Professional Documents
Culture Documents
Tula
Ang tula ay pagsasama-sama ng mga piling salita na may tugma, sukat, talinghaga, at
kaisipan ng sumusulat o humahabi ng tula na tinatawag na makata. Ang isang makata
ay punung-puno ng imahinasyon at may matayog na damdamin at kaisipan.
Ang tula ay nadaramang mga kaisipan. Hindi pinagsama-sama ang mga salita upang
mabasa at marinig lamang; kinakailangan na ito ay nakikita ng mga mata, nauunawaan
ng isip at tuluy-tuloy sa damdamin. Kaya nga ang mahusay na tula ay dapat
kinapapalooban ng mga larawang diwa.
Kung ang layunin lamang ng makata ay mang-aliw, hindi masasabing ang kanyang binuo
ay tula. Ang tula ay dapat gumigising ng mga natutulog na damdamin at kamalayan.
Pinagagalaw ang mga guniguni ng mga mambabasa hanggang sa makabuo ng mahusay na
pagpapakahulugan sa tula.
Tugma
Sukat
Talinghaga
Kaisipan
Ang tula ay malayang taludturan kung walang sukat at tugma ngunit kinapapalooban ng
kaisipan at talinghaga.
Ayon sa Kaanyuan
Ayon sa Kayarian
Matanda o Makalalumang Tula - Binubuo ang tulang ito ng mga taludtod na may sukat
at tugma. Ito ang pamamaraang ginamit ng mga kilalang makatang Tagalog.
Malayang Taludturan or Free Verse - Nabibilang dito ang mga tulang walang sukat at
walang tugma. Isa itong paghihimagsik sa "makipot" na bakod ng matandang panulaan.
Tula sa Tuluyan - Ang tula ay tunay na tuluyan o prosa ngunit ang diwang nakapaloob
ay masagisag. Maiikli at matayutay ang ginagamit na pananalita gaya rin ng isang
tunay na tula.
Di-Tugmaang Tula - Nagtataglay ang tulang ito ng sukat subalit walang tugma. Hindi
ito gaanong gamitin sa ating panulaan.
Ayon sa Layon
Ayon sa Pamamaraan
Ayon sa Bisa
Ayon sa Kaukulan
Mabigat - mataas ang uri. Mabigat ang tema at diwa. Ito ay isang mataas na uring
pampanitikan.
Pampagkakataon o Pang-okasyon - mga tulang pambigkasan na gina�gamit sa koronasyon,
luksang lamayan, mga kaarawan at mga pagdiriwang ng bayani at araw ng pangilin.
Magaan - hindi gaanong mataas ang uri. Madaling isipin at karaniwan sa mga
bugtungan at tulang pambata.
Mga Sangkap ng Tula
Sanaysay
Dalawang (2) Uri ng Sanaysay
Sangkap ng Sanaysay
Bahagi ng Sanaysay
Panimula � ito ang pinakamahalagang bahagi ng isang sanaysay sapagkat ito ang unang
tinitingnan ng mga mababasa, dapat nakapupukaw ng atensyon ang panimula upang
ipagpatuloy ng mambabasa ang pagbasa sa akda
Katawan - sa bahaging ito ng sanaysay makikita ang pagtalakay sa maha�halagang
puntos ukol sa tema at nilalaman ng sanaysay, dapat ipaliwanag nang mabuti ang
bawat puntos upang maunawaan ito nang maigi ng mambabasa
Wakas - nagsasara sa talakayang naganap sa katawan ng sanaysay; sa bahaging ito
nahahamon ang pag-iisip ng mambabasa na maisakatuparan ang mga tinalakay ng
sanaysay
Katangiang Dapat Taglay ng isang Mabuting Mananaysay:
Maikling Kuwento
Si Edgar Allan Poe ang Ama ng maikling kuwento na isang Amerikano at si Deogracias
A. Rosario naman sa Pilipinas. Isa pa sa mga natatanging manunulat ay si Macario
Pineda na sumali sa isang grupo ng mga manunulat laban sa mga hapon pagsiklab ng
pangalawang digmaang pandaigdig.
