You are on page 1of 8

Bisbis

Pahayagang patungkol sa mga katutubo mula sa patnugot ni Isabelo delos


Reyes na naglabas lamang ng ilang isyu. -Pahayagang laan para sa mga
kababaihan. Mga lingguhang pahayagan na maiksing panahon lamang
naglathala ng mga isyu. Bukod sa na muling naglathala, may mga bagong
pamahayagan din ang umusbong tulad ng El Ejercito de Filipinas, El Consultor
del Profesorado, Madrid-Manila, Toda en Broma, El Foro Administrativo, La
Pavera,Periodico Festivo, La Puya (naglathala ng may kaugnayasn sa
Pilipinas) , Los Miercoles (naglathala ng isang isyu lamang) , Revista Mercantil
de Filipinas, Polichinela (naglathala lingguhang isyu) and the Boletin de la
Companiia de Explotacion y Colonizacion de La Isla de Paragua. 

 Apostolado de la Prensa, naklathala sa Tagalog. El Heraldo Militar, sumunod ay


lingguhng pahayagang tinawag na El Ejercito de Filipinas. Manila-Santander,
Boletin Oficial Agricola El Consultor de Municipios, Manalilla-Sport (buwanan),
La Legislacion (dalawanng beses kada buwan maglabas ng isyu at ukol sa
pahalan at korte ang nilalaman), El Municipio Filipino (patnugot- Isabelo de los
Reyes) at Apostolado de La Prensa.(itinayo ng mga prayle para sa mga
pangrelihiyong gawainsa wikang Tagalog) El Album Militar (itinayo ng sundalong
opisyal). El Cinfe and Sorpresas- Chicago ay dalawang komiks na itinayo ngunit
nawala rin ng sumunod na taon. El Espafiol na naglathala hanggang 1898.

 Boletin del MuseoBiblioteca sa patnugot ni Pedro A. Paterno na bumalik mula


Espanya. Boletin Oficial del Ministerio Filipino, na nakatuon sa edukasyon at
mga propesyon ang nilalaman. La Exposition, La Campana, La Mosca at La Vida
Industrial de Filipinas na itinayo ni Jose Martin Martinez Kauna-unahang
rebolusyonaryong pahayagan ng Kataastaasang Kagalang- galangang
Katipunan ng mga Anak ng Bayan. Na itinayo noong ika- 18 ng Enero, 1896
Naglalayon itong ipahayag sa lahat ang kasamaan at kasakiman ng mga prayle
at mga kastilang opisyal upng makapag-organisa ng isang rebolusyon.
Nakalathala rin sa mga artikulo ng pahayagan ang ilang ebedensya upang
makahikayat nang mambabasa. 

  Itinuturing itong isa sa pinakamahalagang pahayagan sa Kasaysaynng Pilipinas.


Iba pang mga pahayagang nalathala sa taong ito ay The Boletin de Estadistica
de la Ciudad de Manila sa patnugot ni Padre Faura at iba pang mga paring
Heswita bilang opisyal na publikasyon at nagtagal hanggang 1902 na di
kalaunan ay naging wikang Ingles ang ginamit, El Correo, El Cosmopolita na
naglathala ng dalawang kopya kada buwan sa loob ng anim sa buwan lamang at
El Noticiero de Manila bilang pahayagang pang-hapon. La Hoja Dominical,
itinayo naman ng mga paring Dominikano. Lumabas din ang mga pahayagang
Tagalog tulad Ang Pliegong Tagalog na itinayo ni Juan Atayde na ayon sa kanya
ay marapat lamang na magkaroon ng pahayagang nakalathala sa wikang ito at
hindi puro sa Kastila na lang.

