Ilang gabi na ang nagdaan na di makatulog si Gabby. Dahil sa kanyang kalagayan, kumonsulta siya sa doctor. Niresetahan siya ng kanyang doctor ng gamot na pampatulog. Natapos na ang takdang pag-inom niya ng gamot ngunit gabi-gabi pa rin niyang iniinom ito na lingid sa kaalaman ng kanyang doctor. Minsang wala siyang nabiling gamot sa botika at wala siyang nainom, di siya nakatulog sa magdamag. Naging bahagi na ng Sistema ng kaniyang katawan ang gamot na pampatulog at naparami ang kanyang naiinom. Lumala ang kanyang karamdamang hindi makakatulog kung hindi siya makakainom ng gamot. Mga Tanong: 1. Bakit pumunta si Gabby sa doktor? Anong gamot ang nireseta sa kanya? 2. Ano ang ginawa ni Gabby upang siya ay makatulog? 3. Ano ang kanyang ginawa upang siya ay makatulog? 4. Kung kayo si Gabby gaga?in mo rin ba ang pag- inom ng gamot kahit lampas na sa araw na itinakdang inumin ito? Si Gabby ay dumaranas ng kondisyong pangkalusugan na tinatawag natin na drug dependency.
Paggamit ng droga- katamtamang
paggamit ng mga droga upang baguhin ang kalagayan ng isang tao. Kung umiinom tayo ng gamot upang pagalingin ang sakit ng ulo, lagnat, sipon, at iba pang mga karaniwang sakit, itinuturing itong paggamit ng droga. Pag-abuso ng droga- proseso ng paggamit ng anumang droga sa mga layuning liban sa mga isinaad na normal na paggagamitan nito o sa pamamaraan o daming labag sa itinatakda para dito Gawain: Bawal ang Sobra
Si Kap Sirup ba ang Kasagutan?
Usapan:
Adi: Ubo..ubo..ubo..hay ang hirap
naman ng ubong ito. Talagang pinahihirapan ako. Kap Sirup: Aba..aba..aba.. Narito ang isang bata, na aking dapat bigyan ng kalinga. Hoy bata! Gusto mo bang gamutin kita? Adi: Ha! Sino ka? Ikaw ba ang tutulong sa aking karamdaman? Kap. Sirup: Ako nga! Ako si Kap Sirup. Ang lunas sa ubo mong nagpapahirap. (Pagkalipas ng 10 araw. Magaling na si Adi sa kanyang ubo) Adi: Kap Sirupppp..nasaan ka na? Kailangan kita. Hindi ako mapalagay pag wala ka. Kap Sirup: Adi, magaling ka na. Hindi mo na ako kailangan. Kapag wala ka nang ubo ay dapat di mo na ako iniinom. Adi: (Nanginginig ito) Brrrrr, brrr. Kailangan kita Kap Sirup. Di ako makagalaw nang normal kapag wala ka.
Kap Sirup: Iba na ang nangyayari sa katawan
mo, Adi. Di na kita natutulungan. Nalulong ka na sa akin. Kailangan na kitang iwanan. Tanong:
1. Sino-sino ang nag-uusap sa
tekstong binasa? 2. Ano ang sakit ni Adi? 3. Ano ang gamot para sa sakit niya? 4. Paano humantong sa kalagayang hindi mapalagay si Gabby kapag hindi nakainom ng sirup? 5.Anong kalagayang pangkalusugan ang dinaranas ni Adi? 6. Ikaw naranasan mo na bang uminom ng sobra o kulang sa gamot ? Ano ang naramdaman mo? Alam ba ninyo na maliban sa droga pwede tayong gumamit ng mga halaman bilang gamot sa ating karamdaman ito ay ligtas gamitin at walang masamang epekto sa ating kalusugan. Ano-ano ang uri ng mga halaman? 1. Halamang - palumpon 2. Aeral Plants ito ang mga halaman na nabubuhay na nakabitin sa hangin at hindi itinatanim sa lupa 3. Halamang - dahon 4. Halamang – Tubig o Aquatic Plants 5. Halamang –baging Ito ang mga halamang gumagapang sa lupa Pagyamanin Natin Tayo’y Maglaro: Sino Ako 1. Magpangkat sa dalawa: Grupo Lulong at Grupo Pasandig. 2. Babasa ang guro ng mga kaisipan na naglalarawan kung paano inaabuso ang mga gamot. 3. Lahat ng miyembro ay tatayo at itataas ang plakard kung ang kaisipan ay tumutukoy sa kanilang grupo 4. Bibigkasin ng guro ang “sino ako” bilang hudyat ng pagtayo ng lahat ng miyembro. Kapag may isang grupo na nakaupo, walang iskor. 5. Ang Grupong may pinakamaraming tamang sagot ay tatanghaling panalo Pagnilayan Natin Pangkat I- Isadula ang isang sitwasyon na nagpapakita ng maling paggamit ng gamot at ipakita ang tamang paggamit nito Pangkat II- Gamit ang larawan bumuo ng konklusyon kung paano inaabuso ang mga gamot. Pangkat III- Gumawa ng poster tungkol sa wastong pag-aalaga ng sarili sa pamamagitan ng wastong gamit ng gamot Paglalahat:
Ano ang pasandig o drug
dependency? Paglalahat:
Ano naman ang adiksiyon
sa droga? Paglalahat:
Paano mo isabuhay ang
wastong paggamit ng gamot? Pagtataya: Sagutin ng salitang Pasandig o Lulong ________1. Araw-araw umiinom si Rene ng gamot para sa sakit ng puso. ________2. Kapag hindi makatulog si Jomel umiinom siya ng sleeping pills. ________3. Araw-araw umiinom ng gamot si Tatay Isko para sa kanyang high blood. ________4. Nanginginig at nanglalanta si Chad kapag hindi siya nakainom ng sirup. ________5. Gustong-gusto ni Kiki ang pakiramdam kapag naka-inom siya ng gamot, kaya iniinom niya ito kahit wala siyang sakit. Takdang-aralin:
Gumuhit ng isang poster-slogan na
naglalarawan ng di-wasto o pag-abuso sa mga gamot.