You are on page 1of 2

Report

Phil-IRI Form No.


3A & 3B 48
Republic of the Philippines DEPARTMENT OF EDUCATION

Department of Education
Region XI
Division of Island Garden City of Samal
Peñaplata, District II, Island Garden City of Samal, Davao del Norte
deped_igacos@yahoo.com

Grade Level Passage Rating Sheet


Markahang Papel ng Panggradong Lebel na Teksto
FILIPINO 4 – PANIMULANG PAGTATASA
Pangalan: ______________________________ Edad: ________Pangkat at Baitang: _____________________
Paaralan: ___________________________________________ Guro: ________________________________
Pretest: ꙱ Posttest: ꙱ Level: _______ Set A꙱ B꙱ C꙱ D꙱ Petsa: ________________

Itanong ang sumusunod:


Pagganyak : Mayroon ka bang isang lugar na pangarap puntahan? Ano ito?
Pagtakda ng Layunin : Saan kaya ang lugar na pangarap marating ng bida sa kuwento?
Babasahin ng guro ang pamagat : Ang pamagat ng ating kuwento ay “Isang Pangarap”.

Basahin ang kuwento.


Kasama si Jamil, isang batang Muslim, sa sumalubong sa pagdating ng kanyang tiyuhin.
“Tito Abdul, saan po ba kayo galing?” tanong ni Jamil.
“Galing ako sa Mecca, ang banal na sambahan nating mga Muslim. Bawat isa sa atin ay
nangangarap na makapunta roon. Mapalad ako dahil narating ko iyon.”
“Bakit ngayon po kayo nagpunta roon?”
“Kasi, isinasagawa natin ngayon ang Ramadan, ang pinakabanal na gawain ng mga
Muslim. Pag-alala ito sa ating banal na aklat na tinatawag na Koran. Doon ipinahayag na sugo
ni Allah si Mohammed.”
“Alam ko po ang Ramadan. Nag-aayuno tayo at hindi kumakain mula sa pagsikat ng araw
hanggang hapon.”
“Oo. Isang paraan kasi natin ito upang ipakita ang pagsisisi sa nagawa nating kasalanan.”
“Pangarap ko rin pong makapunta sa Mecca,” sabi ni Jamil.

Level: 4
Bilang ng mga salita: 128

Makinig sa mga tanong at piliin ang tamang sagot.


1. Saang banal na sambahan nanggaling si Tito Abdul?
a. sa Mecca b. sa Israel c. sa Jerusalem d. sa Bethlehem
2. Ano ang tawag sa banal na aklat ng mga Muslim?
a. Bibliya b. Koran c. Misal d. Vedas
3. Ano ang pakiramdam ni Tito Abdul nang makarating siya sa Mecca?
a. nagsisi b. napagod c. nasiyahan d. nanghinayang
4. Ano ang natupad sa pagpunta ni Tito Abdul sa Mecca?
a. ang pangako kay Allah c. ang tungkulin na makapagsisi sa mga kasalanan
b. ang plano na makapangibang-bansa d. ang pangarap na makapunta sa banal na sambahan
5. Anong katangian ang pinapakita nina Tito Abdul at Jamil?
a. magalang b. masunurin c. maalalahanin d. mapagbigay
6. Ano ang tingin ni Jamil sa kanyang Tito Abdul?
a. Mahusay siyang maglakbay. c. Isa siyang masipag na mamamayan.
b. Siya ay isang mapagmahal na ama. d. Siya ay isang magandang halimbawa.
7. Ano ang tinutukoy sa kuwento?
a. ang mga tungkulin ng mga Muslim c. ang pamamasyal ni Tito Abdul
b. ang pagmamahalan sa pamilya d. ang kagandahan ng Mecca

PART A
Total Time in Reading: ______ minutes Reading Rate: _______ words per minute
(Kabuuang Oras ng Pagbasa) (Rate ng Pagbasa)

Responses to Questions: Score: _____ = ______% Comprehension Level: _________________________


(Sagot sa mga Tanong)

1. ___________ 5. ___________
2. ___________ 6. ___________
3. ___________ 7. ___________
4. ___________

PART B
Word Reading (Pagbasa)

Selection: ________________________________________ Level: ______________ Set: ___________

Types of Miscues Number of Miscues


(Uri ng Mali) (Bilang ng Salitang mali ang basa)

1 Mispronunciation (Maling Bigkas)


2 Omission (Pagkakaltas)
3 Substitution (Pagpapalit)
4 Insertion (Pagsisingit)
5 Repetition (Pag-uulit)
6 Transportation (Pagpapalit ng Lugar)
7 Reversal (Paglilipat)
Total Miscues (Kabuuan)
Number of Words in the Passage
Word Reading Score
Word Reading Level (Antas ng
Pagbasa)

Prepared by:

_____________________________
Class Adviser/ Test Administrator

You might also like