Professional Documents
Culture Documents
Sa bisa ng “Parolang Ginto” ni Clodualdo del Mundo noong 1972, si del Mundo ay
nagsimula ng pamimili ng sa palagay niya’y pinakamahusay na katha ng mga buwan at taon.
Ang panunuri at pamimiling ito ay tumagal nang walang patlang hanggang noong 1935.
Sa “Hindi na Uso ang Hindi pa Uso: Ang Kritika sa Panahon pa ng Iraq,” isang sanaysay
ni Isagani R. Cruz ay sunud-sunod na tanong ang kanyang ipinukol sa mga mambabasa bilang
paglalarawan sa mga nangyayari ngayon sa larangan ng panunuri na itinutumbas niya sa salitang
kritika:
Ano ba ang tayo ng kritika sa kasalukuyan? Ano ba ang uso ay hindi uso? Anu-ano ang
mga isyu na nalutas na at ano pa ang hindi nalulutas? Sa madaling salita’y nasaan na ba tayo
ngayon sa kritika?
1. Ang kritiko ay matapat sa sariling itinuturing ang panunuri ng mga akdang pampanitikan
bilang isang sining.
2. Ang kritiko ay handang kilalanin ang sarili bilang manunuri ng akdang pampanitikan at
hindi manunuri ng lipunan, manunulat, mambabasa o ideolohiya.
3. Ang kritiko ay lagging bukas ang pananaw sa mga pagbabagong nagaganap sa panitikan.
4. Ang kritiko ay iginagalang ang desisyon ng ibang mga kritiko na patuloy na sumasandig
sa ibang disiplina gaya ng linggwistika, kasaysayan, sikolohiya, atbp.
5. Ang kritiko ay matapat na kumikilala sa akda bilang isang akdang sumasailalim sa paraan
ng pagbuo o konstruksyon batay sa sinusunod na alituntunin at batas.
6. Ayon kay Alejandro G. Abadilla, kailangan ng isang kritiko ang tigas ng damdaming
naninindigan upang maging tiyak na kapakinabangan ng panitikan ang kanyang
pagmamalasakit, ay ipinakilala ng mga pangyayari nang mga unang taon ng kanyang
pamimili.
Mga Batayang Simulain sa Panunuring Pampanitikan