You are on page 1of 83

MAJOR – 15 Barayti at

Baryasyon ng Wika

This is a property of
PRESIDENT RAMON MAGSAYSAY STATE UNIVERSITY
NOT FOR SALE

1 MAJOR 15 BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA


MAJOR 15 – Barayti at Baryasyon ng Wika
Unang Edisyon, 2021

Karapatang - Ari. Ayon sa Batas Republika Bilang 8293 Seksyon 176: Walang bahagi ng
Modyul na ito ang maaaring gamitin ninuman sa anumang anyo at hugis nang walang
nakasulat na pahintulot ang naglimbag at mga may-akda maliban sa ilang pagsiping
gagamitin sa pagrerebyu ng modyul.
Ang mga impormasyong nakalap sa pagbuo ng modyul na ito ay karapatang-ari ng mga
nabanggit ng may-akda sa sanggunian. Ang guro at institusyon ay hindi umaangkin ng
anumang pag-aari sa naimprentang modyul.

Learning Module Development Team

Mga Kabanata Pamagat May-akda


Kabanata 1 Wika at Kahulugan ng Garry F. Almazan
Barayti at Baryasyon ng
Wika
Kabanata 2 Wikang Pambansa Garry F. Almazan
Kabanata 3 Ang Dimensyon ng Wika Garry F. Almazan
Kabanata 4 Rehistro at Barayti ng Garry F. Almazan
Wika
Kabanata 5 Mga Teorya at Pananaw sa Anthony M. Mon
Barayti ng Wika
Kabanata 6 Baryasyon ng Wika Anthony M. Mon
Kabanata 7 Komparatibong Sarbey sa Anthony M. Mon
Barayti at Baryasyon ng
Wika

Evaluators:

(First Name, Middle Initial, Last Name), Position


(First Name, Middle Initial, Last Name), Position
(First Name, Middle Initial, Last Name), Position

2 MAJOR 15 BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA


Pangkalahatang Kurso
Panimula
Ang Kursong ito ay ang Komparatibong sarbey ng iba’t ibang relasyunal, sosyal,
antropolohikal, akademik, okupasyunal na barayti at baryasyon ng Filipino.

Pangkalahatang Layunin ng Kurso


Pagkatapos ng semestre, 75% ng mga mag-aaral ay inaasahang makakamit ng
85% na antas ng kadalabhusaan:

1. Maiugnay ang mga napag-aralan sa mas malawak na prosesong pangkasaysayan,


sosyal, kultural, at political.

2. Makagamit ng mga epektibong estratehiya sa pagtuturo.

3. Makapili ng akmang dulog sa pagtuturo ng iba’t ibang mag-aaral.

4. Makapagplano ng mga paksa at akmang kagamitan tungo sa epektibong pagtuturo


at pagtataya sa pagkatuto.

5. Magtaglay ng katangiang propesyunal at akma sa pamantayang etikal.

6. Mapaunlad ang personal at propesyunal na katangian sa pamamagitan ng patuloy


na pagdukal ng kaalaman.

7. Maipasa ang Licensure Examination at makakuha ng markang mas mataas sa


bahagdang pangnasyunal.

3 MAJOR 15 BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA


Detalye ng Kurso:

 Code ng Kurso: M15 FIL


 Pamagat ng Kurso: Barayti at Baryasyon ng Wika
 Bilang ng Yunit: 3
 Klasipikasyon ng Pagtuturo: Lecture-based
 Pre-requisite / Co-Requisite: Wala
 Semestre at Taong Pang-Akademiko: Unang Semestre, 2021 - 2022
 Iskedyul:
 Pangalan ng Fakulti: Garry F. Almazan
 Personal na Detalye
Email: garry82187@gmail.com
Mobile Number: 09212383661
Viber:
FB Account: Garry F. Almazan
 Konsultasyon
Araw:
Oras:

Sistema ng Pamamahala sa Pagkatuto


Ang klase sa synchronous ay gagawin sa pamamagitan ng Google Meet o Zoom. Para
naman sa klase sa asynchronous ay gagamit ng Google Classroom at FB Messenger
upang ipadala ang bawat paksa o paket na ibibigay ng guro.

