You are on page 1of 1

Ang tulang pinamagatang pag ibig na isinulat Jose Corazon De jesus ay tumutukoy sa

Teoryang Romantisismo na kung saan ay ito’y patungkol sa iba’t ibang paraan at


karanasan ng tao sa pag aalay niya ng pag-ibig sa kapwa at ipinakita din sa tula niyang
ito ang iba’t ibang emosyon at masidhing damdamin patungkol sa pag-ibig.

“Ang Pag-ibig ay may mata, ang Pag-ibig ay di bulag;

Ang marunong umibig, bawat sugat ay bulaklak:

Ang pag-ibig ay masakim at aayaw ng kabiyak;

O wala na kahit ano, o ibigay mo ang lahat!”

Sa aking pagkakaintindi sa saknong na ito ay pinapakita nito ang pagtitiis ng isang tao
sa sakit pag siya ay umiibig. Isinasalamin nito ang pagtititis, pagsasakripisyo,
pagpapakumbaba ng isang tao para sa kanyang minamahal at Ipinaparating nito na
kapag umibig ang isang tao ay nakahanda itong magsakripisyo, magpakumbaba at
magparaya para sa kanyang minamahal. Minsan ang mga bagay na hindi niya kayang
gawin ay kanyang nagagawa at ang pagtitiis na hindi niya kayang tiisin ay kanyang
natitiis para sa kanyang minamahal. Nagiging makasarili o sakim rin ang isang tao.
Ginagawa nito ang mga bagay-bagay para sa sariling kapakanan at kagustuhan. Hindi
na nito napapansin na nakakasakit at nakakaapak na siya ng damdamin ng iba.

You might also like