuhang sumagot. Kaharap ang apat pa niyang kapatid, na ang tatlo
ay nakatatanda sa kanya at pawang babae at si Salud na siyang bunso. Pawang
nagsipag-asawa nang bata pa ang kanyang mga kapatid. Ang kanyang mga bayaw ay
pawang magbubukid. At napalunok siya nang pahalikin ng kamay sa kanya ang
kanyang mga pamangkin, na ilan lamang ang kanyang nakilala.
“Ibig n’yong sabihin…” at tinagka niyang bilangin ang mga bata.
“Tatlumpu na’ng apo ni Inang? Paliwanag ng kanyang Ate Banang, pwera ang
dalawa sa iyo.”
“Iyon nga ang iniisip ko,” amin niya. “:Apat kayong nag-aanak.. tatlumpu ang
bata…di….”
“Siyam ang kay Ate Banang…walo ang Ditseng Lumeng…ako lang ang kaunti…”
agaw ni Adela na sumunod sa kanyang ditse.
“Marami ka pa, Salud?” tanong niya.
“May kambal ako e.. pa’no. Lahi ng bayaw mo…”
Saglit na nagtiim ang mga bagang ni Salvador. Hindi man sabihin sa kanya ay
alam niyang inililihim sa kanya ni Aling Idad kung saan natutungo ang malaking bahagi
ng ipinadadala niya ritong kwalta buwan-buwan. Bukod ang ipinadadala niyang mga
damit at pagkain sa kanyang mga pamangkin at bayaw. Nakita niya ang katiyakan ng
kanyang mga hinala nang dumating ang oras ng pagkain at talyasi ang pinaglutuan ng
kanin at ulam.
“Kung narito lang naman kaming lahat,” paliwanag ng kanyang Ate Banang.
“Kung sila-sila lang…” na si Salud ang tinutukoy, “di kaunti lang ang saing.”
Kangina rin ay tinawagan ng pansin ni Salvador si Salud nang inililigpit ang
pagkain ni Aling Idad. Iniabot nito ang natirang mansanas ng matanda sa anak.
“O…e, sa Inang ‘yon, a!” Hindi niya nakuhang ipaliwanag na hindi wasto ang
ginawa ng kapatid. Na iyon ay isang paraan ng pagkalat ng sakit ng kanyang ina.
“Hindi maubos ng Inang e, Sayang.”
Marami siyang ibig sabihin. Tulad ng pagbubukod ng gamit ng mga apo, ang
pagbabanli sa mga iyon, ang pag-iisa sana sa silid. Ngunit hindi niya masabi sa isang
paraang mauunawaan ni Salud.
“Lumabas na kayo ng tulog na mag-ina. Naiistorbo ang Inang tuwing iiyak ang
anak mo.” Sa halip ay nasabi niya.
Nangulimlim ang mukha ni Salud. “Ang hirap ng pabalik-balik sa labas ng kwarto.
Kung maaari nga lang na sa loob na kaming lahat na mag-iina e!”.
At napahinga ito ng malalim. “Akala mo ba’y …. Hindi ako nag-aalala na baka na
lang pumarito isang gabi ang ama ng mga ‘yan at…kunin ang kahit isa sa mga bata?”
Ngayon ay natiyak pa rin niya ang isang bagay na matagal na niyang
nararamdaman. Hindi ipinagtapat ng sinuman sa kanyang mga kapatid na hiwalay sa
asawa si Salud. At nagdadalang-tao ito nang huling makita ng kapatid ang kanyang
bayaw. Hindi man ipaliwanag sa kanya ay alam niyang sa kwaltang ipinadadala niya
kay Aling Idad nabubuhay ang mag-iina.
“Kuya…” sabi ni Salud na muling bumasag sa malalim na pag-iisip. Mangiyak-
ngiyak si Salud. “Masama ang kutob ng loob ko kay Inang, e. Ngayon lang iyan
nakakain ng marami… ngayon lang parang naging kontento at masaya…dahil nakita ka
na.”
“Kaya nga gusto kong maipasok sa ospital ang Inang…at baka may magawa pa
tayo.” Buong-buo ang pasiya ni Salvador.
Ngunit nadarama niya ang pangingirot ng kanyang dibdib. Hindi ito ang pangarap
niya nang ipasiya niyang hanapin ang kanyang kapalaran sa kabilang ibayo ng dagat.
Nang magpatala siya sa hukbong dagat ng Estados Unidos, ang layunin niya ay hindi
lamang makita ang daigdig. Nababalitaan niya ang nagiging mariwasang buhay ng mga
Pilipinong nagtutungo sa Amerika. Ibig niyang matulad sa mga iyon. Ibig niyang
makakita ng kaunlaran, hindi lamang sa kanyang sarili kundi sa kanya ring mga hinlog.
Nanghinawa agad siya sa buhay na kinamatayan ng kanyang ama. At ngayon ay siya
ring kinakaharap ng buhay ng kanyang mga bayaw at ng mga pamangkin niyang
babae.
Napakaliit ng pagbabagong nadatnan niya makaraan ang walong taon. Sa loob
ng kanyang sariling tahanang sinilangan ay ang mga kasangkapang makabago lamang
ang nakita niya sapagkat ipinadala niya ang mga iyon. Ang kaanyuan ng bahay ay hindi
nag-iba. Ang kapaligiran…. Lahat na!
Isang tuyo’t na ubo ang narinig ni Salvador mula sa silid. Napakislot siya. Mabilis
na tumindig si Salud. Ngunit kasunod din siya nito. Inilapag ni Salud ang anak bago
lumapit sa ina. Itinaas ni Salvador ang kulambo at hinagod ang dibdib ni Aling Idad.
Tulad kangina, bahagyang isinandig ni salud sa bisig nito ang ulo ng matanda.
“Maligaya na ako…maligaya na ako! Nagkita na uli tayo…” Mahinang-mahina
ang tinig ni Aling Idad. Paos na paos. “S-sayang..hindi ko na makikita ang aking
manugang…at mga apo…”
Tila tinarakan ng patalim ang dibdib ni Salvador. Nanikip ang kanyang paghinga.
Nabitiwan niya ang kamay ng kanyang ina. Dahan-dahan siyang tumindig. Hindi niya
matagalan ang anyo ng matanda. Tumayo siya sa may ulunan nito, ngunit sa labas ng
bintana siya nakatingin. “Bukas na bukas din…sa ayaw niya’t sa gusto… dadalhin ko
siya sa ospital.”
Walang narinig na tugon si Salvador. Ni pagtutol, tulad kanginang umaga. Ni
pagsang-ayon. Ang narinig niya ay ang paghingang tila sumasakal. Ang tila parang
agos ng tubig na dumadaloy sa makipot na lagusan. At narinig niya ang impit na “uh” ni
Salud.
“Kuya…ang Inang! Ang Inang!”
Hindi na kailangang makita ni Salvador ang kanyang ina. Napadagok siya sa
pasamano ng bintana. Nagkagising ang mga anak si Salud. Ngunit halos hindi naririnig
ni Salvador ang panangisan ng mag-iina. Ni hindi niya namamalayang umaagos sa
kanyang kamao ang dugo.

Kabanata XI (PAULE G. PAULE J. PAULE MA. QUIAMBAO)


Aralin 1

PANITIKAN HINGGIL SA PAG-IBIG SA BAYAN

Ang pagiging makabayan ay isa sa mga pagpapahalaga na itinuro sa atin simula


pagkabata. Sa araw-araw na pagpasok sa paaralan ay binibigkas natin ang
Panunumpa ng Katapatan sa Watawat ng Pilipinas na may bahagi na nagsasabing,
'...na ipinakikilos ng sambayanang MakaDiyos, Makakalikasan, Makatao at
Makabansa'. Sa kabila ng araw-araw na pagbigkas nito, naisasagawa nga ba natin ang
pagpapahalaga sa bansa?. 
Marahil pagiging makabayan ang isa sa pinakamahalagang pagpapahalaga na
dapat nating matutunan, ngunit bakit mahirap maipakita ang simpleng
pagpapahalagang ito na ngayo’y nagiging hamon?

Nararapat bang maging hamon ang simpleng pakikisapi sa pagtataas ng bandila


ng bansa, gayong responsibilidad ito na dapat sundin ng mga Pilipino? Hamon nga ba
na dapat ituring ang saglit na pagtindig ng maayos at pagkanta ng saglit, gayong ang
kantang ito ang isa sa mga naging pundasyon at simbolo ng kalayaan natin ngayon?
Ngunit hindi nagtatapos ang pagiging makabayan sa simpleng pakikisapi sa pagtataas
ng watawat.

Ang pagiging makabayan ay isinasapuso at hinihirang bilang isang likas na


kaugaliang Pilipino. Nararapat lamang na tayong mga kabataan ay makisapi sa mga
gawain ng ating pamahalaan. Mangialam tayo sa mga pambansang suliranin at
ipahayag ang ideya at pulso ng kabataan na magiging salamin at boses ng nakararami.
Isa pa ay ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa mga batas na dapat sundin at
gawin. Ang pagiging makabayan ay makikita rin sa pagaaral ng Araling Panlipunan at
ang pagkakaroon ng malawak na interes sa nakagisnan nating bansa kasama na ang
mga pagpapahalagang kultural. Sa taong 2025 ay haharap na tayo sa isang mundo na
ganap na ang globalisasyon. Unti-unti na tayong nagiging pamilyar at naisasagawa ang
mga kultura ng iba’t-ibang bansa.

Ngunit sa kabila nito ay mayroon tayong responsibilidad na ibida sa buong


mundo kung ano ang Pilipino at kung ano ang Pilipinas. Maging daan sana ang
globalisasyon hindi upang malimutan ang sariling bayan, kundi mas ipagmalaki pa ang
taglay nating pagmamakabayan. 

