You are on page 1of 9

KASAYSAYAN NG PAMAMAHAYAG SA PILIPINAS

Unang Taon (Panahon ng Kastila)


Ang kasaysayan ng pamamahayag sa Pilipinas ay napupunta pabalik sa 16 siglo, sa
parehong panahon sa England at Europa nagsimulang lumaganap ang pahayagan. 1637,
“Father of Filipino Printing” Tomas Pinpin, inilunsad ang unang Philippine Newsletter na tinatawag
na “Successos Felices”. Halos isang dekada bago ang unang aktwal na pahayagan: Del
Superior Goveirno ay inilunsad sa pamamagitan ni Gov. Fernandez del Forgueras noong Agosto
8, 1811.
Disyembre 1, 1846, dumating ang unang pahayagan na tinatawag na “La Esperanza”. Ito
ang nagbigay daan upang lalo pang dumami tulad ng “La Estrella” (1847) at “Diario de Manila”
(1848). 1862, si Mariano Sevilla ay nagtatag ng “El Catolico Filipino”. Ito ang unang relihiyosong
pahayagan. Isa pang una sa kasaysayan ang “El Porvenir Filipino” (1865). Ito ay
pinamumunuan ng dalawang edition dailies. Sinundan naman ito ng “Revista Mercantil”. 1887,
minarkahan ang simula ng isang mas matigas na palagayan ng pahayagan sa Pilipinas. Ito ay
opisyal na sinimulan noong Abril 1, 1887 na may kapanganakana ng “La Opinion”.
Panahon ng mga Amerikano Matapos matalo ang mga Kastila mula sa mga Amerikano,
nagsimula ng lumaganap ang mga Ingles na pahayagan. Ito ay humantong sa pamamagitan ng
Manila Times ng Thomas Gowan na itinatag noong Oktubre 11, 1898. Isa pang pahayang
Amerikano na inisyu ay ang pinakalumang umiiral na pahayagan, Manila Daily Bulletin, na itinatag
sa pamamagitan ng Carson Taylor noong Pebrero 1, 1900.
Panahon ng Rebolusyon Noong Pebrero 9, 1899m inilathala ang La Solidaridad bilang
tagapagbalita ng rebolusyon, na may patakaran sa trabaho nang mapayapa na para sa
panlipunan at ekonomikong reporma, upang ilantad ang tunay na kalagayan ng Pilipinas at sa
kampyon ng liberalismo at demokrasya. Ang mga kawani ng pahayagang ito ay sina Jose Rizal,
Marcelo Del Pilar, Mariano Ponce, Andres Bonifacio, Pio Valenzuela, at Graciano Lopez Jaena.
Ang paglalathal ng pahayagan ay natigil noong Nobyembre 15, 1895.
Panahon ng mga Hapon Sa paglusob ng mga Hapones, ang pinakapahayagan ng
Pilipinas ay tumigil sa pagtatrabaho maliban sa mga ginamit nila para sa kanilang propaganda.
Oktubre 12, 1942, ang Kadena kasama ang Ramon Roces o Liwayway ay pinahihintulutan na
maglathala nang regular sa ilalim ng sesura ng Japanese Imperial Army na nag-imprenta at
namahagi ng mga periodicals na inilipat sa ilalim ng Osaka Mainich Publishing Company na
itinatag sa pamamagitan ng Manila Sinbusya Corporation.
1637
SUCCESOS FELICIES
Nagsimula ang pamamahayag sa Pilipinas sa paglalathala ni Tomas Pinpin, isang
Pilipinong manlilimbag ng Sucesos Felices, isang polyeto (newsletter) sa Maynila. Natutuhan ni
Pinpin ang sining ng paglilimbag buhat sa mga prayle at mga intsik ngunit di niya nailagay kung
kailan ang tiyak na petsa ng unang pagkakalimbag nito at kung gaano kalimit ang paglabas niyon.
Inilathala niya sa Kastila ang pangunahing mga kuwento ukol sa mga tagumpay ng La Naval
laban sa mga Dutch sa Ternate. Nagtagal ito hanggang 1809.
1799
AVISO AL PUBLICO
Isang Hojas Volantes or "flying sheets" ang Aviso Al Publico (Notices to the Public) na
lumitaw noong Pebrero 27, 1799. Sinasabing ang sukat nito ay gaya ng isang malaking kwaderno.
