You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
CORDILLERA ADMINISTRATIVE REGION
SCHOOLS DIVISION OF ABRA
LA PAZ DISTRICT
SIDONGAN PRIMARY SCHOOL

TABLE OF SPECIFICATION
FILIPINO 3
2ND QUARTER
QUIZ # 1
S.Y. 2020-2021

Week of Cognitive Domain And Item Placement


the Content Standards/ Most Numbers %
Number
Quarter/ Essential Learning Of Days Of
Of Items R U A A E C
Grading Competencies (MELCs Taught Items
Period
Nakapagbibigay ng
wakas ng binasang
kuwento

F3PB-Ih-14

Napagyayaman ang
Week 1-2 talasalitaan sa
10 20 100% 1-20
pamamagitan ng
paggamit ng
magkasingkahulugan at
magkasalungat ng mga
salita

F3PT-Iih-2.3

TOTAL
10 20 100% 20

Prepared by:
ANTHONY L. PAISTE
Teacher

Noted by:

JOMAR P. BRUB
School Head
QUIZ # 1
2ND QUARTER
FILIPINO 3

I. Piliin ang angkop na wakas sa bawat sitwasyon. Bilugan ang


letra ng tamang sagot.

1. Si Renato at Wilson ay matagal nang magkaaway. Palagi kasing tinutukso


ni Renato na duwag at mahina si Wilson. Tuwing uwian, inaabangan niya
si Wilson para batuhin ng putik o sigawan ng mga masasakit na salita.
Nagtitiim-bagang lamang si Wilson dahil ayaw niyang mauwi sa sakitan
ang kanilang away. Isang araw, nakita ni Wilson na natumba si Renato sa
daan. Nilapitan niya ito at natuklasan na nawalan ito ng malay. Kaagad na
sumigaw si Wilson para humingi ng tulong. Hindi nagtagal at may
dumating nang traysikel para dalhin si Renato sa ospital.
a. Iniwanan si Renato na walang malay.
b. Hindi pinansin ni Wilson si Renato dahil kaaway niyaito.
c. Binalewala lang niya ito.
d. Tinulungan pa rin ni Wilson si Renato para madala siya sa ospital kahit
na lagi siyang inaaway nito.

2. Masipag na magbubukid si Mang Tony. Marami siyang tanim na


mangga. Binomba niya ng gamot ang mga ito.
a. namatay ang mga puno
b. lumusog ang mga puno
c.lumaki ang mga puno
d. Namunga ng marami ang mga puno ng mangga at naibenta niya ito sa
malaking halaga.

3. Mabait na bata si Roda. Lagi siyang nag-aaral ng leksiyon. Hindi siya


magpapalya sa pagpasok. Nakinig siya mabuti sa kanyang guro.
a. Nangunguna siya sa kanilang klase at hinahang siya ng kanyang
guro dahil sa kanyang kasipagan.
b. Mababa ang kanyang grado
c. Nagagalit sa kanya ang mga kaklase at guro
d. Mayabang at inaaway ang kanyang kaklase dahil siya ang
pinakamagaling.

4. Nakita ni Ivie na ang salamin na bintana ay malabo na.


Maraming agiw sa kisame. Maalikabok ang mesa at
Silya. Kumuha siya ng basahan.
a. Namasyal si Ivies a loob ng kanilang bahay.
b. Naglaro si Ivie sa loob ng bahay.
c. Tinakpan ni Ivie ng basahan ang salamin na bintana para hindi makita
ang
salamin.
d. Pinunasan ni Ivie ang kanilang salamin na bintana para kumintab at
nilinis
ang buong kabahayan.

5. Nagkakagulo ang mga tao sa palengke. May naghaha-bulan. May


sumisigaw.May isang babaeng iyak ng iyak. ”Prrrt! Prrrt!, ang silbatong
narinig sa loob ng palengke. Maya maya’y lumabas ang isang pulis na may
bitbit na bag, kasunod niya ang isang batang lalaki. Hawak- hawak ang
batang umiiyak ng isang barangay tanod.
a. Naibalik ang bag sa babae at dinala sa presinto ang
batang magnanakaw.
b. Pinagalitan ng pulis ang babaeng inagawan ng bag
at ang magnanakaw.
c. Ginulpi ng tanod ang bata at humingi ng pabuya.
d. Nagpaputok ang pulis at naghabulan ang mga tao.

6. Mahilig sa pagkaing matatamis si Rose. Madalas siyang kumain ng kendi,


tsokolate, at bukayo pero tamad siyang magsipilyo ng ngipin.
a.Palaging sumasakit ang kanyang ulo.
b. Palaging sumasakit ang kanyang ngipin.
c. Palaging sumasakit ang kanyang paa.
d. Palaging sumasakit ang kanyang bibig.

