You are on page 1of 4

Gallardo, Tricia Mae B.

FIL110 / AM11

PANAGINIP

Ang pang araw - araw na buhay ni Ara ay simple lamang katulad ng nornal na teenager.
Gigising ng maaga para pumasok sa Mapua University at uuwi ng bahay pag katapos ng klase. Sa gabi
naman ay iisa ang kanyang nakaugaliang gawin pag natapos na siya sa pag kain ng hapunan at magawa
ang lahat ng gawain sa eskwelahan ay agad siyang matutulog. Akala ng karamihan ay dahil boring lang
siyang tao o walang social life, ngunit ang di nila alam sa kanyang pag tulog nangyayari ang lahat. Sa pag
pikit ng kanyang mata ay siyang pag dilat niya sa ibang dimensyon.

*MULA SA PANANAW NI ARA*


Noong bata ako naniniwala ako sa mga espiritong gumagala o naninirahan sa ilalim ng
ating kama, tao na may ulong kabayo, nag hihiwalay na katawan tuwing gabi, maliliit na tao na may higit
sa karaniwang lakas, lumilipad na tao na kasing liit ng lamok, at lalo na sa napaka gandang nilalang na
naninirahan sa ilalim ng karagatan. Hindi ko man sila nakikita ng personal ngunit alam ko sa sarili ko na
andyan sila at naninirahan kasama natin. Totoo nga sila hindi nga lang sa mundo na ito.

"Anak ala syete na bumangon ka na at mahuhuli ka na sq klase mo." sumisigaw na sabi ni


nanay. Bumangon na ako kahit alam kong ala singko y media pa lamang sa orasan, ganun ka advance ang
nanay ko. Minsan di ko alam kung iba ba ang orasan na meron siya saakin.

Natapos kong gawin ang morning routine ko sa 30 minuto lamang at kaagad akong
bumaba sa aming hapag kainan upang mag almusal. Habang kumakain ay natutulala ako kakaisip sa
aking napaniginap kagabi. Para talagang totoo ang lahat. Nag umpisa ang ganitong panaginip ko noong
ako ay walong taong gulang pa lamang. Noong una ay akala ko dahil lamang sa malawak kong
imahinasyon ngunit ramdam ko na totoo ito. Kapag gumigising ako nararamdaman at naalala ko ang
lahat. Sinubukan ko itong sabihin sa aking pamilya ngunit lagi nilang sinasabi na ito ay hindi totoo at
panaginip lamang.
Susubukan ko sanang umiglip pa kahit konti dahil gusto kong bumalik. Papikit pa lamang
ako ng hampasin ako ng nanay ko sa braso gamit ang dyaryong gamit ni Tatay.

"Aba ikaw bata ka! Matutulog ka pa sa lamesa?! Hala tayo at pumasok ka na baka abutan
ka ng traffic." tumingin ako kay tatay para humingi ng saklolo ngunit ito ay bahagya lamang ngumiti
saakin na parang sinasabi na makinig na lamang ako kay nanay dahil alam namin pareho na hindi ito
titigil hangga't di pa ako umaalis. Sa aking tapat, ang aking kapatid naman ay natatawa sa ginagawang
pag sermon ni nanay saakin.

Nasa sakayan na ako pa-Makati ng makita ko ang aking kaibigan na si Bernabe. "Ara girl
ang aga mo talaga. Alam mo ba tinanong ako ni Philips kahapon sino favorite person ko daw, edi syempre
tinuro kita aba ang loko nag hihintay na siya ang isagot ko." muli ko na naman siyang tinama na si ate
yung nakita niya at hindi ako. Sobrang magkahawig kasi kami ni ate. Nakipag talo na naman siya, ganyan
nag uumpisa ang araw ko pag alis ng bahay, mauuna ako sa pila at pag kakita saakin ni Bernabe ay
dadaldal agad habang unti unting nakikihabilo sa pila. Hindi naman ako nag rereklamo dito dahil kahit
ganito itong kaibigan ko ay mapag kakatiwalaan ito ng husto, wala nga lang sa itsura.

"Hoy Ara ano ba nakikinig ka ba saakin? Dali na, bakit nga ba?" tanong nito saakin dahil
nilamon na naman ako ng aking pag iisip.

"Kasi umulan kagabi." wala sa isip kong sagot.

"Halatang di ka nakikinig saakin. Sabi ko bakit di ako crush ng crush ko? Ano yang pinag
sasabi mo?" ang dami ko sana gustong isagot sa kanya ngunit alam ko naman sa huli ay hindi niya ako
pakikinggan. Sa halip, sinabi ko na lang na huwag siyang mag alala at dadating din ang taong para sa
kanya. Nag drama pa ito sa harapan ko hanggang sa umabot pa siya sa pag tatanong kung bakit pa siya
nabubuhay.
"Tigilan mo na nga yan Berns pinag titinginan na tayo ng tao. Di ka lang niya gusto
iniisip mo na bakit ka nabubuhay? Kakaloka ka. Isa pa nag hahanap ka kasi ng iba andyan naman si
Philips, nag hahabol ka pa ng iba." sagot ko sa ekstraheradang kaibigan ko.

