You are on page 1of 3

Pagsulat sa Filipino

 ABOUT

 CONTACT

Panunuring Pampanitikan
August 3, 2017mikasaesucasa

Ang presentasyon ng pangatlong pangkat na isa sa mga uri ng akademikong


sulatin: Panunuring Pampanitikan.

I-click lang ang imahe upang ma download.


Nilalaman: (hindi kumpleto)
Ang Panunuring Pampanitikan ay isang malalim na paghimay sa mga akdang
pampanitikan sa pamamagitan ng paglalapat ng ibat’t ibang dulog ng kritisismo para
sa mabisang pag-unawa sa mga malikhaing manunulat at katha.
 Sa pagsusuri, kinakailangan ang lubos na kaalaman sa kathang sinusuri tulad ng
buong nilalaman ng akda, paraan ng pagkakabuo nito at ang ginamit ng awtor na
pamamaraan o istilo. Kinakailangan ding ang manunuri ay may opinyong bunga
ng obhektibong pananaw laban man o katig sa katha, kaya mahalagang siya ay
maging matapat.
Mga Sangay:
Ang Pagdulog ay may apat na uri:
 Pormalistiko o pang-anyo.
 Moralistiko.
 Sikolohikal
 Sosyolohikal-panlipunan.
Ang Pananalig naman ay may siyam uri:
 klasisismo
 romantisismo
 realismo
 naturalismo
 impresyunalismo
 ekspresyunalismo
 simbolismo
 eksistensiyalismo
 peminismo
Mga Bahagi ng Panunuring Pampanitikan:

 Pamagat – binubuo ito ng pangalan ng akda at may-akda ng iyong sinusuri at


paksa na iyong ilalahad sa paghihimay
 Panimula – impormasyon na may kaugnayan sa iyong sanaysay at kasiya-siyang
pambungad na talata na kinabibilangan ng angkop na pahayag ng tesis
 Paglalahad ng Tesis – kadalasang nakapaloob sa panimula; nagsasabi sa iyong
mambabasa kung ano ang aasahan sa kaniyang mababasa: ito ay nagpapahayag ng
layunin ng iyong sanaysay – ang puntong iyong gusto iparating
 Katawan – naglalaman ng paliwanag ng iyong mga ideya at katibayan mula sa
teksto at sumusuporta sa iyong inilalahad na tesis
 Konklusyon – ang buod ang mga pangunahing punto na iyong ginawa, na may-
katuturang komento tungkol sa teksto na iyong pinag-aaralan
Pakinabang ng Panunuring Panitikan:
Nagbibigay ng kakayahan upang makita ang mas malalim na kahulugan sa nilalaman
ng akda at kung paano ito ay lahat nagiging isang buong ideya.
 Tumutulong ito na pahalagahan ang lalim ng kuwento at ang mensahe na
binabanggit ng may-akda. Isang kapaki-pakinabang na ehersisyo bilang
pagkakakilanlan ng isang makabuluhang tema, at ang pagsisiyasat ng mga
pampanitikang kasangkapan (pananalita, matalinghagang paglalarawan,
simbolismo) na ginamit ng may-akda upang ipakita ang temang iyon. At upang
maipahayag ang kanilang mga opinyon sa isang lohikal na paraan na maaaring
maunawaan ng nakararami. Kadalasan sa mga trabaho sa kapanahunan ngayon ay
nangangailangan ng pagsusulat ng mga ulat, mga panukala para sa trabaho, atbp.
Upang maayos ang trabaho, kailangan ng isang tao na may kakayahang ipahayag
ang kanyang mga kaisipan nang malinaw at partikular na nakasulat. Maaaring
hindi siya magsulat ng mga sanaysay sa literatura bilang pamumuhay, ngunit
malamang na ang natutuhan niya mula sa tungkuling iyon ay magiging kapaki-
pakinabang sa ibang pagkakataon sa buhay.

Kahalagahan ng Panitikan:
Malaki ang naitutulong ng pantikan sa ating mga indibidwal na buhay, at sa buhay ng
ating lipunan.

 Unang-una, nagbibigay ang panitikan ng isang magandang pagtakas sa realidad at


ibinabahagi nito ang isang uri ng libangan para sa mga tao.
 Ikalawa, nagkakaroon ng malaking tulong ang panitikan sa paghulma ng lipunan
dahil tintulungan nito ang mga mamamayan nag bumuo ng opinyon sa mundo at
kwestiyonin ang kasalukuyang sistema.
 Ikatlo, ang panitikan ay nagsasalamin sa kulturang pinagmulan nito. Dahil dito,
nagiging isang magandang kasangkapan ang panitikan upang masalamin ang
kultura at pamumuhay ng pangkasalukuyang lipunan upang mas maitindihan ito
ng mga susunod na henerasyon.
 Isa itong uri ng mahalagang panlunas na tumutulong sa mga tao upang
makapagplano ng sari-sariling mga buhay, upang matugunan ang kanilang mga
suliranin, at upang maunawaan ang diwa ng kalikasan ng pagiging makatao.

You might also like