You are on page 1of 11

Mga Katangian ng Isang Mahusay na Kritiko sa Panitikan

Kinilala, hinangaan, at ipinagmamalaki ng mga makata at manunulat na Pilipino


sina Alejandro G. Abadilla at Clodualdo del Mundo bilang namumukod-tanging kritikong
panitikang Filipino noong kanilang panahon. Ganito ang ipinahayag ni Abadilla (1954):

Sa bisa ng “Parolang Ginto” ni Clodualdo del Mundo noong 1972, si del Mundo
ay nagsimula ng pamimili ng sa palagay niya’y pinakamahusay na katha ng mga
buwan at taon. Ang panunuri at pamimiling ito ay tumagal nang walang patlang
hanggang noong 1935.

Samantala, kung papaano sa pamamagitan ng kanyang “Parolang Ginto” ay


pinasok ni del Mundo ang larangan ng pamumuna o panunuri, si Alejandro G. Abadilla
naman ay pumagitna sa larangan sa pamamagitan ng kanyang “Talaang Bughaw”
noong 1932, na sagisag mula noon hanggang ngayon, sa buwanan at taunang
pamimili ng pinakamahuhusay na akda, maging tula o akda man.

Sa “Hindi na Uso ang Hindi pa Uso: Ang Kritika sa Panahon pa ng Iraq,” isang
sanaysay ni Isagani R. Cruz ay sunud-sunod na tanong ang kanyang ipinukol sa mga
mambabasa bilang paglalarawan sa mga nangyayari ngayon sa larangan ng panunuri
na itinutumbas niya sa salitang kritika:

Ano ba ang tayo ng kritika sa kasalukuyan? Ano ba ang uso ay hindi uso? Anu-
ano ang mga isyu na nalutas na at ano pa ang hindi nalulutas? Sa madaling salita’y
nasaan na ba tayo ngayon sa kritika?

Tulad ng pagiging manunulat ng alinmang akdang pampanitikan, ang isang


kritiko sa panitikan ay dapat ding magtaglay ng magagandang katangian. Dahil ditto,
iminumungkahi ng manunulat ng aklat na ito ang sumusunod na mga katangiang dapat
taglayin ng isang kritiko:

1. Ang kritiko ay matapat sa sariling itinuturing ang panunuri ng mga akdang


pampanitikan bilang isang sining.
2. Ang kritiko ay handang kilalanin ang sarili bilang manunuri ng akdang
pampanitikan at hindi manunuri ng lipunan, manunulat, mambabasa o
ideolohiya.
3. Ang kritiko ay lagging bukas ang pananaw sa mga pagbabagong nagaganap sa
panitikan.
4. Ang kritiko ay iginagalang ang desisyon ng ibang mga kritiko na patuloy na
sumasandig sa ibang disiplina gaya ng linggwistika, kasaysayan, sikolohiya,
atbp.
5. Ang kritiko ay matapat na kumikilala sa akda bilang isang akdang sumasailalim
sa paraan ng pagbuo o konstruksyon batay sa sinusunod na alituntunin at batas.
6. Ayon kay Alejandro G. Abadilla, kailangan ng isang kritiko ang tigas ng
damdaming naninindigan upang maging tiyak na kapakinabangan ng panitikan
ang kanyang pagmamalasakit, ay ipinakilala ng mga pangyayari nang mga
unang taon ng kanyang pamimili.

Mga Batayang Simulain sa Panunuring Pampanitikan

Bunga ng maraming taong pagtuturo ng panunuring pampanitikan bilang


asignatura sa mga mag-aaral na nagpapakadalubhasa sa Filipino sa Pamantasang
Normal ng Pilipinas, at pagtatamo ng anim na Gawad Surian sa Panunuring
Pampanitikan-Gantimpalang Collantes ako’y nagtangkang bumuo ng ilang simulain
sa panunuring pampanitikan gaya ng mga sumusunod:
1. Ang pagsusuri sa akda ay dapat may uri at katangian ng katalinuhan,
seryoso at marubdob na damdamin at ng tapat na mithi sa kalayaan.

