You are on page 1of 5

[Angel x Human AU]

– angel rosé & nurse jungkook


Chapter 1: Once upon a time, there's this stubborn angel named Rosé...

Rosé's POV

Hayst panahon na naman ng tag-ulan sa iba't ibang parte ng Seoul. Eto na naman kami
trabaho lang nang trabaho. Walang pahinga hangga't sa matapos ang season na to.

Inikot ko tingin ko sa paligid. Huminto tingin ko kay Lisa na grabe ang pagconcentrate sa pag-
aayos ng TSS(Thunder Sound System) dito sa langit. Ah tama nga pala kinakailangan na ng
team niya na ihanda ang sounds ng kulog na maririnig ng mga tao maya maya. Habilin ni
papa na dapat malakas na malakas daw talaga kasi babagyo ngayong araw.

Meanwhile ako...Wala lang hahaha... Ang boring dito sa corner ko. Ano kaya magandang
gawin? Iinisin ko nalang kaya muna si Lalisa, sana di ibato sakin ang hinahawakan niya
hahaha.

"Lisa! Pssssst! Huy, Lisa!"

"Ano ba Rosé? Magtrabaho ka nalang nga diyan." Inis na wika nito sabay kamot sa ulo.

"Eh Lisa, tapos na kami dito eh." Pinakita ko sa kaniya ang white lantern na ginawa ko.
Mamaya sisindihan to ng mga matatandang anghel sabay sa pagpaandar ng sound systems
na hinanda nila Lisa. At saka pagkatapos nun eh ihuhulog na nila ate Jennie yung kanilang
gawa na lighting strikes. At ang pinakahuli, ang ulan na pinaghahalo pa ngayon nila ate Jisoo.
Minsan sabay sabay to sila pinapagawa ng papa namin eh pero minsan din magkasunod-
sunod. Madali lang kasi gawin tong amin kaya natapos ko kaagad.

Ngayon ako ay nababagot na dahil sa walang maisip na magawa. Nakakabulok na tong


ginagawa ko. Tumitingin nalang sa ibang anghel na nagtatrabaho. Mag-ikot-ikot nalang kaya
muna ako para pagmasdan sila.

Una kong dinaanan si Lisa na todo trabaho. Ginulo ko bangs niya na naging dahilan ng
pagkainis niya lalo sakin.

Sunod ko namang pinuntahan si ate Jisoo na tinitingnan ang water vapor level.

"Hi ate. Tingin mo babaha mamaya?" Pasimpleng tanong ko kay ate Jisoo habang di
nakatingin yung team leader nila.

"Hi Rosie. Hindi naman ganun kalala na baha siguro. Kasi maganda naman drainage system
ng Seoul so mababawasan at mababawasan parin ang tubig na ipapakawala namin sa lugar
nila." Buti nalang masyadong advance na mga lugar ngayon sa Korea madalang nalang na
binabaha.

"Sige ate, Salamat." Nginitian niya lang ako saka nagpatuloy sa kaniyang ginagawa. Ganda
niya talaga.

Next naman at lastly ay si ate Jennie. Sana di siya bad mood ngayon hahaha. Mukhang
maganda ang ginagawa nilang lightning strikes ah. Sana di sila makatama ng tao.

"Hi Ate Jennie!" Ginulat ko siya galing sa likod. Napasigaw siya nang high pitched at muntikan
niya nang mahulog ang lightning strike na hawak niya hahaha ang cute lang. Tiningnan siya
nang masama ng kaniyang team leader dahil dito.

"Nababaliw ka ba Rosé?! Malapit ko na mahulog to oh. Kapag nangyari iyon magkaroon na


naman ng aksidente sa baba, gusto mo yon?" Pilit kong pinipigilan sarili ko sa pagtawa. Ang
cute kasi talaga ni ate Jennie pag nagugulat siya hahaha.

"Sorry na ate Jennie. May itatanong lang naman ako eh." Sabi ko sa kaniya at nag relax
naman siya eventually.

