You are on page 1of 6

Bahagi ng Pananalita (PARTS OF SPEECH)

Unang bahagi ng Pananalita


1. PANGNGALAN (Noun)
Mga Uring Pansemantika

A. Pantangi (Proper Noun) – partikular ng pangalan ng tao, hayop, bagay, pook o


pangyayari.

Halimbawa: Miguel, Clarissa, Bb. Luz De Guzman,Tagpi ; Muning, Brownie,


Spotty; Magasing Panorama; Mongol 2; Talon ng Maria Cristina, Ilog Pasig;
Paligsahang Bb. Universe ng Taong 1975.

B. Pambalana (Common Noun) – tumutukoy sa pangkahalatang-diwa.

Halimbawa: bata, lalaki, babae, lolo, abogado; aso, pusa, insekto; lapis, kotse,
relo, radio; ilog, lungsod, kabundukan; sayawan, gulo, banggaan.

C. Tahas (Concrete) – ang pangngalan Kung tumutukoy sa bagay na material.


Hal: tao, hayop, puno, gamut, pagkain

D. Basal (Abstract) – ang tinutukoy ay hindi material kundi diwa at kaisipan.

Dalawang uri ng tahas: Di-palanasak at palansak.

 Palansak (Mass Noun) – tumutukoy sa pangkat ng iisang uri ng tao o bagay.

Hal. Buwig, kumpol, hukbo, lahi, tumpok, tangkal.

 Di-palansak – tumutukoy lamang sa mga bagay na isinasaalang-alang nang isa-


isa.

Hal. Saging, bulaklak, sundalo, tao, kamatis, manok.

Mga Uring Pangkayarian

Payak – ang pangngalan kung ito ay isang salitang-ugat lamang.

Hal. asin, bunga, balak, diwa


Maylapi o Hinango – kung binubuo ng salitang-ugat at panlaping makangalan.

Hal. kaklase, kabuhayan, pagbasa, dinuguan

Inuulit – ang pangngalan kung ang kabuuan nito o ang bahagi nito ay inuulit.

Dalawang uri ng Inuulit: Pag-uulit na di-ganap o pag-uuli na parsyal at ang pag-uulit


na ganap.

 Pag-uulit na di-ganap o pag-uulit na parsyal – ay yaong bahagi lamang ng


salitang-ugat ang inuulit.

Hal. bali-balita, Sali-salita, tagu-tagumpay

pagtuturo, pagpaplano

 Pag-uulit na ganap – pag-uulit sa buong pangngalan

Hal. kuru-kuro, bayan-bayan, sabi-sabi

Tambalan – ay binubuo ng dalawang magkaibang salitang pinag-iisa.

 Ang kayarian ay tumutukoy sa anyo ng salita at iba pang yunit ng wika.

Ang anumang salitang maaaring isunod sa ang/si, ng/ni, sa/kay, at mga anyong
maramihan ng mga ito, ay isang pangngalan o di kaya ay isang salitang
gumaganap ng tungkulin ng pangngalan.

Hal.

1. Nakatapos sa pagdodoktor ang anak na matiyaga.


2. Ang tagumpay ng anak ay tagumpay rin ng mga magulang.
3. Hindi matatapatan ng salapi ang pagtingin ng magulang sa anak.

Ang anyong maramihan ng ang/si ay ang mga/sina; ang maramihan ng ng/ni ay ng


mga/nina; at ang maramihan ng sa/kay ay sa mga/kina.

Hal. ang mga anak, ng mga anak, sa mga anak, nina Maria, kina Maria, sina Maria.
Tuwiran (ang) Hindi tuwiran (ng) Pahilig (sa)
Karaniwang isahan ang, 'yung (iyong) ng, n'ung (niyong) Sa
Karaniwang ang mgá, 'yung mgá (iyong ng mgá, n'ung mgá
pangmaramihang mgá)
(niyong mgá) sa
mgá

Personal na isahan si Ni Kay


Personal na Sina Nina Kina
pangmaramihang

Mga Kakanyahan ng Pangngalan


1. Kausapan o Panauhan ng Pangngalan – ang nagsasabi kung ang pangngalan
ay tumutukoy sa taong nagsasalita, taong kumakausap, o taong pinag-uusapan.

Halimbawa:

 Ako si Don Diego.


 Ikaw si Don Diego.
 Siya si Don Diego

2. Kailanan ng Pangngalan – nalalaman natin kung ang pangngalan ay tumutukoy


sa isa, dalawa o higit pang tao, hayop, bagay, pook, o pangyayari. Ito ay
maaaring isahan, dalawahan, maramihan o lansakan.

