You are on page 1of 3

KABANATA 2

KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Kaugnay na Literatura

Ayon kay Ross (2010), ang paggamit ng cellphone sa pagtetext ay may epekto
sa kakayahan ng mga mag-aaral sa pagbabaybay ng mga salita sa negatibong
paraan. Lumalabas sa mga pag-aaral ang mga pamamaraan sa pagte-text gaya ng
shortcut, slang, jejemon at maling pagbabaybay ay may malaking epekto sa
kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsulat.
Sa Editopia.org., isang guro sa Ingles na nagtuturo ng ikapito at ikasiyam na
baitang ang nagsabing ang mga mag-aaral niya ay hindi gaanong marunong
magbaybay ng mga salita ng tama. Ang pagtetext ay hindi nakatulong at kailanman
ay di makakatulong. Naniniwala siya gaya ng iba pang mga guro na pinapatay ng
pagpapaikling paraan ng pagtetext ang wikang Ingles sapagkat ang mga mag-aaral
sa panahon ngayon ay sumusulat ng mga komposisyong mali-mali ang baybay at
istruktura kaya lubos talaga itong nakakabahala sa larangan ng edukasyon (Russel,
2010).
Ayon naman sa artikulong isinulat ni Myrha (2010), na Negative Effects of
Texting in the Classroom, ang sobrang pagtetext ay ang sumisira sa paraan ng mga
mag-aaral ng pormal na pagsulat sa paaralan at maging sa lipunan. Ang limitadong
karakter sa pagtetext ang nagdudulot sa mga mag-aaral na gumawa ng sariling istilo
at mga terminolohiya sa pagsulat.
Ayon kay Sutherland (2003), nasasanay ang mga mag-aaral sa pagsulat ng
shortcut maging sa mga sulatin sa paaralan. Sa kadahilanang kakaunting entry
lamang ang maaaring maipasok sa pagte-text, pinaiikli ng mga tao ang kanilang
pagsulat upang magkasya sa nasabing bilang ng karakter sa text. Sa halip na
becauseay bcoz na lamang ang isinusulat ng mga mag-aaral sa kanilang mga
sulatin.
Ayon naman kay Collins (2005), ang paraan ng mga kabataan sa
pakikipagkomunikasyon sa panahon ngayon ay higit na naaapektuhan ng paggamit
ng slang dahil sa halip na I don’t know ay IDK at sa halip na by the way ay BTW na
lamang ang isinusulat ng mga mag-aaral kaya naman lubos itong nakakabahala sa
ngayon.
Dagdag pa rito lumalabas na rin ang istilong jejemon na sumikat dahil sa
kakaibang pamamaraang ito. Ayon kay Pedrosa (2012), ang jejemon ay maituturing
na status symbol dahil ang mga kabataan ay nais mapabilang sa isang partikular na
grupo sa lipunan. Sa halip na hello po ay e0wh p0wsxzz ang isinusulat ng mga mag-
aaral na taliwas na taliwas sa tamang istruktura at pamamaraan sa pagsulat.
Batay naman kay Edwards (2009), ang text messaging ay nakadaragdag sa
indolensya ng mga tao pagdating sa pagsulat. Ang pagtetext ng pagpapaikli ay
nakakatulong sa pagpapabilis ng komunikasyon o pagpapadala ng mensahe ngunit
dahil sa dalas ng paggamit nito ay nakakasanayan na ang paraang ito ng pagsulat
na maging sa mga pormal na sulatin ay nagagamit ang mga pagpapaikli.
Winika rin nina Esperanza et.al. (2001) na sa bilis at paraan ng texting,
nalilimitahan ang mga bokabularyong ginagamit dahil sa paulit-ulit na paggamit ng
mga salita at ang pagpapaikli ay nakakasanayan na rin dahilan ng maraming
pagkakamali sa mga pormal na sulatin.
Maaaring maging dahilan ng pagbagsak ng mga mag-aaral sa mga simpleng
aralin tulad ng pagbabaybay ng mga salita at maging sa gramatika maging sa Ingles
man o Filipino ang istilo o paraan ng pagpapaikli ng mga salitang ginagamit sa
texting (Roco, 2000).

Kaugnay na Pag-aaral

Batay sa pag-aaral nina Mphahlele, et.al noong 2010, ang mga mag-aaral na
gumagamit ng shortcuts sa mga pormal na sulatin ay biktima lamang ng labis na
paggamit ng cellphone sa pagtetext. Hindi lamang napaghahalo ng mga mag-aaral
ang mga salita sa pormal na pagsulat at texting, nakakaligtaan rin nilang tukuyin ang
sulating pormal sa hindi pormal (Verheijen, 2013).
Sa pag-aaral naman na isinagawa nina Hogan, et. al. (2012), ang paggamit ng
cellphone ay isa na sa pangangailan ng tao sa modernong panahon na umaabot sa
puntong halos lahat ng uri ng tao sa anumang antas ng lipunan ay mayroon nito at
lubos na nakakaapekto ito sa kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsulat.
Sa pag-aaral naman ni O’Connor (2009), isang guro sa Washington ang
nagsabing isang mag-aaral ang nagsulat ng sanaysay na ginamitan ng pagpapaikli o
text slang. Sa halip na isulat ang to ay 2 na lamang at sa halip na be ay b na lamang
ang isinulat ng mag-aaral.
Sa aklat na Txting, Gr8 Db8, isanasaad na ang mga mag-aaral na nahihilig sa
text ay nasasanay na sa mga shortcut gaya ng lol, brb, at iba pa.
Sa pag-aaral naman na isinagawa nina Tano, et.al. (2013), lumalabas na ang
mga kabataang mas gumagamit ng pagpapaikli o shortcuts sa text ay mayroong
mas mababang marka sa pagsulat lalo na sa pagbabaybay ng mga salita at maging
sa paggamit ng wastong bantas sa mga pangungusap.
Sa pag-aaral na isinagawa nina Banton et. al (2010), sa mga gumagamit ng
cellphone, ang mga mas madalas gumamit ng mga pagpapaikling paraan ng
pagtetext ang may mababang marka sa pagbabaybay at pagsulat.
Ayon din sa pag-aaral ni Laurilla (2009), halos na ng tao sa modernong panahon
ang may cellphone. At pitumpu't limang porsyento (75%) rito ay kabataan na
inaasahang mahihilig sa pagtetext. Dahil rito marami ang nagsasabing, dahil sa
modernisasyon ay naisasaalang-alang ang kakayahan ng mga mag-aaral sa
pagsulat lalo na sa pagbabaybay ng mga salita.

You might also like