"Ano iyon? At bilisan mo dahil kailangan ko pa tong tapusin para ready to go na." tumango
ako at sinabi ko na ang itatanong ko.

"Kapag ba matanda na ang lightning strike magiging oldlat na siya?"

At nabatukan ako sa joke ko na yun hahaha.

"Wala ka na ba talagang magawa sa langit Rosé? Try mo kaya sumakay sa kidlat na to para
mawala ka na sa langit." inis na sabi ni ate Jennie. Woah pwede pala yun? Interesting parang
gusto ko itry.

"Hahaha grabe ka naman ate Jennie. Di ka naman mabiro." hinug ko siya nang mahigpit sa
likuran at dahil soft siya na anghel hinug niya rin ako balik.

"Pasalamat ka mahal kita." tumawa lang ako nang marahan sa sinabi niya saka siya
binitawan.

"Oh siya. Balik ka na dun sa pwesto mo at baka hinahanap ka na." Tumango ako at tumakbo
pabalik sa aming pwesto.

Nang ako'y makabalik nakita ko na tumatakbo papunta sakin si ate Dara.

"Naku, Rosé san ka ba nagpupupunta, bata ka ha? Malalagot ako kay papa pag nawala ka."
Bakas sa kaniyang mukha ang pag-alala.

"Sorry ate Dara, nag-alala ka pa po. Binisita ko lang naman ho sina Lisa, ate Jisoo, at ate
Jennie." Pagpaliwanag ko sa kaniya at niyakap niya ko.

"Okay lang basta sasunod na umalis ka sa ating pwesto magpaalam ka ha?" tumango ako at
ngumiti lamang siya. Bumalik na ko sa station ko. Iniisip ko parin yung sinabi ni ate Jennie na
sana sumakay nalang ako sa kidlat para mawala sa langit.
"Ibig ba sabihin nun may paraan talaga para maka-alis sa langit ang isang anghel?" bulong ko
sa sarili saka nilaruan ang lantern na gawa ko.

"Ngayon mo lang ba yan nalaman?" napatingin ako sa tabi ko at nakita si kuya Hanbin na
tumitingin sakin.

"Totoo ba kuya?"

"Depende sayo kung papaniwalaan mo." Ngumisi lang siya saka ako nilapitan.

Nilingon niya muna ang paligid namin para masigurado na walang nagmamanman na anghel.

"Gusto mo ba makita kung paano?"

"Sobra kuya. Curious na curious na ako simula pa nung sinabi yun ni ate Jennie." disididong
sagot ko sa kaniya.

"Mamayang alas singko eh magsisimula nang kumulog at alam mo na ang kasunod nun,
diba?" tiningnan ko siya at napangiti ako nang sobra.

"Susunod ang kidlat."

"Tama ka diyan Rosé. Nararamdaman ko na gusto mo talagang maka-alis sa langit. Boring na


ba masyado?" tumango ako sa tanong niya at tumawa lang siya nang mahina.

"Sige, tuturuan kita kung pano sumakay sa kidlat. Pero alam mo ang consequences niyan
diba?" Naalala ko yung sinabi ni papa na kapag bumababa daw ang anghel sa lupa eh
magiging visible na raw siya sa mga humans.

"Opo, makikita ako ng mga tao." sagot ko sa kaniya at tumawa lang siya.

"Hahaha. Yan lang ba ang alam mo? Hindi lang iyan ang maaaring mangyari sayo."

"Eh ano pa kuya Hanbin?" curious kong tanong sa kaniya.

"Dahil kailangang mag adapt ng isang anghel sa way ng pamumuhay ng isang tao eh
makukuha niya rin ang mga abilidad ng mga tao na di kaya ng isang anghel."

"Gaya ng ano kuya?"

"Magmahal at mahalin." agad nitong sagot.

Magmahal at mahalin? Meron palang ganiyan?