Ang pahayag na ito ay nagmula sa tatlong kilalang kritiko nang sila’y


maanyayahang maging punong inampalan sa Timpalak sa Pagsulat ng
Sanaysay-Panunuring Pampanitikan sa Nobela noong 1985:Min. Edmundo
Libd, Dr. Anacleta M. Encarnacion at Dr. Venancio L. Mendiola. Ganito ang
kanilang pahayag matapos piliin ang limang mahuhusay na lahok mula sa 25
lahok:

Dahil sa malalim na persepsyon at matalinong panunuri (hindi lamang sa


masinop na pananaliksik at malawak na kaalamang iskolar), ang mga
sumusunod ang napiling gantimpalaan:

Unang gantimpala- Pagsusuri sa Estetikong Porma, Sosyolohikang


Implikasyon at Katutubong Eksistensyal ng sa mga Kuko ng Liwanag ni
Pedro L. Ricarte

Pangalawang gantimpala- Ang Pagkamulat ng Isipang Feminista ni


Amanda Bartolome: Pangunahing Tauhan ng Dekada ’70 ni Loline M.
Antillon

Pangatlong gantimpala- Ang pagnanasa at ang Utopia sa mga Nobela ni


Dominador Mirasol ni Soledad S. Reyes

Unang karangalang-banggit- Ficcion: Daloy ng Kasaysayan sa


Kamalayang Panlipunan ni Fidel Rillo Jr. at
Pangalawang karangalang-banggit- Ang Satanas sa Lupa: Repleksyon
ng Kamalayang Sosyo-Politikal sa Bansa ni Pat Villasan Villafuerte.

2. Sa pagsusuri ng anumang akda ay kailangang mahusay anng organisasyon


o balangkas ng lahok. Bahagi ito ng disiplina ng pagsusuri.
3. Sa pagsusuri ng anumang akda ay dapat maging maganda ang paksa, may
kalinisan ang wika at organisado ang paglalahad.
4. Sa pagsusuri ay mahalagang mahagap ng may-akda ang kanyang piniling
paksa, mahusay ang pagtatalakay at organisasyon ng material, malinaw ang
balangkas na kinapapalooban ng malinaw na tesis o argumento na sinundan
ng buong sanaysay, may naidagdag sa kasalukuyang kaalaman tungkol sa
panitikan at mahusay at makinis ang pagkakasulat.
Ang pahayag sa itaas ay nagmula kina Dr. Soledad S. Reyes, Dr. Loline M.
Antillon at Prop. Tomas O. Ongoco na naging lupong inampalan sa Timpalak
sa Pagsulat ng Sanaysay-Panunuring Pampanitikan sa Panitikang Nasusulat
sa Katutubong Wika sa Pilipinas.

5. Sa pagsusuri ng tula, ang pananarili sa pananagisag sa tula ay hindi dapat


panaigin. Ang katangian ng makasining na tula ay ang sikad na damdamin at
lawak ng pangitain nito.
Ang simulating ito ay ayon kay Ruben Vega na siya ring nagsabing ang
mahalaga sa tula ay ang lasa at hipo nito at hindi ang balat ng prutas. Ayon
pa sa kanya, ang buhay daw ng sining ay nasa ubod at laman.

6. Ang pamimili ng paksang tutulain ay hindi siyang mabisang sukatan ng


kakayahan ng ng makata. Sa halip, ang higit na kailangang pahalagahan at
sukatin upang makagawa ng makatarungang pagahatol ay kung papaano
ang pagkatula.
Ayon kay Pedro L. Ricarte, kung papaanong buhat sa paksang kinuha sa
pagtutulong-tulong ng sensibilidad, kadalubhasaan, institusyong ang tunay
na tula ay kailangang matigib ng damdamin, kinakailangang managana sa
kabuuan nito, sapagkat kung hindi mapupuno sa damdamin, kailanma’y hindi
maaaring matibag sa mga taludtod nito ang isnag kagandahan.

7. Ang susuriing akda ay kailangang napapanahon, may matibay na kaisahan,


makapangyarihan ang paggamit ng wika at may malalim na kaalaman sa
teoryang pampanitikan.

8. Ang susuriing akda ay kailangang nagpapamalas ng masinop na pag-uugnay


ng mga sangkap ng pagsulat.
https://www.academia.edu/9398073/Mga_Katangian_ng_Isang_Mahusay_na_Kritiko_s
a_Panitikan

1. Bisa sa Isip = ito ang unang dapat taglayin ng isang akda. Katangian itong taglay
na nagbubunsod sa mambabasa na mag-isip upang yumaman at umunlad ang
kanyang diwa o isipan.

