You are on page 1of 42

Panunuring

Pampanitikan

Akademikong Sulatin
DEPINISYON
Ang Kahulugan ng Panunuring Pampanitikan

Ang Panunuring Pampanitikan ay isang malalim na paghimay sa mga


akdang pampanitikan sa pamamagitan ng paglalapat ng ibat’t ibang dulog
ng kritisismo para sa mabisang pag-unawa sa mga malikhaing manunulat
at katha.

Sa pagsusuri, kinakailangan ang lubos na kaalaman sa kathang


sinusuri tulad ng buong nilalaman ng akda, paraan ng
pagkakabuo nito at ang ginamit ng awtor na pamamaraan o
istilo. Kinakailangan ding ang manunuri ay may opinyong bunga
ng obhektibong pananaw laban man o katig sa katha, kaya
mahalagang siya ay maging matapat.
MGA SANGAY
Mga Uri ng Panunuring Pampanitikan

Pagdulog

Pananalig
PAGDULOG
Saan ito nagmula? Ano ang layunin nito? Ano ang mga halimbawa? Ano ang mga katangian?
Mahalaga bang pag-aralan ito?

• Pormalistiko - pinagtutuunan ng pansin ang mga istraktura o pagkabuo


• Moralistiko - pinahahalagahan ang moralidad, disiplina at kaayusang
nakapaloob sa akda
• Sikolohikal - antas ng buhay, paninindigan, pinaniniwalaan,
pinahahalagahan at mga tumatakbo sa isipan at kamalayanng may akda
• Sosyolohikal - ng layunin ng panitikan ay ipakita ang kalagayan at
suliraning panlipunan ng lipunang kinabibilangan ng may-akda
MGA TEORYA SA PANUNURING
PAMPANITIKAN
TEORYANG HUMANISMO
 Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao ang sentro ng mundo; ay
binibigyang-tuon ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya ng talino,
talento atbp.
TEORYANG IMAHISMO

 Ang layunin ng panitikan ay gumamit ng mga imahen na higit na maghahayag sa


mga damdamin, kaisipan, ideya, saloobin at iba pang nais na ibahagi ng may-
adka na higit na madaling maunawaan kaysa gumamit lamang ng karaniwang
salita. Sa halip na paglalarawan at tuwirang maglalahad ng mga imahen na
layong ilantad ang totoong kaisipan ng pahayag sa loob ng panitikan.
TEORYANG REALISMO

 Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksisan ng may-


akda sa kanyang lipunan. Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong
buhay ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat isinaalang-alang ng may-akda ang
kasiningan at pagkaefektibo ng kanyang sinulat.
TEORYANG ARKITAYPAL

 Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga mahahalagang bahagi ng akda sa


pamamagitan ng mga simbolo. Ngunit hindi basta-basta masusuri ang mga
simbolismo sa akda. Pinakamainam na alamin muna ang kabuuang konsepto at
tema ng panitikan sapagkat ang mga simbolismong napapaloob sa akda ay
magkaugnay sa isa’t isa. Ang lahat ng simbolismo ay naaayon sa tema at
konseptong ipinapakilala ng may-akda sa mga mambabasa.
TEORYANG
SAYKOLOHIKAL/SIKOLOHIKAL
 Ang layunin ng panitikan ay ipaliwanag sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga
salig (factor) sa pagbuo ng naturang behavior (pag-uugali, paniniwala, pananaw,
pagkatao) sa isang tauhan sa kanyang akda. Ipinakikita sa akda na ang tao ay
nagbabago o nagkakaroon ng panibagong behavior dahil may nag-udyok na
mabago o mabuo ito.
TEORYANG EKSISTENSYALISMO

 Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o


magdesisyon para sa kanyang sarili na siyang pinakasentro ng kanyang
pananatili sa mundo (human existence).
TEORYANG
MARKISMO/MARXISMO
 Ang layunin ng teoryang ito ay ipakita na ang tao o sumasagisag sa tao ay may
sariling kakayahan na umangat buhat sa pagdurusang dulot ng pang-
ekononiyang kahirapan at suliraning panlipunan at pampulitika. Ang mga
paraan ng pagahon mula sa kalugmukan sa adka ay nagsisilbing modelo para sa
mga mambabasa.
TEORYANG BAYOGRAPIKAL