"Maiba ako, ano ba type mo? Wala ka man lang crush, ano ka abnormal?" panunuri ni
Bernabe saakin. Nakarating na kami sa Mapua at ganun pa rin ang aming pinag uusapan. Napaisip ako at
isa lang ang pumasok sa isip ko. Yung lalaking nakita ko sa panaginip ko. Kagabi ko lamang siya nakita
at hindi na siya nawala sa isip ko. Nakita ko siyang nasa dagat napapalibutan ng grupo nila Morena, ang
mga sirena kong kaibigan, ang hindi ko labis maisip ay paano siya nalulunod kahit may salbabida siyang
suot. Ayun pala ay pinag lalaruan siya ng mga sirena. Tumingin ito saakin at nagulat ako dahil normal na
tao lang din siya katulad ko. Tinulungan ko siyang makaalis sa dagat. Tinanong ako, “Sino ka? Ilan taon
ka na? Bakit ako nandito” di agad ako nakasalita dahil sa tanong niya, dahil normal na saakin ang pagka
lutang, ang nasagot ko ay, “Sakto lang, mga 5.” sa oras na yun gusto ko na lamang lamunin ng lupa.
Naputol ang pag iisip ko ng mag salita ang kaibigan ko. "Hello day dreaming ka pa rin teh. Sino yang
iniisip mo? Ikaw ha may crush ka na pala di mo man lang sinabi saakin." tipid na ngiti na lang ang aking
sagot.

Natapos ang klase at umuwi agad ako sa bahay. Tulad ng nakagawian pag katapos ng
lahat ay natulog agad ako. Pag mulat ko ay nasa mundo na naman ako ng aking panaginip. Unang
sumalubong saakin ay ang mata niyang nakatingin lamang. Nanlaki ang aking mata at agad na umiwas ng
tingin. Bumangon ako sa aking higaan at tumingin sa paligid. Walang pinag bago ang aking kwarto. Ang
bahay ko dito ay katulad lamang ng bahay namin sa totoong mundo ang pinag kaiba lang ay nasa isla ito.
Dito kasama ko ang iba't ibang elemento na hindi pinaniniwalaan sa kabilang mundo. Sa lugar na ito,
lahat kami ay mag kakaibigan at pantay pantay lamang.

Nakalimutan ko na nga na may kasama ako dahil sa ganda ng paligid. Nakatingin lamang
ito saakin at hindi nag sasalita. "Hi, hello, hola, bonjour, konnichiwa?" sa lahat ng sinabi ko ay wala
siyang imik.
"Magandang umaga, pasensya na at nagulat lang ako na nakita kita dito. Puro kasi di
pang karaniwan ang nakikita ko dito tapos nung nakita kita kanina bigla ka rin nawala." mahabang sagot
ng lakake. Tumango na lamang ako dito at nag pakilala.

"Ako si Cris. Matanong ko lamang pero bakit tayo nandito?" Pinaliwanag at sinalaysay
ko ang lahat simula umpisa. Ngunit ang hindi ko masagot ay paano kami napadpad dito at bakit.

...
Nag tagal ang isang taon at ganun pa rin ang pangyayari sa buhay ko ngunit sa mahabang
panahon na ito ay naging mas malapit kami ni Cris, binabahagi ko sa kanya ang araw araw na nangyayari
saakin. Nag kwekwento rin siya saakin ng tungkol sa kanya ngunit limitado lamang dahil may mga ilan
na hindi siya maalala. Hindi na namin pinilit ang kanyan isipan at baka may mangyaring masama pa.

"Ang tagal na natin magkakilala ngunit hindi ko pa alam ang buong pangalan mo, Ara."
may pag tatanong sa kanyang mata habang sinasabi iyon. Ayaw ko lamang sabihin dahil sa mundong ito
hindi ako si Maria Clara De Los Santos. Ibang iba ako sa mundo na ito. Dito masiyahin at may
kompinyansa ako sa sarili. Kapag sinabi ko sa kanya ang totoong pangalan ko baka maalala niya ako,
dahil ako tandang tanda ko na kung sino siya.

Siya ang taong nag patibok ng puso ko noong hayskul lamang kami. Bakit nga ba hindi
ko siya natandaan noong nag kita kami dito? Siguro dahil mas tumangkad at nag matured ang mukha
niya. Ngunit hindi ko pa rin lubos maisip bakit siya nandito? Sa aking panaginip.