Hindi ito. pinaiklihg nobela o buod ng isang nobela. Isang uri ng masining na
pagsasalaysay na maikli ang kaanyuan at ang diwa ay napapalaman sa. isang buo,
mahigpit at makapangyarihang balangkas na inilalahad sa isang paraang mabilis ang
galaw.
Suliranin - mga problemang kinakaharap ng mga tauhan sa kwento. Ito ang nagbibigay
daan upang magkaroon ng kulay at kawili-wili ang mga pangyayari sa kwento. Dito
makikita kung paano kakaharapin ng mga tauhan ang paglutas sa suliraning
kinakaharap.
Tunggalian - ito ang nagbibigay-daan sa madudulang tagpo upang lalong maging
kawili-wili at kapana-panabik ang mga pangyayari kaya't sinasabing ito ang sanligan
ng akda. Nagsisimula ito sa paghahangad ng pangunahing tauhan na hahadlangan ng
sinuman o anuman sa katuparan. Ang sagabal o katunggaling lakas ay dapat na
nababagay sa kahalagahan ng layunin; at dapat na magdulot ng pananabik at kasiyahan
sa mga mambabasa sa dakong huli.
Pamagat - tumutukoy sa pangunalling paksa ng kwento. Dito umiinog ang buong diwa at
daloy ng mga pangyayari.
May-akda - tumutukoy sa sumulat o lumikha ng kwento. Sa pagtalakay sa bahaging ito
ay dapat makilala kahit na pahapyaw lamang ang katangian ng sumulat upang
maikumpara ang kanyang talino at pagkatao sa pag�likha ng mga kwento at ang
kaugnayan nito sa sariling karanasan, pananaw sa buhay at sa paligid na kanyang
kinabibilangan.
Panimula - ito ang simulain ng kwento. May iba't ibang paraan ng pagpapakilala
rito:
Pagpapakilala sa mga tauhan - ipinababatid ang kanilang pagkatao lalo na ang
pangunahing tauhan, mapangibabaw ang katangian ng pangunalling tauhan upang
magkagiliw agad sa kanya ang mga mambabasa.
Pagpapahiwatig ng suliraning kakaharapin ng mga tauhan -kailangang pagitawin ang
suliranin ng pangunahing tauhan upang matiim sa isipan ng mga mambabasa na sa kanya
iinog ang mga sumusunod pang pangyayari.
Pagkikintal sa isipan ng mga mambabasa ng damdaming pagigitawin sa kwento - ang
lahat ng mga pangyayari sa tauhan sa akda ay kailangang isang damdamin lamang ang
aantig sa mga mambabasa.
Paglalarawan ng tauhan - sa di tuwirang pamamaraan, magagawa ng may-akdang madama
ng mga mambabasa ang kapaligirang gagalawan ng mga tauhan lalo na ng mga bayani sa
akda; mahalaga ito upang madaling matiyak ng mga mambabasa ang suliraning
kakaharapin ng pangunahing tauhan at ang damdaming nais maantig sa mambabasa.
Tunggalian - ito ang paglalaban ng pangunahing tauhan at ng kanyang mga kasalungat
na maaaring isa ring kapwa tauhan, o ng kalikasan o ng damdamin na rin niya.
Kasukdulan - ito ang pinakamataas na uri ng pananabik; sa bahaging ito ng akda
humigit-kumulang at malalaman na kung nagtagumpay o nabigo ang pangunahing tauhan
sa paglutas niya sa kanyang suliranin.
Wakas - ito ang kinalabasan at naging resulta ng pakikipagtunggali ng mga tauhan sa
mga suliraning kinaharap. Ito rin ang pinakadulong pang�yayari ng daloy ng kwento.