"Pwedo po bang paki-explain sa akin kung ano iyan?" sabi ko sa kaniya at ngumisi lang siya.
"Ready ka na bang malaman ang pamamaraan ng mga tao? Ako ayaw ko sabihin sayo kasi
baka di ka na bumalik dito eh." sabi niya sakin at agad akong tumayo.

"Kuya, I promise, babalik ako. Sabihin mo lang kung ano iyon please." Hinila niya ko para
umupo ulit.

"Rosé, mahirap kasi mabuhay sa mundong ibabaw–"

"Paano mo nasabi kuya? Naranasan mo na ba?" Di ko na siya pinatapos sa kaniyang


sasabihin. Kahina-hinala na kasi siya masiyado. Parang ang dami niyang alam tungkol sa
daigdig.

"Oo Rosé, naranasan ko na. At napakahirap subalit kinakailangan kong makipagsapalaran sa


ikot ng buhay doon. Muntikan na nga akong di makabalik eh. Kasi nga napagmahal ako sa
isang tao." pagpaliwanag nito sakin.

"Sumakay din ako sa isang kidlat noon na papuntang Seoul at isang buwan lamang ay
nahulog na loob ko sa isang taga-lupa. Pero may patakaran tayong mga anghel eh. Na hindi
dapat tayo tatagal sa mundong ibabaw dahil baka tuluyan na tayong maging tao. Eh ayaw ko
biguin si papa. Ayaw ko talikuran ang responsibilidad na paglingkuran siya. Kaya kinailangan
kong iwan ang mahal ko para lamang bumalik sa langit. Napakasakit, Rosé. Kaya ayaw kong
maranasan mo rin ang naranasan ko. Kaya ko tinatanong sayo kung kaya mo bang mag take
ng risk." Naramdaman ko ang lungkot sa kaniyang boses. At napatingin ako sa ulap na
inuupuan namin.

"Pero kuya... Pwede namang mamuhay sa mundong ibabaw na hindi nagmamahal diba?"
napatingin siya sakin.

"Hindi ba?" ulit ko.

"Napakahirap iyon, Rosé. Hindi natin maiiwasan ang bugso ng ating damdamin." malumanay
na sagot nito sa akin.

"Gusto ko subukan, kuya. Ang gusto ko lang naman ay magpahinga sa pagtratrabaho dito sa
langit at makaranas ng iba naman. Gusto ko maranasan na magkaroon ng buhay. Iiwasan ko
lang ang mga tao kuya." determinado kong sabi sa kaniya at tumawa na naman siya ulit.

"Magiging weirdo ka niyan, Rosé. Ito nalang payagan kitang pumunta sa baba. Limited
lamang ang oras mo, tandaan mo yan. Tatlong buwan lamang. Ako na ang bahala sa
pagpapaliwanag ng pagkawala mo dito sa langit. Basta bababa ako pagkatapos ng tatlong
buwan para kunin ka ha. Gawin mo lahat ng gusto mo sa 'buhay' basta iwasan mo lang talaga
ma-inlove ha?" Muli akong naexcite sa narinig ko. Makakaalis na kong langit waaaahhhh!

"Talaga kuya? Salamat ha. The best kuya ka talaga!" Niyakap ko siya nang mahigpit.

"Oo na hahaha. Alis tayo mamayang alas tres ha. Lahat ng anghel nagpapahinga na sa
ganiyang oras." tumango ako at binigyan siya ng malaking ngiti.
"Tingnan mo nga naman ang bata oh, excited na excited ah." Napatawa ako.

"Sino ba naman di matutuwa na makakaalis na sa la–mphhggh" Tinabunan niya bigla ang


bunganga ko.

"Hinaan mo lang boses mo baka mabuking tayo." bulong niya sakin at tumango lang ako saka
bumulong ng 'sorry'.

Nag-apir muna kami bago siya bumalik sa kaniyang station. Hindi parin umaalis ang malaking
ngiti sa mukha ko. Ang saya ko! Hahahaha!

Ito na ang araw, Rosé! Magbabakasyon ka na, sa wakas! Seoul, South Korea, wait for me!

You might also like