You are on page 1of 6

Yunit 3: KOMUNIKASYONG LOKAL AT GLOBAL SA MULTIKULTURAL

NA SETTING

Aralin 1: KOMUNIKASYON SA MULTIKULTURAL NA SETTING

KALITUHAN SA KULTURA

Madalas na nagaganap ang kalituhan sa kultura dulot na rin ng samu’t saring


kaganapan. Isang kalituhang dulot ng pagkakaiba ng kultura ay sa pakikipagkomunikasyon.
Nagaganap ito dahil sa kakulangan ng pag- unawa sa pagkakaiba ng kultura.

Ang iba’t ibang pakikipagkomunikasyon kaugnay ng kultura ay ang mga sumusunod:

Interracial Communication - komunikasyong sa pagitan ng iba’t ibang lahi o


ang pagpapakahulugan at pagbabahagi ng kahulugan sa mga indibidwal mula sa
iba’t ibang lahi.

Inter-ethnic Communication - komunikasyong sa pagitan ng iba’t ibang pangkat


etniko.

Komunikasyong Pang-internasyunal - komunikasyon sa pagitan ng mga taong


kumakatawan ng iba’t ibang bansa.

Komunikasyong Intrakultural - interaksyon ng mga taong napapabilang sa


magkaparehong lahi o pangkat etniko.

Komunikasyong Interkultural - Ito naman ay uri ng komunikasyon na


nagpapakita ng integrasyon ng dalawa o higit pa na bilang sa magkaibang
kultura. Bagamat magkaiba, maayos at mabisa pa ring naisagawa ang palitan ng
impormasyon ng dalawang nag-uusap. Bunsod nito, ang kakayahan ng tao na
makaangkop sa ibang kultura.

Gayunpaman, ang uri ng pakikipagkomunikasyon na sadyang nakakaapekto sa


setting ay ang interkultural.

INTERKULTURAL NA KOMUNIKASYON

Ayon sa siyensya, ang bawat tao ay kakaiba. Liban na lamang sa identical twins,
masasabing ang bawat taong ay may natatanging komposisyon ng genetics. Ang
pagkakaibang ito ay lalo pang nangingibabaw dahil sa indibidwal na mga karanasan. Ang
tao ay nagkaka-anyo dahil sa iba’t ibang salik liban sa genetics. Backgrawnd ng pamilya,
relihiyon, organisasyong kinabibilangan, edukasyong natamo, pwersang socio-cultural,
kondisyong ekonomik, estadong emosyonal at iba pang salik na humuhubog sa identidad
bilang tao. Dahil dito, walang dalawang taong halos magkapareho.

Sa sitwasyong ito, ang pagkakaiba-iba ng tao at kultura ay nakakaapekto sa


komunikasyon. Ang pakikipag-ugnay sa ibang kultura ay nakapagdudulot ng kahirapan.
Karamihan sa mga tao ay nakahihinuhang ang di-pagkakaintindihan ay nagreresulta sa
kakulangan ng kaalaman sa wika ng tagapagsalita. Ang hindi batid ng karamihan, marahil
kahit na malawak ang alam sa wika, nangyayari pa rin ang di- pagkakaunawaan.

Paano Malinang ang Kakayahan sa Interkultural na Komunikasyon?

1. Iwasang bumuo ng ekspektasyon batay lamang sa sariling kultura.


2. Alalahanin na ang kawalan ng kaalaman ay nakasasagabal sa pag-unawa.
3. Magsikap na linangin ang komunikatibong kasanayan upang maiangkop ang
sarili sa isang multikultural na daigdig.

Narito naman ang pananaw ni Goman (2011):

1. Ang pakikipagkomunikasyon sa iba’t ibang kultura ay napakahirap. Bawat kultura


ay may kanya-kanyang mga patakaran na binabalewala ng mga kasapi nito.
Marami sa atin ay may kamalayan sa ating sariling cultural biases dahil sa
maaga tayong namulat sa cultural imprinting. At habang ang kaalaman,
patakaran, paniniwala, values, phobias, at anxiety ng isang kultura ay tinuturo
ng tiyak at klaro, halos lahat ng impormasyon ay absorbed subconsciously.

2. Ang hamon para sa multinational communication ay hindi kailanman naging


madali. Nadiskobre ng worldwide business organizations na ang
komunikasyong pangkultura ay napakahalaga hindi lang dahil sa pagtaas ng
globalisasyon, kundi pati na sa pagtaas ng kanilang domestic workforce at sa
pagkakaiba-iba, ethnically at culturally.

3. Tayo ay mga indibidwal, at walang dalawang tao na nabibilang sa


magkaparehong kultura ang inaasahang kikilos sa magkatulad na paraan.