Mga Bagay na Mahalaga sa Pagsulat ng Maikling Kuwento
Ang Pamagat � Ang isang mabuting pamagat ay may mga sumusunod na katangian:
Hindi pangkaraniwan
Kapansin-pansin
Kapana-panabik
Pangkaraniwan - �Ulam�
Pamagat na magbubunyag sa lihim ng kuwento - �Anak na Suwail, Nagsisi.�
Pamagat na maituturing na labag sa mabuting panlasa - �Naaagnas na Bangkay.�
Pamagat na masasabing kahangalan - �Apoy na Mainit.�
Mailalarawan nang buong linaw ng isang manunulat ang mga bagay na nais niyang
ilarawan kung ang mga ito ay naaayon sa mga paksang nasasaklaw ng kanyang
karanasan. Hindi dapat tumalakay ng mga paksang hindi nasasaklaw ng kanyang
karanasan sapagkat maaaring lumabas na malayo sa katotohanan. Isang halimbawa'y
isang manunulat na naglalarawan sa kanyang kuwento na tungkol sa bansang Inglatera
ngunit hindi pa siya nakararating sa naturang bansa. Magagawang malinaw at kapani-
paniwala ang paglalarawan o pagsasalaysay sa pamamagitan ng paggamit ng tiyak na
mga katangian o tiyak na mga pangyayari. Sa ganitong paglalarawan, kailangang
ilarawan ang pook na pagdarausan ng kasayahan, ang kapaligiran, mga ilaw, mga
pagkain, at iba pang bagay na maaaring makatulong sa pagbuo ng larawan sa isip ng
mga mambabasa.
Paglalarawang-Tauhan
Masining na Pagsulat
May dula o kilos na madula ang isang kuwento. Kailangang magkaroon ng tunggalian
upang magkaroon ng dula. Tinatawag na tunggalian ang paglalaban ng pangunahing
tauhan at iba pang mga tauhan. Ang isang kaisipan ay maaaring makipagtunggali sa
isa pang kaisipan.
Katapusan Ang mga mambabasa'y nananabik kung ano ang magiging wakas ng kuwento
hangga't hindi sumasapit ang kasukdulan. Nagpapatuloy ang mga mambabasa sa pagbasa
upang malaman kung ano ang mangyayari sa pangunahing tauhan. Ang kuwento'y
magwawakas na pakatapos ng kasukdulan. Hindi dapat na pahabain pa ang kuwento
pagkatapos ng kasukdulan sapagkat mawawala ang ganda nito. Dagling sundan ng wakas.
Ang isang makabagong manunulat ay maingat sa pagtatapos ng kanyang kuwento. Ang
wakas ay malimit na ipinapaubaya niya sa guni-gini ng kanyang mambabasa.
Ang katangiang dapat taglayin ng isang mahusay na maikling kuwento ay ang mga
sumusunod:
Panimula (Kasama rito ang tagpuan). Maraming tung�kuling ginagampanan ang panimula.
Inilalahad nito ang tagpuan (setting) na siyang nagpapakilala sa mga mambabasa ng
mga tauhan, panahon, at lunan ng kuwento. May mga kuwentong inilalahad na lahat ng
tagpuan, ang tatlong sangkap ng tauhan, panahon, at lunan. Kung minsan nama'y ang
inilalahad ng tagpuan ay tauhan at panahon lamang, ipinauubaya na sa mga mambabasa
na hanapin ito sa kabuuan ng kuwento?
Saglit na Kasiglahan - Ang mga bahaging naglalahad ng unang suliraning inihaharap
ng lunas ay tinatawag na saglit ng kasiglahan. Higit na umaakit sa mga mam�babasa
ang bahaging ito upang ipagpatuloy ang pagbasa. Ang pag-aakit ng mga mambabasa sa
panimula dahil sa pamamaraang ginagamit ng may-akda ay pansamantala lamang. Ibang
uri ng pagkaakit ang naramdaman nila ang pamiminto ng isang pangyayaring gumising
ng isang tiyak na damdamin kung hindi man maging kawili-wili.
Mga Suliraning Inihahanap ng Lunas - Ipinaliwanag sa dakong unahan na ang saglit ng
kasiglahan ay simula ng pagtungo sa paglalahad ng unang suliraning inihahanap ng
lunas. Ang susunod ay mga pangyayaring kailangang maayos ang pagkakalikha at
pagkakahanay. Ang naturang mga pangyayari ang bumubuo sa mga suliraning inihahanap
ng lunas. Ang mga ito ay lumilikha sa isang pagkawiling pasidhi nang pasidhi
hanggang sumapit ang pinakamasidhi na tinatawag na kasukdulan o kakalasan
Nobela
Ang nobela ay may layong manlibang, magturo, o magbigay kaya ng isang aral upang
magpayaman ng ating karanasan sa pamamagitan ng paglalahad ng mga pangyayaring
tumutugon sa karanasan ng tao, gumigising sa diwa at damdamin at nananawagan sa
talino at guni-guni.
