You are on page 1of 4

Ano ang Pangungusap? Bahagi ng Pangungusap?

Ayos at Uri ng Pangungusap


T.Aralin | September 5, 2009 | 70 Comments

Ang Pangungusap ay lipon ng mga salita na nagsaad ng buong diwa.

Ang pangungusap ay may dalawang bahagi:

Simuno (subject) ay ang paksa o ang pinag-usapan sa pangungusap.

May mga panandang si, sina kung tao ang simuno at ang o ang mga kung bagay,
lunan o pangayayari.

Panaguri (predicate) ito ay ang bahagi ng pangungusap na nagsasabi ng kung ano


tungkol sa simuno.

Halimbawa:

Ang mga bata ay tumatakbo.

Simuno

Panaguri

bee

Ayos ng Pangungusap

Karaniwang Ayos ng pangungusap kung ang nauuna ay ang panaguri kaysa sa


simuno/paksa. Hindi ginagamitan ng salitang ay.

Halimbawa

Bumili ng tinapay ang bata.

(panaguri)

(simuno)

Ang Di-karaniwang Ayos ng pangungusap kung nauuna ay ang simuno kaysa


panaguri at ginagamitan ng panandang "ay".

Halimbawa

Ang bata ay bumili ng tinapay.

(simuno) (panaguri)

bee
Mga Uri ng Pangungusap
Paturol o Pasalaysay ang pangungusap kung naglalahad ito ng isang katotohanang
bagay. Nagtatapos ito sa tuldok (.).
Halimbawa
Tumakbo ng mabilis ang aso.
Pautos ang pangungusap kung nag-uutos at nagtatapos din ito sa tuldok (.).
Halimbawa
Kunin mo ang aking damit sa lalagyan.
Anyo ng Pautos
Pautos na Pananggi Pinangungunahan ng salitang "huwag".
Halimbawa:
Huwag kang lalabas ng bahay.
Pautos na Panag-ayon Ito ang paksa ng pangungusap ay nasa ikalawang
panauhan at may pandiwang nasa anyong pawatas.
Halimbawa:
Ipagluto mo si Anna ng adobo.
Patanong ang pangungusap kung nagtatanong at nagtatapos ito sa tandang
pananong (?).
Halimbawa

Bakit ka umiiyak?
Anyo ng Patanong
Patanong na masasagot ng OO o Hindi
Halimbawa:
Naglinis ka na ba ng bahay?
Pangungusap na Patanggi ang Tanong
Halimbawa:
Hindi ka ba papasok?
Gumagamit ng Panghalip na Pananong
Ang mga panghalip ay kinabibilangan ng mga salitang:
at iba pa.

ano,

alin,

sino, saan

Halimbawa:
Ano ang iyong ginagawa kanina?
Nasa Kabalikang Anyo ng Tanong
Halimbawa:
Tayo ba ay aalis na?
Tanong na may Karugtong o Pabuntot
Halimbawa:
Dumaan ka na dito, hindi ba?
Padamdam ang pangungusap kung nagsasaad ng matinding damdamin at
nagtatapos ito sa tandang padamdam (!). Hala! Aba! Ha! Hoy! Gising! Naku!
Halimbawa
Naku, nalulunod ang bata!

You might also like