You are on page 1of 4

Republika ng Pilipinas

PAMANTASAN NG BIKOL GUBAT CAMPUS


Gubat, Sorsogon
Akademikong Taon 2021-2022
Unang Semestre
ISO 9001:2015
TÜV Rheinland ID 910863351

Mag-aaral: Gerald Dio


Kurso/Taon: Batsilyer sa Pansekondaryang Edukasyon Nagpapakadalubhasa sa Filipino- 3
Propesor: Dr. Joshua Oyon-oyon
Asignatura: Barayti at Baryasyon ng Wika
Petsa: Agosto 25, 2021

GAWAIN 1

Kahulugan ng wika ayon sa iba't ibang Dalubwika

a.1. Ayon kay Henry Gleason 1961:


Ang wika ay masistemang balangkas ng isang salitang tunog at pinipili at isinasaayos
sa paraang arbitraryo upang magamit sa pakkikipagtalastasan ng mga taong nasa iisang
kultura.
a.2. Ayon kay Noam Chomsky 1957:
Ang wika ay isang prosesong mental. May unibersal na gramatika at mataas na abstrak
ng antas: may magkatulad na katangiang linggwistik.

a.3. Ayon kay Dell Hymes 1972:


Ang wika ay nangangahulugan ng isang buhay at bukas sa sistema na nakikipag-
interaksyon. Ang mga taong kabilang sa isang kulturang gumagamit ang nagbabago nito.
Makatao at panlipunan ang kasanayang ito.

a.4. Ayon kay Brown 1980:


Ang wika ay masasabing sistematikong set ng mga simbolong arbitraryo, pasalita na
nagaganap sa isang kultura, pantao at natatamo ng lahat ng tao.

a.5. Ayon kay Bruce A. Goldstein 2008:


Ang wika ay isang sistema ng pakikipagtalastasan gamit ang mga tunog at mga simbolo
na nagagamit upang masabi ang nararamdaman, kaisipan at mga karanasan.

Pinagkunan: https://quizlet.com/414232510/kahulugan-ng-wika-ayon-sa-ibat-ibang-wika-
linggwista-at-dalubhasa-flash-cards/

(b) Sariling pagpapakahulugan batay sainyong pag-unawa.


Para sa akin ang Wika ay mga salita o tunog na nalilikha ng mga tao upang magamiit
sa pakikipagtalastasan, makapagpahayag ng damdamin, ideya’t kaisipan at higit sa lahat tulay
upang magkaroon ng matiwasay na pagkakaunawaan.

3
Republika ng Pilipinas
PAMANTASAN NG BIKOL GUBAT CAMPUS
Gubat, Sorsogon
Akademikong Taon 2021-2022
Unang Semestre
ISO 9001:2015
TÜV Rheinland ID 910863351

2.) Ano-ano ang mga isyung pang-wika na kasalukuyan nating kinakaharap sa panahon
ng bagong kadyawan. Magtala ng hindi bababa sa tatlo. Bigyan ng maikling kaligiran o
paliwanag.

I. ONLINE CLASS PAGAARAL NGAYONG PANDEMYA: Paggamit ng wikang


Ingles sa lahat ng “Online Platforms” Zoom, Google meet at Social media .

Masasabing isa sa pinakamasalimoot na kaganapan sa kasalukuyan ay ang hindi


matapos-tapos na pandemya. Nalilimitahan ang ating mga kilos at ang Sistema ng edukasyon
ay sa isang iglap nabago. Gamit ang mga makabagong teknolohiya ang edukasyon at pag-
aaral ay hindi dito nagtatapos. Ang klase ay isinasagawa na sa paraang online dahil sa patuloy
na pag-iingat upang maiwasan ang nakakahawang sakit.
Bunsod nito ang paggamit ng mga guro ng mga tinatawag na Online Platforms at
applications para makapagbigay ng mabisang instruksiyon at sa puntong ito kadalasang nasa
wikang ingles (by default) ang ginagamit upang maging midyum ng naturang instruksiyon
dahilan para ang wikang Filipino ay maisantabi. Tila yata nahuhuli ang wikang Filipino sa
kumpara sa ibang kanluranin at silangang bansa sa Asia. Ang wikang Filipino ay napag-
iiwanan sa aspetong cyberspace. Kaya naman sa ganitong sitwasyon mas pinipili ng mga guro
ang wikang ingles sa pagkat ika nga ito ay unibersal sapagkat kung tagalog ang gagamitin
bilang midyum ay mahihirapan ang iilang mag-aaral na matukoy ang mga terminolohiyang
ginagamit sa loob ng isang online application.
Mahalaga ang Ingles pagkat isa ito sa mga istandards na ginagamit sa pagsasalita
ngunit kung patuloy nating isasantabi ang sarili nating wika ay maaring sa paglipas ng
panahon may pandemya man o wala sa paraang online man o hindi ay mahirapan na tayong
mismong unawain ang ating wikang maiituturing na atin.