...
Nagising ako at pumasok muli sa eskwelahan dahil huling araw na namin ito ngayon.
Ako ay nag aayos na lamang ng requirements dahil isang linggo mula ngayon ay makakapag martsa na
ako.

"Ara girl ano kaya mangyayari saakin? Conditional pa lang ako. Sana sabay tayo mag
martsa. Kailan kaya ako graduate sa Mapua?" tanong ng aking matalik na kaibigan na si Bernabe.

"Wag ka mawalan ng pag asa hintay ka lang sa result mamaya. Tuwing madaling araw
sila lumalabas. I'll stay awake for you para sabay natin makita ang resulta." pag papalakas ko ng loob sa
kanya. Ngunit naalala ko kailangan kong matulog ng maaga dahil may usapan kami ni Cris. Mag kikita
kami sa magical falls sa gitna ng gubat. Hindi ko na lang ito inisip dahil mahalaga ang totoong buhay at
mas kailangan ako ni Bernabe sa kanyang tabi.

Sumapit ang gabi at dito na matutulog si Bernabe saamin dahil hihintayin namin ang
resulta. Mag ala una na nang lumabas ang resulta, siya ay makaka martsa kasama ko. Nagyakapan kami
sa tuwa at napag desisyunan na mag movie marathon hanggang sa nakatulog kami.

...
Pag dilat ko ay agad ko hinanap si Cris sa buong isla ngunit hindi ko siya mahanap.
Tinanong ko si Kapre kung saan makikita ang mga sirena dahil malamang alam nila saan napaparoon si
Cris. Agad naman sinabi ni Kapre na sa loob ng bahay namin. Bumalik ako ng bahay at nakita ko si
Morena hinahabol ang hininga. Binuhusan ko siya agad ng tubig upang umayos ang kanyang
pakiramdam.

“Ara, huli ka na. Wala na dito si Cris ngunit may pinapasabi siya sayo bago mag laho.
Sabihin ko daw sayo na natatandaan na niya ang lahat at mahal ka niya.” hindi ko napigilan na
humagulgol sa iyak sa aking nalaman mula kay Morena. Sobrang sakit ng nararamdaman ko. Parang
bibiyakin yung puso ko sa dalawa. Hindi ko na muli siya makikita kung mag kita man kami sa totoong
mundo, makikilala niya kaya ako? Isa lang ang sumagi sa isip ko. Huli na ako.


Nagising ako sa aking panaginip na may luha sa mata. Hanggang ngayon ramdam ko pa
rin yung sakit. Hindi ko na kaya kaya nakwento ko ang lahat kay bernabe. Tinanong ko siya paano ito
nangyari? Ang panaginip ko na parang totoo, sagot lang niya saakin ay malalaman mo pag ni search mo
sa google. Nakita ko nga ang kasagutan. Para itong nag mistulang totoo dahil sa sobra kong stress ang
tanging paraan ng brain ko para mag cope up ay gumawa ng sariling mundo or my happy place. Sa lahat
ng nalaman ko hindi pa rin nito maipaliwanag ang lahat ng aking katanungan. Lalo na bakit nandoon si
Cris at parang kabaligtaran siya ng nasa panaginip ko.

“Maiba ako, sino si Cris? Paano mo siya nakilala at saan?” pangungusisa ni Bernabe saakin.

“Kaklase ko siya nung hayskul. Siya ang matatawag kong first love kaso ayaw niya saakin.” sagot ko.

“Bakit ayaw niya sayo?” pag tatanong pa niya saakin.

“Kasi nalaglag ako sa hagdanan. Hindi ko sinasadya na mapasama siya kaya napilayan
siya at hindi nakapag laro sa finals ng basketball. Dahil doon, galit na galit saakin si Crisostomo Ibarra. ”
malungkot kong kwento sa kanya.

Makalipas ang limang taon, nag trabaho na ako sa isang malaking kumpanya bilang chief
accountant. Noong una ay hinanap ko si Cris dito sa mundong ito, nalaman ko na isang taon siyang na
comatose, dinalaw ko siya ng tatlong beses ngunit tinigil ko na rin, dahil para saan pa? Hindi na naman
mababalik ang samahan namin sa kabilang mundo. Sinubukan kong kalimutan ang lahat ng pangyayari
pero hindi ko pala kaya. Hindi na rin ako nakabalik sa aking panaginip o happy place. Sa tingin ko ayos
na rin ito para tuluyan na akong maka-move on.

Kasalukuyan akong nasa elevator at papunta sa opisina habang nag babalik tanaw ng mag
salita ang aking katabi. Isang pamilyar na boses ang aking narinig.

“Hi, long time no see Maria Clara.”

You might also like