You are on page 1of 9

LEARNING PLAN SA MUSIKA 5

(UNANG MARKAHAN)
Paaralan Sitio Mata Elementary School Baitang Lima
LEARNING Guro Maria Shiela L. Lozada Asignatura Musika
PLAN Petsa Marso 12, 2021 Markahan Unang Markahan
Oras 40 minuto Bilang ng Araw Isang Araw

I. LAYUNIN Sa araling ito ang mga mag-aaral ay inaasahang:


 Makilala ang tamang duration ng notes at
rest sa palakumpasang 4
4
 Makapagpapangkat-pangkat ng notes at
rests batay sa palakumpasang 4 gamit ang
barline 4
 Makakumpas ng isang awitin.
A. Pamantayang Pangnilalaman Nakikilala ang musical symbols at magpakita ng
pang-unawa sa konsepto na nauukol sa ritmo.
B. Pamantayan sa Pagganap Gumaganap bilang conductor sa simpleng
palakumpasan
1. choral
C. Pinakamahalagang Kasanayan sa Nakikilala ang tamang duration ng notes at rests
Pagkatuto (MELC) (Kung mayroon, isulat sa palakumpasang 4 (MU5RH-Ic-e-3)
ang pinakamahalagang kasanayan sa 4
pagkatuto o MELC Nakapagpapangkat-pangkat ng mga notes at rests
batay sa palakumpasang 4 gamit ang barline
4
Nakakukumpas ng isang awitin.
D. Pagpapaganang Kasanayan
(Kung mayroon, isulat ang pagpapaganang
kasanayan.)
NILALAMAN Pagkilala sa Duration ng Notes at Rests sa
Palakumpasang 4
4
II. KAGAMITAN PANTURO
A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa Gabay ng Guro Teachers Guide, MELC-MU5RH-Ic-e-3 (p. 254),
Pivot 4A BOW MAPEH Music 5 (p. 242),
Curriculum Guide MAPEH Music 5 (p. 28)
b. Mga Pahina sa Kagamitang
PIVOT SLM MAPEH Music 5 (p. 29 & 32)
Pangmag-aaral
c. Mga Pahina sa Teksbuk Halinang Umawit at Gumuhit 5 (p. 17, 20, 21)
d. Karagdagang Kagamitan mula sa
Portal ng Learning Resource
B. Listahan ng mga Kagamitang Panturo Powerpoint presentation, staff, audio, speaker,
para sa mga Gawain sa Pagpapaunlad at cellphone, TV, tarpapel, larawan, activity card,
Pakikipagpalihan rubrics
III. PAMAMARAAN
Panalangin
 Ang guro ay tatawag ng isang mag-aaral
upang pangunahan ang panalangin para sa
lahat.

Kumustahan
 Ang guro ay kakamustahin ang mga mag-
aaral ayon sa kanilang nararamdaman
ngayong araw.

 Ipapaawit ng guro ang Awiting “Mag-aral ng


Musika” sa tonong “Mary had a Little Lamb”
sa mag-aaral.

 Pagkatapos awitin ipapaalala ng guro ang


mga pamantayan habang nagtatalakay ang
guro.
 Babanggitin din ng guro na ang Musika ay
para ding:
 Math – dahil may numerator at
denominator at mga bilang.
 Science – dahil merong beat o pulso.
 ESP – dahil pinahahalagahan.

Balik Aral
 Ang guro ay tatawag ng mag-aaral na
pipidot sa piano na nasa cellphone ng sofa
silaba na babanggitin niya at sasagutin
kung anong note or rest ang lalabas sa
screen at ilang bilang ng kumpas ang
katumbas nito. Kapag tama ang sagot
papalakpak ng apat ang mag-aaral at
sisigaw ng “Correct ka dyan” na nakaturo
ang panurong daliri sa sumagot at kung
mali naman ay papalakpak ng apat ang
mag-aaral at sisigaw ng “Eng” at gagawin
ang ekis gamit ang kamay.
Mi -

Re-

Sol-

Do-

Introduction (Panimula) Pagganyak


Balikan muli ang awiting “Mag-aral ng Musika”.
Muli itong aawitin ngunit ang mga mag-aaral ay
may kanya-kanyang gagawin kapag ito ay
sinimulan ng awitin.

 Row 1 – Kakanta
 Row 2 – Papalakpak
 Row 3 – Papadyak

Tanong:
1. Ano-anong notes ang ginamit sa awitin?
2. Habang pumapalakpak o pumapadyak kayo
Row 2 at Row 3 ilang bilang ang inyong
nabigkas?
Pangganyak na Tanong:
 Ano ang gamit ng Note at Rest sa isang
awitin?
 Paano malalaman ang bilis o bagal ng Note
at Rest?

Development (Pagpapaunlad) Ang guro ay magpaparinig ng kunting bahagi ng


isang awitin. Magtatanong ang guro kung ano ang
pamagat ng kanta?

Ang guro ay magdidikit ng musical score ng kanta


na kanyang pinarinig sa mag-aaral.

