You are on page 1of 10

BAHAGI NG

PANANALITA
(Part of Speech)
Pangngalan - (noun) mga pangalan ng tao, hayop, pook, bagay, pangyayari. Ginamit ito sa
pagtawag sa pangalan ng mga hayop, tao, atbp.
Halimbawa: Corazon Aquino, bata, babae
• Pangnglang Pantangi – pangngalang tumutukoy sa tangi o particular na tao, hayop, bagay,
pook, o pangyayari.
Halimbawa: Baguio, Boracay, Bohol, Tagyatay
• Pangngalang Pambalana – pangngalang tumutukoy sa pangkalahatang ngalan ng tao, bagay,
hayop, pook, o pangyayari.
Halimbawa: Lungsod, baybayin, pook, bayan

Uri ng Pangngalan ayon sa Konsepto


1) Basal – pangngalang tumutukoy hindi sa material kundi sa diwa o kaisipan
Halimbawa:Kagandahan, bui, kasamaan, pag-asa
2) Tahas- pangngalang tumutukoy sa bagay na material
Halimbawa: Tao, hayop, pagkain, gamit, bulaklak
3) Palansak – tumutukoy sa pangkat ng iisang uri ng tao o bagay
Halimbawa: Buwig, kumpol, tumpok, hukbo, lahi

Panghalip - (pronoun) paghalili sa pangngalan.


Halimbawa: ako, ikaw, siya, atin, amin, kanya.

Mga Uri ng Panghalip

• Panghalip na Panao (Personal Pronoun)– ay ipinapalit sa ngalan ng taong nagsasalita, sa taong


kausap at sa taong pinag-uusapan. May kailanan ang panghalip na panao. Ito ay maaaring isahan,
dalawahan at maramihan, tulad ng - ako, ko, akin, amin, kami, kayo, atin, inyo, kita, kata, mo, siya,
kanila, siya, kanya

• Panghalip na Pamatlig (Demonstrative Pronoun) – ay inihalili sa pangngalang nagtuturo ng


lugar na kinalalagyan ng pangngalan. Iinihalili rin ito sa pangngalan na malapit o malayo sa
nagsasalita, kinakausap o nag-uusap.
Malapit sa Nagsasalita -ito/ ire ( Ito ay masarap na prutas. Ire ay ibinigay sa akin ng aking butihing ina.)
-dito ( Dito ka maghiwa ng mga gulay.)
Malapit sa Kausap -iyan ( Iyan ang libro ko.)
-diyan (Diyan mo ilapag ang mga bayong.)

Malayo sa Nag-uusap -iyon (Iyon ang bahay nila Paulo.)


-doon (Doon tayo kumain.)

• Panghalip na Panaklaw (Indefinite Pronoun)- ay mga panghalip na sumasaklaw sa kaisahan at


dami o kalahatan ng kinatawang pangngalan, tulad ng - lahat, madla, sinuman, alinman, anuman,
pawang
a. Isa (Isa tayo sa pinagpala ng Diyos.)
b. Isapa (Isapa ang pagpuputol ng kahoy sa gubat.)

c. Nagulat ang lahat sa naganap na pagsabog.

• Panghalip na Patulad – ay inihalili sa itinutulad na bagay.


Ganito/Ganire - Malapit sa nagsasalita
Ganito/Ganire ;/-ang paggawa niyan.
Ganito/Ganire kung umarte si Nora Aunor.
Ganoon - Malayo sa nag-uusap
Ganoon ang tamang pagtatapas ng niyog

• Panghalip na Pananong (Interrogative Pronoun) - inihahalili sa pangngalan kung nagtatanong.


Halimbawa: ano, anu-ano, sino, sinu-sino, nino, alin, alin-alin
a. pangtao (sino, kanino)
Sino ang umutot?
b.bagay, hayop, lugar (ano, alin)
Ano ang laman ng kahon?
Alin dito ang sa iyo?
c. bagay, hayop, lugar, tao (ilan)
Ilan sa inyo ang sasali sa paligsahan?
Ilang halaman ang ating dadalhin

• Panghalip na Pamanggit (Relative Pronoun) - Ito ay kataga o parirala ng tagapag -ugnay ng


dalawang kaisipan o pananalita. Ginagamit ang daw,raw,umano,diumano,ani,sa ganang akin/iyo.
Halimbawa:Ang pagpapatawad daw ang pinakamatamis na paghihiganti.
Pandiwa - (verb) bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos.
Halimbawa: sayaw, tuwa, talon.