Pag-ibig sa Tinubuang Lupa

Ang Pag-ibig sa Tinubuang Lupa ay isang tula na sinulat ni Andres Bonifacio na


kanyang ginamit para himukin ang mga Pilipinong maging makabayan. Si Bonifacio ay
mas magaling na mandirigma kaysa sa isang manunulat ngunit pinatunayan niya na
kaya niyang gumawa ng isang tula para sa kanyang minamahal na bayan.

May-Akda:
Si Andres Bonifacio ay ipinanganak noong ika-30 ng Nobyembre, 1863. Ang
kanyang mga magulang ay sina Santiago Bonifacio at Catalinade Castro. Nakatapos
siya sa mababang paaralan ni Guillermo Osmenia ng Cebu at sa gulang na 14, ang
kanyang mga magulang ay namatay at napilitan siyang huminto sa pag-aaral upang
alagaan ang mga nakababata niyang kapatid na babae at lalaki. Bilang hanap-buhay,
inatasan niya ang kanyang mga kapatid na tulungan siya sa paggawa ng kahoy na
baston at papel na pamaypay na kanyang itininda sa lansangan.

PAG-IBIG SA TINUBUANG LUPA


Ni Andres Bonifacio
Aling pag-big pa ang hihigit kaya
Sa pagkadalisay at pagkadakila
Gaya ng pag-ibig sa sariling wika?
Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala!

Pagpupuring lubos ang palaging hangad


Sa bayan ng taong may dangal na ingat.
Umawit, tumula, kumatha’t sumulat,
Kalakhan din niya’y isiniwalat.

Walang mahalagang hindi inihandog


Na may pusong mahal sa bayang nagkupkop,
Dugo, yaman, dunong , katiisa’t pagod
Buhay ma’y abuting magkalagut-lagot.

Bakit? Alin ito sa sakdal laki


Na hinandugan ng buong pagkasi,
Na sa lalong mahal nakapangyayari
At ginugutom ng buhay na iwi?

Ito’y ang Inang Bayang tinubuan


Siya’y ina’t tanging kinamulatan,
Nakawili-wiling liwanag ng araw,
Nagbibigay init sa buong katawan.

Kalakip din nito’y pag-ibig sa Bayan


Ang lahat ng lalong sakbibi ng lumbay
Walang alaala’t inaasam-asam
Kundi ang makita’y lupang tinubuan.

Pati ang magdusa’t sampung kamatayan


Wari ay masarap kung dahil sa bayan.
At lalong mahirap, Oh, himalang bagay
Lalong pag-irog pa ang sa kanya’y alay.

Kung ang bayang ito’y mapapasa-panganib


At siya ay dapat na ipagtangkilik,
Ang anak, asawa, magulang, kapatid
Isang tawag niya’y tatalikdang pilit.

Hayo na nga, hayo kayong nangabuhay


Sa pag-asang lubos ng kaginhawaan,
At walang tinamo kundi kapaitan,
Hayo na’t ibangon ang naabang bayan.
Kayong nalagasan ng bunga’t bulaklak
Ng kahoy ng buhay na nilanta’y sukat
Ng bala-balaki’t makapal na hirap.
Muling manariwa sa baya’y lumiyag.

Ipaghandug-handog ang buong pag-ibig


At hanggang may dugo’y ubusing itigis
Kung sa pagtatanggol, buhay ay mapatid
Ito’y kapalaran at tunay na langit.

Aralin 2

MINSAN MAY ISANG PUTA


Ni MIKE FORTEZ
Tingin ng mga bobong kapitbahay ko puta daw ako. Nagpapagamit,
binabayaran. Sabi nila ako daw ang pinakamaganda at pinakasikat sa aming lugar
noon. Ang bango-bango ko daw, sariwa at makinis. Di ko nga alam kung sumpa ito,
dahil dito naletse ang kinabukasan ko. Tara makinig ka muna sa kwento ko, yosi muna
tayo.

Alam mo, maraming lumapit sa akin, nagkagusto, naakit. Ang hirap pag lahat sa
iyo virgin eh. Tinanggap ko naman silang tao, bakit kaya nila ako ginago? Masakit
alalahanin, iniisip ko na lang na kase di sila taga rito, siguro talagang ganoon. Tatlong
malilibog na foreigners ang namyesta sa katawan ko, na-rape daw ako. Sa tatlong
beses akong nagahasa, ang pinakahuli ang di ko makakalimutan.

Parang maski di ko ginusto ang mga nangyari, hinahanap-hanap ko siya.


Tinulungan nya kasi akong makalimutan yung mga sadistang Hapon. Kase, ibang-iba
ang hagod niya. Umiikot ang mundo ko sa tuwing ginagamit niya ako. Ibang klase siya
mag-sorry, lalo pa at kinupkop niya ako at ang mga naging anak ko. Parating ang dami
naming regalo - may chocolates, yosi, ano ka! May datung pa!

Nakakabaliw siya, alam kong ginagamit nya lang ako pero pagamit naman ako
nang pagamit. Sa kanya namin natutunan mag-inggles, di lang magsulat ha! Magbasa
pa! Hanggang ngayon, sa tuwing mabigat ang problema ko, siya ang tinatakbuhan ko.
'Yun nga lang, lahat ng bagay may kapalit. Nung kinasama ko siya, guminhawa buhay
namin. Sosyal na sosyal kami. Ewan ko nga ba, akala ko napapamahal na ako sa
kanya. Akala ko tuloy-tuloy na kaligayahan namin, yun pala unti-unti niya akong
pinapatay.

P*** ng I**! Sa dami ng lason na sinaksak niya sa katawan ko, muntik na akong
malaspag. Ang daming nagsabi na ang tanga tanga ko. Patalsikin ko na daw. Sa tulong
ng mga anak ko, napalayas ko ang animal pero ang hirap magsimula. Masyado na
kaming nasanay sa sarap ng buhay na naranasan namin sa kanya. Lubog na lubog pa
kami sa utang, kulang ata pati kaluluwa namin para ibayad sa mga inutang namin.
Sinikap naming lahat maging maganda ang buhay namin. Ayun, mga nasa Japan, Hong
Kong, Saudi ang mga anak ko. Yung iba nag-US, Europe. 'Yung iba ayaw umalis sa
akin. Halos lahat, wala naman silbi, masaya daw sa piling ko, maski amoy usok ako.

Sa dami ng mga anak ko na nagsisikap na tulungan ang kalagayan namin, siya


din ang dami ng mga anak ko na namamantala sa kabuhayan at kayaman na itinatabi
ko para sa punyetang kinabukasan naming lahat. Dumating ang panahon na di na kami
halos makaahon sa hirap ng buhay. Napakahirap dahil nasanay na kami sa ginhawa at
sarap. Ang di ko inaakala ay mismong mga anak ko, ang tuluyang sisira sa akin.
Napakasakit tanggapin na malinlang.

Akala ko ay makakakita ako ng magiging kasama sa buhay sa mga ahas na


ipinakilala ng mga anak ko. Hindi pala. Ang tanga ko talaga. Binugaw ako ng sarili kong
mga anak kapalit ng kwarta at pansamantalang ginhawa na nais nilang matamasa.
Wala na akong nagawa dahil sa sobrang pagmamahal ko sa aking mga anak. Wala
akong ibang yaman kundi ganda ko. Pinagamit ko na lang ng pinagamit ang sarili ko,
basta maginhawa lang ang mga anak ko.

Usap-usapan ako ng mga kapitbahay ko. May nanghihinayang, namumuhi at


naaawa. Puta na kase ang isang magandang tulad ko. Alam mo, gusto ko na sanang
tumigil sa pagpuputa kaso ang laki talaga ng letseng utang ko eh. Palaki pa ng palaki.
Kulang na kulang. Paano na lang ang mga anak ko naiwan sa aking punyetang puder?
Baka di na ako balikan o bisitahin ng mga nag-abroad kong mga anak. Hindi na
importante kung laspagin man ang ganda ko, madama ko lang ang pagmamahal ng
mga anak ko. Malaman nila na gagawin ko ang lahat para sa kanila. Sa tuwing titingin
ako sa salamin, alam ko maganda pa rin ako.

Meron pa din ang bilib sa akin. Napapag usapan pa din. Sa tuwing nakikita ko
ang mukha ko sa salamin, nakikita ko ang mga anak ko. Tutulo na lang ang mga luha
ko ng di ko namamalayan. Ang gagaling nga ng mga anak ko, namamayagpag kahit
saan sila pumunta. Mahusay sa kahit anong gawin. Tama man o mali. Proud ako sa
kanila. Kaso sila, kabaligtaran ang nararamdaman para sa akin. Sa dami ng mga anak
ko, iilan lang ang may malasakit sa akin. May malasakit man, nahihilaw. Ni di nga ako
kinikilalang ina. Halos lahat sila galit sa isa't isa. Walang gusto magtulungan,
naghihilahan pa.

Ang dami ko ng pasakit na tiniis pero walang sasakit pa nung sarili kong mga
anak ang nagbugaw sa akin. Kinapital ang laspag na ganda ko. Masyado silang
nasanay sa sarap ng buhay. Minsan sa pagtingin ko sa salamin, ni hindi ko na nga
kilala sarili ko. Dadating na naman ang pasko, sana maalala naman ako ng mga anak
ko. Isang buwan pa, magbabagong taon na. Natatakot ako sa taong darating. Ngayon
pa lang usap usapan na ang susunod na pagbubugaw ng ilan sa mga anak ko. Sana
may magtanggol naman sa akin, ipaglaban naman nila ako. Gusto kong isigaw: "INA
NINYO AKO! MAHALIN NYO NAMAN AKO!" Sige, dumadrama na ako. Masisira na ang
make up ko nito eh. Salamat ha, pinakinggan mo ako. Ay sorry, di ko nasabi ang
pangalan ko. Pilipinas nga pala.