2. Bisang Kaasalan = Ang akda ay hindi lamang nilikha upang magbigay ng


dunong sa mambabasa. Nilikha rin ito upang magbigay-aral at humubog ng
katauhan.

3. Bisa sa Pandamdamin = Sinasabing ang bisang ito ang siyang


pinakamahalagang katangian ng isang akdang pampanitikanm Ginigising ng
isang akda ang damdamin ng mambabasa kung ang damdamin din ng mga
tauhan o ng may-akda ay malinaw na naipahahayag sa mga pandamdam, sa
guniguni at sa puso ng mambabasa.

https://www.scribd.com/doc/180096805/Katangiang-Dapat-Taglayin-ng-Kritiko-docx

MGA BATAYANG SIMULAIN SA PANUNURING PAMPANITIKAN

Ang mga sumusunod ay ilang simulain sa panunuring pampanitikan:

1.Ang susuriing akda ay kailangang nagpapamalas ng masinop na pag-uugnay ng mga


sangkap ng pagsulat.

2.Ang pagsusuri sa akda ay dapat may uri at katangian ng katalinuhan ,seryoso at


marubdob na damdamin at ng tapat na mithi sa kalayaan.

3.Sa pagsusuri ng anumang akda ayn kailangang mahusay ang organisasyon o


balangkas ng lakhok.Bahagi ito ng disiplina ng pagsusuri.

4.Sa pagsusuri lng anumang akda ay dapat maging maganda ang paksa,may kalinisan
ang wika at organisado ang paglalahad.

5.Ang susuriing akda ay kailangang napapanahon may matibay na kaisahan


makapangyarihan ang paggamit ng wika at may malalim na kaalaman sa teoryang
pampanitukan.

MGA PARAAN SA PAGSUSURI NG MGA AKDANG PAMPANITIKAN

Sa pagsusuri kinakailangan ang kaalaman sa kathang sinusuri tulad ng buong


nilalaman ng akda paraan ng pagkakabuo nito at ang ginagamit ng awtor o estilo.
Kinanakailangan din ang manunuri ay may opinyong bunga ng obhektibong pananaw
laban man o katig sa katha kaya mahalagang siyay maging matapat . Ang
pagpapaliwanag o panunuligsa sa isang akda upang ihatid ang kahalagahan nito ay
pamumuna . Dalawa ang layunin ng panitikan magbigay aliw at magbigay aralkaya
mahalaga din sa mga akda ang magkaroon ng bias sa kaasalan .

MAPANURING PAGBABASA
Ang pagbabasa ay ang pagkilala sa mga simboloat salitang nakalimbag . Ito din ay
pagkakahulugan ng mga mambabasa sa isang akda na naghahatid ng ideya o
mensahe. Paano nga ba masasabi naten na mapanuri ang ating pagbabasa?

Mahala ang mapanuring pagbasa sapagkat itoy nagbibigay impormasyon ,


nagpapalawak ng imahinasyon nagbibigay aliw at nagbibigay inspirasyon sa
mambabasa .

https://nellymarcial.wordpress.com/2016/11/25/mga-batayang-simulain-sa-panunuring-
pampanitikan/

Mga teoryang pampanitikan at mga uri nito

Mga teoryang pampanitikan— Ang Mga Teorya ng Panitikan May iba’t ibang
paliwanag ang iba’t ibang mga kritiko at makata patungkol sa mga nasabing mga
teorya ng panitikan. kayat kahit anong sabihin ko baka magkamali lang ako ng aking
mga magiging kasagutan patungkol sa mga teorya ng panitikan. Narito ang aking mga
pahayag sa mga teorya ng panitikan na malimit na gamitin sa ating mga akdang
pampantikan

1. Klasismo– Ito ay ang mga sinulat ng mga dakilang manunulat. Mga halimbawa nito
ay ang MARS CITY, FUSE BOX, POSPORO.

2. Humanismo– Sa pag-aaral at pagsusuri ng akda sa pananaw ng Humanismo,


pinaniniwalaan na ang tao ang sukatan ng lahat ng bagay kaya’t kailangang ma-
ipagkaloob sa kanya ang kalayaan sa pagpapahayag sa saloobin sa pagpapasya.
Naniniwala ang mga humanista na sibilisado ang mga taong nakapag-aaral dahil
kinikilala ang kultura.

Ang humanismo ay nakatuon sa mga tao at ginagamitan ito ng ideya ng mga tao.