 Ang layunin ng panitikan ay ipamalas ang karanasan o kasagsagan sa buhay ng


may-akda. Ipinahihiwatig sa mga akdang bayograpikal ang mga bahagi sa buhay
ng mayakda na siya niyang pinakamasaya, pinakamahirap, pinakamalungkot at
lahat ng mga “pinaka” na inaasahang magsilbing katuwang ng mambabasa sa
kanyang karanasan sa mundo.
TEORYANG QUEER

 Ang layunin ng panitikan ay iangat at pagpantayin sa paningin ng lipunan sa mga


homosexual. Kung ang mga babae ay may feminismo ang mga homosexual
naman ay queer.
TEORYANG HISTORIKAL

 Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan ng isang lipi ng tao na siyang
masasalamin sa kasaysayan au bahagi ng kanyang pagkahubog. Nais din nitong
ipakita na ang kasaysayan ay bahagi ng buhay ng tao at ng mundo.
TEORYANG KULTURAL

 Ang layunin ng panitikan ay ipakilala ang kultura ng may-akda sa mga hindi


nakakaalam. Ibinabahagi ng may-akda ang mga kaugalian, paniniwala at
tradisyon minana at ipasa sa mga sunod na salinlahi. Ipinakikita rin dito na
bawat lipi ay natatangi.
TEORYANG DEKONSTRAKSYON

 Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang iba’t ibang aspekto na bumubuo sa tao
at mundo. Pinaniniwalaan kasi ng ilang mga pilosopo at manunulat na walang
iisang pananaw ang nagudyok sa may-akda na sumulat kundi ang pinaghalu-
halong pananaw na ang nais iparating ay ang kabuuan ng pagtao at mundo.
PANANALIG
Mga Uri ng Panunuring Pampanitikan

• Klasisismo - layunin ng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaring payak, ukol sa


pagkakaiba ng estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan, karaniwan ang daloy ng
mga pangyayari, matipid at piling-pili sa paggamit ng mga salita at laging nagtatapos
nang may kaayusan
• Romantisismo - Binibigyang-halaga ang indibidwalismo, rebolusyon, imahinasyon at
likas; pagtakas mula sa realidad o katotohanan.
• Naturalismo - isang pilosopikal na pananaw ayon sa kung saan ang lahat ng bagay ay
nagmumula sa mga likas na katangian at mga sanhi, at ang espirituwal na paliwanag
ay hindi kasama
• Impresyunalismo – isang teorya at kasanayan sa panitikan na nagbibigay-diin sa mga
agarang aspeto ng mga bagay o mga aksyon na di binigyang pansin sa mga detalye.
PANANALIG
Mga Uri ng Panunuring Pampanitikan

• Ekspresyunalismo – pagbabago at pagaiba ng mga bagay o mga kaganapan


upang kumatawan ito sa pananaw ng karakter ng isang panitikan
• Simbolismo - paggamit ng mga simbolo upang magpahiwatig ng mga ideya at
mga katangian
• Eksistensiyalismo - binibigyang-diin ang bahagi ng akda na nagpapakita ng
mga paniniwala, kilos at gawi ng tauhan; ang tao ay may malayang
pagpapasya para sa kaniyang sarili upang mapalutang ang pagiging indibidwal
nito at sagayon ay hindi maikahon sa lipunan
• Peminismo - pagkilala ng mga kalakasan at kakayahang pambabae at iangat
ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan
Literary Devices (Tayutay)

 Pagtutulad (simile)
 simpleng paghahambing ng dalawang bagay na magktulad ang katangian na
sukat ipagkaugnay ng dalawa sa pangkalahatang anyongunit may mga pagkakat.
Ito’y gumagamit ng mga salita’t pariralang tulad ng, katulad ng, para ng,
kawangis ng, animo’y, gaya ng, tila, at iba pa.
Halimbawa:

Namuti ang buhok ko sa kahihintay


Narinig ng buong mundo ang iyong pag-iyak.
Halimbawa:

Napakaganda niya kapag nakatalikod.