 Ang La Independencia ay itinayo ni Henenal Antonio Luna sa tulong ng kanyang


kapatid na si Joaquin noong September 3, 1898 . Isa ito sa pinaka-importanteng
pahayagan sa panahon ng rebolusyon. Iba pang mahahalagang pahayagan ng
taong ito ay ang La Libertad na itinayo noong ika-20 ng Hunyo sa patnugot ni
Clemente Jose Zulueta. The Newspaper La Republica Filipina na itinayo sa
Mandaluyong, Rizal noong ika-15 ng Setyembre sa patnugot ni Pedro A. Paterno
at di kalaunan noong opisyal na pahayagan ng pamahalaan noong 1901 ng
sumulat si General Douglas Mac Arthur bilang Sekretaryo ng Digmaan ng mga
panahong ito. Ika-29 ng Setyembre 1898 - inilathala sa Malolos Bulacan sa
unang pagkakataon ang El Heraldo de la Revolicion Filipina. Ito ay naging
opisyal na publikasyong pahayagan sa panahong may rebolusyon sina Heneral
Emilio Aguinaldo. Ika-29 ng Disyembre 1898 - inilathala sa Jaro Iloilo na
naglalayong ipaglaban ang mga karapatan ng Pilipino.

 Ika-24 ng Marso, 1899 – ang Columnas Volantes ay inilathala sa Lipa, Batngas.


Ito ay naglalaman ng mga artikulo ukol sa pulitika at mga sandathang lakas. Ito
ay binuo ng mga propesyunal na nabibilang sa samahang Club Democratico
Independiente. Noong Nobyembre 18, 1899 - ang mga pahayagang , Filipinas
Ante Europa at El Defensor de Filipinas, ay inilathala sa Barcelona Espanya sa
patnugot ni Isabelo de los Reyes. Inilathala rin ang kauna-unahang pahayagang
Amerikano kung saan inihahayag ang pagkapanalo ni Heneral Dewey at
pagsaugpo niya sa pwersang Amerikano sa Manila Bay. Ito binubuo ng apat na
pahina at may habang labindalawang pulgada at walong pulgada na lapad.
Mabibili ito sa halagang 25 sentimong ginto kada sipi at ito’y naglatha at gumawa
ng maraming kopya bilang alaala na rin sa nasabing tagumpay. Ang unang
pangaraw-araw na pahayagan sa panahong mga Amerikano na ang
namamahala sa bansa. Una itong isinaayos noong ika-11 ng Oktubre 1898
ngunit 1899 na maging istablisado sa patnugot ni Thomas Cowan at
negosyanteng si George Sellner.

 EL GRITO DEL PUEBLO (Ang Sigaw/Tinig ng Bayan) itinatag ni Pascual Poblete


noong 1900 EL RENACIMIENTO (Muling Pagsilang) itinatag ni Rafael Palma
noong 1900 Isa rin sa mga pangaraw-araw na pahayagan noong 1900 na
tinatangkilik natin magpahanggang ngayon. Kahulugan nito’y ANG BAGONG
ARAW na itinatag rin ni Sergio Osmeña noong 1900.
 Sa panahong ito, tatlong pahayagan lamang ang umiral. Ito ay ang The Daily
Tribune, Manila Bulletin at Daily Herald. Nabuo rin ang TVT o mas kilala bilang
Taliba-La Vanguardia-Tribune at DMHM o bilang Debate-Mabuhay-Herald-
Monday Mail kasabay ng patuloy na pagusbong na rin ng Magasin at Komiks na
Liwayway na lumutang bago pa man manakop ang mga Hapon sa bansa.

 Lumabas ang Magasin na Yank, Daily Pacifican, The Stars and Stripes at
pinaikling edisyon ng Times at Newsweek.

 Nanalo si Manuel Roxas bilang pangulo noong Abril 1946. Ang natalong dating
pangulo ng Commonwealth na si Sergio Osmena ay nagtatag ng Morning sun.
•Nagtatag naman si Mauel Roxas ng Daily News at Balita bilang pahayagan ng
partidong Liberal •Ang Manila Times na dating lingguhan ang paglathala ay
naging tabloid noong ika-27 ng Mayo, 1945.

