You are on page 1of 6

SUBJECT: MAPEH 4 - Health

Kahalagahan ng pagbabasa ng mga food label sa pagpili


TOPIC:
at pagbili ng mga pagkain
DATE: July 23, 2019
TIME: 11:00 – 11:50 (Camia)
TEACHER: Mrs. Cynthia S. Javaluyas
OBSERVER: Mrs. Alissa Victoria M. Alcantara

I. LAYUNIN
A. PamantayangPangnilalaman Nauunawaan ng mga mag-aaral ang kahalagahan ng pagbabasa
ng food labels sa pagpili ng mas masustansiya at mas ligtas na
pagkain, nauunawaan ang kahalagahan ng pagsunod sa mga
pamantayan sa pagpapanatili ng malinis at ligtas na pagkain, at
nauunawaan ang katangian at pag-iwas sa mga sakit na
nakukuha sa maruming pagkain.
B. Pamantayang Pangganap Nauunawaan ng mga mag-aaral ang kahalagahan ng pagbabasa
at pagsusuri ng food labels sa pagpili ng mas masustansiya at
mas ligtas na pagkain, at nagsasagawa ng pang-araw-araw at
angkop na gawi upang makaiwas sa mga sakit na nakukuha sa
maruming pagkain.
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto Naipaliliwanag ang kahalagahan ng pagbabasa ng mga food
( Isulat ang code sa bawat kasanayan) label sa pagpili at pagbili ng mga pagkain H4N-Ib-23
D. Layunin
 Kaalaman Mga panganib na dulot ng hindi wastong pagbabasa ng mga
food labels
 Kasanayan Matukoy ang mga impormasyong makikita sa food label.
 Apektiv
II. NILALAMAN NAIPALILIWANAG ANG KAHALAGAHAN NG
PAGBABASA NG MGA FOOD LABEL SA PAGPILI AT
PAGBILI NG MGA PAGKAIN
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay sa
Pahina 108-110
Pagtuturo
2. Mga pahina sa kagamitan Pang
Pahina 252-253
Mag-Aaral
3. Mga pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang kagamitan mula sa
LRDMS
B. Iba pang Kagamitang Panturo Powerpoint presentation
C. Mga Kagamitan Pictures, tsart, metacards
C. Values Integration Pagpapahalaga sa kalusugan
IV. PAMAMARAAN KAGAMITAN
A. Balik – Aral sa nakaraang Aralin o pasimula sa bagong aralin
(Drill/Review/Unlocking of Difficulties)

(Ipakita sa mga bata ang mga larawan)

Tingnan ang mga larawan sa monitor at sabihin kung ano ang nasa
larawan.

 masakit ang tiyan


 nagsusuka
 sira o panis na pagkain
 payat na tao
 matabang tao
 pangangati o allergy
 pagsasayang ng pera

Gusto niyo bang maranasan ang mga nasa larawan? (Hindi po)

Makinig nang mabuti sa ating tatalakayin sa araw na ito upang


maiwasan
natin ang aking mga ipinakita sa inyo.

B. Paghahabi sa layunin ng aralin


(Motivation)

Kuhanin ang kahon o pakete ng inyong paboritong pagkain.


Tingnan ang bahagi ng katawan na aking ipapakita at isagawa ito ng
inyong grupo.

Pangkat 1 – mata
Pangkat 2 – tenga
Pangkat 3 – dila
Pangkat 4 – kamay
Pangkat 5 - ilong

Anong bahagi ng ating katawan ang dapat na gamitin upang malaman


ang mga nilalaman ng isang produkto ? (mata)

Mahalaga ba na dapat nating basahin ang food labels ng mga pagkaing


ating kakainin ? (opo)

Bakit? (Upang maiwasan nating magkasakit at magsayang ng pera)


C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin
(Presentation)

MGA PANGANIB NA DULOT NG HINDI WASTONG PAGBABASA NG


FOOD LABELS

1. Pagsakit ng tiyan / pagsusuka / pagkakasakit – kung makakain ng sirang


pagkain (expired), maaaring magsuka, sumakit ang tiyan, o makakuha ng mga
mikrobyo at magkasakit.

(Mahalagang malaman ang tatak, uri at manufacturer ng pagkain kung may


depekto o sira ito para maiwasan ang pagsakit ng tiyan, pagsusuka at
pagkakasakit)

2. Pagkakaroon ng allergic reaction – may mga pagkaing naglalaman ng allergens


o mga mikrobyong maaaring magdulot ng allergies tulad ng paghahatsing,
pangangati, hirap sa paghinga, pagkahilo, at iba pa.

(Mahalaga na mabasa natin ang food label upang makakuha ng babala tungkol
sa nilalaman ng pagkain tulad ng allergens na maaaring magdulot ng
reaksyon sa katawan.)

3. Pagpayat o pagtaba dahil sa maling nutrisyon – ang anumang


kulang o sobra ay masama sa katawan. Makukuha ang tamang sukat ng pagkain
sa pamamagitan ng pagbabasa ng Nutrition Facts.

(Isa pa sa kahalagahan ng pagbabasa ng food label ay upang maintindihan ang


nutrisyong nilalaman ng pagkain para sa wasto at balanced diet.)

4. Pagkapanis ng pagkain – kung hindi sa refrigerator nakalagay ang pagkain,


maaari itong masira agad. Samantala, maaari namang mapanatili ang pagkasariwa
at pagkamasustansiya ng pagkain kung ito ay maitatabi nang wasto at tama.

(Mahalaga rin na mabasa natin ang food label upang malaman kung paano
mapapanatiling sariwa ang pagkain at hindi agad masira o mapanis.)