3. Imahismo– Naipapahayag ang kalinawan sa mga imaheng biswal, eksaktong


paglalarawan o pagbibigay anyo sa mga ideya

4. Realismo– Ipinaglalaban ng teoryang realismo ang katotohanan kaysa kagandahan.


Sinumang tao, anumang bagay at lipunan ayon sa mga realista, ay dapat maging
makatotohanan ang paglalarawan o paglalahad. Karaniwang nakapokus ito sa
pakgsang sosyo-pulitikal kalayaan, at katarungan para sa mga naapi.

5. Feminismo– ang Feminismoay tumutukoy sa kalaksan at sa kakayahan ng tauhang


babae sa isang kuwento o akda.

6. Arkitaypal– Teoryang Arkitaypalv Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga


mahahalagang bahagi ng akda sa pamamagitan ng mga simbolo. Ngunit hindi basta-
basta masusuri ang mga simbolismo sa akda. Pinakamainam…

7. Formalism – ang pagpapaliwanag sa anyo ng akda ang tanging layunin ng


pagsusuri; samakatwid, ang pisikal na katangian ng akda ang pinakabuod ng teoryang
formalismo. ang tunguhin ng teoryang ito ay matukoy ang: nilalaman, kaanyuan, o
kayarian, paraan ng pagkakasulat ng akda..

8. Sosyolohikal– Ang teorayng sosyolohikal ay may paksang nagbibigay ng kaapihang


dinanas ng tauhan sa kwento. ang akda rin sy nsgiging salamin sa mga tunay na
nangyayari sa lipunan. Sa kuwentong “TATA SELO” ni Rogelio Sikat ay masasalamin
ang aktwal na pangyayari sa lipunan. ang pang aapi sa mga mahihirap at pagturing dito
na mababang uri.

9. Eksistensyalismo– hinahanapan ng katibayan ang kahalagahan ng personalidad


ng tao at binibigyan halaga ang kapangyarihan ng kapasyahan laban sa katwiran

10. Dekonstraksyon– -ito ay teoryang pangpanitikan na pwede mong baguhin ang


katapusan at pwede ka ding mag dagdag nga mga tauhan ngunit hindi mo pwedeng
buhain ang mga namatay na sa akda!

11. Romantisismo– ang teoryang pampanitikang umusbong sa Europe noong


ikalawang hati ng ikalabingwalong dantaon. Kasalungat ng romantisismo ang klasismo
sapagkat ang higit na pinahahalagahan ng romantisismo ay ang damdamin at guniguni.
Nagpapamalas ang romantisismo ng pag-ibig sa kalikasan, pagmamahal sa kalayaan
ay sa lupang sinilangan, paniniwala sa taglay na kabutihan ng tao, paghahangad ng
espiritwalidad at hindi mga bagay na materyal, pagpapahalaga sa dignidad hindi sa
mga karangyaan at paimbabaw na kasiyahan at kahandaan magmahal sa
babae/lalakeng nag-aangkin ng kapuri-puri at magagandang katangian, inspirasyon at
kagandahan.

12. Marksismo- inuuwa ang akda batay sa kalagayan ng mga tauhan. Hinahanapan
ang akda ng patunay ng mga naglalabasang lakas sa pagitan ng mahina at malakas,
matalino at mangmang, duwag at matapang, mahirap at mayaman. Dito nakapaloob
ang mga tauhang bida at kontrabida. May suliranin ang bida at ang gumagawa nito ay
ang kontrabida. Sa teoryang ito, di padadaig ang naaping tauhan, babalikwas ito upang
madapi ang nangaaping lakas.

13. Historical– ang teoryang ito ay patungkol sa pinagmulan at pag-unlad ng wikang


ginamit sa mga akdang pampanitikan. Kakikitaan ang mga akda ng mga pagbabago sa
paggamit ng mga salitang naaayon sa panahon at sa kultura na may kinalaman sa mga
pagbabagong nagaganap sa ating bayan, kasama rito ang mga pagbabagong
nagaganap sa ating lipunan, ekonomiya, edukasyon, agrikultura at higit sa lahat ang
ating pananampalataya

14. Bayograpikal– ang teoryang ito ay patungkol sa may-akda ng mga akdang


pampanitikan, siya ang nagsusulat o sumusulat ng mga akdang pampanitikan na ating
nababasa magpasahanggang ngayon. Ang teoryang ito ay tumutukoy sa bakgrawnd ng
may akda sa kanyang sinulat na akda, makababasa tayo ng ilang mga pangyayaring
nangyari sa tunay na buhay ng may-akda upang masmapaganda pa nito ang
paghubog sa kanyang sinulat na akda. Kakikitaan din ito ng pilosopiya ng may akda sa
dahilang kababasaan ito ng kanyang pananaw patungkol sa mga bagay na nais niyang
ihatid sa mga mambabasa.

