Professional Documents
Culture Documents
Gawain PDF
Gawain PDF
1. PANAHON NG KATUTUBO
2. PANAHON NG KASTILA
3. PANAHON NG PROPAGANDA
4. PANAHON NG HIMAGSIKAN
5. PANAHON NG AMERIKANO
6. PANAHON NG HAPON
PANUNURING PAMPANITIKAN:
Kilalang mga makata at manunulat na Pilipino sina Alejandro G. Abadilla at Clodualdo del Mundo bilang
tanyag na kritikong panitikang Filipino noong kanilang panahon sa kalagitnaan ng ika-20 siglo. Sa akdang
“Parolang Ginto” ni Clodualdo del Mundo noong 1972 ay nagsimula ng pagsusuri o pamimilì ng palagay
niya’y pinakamahusay na katha ng mga buwan at taon. Samantala, kung papaano sa pamamagitan ng
kanyang “Parolang Ginto” ay pinasok ni del Mundo ang larangan ng pamumuna o panunuri, si Alejandro
G. Abadilla naman ay pumagitna sa larangan sa pamamagitan ng kanyang “Talaang Bughaw” noong
1932, na sagisag mula noon hanggang ngayon, sa buwanan at taunang pamimili ng pinakamahuhusay na
akda, maging tula o akda man. Panunuring Pampanitikan—ito ay isang malalim na paghihimay o
pagtingin sa mga akdang pampanitikan sa pamamagitan ng paglalapat ng iba’t ibang dulog ng kritisismo
para sa mabisang pag-unawa sa malikhaing manunulat at katha. Gabay ito upang malaman ang
kahulugan o mensaheng nais ipabatid ng manunulat sa mga mambabasa o sa lipunan. Ang pagsusuring
pampanitikan ay isang pag-aaral, pagtalakay, pagsusuri at pagpapaliwanag ng panitikan. Ito ay may
dalawang sangay. Ang unang sangay ay ang Pagdulog. Ang mga uri nito ay pormalistiko o pang-anyo.
Ang pangalawa ay ang moralistiko. Ang pangatlo ay ang sikolohikal. at ang huling uri ay sosyolohikal-
panlipunan. Ang pangalawang sangay ay ang Pananalig. Binubuo ito ng maraming uri—ilan lamang sa
mga ito ay ang klasisismo, romantisismo, realismo, at marami pang iba. Ang pagsusuring pampanitikan
ay dapat may uri at katangian ng katalinuhan, seryoso at marubdob na damdamin at ng tapat na mithi sa
kalayaan. Kinakailangang mahusay ang organisasyon o balangkas ng lahok. Bahagi ito ng disiplina ng
pagsusuri. Sa pagsusuri ng anumang akda ay dapat maging maganda ang paksa, may kalinisan ang wika
at organisado ang paglalahad. Mahalaga ding mahagap ng may-akda ang kanyang piniling paksa,
mahusay ang pagtatalakay at organisasyon ng material, malinaw ang balangkas na kinapapalooban ng
malinaw na tesis o argumento na sinundan ng buong sanaysay, may naidagdag sa kasalukuyang
kaalaman tungkol sa panitikan at mahusay at makinis ang pagkakasulat. Ang susuriing akda ay
kailangang napapanahon, may matibay na kaisahan, makapangyarihan ang paggamit ng wika at may
malalim na kaalaman sa teoryang pampanitikan. Ang susuriing akda ay kailangang nagpapamalas ng
masinop na pag-uugnay ng mga sangkap ng pagsulat. Mga Simulain sa Panunuring Pampanitikan.
Bakit mahalaga ang panunuring pampanitikan? Mapahahalagahan lamang natin nang lubos ang isang
akda kung tayo’y may kinalaman sa pagsusuri nito. Critique o Criticism (Panunuri o Kritisismo) •
Naghahanap ng mali – Kritisismo; Naghahanap ng estruktura – Panunuri; naghahanap ng kung ano ang
pwede – Panunuri; naghahanap ng kulang – Kritisismo; Nagtatanong upang maliwanagan – Panunuri;
Nagbibigay agad ng hatol sa hindi niya maunawaan – Kritisismo; Nakalahad sa malupit at mapanuyang
tinig – Kritisismo; Nakalahad sa mabuti, matapat, at obhetibong tinig – Panunuri; Positibo – Panunuri;
Negatibo – Kritisismo; Malabo at malawak – Kritisismo; Kongkreto at tiyak – Panunuri; Seryoso at hindi
marunong magpatawa – Kritisismo; Nagpapatawa rin – Panunuri; Naghahanap ng pagkukulang sa
manunulat at sa akda – Kritisismo; Tumitingin lamang sa kung ano ang nasa pahina – Panunuri.
Ang nagsusuri ng akda o kritiko ay dapat na matapat sa sariling itinuturing ang panunuri ng mga akdang
pampanitikan bilang isang sining. Siya ay handang kilalanin ang sarili bilang tagasuri ng akdang
pampanitikan at manunuri ng lipunan, ngunit hindi kinokontrol manunulat. Siya ay may matalinong
ideolohiya na maaaring ibahagi sa mambabasa mambabasa. Ang kritiko ay laging bukas ang pananaw sa
mga pagbabagong nagaganap sa panitikan. Ang kritiko ay iginagalang ang desisyon ng ibang mga kritiko
na patuloy na sumasandig sa ibang disiplina gaya ng linggwistika, kasaysayan, sikolohiya, atbp. Ang
kritiko ay matapat na kumikilala sa akda ng manunuskrito bilang isang akdang sumasailalim sa paraan ng
pagbuo o konstruksiyon batay sa sinusunod na alituntunin at batas. Batay kay Alejandro G. Abadilla,
kailangan ng isang kritiko ang tigas ng damdaming naninindigan upang maging tiyak na kapakinabangan
ng panitikan ang kanyang pagmamalasakit, ay ipinakilala ng mga pangyayari nang mga unang taon ng
kanyang pamimili.
MGA TAKDANG ARALIN: ISULAT SA YELLOW PAPER ANG SUMUSUNOD NA TAKDANG ARALIN.
Ang mga pangungusap sa loob ng panaklong (parenthesis) ang gabay kung paano dapat suriin ang
sumusunod na akda.
2. Basahin at suriin ang maikling kuwento na “ANG MUNDO SA PANINGIN NG ISANG…” ni Rogelio
Ordoñez. (Pagkatapos basahin ang akda, suriin ito gamit ang balangkas na nása ibaba)
3. Basahin at suriin ang awiting “UPUAN” ni Gloc 9. (Pagkatapos basahin ang akda, suriin ito gamit
ang balangkas na nása ibaba)
4. Basahin at suriin ang tulang “Ayoko Nang Makita ang mga Putang Ina” ni Rogelio Ordoñez.
(Pagkatapos basahin ang akda, suriin ito gamit ang balangkas na nása ibaba)
Inihanda ni:
JAY-MAR G. LUZA
Instruktor, BulSU-HC