5. Pagsasayang ng pera – kung makabibili ng pagkaing sira at panis na, maaaring


mag-aksaya lamang ng pera.

(Upang makakuha ng impormasyong maaaring ihambing sa iba pang


food labels para sa mas wais na pamimili, mahalaga ang pagbabasa ng
mga food labels.)
D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong
kasanayan No. 1
(Modeling)

“TAMBAL KAMBAL”

May ipapaikot ako na kahon, kumuha kayo ng isa. Sa mga nakakuha ng


salitang larawan pumila sa bandang kaliwa, sa mga nakakuha ng salitang sakit
pumila sa bandang gitna at yung nakakuha ng salitang epekto pumila sa bandang
kanan.

( Ibigay sa mga bata ang metacards)

Ngayon, hanapin ninyo ang inyong mga katambal. Ang makakakuha ng


tamang magkakatambal ay may sorpresang matatanggap.

( Tumawag ng bata na magsasagawa ng ayos tambal sa mga hindi akma o


tugmang tambal kambal. )

E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong


kasanayan No. 2
(Guided Practice)

Ngayon, gawin nating isang tsart ang nagawa nating tambal kambal.

( Ipadikit sa mga bata sa tsart ang mga nakuha nilang tambal kambal at
ipabasa ito nang malakas sa mga bata. )

F. Paglilinang sa kabihasaan (Tungo sa Formative Assessment)


(Independent Practice)

Fact or Bluff

Isulat ang FACT kung ang pahayag ay tama at BLUFF kung mali ang
pahayag.
Show Me Board
( Tumawag ng isang bata upang ipakita sa powerpoint ang tamang sagot)

1. Ang anumang kulang o sobra ay masama sa katawan. (FACT)

2. Maaaring makakuha ng sakit mula sa pagkaing sira o panis na produkto. (FACT)

3. Magkakapareho ang mga paraan ng pag-iimbak ng pagkain at inumin. (BLUFF)

4. Ang pagbabasa ng food labels ay paraan upang makatipid ng pera. (FACT)

5. Maaari pang kainin o inumin ang isang produkto matapos ang Expiry Date nito.
(BLUFF)

G. Paglalapat ng aralin sa pang araw-araw na buhay


(Application/Valuing)

Bago ninyo kainin o inumin ang isang produkto o ang paborito ninyong
kainin, ano muna ang dapat ninyong gawin o isaalang-alang?

( Maaaring sagot ng bata - Basahin at unawain ang food label.)

H. Paglalahat ng Aralin
(Generalization)

Bakit mahalaga na unawain at basahin ang food label ?

(Hayaang magbigay ang mga bata ng kanilang sariling opinyon ayon


sa kanilang pagkatuto sa araling tinalakay)

Sino sa inyo ang gustong magbasa ng isang sulat mula kay Doktor
Abraham ? Mayroon siyang gustong ipaabot sa ating lahat.

Mga minamahal kong mag-aaral,

Nais kong ipabatid sa inyo na kung hindi wasto ang lugar na


pinaglalagyan ng pagkain, maaari itong masira o mapanis at kung
makakakain tayo ng sirang pagkain maaaring makakuha tayo ng
mikrobyo na magiging sanhi ng pagsusuka, pagsakit ng tiyan,
pagkakalason, pagkakasakit, pagkakaroon ng allergic reaction,
pagpayat o pagtaba dahil sa maling nutrisyon. Sa huli, tayo’y nagsayang
lang ng pera o mas lalaki pa ang gastos sa paggagamot at lubos na
maaapektuhan ang ating kalusugan.

Nagmamalasakit,
Doktor Abraham

I. Pagtataya:

Piliin sa loob ng kahon ang tamang sagot sa bawat pahayag na tinutukoy.

Pagsakit ng tiyan/pagsusuka/pagkakasakit

Pagkakaroon ng allergic reaction

Pagpayat o pagtaba dahil sa maling nutrisyon

Pagkapanis ng pagkain

Pagsasayang ng pera

1. Ito ay nakakapagdulot ng paghahatsing, panganagati, hirap sa paghinga,


pagkahilo at iba pa. (Pagkakaroon ng allergic reaction)

2. Hindi wastong lugar ng paglalagay ng pagkain. (Pagkapanis ng pagkain)

3. Nakakain ng sira at panis na pagkain. (Pagsakit ng


tiyan/pagsususka/pagkakasakit)

4. Makukuha ang tamang sukat ng pagkain sa pamamagitan ng pagbabasa ng


Nutrition Facts. (Pagpayat o pagtaba dahil sa maling nutrisyon)

5. Nakabili ng pagkaing sira at panis na. (Pagsasayang ng pera)

J. Karagdagang gawain para sa takdang aralin


(Assignment)

Gumawa ng isang slogan na manghihikayat sa inyong pamilya na ugaliing


magbasa ng food labels. Lagyan ng disenyo o kulay ang inyong nagawang slogan
upang mas lalo itong makaingganyo sa titingin at babasa nito.

IV. REMARKS
V. REFLECTION
A. No. of learners who earned 80% in the
evaluation

B. No. of learners who required additional


activities for remediation

C. Did the remedial lessons work? No. of


learners who have caught up with the lesson

D. No. of learners who continue to require


remediation

E. Which of my teaching strategies worked


well? Why?

F. What difficulties did I encounter which my


principal or supervisor can help me solve?
G. What innovation or localized materials did I
use/discover which I wish to share with other
teachers.

Prepared by: CYNTHIA S. JAVALUYAS


Teacher II

Observed by: ALISSA VICTORIA M. ALCANTARA


Principal

You might also like