Kabanata XII (RAMOS, RONQUILLO, SABADO, SANTOS, TAYAG, TORRES)

Aralin 1

WORKSYAP SA PAGSULAT NG AKDANG PAMPANITIKAN

Pagsulat ng Sanaysay
● Ito ay isang sulating gawain na kung saan ito’y kadalasang naglalaman ng mga
pananaw, kuro-kuro, o opinyon ng isang awtor o akda. Maipapahayag ng may
akda ang kanyang damdamin sa mga mambabasa, Ito rin ay isang uri ng
pakikipag-komunikasyon na ang ukol nito ay maipabatid ang inyong saloobin sa
isang paksa o isyu. Ang Ingles na salin nito ay essay.

● Dalawa lang ang sanhi kapag nahihirapan magsulat ng sanaysay:


•Una ay dahil wala akong alam sa topic.
•Pangalawa ay dahil sobrang dami kong alam sa topic.

● Ito ang limang problema na kadalasang nararanasan kapag pamilyar tayo sa


paksa ng sanaysay:
• Alam ko ang paksa, pero hindi ko alam kung paano ako magsisimula o kung
paano ako magtatapos.
• Alam ko ang paksa, pero hindi ko alam kung ano sa mga nalalaman ko sa
paksa ang isasama ko sa sanaysa.
• Alam ko ang paksa, pero nahihirapan akong ayusin ang mga ideya ko.
• Alam ko ang paksa, pero nawawala ako sa focus habang sinusulat ko na ang
sanaysay.
• Alam ko ang paksa pero hindi ko maiwasang maging paulit- ulit ang mga ideya
ko sa loob ng aking sanaysay.

● Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Sanaysay


1) Tema
2) Pamagat o Titulo ng Sanaysay
3) Talata
4) Punto
5) Balangkas o Outline
6) Panimula, Katawan at Wakas
7) Tono
8) Tamang gramatika at mga pananda
9) Tapusin ang sanaysay .

• Tema - basahing mabuti ang tema, pokus o topic ng sanaysay na hinihingi ng


pagsusulit. Ito ba ay tungkol sa iyong sarili, opinyon o puna, , isang paglalarawan,
reaksyon sa isang nabasa, atbp?

• Pamagat o Titulo ng Sanaysay - dapat ay may kinalaman ito sa tema ng isusulat; hindi
dapat napakahaba, iwasan ang pamagat na patanong at kailangang nakakapukaw ng
kalooban

•Ang pamagat ang pinakapangalan mo. Pagkatapos mo kasing kumatok sa pinto


ng mambabasa, sasabihin mo ang pangalan (pamagat) mo. Kapag hindi ka kilala
o hindi ito interesante, malamang ay pagsasarhan ka kaagad ng pinto. Hindi ka
ito babasahin. Minsan, maiksing pamagat (pangalan) ay katanggap- tanggap na.
Madalas, kapag weird ang titulo, iyon pa ang interesting basahin. Depende sa
may-ari ng bahay (mambabasa). Kaya nga, alamin mo kung sino ang iyong mga
readers (may-ari ng bahay).

● Paano ba pumili ng pamagat?


•Huwag kang obvious. Ang title, maiksi man o mahaba, ay dapat interesting.
•Huwag ding OA. Baka hindi mo naman kayang bigyan ng tamang paliwanag
pagdating sa loob.

● Talata - isang punto o diwa, isang talata. Huwag pagsama-samahin sa iisang


talata o paragraph ang mga isusulat. Ang mga talata ay dapat magkakaugnay.
Iwasan din ang masyadong mahabang talata na paulit- ulit naman ang laman.

Talata?
•binubuo ng isa o lipon ng mga pangungusap na MAGKAKAUGNAY
•binubuo rin ng Pangunahing Paksa (PP) at mga Pantulong na Detalye (PD)

Pangunahing Paksa
•main idea
•sentro o pangunahing tema sa talata
•Kadalasan ay makikita sa unang pangungusap (imply) at huling pangungusap
(konklusyon)

Kaming mag-asawa ay nagkakaroon ng mga problema. Ang aking


asawa ay mahilig gumasta ng pera, samantalang ako ay matipid.
Mahilig din siyang lumabas ng gabi kung kailan naman tulog na ako.
Gusto rin niya ng mga sport pero ayaw ko naman ng mga iyon.

 Kaming mag-asawa ay nagkakaroon na ng mga problema. Ang aking


asawa ay mahilig gumasta ng pera, samantalang ako ay matipid.
Mahilig din siyang lumabas ng gabi kung kailan naman tulog na ako.
Gusto rin niya ng mga sport pero ayaw ko naman ng mga iyon.

● Mga Pantulong na Detalye


•Supporting details/ information
•mga mahahalagang kaisipan o mga susing pangungusap na may kaugnayan sa
paksang pangungusap

Wag na wag mong ipapasok ang kamay mo sa kahon na yan. Baka sa loob
nyan ay may matatalim at kalawanging bakal. Baka may mousetrap dyan at
bigla ka na lang maipit. O baka makagat ka ng malaking gagamba dyan.
Wag na wag mong ipapasok ang kamay mo sa kahon na yan. Baka sa loob
nyan ay may matatalim at kalawanging bakal. Baka may mousetrap dyan at
bigla ka na lang maipit. O baka makagat ka ng malaking gagamba dyan.

• Punto - Dapat malinaw ang iyong punto o thesis sentence. Ano ba ang gusto mong
palabasin? Iakma rito ang iyong mga sasabihin.

• Balangkas o Outline - kung mahaba ang oras, gumawa ng maikling outline para alam
mo ang isusulat sa bawat talata.

• Maihahalintulad ito sa plano ng isang bahay bago gawin ito ng mga inhinyero, sa
kawayan o sticks na nagpapatibay sa isang sarangola, o sa isang mapa na ginagamit
ng mga manlalayag.

Ito ang limang halimbawa kung paano tayo matutulungan ng paggawa ng


balangkas o outline sa pagsulat ng isang sanaysay:

•Kapag ikaw ay gumawa ng balangkas, mas mapag-iisipan mong mabuti kung


paano mo sisimulan o tatapusin ang iyong sanaysay.

•Kapag ikaw ay gumawa ng balangkas, mapipili mo ang mga ideya o konsepto


na nais mong isama sa sanaysay. Dapat lahat ng ito ay magkaka-ugnay.

•Kapag ikaw ay gumawa ng balangkas, mas magiging madali sa iyong ayusin


ang mga ideya sa iyong sanaysay. Mapipili mo kung ano ang mga ideyang nais
mong ilagay sa panimula, katawan at katapusan ng iyong sanaysay.

•Kapag ikaw ay gumawa ng balangkas, maiiwasan mong mawala sa focus


habang nagsusulat ng sanaysay dahil para itong mindmap. Gagabayan ka nito
para maisula ng malinaw ang iyong mga ideya.

•Kapag ikaw ay gumawa ng balangkas, maiiwasan mong maging paulit-ulit ang


mga ideya sa iyong sanaysay, dahil sa simula pa lang ay naka-plano na kung
ano ang mga ideyang isasama mo at hindi.

Halimbawang balangkas
PAKSA: Ano ang aking gagawin para makapasa sa A&E Test?
BALANGKAS:
I. Mga Pangarap na Nais Kong Maabot
• Makapagtapos ng pag-aaral
• Maiahon ang pamilya sa kahirapan
• May maipagmalaki sa mga taong mababa ang tingin sa akin
II. Mga Paraan para Makapasa sa A&E Exam
• Magbabasa ng maraming A&E Modyul
• Magsisiapg sa pagsulat ng sanaysay • Makikinig sa payo ng aking mga
guro
III. KONKLUSYON
• Gagawin ang lahat para makapasa sa A&E Test
• Hinding-hindi sasayangin ang pangalawang pagkakataong handog ng
Alternative Learning System (ALS)
• Iaaalay sa bayan ang lahat ng pagsisikap at tagumpay.

• Panimula, Katawan at Wakas - Ang sanaysay ay karaniwang may panimulang talata,


katawan at wakas o konklusyon. Sa body o katawan ng sanaysay, dito ipinahihiwatig
ang pinakapunto ng sanaysay, ang maliliit na detalye ng punto at ang paglalarawan o
masusing pagbusisi ng maliliit na detalye.
● Pagsulat ng Simula
•Una, question (patanong). “Gusto niyo po bang gamutin ko kayo?” Doktor ka
kasi, di ba?!

•Pangalawa, declarative (pasalaysay). “Nakarating na ako sa iba’t ibang panig ng


mundo dahil lamang sa aking panggagamot. Ang tanging hindi ko pa
nagagalugad ay ang kontinenting Antarctica.” Ito ay paasalaysay dahil nagsaad
ito ng isang pangyayari.

• Pangatlo, shocking statement (nakakagulat na pahayag). “Twenty years old pa


lang ako ay nakapag-opera na ako ng tumor sa utak ng isang matanda.”
Nakakagulat talaga dahil ang doktor ay nag-aaral ng sampung taon.

• Pang-apat, quotation (kasabihan). Para kang makata nito. Sabihin mo, “An
apple a day keeps the doctor away.” May connect sa'yo as doctor. Tapos
banatan mo pa, “Pero di mo na kailangan ng apple dahil nasa harapan mo na
ang doktor.” Lolz. Lagi mo lang tatandaan na banggitin kung sino ang
pinagmulan ng quote. Kung ikaw mismo, no problem. Ingat ka baka makasuhan
ka ng plagiarism.

• Panglima, anecdote (anekdota). Ito ay maikling salaysay na may aral sa buhay.


