You are on page 1of 8

WIKA AT

NASYONALISM
O
TAGA-ULAT: MARIENEL D. CAMPOS
NASYONALISMO
Ang pagiging isang mabuting mamamayan!
Isang mahalagang elemento na makapag-uugnay ng
dalawang larangan “edukasyon at ekonomiya” sa
pamamagitan ng wika.

Ito rin ay itinuturing na isang ideolohiya. Ayon kay


Plamenatz (1970) ang ideolohiya ay tumutukoy sa isang
“set ng magkakaugnay at organisadong paniniwala o
ideya, at maging atityud ng isang grupo o komunidad”.
Elemento ng Nasyonalismo bilang Ideolohiya
1. pagkakaroon ng kamulatang pambansa
2. pambansang identidad
3. dimensiyong heograpikal
4. patriotism
5. pangangailangang aksiyon para sa lalong ikagagaling ng
grupo o komunidad

Sa paanong paraan mahalaga sa nasyonalismo ang wika?


At sa paanong paraan din mahalaga sa larangan ng edukasyon at
ekonomiya, ang wika?
 Ayon kay Joshua Fishman, isang sociologist, ang “wika ay isang pangunahing komponent ng
nasyonalismo….
 Ang katutubong wika ay isang aspekto ng kaluluwa o esensiya ng isang nasyonalidad.”
 Mahalaga ang nasyonalismo para sa ekonomikong pag-unlad ng isang bansa.
 Ang pagprotekta sa interes ng sariling bansa laban sa kompetisyon at pagdodomina ng mga
dayuhang kapitalista ay isang pagkilos na tutulong sa ekonomikong pag-unlad ng bansa.
 Ngunit ang pagkilos na to ay nangangailangan ng pagkakaisa at ang pagkakaisang ito ay maaaring
maibigay ng isang wikang magbubuklod sa mga tao tungo sa layuning pag-unlad. Ang wikang
ito’y ang wikang pambansa.
 Ngunit ang isang wikang pambansa, para maging tunay na pambansa ay hindi lamang dapat
manatiling isang wikang pambansa- isang simbolo na paris ng pambansang prutas, pambansang
bulaklak, pambansang puno. Dapat ding maging pambansa ang gamit nito- sa edukasyon, batas,
gobyerno, korte, mass media, atbp. At magagawa lang ito sa pamamagitan ng political will ng
gobyerno- isang gobyernong ginagabayan ng ideolohiyang sasangkot sa mga tao at gagawa para sa
kapakanan ng tao.
Sa isang lektyur kaugnay ng ika-26 na anibersaryo ng departamento ng Filipino at
panitikan ng Pilipinas sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman, naging paksa ang
etnisidad at nasyonalismo. Pinaniniwalaan ng inimbitahang tagapagsalita at mga
nakikinig na wala tayo hanggang sa ngayon (pagkaraan ng 40 taon mula ng mabigyan
ng kalayaan) sa yugto ng nasyonalismo. Hanggang ngayon ay etnisismo o etnisidad
parin ang umiiral. Kayat mas binibigyan ng mga Pilipino ng identipikasyon ang ating
pagiging Tagalog, Bisaya, Ilocano, Kapampangan, kasya bilang mga Pilipino. Mas
gugustuhin pa na magdomina ang banyaga kaysa kapwa katutubo huwag lamang
madehado ang sarili. Pinatunayan ito noong kumbersyong konstitusyonal ng 1972 at
1986 kaugnay ng probisyon sa wikang pambansa. Marami ang nagpanukala ng iba’t-
ibang wika sa Pilipinas – Tagalog, Bikol, Cebuano, Ilokano, Tausog, para maging
wikang pambansa o kaya’y batayan nito, ang ilan ay nag panukala pa ng mga
banyagang wika paris ng Ingles, Malay at Arabic, kung hindi rin lang mapipili ang
wika ng kanilang Rehiyon at nang hindi madehado ng ibang rehiyon. Ngunit walang
nagpanukala ng wikang maaring magbuklod ng mag-isa sa mga Pilipino.
May mga dahilan kung bakit ito ang umiiral sa mga Pilipino. Isa ang kolonyalismo at
