You are on page 1of 4

KABANATA 1

SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Introduksyon

Ang kabanatang ito ay tumutukoy sa mga suliraning kinakaharap ng


pagkakaroon ng kasanayan sa text o pagtetext. Ang ‘texting’ ay isang modernong
proceso ng pakikipagkomunikasyon gamit ang teknolohiya o cellphone. Marahil,ang
mga Pilipino ay mahihirapang mamuhay kung wala ang cellphone. Ito ay dahil sa
katotohanan, ang Pilipinas ay isa mga bansang may pinakamaraming mensahe na
naipapadala sa buong mundo gamit ang text. Nakuha ang mga suliraning nakalahad
sa kabanatang ito mula sa nosyon na dahil sa pag-usbong ng teknolohiya ay marahil
nakalilimutan na ang komunikasyon sa pagsulat na pamamaraan, gamit ang tamang
balarilang Filipino, pagbaybay at mga kinakailangang bantas.

Sa mga piling brand ng cellphone, nilalagyan nila ng limitasyon ang pagtetext


hanggang 160 karakters lamang na nagreresulta sa pagpapaikli na iba’t ibang mga
salita. Dahil sa pagpapaikling ito ay nabubuo ang tinatawag na Short Messaging
Service Language o SMS Language upang mapadala sa kausap ang kailangang
mailahad. Sa panahon ngayon hindi makakaila ang kalaganapan ng pag-tetext sa
mga tao lalo na sa kabataan ngunit naaapektuhan nito ang pagbaybay ng mga salita
dahil na rin sa kaparaanan ng pag-tetext kung saan pinaikli nito ang bawat salita
kung kaya’t napagisipan ng mga mananaliksik ang epekto ng SMS texting o Short
Messaging Service texting sa pagbaybay ng mga mag-aaral.

Layunin ng pag-aaral

Ang layunin ng mga mananaliksik ay upang malaman ang epekto ng SMS


( Short Messaging Service) texting sa pagbaybay sa mga piling mag-aaral ng
Tagpopongan National High School.

Saklaw at Limitasyon

Ang pananaliksik na ito ay mangyayari lamang sa loob ng brgy.


Tagpopongan. Ang mga respondente ay ang mga piling mag-aaral na may bilang na
limampu (50). Makukuha ang mga datos sa pamamagitan ng pagsagot ng sarbey.
Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay mahalaga sapagkat ito ay maaaring maging daan


upang masulusyonan ang problemang kinakaharap ng paaralan lalong lalo na sa
larangan ng akademikong partikular na sa pagbaybay ng isang mag-aaral na
maaaring epekto ng SMS texting.Maaari itong kapakinabangan ng guro, magulang
at mag-aaral upang maging gabay tungo sa kaayusan ng pag-aaral.
Depinisyon at Terminolohiya

SMS- Short Messaging Service

Epekto- Isang pagbabago na nagreresulta kung saan may nangyayari.

Cellphone- Isang maliit na telepono na dinadala ng mga tao at ginagamit sa labas


ng bahay.

Respondente- Isang taong nagbibigay tugun o nagsasagot sa mga tanong lalo na


sa mga parte ng sarbey.
Paglalahad ng suliranin

1.Sino-sino ang mga respondente?

1.1 Kasarian

2.Gaano kadalas gumagamit ng cellphone para mag-tetext ang isang mag-aaral?

3.May epekto ba ang SMS sa pagbaybay ng mag-aaral?

You might also like