Aspekto ng Pandiwa
1. Perpektibo -Nagsasaad ito ng kilos o gawaing natapos na.
Halimbawa: Nabatid mo ba ang tungkulin at pananagutan mo sa ating bansa?
2. Imperpektibo -Nagsasaad ito ng kilos o gawaing nasimulan na ngunit ipinagpapatuloy pa rin.
Halimbawa: Kailangang gisingin an gating kamalayan sa nagaganap sa ating paligid.
3. Kontemplatibo -Nagsasaad ito ng kilos o gawaing isasagawa o magaganap pa lamang.
Halimbawa: Madarama mo ang wagas na pakikipag-isa sa layunin ng makabuluhang pamumuhay kung
maging tapat ka sa iyong sarili.
4. Ka-pandiwa- Kilos na katatapos lang gawin. Hal. Kaliligo.

Pokus ng Pandiwa
Pokus ang tumutukoy sa ugnayan ng pandiwa at paksa o simuno.
1. Pokus sa actor o tagaganap. Ang gumaganap ng kilos ang simuno.
Halimbawa: Humihitit ka na naman.
2. Pokus sa layon o goal. Tuwirang layon ang simuno ng pangungusap.
Halimbawa: Tinatakpan nito ang lahat ng daanang hangin n gating katawan.
3. Pokus sa benepaktibo o pinaglalaanan. Ang kaganapang pinaglalaanan ng kilos ang simuno.
Halimbawa: Pinagmamalasakitan ng may-ari ang mga kabataang nalulong sa paninigarilyo.
4. Pokus sa ganapan o lokatib na pokus. Ang ganapan o ang pinangyarihan ng kilos ang simuno
ng pangungusap.
Halimbawa:Ang tindahang binibilihan mo ng sigarilyo ay nagsara.
5. Instrumental o pananangkapan na pokus. Ang instrumento ang simuno sa pangungusap.
Halimbawa: Ipinang-alis niya ng bisyong paninigarilyo ang pagsipsip ng kendi o pagkain ng tsokolate.
6. Kawsatibong pokus. Ang dahilan o sanhi ang simuno ng pangungusap.
Halimbawa: Ikinamatay ng tatay mo ang kanser sa baga.
7. Pokus resiprokal. Ang resiprokal ang simuno ng pangungusap.
Halimbawa: Pinakiusapan siya ng nanay mo na makipagtulungan sa proyekto ng Kagawaran ng Kalusugan,
ang “Yosi, kadiri.”
Kaganapan ng Pandiwa - ang tawag sa bahagi ng panaguri na binubuo o nagbibigay ng ganap
na kahulugan sa pandiwa at magagawang paksa ng pangungusap kung babaguhin ang pokus ng
pandiwa (Ugnayan ng Pandiwa at Panaguri)

