You are on page 1of 10

klasismo

Ang klasisismo o klasismo ay isa sa teoryang pampanitikan ay


nagmula sa Gresya, sinasabi rito na kaisipan muna kaysa sa
damdamin. Ipinahahayag ng klasismo na ang isang akda ay
hindi naluluma o nalalaos, sa kabilang dako ay nangyayari o
nagaganap parin sa kasalukuyan. Nakasaad rin dito na
nakatuon ang panitikan sa pinakamataas patungo sa
pinakamabababang uri. Ibig sabihin, sa itaas matatagpuan ang
kapangyarihan at kagandahan. Aristrokratiko ang pananaw na
umiiral dito.
Nagpapakita ng malaking agwat ng
mayayaman at mahihirap sa lipunan.
Tumutukoy sa mga klasik at makalumang
mga bagay
Sinasabi dito na kaisipan muna kaysa sa
damdamin, ito ay kasalungat ng teoryang
romantisismo
Pinapahalagahan ang katwiran
Posporo( Father Mario Sobrejuanite)

“Madilim at siksikan sila sa loob ng kaha ng


posporo. Ayaw masilawan ng araw ang bawat isa sa
kanila. Sa takot na kapahamakang mangyari sa kanila.
Hindi nila alam kung bakit kailangan nilang malagasan
ng kasamahan, dahil hindi na bumabalik ang kanilang
kaibigang posporo. Isang araw, may isang nagmatapang
na posporo. Sabi nya, gusto kong malaman ang
mayroon sa labas, gusto kong ako ang mabunot.
Sabi ng isang kasamahan,”wag! nakakatakot
sa labas, nakakasilaw, baka ano pang mangyari
sa’yo sa labas!, dito ka na lang, sama-sama tayong
ligtas”. Ngunit hindi nakinig ang disididong posporo
na gustong mabunot. “Hindi, kung ayaw nyo, ako
na lang sana ang mabunot, gusto kong makita kung
ano pa ang meron sa labas, maaari rin namang may
magagandang bagay doon.’
• Hindi nagtagal ay muling nagbukas ang kaha, sumilip ang
nakakasilaw na liwanag sa madilim na loob ng kahon. At
nabunot ang posporo na disididong malaman ang kung ano pa
ang nasa labas ng kaha. Gaya ng inaasahan ng mga naiwang
posporo, hindi na bumalik ang kaibigan nila. Sabi ng isa, “sabi
ko sa inyo eh, mas ligtas tayo dito, hindi na sya bumalik”.
Makailang sandali lang, nagbukas na naman ang kaha at
bumunot ng posporo. Sa pagkakataong iyo’y nabunot si
posporong ayaw magpabunot. Takot na takot at nanlalamig
sya.
At tuluyan na nga syang nakawala sa madilim na kahang iyon.
Nangangatog habang hawak sya, at isang nag-aalab na apoy ang sa
ulo nya’y nagningas. Sya ay tuwang tuwa dahil sa nakita
nya. Nagsilbi syang liwanag sa madilim na panulukan at sinindihan
ang isang kandila gamit ang apoy sa ulo nya. Doon nya nasabi sa
kanyang sarili na napakasaya sa pakiramdam na ako pala ay isang
liwanag na ang silbi ko ay nagbibigay tanglaw sa madilim na
panulukan. At gamit sya, inilawan nya ang isang kandila at lalo
syang napamalas sa kagandahang kanyng nakita. Maaliwalas dahil
sa liwanag”.
Ang kwento ng posporo ay parang kwento din ng
buhay ng tao. Minsan, takot tayo na sumubok na makilala
natin ang ating sarili. Dahil ang sa alam lang natin ang
ating limitasyon. Ngunit gaya ng kwento ng posporo, may
kanya kanya tayong liwanag. Na nais magningas sa puso
natin. Ngunit pinapaimbabawan tayo ng takot at duda.
Parang tao, na may mababang tiwala sa sarili.
Takot na diskubrehin ang meron pa sa atin. Dahil
ang tanging alam lang natin ay hanggang doon na
lamang ang ating makakaya. Kaya nananatili sa
ganoong estado ang ating paniniwala sa buhay. Ang
resulta, hindi marunong makihalubilo, mahiyain,
matatakutin at higit sa lahat, sarado ang buhay sa
ibang tao.
Ngunit kung gaya tayo ng disididong posporo na
malaman kung ano pa ang meron sa labas, masasabi natin
sa ating sarili na hindi lang pala sa apat na kanto kaha
umiikot ang buhay natin. Dahil marami pang oportunidad
ang naghihintay sa atin. Walang masama kung ating
susubukan.
Ang kahinaan ng tao ay nababalutan ng takot at
pagkamuhi. Ngunit kung ating babaguhin ang pananaw sa
buhay, magiging maaliwalas at punung puno ng positibong
pananaw ang ating sarili, gaya na lang ng isang nagninigas
na posporo.

You might also like