15. kultural— tumutukoy sa mga kwenotng base sa isang kulturang pinaghanguan ng


kwento o tula.

https://melodymular.wordpress.com/2011/06/12/mga-teoryang-pampanitikan-at-mga-
uri-nito/

Paraan ng pagsusuri ng Maikling kwento

TAUHAN – siya/sila ang kumikilos (sinadya man o hindi) na nagdudulot ng pangyayari


sa kuwento Pangunahing Tauhan (PT) sa kaniya/kanila umiikot ang kuwento;
kadalasang kumikilos sa pagsagot ng problema Iba Pang Tauhan (IPT) siya/sila ang
katuwang o katunggali ng PT sa pag-indayog / pagtakbo ng kuwento

TAGPUAN – dito naganap ang kuwento Lugar Saan nangyari ang kuwento? Panahon
Kailan nangyari ang kuwento?

PROBLEMA – ito ang pinakadahilan / pinanggalingan ng lahat ng mga pagkilos ng mga


tauhan / pangyayari Pangunahing Problema *pinakaproblema, “nanay” ng lahat ng iba
pang mga problemang napapaloob sa kuwento *taglay, dinadala ng pangunahing
tauhan (kaya magagamit itong patunay / palatandaan upang malaman kung sino ang
pangunahing tauhan)

PANGYAYARI – pagtakbo / pag-usad ng kuwento Pasakalye/ Simula mula sa


pinakaumpisa hanggang sa ipakilala/ilahad ang problema Simula ng Problema pinag-
ugatan ng mga pagkilos ng tauhan; kadalasan dala ng Pangunahing tauhan
Pananabik/Pataas na aksyon lahat ng mga pagkilos ng PT (sadya man o hindi) na
magaganap upang masolusyunan ang problemang iniikutan ng kuwento maliban sa
pinakahuli Kasukdulan/karurukan pinakahuling pagkilos ng PT (sadya man o hindi) na
magaganap upang masolusyunan masolusyunan ang problemang iniikutan ng kuwento
Wakas Kinalabasan, kinahinatnan ng kuwento (matapos maganap ang pinakahuling
pagkilos ng PT upang solusyunan ang problema)

PUNTO-DE-BISTA – Ano ang panauhang ginamit ng may-akda sa pagkukuwento?


Kasali (Unang Panauhan) “AKO” Hal. Ako ay naglalakad nang bigla akong nadapa at
napaluha ako sa sakit. Limitado / Nagmamasid lang (Ikatlong Panauhan) “SIYA” /”
SILA” / “SI” Hal. Siya ay naglalakad nang bigla siyang nadapa at napaiyak.
*isinasalaysay lamang ang bagay/pangyayaring nakita Mala-Diyos (Ikatlong Panauhan)
“SIYA” /” SILA” / “SI” Hal. Siya ay naglalakad nang bigla siyang nadapa, at naalala
niyang bigla ang mga dating kahihiyang naranasan niya. *isinasalaysay hindi lamang
ang nakita kundi pati ang nararamdaman o naiisip ng mga tauhan

ESTILO NG PAGSASALASAY – ito ang daloy kung paano isinalasaysay ang kuwento
Kronolohikal (A, B, C,…Z) Pabalik-tanaw (Z-A, B, C, -…) Daloy ng Kamalayan (P, X, N)
DETALYENG FILIPINO – Ano ang nagpapa-Filipino sa akdang isinalaysay sa akda
bukod sa wika? - tayo lang o isa lang tayo sa iilang mayroon - bahagi ng kulturang
Filipino na ipinakita o binanggit sa akda (maaaring bagay, lugar, pangyayari o okasyon,
kaugalian, kaisipan) MALALIM NA PAGSUSURI • maaaring higit sa isa ang tamang
sagot bagama’t may maituturing pa ring mali • ang mga paliwanag o patunay sa sagot
ay nagmula pa rin sa akda • bunga ito ng pinagsamang talino ng may-akda at
mambabasa • pormularyo: MALALIM = AKDA + IKAW (mambabasa)