7. Nais ni John na mamitas ng mangga ngunit malaki at mataas ang puno.


Kumuha siya ng hagdang kawayan sa puno. Nakaakyat nga siya ngunit
pagdaan ng nag-hahabulang mga bata, nabundol nila ang hangdan at
nabuwal ito.
a. Hihingi si John ng saklolo para makababa siya mula
sa puno.
b. Lulundag si John mula sa itaas.
c. Iiyak si John nang malakas para marinig nila.
d. Awayin ang mga batang naghahabulan.
8. Maghapong naglaba si nanay. Naglinis din siya ng bahay. Pagkatapos
nagluto pa siya. Habang hinihintay ang mga anak nanonood siya ng
telebisyon. Hindi nag-tagal at dumating ang mga bata. Kumatok sila ngunit
walang nagbukas ng pinto. Tinawag nila si nanay ngunit walang
sumasagot.
a. Nagtatago si nanay sa loob ng bahay.
b. Naglayas si nanay dahil pagod na siya sa paglalaba.
c. Nakaidlip si nanay habang nanonood ng telebisyon
dahil pagod siya buong maghapon sa paglaba at
at paglinis ng bahay.
d. Namasyal si nanay mag-isa dahil wala ang kanyang
anak.

9. Isinilang na mataba si Abby. Lagi siyang tinutukso ng mga kamag-anak


dahil
sa mabagal siyang kumilos. Lagi siyang nahuhuli sa takbuhan. Ikinuwento
sa
kanyang ina ang mga nangyari. Narinig siya ng kanyang ama at sinabihan
siyang nag-ehersisyo. Sumusunod naman si Abby.
a. Pumayat at lumiksing kumilos si Abby.
b. Lalong tumaba si Abby.
c. Walang nagbago kay Abby.
d. Mabigat pa rin ang kanyang katawan.

10. Nag-aaral si Lorna sa Maynila. Iniwan niyang may sakit ang kanyang ina
na nasa probinsiya. Isang araw nakatanggap ng text message si Lorna
mula sa kanyang ate. Bigla siyang umiyak pagkabasa nito.
a. Hindi siya mapapadalhan ng pera.
b. May malubhang nangyari sa kanyang nanay at ito ay
nag-aagaw buhay.
c. Nawawala ang kanyang nanay.
d. May sakit kanyang ate.

11. Nasaksihan ng magkakaibigan ang pagpapasinaya ng bagong palaruan.


Ano ang kasingkahulugan ng may salungguhit na salita?
a. nabalitaan c. napanood
b. nalaman d. napansin
12. Kahit madungis ang pulubi ay hindi ito pinagtatawanan ng mga bata. Ano
ang kasalungat ng salitang madungis?
a. madumi c. makalat
b. malinis d. maputi

13. Ang mga pares na salitang maaruga-maalaga ay halimbawa ng


____________.
a. Magkasingkahulugan c. pangngalan
b. Magkasalungat d. pangungusap
14. Masarap-malinamam: Ito ay pares ng salitang ________________.
a. Magkasingkahulugan c. pangngalan
b. Magkasalungat d. pangungusap
15. (Masangsang) ang amoy ng estero. Ano ang kasalungat ng nasa loob ng
panaklong?
a. matipid c. mabaho
b. malakas d. mabango
16. Masyadong malakas ang pagkasampal sa mukha kaya ang lakas ng iyak.
Ano ang kasalungat ng salitang may salungguhit?
a. matipuno c. mayaman
b. mabilis d. mahina
17. Siya ay kaakit—akit na dalaga. Ano ang kasingkahulugan ng kaakit-akit?
a. maganda c. masipag
b. gusgusin d. pangit
18. Ang bagyong Ulysses ay isang malakas na bagyo at naging dahilan ng
pagkakitil ng maraming buhay. Ano ang kasalungat ng malakas?
a. malakas b. mahina
b. katamtaman d. mapurol
19. Ang mga sumusunod na mga pares ng salita ay magkasingkahulugan
maliban sa isa.
a. malawak-maluwang c. batugan-tamad
b. malaki-pandak d. maliwanag-madilim
20. Alin sa mga sumusunod na pares ng mga salita ang hindi halimbawa ng
magkasalungat na salita?
a. malungkot-masaya c. mainagy-payapa
b. maganda-marilag d. maputi-maitim
MGA SAGOT

1. D
2. D
3. A
4. D
5. A
6. B
7. A
8. C
9. A
10. B
11. C
12. B
13. A
14. A
15. D
16. D
17. A
18. B
19. D
20. B
FILIPINO 3 Q2 PERFORMANCE TASK # 1

Gumuhit ng paborito mong pasyalan. Sumulat ng tatlong (3) pares ng


mga salita na magkasingkahulugan at dalawang (2) pares ng mga salita na
magkasalungat tungkol sa iyong iginuhit.

Halimbawa: Sa Parke
Magkasingkahulugan Magkasalungat
maganda-maaliwalas bata-matanda

RUBRICS
10- Malinis, kaaya-aya ang iginuhit at tama ang lahat ng isinulat.

8- May kaunting dumi ang iginuhit ngunit tama ang lahat ng isinulat.

6- Madumi ang iginugit at isa hanggang dalawang kamalian sa isinulat.

4- Madumi ang iginugit at tatlo o higit pang kamalian sa isinulat.


2- Hindi nagawa o natapos ang gawain.

You might also like