1. Kaganapang Tagaganap– bahagi ito ng panaguri na gumaganapsa kilos na ipinahahayag ng pandiwa.


Ikinatuwa ng mga mamamayan ang maringal na pagdiriwang ng kalayaan ng bansa.
2. Kaganapang Layon– bahagi ng panaguri na nagsasaad ng bagay na tinutukoy o ipinahahayag ng pandiwa.
Naghanda ng palatuntunan ang mga guro at mag-aaral, sa pagdating ng mga panauhin.
3. Kaganapang Tagatanggap– bahagi ng panaguri nanagpapahayag kung sino ang nakikinabang sa kilos na
isinasaad ngpandiwa.
Nagbigay ng donasyon ang kanilang samahan para sa mgabiktima ng sunog.
4. Kaganapang Ganapan– bahagi ng panaguri na nagsasaad nglugar na siyang pinaggaganapan ng kilos na
ipinahayag ng pandiwa
Nanood ng pagtatanghal sa plasa ang mga kabataan.
5. Kaganapang Kagamitan– bahagi ng panaguri na nagsasaad kung anong bagay o kagamitan ang ginagamit
upang maisagawa angkilos na ipinahahayag ng pandiwa.
Iginuhit niya ang larawan ni Rizal sa pamamagitan ng lapis.
6. Kaganapang Direksyunal- bahagi ng panaguri na nagsasaad ngdireksyong isinasaad ng kilos na
ipinahahayag ng pandiwa.
Nagliwaliw siya sa Tagaytay buong araw.
7. Kaganapang Sanhi– bahagi ng panaguri na nagsasaad ng dahilanng pagkakaganap ng kilos na isinasaad
ng pandiwa.
Nagwagi sila sa pakikihamok dahil sa katatagan ng kanilang loob.
Pang-uri (adjective) - naglalarawan ng katangian ng pangngalan o panghalip.
Kayarian ng pang-uri
• Payak - Ito'y binubuo ng mga salitang-ugat lamang. Mga halimbawa: hinog, sabog, ganda,
• Maylapi - Ito'y mga salitang-ugat na kinakabitan ng mga panlaping Ka-, ma-, main, ma-hin,
-in, -hin, mala-, kasing-, kasim-, kasin-, sing-, sim-, -sin, at kay-,
• Inuulit - Ito'y binubuo sa pamamagitan ng pag-ulit ng buong salita o bahagi ng salita. Mga
halimbawa: pulang-pula,puting-puti,araw-araw gabi-gabi. hindi inuulit ang mga salitang:
halo-halo, paru-paro.
• Tambalan - Ito'y binubuo ng dalawang salitang pinagtatambal. Mga halimbawa: ningas-
kugon, ngiting-aso, balat-sibuyas, kapit-tuko at bahag buntot.
Uri ng pang-uri
• Pang-uring naglalarawan - Nagpapakilala ng uri o kabagayan ng isang pangngalan o
panghalip.
• Pang-uring pamilang - Nagpapakita ng bilang ng pangngalan o panghalip.
o Pamilang na panunuran o ordinal - ginagamit sa pagpapahayag ng pagkakasunud-
sunod ng tao, bagay, hayop, lugar at gawain. May panlapi itong ika- o pang-.
• Pantangi-sinasabi ang tiyak na pangngalan.
o Kardinal na pamahagi - ginagamit kung may kabuuang binabahagi o pinaghahati-hati.
o Kardinal na palansak o papangkat-pangkat - nagsasaad ng bukod sa pagsasama-sama
ng anumang bilang, tulad ng tao, bagay, pook atbp.
o Kardinal na pahalaga - nagsasaad ng halaga ng mga bagay.

Kaantasan ng pang-uri
• Lantay -naglalarawan ang pang-uring lantay ng isang pangngalan o panghalip na walang
pinaghahambingan.
• Pahambing -nagtutulad ang pahambing sa dalawa o higit pang pangngalan o panghalip.
• Pasukdol -ang pasukdol ay katangiang namumukod o nagngingibabaw sa lahat ng
pinaghahambingan
Pang-abay- (adverb) naglalarawan sa pang-uri, pandiwa at kapwa nito pang-abay

1. Pang-abay na Pamanahon – nagsasaad kung kailan naganap o magaganap ang kilos na taglay ng
pandiwa.
Nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing, buhat, mula, umpisa, hanggang
Halimbawa: Kailangan mo bang pumasok nang araw-araw?
Tuwing pasko ay nagtitipon silang mag-anak.

2. Pang-abay na panlunan – tumutukoy sa pook na pinangyarihan, o pangyayarihan ng kilos sa


pandiwa. Karaniwang ginagamit ang pariralang sa/kay
Sa – ginagamit kapag ang kasunod ay pangngalang pambalana o panghalip.
Kay /kina – ginagamit kapag ang kasunod ay pangngalang pantanging ngalan ng tao.
Halimbawa: Maraming masasarap na ulam ang itinitinda sa kantina.
Nagpaluto ako kina aling Ingga ng masarap ng keyk para sa iyong kaarawan.

3. Pang-abay na pamaraan – naglalarawan kung paano naganap, nagaganap, o magaganap ang kilos na
ipinahahayag ng pandiwa. Ginagamit ang panandang nang o na/-ng.
Halimbawa: Kinamayan niya ako nang mahigpit.
Bakit siya umalis na umiiyak?

4. Pang-abay na pang-agam – nagbabadya ng di-katiyakan sa pagganap sa kilos ng pandiwa.


Mga halimbawa: marahil, siguro, tila, baka, wari, atb.
Halimbawa: Marami na marahil ang nakabalita tungkol sa desisyon ng Sandiganbayan.
Higit sigurong marami ang dadalo ngayon sa Ateneo Home Coming kaysa nakaraang taon.
Tila patuloy na ang pag-unlad ng turismo sa Pilipinas.

5. Pang-abay na panang-ayon – nagsasaad ng pagsang-ayon. Hal. Oo, opo, tunay, sadya, talaga, atb.
Halimbawa: Oo,asahan mo ang aking tulong.
Talagang mabilis ang pag-unlad ng bayan.
Sadyang malaki ang ipinagbago mo.
6. Pang-abay na pananggi – nag-sasaad ng pagtanggi, tulad ng hindi/di at ayaw.
Halimbawa: Hindi pa lubusang nagagamot ang kanser.
Ngunit marami parin ang ayaw tumigil sa paninigarilyo.

