You are on page 1of 2

Perspektibo ng mga mag-aaral mula sa BSED Filipino

ukol sa Epekto ng mga salitang Balbal sa pormalidad ng

ating wikang Filipino

Mga Katanungan

Unang Bahagi

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Ano ang kahulugan ng balbal o slang na salita para sa iyo?

2. Batid mo ban a ikaw ay isa sa mga naimpluwensiyahang gumamit ng balbal o slang na


mga salita?

3. Saan mo madalas gamitin ang mga salitang balbal?

4. Kanino ka malimit makipag usap gamit ang mga balbal na salita?

5. Narito ang ilan sa mga balbal na salita. Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod batay
sa iyong kaalaman:
 Parak –
 Epal –
 Erpat –
 Ermat –
 Lodi –
 Werpa –
 Tsibog –
 Tsika –
 Jeproks –
 Albor –
 Gimik –
Ikalawang Bahagi

Narito ang ilan sa mga epektong naidudulot ng mga balbal na salita sa mga mag-aaral.
Isulat kung ikaw ay sang-ayon o di sang-ayon batay sa iyong mga naging karanasan.

1. Nakapagdudulot ang mga balbal na salita ng hindi pagkakaunawaan


2. Nagiging sanhi ito ng kawalan ng paggalang at pagrespeto
3. Nagdudulot ng maling paggamit ng mga salita ayon sa taong kausap tulad ng guro,
magulang, kamag-aaral at iba pa.
4. Nagiging sanhi ng maling pagsulat ng mga komposisyon batay sa kahulugan ng mga
salita.
5. Nasisira ng mga salitang balbal ang imahe ng wikang Filipino, mas nadami pa ito at
pinagyayaman kaysa sa sariling wika.
6. Nagagamit ng mga mag-aaral ang mga balbal na salita kahit na pormal ang pinag-
uusapan dahil nakasanayan na nila ang paggamit nito.
7. Nagdudulot ng malabong pakikipagkomunikasyon na nagiging sanhi ng madalasang pag-
aaway.
8. Nagdudulot ng kahirapan sa pakikipagtalastasan
9. Dinasabi ring bunga ang mga balbal na salita ng impluwensiya ng maling lipunan.
10. Pinanghahalili ang mga balbal na salita sa mga wastong salita na hindi naman dapat.

Ikatlong Bahagi

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan batay sa iyong perspektibo at pananaw bilang
isang mag-aaral na nagpapakadaluhasa sa larangan ng Filipino.

1. Para sa iyo, may maganda bang naidudulot ang paggamit ng mga balbal na salita sa iyo
bilang isang mag-aaral na nagpapakadalubhasa sa wikang Filipino? Bakit?
2. Bilang isang mag-aaral kung ikaw ang tatanungin, sang-ayon ka ba na patuloy na
pagyamanin ang paggamit ng mga balbal na salita kahit na ito’y makasasama sa
pormalidad ng ating wikang Filipino? Ipaliwanag ang iyong sagot.

You might also like