Ito ay tungkol sa kampanya laban sa mga Moslem at pagkabihag ng mga pirata sa Sulu nang
mga hukbong Kastila sa pangunguna ni Jose Gomez.
1811
DEL SUPERIOR GOVIERNO
Ang kauna-unahang pahayagan sa Pilipinas na lumabas ng palagian sa patnugot ni
Governador-Heneral Manuel Fernandez de Folgueras noong Agosto 8, 1811. Siya ang naging
patnugot at naglathala dito ng mga gawain ng Spanish Cortes, pati digmaan ng Espanya at
Pransya. Dahil sa higpit ng sensura ng mga Kastila hinggil sa mga lathalaing nakasisira sa kanila,
ang pahayagang ito ay umiral lamang sa maikling panahon at pagkatapos ng labinlimang labas
ay kusa nang namatay.
1846
LA ESPERANZA
Disyembre 1, 1846 ay kinikilalang unang pahayagang pang-araw-araw maliban lamang
sa araw ng lunes ang La Esperanza sa patnugot nina Felipe Lacorte at Evarisco Calderon.
Malaking bahagi nito ay mga talakayang pampilosopiya, panrelihiyon, at pangkasaysayan.
Tumagal ito ng tatlong taon at nagbukas upang maging pangarawaraw na pahayagan.
1847
LA ESTRELLA
Nahinto na ang publikasyon noong 1849.
1848
DIARIO DE MANILA
Sa patnugot ni Felipe del Pan at tumagal hanggang 1852.
1849
EL INSTRUCTOR FILIPINO at EL DESPERTADOR
Ang El Isntructor Filipino y may lingguhang paglilimbag samantalang araw-araw naman
ang El Despertador na di naglaon ay nagsama’t naging isa, subalit tumagal lamang ng ilang
buwan at araw.
1850
DIARIO DE AVISOS Y NOTICIAS
Ang paglilimbag nito ay tumagal lamang ng ilang buwan at linggo.
1851
EL OBSERVADOR FILIPINO
Hindi man nakatala kung ito ay linguhan o arawan ang paglilimbag ngunit ito ay
nakapaglabas lamang ng ilang isyu at naglaho na.
1852
BOLETIN OFICIAL DE FILIPINAS
Mula sa dating Diario de Manila isinaayos itong muli at pinangalanang Boletin Oficial de
Filipinas. Binigyang oportunidad nito ang kanilang mga sabskrayber na mailathala ang kanilang
patalastas nang hanggang anim na linya lamang. Ito ay tumagal hanggang taong 1860.
1858
EL COMERCIO
Isang pahayagang pang-hapon mula sa patnugot ni Ulpiano Fernandez at kalunan ay
pinamunuan ni Gobernador Heneral Soler y Ovejero.
1859
ILUSTRACION FILIPINA
Unang nailathala noong March 1, 1859 at naglabas ng dalawang beses na isyu kada
buwan. Ito’y tumagal lamang hanggang Disyembre 15, 1860.
1861
GACETA DE MANILA
Mula sa dating Boletin de Oficial ay muling nirebisa ang mga nilalaman ng pahayagang
ito at pinangalang Gaceta de Manila. Ilang opisyal ng pamahalaan ang inobligang magsabskrayb
dito ni Gobernador Henral Blanco. Naglalathala dito ng mga batas militar para sa 8 lalawigan ng
Luzon, mga patalastas ang gobyerno, opisyal na kautusan, mga court orders at iba pang
mahahalagang impormasyon. Ito ay nanatili hanggang Agosto 8, 1895 limang araw bago tayo
sakupin ng mga Amerikano. Dahil sa ito’y namayagpag ng 38 taon at itinuturing na
pinakamatagumpay na pahayagan sa panahon ng mga Kastila.
1862
LA ESPAFIA OCEANICA
Una itong pinangalanan na Revista de Noticias y Anuncios noong 1861 na di kalaunan ay
naging La Espafia Oceanica .
EL CATOLICO FILIPINO
Ito ang tinaguriang kauna-unahang relihiyosong pahayagan mula sa patnugot ni Mariano
Sevilla.
EL PASIG
Pahayagang Kastila na minsay nasasamahan ng mga artikulong Tagalog upang
magbigay edukasyon sa mambabasa. Dalawang beses sa loob ng isang buwan ito kung
maglathala ngunit di rin nagtagal at tuluyang nawala.