Halimbawa: “Minsan, naglalakad ako sa isa sa mga kalsada sa Europa nang
makita ko ang matandang babae sa may tabi ng basurahan. Naglahad siya ng
kamay. Humihingi. Hindi ko siya pinansin dahil ako ay nagmamadali. Pero nang
maalala ko ang aking ina sa Pilipinas, binalikan ko siya ngunit pagbalik ko'y wala
na siya.” Ganun lang.

• Pang-anim, survey. Madalas ito ay patanong like “Magagaling po ba ang mga


Pilipinong doktor? O kaya, "Anong sakit ang hindi kayang gamutin ng doktor?”

• Pampito, definition (kahulugan). Magbibigay ka ng salita at ang depinisyon.


Make sure it is related to your topic. Halimbawa, “Ang narcolepsy ay isang
medikal na kalagayan ng tao na kung saan ang pasyente ay bigla na lang
makakatulog kahit nagtratrabaho, naglalakad, nagsasalita o iba pa.”
• Marami pang paraan para simulan ang sanaysay. Pwede kang mag-discover.
Paglaruan mo ang mga salita. Ang mahalaga ay naengganyo mo ang maybahay
na manatili ka sa kanyang tahanan. Makikita mo, may nakahain nang pagkain
para sa'yo dahil nagustuhan niya ang introduksiyon mo. Ayaw ka na niyang
paalisin.

● Kampante na sa'yo ang reader (house owner). Ituloy mo na. Dumiretso ka na sa


pakay mo. Ito na ang katawan ng sanayasay (body). Ito ang nilalaman ng iyong
saloobin at kaalaman. Sabihin mo nang lahat dahil nag-eenjoy na ang reader.
Huwag ka lamang liliko. Huwag mong pansinin ang ayos ng kanilang bahay baka
bigla ka na lang palayasin at pagsarhan ng pinto. Kung doktor ka, mga usaping-
doktor at medisina ang inyong pag-usapan. Yun lang! Dapat malinaw at direct to
the point ang mga banat mo.

● Pinakamainam na magkaroon ng tatlong talata sa body. Ang bawat isa ay


konektado. Ganito:
1. “Bata pa lamang ako, gusto ko nang maging doktor. Kahit pagiging guro ang gusto
ng mga magulang ko para sa akin, hindi ko sila sinunod. Suwail kasi ako. Pasaway.”
2. Kaya nagsumikap ako. Lumuwas ako sa Maynila. Nagtrabaho sa gabi. Nag-aral sa
umaga. Sa awa ng Diyos at sa tiyaga at katatagan ko, nakapagtapos ako ng medisina
dahil sa pagko-callboy ko. Joke lang.“
3. Ngayon nga ay isa na akong matagumpay na manggagamot. Laki ako sa hirap kaya
tumutulong ako sa aking kapwa dahil naniniwala akong ang lumilingon sa
pinanggalingan ay malayo pa ang nararatingan.”

● Tapos na ang katawan ng sanaysay. Huwag kang matakot maglabas ng mga


informative at entertaining words dahil iyon ang misyon ng sanaysay o ng
pagpunta mo sa isang bahay. Huwag masyadong seryoso. Magpatawa ka
minsan para di maboring ang reader.

● Wakas
• At ang panghuli, ang konklusiyon. “Hindi ka makakapasok konklusiyon.”

• Ito ay ang kabuuan ng mga sinabi mo sa unahan. Isang talata na may isang
pangungusap ay pwede na. Basta ba ma-move mo ang may-ari ng bahay. Manabik siya
sa iyong pagbalik. Maiyak siya. Maging thankful. Pwede ring mainis mo. O kaya
mainvite. O mayaya mong mag-aral ng pagkadoktor. Halimbawa, “Kung ako ikaw,
magdoktor ka.”

• Ang lahat ng ginawa mo sa introduksiyon ay maaaring mo ring gawin sa konklusiyon.


Ang tanging kaibahan ay nagpapaalam ka na, this time. Ang pagsulat ng sanaysay ay
katulad ng pagbisita sa isang tahanan. Ang manunulat ay kailangang gawin ang tatlong
hakbang upang tanggapin o papasukin siya sa bahay ng may-ari.
• Tono - tiyakin ang tono ng iyong isusulat. Ito ba ay nasa unang katauhan (ako)? Ikaw
ba ay isang magulang, pulitiko, guro? Ito ay mahalaga upang maipaliwanag mo ng
mahusay ang inyong punto de vista (point of view).

• Tamang gramatika at mga pananda - mas malaki ang puntos kung tama ang grammar
o gramatika ng sanaysay. Dapat ay wasto ang mga pananda (tuldok, kuwit, pananong,
tutuldok, atbp)

• Tapusin ang sanaysay - huwag ibitin ang mambabasa. Dapat itong may konklusyon o
wakas.

● Pagsulat
•Paksa: Ano ang pinakamahalagang aral na natutuhan ko sa aking buhay?
Aralin 2

Malikhaing Pagsulat ng Tula

● Ang Tula Pagsasama ng mga piling salita na may tugma, sukat, talinghaga, at
kaisipan Nadaramang mga kaisipan Nakikita ng mga mata, nauunawaan ng isip,
at tumutuloy sa damdamin

● Makata May mayamang imahinasyon, sensitibong pandama, at matayog na


kaisipan

● Ang mahusay na tula…


• May larawang diwa
• Gumigising ng damdamin at kamalayan
• Pinapagalaw ang guniguni ng mambabasa

Mga Elemento o Sangkap

Saknong Taludtod Sesura


1. Tugma Pagkakatulad o pagkakahawig ng mga tunog sa huling pantig ng bawat
taludtod ng tula. Halimbawa: Sa loob at labas ng bayan kong sawi Kaliliuha’y siyang
nangyayaring hari, Kagalinga’t bait ay nalulugami Naamis sa hukay ng dusa’t pighati

Tugmaang Patinig pagtutugma ng tunog na kung saan ang salita ay


nagtatapos sa patinig Tugmaang Katinig pagtutugma ng tunog na kung
saan ang salita ay nagtatapos sa katinig Nagtutugma: b, k, d, g, p, t, s
Nagtutugma: l, m, n, ng, w, r, y

2. Sukat Bilang ng pantig sa bawat taludtod. Ang mga tradisyonal na anyo ng tula ay
may sukat na 12, 14, 16. Kung lalabindalawahin ang sukat, ang sesura o hati ay nasa
ikaanim na pantig. Halimbawa: Ang lahat ng ito / maawaing langit, Iyong tinutunghay /,
ano’t natitiis? Wala ka ng buong / katwiran at bait, Pinapayagan pang/ ilubog ng lupit.

3. Paksa/Kaisipan Mga nabubuong kaalaman o kaisipan, mensahe, pananaw, saloobin


na nais iparating Halimbawa: “Ang Guryon” ni Ildefonso Santos Kapag hindi matibay
ang pisi ng isang guryon, ito ay maaaring bumagsak tulad ng tao na nagpapakataas at
di inaalagaan ang matagal na pinapangarap ay tiyak na babagsak.

4. Talinghaga Nagpapagalaw ng guniguni ng mga mambabasa, likas na taglay ng tula,


pagpili ng salita at tayutay na nagbibigay ng kariktan sa tula
5. Imahen o Larawang-diwa Nabubuo sa pamamagitan ng pag-uugnay ng mga bagay
sa paligid o konsepto sa nais ipakahulugan

6. Aliw-iw Maindayog na pagbigkas na karaniwang taglay ng tradisyonal na tula

7. Tono Damdaming nakapaloob sa tula na maaaring pagkalungkot, pagkatuwa,


pagkagalit, at iba pa

8. Persona Tauhang nagsasalita sa tula

 Ang tula ay isang awit Nag-aangkin ng melodiya o tono, nararamdaman sa indayog o


ritmo

Mga Dapat Tandaan sa Pagbigkas at Pagbuo ng Tula


1. Ang bilis ng pagbigkas ng tula ay naaayon sa nilalaman at paksa ng tula.
2. Masining ang tula kung ginagamitan ng tayutay. Nakatutulong ito upang
maging mabisa at kaakit-akit ang tula.
3. Sa maayos na pagbabasa ng tula ay nagiging mabisa at kapupukaw ng
interes ng mambabasa.
4. Sa pagbuo ng tula, dapat isaalang-alang ang mga tuntunin sa pagbuo ng
tunog o pag-uulit ng mga inisyal na tunog-katinig o tunog-patinig.

