You are on page 1of 38

Aralin 11

Kapuwa ko Pilipino,
Kaagapay ko sa Pag-
asenso

Maria Ruby De Vera Cas


Pasong Buaya II E/S
Imus City, Cavite
1 Layunin
Nasasagot ang mga tanong na
bakit at paano sa napakinggang
teksto
Nasusunod ang napakinggang
panuto ng isang gawain
Pagbabaybay
Unang Pagsusulit
Paghawan ng Balakid

Tuklasin Mo

Naririto ang ilang salita mula sa kuwentong “Laki


sa Hirap”. Bago natin pag-usapan ang kuwentong
ito, alamin muna natin ang kahulugan ng bawat
salita sa pamamagitan ng pag-unawa kung paano
ito ginamit sa pangungusap. Isulat ang sagot sa
kuwaderno.
1. Masarap ang pagkain sa hapag-kainan kaya
dinumog agad ito ng mga bata at naubusan
naman ang ibang hindi agad nakapunta sa
mesa.
2. Mahirap at salat sa pera sina James, kaya
naman naisipan niyang mag-ipon mula sa
kaniyang baon upang magkaroon ng puhunan
para sa kaniyang pagtitinda ng malamig na
inumin tuwing araw na walang pasok sa
paaralan.
Ano ang ibig sabihin ng
salat? Hapag-kainan?
Puhunan? Dinumog?
Gamitin ito sa
pangungusap.
Bakit ka pumapasok sa
paaralan?
Ano ang ginagawa ninyo
tuwing bakasyon?
Sino ang nakaranas na
magtinda tuwing Sabado o
Linggo o tuwing bakasyon?
Bakit ninyo ito ginagawa?
Pagganyak na Tanong

Ano ang ginawa ng mag-


anak upang makaraos sa
suliraning kanilang
nararanasan?
Gawin Natin
Bakit “Laki sa Hirap”
ang pamagat ng
kuwento?
Pagbasa ng Kuwento