isa parin ang multilinggwalismo. Nang sakupinin tayo ng mga Kastila, naging
patakaran nila ang paghati sa mga Pilipino upang di magkaisa (Divide and Rule).
Alam nilang wika ang epektibong kasangkapan sa pagkakaisa kaya’t ito naman ang
ipinagkait sa mga mamamayan. Sa halip na turuan ng wikang Kastila ang mga
Pilipino upang maintindihan ang kanilang mga sermon, katekismo, atbp., sila ang
nag-aaral ng wika sa Pilipinas. Sumulat sila ng mga gramar at diksyunaryo sa mga
wikang ito. Bagamat maituturing na legacy o pamana ng mga Kastila ang mga
akdang ito, hindi parin dapat kalimutan na ito ang tumulong sa matagal na
pagsasamantala ng mga Kastila at sa pagkakawatak-watak ng mga Pilipino. Sa
panahon naman ng mga Amerikano, ang sikolohiya naman ng pagbibigay kung ano
ang ipinagkait (edukasyon at wika) ang ginamit para kontrolin ang mga mamamayan
at naging epektibo ito. Naging mga guinea pigs (o dagang pang laboratory) ang mga
Pilipino ng dalawang mananakop na ito. Kaya ngayon, higit pang gugustuhin ng mga
Pilipino ang anumang banyaga kaysa protektahan at pagyamanin ang sarili.
Ayon kay Joshua Fishman, ang multilinggwalismo ay hadlang sa nasyonalismo. At kung
susundan natin ang lohika, apektado ang ekonimikong pag-unlad ng isang bansang
multilinggwal. Naging obserbasyon ng mga sociologist at political scientist na ang mga bansang
monolinggwal ay mas maunlad o mas madaling umuunlad kaysa sa mga bansang mutilinggwal.
Magandang halimbawa rito ang Japan. Hindi lamang ito bansang hindi naging biktima ng
kolonyalismo kundi isa ring monolinggwal na bansa. Magandang pag-aaral ang tindi ng
nasyonalismo ng mga Hapon. Determinado ang gobyernong Hapon na paunlarin at palalimin
ang nasyonalismong ito sa pamamagitan ng eskuwelahan at mismong sa mga patakarang pag-
ekonomiya. Ano ang resulta nito? Mas pipiliin pa nila ang pilahan ang Japanese cherry na mas
mahal at mas maasim kaysa American cherry. Dahil alam nilang sa bawat piraso ng prutas na
imported na kanilang kakainin ay napupunta ang buto at kita sa bansang nagdala ng prutas na
iyo samantalang kung prutas mula sa Japan ang kanilang bibilhin, babalik sa kanilang bansa at
sa malaunan ay sa kanilang bulsa ang tubo at kita ng biniling prutas. Ito marahil ang dahilan
kung bakit noong mga 1980s isang Japanese economist at isang Japanese sociologist ang nagsabi
na uunlad ang ating ekonomiya kung gagamitin at pauunlarin natin ang ating wikang pambansa.
Ganito rin ang sinabi ni Ponciano Intal, Jr., isang propesor ng Economics sa Unibersidad ng
Pilipinas sa Los Banos (UPLB), sa isang artikulo niya noong Desyembre 17, 1989 sa Manila
Chronicle na pinamagatang “Fostering Nastionalism.”
Ayon sa kanya, mahalaga ang kultural na nasyonalismo sa pag-unlad ng
ekonomiya ng bansa. Upang punlarin ang kultural na nasyonalismo, iminungkahi
nya ang pagpapakuha sa mga kolehiyo ng mga asignaturang pang wika at
pampanitikan ng Pilipinas. Ayon sa kanya, “Ang sustenadong ekonomikong pag-
unlad ay sumasabay, batay sa kasaysayan, sa pagyabong ng kultural na
nasyonalismo at paggigiit tungo sa pagdodomina ng pagkakaroon ng pambansang
identidad at pagmamalaki sa bansa kaysa sa rehiyon at/o mga banyagang nasyon.

You might also like