You are on page 1of 1

Republika ng Pilipinas

PAMANTASAN NG BIKOL GUBAT CAMPUS


Gubat, Sorsogon
Akademikong Taon 2021-2022
Unang Semestre
ISO 9001:2015
TÜV Rheinland ID 910863351

Mag-aaral: Gerald Dio


Kurso/Taon: Batsilyer sa Pansekondaryang Edukasyon Nagpapakadalubhasa sa Filipino- 3
Propesor: Dr. Joshua Oyon-oyon
Asignatura: Barayti at Baryasyon ng Wika

GAWAIN BILANG 2

1. Ano ang ibig sabihin ng barayti?


Kung wika ang pinag-uusapan maaraing ang barayti ay tumutukoy sa iba’t-ibang uri ng
wika sa loob ng isang bansa na kasama o nabibilang sa isang pamilya at ginagamit ng iba’t-
ibang linggwistikong grupo.

2. Ano ang ibig sabihin ng baryasyon?


Ayon kina Richards, Plaatt aat Platt (1992), ang baryasyon sa wika ay maaaring may
kaugnayan sa rehiyon, sa uring sosyal at/o sa uri ng edukasyon, o sa digri ng pormalidad ng
isang sitwasyon na pinaggamitan ng wika

3. Paano nagkaroon ng barayti ng wika?


Nagkakaroon ng barayti ang wika dahil sa pagkakaiba-iba ng mga indibidwal at grupo sa
ating bansa. Maging ang kani-kanilang tirahan, interes, gawain at pinag-aralan ay
nakakaapekto sa kung paano nila gagamitin ang wika. Halimbawa na lamang nito ay sa grupo
ng mga bakla/beki, mayroon silang paraan ng pananalita na "bekimon". O kaya sa grupo ng
mga tambay na mahilig mag-text ng mga jejemon.

4. Ano-ano ang kahalagahan ng barayti ng wika?


Mahalaga ang barayti ng wika sapagkat una napapaunlad ang wika sa pamamagitan ng
pagdaragdag ng mga salitang gagamitin sa isang lipunan. Pangalawa napaparami nito ang
iba’t ibang katawagan ng isang salita. Pangatlo natutulungan nito ang mga tao na makapamili
ng mga salitang gagamitin sa pinakaangkop na paraan. Pangapat at huli ay napapalawak nito
ang iskolarling pananaliksik sa aspetong pangwika.

5. Sa iyong palagay, bakit natin kailangang pag-aralan ang iba’t ibang barayti ng
wika?
Para saakin kailangan nating pag-aralan ang iba’t-ibang barayati ng wika dahil dito
nagkakaroon ng pagkakaunawaan at pagkakaisa ang lahat ng tao. Kung wala ito mawawalan
ng saysay ang lahat ng ating sinasabi. Mahalagang pag aralan ang iba't ibang barayti ng wika
upang maintindihan natin ng matiwasay ang ating kapwa at maiwasan anomang hindi
pagkakaunawaan sa loob ng isang komunikasyon.

You might also like