Mga Gabay na Tanong:

1.

Engagement (Pagpapalihan) Pangkatang Gawain:


Ang mga mag-aaral ay hahatiin sa tatlong
pangkat. Ang bawat pangkat ay pipili ng magiging
lider na siyang mamumuno sa gawain. Ang lider
ang hahawak ng envelop at magbabasa ng
kanilang gawain.

Mga Pamatayan sa Pangkatang Gawain:

1. Pumunta sa lugar na ibinigay ng guro para sa


paggagawaan ng inyong gawain.
2. Gawin ng tahimik at maayos ang gawain na
nakaatang sa inyong pangkat.
3. Ang kooperasyon ng bawat miyembro ng
pangkat ay kinakailangan.

Pangkat 1: IGUHIT MO!

Panuto: Gumuhit ng Note at Rest sa bawat measure na


naaayon sa palakumpasan na makikita sa staff.

Pangkat 2: PANGKATIN MO!

Panuto: Pangkatin ang mga Notes at Rests ayon sa


palakumpasan na makikita sa staff gamit ang barline.

Pangkat 3: AWITIN MO! KUKUMPAS AKO!

Panuto: Pipili ng isang miyembro na kukumpas. At


ang matitirang miyembro ang magiging choir na
awit na unang verse ng kantang “Ikaw” ni Yheng
Constantino.
Kapag natapos na kayong magsanay ay
pumalakpak ng apat at sumigaw ng Quarter Note.

Ikaw
Yeng Constantino

Sa pagpatak ng bawat oras ay ikaw


Ang iniisip-isip ko
Hindi ko mahinto, pintig ng puso
Ikaw ang pinangarap-ngarap ko
Simula nang matanto
Na balang araw, iibig ang puso
Note: Nasa tono ka man o hindi kapag kumanta
ang mahalaga inaawit mo ito ng mula sa iyong
puso.

Pagkatapos gawin ang pangkatang gawain ay


ipapakita ng bawat pangkat ang kanilang ginawa
at pagkatapos nito ay bibigyan ng score ang bawat
pangkat gamit ang Pamantayan sa Pangkatang
Gawain.

Mga Tanong:

1. Ano ang ginawa ng pangkat isa?


2. Nakasunod ba sila sa mga panuto na pinagawa
sa kanila ng kanilang leader?
3. Ano-ano ang nabanggit sa inawit ng pangkat
dalawa?
4. Ano ang panutong pinagawa ng guro bago siya
magsimula sa kanyang pagtatalakay?
5. Bakit mahalaga ang pagsunod sa panuto?

Paglalahat
1. Ano ang kahulugan ng panuto?
2. Ano-ano ang mga salitang maaaring gamitin sa
panuto?

Assimilation (Paglalapat) Paglalapat


Panuto: Sundin ang panutong nakasulat sa ibaba.

1. Kumuha ng ballpen at papel.


2. Isulat ang iyong pangalan sa itaas na kaliwang
bahagi ng papel.
3. Sulatan ng bilang isa hanggang lima pababa.
4. Sagutin ang katanungan sa susunod na
ipapakita ng guro.
Pagtataya
Panuto: Basahin at unawain. Piliin ang letra ng
tamang sagot.

1. Gumuhit ng bilog sa loob ng parisukat. Alin ang


tamang larawan?

A. B. C.

2. Alin ang panuto na dapat sundin kapag nasa


loob ng silid-aklatan?

A. Makipag-usap sa katabi.
B. Kumuha ng maraming aklat.
C. Magbasa ng tahimik.

3. Tumingin sa ilaw trapiko bago tumawid ng daan.


Saang lugar sinusunod ang panutong ito?
A. Simbahan
B. Paaralan
C. Kalsada

4. Nagsasalita ang guro at nagtuturo. Ano ang


tamang gawin ng mga mag-aaral?

A. Kumain ng baon.
B. Maupo at makinig nang mabuti.
C. Magtanong sa katabi.

5. Gumuhit ng araw at ulap. Alin ang tamang


larawan?

A. B.

C.
Takdang Aralin

Humanap, magresearch ng kanta na may


palakumpasang 4 . Pag-aralan ang kanta at
4
pagkumpas nito. Ipapakita ito sa susunod na klase
sa Musika.

Pagninilay Sasagutin ng mag-aaral ang sumusunod na


tanong. Isusulat sa kanilang papel o kwaderno ang
kanilang sagot.

Saang bahagi ng aralin mo napansin ang


asignaturang Math at ano ang tinutukoy nito:
_____________________________________

Saang bahagi ng aralin mo napansin ang


asignaturang Science at ano ang tinutukoy nito:
______________________________________

Saang bahagi ng aralin mo napansin ang


asignaturang ESP at ano ang tinutukoy nito:

_______________________________________

Inihanda ni:

MARIA SHIELA L. LOZADA


Guro

Binigyang Pansin:

RENE N. CONCEPCION
Head Teacher III

MICHELLE A. FUENTES
Master Teacher I

You might also like