Professional Documents
Culture Documents
(Parts of Speech)
• Sa aklat na Balarila ng Wikang Pambansa (1939-
1944) ni Lope K. Santos (kilala rin sa tawag
na Balarilang Tagalog at Matandang Balarila)
1)Pangngalan 8. Pang-ukol
2) Panghalip 9. Pang-angkop
3) Pandiwa 10. Pandamdam
4)Pang-uri
5) Pang-abay
6) Pangatnig
7) Pantukoy
Bahagi ng Panalita
( Parts of Speech)
1) Pangngalan (Noun)
2) Panghalip (Pronoun) 9)Pang-angkop (Ligature)
3) Pandiwa ( Verb) 10. Pangawing (Lingking)
4) Pang-uri (Adjective)
5) Pang-abay (Adverb)
6) Pangatnig (Conjunction)
7) Pantukoy (Article/determiner)
8. Pang-ukol- (Preposition)
1)Pangngalan (Noun)
- ngalan ng tao, bagay,hayop, pook, lugar
o pangyayari.
Halimbawa:
Jenny, aso, paaralan, Manila, lapis,
Araw ng Kagitingan atbp.
Uri ng Pangngalan
1) Pangngalan Pantangi
- Tiyak o partikular na pangalan ng tao,
bagay,hayop, pook, lugar o pangyayari.
Halimbawa:
Capiz, CARL Balita Review Center, Adidas,
Puppy, Jennifer, Samsung atbp.
2. Pangngalan Pambalana
- Pangkalahatan katawagan ng ngalan ng tao, bagay,
hayop, lugar o pangyayari.
Halimbawa:
sapatos, bansa, bata, paaralan, kasiyahan, guro atbp.
Uri ng Pangngalang Pambalana:
1. Konkreto- bagay o materyal nakikita o nahahawakan
Halimbawa: kagubatan, punongkahoy, aklat atbp.
2. Di-konkreto- diwa o kaisipan ang tinutukoy at hindi
materyal na hindi nakikita o nahahawakan.
Halimbawa: pag-asa, pagsisikap, pagtutulungan atbp.
Uri ng Pangngalan Ayon sa Konsepto
Halimbawa:
sino, ano, paano, kailan, magkano atbp.
sino- tao
ano- bagay
paano- paraan
kailan- petsa
magkano- presyo atbp.
4. Panghalip na Panaklaw- sinasaklaw na
kaisahan, bilang o dami o kalahatan.
Halimbawa:
1) Tiyakan- isa , madla, langkay, sandatahan atbp.
2) Di-tiyakan- anuman, sinuman, ninuman,
saanman atbp.
3) Pandiwa (Verb)
- Ang pandiwa ay nagsasaad ng kilos
o galaw.
Halimbawa:
takbo, sayaw, lundag, inom, awit atbp.
tumakbo, sumayaw, umiinom, umaawit atbp.
• Salitang-ugat = Pandiwa
Halimbawa:
awit, inom, lundag, suklay, sayaw atbp.
Halimbawa:
um, in, an, i, hin, ka, ipang, mag/nag atbp.
Posisyon ng Panlapi
1. Unlapi- una
2. Gitlapi- gitna ang panlapi
3. Hulapi- huli ang panlapi
4. Kabilaan- una-huli
5. Laguhan- una-gitna-huli
Mga Aspekto ng Pandiwa
1. Perpektibo (Past Tense)
–natapos na ang sinimulang kilos.
pangnagdaanan o naganap, iba pang katawagan.
Halimbawa:
Nagpaalam kami sa nanay mo nang kami’y umalis.
Nagprito ng isda si Mang Kulas
2. Imperpektibo- (Present Tense)
- ang kilos ay ginagawa o kasalukuyang nangyayari
- pangkasalukuyan o nagaganap, iba pang katawagan.
Halimbawa:
Hayan at umuulan na naman.
Naglalaba ng mga damit si Aling Bining sa ilog
3. Kontemplatibo Future Tense)
–hindi pa nasisimulan o naisasagawa ang kilos
- panghinaharap o gaganapin, iba pang katawagan
Halimbawa:
Magagawa mo ba ang bagay na ito?
Magbibigay ng pagsusulit ang guro bukas ng hapon.
4. Aspektong Katatapos
– nangangahulugan itong katatapos pa lamang ng kilos o pandiwa
- panlaping ka at pag-uulit sa unang pantig ng isang salita.
- Ito ‘y nasa ilalim din ng aspektong perpektibo.