7. Pang-abay na panggaano o pampanukat – nagsasaad ng timbang o sukat. Sumasagot sa tanong na


gaano o magkano.
Halimbawa: Tumaba ako nang limang libra .
Tumagal nang isang oras ang operasyon.

8. Pang-abay na pamitagan – nagsasad ng paggalang.


Halimbawa: Kailan po kayo uuwi?
Opo, aakyat na po ako

9. Ingklitik o paningit – mga katagang lagging sumusunod sa unang salita ng kayariang kinabibilangan
- Mayroong 16 anim na ingklitik sa Filipino
ba daw/raw pala man
kasi din/rin tuloy muna
kaya naman nga pa
na yata lamang/lang
sana

10. Pang-abay na kundisyunal – nagsasaad ng kundisyon para maganap ang kilos na isinasaad ng
pandiwa
-Pinangungunahan ng kung, kapag o pag at pagka

11. Pang-abay na kawsatibo – tawag sa pang-abay na nagsasaad ng dahilan sa pagganap ng kilos ng


pandiwa
- Binubuo ng parirala o sugnay na pinangungunahan ng dahil sa

12. Pang-abay na benepaktibo – tawag sa mga pang-abay na nagsasaad ng benepisyo para sa isang tao
dahil sa pagkaganap sa kilos ng pandiwa o ng layunin ng pandiwa.

13. Pang-abay na pangkaukulan - pinangungunahan ng tungkol, hinggil o ukol


Pangatnig- (conjunction) ginagamit para ipakita ang relasyon ng mga salita sa
pangungusap.
Halimbawa: dahil, maging, man, gawa ng, upang, nang, para, samantala atbp.

Mga Uri ng Pangatnig


1. Paninsay. Ito ay ginagamit sa pangungusap na ang dalawang isipan ay nagkakasalungatan.
Halimbawa: Namatay si Mang Isko ngunit ang kanyang prinsipyo ay mananatiling buhay.

2. Pananhi. Ito ay ginagamit upang makatugon sa mga tanong na bakit o upang maipakilala ang mga
kadahilanan ng isang pangyayari at ng anumang iniisip o niloloob.
Halimbawa: Ang kanyang prinsipyo ay mananatiling buhay sapagkat nariyan si Dong na magpapatuloy ng
kanyang naudlot na gawain.

3. Pamukod. Ito ay ginagamit upang ihiwalay, itangi, o itakwil ang isa sa ilang bagay o isipan.
Halimbawa:Maging ang mga kasamahan niya’y nagpupuyos ang kalooban.

4. Panlinaw. Ito ay ginagamit upang dagdagan o susugan ang kalinawan ng mga nasabi na.
Halimbawa: Sumisigaw ang kanyang pusoat humihingi ng katarungan.
Pangatnig na panimbang din ang tawag sa at, ngunit, datapwat sapagkat nag-uugnay ng mga salitang
magkakapantay; ng mga parirala, ng mga sugnay na pantulong, at ng mga sugnay na nakapag-iisa. Panlinaw
rin ang mga pangatnig na samakatuwid, kung gayon, kaya.

5. Panubali. Nagsasaad ito ng pagkukurong di-ganap at nangangailangan ng ibang diwa o pangungusap


upang mabuo ang kahulugan.
Halimbawa:Sakaling hindi ibigay, magpapatuloy ang welga.

6. Panapos. Nagsasaad ito ng wakas ng pagsasalita.


Halimbawa:At sa wakas naibigay rin ang kanilang sahod.

7. Panulad. Nagpapahayag ito ng paghahambing ng mga gawa o pangyayari.


Halimbawa:Kung ano ang utang, siya ring kabayaran.

8. Panibang- Nagpapahayag ng pagkakatulad o parehas.


Halimbawa: Si Aida o si Lorna ay maaaring magluto ng ulam.
Pang-ukol - (preposition) ginagamit kung para kanino o para saan ang kilos.

Pang-angkop - (ligature) bahagi ng pananalita na ginagamit para maging


maganda pakinggan ang pagkakasabi ng pangungusap.
Halimbawa: na, ng, g. magandang bata.

Pantukoy - (article o determiner) tinutukoy ang relasyon ng paksa at panag-uri sa


pangungusap.

Pangawing - (linker) nagpapakilala ng ayos ng mga bahagi ng pangungusap.

You might also like