Naibangon naman muli ni Joaquin P. Roces ang The Times. Nagpatuloy naman ang
paglalathala ng mga pahayagang pangaraw-araw sa wikang Ingles tulad ng Business
World, Malaya, Manila Bulletin, Manila Standard Today, Philippine Daily Inquirer,
Philippine Star, The Daily Tribune at Manila Times. •Gayundin ang mga tabloid na abot-
kaya ng masa tulad ng Abante, Balita, Bulgar, People’s Journal, People’s Taliba,
Tempo, Pilipino Star Ngayon at Saksi Ngayon.

 Ang Pagsisimula ng College Editors Guild of the Philippines (1931-1945) Bahagi


ng pang-araw-araw na pamumuhay ng mga tao ang pamamahayag. Mula
paggising sa umaga, hanggang bago tuluyang magpahinga sa gabi, mga balita
sa radyo, telebisyon, at pahayagan ang kaulayaw ng paningi't pandinig ng mga
mamamayan. Napakalawak nang naaabot ng kapangyarihan ng midya sa buhay,
mapaindibidwal o ng buong sambayanan. May kakayahan itong makapagbigay
ng impormasyon, makapang-impluwensya ng pananaw o makapagmulat,
makapagpakilos at makapagpalaya. Isang demokratikong karapatan ang
makapagpahayag sa garantiya ng Saligang Batas ng mamamayan. Ang College
Editors Guild of the Philippines (CEGP) ay itinuturing na pangunahing
institusyong nagtataguyod ng karapatan sa pamamahayag pangkampus. Sa loob
ng mahabang pitumpu't limang taon, nagkaroon ng mahalagang papel ang
organisasyon sa kasaysayan ng pamamahayag, ng kilusang kabataan, at ng
lipunang Pilipino. Sa pag-aaral na ito, sisipatin ang pagsilang ng CEGP sa gitna
ng mga pampulitika at panlipunang isyu sa panahon ng pananako p ng Estados
Unidos noong 1931, ang mabilis na pag-unlad bilang isang organisasyon,
hanggang sa pagsasara nito noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

 Sa pagdiriwang ng ika-80 taon ng College Editors Guild of the Philippines


(CEGP), mahalagang balikan ang kasaysayan nito upang paghalawan ng
insipirasyon at aral. Ang paggunita sa nakaraan ay pagtingin din nang
pagsulong. Itinatag ang College Editors Guild (CEGP) noong Hulyo 25, 1931,
mismong kaarawan ni Ernesto Rodriguez Jr., punong patnugot ng National,
publikasyon ng National University. Kabilang ang mga pahayagang pangkampus
Philippine Collegian (UP Diliman), Varsitarian (University of Santo Tomas) at
Guidon (Ateneo de Manila University), layunin nitong pagkaisahin ang lahat ng
manunulat pangkampus at linangin ang kanilang kakayahan sa pamamahayag.
Nahalal na unang tagapangulo si Wenceslao Vinzons, punong patnugot ng
Philippine Collegian. 

 Tradisyonal na organisasyon ang CEG noon. Eksklusibo ang kasapian sa mga


patnugutan ng mga publikasyon. Abala ito sa mga journalism trainings,
intercollegiate pageants, relief operations sa mga nasalanta ng kalamidad.
Gayunman, sa maagang bahagi pa lamang ng kasaysayan, makikita na ang
potensyal na papel nito sa lipunan. Noong Disyembre 9, 1932, sa pangunguna ni
Rodriquez at Vinzons, tinutulan ng mga kabataang manunulat ang panukalang
dagdagan ang sweldo ng mga mambabatas sa mababang kapulungan. Mabilis
na lumawak ang kasapian ng CEG. Kinilala ito bilang isa sa mga
pinakaprestihiyosong organisasyon ng kabataan. Nagsilbi itong tuntungan ng
mga kabataang nagnanais makilala sa larangan ng politika at pamamahayag.
Noong 1941, pansamantalang tumigil ang operasyon ng Guild dulot ng
Ikalawang Gyerang Mundyal. Si Vinzons ay sumapi sa HUKBALAHAP at
namatay na bayani. 

