You are on page 1of 37

PANG-ANGKOP

• Ito ang mga katagang nag-uugnay


sa panuring at salitang
tinuturingan.
• Ginagamit ito upang maging
magaan o madulas ang pagbigkas
sa magkakasunod na salita sa
pangungusap
Pang-angkop na -NG

• Ang simbolong (-) ay nangangahulugang ang


pang-angkop na –NG ay ikinakabit sa salitang
inaangkupan
• Ginagamit ang –NG kung ang inaangkupan ay
nagtatapos sa tunog na patinig (a,e,i,o,u) o sa
ponemang /n/
HAL.
Pinipigil ng malalaking ugat ng mga puno ang
baha.

Si Jose ay isang mabuting mamamayan.

Naglinis ng buong bahay si Ana.


Kaibigang tapat masayahing bata

Halamang namumunga

maawaing tao

Mahiyaing bata balong malalim


• Kapag ang salitang inaangkupan ay nagtatapos
sa ponemang /n/, may pagbabagong
morpoponemikong nagaganap

• (-G=-NG) kapag inaangkupan ang salitang


nagtatapos sa /n/, ang nangyayari ay hindi
inaangkupan ng –G ang salita kundi ang /n/ ay
napapalitan ng /ŋ/
HAL.

Dapat na magtanim pa ng mga halamang


namumunga.

Nahulog ang pusa sa balong malalim.

Magandang pagmasdan ang pamayanang


nagkakaisa para sa kaunlaran.
Pang-angkop na +NA
• Ang simbolong (+) sa +NA ay
nangangahulugang ang pang-angkop na NA ay
hindi ikinakabit sa salitang inaangkupan

• Ginagamit ang +NA kung ang inaangkupan ay


nagtatapos sa ponemang katinig maliban sa
/n/
HAL.
Ang malinis na hangin ang ating kailangan.

Nasira ang tulay na kawayan.

Pangarap natin ang maayos na pamumuhay.


Wastong Gamit ng Salita
NG at NANG
• NG
 Ang NG ay ginagamit na pananda sa tuwirang
layon ng pandiwang palipat; sumasagot sa
tanong na ANO.

Halimbawa:
Nag-aaral siya ng leksyon.
Bumili siya ng pasalubong para sa kanyang anak.
Nagtanim ng palay ang magsasaka.
Ang NG ay ginagamit na pananda ng aktor o
tagaganap ng pandiwa

Halimbawa:
Pinangaralan ng guro ang mga nahuling mag-
aaral.
Tinulungan ng binata ang matanda sa pagtawid.
Ibinaling ng bata ang kanyang atensyon sa
leksyon.
Ang panandang NG ay ginagamit kapag
nagsasaad ng pagmamay-ari ng isang bagay o
katangian

Halimbawa:
Ang pera ng bayan ay kinurakot ng ilang
buwayang politiko.
Ang palad ng mga mayayaman ay karaniwang
makikinis.
Ginagamit kapag nagsasaad tungkol sa oras o
petsa

Halimbawa:
Gumigising ako tuwing ikapito ng umaga.
Sa ikalima ng Disyembre ang kaarawan ko.
Darating ako bukas ng umaga.
• NANG
Ang NANG ay ginagamit na pangatnig sa mga
hugnayang pangungusap at ito ang panimula
ng katulong na sugnay

Halimbawa:
Mag-aral kang mabuti nang makapasa ka sa
eksam.
Nagsisimula na ang programa nang dumating
ang mga panauhin.
Ang NANG ay maaaring ihalili sa salitang
NOONG at UPANG.

Halimbawa:
Wala na raw pagkain noong dumating siya sa
handaan.
Wala na raw pagkain nang dumating siya sa
handaan.
Halimbawa:
Nag-aaral siya upang makaahon sa hirap.
Nag-aaral siya nang makaahon sa hirap.
Ang NANG ay nagmula sa NA at inaangkupan
ng NG at inilalagay sa pagitan ng pandiwa at
ng panuring nito.

Halimbawa:
Puwede ka na pumasok.
Puwede ka nang pumasok.

Aalis ka na na hindi nagpapaalam?


Aalis ka nang hindi nagpapaalam?
Ginagamit ang NANG sa gitna ng dalawang
salitang-ugat na inuulit, dalawang pawatas o
neutral na inuulit at dalawang pandiwang
inuulit.

Halimbawa:
Suklay nang suklay
Mag-ipon nang mag-ipon
Nagdasal nang nagdasal
Ginagamit ang NANG kapag ang kasunod na
salita ay MAAGA

Halimbawa:
Uuwi ako nang maaga bukas.
Dumating siya nang maaga kanina.
Ginagamit ang NANG kapag ang sinusundang
salita ay sumasagot sa tanong na PAANO

Halimbawa:
Tumakbo si Ben nang matulin.
Ang bata ay nakikinig nang mabuti sa talakayan.
MAY at MAYROON
• MAY
Ginagamit ang MAY kapag sinusundan ng
pangngalan

Halimbawa:
Habang may buhay ay may pag-asa.
May virus ang nahiram niyang USB.
Ginagamit ang MAY kapag sinusundan ng
pandiwa

Halimbawa:

May pupuntahan ka ba mamaya?