Maganda ang boses niya… kasing-ganda ng kokak ng palaka.
9. Paghihimig (Onomatopoeia)

 Naipapahiwatig ang kahulugan sa pamamagitan ng mga


tunog o himig ng mga salita.
Halimbawa

Dumagundong ang malakas na kulog na sinundan ng pagguhit ng


matatalim na kidlat.
Paag-uulit (Aliteration)

 Gumagamit ng magkatulad na titik o pantig sa simula ng dalawa o


mahigit pang salitang ginagamit sa isang pangungusap
Pagtanggi (Litotes)

 Gumagamit ng salitang hindi sa pahayag upang


ipahiwatig aaang makahulugang pag-sang-ayon sza
sinasabi ng sumusunod na pahayag
Halimbawa:
 Hindi ko sinasabing mabagal ka magsulat, pero bakit hindi ka pa
tapos.
Salantunay (Paradox)

 Pagpapahayag ng isang katotohanan sa pamamagitan ng paggamit


ng sangkap na animo ay di totoo sa biglang basa
ISTRUKTURA
Mga Bahagi ng Panunuring Pampanitikan

• Pamagat  – binubuo ito ng pangalan ng akda at may-akda ng iyong sinusuri at paksa


na iyong ilalahad sa paghihimay
• Panimula – impormasyon na may kaugnayan sa iyong sanaysay at kasiya-siyang
pambungad na talata na kinabibilangan ng angkop na pahayag ng tesis
• Paglalahad ng Tesis – kadalasang nakapaloob sa panimula; nagsasabi sa iyong
mambabasa kung ano ang aasahan sa kaniyang mababasa: ito ay nagpapahayag ng
layunin ng iyong sanaysay – ang puntong iyong gusto iparating
• Katawan – naglalaman ng paliwanag ng iyong mga ideya at katibayan mula sa
teksto at sumusuporta sa iyong inilalahad na tesis
• Konklusyon – ang buod ang mga pangunahing punto na iyong ginawa, na may-
katuturang komento tungkol sa teksto na iyong pinag-aaralan
KAHALAGAHAN
Malaki ang naitutulong ng pantikan sa ating mga indibidwal na buhay, at sa buhay
ng ating lipunan.

• Unang-una, nagbibigay ang panitikan ng isang magandang pagtakas sa realidad at


ibinabahagi nito ang isang uri ng libangan para sa mga tao.
• Ikalawa, nagkakaroon ng malaking tulong ang panitikan sa paghulma ng lipunan dahil
tintulungan nito ang mga mamamayan nag bumuo ng opinyon sa mundo at kwestiyonin
ang kasalukuyang sistema.
• Ikatlo, ang panitikan ay nagsasalamin sa kulturang pinagmulan nito. Dahil dito, nagiging
isang magandang kasangkapan ang panitikan upang masalamin ang kultura at pamumuhay
ng pangkasalukuyang lipunan upang mas maitindihan ito ng mga susunod na henerasyon.
• At Panghuli, asa itong uri ng mahalagang panlunas na tumutulong sa mga tao upang
makapagplano ng sari-sariling mga buhay, upang matugunan ang kanilang mga suliranin, at
upang maunawaan ang diwa ng kalikasan ng pagiging makatao.
Diksiyon at Tono

 Diksiyon
Tama at karapat-dapat na salita para sa ideyang ipinahahayag
 Tono
Damdamin ng manunulat sa kanyang ginagamit na salita
Mapagpatawang Tono

 Mapagpatawang Tono
 Paggamit ng Dayalogo
 Paghahanap ng Dramaytikong pokus
Mga Sanggunian:

 Pagbasa ng Panitikan at Kulturang Popular: piling sanaysay, 1976-1996 Soledad


S. Reyes ADMU Press, Quezon City, Philippines, 1997
 Panunuring Pampanitikan (Teorya at Pagsasanay)Patronicio V. Villafuerte Mutya
Publishing House, Valenzuela City, Philippines, 2000
 PLUMA III: Wika at panitikan para sa mataas na paaralan Ailene G. Basa, Mary
Grace C. del Mundo, Nestor S. Lontoc at Alona M. Dayag

You might also like