Mga Anyo ng Tula

1. Tradisyonal Ito ay sumususnod sa lumang pamamaraan ng pagsulat. Nagtataglay ito


ng apat na sangkap - sukat, tugma, talinghaga, at kaisipan. Halimbawa: Sa langit na
iyon, agham ang may haka, Walang katapusan, diya’y naglipana. Ang napakaraming
bitui’t bantala. O! Saan hahantong ang ganiyang hiwaga? -”Ang Diyos at ang Agham” ni
Conrado C. Fajardo

Haiku Tanaga Diona Soneto 4 na taludtod Sukat: 7 pantig bawat taludtod 3


taludtod Sukat: 5-7-5 3 taludtod Sukat: 7 pantig bawat taludtod May tugma
14 na taludtod May striktong tugmaang sinusunod: abba abba cde cde

2. Malayang Taludturan Mga tulang walang sukat at tugma ngunit nagtataglay naman
ng talinghaga at kaisipan. Halimbawa: Sa bawat araw na nagdaraan May mithiin tayong
gagampanan. Marangal na hangarin Taos sa damdamin Tumulong sa kapwa, ating
adhikain. -”Kapit-Kamay” ni Fernando Nocum

Enjambment Pagpapatuloy ng ideya mula sa isang taludtod tungo sa


kasunod na taludtod. Hindi pagtigil sa dulo ng taludtod bagkus pagpapatuloy
sa susunod at titigil lamang kung may tuldok o kuwit Halimbawa: April is the
cruellest month, breeding Lilacs out of the dead land, mixing Memory and
desire, stirring Dull roots with spring rain. Winter kept us warm, covering
Earth in forgetful snow, feeding A little life with dried tubers. -”The Waste
Land” ni T.S. Elliot
● Blangkong Berso Mga tulang mayroong sukat ngunit walang tugma
Uri ng Tula

1. Tulang Liriko Ang paksa ay ukol sa iba’t-ibang damdamin. Dalit Parangal sa


Maykapal Soneto Aral sa buhay Elehiya Parangal sa alaala ng namatay Oda Parangal
o papuri sa isang dakilang gawain Awit Pagpapahayag ng damdamin, kaugalian,
karanasan, pananampalataya, at iba pa

2 Tulang Pasalaysay Nagsasaad ito ng mahahalagang pangyayari na may tauhan,


tagpuan, at banghay. Epiko Inaawit o binibigkas ukol sa kabayanihan ng pangunahing
tauhan na hindi kapani-paniwala sapagkat may halong kababalaghan Awit at Korido
Nagsasalaysay ng kagitingan at pagkamaginoo, pakikipagsapalaran ng pangunahing
tauhan. Ang awit ay may sukat na 12 pantig sa isang taludtod. Ang korido ay may 8
pantig sa bawat taludtod.

3. Tulang Patnigan May layuning mangatwiran, manghikayat, at magbigay- linaw


tungkol sa isang paksa. Balagtasan Tagisan ng talino sa pagbigkas ng tula bilang
pangangatwiran sa isang paksang pinagtatalunan Karagatan Paligsahan sa pagtula na
mula sa alamat ng singsing ng isang dalaga na nahulog sa dagat Duplo Paligsahan ng
mga bilyako’t bilyaka sa pagbigkas at pangangatwiran na madalas ginaganap kung
lamay

4 Tulang Pantanghalan Patulang ibinibigkas na kung minsan ay sinasabayan ng ritmo o


melodiya ng isang awitin.Naglalarawan ito ng mga tagpong lubhang madula na
maaaring makatulad ng nagaganap sa pang-araw-araw na buhay.

Eksperimental na Teksto Pagtuklas ng mga bagong porma, anyo, o uri ng malikhaing


akda

Typography

● Alak Ni Lilia F. Antonio PINA sim sim mo ako, aking mahal, ng matamis na alak
nalanghap ko ang nakalalango nitong samyo (waring ikaw sa kaloob-looban ko)
sa pagdaiti ng labi sa gilid ng kopita (nadama ko ang alab ng iyong pagtatangi)
habang nilalaru-laro ng aking dila ang dumadaloy na likido (nagsasanib ang ating
puso at isip) sa pagkatitig sa iyong mga mata nadama ko ang langit.

● Tulang Diyamante Kaibigan Ni Neriza C. Pesigan Kaibigan Sa hirap at ginhawa


Sa lungkot man o ligaya Wala kang kapara Nag-iisa Malayang pagkakaayos ng
mga taludtod na nasa anyo ng iba’t-ibang hugis, tulad ng diyamante, na
nakadaragdag linaw at kahulugan sa paksa.
● Tulang Paralel Rosas Ni Nikki Lalaine M. Avila Magandang bulaklak Iba’t ibang
kulay May pula at dilaw Kay inam pagmasdan Mayroon pang puti Busilak na
tunay Sagisag ng kalinisan Kakaibang katangian Isang uri ng tula na basahin
man ng pahalang o pababa ay makabubuo ng mensahe

● Haibun Binubuo ng prosa at tula na pangkaraniwang kinakikitaan ng mga


elementong nakaaaliw at seryoso. Karaniwang nagtatapos sa haiku o tanaga.

Aralin 3

Malikhaing Pagsulat ng Maikling Kuwento


Katuturan
- isang anyo ng panitikan na naglalayong magsalaysay ng isang mahalaga at
nangigibabaw na pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan at nag-iiwan ng isang
kakintalan sa isip ng mga mambabasa.
- maikling katha na nagsasalaysay at tumatalakay sa madulang bahagi ng buhay.
Hindi ito pinaikling nobela o buod ng isang nobela.
- Isang uri ng masining na pagsasalaysay na maikli ang kaanyuan at ang diwa ay
napapalaman sa isang buo, mahigpit at makapangyarihang balangkas na inilalahad sa
isang paraang mabilis ang galaw.

Pangkat ng mga Manunulat ng Maikling Kwento


1. sumusunod sa dating pamamaraan ng pagsulat – nanininwalang mahalagang
magkaroon ng isang balangkas ang maikling kwento.
2. sumusunod sa makabagong pamamaraan – naniniwalang hindi na kailangan pa ng
balangkas sa pagkatha ng kwento kundi ang higit na mahalaga ay maikintal sa isipan
ng mga mambabasa ang isang larawang hindi kaagad-agad maaalis sa kanilang
gunita o madama nila ang masidhing damdaming pilit na titinag sa kanilang
kalooban.

Mga Katangian ng Maikling Kwento


1. Tumatalakay sa isang madulang bahagi ng buhay.
2. Gumagamit ng isang pangunahing tauhang may mahalagang suliranin at ng ilang
ibang mga tauhan.
3. Gumagamit ng isang mahalagang tagpo o ng kakaunting tagpo.
4. Nagpapakilala ng mabilis na pagtaas ng kawilihan hanggang sa kasukdulan na
sinusundan kaagad ng wakas.
5. Nagtataglay ng iisang impresyon o kakintalan.

Mga Sangkap ng Maikling Kwento


1. Banghay – tumutukoy sa maayos, kawing-kawing at magkakasunod na mga
pangyayari.
2. Tauhan – tumutukoy sa mga tauhang gumagalaw sa kwento na maaaring
pangunahing tauhan at pantulong na tauhan.

Dalawang Uri ng Paglalarawan ng May-akda sa Tauhan


a. tuwirang pagpapahayag - kung binabanggit ng may-akda o ng ibang tauhan sa
kwento ang mga katangian ng tauhan
b. madulang pagpapahayag - kung matimpi ang paglalarawan ng tauhan, na
nangangahulugang mahihinuha ang katangian ng tauhan sa pamamagitan ng
pagkilos at pagsasalita niya.

3. Tagpuan – tumutukoy sa lugar at oras ng pinangyarihan ng kwento.


Makatotohanan ang daigdig na inilalarawan sa ating imahinasyon upang
makatotohanan din ang pangyayaring magaganap dito.

4. Paningin – pananaw na pinagdaraanan ng mga pangyayari sa isang kwento.

Nakikilala rito ang mga sumusunod:


a. paglikha ng nagsasalaysay
b. ang lugar at panahong sumasaklaw sa pagsasalaysay
c. ang taong pinagsasalaysayan nito.
d. ang relasyon ng pagsasalyasay at ang pangyayaring isinasalaysay
e. kung gaano ang nalalaman ng nagsasalaysay.

Mga Uri ng Paningin


A. paningin sa unang panauhan – ang may-akda ay sumasanib sa isa sa mga
tauhan na siyang nagsasalaysay ng kwento sa pamamagitan ng unang
panauhang “ako”

B. paningin sa pangatlong panauhan – ang nagkukwento ay gumagamit ng


pangatlong panauhan na malayang nagsasalaysay ng mga pangyayari sa
kwento. Ang nagsasalaysay ay maaaring pumasok sa isipan at damdamin ng
mga tauhan at sabihin sa bumabasa kung ano ang kanilang iniisip o nadarama.
Nabibigyan din ng puna at pakahulugan ang kilos ng mga tauhan. Nasasabi ng
nagsasalaysay ang lahat ng gusto niyang sabihin o itago ang nais niyang itago.
C. tinakdaang obhetibong paningin – ang pananaw ay limitado sa isa lamang
tauhan sa kwento. Maaaring ang pangunahing tauhan o di kaya‟y alinman sa
mga katulong na tauhan sa kwento ang tagapagsalaysay.

D. obhetibong paningin o paninging palayon – ang tagapagsalaysay ay nagsisilbing


kamera o malayang nakalilibot habang itinatala nito ang bawat nakikita at
naririnig. Ang tagapagsalaysay ay hindi nakakapasok sa isipan ng tauhan at
hindi rin nakapagbibigay puna o paliwanag.
Tumatayong tagapanood lamang siya ng mga pangyayari sa kwento.
Nakikita niya ang ginagawa ng mga tauhan, naririnig ang sinasabi nila , ngunit
hindi niya tuwirang masasabi ang kanilang iniisip o nadarama.

E. paninging panarili – isang paraan ng pagsulat na sa pamamagitan ng daloy ng


kamalayan o “stream of consciousness”. Sumusulong ang kwento sa
pamamagitan ng paglalahad ng mayakda na ang isipan at damdamin ay
naaayon sa damdamin at kaisipan ng isang tauhan lamang. Isinasalaysay ang
kwento sa pamamagitan ng unang panahunan (first person). Gayunman hindi
ginagamit ang panghalip na “ako”.

F. paninging laguman – magkasamang paggamit ng paninging panarili at palayon


sa kwento. Sa pamamagitan ng paningin na ito malawak ang kalayaan ng awtor
sa pagsasalaysay, bagaman hindi rin siya dapat pumasok sa katauhan ng isang
tauhan maliban sa pangunahing tauhan.