II. Kadalasang gamit ng jejemon (ʒɛdʒɛmɔ̝n) na humahantong sa maling


pagbaybay at paggamit ng mga salita ng mga mag-aaral.

Sino nga ba satin ang hindi nakaranas gumamit o dikaya nama’y makabasa ng mga salita
o mensahe mula sa text na tanging jejemon ang laman. EyoW PfoUwhsZ! N4i!n+1nD!h4n
nY0oHw Pfu0H b4nGzZ 5!n4$4b! kOwhH??? (Hello po! Naiintindihan n’yo po ba’ng
sinasabi ko?) gaya ng halimbawa marami satin ang may abilidad na makabasa at maka
tugon ng parehong jejemon na mensahe. Bunsod ng pag-usbong ng teknolohiya ang mga
ganitong uri ng pananalita o lenguahe ay patuloy na nakikilala ngunit para nga ba sa iilan ay
may mabuti itong dala o tanging isa itong mga salita na ikalilito mo lamang at mahihirapan ka
lamang sa tamang pagbaybay?
Nunit ano nga ba ang jejemon?
Ayon sa Wikipedia isang malayang ensiklopedia ang Ang Jejemon ([ʒɛdʒɛmon) ay
isang kaganapan ng pop culture sa Pilipinas na mailalarawan bilang isang pagmamalabis ng
fReAk, LOL at pananalitang l33t. Ito ay kamukhang-kamukha sa katapat nitong Polako na
tinatawag na Pokemoniaste pismo' (‘Pokemon na panunulat’). Ang mga Jejemon ay

3
Republika ng Pilipinas
PAMANTASAN NG BIKOL GUBAT CAMPUS
Gubat, Sorsogon
Akademikong Taon 2021-2022
Unang Semestre
ISO 9001:2015
TÜV Rheinland ID 910863351

inilalarawan ng Talahuluganang Urban bilang ang mga tao na "nakagawa na ibahin ang
Wikang Ingles sa punto na hindi na ito nauunawan at mga lipon sa internet.
Ang isang Jejemon ay inilalarawan bilang ang isa sa "bagong uri ng mga hipster na
nakauri ng kanilang wika ngunit pati na rin ang kanilang pananamit. Ginagaya rin ng mga
Jejemon ang mga mala-"gangster" na katangian at kaugalian na nagiging kamukha sila sa
mga Ingles chav, Tsileanong flaite, Eskosyanong ned, Irlandng skanger, Rusong gopnik at
Australiyano at Bagong Selandang bogan.
At dahil isa itong language trend kadalasang nauuwi ito sa madalas na paggamit. Sa
kaso ng mga mag-aaral ang ganitong istilo ay kanila nang na isasabuhay maging sa loob at
labas ng klase na humahantong sa maling paggamit at maging pagbaybay ng mga salita.
Nariyan ang suliranin ng ilang mga mag-aaral na hihirapan ng gumamit ng mga wastong salita
sa kanilang mga Gawain sa paaralan dahil sa kanilang kasanayan sa paggamit ng nasabing
istilo. Kaya naman kalimitang na pupuna ng mga guro ang paraan ng pagsulat ng ilang mga
mag-aaral na sanay at subok na sa paggamit ng jejemon. Tunay na ang isyung pang wikang
ito ay nakakaalarma kaya naman kamakailan ay naglunsad ng isang “all-out war” ang
Department of Education laban sa mga jejemon. Ayon kay Mona Valisno, kalihim ng
kagawaran 2011, magdudulot ng masamang epekto sa sistema ng edukasyon sa bansa ang
jejemon language. “Mas makakalito sa larangan ng wastong gamit, ng wastong gramatika, at
wastong balarila [ang paggamit ng jejemon language],” anikalihim. “Imbes na makatulong para
mas mapahalagahan ang wika sa tunay na essence nito, mas magugulo pa.”
Aniya, kahit pa nagbabago ang wika kasabay ng panahon, marapat pa rin daw na
gamitin ng kabataan kung ano ang tama at nakasanayang gamit ng balarila. Hindi rin
nakikitaan ng kalihim ng sining ang ganitong pamamaraan ng paggamit sa wika, kung hindi
“sinisira lamang nito ang wastong baybay ng mga salita, hindi bumubuo ng bagong
bokubolaryo at higit sa lahat, walang bagong matututunan.”
Ngunit sa isyong ito nasa sa tao parin ang Kalayaan sa paggamit ng ganitong language
trend. Nasa gagamit parin nito ang pagpapasiya dapat lamang isaalang-alang ng mga taong
gumagamit nito kung kailan dapat at hindi dapat gamitin ang ganitong pananalita lalo na ang
mga mag-aaral na nasa impluwensiya ng istilo ng pananalitang ito.