LAKI SA HIRAP
ni Luis Gatmaitan
LG & M
GUSTO KONG MAGREKLAMO
sa aking Tatay. Kasi’y mula
ng pagkabata, kulang na ako
sa maraming bagay sa buhay:
magandang damit, masarap
na pagkain, at maayos na
bahay.
Iyong mga damit namin,
panay luma. Karamihan
dito’y bigay ng mga kamag-
anak o kapitbahay na naaawa
sa amin.
“Pangmayaman lng ‘yung
pumipili pa ng damit,” paalala ni
Nanay.
Sa pagkain, salat din kami.
Kung hindi gulay puro isda
naman. Biro ko kay Nanay,
“tutubuan na kami ng kaliskis sa
kakakain ng isda!”
“Anak, pinagkakasya lang
natin ang suweldo ng inyong
Tatay,” pagpapaunawa ni Nanay. “
At saka, masustansiya naman ang
gulay at isda! Aba, ‘yan ang
kinakain ngayon ng mayayaman!”
Ang dami rin naming
magkakapatid. Nandiyan sina
Dodong, Jeng-jeng, Klang-klang,
at Boom-Boom. Lumalaki ang
aming pamilya. Pero hindi
naman nadadagdagan ang
suweldo ni Tatay. Kakunti na
nga ang pagkain, marami pa
kaming naghahati-hati sa
kakainin.
“Laging nagsasakripisyo ang
panganay, “ paalala ni Tatay.
Gusto ko sanang isagot, “
Bakit po kasi kayo nag-anak ng
marami?” Pero hindi na lang ako
kumibo. Madalas, nahihiya akong
pumasok sa eskuwelahan. Sino
bang matutuwa sa kupasing
uniporme, lumang sapatos na
halos mabutas na ang suwelas, at
pinaglumaang bag?
Lagi akong nagkukubli
kapag kakain ng baong pang-
tanghalian.
Hindi ko maipagmalaki
ang baon ko: kung hindi
nilagang itlog ay tuyo, o
galunggong, o talong. Sa
ulam pa lang, kitang-kita na
ang pagkakaiba ng mayaman
sa gaya kong mahirap.
“Uy Millet, nandiyan ka
pala! Halika, sabay tayong
kumain. Hati tayo sa ulam
ko. Hati rin tayo sa ulam mo,”
bati ng isa kong kaklase.
“Uy Millet, nandiyan ka
pala! Halika, sabay tayong
kumain. Hati tayo sa ulam
ko. Hati rin tayo sa ulam mo,”
bati ng isa kong kaklase.
A, kay hirap maging
mahirap. Pilit naming
pinagkakasya ang lahat. Ang
pagkain namin sa araw-
araw ay halos hindi
sumasapat.
Dumating man ang pasko
o bertdey, hindi uso ang
bagong sapatos at damit.
Hanggang tingin na lang ako
sa mga bagay na gusto ko.
Paano kaya kami
makakaahon sa buhay na
mahirap?
Isang gabi, nilagnat ng
mataas si Tatay. Matindi ang
kanyang ubo. Ilang araw
siyang hindi nakapamasada
sa traysikel. Simula noon,
hindi na ako nakakita ng isda
sa aming hapag. Puro gulay
na lang. Naging mas
malabnaw rin ang gatas na
dinedede ni Baby. Wala na
kaming baong pera. Wala na
akong maipambili ng project
sa eskuwelahan.
“Kailangan kasi tayong
bumili ng gamot para kay
Tatay,” paliwanag ko sa aking
mga kapatid.
Tumagal pa ng ilang araw
ang sakit ni Tatay. Lalong
nabawasan ang inihahandang
pagkain ni Nanay. Hindi na rin
kami nakakapasok sa
eskuwelahan kasi’y wala na
kaming baon. Nang gabing
‘yun, narinig kong nag-uusap
sina Tatay at Nanay.
“Pahintuin muna kaya natin sa pag-aaral si Millet?’
sabi ni Nanay.
“Naku, huwag na huwag! Ipangutang mo muna para
may pambaon”,” sagot ni Tatay. “Hindi siya dapat
huminto ng pag-aaral. Hindi siya dapat magaya sa atin.
“ Matatag ang tinig ni Tatay.
“Pero marami na tayong utang…” Tutol ni Nanay.
“Basta’t gawan mo ng paraan. Dadagdagan ko pa
ang aking sipag ‘pag gumaling ako. Hindi tayo
maghihirap nang ganito kung nakatapos tayo ng pag-
aaral…”
A, kaya pala pilit nila
akong iginagapang sa pag-
aaral. Kaya pala sobrang
pagtitipid ang ginagawa nila
sa araw-araw. May pangarap
sila para sa akin. Gusto rin
nilang umunlad ang aming
buhay.
Hindi ko pala dapat
ikahiya ang aming kahirapan.
Ang mahalaga, may
pagkakataon akong
makaahon sa buhay-mahirap.
Kinabukasan, tinipon ko
ang aking mga kapatid.
Sinabi ko sa kanilang
kailangan naming tulungan
sina Tatay at Nanay para
hindi kami mahinto ng pag-