 Nanumbalik ang CEGP pagkatapos ng giyera. Naitala noong 1948 ang pakikiisa
ng Guild sa mga mamamahayag sa mainstream media. Sinuportahan ng
manunulat pangkampus ang strike ng mga empleyado ng Evening News bilang
protesta sa pagpapatalsik kay Cipriano Cid at panawagang kilalanin ang
Philippine Newspapers Guild. Pagsapit ng dekada singkwenta, malaki ang
naging impluwensya ng makabayang ideya ni Claro M. Recto sa maraming
kabataan. Pagsapit ng dekada sisenta, bunsod ng matinding krisis pampolitika at
pang-ekonomiya sa panahon ni Marcos at ng lumalakas na kilusang kabataang
estrudyante, nagkaroon ng malaking puwang ang progresibong ideya sa loob ng
organisasyon.Hindi naging banayad ang transpormasyon ng CEGP mula sa
isang tradisyonal na organisasyon patungo sa pagiging progresibo. Sa
katunayan, naging maigting ang pagtatalo sa hanay ng kasapian. “Mananatili
bang nyutral ang pamamahayag pangkampus sa panahon ng maigting na
paglaban ng mamamayan? Mananatili bang tagapagtala na lamang ng
kasaysayan ang mga manunulat o kailangan nang pumanig at makilahok? Ano
ang papel ng kabataang mamamahayag sa lipunan?” Sa mga katanungang ito
uminog ang debate.
 Naglathala rin ng mga rebolusyonaryong artikulo ang mga publikasyong pang-
estudyante. Unang lumabas ang Lipunan at Rebolusyong Pilipino sa Philippine
Collegian. Nagre-reprint ng mga artikulo mula sa Ang Bayan, opisyal na
pahayagan ng Partido Komunista ng Pilipinas, ang The Bedan (San Beda
College), Guidon, Philippine Collegian, Ang Malaya, at iba pa.

 Pagsapit ng 1970, lalong tumitimbang ang progresibong oryentasyon ng Guild.


Dumaluyong ang kilos protesta sa lansangan. Maraming manunulat pangkampus
ang lumahok ang nagpakilos sa mga malakihang mobilisasyon sa panahon ng
First Quarter Storm. Hindi iilang Guilders ang naging kasapi ng Kabataang
Makabayan. Tumining ang papel ng pamamahayag pangkampus bilang
alternatibong pamamahayag para sa mamamayan. Sa panahon ng paghahari ng
crony press, maraming publikasyong pang-estudyante ang nagpapalaganap ng
katotohanan sa labas ng kani-kanilang pamantasan. 

  Ang kabulukan ng gobyernong Marcos na hindi nababasa sa mainstream ay


isiniwalat ng mga pahayagang pangkampus. Dahil dito, binansagan ni Marcos na
mosquito press ang mga publikasyon. Sa Visayas, inilathala ang mga sulatin ni
Jose Maria Sison, Renato Constantino Sr., Gary Olivar (lider ng Samahan ng
Demokratikong Kabataan) sa Weekly Silimanian (Siliman University), Weekly
Carolinian (University of San Carlos), Sambayanan (Western Institute of
Technology), Quill (Southwestern University) at marami pang iba. Sa
pagkakahalal ni Antonio Tagamolila bilang pambansang tagapangulo noong
1971, buong pagmamalaki niyang ipinahayag, “Ang pagkakapanalo ng mga
progresibo ay magbubunsod ng isang bago, mulat matatag at militanteng
CEGP.” 