5. Paksang-diwa o tema – tumutukoy sa kaisipang iniikutan ng katha. Ito ang sentral


na ideya ng kwento na naghahayag ng pagkaunawa sa buhay. Ito ay hindi dapat
ihayag sa isang salita o parirala lamang kundi sabihin ito sa isang buong
pangungusap.
Halimbawa:
“ ang pagsama ng isang tao”
- kundi ihayag ang buong pangungusap nang ganito:
“kung minsan, ang pagsama ng isang tao ay dala ng mapapait niyang
karanasan sa buhay ”
6. Katimpian – masining na paglalarawan sa damdamin. Ang maingay at
nagpapalahaw na pag-iyak ay di tanda ng kalaliman ng kalungkutan; di gaya ng
tahimik, pigil at di mailuhang pighati.

7. Pahiwatig – tinatalakay ang pangyayaring nagaganap sa isang akda. Ipinahihiwatig


ang pangyayaring inaakalang mahalaga sa kwento. Dahil dito, nagiging malikhain
ang mga mambabasa sapagkat naiiwan ang kanyang guniguni o imahinasyon sa
mga pangyayaring nagaganap o maaaring maganap sa maikling katha. Sa
pamamagitan din nito‟y nagiging matimpi ang pagsasalaysay, hindi nagiging
kabagu‟t bagot sa sinumang bumabasa ang paglalantad ng mga sunud-sunod na
pangyayaring inaakalang napakahalaga bilang isa sa pangunahing sangkap ng
maikling kwento.

8. Simbolo – ito ang mga salita na kapag binabanggit sa isang akdang pampanitikan ay
nag-iiwan ng iba‟t ibang pagpapakahulugan sa mambabasa.

Halimbawa:
Ang puti ay kumakatawan sa kalinisan o kawagasan samantalang ang pula ay
kumakatawan sa katapangan o kaguluhan.

9. Suliranin – mga problemang kinakaharap ng mga tauhan sa kwento. Ito ang


nagbibigay daan upang magkaroon ng kulay at kawili-wili ang mga pangyayari sa
kwento. Dito makikita kung paano kakaharapin ng mga tauhan ang paglutas sa
suliraning kinakaharap.
10. Tunggalian – ito ang nagbibigay-daan sa madudulang tagpo upang lalong maging
kawili-wili at kapana-panabik ang mga panggyayari kaya‟t sinasabing ito
angsanligan ng akda. Nagsisimula ito sa paghahangad ng pangunahing tauhan na
hahadlangan ng sinuman o anuman sa katuparan. Ang sagabal o katunggaling
lakas ay dapat na nababagay sa kahalagahan ng layunin ; at dapat na magdulot ng
pananabik at kasiyahan sa mga mambabasa sa dakong huli.
Mga uri ng Tunggalian:
a. tao laban sa tao
b. tao laban sa sarili
c. tao laban sa kalikasan

11. Kasukdulan – dito nagwawakas ang tunggalian. Pinakamasidhing pananabik ang


madarama ng mga mambabasa sa bahaging ito sapagkat dito pagpapasyahan ang
kapalaran ng pangunahing tauhan o bayani sa kwento. Subalit bago sumapit ang
pinakarurok na ito ng kasabikan, kailangang magduyan muna ang pananabik ng
mambabasa sa isang lundo na sa ilang saglit, mabibitin ang tinurang pananabik sa
kahihinatnan ng pangunahing tauhan.

12. Himig – ito‟y tumutukoy sa kulay ng damdamin. Maaaring mapanudyo, mapagtawa


at iba pang magpapahiwatig ng kulay ng kalikasan ng damdamin.
13. Salitaan – ang usapan ng mga tauhan. Kailangang magawang natural at hindi
artipisyal ang dayalogo.

14. Kapananabikan – nalilikha ito sa paglalaban ng mga tauhan o ng bidang tauhan


laban sa mga kasalungat niya. Ito ang pagkabahalang nararamdaman ng mga
mambabasa bunga ng hindi matiyak ang magiging kalagayan ng pangunahing
tauhan sa kanyang pakikipagtunggali.

15. Kakalasan – ito ang kinalabasan ng paglalaban ng mga tauhan sa akda.

16. Galaw – tumutukoy ito sa pagkakalahad o pag-unlad ng kwento mula sa


pagkakalahad ng suliranin hanggang sa malutas ang suliraning ito sa wakas ng
katha.

17. Wakas – bagama‟t ang kwento‟y maaari nang magwakas sa kasukdulan, may mga
pagkakataong kailangan pa rin ng katuusan upang ipahayag ang mga pangyayari
pagkatapos ng kasukdulan. Maaari itong ipaloob ang paliwanag o pahiwatig sa tiyak
na sinapit ng pangunahing tauhan sa halip na ipaubaya na lamang sa mga
mambabasa.

Mga Bahagi ng Maikling Kwento


1. Pamagat – tumutukoy sa pangunahing paksa ng kwento. Dito umiinog ang buong
diwa at daloy ng mga pangyayari.

2. May-akda – tumutukoy sa sumulat o lumikha ng kwento. Sa pagtalakay sa bahaging


ito ay dapat makilala kahit na pahapyaw lamang ang katangian ng sumulat
upang maikumpara ang kanyang talino at pagkatao sa paglikha ng mga
kwento at ang kaugnayan nito sa sariling karanasan, pananaw sa buhay at sa
paligid na kanyang kinabibilangan.

3. Panimula – ito ang simulain ng kwento. May iba‟t ibang paraan ng pagpapakilala
rito:
a. Pagpapakilala sa mga tauhan – ipinababatid ang kanilang pagkatao lalo na
ang pangunahing tauhan, mapangibabaw ang katangian ng
pangunahing tauhan upang magkagiliw agad sa kanya ang mga
mambabasa.
b. Pagpapahiwatig ng suliraning kakaharapin ng mga tauhan – kailangang
pagitawin ang suliranin ng pangunahing tauhan upang matiim sa
isipan ng mga mambabasa na sa kanya iinog ang mga sumusunod
pang pangyayari.
c. Pagkikintal sa isipan ng mga mambabasa ng damdaming pagigitawin sa
kwento – ang lahat ng mga pangyayari sa tauhan sa akda ay
kailangang isang damdamin lamang ang antigin sa mga
mambabasa.
d. Paglalarawan ng tauhan – sa „di tuwirang pamamaraan, magagawa ng
may-akdang madama ng mga mambabasa ang kapaligirang
gagalawan ng mga tauhan lalo na ng mga bayani sa akda; mahalaga
ito upang madaling matiyak ng mga mambabasa ang suliraning
kakaharapin ng pangunahing tauhan at ang damdaming nais
maantig sa mambabasa.

4. Tunggalian – ito ang paglalaban ng pangunahing tauhan at ng kanyang mga


kasalungat na maaaring isa ring kapwa tauhan, o ng kalikasan o ng damdamin
na rin niya.

5. Kasukdulan – ito ang pinakamataas na uri ng pananabik; sa bahaging ito ng akda


humigit-kumulang at malalaman na kung nagtagumpay o nabigo ang
pangunahing tauhan sa paglutas niya sa kanyang suliranin.
6. Wakas – ito ang kinalabasan at naging resulta ng pakikipagtunggali ng mga tauhan
sa mga suliraning kinaharap. Ito rin ang pinakadulong pangyayari ng daloy ng
kwento.

Mga Bagay Na Mahalaga Sa Pagsulat ng Maikling kuwento


1. Ang Pamagat
Ang isang mabuting pamagat ay may mga sumusunod na katangian:
1. hindi pangkaraniwan
2. Kapansin-pansin
3. kapana-panabik

Mga Pamagat na Dapat Iwasan


1. pangkaraniwan – halimbawa ay “Ulam”
2. pamagat na magbubunyag sa lihim ng kuwento – halimbawa ay “ Anak
na Suwail,Nagsisi.”
3. pamagat na maituturing na labag sa mabuting panlasa – halimbawa ay
“Naaagnas na Bangkay.”
4. pamagat na masasabing kahangalan – halimbawa ay “Apoy na Mainit.”

Maaaring Maging Mabuting Pamagat


1. pook na may malaking kinalaman sa kwento halimbawa: Lunsod, Nayon
at Dagat-dagatan ni N.V.M. Gonzales.
2. pinakamahalagang tauhan sa kuwento halimbawa: Impong Sela ni
Epifanio Gar. Matute.
3. pinakamahalagang bagay sa kuwento halimbawa: Bakya ni Hernando
R. Ocampo
4. isipin o damdaming naghahari sa kuwento halimbawa : Maghilom May
Balantukan ni Mabini Rey Centeno
5. katotohanang pandaigdig o katotohanang pinatunayan sa kuwento:
Uhaw ang Tigang na Lupa ni Liwayway Arceo.
6. Isang mahalagang pangyayari sa kuwento halimbawa: May Gunita Pa
Ang Mga Bulaklak ni Jose F. Sibal

2. Ang Pagiging Sang-ayon ng Akda sa Karanasan sa Buhay


Mailalarawan nang buong limnaw ng isang manunulat ang mga bagay na
nais niyang ilarawn kung ang mga ito ay naaayon sa mga paksang
nasasaklaw ng kanyang karanasan. Hindi dapat tumalakay ng mga paksang
hindi nasasaklaw ng kanyang karanasan sapagkat maaaring limabas na
malayo sa katotohanan. Isang halimbawa‟y isang manunulat na naglalarawan
sa kanyang kuwento na tungkol sa bansang Inglatera ngunit hindi pa siya
nakararating sa naturang bansa.
Magagawang malinaw at kapani-paniwala ang paglalarawan o
pagsasalaysay sa pamamagitan ng pagamit ng tiyak na mga katangian o
tiyak na mga pangyayari.
Sa ganitong paglalarawan, kailangang ilarawan ang pook na
pagdarausan ng kasayahan, ang kapaligiran, mga ilaw, mga pagkain, at iba
pang bagay na maaaring makatulong sa pagbuo ng larawan sa isip ng mga
mambabasa.