Ang nobela o kathambuhay ay isang mahabang kuwentong piksyon na binubuo ng iba't
ibang kabanata. Mayroon itong 60,000-200,000 salita o 300-1,300 pahina. Noong ika-
18 siglo, naging istilo nito ang lumang pag-ibig. at naging bahagi ng mga
pangunahing literary genre. Ngayon, ito ay kadalasan may istilong artistiko at
isang tiyak na istilo o maraming ti yak na istilo.
Uri ng Nobela
Elemento ng Nobela
Layunin ng Nobela
Katangian ng Nobela
Dula
Ang dula ay isang uri ng panitikan, na may mga katangian di nakikita sa ibang uri
ng panitikan. Maaari nating basahin ang isang dula na para bagang ito'y nararapat
lamang manatili sa loob ng isang aklat-ngunit ito ay isang maling paraan upang
kalugdan ang isang dula. Malalasap ang tunay na kariktan ng isang dula, kung ito'y
natutunghayan o napapanood, kaya't marapat na makita ito sa isang tanghalan.
Nagsimula ang paglikha ng dula ng mga katutubong Bikolano nang ipakilala sa Naga at
Legazpi ang sarswela kung kaya't masasabing ang mga unang anyo ng dula ay mula sa
anyo ng sarswela. Ang mga unang dula karaniwang itinatanghal sa Bikol ay hango mula
sa isinaling dula sa Kastila.
Bilang Materyal - sinusuri ang aspeto ng istorya, mahalaga ang iskrip. Sinusulat
ang iskrip ng dula upang malaman ang mga sumusunod: banghay ng kwento, mga tauhan,
kakaibang ideya o kaisipang napapaloob dito, at tagpuan o kapaligiran
Bilang Teatro - mga bagay labas sa dula ang sinusuri nito tulad ng mga sumusunod:
direksyon, pagganap ng mga tauhan, pag-iilaw sa tanghalan, paglalapat ng mga tunog
at aspektong teknikal
Iskrip o Nakasulat na Dula - Ito ang pinakakaluluwa ng isang dula. Ang lahat ng
bagay na isasaalang-alang sa dula at nararapat na naaayon sa isang iskrip. Walang
dula kapag walang iskrip.
Gumaganap o Aktor - Ang mga aktor o gumaganap ang nagsasabuhay sa mga tauhan sa
iskrip. Sila ang nagbibigkas ng dayalogo, nagpapakita ng iba't ibang damdamin at
pinapanood na tauhan sa .du.la.
Tanghalan - Anumang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng isang du.la ay tinatawag
na tanghalan. Tanghalan din ang tawag sa kalsadang pinagtanghalan ng isang du.la o
ang silid na pinagtanghalan ng mga mag-aaral sa kanilang klase
Tagadirehe o Direktor - Ang direktor ang nagpapakahulugan sa isang iskrip. Siya ang
nag-iinterpret sa iskrip mula sa pagpasya sa itsura ng tagpuan, ng damit ng mga
tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan ay dumidepende sa
interpretasyon ng direktor sa iskrip
Manonood - Hindi maituturing na du.la ang isang binansagang pagtanghal kung hind
ito napanood ng ibang tao. Hindi ito maituturing na dula sapagkat ang layunin ng
dula'y maitanghal at kapag sinasabing maitanghal dapat mayroong makasaksi o manood.
Mga Sangkap ng Dula
Ang kombensyon ay ang mga implicit o di-hayag na kasunduan ang mandudula at ang
kanyang manonood sa isang tanghalan. Ito ay ang mga sumusunod.
Aside (bulong) - mga salitang binibigkas ng tauhan subalit hindi naririnig ng iba
pang tauhang gumaganap sa tanghalan.
Monologo (monologlue) - isang mahabang at tuluy-tuloy na pahayag na nagsasaad ng
iniisip at damdamin ng tauhan.
Soliloquy (soliloke) - isang mahaba at tuluy-tuloy na pahayag habang ang tauhan ay
nag-iisa sa tanghalan.