May tatapusin pa akong trabaho mamayang
gabi.
Ginagamit ang MAY kapag sinusundan ng
pang-uri.

Halimbawa:

May mahabang buhok si Olga.


May bagong cellphone si Aldrin
Ang MAY ay ginagamit kapag sinusundan ng
panghalip na panao sa kaukulang paari.

Halimbawa:

Bawat tao ay may kanya-kanyang problema sa


buhay.
Ang mga anak ni Aling Anna ay may kani-kanila
nang kabuhayan.
• MAYROON
Ang MAYROON ay ginagamit kapag may
napapasingit na kataga sa salitang
sinusundan nito.

Halimbawa:
Mayroon pa bang natirang ulam?
Mayroon po kaming isusumbong sa inyo.
Ang MAYROON ay ginagamit na panagot sa
tanong.

Halimbawa:

May pasok ba tayo? – Mayroon.


May maaasahan ba akong tulong sa kanya? –
Mayroon naman.
Ang MAYROON ay ginagamit kung
nangangahulugan ng pagka-maykaya sa
buhay

Halimbawa:

Ang mga Morales ay mayroon sa bayan ng


Dolores.
Iniiwasan kong makibarkada sa mga mayroon sa
aming paaralan dahil ako’y isang mahirap
lamang.
SUBUKIN/SUBUKAN
• SUBUKIN
Ang SUBUKIN ay nangangahulugan ng
pagsusuri o pagsisiyasat sa uri, lakas o
kakayahan ng isang tao o bagay.
Ginagamit kung ang ating nais ipahayag ay
ang paggawa ng isang bagay (Do Something)
Halimbawa:
Subukin mong gamitin ang sabong ito at baka
hiyang sa iyo.
Subukin mong kumain ng gulay at prutas upang
sumigla ka.
• SUBUKAN
 Ang SUBUKAN ay nangangahulugan ng pagtingin
upang malaman ang ginawa ng isang tao o mga
tao.(Spying)
 Ginagamit kung ang nais nating ipagpalagay ay ang
pagtikim, pagkilatis at pagsubok ng isang bagay
(Taste,Assess,Try Something)

Halimbawa:
Subukan mo siya upang malaman mo ang kanyang
sekreto.
Subukan mo kung matibay ba ang binili kong sinulid.
PAHIRIN at PAHIRAN
• PAHIRIN
Ang PAHIRIN ay nangangahulugan ng pag-alis
o pagpawi ng isang bagay.

Halimbawa:
Pahirin mo ang iyong pawis sa noo.
Pahirin mo ang iyong uling sa mukha.
• PAHIRAN
Ang PAHIRAN ay nangangahulugan ng
paglalagay ng isang bagay.

Halimbawa:
Pahiran mo ng Vicks ang likod ng bata.
Masarap na almusal ang pandesal na pinahiran
ng mantekilya.
IWAN at IWANAN
• IWAN
Ang iwan (to leave something) ay
nangangahulugang huwag isama/dalhin.

Halimbawa:
Iwan mo na ang anak mo sa bahay n’yo.
Iwan na lang niya ang bag niya sa kotse ko.
• IWANAN
Ang IWANAN (to leave something to
somebody) ay nangangahulugang bibigyan ng
kung ano ang isang tao.

Halimbawa:

Iwanan mo ako ng perang pambili ng


pananghalian.
Iwanan mo ng laruan ang mga bata nang hindi
sila mainip.
WALISIN at WALISAN
• WALISIN
Ang WALISIN ay nangangahulugan ng pag-
aalis ng partikular na dumi o kalat

Halimbawa:
Walisin mo ang mga tuyong dahon sa bakuran.
Wawalisin ko ang mga alikabok sa aking
kuwarto.
• WALISAN
Ang WALISAN ay tumutukoy sa isang
partikular na lugar na marumi.

Halimbawa:
Wawalisan ko ang silid-aklatan dahil may bisita
bukas.
Walisan mo ang ating bakura.
TAKDANG-ARALIN
PANUTO: Bilugan ang angkop na salita sa loob
ng panaklong upang mabuo ang mga
sumusunod na pahayag.

1. Lakad (ng,nang) lakad ang palubi sa daan.


2. (May, Mayroong) kuryente na sa lalawigan ng
Langangilang.
3. (Subukin,Subukan) mong mag-ehersisyo
tuwing umaga at baka hindi ka na magiging
sakitin.
4. (Pahirin,Pahiran) mo ng lotion ang aking likod.
5. (Iwan,Iwanan) na natin siya kapag hindi pa
siya dumating pagkatapos ng limang minuto.
6. Ang bahay na ito ay pagmamay-ari (ng,nang)
mga Hernandez.
7. (May,Mayroong) mahalagang bagay kang
dapat matuklasan.
8. Magtiis muna tayo ngayon (ng,nang) bukas ay
hindi tayo magipit.
9. (May,Mayroon) daw tayong pulong bukas.
10.Nag-aral siya (ng,nang) ballet sa Alemanya.

You might also like