3. Ang Usapan sa Kuwento


Ang mga sumusunod ay mga katangian ng isang mabuting usapan:
1. pagiging natural – Kailangan ang sagutan ay katulad ng sa tunay na
usapan. Nauugnay ang sinasabi ng sumusunod na nagsalita sa sinabi ng
nauna. Mayayamot ang bumabasa kung sa dalawang nag-uusap ay isa
lamang ang palaging nagsasalita at ang kausap ay tagausisa lamang na
kahit mawala ay hindi magiging kakulangan sa kuwento.
Ang mga sinasabi ng tauhan ay hindi dapat na napakahaba na tila
nagtatalumpati, maaring mahaba ang sinasabi ng tauhan kung gayon ang
hinihingi ng kuwento.
Hindi kailangang maging buo ang pangungusap.Maaring magsalita,
isang parirala, o paputol-putol ang pagsasalita.
2. angkop ang tauhang nagsasalita – Sa pagsasalita ng tauhan
ay kailangang makilala ang likas niyang sarili at ang damdaming nag-
udyok sa kanyang ikinilos. Kailangan ang isang tauhan ay mamumukod
sa mga kasaman niya sa pamamagitan ng kanyang mga sinasabi. Maari
siyang seryoso, madaldal, palabiro, utal, nakayayamot, o kaya‟y
mapambuska.
3. angkop na pangyayari – Kailangan sa pamamagitan ng
sinasabi ng tauhan ay malaman ng mambabasa kung anong damdamin
ang nag-uduok sa kanya upang magsalita nang ganoon.ang isang taong
nagsisisi nang buong puso ay hindi magsasalita nang mapangmataas.
Ang isang taong takut na takot ay hindi maaring magsalita nang
mahinahon at buong katalinuhang sagutin ang tanong sa kanya. Kung ang
tauhan ay nagtatampo, bayaang makilala ang pagtatampo sa kanyang
mga sinasabi.
4. pagkakaroon ng kaugnayan sa galaw ng kuwento –
Kailangan ang pag-uusap ay tumutulong sa pagsulong na galaw ng
kuwento. Ang pag-uusap ay hindi dapat gamiting kasangkapan upang
maiparangalan ng may-akda ang kanyang karunungan at kaliksihang isip.
4. Paglalarawang-Tauhan
Ang mga sumusunod ay mga karaniwang pamamaraang ginagamit ng mga
manunulat sa paglalarawan ng tauhan:
1. paglalarawan ng isipang naghahari sa tauhan
2. paglalarawan ng paraan ng pagsasalita ng tauhan
3. paglalarawan ng mga bahagi ng kanyang katawan
4. tiyak na pagsusuri ng kanyang katauhan
5. paglalarawan ng kapaligiran katulad ng tirahan ng tauhan o ng mga
kasangkapang kanyang ginagamit
6. paglalarawan ng kanyang mga kilos batay sa mga pangyayaring kanyang
kinakaharap
7. paglalarawan ng mga sinasabi nfg ibang mga tauhan tungkol sa isang
tauhang tinitukoy sa kuwento
8. paglalarawan ng damdaming kanyang ginigising sa mga kasama niyang
tauhan

5. Masining na Pagsulat
May tatlong parran ang masining na pagsulat.
1. Huwag talampakin ang bagay na maaaring ipahiwatig lamang
2. Dapat na maging matimpi: Kailangan ay katimpian sa damdamin
at katimpian sa pananalita.
3. Paggamit ng mga salita at pariralang nakatatawag-pansin.

Mga Kailangan ng Isang Maikling Kuwento


Tunggalian
May dula o kilos na madula ang isang kuwento. Kailangang
magkaroon ng tunggalian upang magkaroon ng dula. Tinatawag na
tunggalian ang paglalaban ng pangunahing tauhan at iba pang mga
tauhan. Ang isang kaisipan ay maaring makipagtunggali sa isa pang
kaisipan. Ang ikapagtatagumpay ng alinman sa dalawa ay nasa
manunulat. Maari namang ang isang tauhan ay makipagtunggali sa
kalikasan, tulad ng bagyo, at iba pang dulot ng kalikasan.

Nakapagdudulot ito ng kapanabikan at kasiyahan sa mga


mambabas ang bawat tunggalian. Hindi mabuting kuwento ang isang
akdang walang tunggalian. Hindi ito magiging kawili-wili sa mga
mambabasa.

Kasukdulan
Nagbibigay na pananabik sa mga mambabasa ang bawat tunggalian.
Ang mga tungggalian sunud-sunod ay dumarating sa isang tanging bahagi na
nagdudulot ng pinakamasidhing pananabik. Ang bahaging ito ng pinakamasiding
pananabik ay tinatawag na kasukdulan.

Katapusan
Ang mga mambabasa‟y nananabik kung ano ang magiging wakas ng
kuwento hangga‟t hindi sumasapit ang kasukdulan. Nagpapatuloy ang mga
mambabasa sa pagbasa upang malaman kung ano ang mangyayari sa
pangunahing tauhan. Ang kuwento‟y magwawakas na pakatapos ng kasukdulan.
Hindi dapat na pahabain pa ang kuwento pagkatapos ng kasukdulan sapagkat
mawawala ang ganda nito. Dagling sundan ng wakas. Ang isang makabagong
manunulat ay maingat sa pagtatapos ng kanyang kuwento. Ang wakas ay
malimit na ipinapaubaya niya sa guni-gini ng kanyang mambabasa.

MGA KATANGIAN NG ISANG MAHUSAY NA MAIKLING KUWENTO


Ang katangiang dapat taglayin ng isang mahusay na maikling kuwento ay ang
mga sumusunod:
1. Kaisahan
Ang kaisahan ng maikling kuwento ay tumutukoy sa isang panggitnang
kaisipan. Kailangang makapag-abuloy sa kaisahan ng kaisipang nais palitawin
ng may-akda ang bawat bagay sa kuwento. Ang mga kilos at pag-uusap ng mga
tauhan ay nararapat ding makapag-abuloy sa kaisahan. Ang kaisahan ay
bumubuo sa isang pangungusap mataposs mabasa ng mambabasa ang
kuwento. Maaaring isaisip ng isang mambabasa na ang paksa ng kuwento ay
tungkol sa agmamahal ng isang magulang sa kanyang anak, ang
pagkamakabayan ng isang lalaki, ang kahalagahan ng karunungan, ang
pagtatagumpay ng kabutihan laban sa kasamaan, pagpapahalaga sa karapatang
pantao, atbp.

Ang Mabuting Pagpapahayag


Ang mabuting pagpapahayag ay pagpili ng mga wastong salita na
angkop sa diwang nais ipahatid ng may akda. Ang paggamir ng mga pili at
angkop na mga salita ay mahalaga sapagkat sa pamamagitan ng mga ito ay
magiging mabisa ang kaisipang ipinapasok ng manunulat sa mga tauhan at
magiging malinaw ang paglalarawan. Ang mahusay na pagpapahayag ay
nakatutulong sa kaisahan ng kuwento.

Ang Pamamaraan
Iba‟t iba ang pamamaraang ginagamit ng mga kuwentista. Ang bawat
isa‟y may sariling kakanyahan. Ang mga manunulat na sumasang-ayon
sa dating pamamaraan ng pagsulat ng maikling kuwento ay nanniniwala
sa pamamaraang nagbibigay-diin sa balangkas. Ang pamamaraang ito ay
may mga sumusunod na bahagi:

1. Panimula (Kasama rito ang tagpuan)


Maraming tungkuling ginagampanan ang panimula. Inilalahad
nito ang tagpuan(setting) na siyang nagpapakilala sa mga mambabasa
ng mga tauhan,panahon, at lunan ng kuwento. May mga kuwentong
inilalahad na lahat ng tagpuan, ang tatlong sangkap ng tauhan, panahon,
at lunan. Kung minsan nama‟y ang inilalahad ng tagpuan ay tauhan at
panahon lamang, ipinauubaya na sa mga mambabasa na hanapin ito sa
kabuuan ng kuwento?

2. Saglit na kasiglahan
Ang mga bahaging naglalahad ng unang suliraning
inihaharap ng lunas ay tinatawag na saglit ng kasiglahan. Higit na
umaakit sa mga mambabasa ang bahaging ito upang ipagpatuloy ang
pagbasa. Ang pag-aakit ng mga mambabasa sa panimula dahil sa
pamamaraang ginagamit ng may-akda ay pansamantala lamang. Ibang
uri ng pagkaakit ang naramdaman nila ang pamiminto ng isang
pangyayaring gumising ng isang tiyak na damdamin kung hindi man
maging kawili-wili.

3. Mga Suliraning Inihahanap ng Lunas


Ipinaliwanag sa dakong unahan na ang saglit ng kasiglahan ay
simula ng pagtungo sa paglalahad ng unang suliraning inihahanap ng
lunas. Ang susunod ay mga pangyayaring kailangang maayos ang
pagkakalikha at pagkakahanay. Ang naturang mga pangyayari ang
bumubuo sa mga suliraning inihahanap ng lunas. Ang mga ito ay
lumilikha sa isang pagkawiling pasidhi nang pasidhi hanggang sumapit
ang pinakamasidhi na tinatawag na kasukdulan.