III. Pagtanggal ng Asignaturang Filipino at Panitikan sa Kolehiyo

Masasabing ang isyung ito ay isa pa ring mainit na usuapin at pinagdedebatihan ng mga
nakakarami. Ang isyung ito ay patungkol sa pagtanggal ng asignaturang Filipino sa kolehiyo
malayo sa usapin tungkol sa wika. Ngunit kung aalisin ang asignaturang ito magkakaroon ito
ng tinatawag na domino effect na kung saan magkakaroon ng mahina at mababang antas ng
kaalaman ang mga mag-aaral patungkol sa asignaturang Filipino at maging sa paggamit ng
inang wika. Kaya naman Hindi bibitiwan ng grupong Tanggol Wika ang usapin sa pagtanggal
sa Filipino at Panitikan bilang mga core subjects sa kolehiyo.
Ito ay matapos na katigan ng Korte Suprema ang Memorandum Order No. 20 ng
Commission on Higher Education (CHED) na nag-aalis sa mga nabanggit na asignatura.

3
Republika ng Pilipinas
PAMANTASAN NG BIKOL GUBAT CAMPUS
Gubat, Sorsogon
Akademikong Taon 2021-2022
Unang Semestre
ISO 9001:2015
TÜV Rheinland ID 910863351

Ayon kay Tanggol Wika Spokesperson Jonatahn Geronimo, nakatakda silang maghain ng
ikalawang motion for reconsideration para mapigilan ang CHED at Korte Suprema na tuluyang
patayin ang wikang Filipino.
Iginiit pa ni Geronimo, bagama’t ipinauubaya ng CHED sa mga kolehiyo at unibersidad ang
pagpapatupad ng kautusan, malabo pa ring panatalihin ng mga ito ang nabanggit na
asignatura.
“Sinasabi nila may academic freedom ang mga institution pero hindi nila maintindihan na
limitado yan sa realidad. Sa katunayan bago pa man maging pinal yung desisyon nila,
nagtanggal na yung mga maraming unibersidad at kolehiyo ng mga Filipino at Panitikan sa
kanilang mga subjects. Ano ang punto ko doon? Ang punto ko, dapat alam din ng Korte
Suprema yung mahabang colonial na karanasan ng Pilipinas. Alam naman natin marami sa
mga unibersidad ang default language niya ay Ingles kaya mahalaga pa rin ituro ang Filipino
kasi marami pa rin utak colonial na mga Pilipino kasama nadiyan ang Korte Suprema, CHED
at iba pang mga ahensya ng gobyerno.” Pahayag ni Geronimo.
Magpasahanggang ngayon hati parin ang opinyon ng nakakarami sa usaping ito may iilang
sang-ayon na tanggalin ang asignaturang Filipino ngunit nariyan parin ang mga maalab na
Pilipino na patuloy na ipanaglalaban at pinagtatanggol ang kasarinlan at pag-aaral sa ating
Inang wika.

You might also like