Binanggit ni Kaur (2016) sa aklat ni Mandrunio at Martin (2018), ang mga sumusunod
na pinagmulan ng di-pagkakaunawaan:

1. Kalabuan – kakulangan sa tuwirang pagpapahayag ng nagsasalita na nagdudulot


ng problema sa kalabuan o semantika ng pangungusap na humahantong sa iba-ibang
interpretasyon.

2. Kaugnay sa performans na di-pagkakaunawaan – ang saltik ng dila ay maling


pagkakadinig na marahil sa pagbigkas nang mabilis at malabo.

3. Kaugnay sa wika – maling istruktura ng mga pangungusap

4. Gap sa kaalaman – may gap sa nilalaman o kaalaman sa paksang pinag-uusapan

5. Lokal na konteksto – turntaking ng pag-uusap na kung minsan ay iba ang


konteksto ng nagsasalita sa pinag-uusapan at sa kinakausap o maaari ring iba ang
konteksto ng nakikinig sa nagsasalita at pinag-uusapan.
Liban sa pasalitang pakikipagkomunikasyon saan matutunghayan ang
Interkulturalismo ay may mga artikulong halimbawa sa ibaba na nagpapatunay ng
pakikipagkomunikasyon sa multikultural na setting.

Aralin 2: MGA VARAYTI AT REGISTER NG WIKANG PASALITA AT PASULAT

URI NG BARAYTI NG WIKA

Ang pagkakaroon ng pagkakaiba o baryasyon ay hindi dapat lumikha ng ingay ng


pagtatalo-talo kung ano ang dapat na linangin o maging superior sa lahat. Ito ay
dapat na ituring na kaangkin ng isang wikang buhay.

Mga Salik

 Maraming pangkat-etniko sa bansa na may kani-kaniyang katutubong wika at kultura


 Buhay at dinamiko ang wikang Filipino
 May iba’t ibang katayuang sosyal ang mga mamamayan
(Catacataca at Espiritu, 2005) .

Dalawang Dimensyon ng Baryasyon (ayon kay Constantino, 2002)

 Heyograpiko - Sa dimensyong heyograpiko o pagkakahiwa-hiwalay ng lugar,


nagkakaroon ng baryasyon ng wikang ginagamit ng mga tao.

 Sosyo-ekonomiko - nabubuo ang mga sosyolek dahil sa pagkakaiba ng katayuan sa


buhay ng tao sa lipunan. May barayti ng wika ang mga nakatataas, masa, tambay,
babae, lalaki at iba pa.

Mula sa iba’t ibang wika sa bansa, maiuuri ang mga wika sa mga sumusunod:

1. Idyolek- ang uring ito ay tangi sa isa o pangkat ng mga tao na may komon na wika.
May mga taong kilometriko at mabulaklak kung magpahayag. May mga ilan ding
nakagawiang magsalita nang malakas o di kaya ay mahina. Mayroon ding mga tao na
may isang salitang nakasanayan nang banggitin nang paulit-ulit sa bawat linya ng
kanilang pangungusap.

Halimbawa:
“Siguro nga ammm….dapat tayong magkaisa ok….Ito ay ammm….susi
sa pagkakaroon ng katahimikan sa bansa, ok? Kung hindi ngayon,
ammm…kailan pa kaya? Dapat ay ngayon na, ok?

2. Dayalekto- ang barayting ito ay inuuri ayon sa lugar, panahon at katayuan sa buhay
ng mga taong nagsasalita at kabilang sa isang heyograpikal na komunidad. Tinatawag
din itong panrehiyunal o wikain.

Halimbawa:
Hiligaynon, Cuyunon, Kinaray-a, Chavacano

3. Sosyolek- sinasabi naman itong pansamantalang barayti. Tinatawag itong


pansamantala dahil nadedevelop ito sa pamamagitan ng malayang interaksyon at
sosyalisasyon natin sa isang partikular na grupo ng mga tao.
Halimbawa:
Allergy ( Galis para sa mahihirap)
Gravy ( Sarsa para sa ordinaryong tao)
Slim ( tawag sa mga payat na tao)

4. Etnolek- barayti ito ng wika na nadedevelop mula sa mga salita ng mga


etnolinggwistikong grupo.

Halimbawa:
Waray, Bukidnon, B’laan, T’boli,
5. Ekolek- tumutukoy ito sa mga salita na kadalasang nagmumula o sinasalita sa loob ng
bahay.