1863
LA OCEANA CATOLICO at EL CORREO DE FILIPINAS
1864
BOLETIN DEL EJERCITO
Ito ay pahayagang nakatutok sa mga sandatahang lakas at di gaanong binigyang interes
ng publiko kaya tuluyan rin naglaho.
PANAHON NG HIMAGSIKAN
1865
EL POVENIR FILIPINO
Labindalawang taon (1865-1877) na nakipagsapalaran ang pahagayan na ito na laging
muntik-muntikanan nang bumagsak dahil sa hindi pagkakasundo ng mga patnugot. Naging
babasahin ito ng mga mambabasang tumututok sa linguhang bull fighting na pinangungunahan
ni Lorenzo Sanchez (isang bantog na toreador) na nagsimula noong June 10, 1871.
REVISTA MERCANTIL
Isang linguhang pahayagang pang-komersyo na pinangunahan ni Joaquin de Loyzaga na
di kalaunan ay nakipagsanib sa El Commercio bilang kontributor.
1866
PEVISTA DE ADMINISTRACION
Si Joaquin de Loyzaga rin ang nagpasimula ng pahayagang ito na kung saan lahat ng
patnugot at mga kontributor ay pawang empleyado ng pamahalaan. Sa kanila rin nakapokus ang
interes ng mga artikulo ngunit tumagal lamang ng ilang buwan.
1868
EL DIARIO DE AVISOS
Unang nakapaglathala ng sipi noong Pebrero 1, 1868 at naging huli na noong Oktubre
11, 1869.
1869
EL COMERCIO
Isang pahayagang pang-hapon ang muling binuo ni Joaquin de Loyzaga at Francisco Diaz
Puertas gamit ang kaparehong pangalan (El Comercio) ng pahayagang unang lumabas noong
1858. Kasabay man ng Diario de Manila at El Porvenir, ang El Comercio ang may pinakamatatag
at episyenteng naglathala ng pahayagan sa buong kalupaan sa loob ng 56 taon (1858-1925)
nang may parehong pangalan. Ito ang pinakaprogresibong pahayagan noong panahon ng Kastila
na binili ni Senator Ramon Fernandez at isinamansa La Opinion. Ang unang patnugot nito at si
Joaquin de Loyzaga at nang pumanaw siya, si Francisco Diaz Puertas ang pumalit. Nang siya ay
pumanaw na rin ay si Jose de Loyzaga na anak ni Joaquin de Loyzaga ang naging patnugot.
1874
EL TRAVADOR FILIPINO
Naglathala ng mga tula ng isang beses sa loob ng isang linggo
1875
REVISTA DE FILIPINAS
Linguhang pahayagan na naglalathala ng mga kaalamang may kaugnayan sa agham at
mga literaryong gawain.
EL ORIENTE
Linguhang pahayagan na naglalathala ng ibat’ibang mga rebyu at ilustrasyon.
1876
EL CORREO DE MANILA at BOLETIN ECLESIASTICO DEL ARZOBISPO DE MANILA
1877
LA OCEANIA ESPAÑOLA
Pumalit sa El Povenir at nagpatuloy hanggang 1899.
EL AVISADOR DE MANILA
Nabuo ilang buwan matapos maganap ang Treaty of Paris
LA ILUSTRACION DEL ORIENTE at LA CATALAN
1878
LA LIRA FILIPINA
1879
REVISTA DEL LICEO-ARTISTICO-LITRATO DE MANILA
Naglathala ng linguhan at di naglaon ay naging dalawang beses sa loob ng isang buwan
na may huling isyu noong Disyembre 1881.
1880
DIARIO DE FILIPINAS
Tumagal lamang ng anim na buwan.
1881
LA LINTERNA ECUESTRE
Naglathala ng linguhan ngunit sandaling panahon lamang.
BOLETIN DE AVISOS
Naglathala ng dalawang beses sa loob ng isang linggo ngunit panandalian lamang din.
1882
BOLETIN DE LA REAL SOCIEDAD ECONOMICA FILIPINA DE AMIGOS DEL PAIS
Ito ang pahayagang nakaukol sa Agrikulturang mga sulatin at anunsyo buwan-buwan na
tumagal hanggang 1899.
REVISTA FILIPINA DE CIENCIAS Y ARTES at REVISTA DEL LICEO
Mga pahayagang nagsara rin matapos ng labindalawang isyu dahil sa kakulangan ng
interes nang mga tao sa Sining at Agham.
BOLETIN DE LA LIBRERIA ESPAFIOLA
Naglathala lamang ng ilang isyu at sa pinakahuli ay nakasaad na ang kanilang paghinto
at mga pananalitang "Here we have another demonstration of how few people in the Philippines
read".
PANAHON NG PAGBABAGO
DIARIONG TAGALOG
Ikaapat na pahayagang lumabas sa taong 1882 na may islogang "It is possible to love the
Philippines without hating Spain and to love Spain without hating the Philippines.“ Ito’y tumagal
lamang ng limang buwan at sinasabing hindi ito nakahimok ng malaking bagahdan ng
tagapagtangkilik sa nasabing ideya ng islogan.
EL FORO JURIDICO RE’VISTA DELEGISLACION Y JURISPRUDENCIA
Isa sa pinakaimportanteng pahayagan ay itinayo ni Jose Maria Perez Rubio. Ito ay
nakadisenyo para sa sirkulasyon ng mga abogado at patnubay para sa mga hustisya at
kapayapaan. Ipinasara ito ng Gobernador Heneral noong 1888 dahil umano sa kawalan ng
lisensya sa pamahalaan Matapos ang ilang taong pakikipaglaban sa korte ay muli itong binuksan
noong 1893 sa pangalang CONSULTOR DE LOS JUECES DE PAZ ngunit di naglaon ay nagsara
dahil sa pagkamatay nang nagtayo ng pahayagan.
1884
EL ECO DE VIGAN
Unang pamprobinsyang pahayagan na inilathala sa labas ng Maynila ngunit nahinto rin
sa parehong taon.
LA SEMANA ELEGANTE
Itinayo noong ika-1 ng Marso 1884 ni Pedro Groizard na may panulat-kamay na “Larra”.
Dahil sa mga eksposisyon at negatibong laman lagi ng pahayagan, ito’y nagdulot ng kaguluhan
at may dalawampung linggo bago tuluyang isinara.
EL POVENIR DE VISAYAS at EL ECO DE PANAY
Itinayo sa Iloilo ni Diego Jimenez, isang agresibong manunulat nang pahayang ito na
nagsisiwalat ng ibat’ibang katiwalian na naging dahilan upang magkaroon siya ng maraming
kaaway. Noong 1886 ay itinayo rin nya ang El Eco de Panay na nagpatuloy hanggang sa
masakop tayo ng mga Amerikano noong 1899.
1886
EL POVENIR DE VISAYAS (CEBU)
Itinayo sa pinakamantandang syudad ng Pilipinas ni Eduardo Jimenez, kapatid ni Diego
Jimenez, ang lingguhang pahayagan sa Cebu na tumagal hanggang sa panahong bago masakop
ng Amerikano ang bansa.
EL CHIFLADO, MANILA ALEGRE, EL TEMBLOR, MANALILLA at LA PUYA
Mga agresibong pahagayan na nagsulputan mula 1885 hanggang 1886.
LE REGENERACION
Katolikong pahayagang itinayo noong Oktubre 1886.
DIARIO CATOLOCO at EL FENIX
1887
Ito ang panahon ng sinasabing pagbabago mula sa impluwensya ng pamumuno ni
Gobernador Heneral Eulogio Despujol na naging liberal sa pamamahala.
LA OPINION
Pahayagang naglalathala ng hayagang pagsalungat sa mga prayle , pagpapaalis sa
arsobispo at paghingi ng reporma sa pamumuno ni Benito Quiroga na sinundan ni Jesus Polanco
na tumagal hanggang 1889. Ito ay muling binuhay noong 1890 sa pangalang EL ECO DE
FILIPNOS.
LA VOS DE ESPAFIA
Binuo noong ika-4 ng Hulyo bilang pangontra sa mga pahayag ng La Opinion sa patnugot
ni Agustin Alfonso Moseras. Nang magretiro si Mosares kalaunan ay pinamunuan ito ni Jose dela
Rosa. Noong 1892 pinangalanan itong LA VOS DE ESPAFIA sa pamumuno nina Federico at
Antonio Hidalgo at may islogan na "The Philippines by Spain and for Spain“.
1888
LA ESPAÑA ORIENTAL
Itinayo ni Manuel Schiednagel bilang pamahayagang laan sa pagbibigay papuri sa mga
Espanyol ukol sa nagawa nila sa bansa gaya ng tungkol sa relihiyon, edukasyon at kung anu-ano
pang ikinabuti nang buong sambayanan dulot ng kanilang pamamahala. Tuluyang natalo at
nadaig nito ang La Opinion.
REVISTA CATOLICO
Hunyo 1888 lumabas ang pahayagan na may isyu sa dalawang lenggwahe na di kalaunan
ay naging dalawang beses na lamang na isyu sa loob ng isang buwan hanggang 1896.
REVISTA POPULAR DE FILIPINAS
Pahayagang pang-relihiyon na lumabas nang linguhan na nagsimula noong Setyembre
1888 na may halong mga anunsyong sibil. 1896 ang huling isyu.
EL ENUCIADOR ILLONGGO
Nabuo rin noong Marso 1888 ngunit di rin nagtagal.
1889
LA CORRESPONDENCIA DE MANILA
Ibinenta at inilako sa kalsada sa halagang 2 sentimo ngunit umiral lamang ito ng tatlong
buwan.
BOLETIN DE LA CAMARA COMERCIO DE MANILA
Itinayo ng kumpnyang The Manila Chamber of Commerce na nagpatuloy hanggang sa
panahon ng mga Amerikano hanggang sa tuluyang mawala.
GACETA NOTARIAL
Sinimulang ng Mayo 1889 at nagpatuloy hanggang 1896.
EL ILOCANO
Sinimulan ni Isabelo delos Reyes noong Hunyo 1889 bilang neytib na pahayagan ng mga
Ilocano na may halong wikang Espanyol. Dalawang beses kada-buwan maglabas ng isyu.
LA ALHAMBRA
Binuo noong July 3, 1889 ni Jose Moreno de Lacalle, isang mayamang abogadong
Espanyol na naglathala ng mga sulatin sa sining, agham at sosyal na interes. Dalawang isyu
kada buwan ang paglathala na umiral hanggang ika-30 ng Hunyo 1890.
ANALES DE AGRICULTURA
Unang lumabas noong ika-27 ng Hulyo 1889
LA SOLIDARIDAD
Unang lumabas noong ika-15 ng Pebrero, 1889 sa Madrid Spain na ginastusan ni Dr.
Pablo Riazares mula sa patnugot ni Graciano Lopez Jaena.
1890
LA CANECO at EL PAPELITO MERCANTIL
Ika-21 ng Hunyo 1890 ang unang isyu ng La Caneco, ngunit di rin nagtagal sa industriya
tulad rin ng nangyari sa El Papelito Mercantil.
PATNUBAY NANG CATOLICO
Unang Tagalog na publikasyon noong Abril 1890 sa patnugot ni Pascual H. Poblete,
ngunit di rin nagtagal.
EL AVISADOR FILIPINO
Ika-5 ng Abril 1890 ang unang lathala ngunit isang buwan lamang tumagal.
EL RESUMEN
Ika-10 ng Hunyo, 1890 ang unang lathala at nakatuon sa pulitika.
EL DOMINGO
Ika-3 ng Agosto, 1890 ang unang lathala at huli na ng Oktubre.
EL PAJARO VERDE
Ika-4 ng Setyembre, 1890 ang unang labas sa patnugot ni Vicente Garcia Valdez. Ito ay
inilathala sa luntiang papel na may mga ilustrasyon at paalaala upang maglibang ng mga
mambabasa at makalimot sa kanilang mga problema.
LA LILLIPUTENSE
Ika-6 ng Nobyembre, 1890 nabuo na may lingguhang isyu patungkol sa mga kabataan ng
bansa. Huling lathala ay noong ika- 12 ng Marso, 1891.
LA LECTURA POPULAR
Pahayagang patungkol sa mga katutubo mula sa patnugot ni Isabelo delos Reyes na
naglabas lamang ng ilang isyu.
1891
EL BELLO SEXO
Pahayagang laan para sa mga kababaihan.
EL ASUANG at LA ILLUSTRACION FILIPINA
Mga lingguhang pahayagan na maiksing panahon lamang naglathala ng mga isyu.1893
1893
Bukod sa BOLETIN OFFICIAL DEL ARZOBISPO na muling naglathala, may mga bagong
pamahayagan din ang umusbong tulad ng El Ejercito de Filipinas, El Consultor del Profesorado,
Madrid-Manila, Toda en Broma, El Foro Administrativo, La Pavera,Periodico Festivo, La Puya
(naglathala ng may kaugnayasn sa Pilipinas) , Los Miercoles (naglathala ng isang isyu lamang) ,
Revista Mercantil de Filipinas, Polichinela (naglathala lingguhang isyu) and the Boletin de la
Companiia de Explotacion y Colonizacion de La Isla de Paragua.
1894
Apostolado de la Prensa, naklathala sa Tagalog. El Heraldo Militar, sumunod ay lingguhng
pahayagang tinawag na El Ejercito de Filipinas. Manila-Santander, Boletin Oficial Agricola El
Consultor de Municipios, Manalilla-Sport (buwanan), La Legislacion (dalawanng beses kada
buwan maglabas ng isyu at ukol sa pahalan at korte ang nilalaman), El Municipio Filipino
(patnugotIsabelo de los Reyes) at Apostolado de La Prensa.(itinayo ng mga prayle para sa mga
pangrelihiyong gawainsa wikang Tagalog) El Album Militar (itinayo ng sundalong opisyal). El
Cinfe and SorpresasChicago ay dalawang komiks na itinayo ngunit nawala rin ng sumunod na
taon. El Espafiol na naglathala hanggang 1898.
1895
Boletin del Museo Biblioteca sa patnugot ni Pedro A. Paterno na bumalik mula Espanya.
Boletin Oficial del Ministerio Filipino, na nakatuon sa edukasyon at mga propesyon ang nilalaman.
La Exposition, La Campana, La Mosca at La Vida Industrial de Filipinas na itinayo ni Jose Martin
Martinez
1896
ANG KALAYAAN
Kauna-unahang rebolusyonaryong pahayagan ng Kataastaasang Kagalanggalangang
Katipunan ng mga Anak ng Bayan. Na itinayo noong ika- 18 ng Enero, 1896 Naglalayon itong
ipahayag sa lahat ang kasamaan at kasakiman ng mga prayle at mga kastilang opisyal upng
makapag-organisa ng isang rebolusyon. Nakalathala rin sa mga artikulo ng pahayagan ang ilang
ebedensya upang makahikayat nang mambabasa. Itinuturing itong isa sa pinakamahalagang
pahayagan sa Kasaysaynng Pilipinas.
Iba pang mga pahayagang nalathala sa taong ito ay The Boletin de Estadistica de la
Ciudad de Manila sa patnugot ni Padre Faura at iba pang mga paring Heswita bilang opisyal na
publikasyon at nagtagal hanggang 1902 na di kalaunan ay naging wikang Ingles ang ginamit, El
Correo, El Cosmopolita na naglathala ng dalawang kopya kada buwan sa loob ng anim sa buwan
lamang at El Noticiero de Manila bilang pahayagang pang-hapon. La Hoja Dominical, itinayo
naman ng mga paring Dominikano. Lumabas din ang mga pahayagang Tagalog tulad Ang
Pliegong Tagalog na itinayo ni Juan Atayde na ayon sa kanya ay marapat lamang na magkaroon
ng pahayagang nakalathala sa wikang ito at hindi puro sa Kastila na lang.
1898
LA INDEPENDENCIA
Ang La Independencia ay itinayo ni Henenal Antonio Luna sa tulong ng kanyang kapatid
na si Joaquin noong September 3, 1898 . Isa ito sa pinaka-importanteng pahayagan sa panahon
ng rebolusyon. Iba pang mahahalagang pahayagan ng taong ito ay ang La Libertad na itinayo
noong ika-20 ng Hunyo sa patnugot ni Clemente Jose Zulueta. The Newspaper La Republica
Filipina na itinayo sa Mandaluyong, Rizal noong ika-15 ng Setyembre sa patnugot ni Pedro A.
Paterno at di kalaunan noong opisyal na pahayagan ng pamahalaan noong 1901 ng sumulat si
General Douglas Mac Arthur bilang Sekretaryo ng Digmaan ng mga panahong ito.
EL HERALDO DE LA REVOLICION FILIPINA
Ika-29 ng Setyembre 1898 - inilathala sa Malolos Bulacan sa unang pagkakataon ang El
Heraldo de la Revolicion Filipina. Ito ay naging opisyal na publikasyong pahayagan sa panahong
may rebolusyon sina Heneral Emilio Aguinaldo.
LA REVOLUTION
Ika-29 ng Disyembre 1898 - inilathala sa Jaro Iloilo na naglalayong ipaglaban ang mga
karapatan ng Pilipino.
PANAHON NG AMERICANO
1899
COLUMNAS VOLANTES
Ika-24 ng Marso, 1899 – ang Columnas Volantes ay inilathala sa Lipa, Batngas. Ito ay
naglalaman ng mga artikulo ukol sa pulitika at mga sandathang lakas. Ito ay binuo ng mga
propesyunal na nabibilang sa samahang Club Democratico Independiente. Noong Nobyembre
18, 1899 - ang mga pahayagang, Filipinas Ante Europa at El Defensor de Filipinas, ay inilathala
sa Barcelona Espanya sa patnugot ni Isabelo de los Reyes.
BOUNDING BILLOW
Inilathala rin ang kauna-unahang pahayagang Amerikano kung saan inihahayag ang
pagkapanalo ni Heneral Dewey at pagsaugpo niya sa pwersang Amerikano sa Manila Bay. Ito
binubuo ng apat na pahina at may habang labindalawang pulgada at walong pulgada na lapad.
Mabibili ito sa halagang 25 sentimong ginto kada sipi at ito’y naglatha at gumawa ng maraming
kopya bilang alaala na rin sa nasabing tagumpay.
THE MANILA TIMES
Ang unang pangaraw-araw na pahayagan sa panahong mga Amerikano na ang
namamahala sa bansa. Una itong isinaayos noong ika-11 ng Oktubre 1898 ngunit 1899 na
maging istablisado sa patnugot ni Thomas Cowan at negosyanteng si George Sellner.
1990
EL GRITO DEL PUEBLO (Ang Sigaw/Tinig ng Bayan) itinatag ni Pascual Poblete noong 1900
EL RENACIMINETO (Muling Pagsilang) itinatag ni Rafael Palma noong 1900
MANILA DAILY BULLETIN
Isa rin sa mga pangaraw-araw na pahayagan noong 1900 na tinatangkilik natin
magpahanggang ngayon.
EL NUEVO DIA
Kahulugan nito’y ANG BAGONG ARAW na itinatag rin ni Sergio Osmeña noong 1900.
PANAHON NG MGA HAPON (1941-1945)
Sa panahong ito, tatlong pahayagan lamang ang umiral. Ito ay ang The Daily Tribune,
Manila Bulletin at Daily Herald. Nabuo rin ang TVT o mas kilala bilang Taliba-La Vanguardia-
Tribune at DMHM o bilang Debate-Mabuhay-Herald-Monday Mail kasabay ng patuloy na
pagusbong na rin ng Magasin at Komiks na Liwayway na lumutang bago pa man manakop ang
mga Hapon sa bansa.
PANAHON NG LIBERASYON (PEBRERO 1945)
Naging masigla ang paglabas ng nga pahayagan. Lumabas ang Magasin na Yank, Daily
Pacifican, The Stars and Stripes at pinaikling edisyon ng Times at Newsweek.
Lumabas na rin ang iba’t ibang pahayagan tulad ng Free Philippines sa Leyte. Mga
peryodikong patagong nalimbag ay lumitaw upang maghaya. Gaya nang Bagong Buhay, Voz de
Manila, Filipino Observer, Guerilla, Freedom, Philippine Press, Balita, Comet at Courier.
• Nanalo si Manuel Roxas bilang pangulo noong Abril 1946. Ang natalong dating pangulo
ng Commonwealth na si Sergio Osmena ay nagtatag ng Morning sun.
• Nagtatag naman si Mauel Roxas ng Daily News at Balita bilang pahayagan ng partidong
Liberal Ang Manila Times na dating lingguhan ang paglathala ay naging tabloid noong ika-
27 ng Mayo, 1945.
• Naibangon naman muli ni Joaquin P. Roces ang The Times.
• Nagpatuloy naman ang paglalathala ng mga pahayagang pangaraw-araw sa wikang
Ingles tulad ng Business World, Malaya, Manila Bulletin, Manila Standard Today,
Philippine Daily Inquirer, Philippine Star, The Daily Tribune at Manila Times.
• Gayundin ang mga tabloid na abot-kaya ng masa tulad ng Abante, Balita, Bulgar, People’s
Journal, People’s Taliba, Tempo, Pilipino Star Ngayon at Saksi Ngayon.

You might also like