 Tuloy-tuloy na ang naging pagkiling ng CEGP sa isyu ng mamamayan. Hindi


lamang isyu ng kalayaan sa pamamahayag ang itinaguyod ng Guild bagkus pati
patriyotiko at demokratikong interes ng malawak na mamamamayan. Kinondena
ang pagpapapain ni Marcos ng mga sundalong Pilipino sa giyera sa Byetnam.
Tinutulan ang pakanang Constitutional Convention ni Marcos. Nilabanan ang
pandarahas sa mga piketlayn at militarisasyon sa kanayunan. Masigla ang
paglulunsad ng teaching o study circles, social investigation at pakikipamuhay sa
mga magsasaka at manggagawa. Sa ganitong konteksto, inangkin ng mga
kasapi ng CEGP ang pakikibaka ng mga aping sector ng lipunan. Nang ipataw
ang Batas Militar, idineklarang ilegal ang CEGP. Naipasara ang halos lahat ng
publikasyon sa kampus. Sa militanteng paglaban ng kabataang estudyante,
nabuksang muli ang Philippine Collegian, Guidon at UPLB Perspective (UP Los
Baños).
 Sumailalim ang mga ito sa pagmamatyag ng militar. Sa panahon ding ito,
nagsulputan ang mga underground student publications sa buong bansa. Naging
tangyag ang pasa- bilis. Palihim na binabasa at pinagpapasa-pasahan ang
limitadong kopya ng mga publikasyong naka-mimeographed. Matapang na
tinuligsa ng mga ito ang lagim ng Batas Militar. Maraming manunulat
pangkampus ang dinampot, ikinulong, tinortyur at pinaslang. Kabilang sa kanila
sina Liliosa Hilao at Ditto Sarmiento. Sa lantarang pasistang paghahari ni
Marcos, marami ring nagtungo sa kanayunan upang lumahok sa armadong
pakikibaka. Ilan sa kanila sina Emmanuel Lacaba (Guidon), Evelyn Pacheco
(Torch, PNU) at Lorena Barros (Advocate, FEU.) Sa ikalawang bahagi ng
dekada sitenta, muling sumigla ang ligal na pakikibakang masa sa pangunguna
ng uring manggagawa. Pumutok ang La Tondeña strike na sinundan ng serye ng
welga, boykot at protestang lansangan. Naging inspirasyon ito sa muling
pagtatatag ng CEGP. Itinayo ang Mendiola Association of College Editors
(MACE) na nagpasimuno ng First Metro Manila Student Press Congress. Sa
sumunod na mga buwan, tumugon din nang buong sigasig ang ibang mga
rehiyon sa buong kapuluan. Naganap ito mula 1977 hanggang mailunsad ang
16th National Congress na dinaluhan ng 125 patnugot mula sa 43 publikasyon
noong Mayo 1981.

 Ang tagumpay ng ito ay bunga ng walang humpay na pag-oorganisa sa hanay


ng manunulat pangkampus. Ibayo ring sumigla ang kilusang kabataang
estudyante. Puspusang itinaguyod ang mga lehitimong kahilingan ng estudyante.
Pinamunuan ng CEGP, kasama ang Youth for National Democracy (YND) at
Alyansa Laban sa Pagtaas ng Matrikula (League of Filipino Students ngayon),
ang kampanya sa pagpapabukas ng mga pahayagang pangkampus at konseho
ng mga mag-aaral at pagtatanggal ng military detachments sa mga kampus.

 Tinaguriang Democratic Reform Movement ang pagkilos na ito. Sa mga punong


lungsod at lalawigan, kumilos ang mahigit sa 200,000 kabataan. Hindi natinag
ang mga estudyante kahit pa karahasan ang isinagot ng gobyerno. Ilang buwang
walang pasok dahil nasa lansangan ang mga estudyante. Napilitan ang
gobyernong harapin ang isyu at kilalanin ang mga lehitimong panawagan ng
kabataan. Dumagundong ang tagumpay na ito sa buong kapuluuan.
Napatunayang sa kolektibong pagkilos at paggigiit ng demokratikong karapatan,
makakamtan ang mga makatarungang kahilingan ng kabataan at mamamayan.
Sa pagkakahalal ni Antonio Tagamolila bilang pambansang tagapangulo noong
1971, buong pagmamalaki niyang ipinahayag, “Ang pagkakapanalo ng mga
progresibo ay magbubunsod ng isang bago, mulat matatag at militanteng
CEGP.” Tuluy-tuloy na ang naging pagkiling ng CEGP sa isyu ng mamamayan.
Hindi lamang isyu ng kalayaan sa pamamahayag ang itinaguyod ng Guild
bagkus pati patriyotiko at demokratikong interes ng malawak na mamamamayan.
Kinondena ang pagpapapain ni Marcos ng mga sundalong Pilipino sa giyera sa
Byetnam. 

