You are on page 1of 3

Ang Tunay na Baliw

Hahahaha! Hahahaha!
Ikaw! Ikaw! Ikaw! Kayo?! Ba’t di kayo sumasabay sa aking pagtawa?! Baliw ba kayo?! Ha?!
Hahahaha
Ahhh! (Takot)
Arghh! (Galit)
Hahahaha (Tatawa)
Huhuhuhu (Iiyak)
Watawat! Asan ang watawat ng Pilipinas?! (Hahanapin ang watawat)
Ayun! Ayun!
“Panatang Makabayan. Iniibig ko ang Pilipinas. Aking Lupang sinilangan. Tahanan ng aking lahi. Kinukupkop
ako at tinutulungan…”
Pilipinong pumapanata sa harap ng bandila ay iniibig daw ang Pilipinas?!
KALOKOHAN! Hindi lahat!
Hahahaha!
Tumingin ka nga sa iyong paligid!
Unti-unting sinisira ang Pilipinas! Eh pa nga ba ang sisira dito?! Alangan namang taga Africa? MGA
PILIPINO!
Dahil sa mga mali nating ginawa!
Unti-unting sinisira an gating bansa!
Korupsyon, pagkamal ng yaman, pang-aabuso, paninira ng kalikasan at marami pang iba!
Ang mga kabundukan na pinagkukunan n gating mga pangangailangan ay NAKALBO NA! KALBO! KALBO!
HAHAHAHA
*Seryoso*
Hindi niyo ba naisip na sa mga mali nating ginagawa ay unti-unti nating sinisira ang Pilipinas?!
Iniibig? HAHAHAHA! Yan ba ang tawag sa paninira?! Ha?! HAHAHAHA!
Tulong?? TULONG! TULONG!
Nanghihingi ako ng tulong ngunit binalewala lang ako.
Tulong! Tulong! Ang inay ko! Naghihingalo! Tulungan niyo po ako! Wala pong kasalanan ang nanay ko!
Ngunit kahit kapwa Pilipino’y binalewala at ako’y hindi tinulungan
Orange line-not recognized
Namatay! Namatay! Dahil sa mga baluktot niyong pamamahala at ni konting awa ay hindi niyo naibigay!
Yun ba ang pag-ibig sa Pilipinas at ang pagtulong na lumago ito? Ang hindi pagtulong sa kapwa?
“Maging malakas, masipag at marangal. Dahil mahal ko ang Pilipinas. Diringgin ko ang payo ng aking mga
magulang. Susundin ko ang tuntunin ng paaralan. Tutuparin ko ang tungkulin ng isang mamamayang
makabayan…”
(Aakto na parang ina) Anak! Bumili ka ng asin
(Aakto na Anak) Ugh! Ayoko nga! Nagfafacebook pa ako eh! Iba nalang po!
(ina) Sige na anak kasi nagluluto pa ako
(anak) Ma naman eh! Kita mong busy din ako!
HAHAHAHA!
Yan? Yan ba ang ‘diringgin ko ang payo ng aking mga magulang’?
MGA KABATAAN! Nakalimutan niyo na ba ang pagsunod at pagrespeto sa mga nakatatanda lalong-lalo na sa
inyong mga magulang?
Oo! Iba noon at ngayon! Pero yang dugong nananalaytay sa iyo ay ang dugong pagkapilipino!
Mahiya ka sa magulang mo! Nakalimutan mo na bang naghirap sila sa pagtratrabaho para lang may ipakain,
ipaaral at maibigay lahat ang luho mo?! Tapos gaganyanin mo sila?! MAHIYA KA!
Yan ba ang pagmamahal mo sa Pilipinas! Ang pagsuway sa mga utos ng mga magulang?!
Ina ko..Mahal na mahal kong ina… Huhuhuhu
PAARALAN! Ano nga ba ang tinuturo sa paaralan? Ang tamang pagrespeto diba? Diba?!
Teka… Pagrespeto?! Nangako kang susundin ang tuntunin ng iyong paaaralan pero pagrespeto sa magulang ‘di
mo masunod?
-(Aakto na parang naglalaro ng computer) Wooh! Ang saya maglaro ng computer!
-(Aakto na lola) Apo, nakita mob a salamin ko?
-(Apo) Hindi eh!
HAHAHAHA!
Anong sagot yun?! Nasaan na ang pagrespeto dati!! Nasaan na ang ‘po’ at ‘opo’ na karaniwang ginagamit ng
mga Pilipino? Ba’t biglang nawala? Dahil ba nagbago na ang henerasyon dapat bang magbago ang katangian?!
-Ate, kuya, makisabay kasi sa uso!
-Uso?! Uso?! Tumingin ka nga sa salamin! Kapag ikaw ay tumanda at di ka nirespeto ng mas nakababata,
magiging masaya ka ba? Baliw lang ang magsasabing OO!
HAHAHAHA! Tutuparin ng isang mamamayang makabayan pero di nga masunod ang utos ng magulang at
tuntunin ng paaralan eh!
“Naglilingkod, nag-aaral, at nagdarasal ng buong katapatan. Iaalay ko ang aking buhay. Pangarap, pagsisikap sa
bansang Pilipinas”
Naglilingkod? KAYO?! Kayo jan na nakaupo! Naglilingkod din ba kayo sa ating bansa? ‘Di porket ‘di kayo isa
sa mga opisyal ng pamahalaan ay di ibig sabihin na hindi kayo gagawa ng paraan para sa ikauunlad ng bansa!
‘Wag nating iaasa palagi sa pamahalaan! Palagi sa pamahalaan! Puro reklamo! Reklamo! Bakit? May nagawa
ka na ba para sa Pilipinas?
Mga mag-aaral, kayo ay pinaaral para sa inyong kinabukasan at para kayo ay may matutunang maganda!
Kayo ay masuswerte! ‘Di tulad sa akin. ‘Di nakapag-aral dahil sa kahirapan! Pero NGAYON?! Bakit ilan sa
mga kabataa’y hindi na nag-aaral ng mabuti?

Hello! Masaya kaya maglaro ng computer games!

HAHAHAHA! Huhuhuhu (iiyak)


‘Di mo ba naisip na maraming batang hindi nakapag-aral dahil sa kahirapan? Tapos… tapos… ‘di ka pa mag-
aaral ng mabuti?! ‘Di mob a naisip yun?

-Anna, do you have a phone?


-Oo. Oh made in USA yung sa’kin, sayo?
-Made from Philippines
-Duh! Local!
-Yaya, speak English kapag kaharap mo anak ko.
-Yes ma’am. Miggy, here’s your food na!
HAHAHAHA!
Pati produkto ng Pilipinas ikahihiya? Pati pagsasalita ng sariling wika ikahihiya? Hindi k aba nahiya?!
Tumingin ka sa salamin! Porket pumuti, tumangos at nahaluan yang dugo mo ng dugo ng dayuhan, ganyan ka
na? Mahiya ka! Nananalaytay pa rin sa ugat mo ang dugong pagkaPILIPINO!
Unrecognized line iyong pangatawanan! Huwag mong kalimutan na ikaw ay isang Pilipino!
Ako ay matapang! Ikaw ay matapang! Tayo ay masipag! Tayo ay mapagmahal! Pahalagahan natin kung ano
ang atin unrecognized line Dahil tayo ay Pilipino! Dito tayo isinilang, lumaki at nagka isip! Mga kabataan,
huwag nating kalimutan na tayo ay pag-asa ng bayan
AHH!! HAHAHAHAHA! HUHUHUHUHU
*Seryoso*
Sino ang tunay na baliw?

You might also like