aaral. Kung namamasada si
Tatay at naglalabada si
Nanay, kami naman ay
nagtitinda ng Banana Q,
turon at samalamig, doon
mismo sa harap ng aming
munting bahay.
Marunong na akong
magluto kasi ako lagi ang
nakaalalay kina Nanay at Lola
sa kusina.
“Sige, Ate, tulong-tulong
tayo!” hiyaw ng mga kapatid
ko.
“Ako ang tagabalat ng
saging!”prisinta ni Klang-
Klang.
“Ako naman ang
magduduro ng saging sa stik!”
ani Dodong.
“At ako ang magpiprito ng
turon at banana-Q mga apo,”
sabad ni Lola na nakikinig pala
Binasag ko ang aking alkansiyang baboy.
Binilang ko ang lahat ng mga perang naipon at
napamaskuhan ko. Kulang ng konti sa limang
daang piso! Puwede nang puhunan para makabili
ng ilang piling na saging, mantika, at asukal na
pula.
Nagulat sina Nanay at
Tatay nang makitang may
nakalagay na isang mesa at
isang lumang payong sa
harap ng aming bahay.
Dinumog ng mga
kapitbahay ang aming mga
paninda. Lalo akong
sinipag.
Pagkatapos bawasin ng
puhunan, binigyan ko ang
pambaon sina Dodong,
Jeng-jeng, at Klang-Klang.
At nakapagbigay pa kami
ng konting pera kay Nanay.
“Bukas ulit, Ate, magtinda
tayo ng banana Q,” hiyaw ni
Klang-Klang.
“Dagdagan pa natin ng
kamote-Q,” susog ni Dodong.
Sumabad si Nanay,
“Papayagan ko kayong
magtinda sa hapon basta’t
ipangako n’yong hindi n’yo
pababayaan ang pag-aaral.
Sunod-sunod na tango ang
sagot naming magkakapatid.
Nabalitaan ng mga guro ko
na nagtitinda kami ng banana-
Q, kaya pati sila ay regular nang
unoorder sa amin. Minsan nga,
ginawa pa akong halimbawa ni
Ma’am Tessie Arenas sa klase.
“Itong si Millet, dapat nating
pamarisan….”
Sabi ni Ma’am, hindi
puwedeng asahan ang lotto o mga
game shows sa TV para umunlad
ang aming buhay. Hindi maaaring
puro “abilidad” lang. Kailangang
may pundasyon. At mas may
laban daw sa buhay kung
nakatapos ng pag-aaral. Laki ako
sa hirap. Pero alam kong isang
araw , mas bubuti ang lagay ng
aming buhay.
Ang sabi, “Hindi
kasalanang ipinanganak
na mahirap. Pero
malaking kasalanan kung
mamatay nang mahirap.
Kaya heto estudyante
ako sa umaga, tapos
tindera naman sa hapon.
At hinding-hindi ko
ikinahihiya ‘yun.
Sa ngayon, kailangang
magtiis ang aming buong
pamilya. Sulsihan ang mga
lumang damit. Magkasya sa
bahay na maliit. Magtipid
at mag-impok. Huwag
magsimula ng kahit anong
bisyo. Magtiyagang mag-
aral hanggang sa
makatapos. Magkaroon ng
disenteng hanapbuhay sa
hinaharap. At makatulong
din kagaya kong dumadaan
sa hirap.
Nangako rin si Tatay na
bunso na si Boom-Boom.
Hindi na siya masusundan
ng isa pang kapatid.
“Pupunta kami ng Nanay mo
sa health center at
magtatanong kami tungkol
sa family planning.”
Hindi nagtagal at muling
nagbalik ang lakas ni Tatay.
Bukod sa pamamasada,
sinimulan na rin niya ang
isang maliit na talyer sa
aming bakuran. Si Nanay
naman, nagsimulang
magluto ng all-year round
na bibingka at puto-
bungbong katabi ng aming
banana –Q. Sosyo sila ni
Lola.
Ang buhay daw, sabi ni
Lola, ay parang gulong.
Minsan, ito’y nasailalim,
minsa’y nasa ibabaw. Sa
ngayon, nasa ilalim ang
gulong namin. Pero sa
tulong ng aking mga
magulang, na nangakong
igagapang akong
makapagtapos ng pag-aaral,
alam kong pasasaan ba’t
gugulong din ito…nang
paibabaw.
Tama ba ang hula mo na ibinigay
ninyo?

Ano ang ginawa ng mag-anak


upang makaraos sa suliraning
kanilang nararanasan?
Pangkatang
Gawain

Pangkat I- Gumawa ng name tag ng mga


tauhan sa kuwentong napakinggan
Pangkat II – Ilista ang mga suliranin ng
bida sa kuwento
Pangkat III – Isadula ang ginawa ng bida sa
kuwento
Pangkat IV – Iguhit ang nangyari sa bida ng
kuwento
Pagtatapos

Ano naging
damdamin mo
matapos
mapakinggan ang
kuwento?

You might also like