 Tinutulan ang pakanang Constitutional Convention ni Marcos. Nilabanan ang


pandarahas sa mga piketlayn at militarisasyon sa kanayunan. Masigla ang
paglulunsad ng teaching o study circles, social investigation at pakikipamuhay sa
mga magsasaka at manggagawa. Sa ganitong konteksto, inangkin ng mga
kasapi ng CEGP ang pakikibaka ng mga aping sector ng lipunan. Nang ipataw
ang Batas Militar, idineklarang ilegal ang CEGP. Naipasara ang halos lahat ng
publikasyon sa kampus. Sa militanteng paglaban ng kabataang estudyante,
nabuksang muli ang Philippine Collegian, Guidon at UPLB Perspective (UP Los
Baños). Sumailalim ang mga ito sa pagmamatyag ng militar. Sa panahon ding
ito, naging tangyag ang pasa-bilis. Palihim na binabasa at pinagpapasa-pasahan
ang limitadong kopya ng mga publikasyong naka-mimeographed. Maraming
manunulat pangkampus ang dinampot, ikinulong, tinortyur at pinaslang. 

 Kabilang sa kanila sina Liliosa Hilao at Ditto Sarmiento. Sa lantarang pasistang


paghahari ni Marcos, marami ring nagtungo sa kanayunan upang lumahok sa
armadong pakikibaka. Ilan sa kanila sina Emmanuel Lacaba (Guidon), Evelyn
Pacheco (Torch, PNU) at Lorena Barros (Advocate, FEU.) Sa ikalawang bahagi
ng dekada sitenta, muling sumigla ang ligal na pakikibakang masa sa
pangunguna ng uring manggagawa. Pumutok ang La Tondeña strike na
sinundan ng serye ng welga, boykot at protestang lansangan. Naging
inspirasyon ito sa muling pagtatatag ng CEGP. Itinayo ang Mendiola Association
of College Editors (MACE) na nagpasimuno ng First Metro Manila Student Press
Congress. Sa sumunod na mga buwan, tumugon din nang buong sigasig ang
ibang mga rehiyon sa buong kapuluan. Naganap ito mula 1977 hanggang
mailunsad ang 16th National Congress na dinaluhan ng 125 patnugot mula sa 43
publikasyon noong Mayo 1981. Ang tagumpay ng ito ay bunga ng pag-oorganisa
sa hanay ng manunulat pangkampus.

 Pinamunuan ng CEGP, kasama ang Youth for National Democracy (YND) at


Alyansa Laban sa Pagtaas ng Matrikula (League of Filipino Students ngayon),
ang kampanya sa pagpapabukas ng mga pahayagang pangkampus at konseho
ng mga mag-aaral at pagtatanggal ng military detachments sa mga kampus.
Tinaguriang Democratic Reform Movement ang pagkilos na ito. Sa mga punong
lungsod at lalawigan, kumilos ang mahigit sa 200,000 kabataan. Hindi natinag
ang mga estudyante kahit pa karahasan ang isinagot ng gobyerno.Ilang buwang
walang pasok dahil nasa lansangan ang mga estudyante. Napilitan ang
gobyernong harapin ang isyu at kilalanin ang mga lehitimong panawagan ng
kabataan. Napatunayang sa kolektibong pagkilos at paggigiit ng demokratikong
karapatan, makakamtan ang mga makatarungang kahilingan ng kabataan at
mamamayan. Mariin ding kinondena ng CEGP ang mga atake sa kalayaan sa
pamamahayag. Ilan dito ay ang pagkakasara ng We Forum at pag-aresto sa
mga mamamahayag nito na karamihan ay alumni ng Guild; ang pag-uusisa ng
National Intelligence Board sa manunulat ng Women; ang pagpapatalsik sa
patnugot ng Tempo na si Recah Trinidad; mga kasong libelo laban kay Domini
Suarez at Ceres Doyo at pag-aresto kay Tony Nieva ng Bulletin Today.

You might also like