Halimbawa:
Pawatas Katatapos
Magbigay kabibigay
Mag-ayos kaaayos
Mag-usap kauusap
Aspekto ng Pandiwa
Pawatas Perpektibo Imperpektibo Kontemplatibo Perpektibong
Katatapos
Halimbawa:
Bumili ako ng bagong sapatos sa Robinsons.
Pinagawa ko ang kwarto ng amin bunso.
2. Kaganapang Layon
– Nagsasaad kung ano ang mga bagay na tintukoy
sa pandiwa.
Halimbawa:
Kinain niya ang tinola sa kusina.
Hinugasan niya ang maruruming plato at baso.
3. Kaganapang Ganapan
– ipanakilala ang lugar o pook na ginagampanan ng
kilos ng pandiwa.
Halimbawa:
Nag-ensayo ng basketball sa gym ang mga
manlalaro.
Nag-alaga ng babaoy sa kanilang bakuran si Zeny.
4. Kaganapang Tagatanggap
–ang tumatanggap ng kilos ng pandiwa at
naipapahayag sa pariralang “sa” “para sa” at “para
kay”.
Halimbawa:
Naghanda ng litson, ang Mayor para sa mga bisita.
Nagpaluto ng kakanin ang kanyang ina para sa ama.
5. Kaganapang Kagamitan/Instrumental
– nagpapakilala ng instrumento o mga bagay upang
magawa ang kilos ng pandiwa.
Halimbawa:
Hiniwa niya ang kalamansi sa pamamagitan ng
tinidor.
Namalantas siya ng mga damit gamit ang plantsa..
6. Kaganapan Direksyonal
-nagsasaad ng direksyon ng kilos ng pandiwa.
Halimbawa:
Nagpunta siya sa kanang bahagi ng simbahan.
Nagtungo siya sa kanlurang bahagi ng Pilipinas.
6. Kaganapang Sanhi/Kadahilanan
- nagsasaad ng dahilan upang masagawa ang kilos
ng pandiwa.
Halimbawa:
Bumagsak siya sa Bilogy dahil hindi nag-aral.
Nilagnat siya dahil sa sobrang pagod niya.
4) Pang-uri ( Adjective)
1. Payak
2.Maylapi
3. Inuulit
4. Tambalan
Kayarian ng pang-uri
1. Payak - Ito'y binubuo ng mga salitang-ugat
lamang.
Halimbawa: hinog, sabog, ganda,
2. Maylapi - Ito'y mga salitang-ugat na
kinakabitan ng mga panlaping ka-, ma-,
main, ma-hin, -in, -hin, mala-, kasing-,
kasim-, kasin-, sing-, sim-, -sin, at kay-,
Halimbawa: kasintaas, simputi, atbp.
3. Inuulit - Ito'y binubuo sa pamamagitan ng pag-ulit ng
buong salita o bahagi ng salita. (Ganap at Di-ganap)
Halimbawa:
• Ganap-pulang-pula, puting-puti,araw-araw, gabi-gabi
atbp.
• Di-ganap- matatamis, matataas, malalaki atbp.
Tandaan:
Hindi maituturing na salitang inuulit ang
mga salitang:
halo-halo, paru-paro, gamu-gamo, pakpak,
dibdib atbp.
4. Tambalan –Ito’y binubuo ng dalawang salitang magkaiba ang
kahulugan ngunit nang pinagsama ay makabuo ng isang salita .
Halimbawa:
a) Tambalang Di-Ganap: (gumagamit ng gitling)
Halimbawa:
balat-sibuyas, kapit-tuko, tulog-mantika, anak-pawis,
abot-kamay atbp.
b) Tambalang Ganap: (di-gumagamit ng gitling)
bahaghari, dalagambukid atbp.
Kaantasan ng Pang-uri
1. Lantay
2. Pahambing/Paghahambing
3. Pasukdol
Kaantasan ng pang-uri
1. Lantay -Naglalarawan na walang
pinaghahambingan o karaniwang anyo
ng pang-uri
Halimbawa:
maputi, malaki, matangos atbp.
2. Pahambing: nagpapahayag ng magkatulad o magkaiba ang
kalagayan ng isang pangngalan o panghalip.
Halimbawa:
1) Ubod ng ganda ang suot ng niyang gown.
2) Saksakan ng gwapo ang kanyang kasintahan.
3. Ang nagyari sa magkakaibigan ay itinuturing nilang
pinakamagandang karanasan sa kanilang buhay.
5) Pang-abay (Adverb)
- nagbibigay turing sa pandiwa, pang-uri at
kapwa pang-abay.
Halimbawa: