You are on page 1of 4

KASAYSAYAN NG PAHAYAGANG PANGKAMPUS SA PILIPINAS

ANG PAGSISIMULA NG COLLEGE EDITORS GUILD OF THE PHILIPPINES (1931-1945)


Bahagi ng pang-araw-araw na pamumuhay ng mga tao ang pamamahayag. Mula
paggising sa umaga, hanggang bago tuluyang magpahinga sa gabi, mga balita sa radyo,
telebisyon, at pahayagan ang kaulayaw ng paningi't pandinig ng mga mamamayan.
Napakalawak nang naaabot ng kapangyarihan ng midya sa buhay, mapaindibidwal o ng
buong sambayanan. May kakayahan itong makapagbigay ng impormasyon, makapang-
impluwensya ng pananaw o makapagmulat, makapagpakilos at makapagpalaya. Isang
demokratikong karapatan ang makapagpahayag sa garantiya ng Saligang Batas ng
mamamayan.
Ang College Editors Guild of the Philippines (CEGP) ay itinuturing na pangunahing
institusyong nagtataguyod ng karapatan sa pamamahayag pangkampus. Sa loob ng mahabang
pitumpu't limang taon, nagkaroon ng mahalagang papel ang organisasyon sa kasaysayan ng
pamamahayag, ng kilusang kabataan, at ng lipunang Pilipino.
Sa pag-aaral na ito, sisipatin ang pagsilang ng CEGP sa gitna ng mga pampulitika at
panlipunang isyu sa panahon ng pananako p ng Estados Unidos noong 1931, ang mabilis na
pag-unlad bilang isang organisasyon, hanggang sa pagsasara nito noong Ikalawang Digmaang
Pandaigdig.
Sa pagdiriwang ng ika-80 taon ng College Editors Guild of the Philippines (CEGP),
mahalagang balikan ang kasaysayan nito upang paghalawan ng insipirasyon at aral. Ang
paggunita sa nakaraan ay pagtingin din nang pagsulong.
Itinatag ang College Editors Guild (CEGP) noong Hulyo 25, 1931, mismong kaarawan ni
Ernesto Rodriguez Jr., punong patnugot ng National, publikasyon ng National University.
Kabilang ang mga pahayagang pangkampus Philippine Collegian (UP Diliman), Varsitarian
(University of Santo Tomas) at Guidon (Ateneo de Manila University), layunin nitong pagkaisahin
ang lahat ng manunulat pangkampus at linangin ang kanilang kakayahan sa pamamahayag.
Nahalal na unang tagapangulo si Wenceslao Vinzons, punong patnugot ng Philippine Collegian.
Tradisyonal na organisasyon ang CEG noon. Eksklusibo ang kasapian sa mga
patnugutan ng mga publikasyon. Abala ito sa mga journalism trainings, intercollegiate pageants,
relief operations sa mga nasalanta ng kalamidad.
Gayunman, sa maagang bahagi pa lamang ng kasaysayan, makikita na ang potensyal na
papel nito sa lipunan. Noong Disyembre 9, 1932, sa pangunguna ni Rodriquez at Vinzons,
tinutulan ng mga kabataang manunulat ang panukalang dagdagan ang sweldo ng mga
mambabatas sa mababang kapulungan. Mabilis na lumawak ang kasapian ng CEG. Kinilala ito
bilang isa sa mga pinakaprestihiyosong organisasyon ng kabataan. Nagsilbi itong tuntungan ng
mga kabataang nagnanais makilala sa larangan ng politika at pamamahayag.
Noong 1941, pansamantalang tumigil ang operasyon ng Guild dulot ng Ikalawang
Gyerang Mundyal. Si Vinzons ay sumapi sa HUKBALAHAP at namatay na bayani. Nanumbalik
ang CEGP pagkatapos ng giyera. Naitala noong 1948 ang pakikiisa ng Guild sa mga
mamamahayag sa mainstream media. Sinuportahan ng manunulat pangkampus ang strike ng
mga empleyado ng Evening News bilang protesta sa pagpapatalsik kay Cipriano Cid at
panawagang kilalanin ang Philippine Newspapers Guild.
Pagsapit ng dekada singkwenta, malaki ang naging impluwensya ng makabayang ideya
ni Claro M. Recto sa maraming kabataan. Pagsapit ng dekada sisenta, bunsod ng matinding krisis
pampolitika at pang-ekonomiya sa panahon ni Marcos at ng lumalakas na kilusang kabataang
estrudyante, nagkaroon ng malaking puwang ang progresibong ideya sa loob ng
organisasyon.Hindi naging banayad ang transpormasyon ng CEGP mula sa isang tradisyonal na
organisasyon patungo sa pagiging progresibo. Sa katunayan, naging maigting ang pagtatalo sa
hanay ng kasapian. “Mananatili bang nyutral ang pamamahayag pangkampus sa panahon ng
maigting na paglaban ng mamamayan? Mananatili bang tagapagtala na lamang ng kasaysayan
ang mga manunulat o kailangan nang pumanig at makilahok? Ano ang papel ng kabataang
mamamahayag sa lipunan?” Sa mga katanungang ito uminog ang debate. Naglathala rin ng mga
rebolusyonaryong artikulo ang mga publikasyong pangestudyante. Unang lumabas ang Lipunan
at Rebolusyong Pilipino sa Philippine Collegian. Nagre-reprint ng mga artikulo mula sa Ang
Bayan, opisyal na pahayagan ng Partido Komunista ng Pilipinas, ang The Bedan (San Beda
College), Guidon, Philippine Collegian, Ang Malaya, at iba pa.
Pagsapit ng 1970, lalong tumitimbang ang progresibong oryentasyon ng Guild.
Dumaluyong ang kilos protesta sa lansangan. Maraming manunulat pangkampus ang lumahok
ang nagpakilos sa mga malakihang mobilisasyon sa panahon ng First Quarter Storm. Hindi iilang
Guilders ang naging kasapi ng Kabataang Makabayan. Tumining ang papel ng pamamahayag
pangkampus bilang alternatibong pamamahayag para sa mamamayan. Sa panahon ng
paghahari ng crony press, maraming publikasyong pang-estudyante ang nagpapalaganap ng
katotohanan sa labas ng kani-kanilang pamantasan. Ang kabulukan ng gobyernong Marcos na
hindi nababasa sa mainstream ay isiniwalat ng mga pahayagang pangkampus. Dahil dito,
binansagan ni Marcos na mosquito press ang mga publikasyon. Sa Visayas, inilathala ang mga
sulatin ni Jose Maria Sison, Renato Constantino Sr., Gary Olivar (lider ng Samahan ng
Demokratikong Kabataan) sa Weekly Silimanian (Siliman University), Weekly Carolinian
(University of San Carlos), Sambayanan (Western Institute of Technology), Quill (Southwestern
University) at marami pang iba. Sa pagkakahalal ni Antonio Tagamolila bilang pambansang
tagapangulo noong 1971, buong pagmamalaki niyang ipinahayag, “Ang pagkakapanalo ng mga
progresibo ay magbubunsod ng isang bago, mulat matatag at militanteng CEGP.” Tuluy-tuloy na
ang naging pagkiling ng CEGP sa isyu ng mamamayan. Hindi lamang isyu ng kalayaan sa
pamamahayag ang itinaguyod ng Guild bagkus pati patriyotiko at demokratikong interes ng
malawak na mamamamayan. Kinondena ang pagpapapain ni Marcos ng mga sundalong Pilipino
sa giyera sa Byetnam. Tinutulan ang pakanang Constitutional Convention ni Marcos. Nilabanan
ang pandarahas sa mga piketlayn at militarisasyon sa kanayunan.
Masigla ang paglulunsad ng teaching o study circles, social investigation at
pakikipamuhay sa mga magsasaka at manggagawa. Sa ganitong konteksto, inangkin ng mga
kasapi ng CEGP ang pakikibaka ng mga aping sector ng lipunan. Nang ipataw ang Batas Militar,
idineklarang ilegal ang CEGP. Naipasara ang halos lahat ng publikasyon sa kampus. Sa
militanteng paglaban ng kabataang estudyante, nabuksang muli ang Philippine Collegian, Guidon
at UPLB Perspective (UP Los Baños). Sumailalim ang mga ito sa pagmamatyag ng militar. Sa
panahon ding ito, nagsulputan ang mga underground student publications sa buong bansa.
Naging tangyag ang pasabilis. Palihim na binabasa at pinagpapasa-pasahan ang limitadong
kopya ng mga publikasyong naka-mimeographed. Matapang na tinuligsa ng mga ito ang lagim
ng Batas Militar. Maraming manunulat pangkampus ang dinampot, ikinulong, tinortyur at
pinaslang. Kabilang sa kanila sina Liliosa Hilao at Ditto Sarmiento. Sa lantarang pasistang
paghahari ni Marcos, marami ring nagtungo sa kanayunan upang lumahok sa armadong
pakikibaka. Ilan sa kanila sina Emmanuel Lacaba (Guidon), Evelyn Pacheco (Torch, PNU) at
Lorena Barros (Advocate, FEU.)
Sa ikalawang bahagi ng dekada sitenta, muling sumigla ang ligal na pakikibakang masa
sa pangunguna ng uring manggagawa. Pumutok ang La Tondeña strike na sinundan ng serye ng
welga, boykot at protestang lansangan. Naging inspirasyon ito sa muling pagtatatag ng CEGP.
Itinayo ang Mendiola Association of College Editors (MACE) na nagpasimuno ng First Metro
Manila Student Press Congress. Sa sumunod na mga buwan, tumugon din nang buong sigasig
ang ibang mga rehiyon sa buong kapuluan. Naganap ito mula 1977 hanggang mailunsad ang
16th National Congress na dinaluhan ng 125 patnugot mula sa 43 publikasyon noong Mayo 1981.
Ang tagumpay ng ito ay bunga ng walang humpay na pag-oorganisa sa hanay ng
manunulat pangkampus. Ibayo ring sumigla ang kilusang kabataang estudyante. Puspusang
itinaguyod ang mga lehitimong kahilingan ng estudyante. Pinamunuan ng CEGP, kasama ang
Youth for National Democracy (YND) at Alyansa Laban sa Pagtaas ng Matrikula (League of
Filipino Students ngayon), ang kampanya sa pagpapabukas ng mga pahayagang pangkampus
at konseho ng mga mag-aaral at pagtatanggal ng military detachments sa mga kampus.
Tinaguriang Democratic Reform Movement ang pagkilos na ito. Sa mga punong lungsod at
lalawigan, kumilos ang mahigit sa 200,000 kabataan. Hindi natinag ang mga estudyante kahit pa
karahasan ang isinagot ng gobyerno.
Ilang buwang walang pasok dahil nasa lansangan ang mga estudyante. Napilitan ang
gobyernong harapin ang isyu at kilalanin ang mga lehitimong panawagan ng kabataan.
Dumagundong ang tagumpay na ito sa buong kapuluuan. Napatunayang sa kolektibong pagkilos
at paggigiit ng demokratikong karapatan, makakamtan ang mga makatarungang kahilingan ng
kabataan at mamamayan. Sa pagkakahalal ni Antonio Tagamolila bilang pambansang
tagapangulo noong 1971, buong pagmamalaki niyang ipinahayag, “Ang pagkakapanalo ng mga
progresibo ay magbubunsod ng isang bago, mulat matatag at militanteng CEGP.” Tuluy-tuloy na
ang naging pagkiling ng CEGP sa isyu ng mamamayan. Hindi lamang isyu ng kalayaan sa
pamamahayag ang itinaguyod ng Guild bagkus pati patriyotiko at demokratikong interes ng
malawak na mamamamayan. Kinondena ang pagpapapain ni Marcos ng mga sundalong Pilipino
sa giyera sa Byetnam. Tinutulan ang pakanang Constitutional Convention ni Marcos. Nilabanan
ang pandarahas sa mga piketlayn at militarisasyon sa kanayunan. Masigla ang paglulunsad ng
teaching o study circles, social investigation at pakikipamuhay sa mga magsasaka at
manggagawa. Sa ganitong konteksto, inangkin ng mga kasapi ng CEGP ang pakikibaka ng mga
aping sector ng lipunan.
Nang ipataw ang Batas Militar, idineklarang ilegal ang CEGP. Naipasara ang halos lahat
ng publikasyon sa kampus. Sa militanteng paglaban ng kabataang estudyante, nabuksang muli
ang Philippine Collegian, Guidon at UPLB Perspective (UP Los Baños). Sumailalim ang mga ito
sa pagmamatyag ng militar. Sa panahon ding ito, naging tangyag ang pasa-bilis. Palihim na
binabasa at pinagpapasa-pasahan ang limitadong kopya ng mga publikasyong naka-
mimeographed. Maraming manunulat pangkampus ang dinampot, ikinulong, tinortyur at
pinaslang. Kabilang sa kanila sina Liliosa Hilao at Ditto Sarmiento. Sa lantarang pasistang
paghahari ni Marcos, marami ring nagtungo sa kanayunan upang lumahok sa armadong
pakikibaka. Ilan sa kanila sina Emmanuel Lacaba (Guidon), Evelyn Pacheco (Torch, PNU) at
Lorena Barros (Advocate, FEU.) Sa ikalawang bahagi ng dekada sitenta, muling sumigla ang ligal
na pakikibakang masa sa pangunguna ng uring manggagawa. Pumutok ang La Tondeña strike
na sinundan ng serye ng welga, boykot at protestang lansangan. Naging inspirasyon ito sa muling
pagtatatag ng CEGP. Itinayo ang Mendiola Association of College Editors (MACE) na
nagpasimuno ng First Metro Manila Student Press Congress. Sa sumunod na mga buwan,
tumugon din nang buong sigasig ang ibang mga rehiyon sa buong kapuluan. Naganap ito mula
1977 hanggang mailunsad ang 16th National Congress na dinaluhan ng 125 patnugot mula sa
43 publikasyon noong Mayo 1981. Ang tagumpay ng ito ay bunga ng pag-oorganisa sa hanay ng
manunulat pangkampus.
Pinamunuan ng CEGP, kasama ang Youth for National Democracy (YND) at Alyansa
Laban sa Pagtaas ng Matrikula (League of Filipino Students ngayon), ang kampanya sa
pagpapabukas ng mga pahayagang pangkampus at konseho ng mga mag-aaral at pagtatanggal
ng military detachments sa mga kampus. Tinaguriang Democratic Reform Movement ang
pagkilos na ito. Sa mga punong lungsod at lalawigan, kumilos ang mahigit sa 200,000 kabataan.
Hindi natinag ang mga estudyante kahit pa karahasan ang isinagot ng gobyerno.Ilang buwang
walang pasok dahil nasa lansangan ang mga estudyante. Napilitan ang gobyernong harapin ang
isyu at kilalanin ang mga lehitimong panawagan ng kabataan. Napatunayang sa kolektibong
pagkilos at paggigiit ng demokratikong karapatan, makakamtan ang mga makatarungang
kahilingan ng kabataan at mamamayan. Mariin ding kinondena ng CEGP ang mga atake sa
kalayaan sa pamamahayag. Ilan dito ay ang pagkakasara ng We Forum at pag-aresto sa mga
mamamahayag nito na karamihan ay alumni ng Guild; ang pag-uusisa ng National Intelligence
Board sa manunulat ng Women; ang pagpapatalsik sa patnugot ng Tempo na si Recah Trinidad;
mga kasong libelo laban kay Domini Suarez at Ceres Doyo at pag-aresto kay Tony Nieva ng
Bulletin Today. Matindi rin ang panunupil sa mga pahayagang pangkampus.. Binisita ng militar
ang tanggapan ng The Work ng Tarlac State College of Technology. Pinatalsik ang mga patnugot
ng Collegian ng Central Luzon State University sa rekomendasyon ng militar na nakabase sa
Nueva Ecija. Pagsapit ng 1983, ibayong militansya ang ipinamalas ng kabataan mula nang
paslangin si Ninoy Aquino hanggang sa pagbagsak ng diktaduryang Marcos. Ang pag-aalsa
noong 1986 ay nagluklok kay Corazon Aguino bilang bagong pangulo. Tiningnan si Aquino bilang
isang pinunong liberal burges. Pinuri ang Republic Act 7079 o Campus Journalism Act bilang
“milestone in the history of the campus press.”
Kabaligtaran ang naganap sa aktwal. Naging epektibong instrumento ang CJA ng mga
kaaway ng kalayaan sa pamamahayag sa pagsupil sa mga pahayagang pangkampus. Matapos
ilabas ang implementing guidelines, naipasara ang Quezonian, White and Blue, Ang
Pamantasan, Blue and Silver, at iba pa. Kung susundin ang probisyong nagsasaad na hindi
mandatory ang pangongolekta ng publication fee, maipapasara ang halos lahat ng publikasyon
kung nanaisin ng administrasyon ng mga pamantasan.
Nakaligtaan ng CEGP ang mga aral ng DRM. Ang kalayaan sa pamamahayag ay isang
demokratikong karapatan. Iginigiit ito at ipinaglalaban, hindi ikinukupot sa batas. Iwinasto ang
kamaliang ito sa 1996 National Council Meeting. Dito rin nabuo ang tatlong makatwirang
panawagan ng CEGP: (1) Buksan ang lahat ng nakasaradong pahayagan; (2) Magtatag ng mga
publikasyon sa mga pamantasan; at (3) Wakasan ang lahat ng porma ng panunupil sa kalayaan
sa pamamahayag. Bukod sa CJA of 1991, may isa pang malubhang pagkakamali ang CEGP
noong 1991. mula sa patriotiko at demokratikong oryentasyon ng Guild, binago ito sa pagiging
Activist Campus Press. Ang ACP raw ay tinipong mga konsepto at oryentasyon – responsible
journalism, radical campus press, alternative campus press, committed campus press.
Layunin daw ng ACP na hanapin ng pamamahayag pangkampus ang kanyang sarili bago
ito makapag-ambag sa pagbabago ng lipunan. Ipinagkamali nitong maaaring makamtan ang
tunay at ganap na kalayaan sa konteksto ng bulok na sisteman panlipunan. Paglaon nakitang
mali ang mismong paghahanap ng bagong oryentasyon. Nasagot na ang mga batayang tanong
hinggil sa tamang ugnayan ng pamamahayag pangkampus sa lipunan noon pa lamang 1970.
Nang mailatag nang lubusan ang mga naging kahinaan, puspusan din naman ang naging
pagwawasto ng Guild. Nagpanibagong sigla ito sa lahat ng aspeto. Sa ilalim ng gobyerno ni
Ramos, aktibo ang CEGP sa paglahok sa mga isyu ng mamamayan. Tinugunan nito mula
pagtaas ng matrikula hanggang pagtaas ng presyo ng langis, hanggang dikta ng IMF-Work Bank
sa patakarang pang-ekonomiya ng Pilipinas. Samakatuwid, muli nitong isinabuhay ang patriyotiko
at demokratikong oryentasyon.
Ang pinakahuling matagumpay na kampayang sinuong ng Guild ay ang pagpapatalsik sa
korap, kontra-mamamayan at kaaway ng kalayaan sa pamamahayag na si Joseph Estrada. Isa
ang CEGP sa mga unang progresibong organisasyong nanawagan ng pagpapatalsik kay
Estrada.
Sa tagal nang itinagal ng CEGP, itinuturing na itong institusyon ng marami. Nananatili
itong isa sa mga pinakamalawak at pinakamatatag na organisasyon ng kabataan sa bansa.
Magpahanggang ngayon, hindi pa rin ito natitinag dahil sa pagyakap nito sa patriyotiko at
demokratikong interes ng kabataan at mamamayan. Lagi’t lagi itong matatagpuan sa pakikibaka
ng mamamayan sapagkat paglilingkod ang nasa ubod ng nakaraan at kasalukuyan ng CEGP.

You might also like