You are on page 1of 3

Ang Pangungusap ay lipon ng mga salita na nagsaad ng buong diwa.

Ang pangungusap ay may dalawang bahagi:

Simuno (subject) ay ang paksa o ang pinag-usapan sa pangungusap.

May mga panandang si, sina kung tao ang simuno at ang o ang mga kung bagay, lunan o pangayayari.

Panaguri (predicate) ito ay ang bahagi ng pangungusap na nagsasabi ng kung ano tungkol sa simuno.

Halimbawa:

Ang mga bata ay tumatakbo.

   Simuno           Panaguri

Ayos ng Pangungusap

Karaniwang Ayos ng pangungusap kung ang nauuna ay ang panaguri kaysa sa simuno/paksa.  Hindi ginagamitan ng
salitang “ay”.

Halimbawa

Bumili ng tinapay ang bata.

(panaguri)             (simuno)

Ang Di-karaniwang Ayos ng pangungusap kung nauuna ay ang simuno kaysa panaguri at ginagamitan ng
panandang "ay".

Halimbawa

Ang bata ay bumili ng tinapay.

  (simuno)   (panaguri)

 
Mga Uri ng Pangungusap

Paturol o Pasalaysay – ang pangungusap kung naglalahad ito ng isang katotohanang bagay.  Nagtatapos ito sa
tuldok (.).

Halimbawa

Tumakbo ng mabilis ang aso.

Pautos – ang pangungusap kung nag-uutos at nagtatapos din ito sa tuldok (.).

Halimbawa

Kunin mo ang aking damit sa lalagyan.

Anyo ng Pautos

Pautos na Pananggi – Pinangungunahan ng salitang "huwag".

Halimbawa:

Huwag kang lalabas ng bahay.

Pautos na Panag-ayon – Ito ang paksa ng pangungusap ay nasa ikalawang panauhan at may pandiwang nasa
anyong pawatas.

Halimbawa:

Ipagluto mo si Anna ng adobo.

Patanong – ang pangungusap kung nagtatanong at nagtatapos ito sa tandang pananong (?).

Halimbawa

Bakit ka umiiyak?

Anyo ng Patanong

Patanong na masasagot ng OO o Hindi

Halimbawa:
Naglinis ka na ba ng bahay?

Pangungusap na Patanggi ang Tanong

Halimbawa:

Hindi ka ba papasok?

Gumagamit ng Panghalip na Pananong

Ang mga panghalip ay kinabibilangan ng mga salitang:    ano,    alin,    sino,  saan    at iba pa.

Halimbawa:

Ano ang iyong ginagawa kanina?

Nasa Kabalikang Anyo ng Tanong

Halimbawa:

Tayo ba ay aalis na?

Tanong na may Karugtong o Pabuntot

Halimbawa:

Dumaan ka na dito, hindi ba?

Padamdam – ang pangungusap kung nagsasaad ng matinding damdamin at nagtatapos ito sa tandang padamdam
(!).  Hala!  Aba!  Ha!  Hoy!  Gising!  Naku!

Halimbawa

Naku, nalulunod ang bata!

You might also like