4. Kasukdulan

5. Kakalasan

Mga Uri ng Maikling Kwento


 Kwento ng Pag-ibig
 Kwento ng Katutubong –kulay
 Kwento ng Tauhan
 Kwento ng Kaisipan
 Kwento ng Katatakutan
 Kwento ng Kababalaghan
 Kwento ng Katatawanan
 Kwento ng Talino
 Kwento ng Pampagkakataon
 Kwento ng Kapaligiran
 Kwento ng Makabanghay

7. Ang Pagiging Sang-ayon ng Akda sa Karanasan sa Buhay


Mailalarawan nang buong linaw ng isang manunulat ang mga bagay na
nais niyang ilarawan kung ang mga ito ay naaayon sa mga paksang nasasaklaw
ng kanyang karanasan. Hindi dapat tumalakay ng mga paksang hindi
nasasaklaw ng kanyang karanasan sapagkat maaaring limabas na malayo sa
katotohanan

8. Ang Usapan sa Kuwento


Ang mga sumusunod ay mga katangian ng isang mabuting usapan:
1. pagiging natural
2. angkop ang tauhang nagsasalita
3. angkop na pangyayari
4. pagkakaroon ng kaugnayan sa galaw ng kuwento

9. Paglalarawang-Tauhan
Ang mga sumusunod ay mga karaniwang pamamaraang ginagamit ng
mga manunulat sa paglalarawan ng tauhan:
1. paglalarawan ng isipang naghahari sa tauhan
2. paglalarawan ng paraan ng pagsasalita ng tauhan
3. paglalarawan ng mga bahagi ng kanyang katawan
4. tiyak na pagsusuri ng kanyang katauhan
5. paglalarawan ng kapaligiran katulad ng tirahan ng tauhan o ng mga
kasangkapang kanyang ginagamit
6. paglalarawan ng kanyang mga kilos batay sa mga pangyayaring
kanyang kinakaharap
7. paglalarawan ng mga sinasabi ng ibang mga tauhan tungkol sa isang
tauhang tinitukoy sa kuwento
8. paglalarawan ng damdaming kanyang ginigising sa mga kasama
niyang tauhan

10. Masining na Pagsulat


May tatlong paraan ang masining na pagsulat.
1. Huwag talampakin ang bagay na maaaring ipahiwatig lamang
2. Dapat na maging matimpi: Kailangan ay katimpian sa damdamin at
katimpian sa pananalita.
3. Paggamit ng mga salita at pariralang nakatatawag-pansin.

MGA SANGGUNIAN
De Dios, L.A. et.al. Panitikan ng Iba’t Ibang Rehiyon sa Pilipinas. 2014

"Dark ages". The Oxford English Dictionary. Nakuha noong Disyembre 5, 2008.

"Dark Ages". Merriam Webster's Dictionary & Thesaurus. Nakuha noong Disyembre 11, 2008.

"Dark Ages." The American Heritage Dictionary of the English Language, Ikaapat na Edisyon.
Houghton Mifflin Company, 2004. Nakuha noong Setyembre 30, 2008.

Franklin, James (1982), "The Renaissance Myth", Quadrant, 26 (11): 51–60


Go, K. (2011). Retrieved from Slideshar.net:

https://www.slideshare.net/KairaGo/elemento-ng-tula-8743182 © Andrea Tiangco, 2018

Larawan ng makinang sumisingaw na Watt: matatagpuan sa bulwagan sa Paaralang Teknika


Superyor ng mga Inhinyerong Industriyal ng UPM (Madrid)

Negosyo at Ekonomika. Leading Issues in Economic Development, Oxford University Press


US. ISBN 0-19-511589-9 Read it

Russell Brown, Lester. Eco-Economy, James & James / Earthscan. ISBN 1-85383-904-


3 Basahin ito

Villafuerte, Pat V. at Rolando Bernales. Mga Teoryang Pampanitiikan.

Mga Pagdulog at Teoryang Pampanitikan: Batayan ng Paglinang ng HOTS saPagtuturo/
Pagsusuri ng mga Akdang Pampanitikan

San Juan, E. Jr. LUPANG HINIRANG, LUPANG TINUBUAN: Mga Sanaysay sa Panitikan,
Kasaysayan, at Politikang Pangkultura

Ang Tula. (2016). Malikhaing Pagsulat (pp. 28-47). SIBS Publishing House, Inc.

https://www.slideshare.net/1780674042/12-ang-dapat-mabatid-ng-mga-tagalog

https://www.joserizal.com/talambuhay-ni-dr-jose-rizal/

https://philnews.ph/2019/07/23/ano-ang-lipunan/

http://markjan-markjan.blogspot.com/2009/03/miliminas-taong-0069-ni-nilo-par.html

https://www.youtube.com/watch?v=nky-COsEmtg

https://medium.com/@maryandreipascual/ang-mga-sanhi-ng-kahirapan-sa-pilipinas-
81bc76790219

https://thedesolateheart.wordpress.com/2018/11/21/buod-ng-ang-kalupi-ni-benjamin-pascual/

https://thepoetrified.wordpress.com/2018/11/22/buod-ng-ang-kalupi-ni-benjamin-pascual/
https://www.youtube.com/watch?v=nky-COsEmtg

https://tl.wikipedia.org/wiki/Gloc-9

https://glocdash9.com/about/

https://www.google.com/search?sxsrf=ALeKk03_1aGxwnLaOgWJoPE5BVyDHnR25Q
%3A1595403095745&ei=V-
sXX5qGLaGymAWa9I_QBw&q=lyrics+magda&oq=lyrics+magda&gs_lcp=CgZwc
3ktYWIQAxgAMgcIABAUEIcCMgcIABAUEIcCMgIIADICCAAyAggAMgIIADIC

https://mimirbook.com/tl/902c3d1b0bb

http://clariceonate4.blogspot.com/

https://www.kapitbisig.com/philippines/poems-written-at-different-times-by-various-authors-ang-
magsasaka-tula-ni-julian-cruz-balmaceda_1106.html

https://www.youtube.com/watch?
v=3nKmv5oDzBw&fbclid=IwAR1DwsWQRbMebTvT2tvwkCG_q6eIAxhm0EsOXGek_nRnDcg6v
cf0gwzq0oU&app=desktop

https://www.google.com/search?
q=sirena+lyrics+gloc+9&oq=sirena+&aqs=chrome.4.69i57j0l2j46j0l4.9963j0j7&sourceid=chrom
e&ie=UTF-8

https://www.youtube.com/watch?v=M4-
15CZAcmk&fbclid=IwAR10szyU2PPO1GBAGVBt3S4_RwYHzlmSsqdwkfRcLXa5r3RQjBM4KuT
rgYM&app=desktop

https://www.scribd.com/doc/64149750/Reaction-on-Ang-Pagdadalaga-ni-Maximo-
Oliveros

https://www.scribd.com/doc/177630765/Talambuhay-Ni-Auraeus-Solito

https://www.youtube.com/watch?v=FSn1qFpdNXs

https://www.youtube.com/watch?v=-QO2SN0E5tc

https://en.wikipedia.org/wiki/Die_Beautiful

https://www.coursehero.com/file/47198377/Ang-Reyna-ng-Espada-at-mga-Pusadocx/

https://www.coursehero.com/file/24867059/Ang-Reyna-ng-Espada-at-mga-Pusapdf/
https://www.youtube.com/watch?
v=KLXTvH7b1hI&fbclid=IwAR3XBExXOlbfbxM0Aa6ayFR9KQn2wOMYK7d53Vx40lYH0sfPnrE8
0qSmqBQ&app=desktop

https://www.youtube.com/watch?v=qV9HWDLhcvk&t=99s
https://www.youtube.com/watch?v=EJ9oMVHjWVA

https://www.youtube.com/watch?v=M1B1bFWHWbE

https://www.youtube.com/watch?
v=xUcX6YrGI1U&feature=share&fbclid=IwAR00PJ51DbCReTErlabGDj5b4rB6dlXTEjdgSUzY_
KVgJO0irxrzEpSh7Uc

https://www.youtube.com/watch?v=LdyX3pycl-A

https://www.facebook.com/watch/?v=559849831423870

https://www.facebook.com/Cine-Mari- 24733022254804/videos/559849831423870/

https://www.facebook.com/124733022254804/videos/559849831423870/

https://www.wattpad.com/3928548-minsan-may-isang-puta-mike-portes
https://www.bookdepository.com/Minsan-May-Isang-Puta-Mike-Portes/9781503135048

http://createyourmusicbuzz.com/forums/topic/halimbawa-ng-teoryang-sosyolohikal-essays-
642608/

https://www.academia.edu/31342239/MGA_TUNTUNIN_SA_PAGSULAT_NG_SANAYSAY

https://alstutor.wordpress.com/2014/07/16/tips-sa-pagsulat-ng-sanaysay-bakit-mahalaga-ang-
balangkas-o/

http://documents.tips/self-improvement/paano-ang-tamang- pagsulat-ng-sanaysay-para-sa-
a.html

http://alternativelearningsystem.blogspot.com/2011/10/mga-tips- sa-pagsulat-ng-sanaysay-
essay.html

http://poroy.blogspot.com/2015/09/paano-sumulat-ng- sanaysay.html

http://ederic.net/tips-sa-pagsusulat-ng-sanaysay/

Cabrera, M. (2010, June). Retrieved from Filipino Tula: http://Filipino-


tula.blogspot.com/2010/06/mga-uri-ng-tula.html

http://www.slideshare.net/cli4d/ang-pangunahing-paksa-at-mga-pantulong-na-detalye

https://quizlet.com/276692004/maikling-kwento-flash-cards/

https://www.slideshare.net/allanortiz/maikling-kuwento-handout
https://www.academia.edu/36077946/96677359-Ang-Maikling-Kwento.docx

https://www.coursehero.com/file/21194708/HENERAL-LUNA/

https://www.youtube.com/watch?v=sLqYcv9-g_M

https://www.youtube.com/watch?v=SYWo6FoVacY

https://www.youtube.com/watch?v=xxP7P_QDWlQ

https://www.youtube.com/watch?v=LdyX3pycl-A

https://www.facebook.com/watch/?v=559849831423870

https://www.facebook.com/Cine-Mari-124733022254804/videos/559849831423870/

https://www.facebook.com/124733022254804/videos/559849831423870/

You might also like