Halimbawa:
Inihaw/Sugba, Tinola/ Sinabawan/ Sinigang

6. Pidgin- ito ay tumutukoy sa wikang walang pormal na estruktura. Nadedevelop ito dahil
na rin sa pangangailangan na makabuo ng isang pahayag. Kadalasan, napaghahalu-
halo ng nagsasalita ang kanyang unang wika sa wikang sinasalita ng isang komunidad
na bagong kinabibilangan niya.

Halimbawa:
Ang mga Intsik sa Binondo na napagsasama-sama nila ang mga salitang
Intsik at Filipino.

7. Creole- ito ay produkto ng pidgin na wika, kung saan, nadedevelop naman ang pormal
na estruktura ng wika sa puntong ito.

Halimbawa:
Chavacano ng Zamboanga, Chamoro ng Guam

8. Rejister- ito ay tumutukoy sa mga salita na espesyalisadong nagagamit sa isang


partikular na domeyn.

Halimbawa:
Register sa Print Media
Pangulo – president
Hukom – judge
Register sa Broadcast Media
Register sa Pangisdaan
Angkla – lubid na nakatali sa Bangka
Baklad – lugar na pinagkukulungan ng mga isda sa laot

HALIMBAWANG REGISTER NA PASULAT AT PASALITA SA KULTURANG PILIPINO

Sinasabing, kung mayroon mang bagay na hindi nagbabago sa mundo, ito ay ang
salitang pagbabago. Sa larangan ng pakikipagkomunikasyon, di maikakailang nagbabago rin
ang mga katawagang ginagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay. Marahil epekto na rin ng
mabilis na pagbabago, nagbago at nagtrending ang mga tiyak katawagan sa kulturang
Pilipino. Ayon sa datos ng Philippine News (2017), narito ang mga salitang nagtrending.

 lodi (idol)
 petmalu (malupet)
 erp (pre)
 etak (kati)
 astig (tigas)
 awtsu (masakit)
 olats (talo)
 omsim (mismo)
 tokhang (salita ng taon 2018)

Tatlumpo’t limang mga popular na katawagang Pilipino ang naging opisyal na bahagi
ng listahan ng mga katawagan sa Oxford English Dictionary (OED).

Ang OED midyear 2015 report ay nagtala ng mga sumusunod na adaptasyon ng


mga salitang Pinoy na opisyal na magagamit sa pagsulat at pagsasalita sa Ingles. May
pagapapakahulugan ang mga katawagang Pinoy na ito sa Ingles at patuloy na ginagamit
ang mga salitang ito sa pagpapahayag ng sariling opinion at identidad ng buhay at kultura
gayundin ang pagpapahalagang Pinoy. Narito ang opisyal na tala ng mga salita.

 mabuhay – greetings
 kuya – terms of address
 barong, barong tagalog, baro’t saya – items of traditional dress halo-halo,
pan de sal, sinigang – native delicacies
 baon, pulutan – food customs
 bahala na – phrase reflecting the boundless optimism of Filipinos and their
unshakeable belief that things will work out in their favour in the end
 pasalubong – giving gifts as evidence of generosity and hospitality
 suki – importance of loyalty and deep sense of gratitude in maintaining good
business relationships with customers
 utang na loob – repaying gratitude

Ang ibang mga katawagan ay sinasabing mula sa hybrid ng Ingles, Tagalog at


Spanish.

 KKB – stands for ‘kaniya-kaniyang bayad’ (‘each one pays their own’), the Filipino
way of saying ‘to go Dutch’
 despedidas – send off parties for people who are going away
 estafa – crime committed by embezzlers
 barkada – a group of friends
 balikbayans – Filipinos coming home
 kikay – Filipinas who love beautifying themselves
 sari-sari store – small neighborhood shop with a variety of goods
 buko juice or buko water – refreshing coconut water
 carnap, carnapper, comfort room – attested to be from American publications from
mid-20th century but fell out of use in the United States
 mani-pedi – now used all over the English-speaking world, has been discovered to
be of Philippine origin: it was first used by renowned Filipino writer Kerima Polotan-
Tuvera in an essay published in 1972

Ang malikhaing pagsasama ng mga ekspresyon ng mga Filipino-English ay


napabilang din sa listahan.

 presidentiable – term for a candidate for political office with added derivational affix
–able
 batchmate – merging two words to become more encompassing
 high blood – adjectival use of the noun phrase
 gimmick – a fun night out with friends
 salvage – summary execution of a suspected criminal
 advanced – A Filipino watch that indicates a time ahead of the correct one
 go down – the act of getting off or coming down
 dirty kitchen – the kitchen where everyday cooking is done, as opposed to one that
is just for show
 barangay – In the Philippines: a village, suburb, or other demarcated
neighbourhood; a small territorial and administrative district forming the most local
level of government.

You might also like