Isahan Kapatid
Dalawahan kambal
Lansakan Kawan
3. Kasarian ng Pangngalan – pangngalang may sekso at walang sekso.

 Pag-uuri ng Pangngalan Ayon sa Kasarian


Mga Pangngalang may Kasarian
 Tiyak na Kasarian
 Panlalaki
 Pambabae
 Di-tiyak na Kasarian
 Mga Pangngalang Walang Kasarian
Mga Pangngalang Tiyak na Panlalaki
Mario : kuya
Ginoong Ramos : tandang
Don Jose : ninong
Mga Pangngalang Tiyak na Pambabae

Hal: Maria Ana; Ate;Ginang Ramos; ninang; binibini; Donya Perez

Mga Pangngalang Di-Tiyak ang Kasarian

HAL: mag-aaral, manok, kapatid, guro, manananggol, kalabaw

Mga Pangngalang Walang Kasarian

Bibliya diwa

Bulkang Mayon aklat

Maynila laro

 Kaukulan ng Pangngalan – ang tawag sa kakanyahan ng pangngalang


nagpapakita ng gamit nito sa pangungusap.

Dalawang Uri ng Kaukulan ng Pangngalan

Kaukulang Palagyo – kung ginagamit itong simuno, pamuno sa simuno, pangngalang


patawag, kaganapang pansimuno, o pamuno sa kaganapang pansimuno.

 Simuno gamit ang pangngalan

HAL: Si Rizal ay Dakilang Malayo.

 Pamuno sa Simuno ang gamit ng pangngalan

HAL: Si Rizal, ang bayani, ay Dakilang Malayo.

 Pangngalang patawag ang gamit ng pangngalan

HAL: Carisa, alagaan mo si Choy.

 Kaganapang pansimuno ang gamit ng pangngalan

HAL:Si Mabini ay Dakilang Lumpo.

 Pamuno sa kaganapang pansimuno ang gamit ng pangngalan


HAL: Ang dalagang iyon ay si Alice, ang pinsan ko.

Kaukulang Palayon – ang pangngalan kung ginagamit na layon ng pandiwa o layon ng


pang-ukol o kung pamuno sa alinman sa dalawa.

1. Layon ng pandiwa ang gamit ng pangngalan

HAL: Ang masipag na ama ay nagsisinop ng kanilang bakuran.

2. Layon ng pang-ukol ang gamit ng pangngalan

HAL: Ibigay mo kay Cesar ang para kay Cesar, at sa Diyos ang para sa Diyos.

3. Pamuno sa layon ng pandiwa ang gamit ng pangngalan

HAL: Ang mga Hapon ay umaangkat sa Pilipinas ng mangga, isang ipinagmamalaking


bungang-kahoy natin.

4. Pamuno sa layon ng pang-ukol ang gamit ng pangngalan

HAL: Igalang mo ang ukol sa relihyon, ang tagapag-ugnay natin sa ating Panginoon.

Ayon sa katungkulan

Sa karaniwang katungkulan sa pangungusap, nagiging simuno o layunin ang isang


pangngalan. Subalit maaaring gumanap din ang pangngalan bilang pagka-pandiwa,
pagka-pandiwari, pagka-pang-uri, pagka-pang-abay at iba pa sa tulong ng ilang panlapi
o pananalita.
Nasa sumusunod ang ilang mga halimbawa:

 Pangngalang malapang-uri - nagbibigay ng tiyak na kaurian kapag pinagsama


sa kapuwa pangngalan. Halimbawa: Andres Bonifacio, Kay Huseng Batute,
dalagang anak, baboy-ramo
 Pangngalang malapandiwa - gumaganap bilang isang pandiwa na nagsisimula
sa "pa", "pag", "pang", "paki" o mga iba't ibang anyo nito at may kasamang
"an" o "han". Halimbawa: Ang pahayag (ipinahayag) ng Senador ay mahalaga
sa bayan.
 Pangngalang malapandiwari - Kung ang pagganap ay alangang pandiwa at
alangang pang-uri. Matitiyak kung malapandiwari ang pangngalan sa
pagtatanong ng "ano ang...?" Halimbawa: Ano ang dala (dinala) mo? Ang dala
ko ay...
 Pangngalang malapang-abay - kadalasang nauukol sa panahon na bahagi ng
isang araw o gabi. Halimbawa: Nilalagnat sa hapon ang may tuberkulosis.
Sources:https://tl.wikipedia.org/wiki/Pangngalan,
https://panitikanandbalarila.wordpress.com/2014/07/21/bahagi-ng-pananalita/

You might also like