PAHIWATIG – detalye sa likod ng mga detalye - mga nais sabihin ng may-akda ngunit
hindi niya direktang sinabi

SIMBOLISMO – mga detalyeng ginamit ng may-akda na kumakatawan sa isang mas


malaking kaisipan o ideyang napapaloob sa akda - pormularyo: A ~ B dahil ang
katangian ng/nangyari sa A ay katangian ng/nangyari rin sa B PAGLALAPAT – mga
kaisipan o pangyayari sa akda na maihahalintulad mo sa totoong buhay - may mga
pangyayari ba sa akdang katulad ng nangyari sa iyo/sa ating lipunan/sa ibang akda/sa
iba pang larangan? - Pormularyo: A=B pero ang A ay mula sa akda, ang B ay mula sa
labas ng akda

ESTILO/KASININGAN – mga teknik na nakatulong sa bisa/pagkaepektibo ng akda -


Anu-ano ang ginamit na paraan ng may-akda sa kaniyang pagsulat upang maging
makatotohanan, may talab, masining, malikhain, at akma ang kaniyang akda (bukod sa
paggamit niya ng simbolismo at pahiwatig?)
PINAKATEMA – pinakasinasabi ng akda - Sa isang pangungusap, anong katotohanan
sa buhay ang ibinabahagi ng kabuuan ng akda?

https://specialfilipino.files.wordpress.com/2012/03/paano-magsuri-ng-maikling-
kuwento.pdf

Paraan ng pagsuri ng Tula

I. Paksa ng tula

II. Simbolismong ginamit

III. Angkop na yeoryang pampanitikan

IV. Pagpapahalaga sa talasalitaang ginamit

V. Pagtukoy sa mga tayutay na ginamit

VI. Pagpapahalagang pangkatauhan

VII. Pagpapahalaga sa pansariling pang-unawa ng tula

https://www.academia.edu/13027040/BALANGKAS_NG_PAGSUSURI_NG_TULA

Paraan ng pagsusuri ng isang Dula

I. Mga Tauhan

II. Buod

III. Pagsusuri

1. Panahong kinabibilangan

2. Mga sariling puna:

3. Gintong kaisipan:

4. Teoryang Napapaloob

http://balolotrv.blogspot.com/2014/03/pagsusuri-ng-isang-dula.html
Paraan ng pagsusuri sa Nobela
PAMAGAT:

ANG MAY-AKDA

MGA TAUHAN

BUOD

PAGSUSURI

ISTRUKTURA

TEORYA

SIMBOLISMO

TAYUTAY

PAGTUTULAD/SIMILI

PAGWAWANGIS/METAPOR

PERSONIPIKESYON

PAGMAMALABIS

IDYOMA

MGA BISA

BISA SA ISIP:

BISA SA DAMDAMIN

BISA SA KAASALAN

KONGKLUSYON

REAKSYON

http://jrp91.blogspot.com/

Paraan ng pagsusuri ng Pelikula

I. Tungkol sa Pelikula
A. Pamagat ng Pelikula
B. Direktor:
C. Prodyuser:
D. Pangunahin tauhan:

E. Tema ng Pelikula
F. Buod ng Pelikula
II. Mga Aspektong Teknikal
A. Musika
B. Sinematograpiya
C. Pgkasunodsunod ng mga Pangyayari
D. Pagganap ng mga artista
III. Kahalagahan Pangtao
A. Paglalapat ng Realismo
B. Mga aral
C.Kabuuang Pananaw

https://www.facebook.com/PanitikanSaFilipinoIvViii/posts/pagsusuri-ng-pelikulai-
tungkol-sa-pelikula-a-pamagat-ng-pelikula-estudyante-kaya/577153652430902/

Paraan ng pagsusuri ng Sanaysay


I I . T E M A :
I I I . P A N I M U L A
I V . N I L A L A M A N
V.KONKLUSYON
https://www.academia.edu/13027039/BALANGKAS_NG_PAGSUSURI_NG_SANAYSA
Y

Maestre, Angeluz P.
BSE-ENG.1A
Ma’am Aireen Mora
Pagsusuri at Pagsulat ng Akdang Panitikan

You might also like