Pagtataya Gamit ang Rubrik


Ang bawat course packet ay naglalaman ng bawat aralin at mga pagsasanay, takdang-
aralin, pidbak ng mga mag-aaral na kanilang sasagutan sa pamamagitan ng Gmail
account na ibibigay ng kanilang guro. Pagkatapos, talakayin ang bawat course packet
ay magbibigay ang guro ng mga gawain, pagsusulit, pagsasanay sa pamamagitan ng
Google Classroom.
Ang Panggitnang Pagsusulit (Midterm Examination) ay nakatakda sa ____________.
Sakop ng panggitnang pagsusuri ay ang mga paksang, Ang pagtataguyod ng
Wikang Pambansa sa Mas Mataas na Antas ng Edukasyon at Lagpas Pa,
Pagproseso ng Impormasyon Para sa Komunikasyon, at Mga Gawaing
Pangkomunikasyon ng mga Pilipino Gayundin, magbibigay ang guro ng proyekto
batay sa kahingian ng kurso. Ang Pinal na Pagsusulit ay gagawin sa ____________.
Ang sakop ng pagsusulit ay mula sa Napapanahong Isyung Lokal at Nasyonal at
Mga Tiyak na Sitwasyong Pangkomunikasyon

Pinal na Kahingian Gamit ang Rubrik

Makagawa ng mga malikhain at mapanghikayat na presentasyon ng impormasyon at


analisis na akda sa iba’t ibang barayti ng wika.

Pangkalahatang Kabuuan ng Modyul


Panimula

4 MAJOR 15 BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA


Ang modyul na ito ay ginawa upang mas mapalawak at mapalalim ang
kaalaman at paggamit ng Iba’t Ibang Barayti at Baryasyon ng Wika ng mga mag-aaral
sa higit na mataas na antas, gayundin sa komunidad at sa buong lipunan Pilipino sa
pangkahalatan. Inaasahan na mas makikilala at mauunawan ang sarili, ang pambasang
identidad, kultura at lipunan sa paglalaan ng mga paksa at babasahin na may
kaugnayan sa Barayti at Baryasyon ng Wika. Pagkatapos nang pagtalakay sa modyul
na ito ay inaasahan ang mga mag-aaral ay matatamo ang mga kompetens sa paggamit
ng iba’t ibang Barayti at Baryasyon ng wika na magagamit sa nagbabagong mundo.

Talaan ng Nilalaman

Mga Kabanata Pamagat


Kabanata 1 Wika at Kahulugan ng Barayti at Baryasyon ng Wika

Kabanata 2 Wikang Pambansa


Kabanata 3 Ang Dimensyon ng Wika

Kabanata 4 Rehistro at Barayti ng Wika


Kabanata 5 Mga Teorya at Pananaw sa Barayti ng Wika

Kabanata 6 Baryasyon ng Wika


Kabanata 7 Komparatibong Sarbey sa Barayti at Baryasyon ng Wika

5 MAJOR 15 BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA


Barayti at Baryasyon ng Wika

Kabanata 1

Wika at Kahulugan ng Barayti


at Baryasyon ng Wika

6 MAJOR 15 BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA


Kabanata 1
Wika at Kahulugan ng Barayti at Baryasyon ng Wika

Panimula

Makatutulong ang modyul na ito upang higit na mapahalagahan ng mga mag-aaral


ang paggamit ng Iba’t Ibang Barayti at Baryasyon ng Wika. Lalo na sa panahon
ngayon nahaharap sa isang malaking hamon ang araling Filipino sa larangan ng ating
edukasyon. Sa pagbabago ng kurikulum nagdisenyo ang Komisyon sa Lalong Mataas
na Edukasyon upang tugunan ang pangangailangan na mapataas ang kompitensi ng
mga mag-aaral sa kolehiyo. Sadyang ginawa ang modyul na ito upang tugunan ang
pangangailangan sa naganap na pagbabago sa kurikulum sa kolehiyo. Ipinapakita rito
ang iba’t ibang pagtalakay sa barayti at baryasyon ng wika. Bahagi ng talakay ang
kahulugan, katangian, antas, tungkulin at mga prinsipal na angkan ng wika sa
Pilipinas. Ang mga mag-aaral ay kinakailangang magsagot ng mga pagtatasa na
nakapaloob sa modyul na ito. At kailangang maipasa sa takdang araw at oras na
itinakda sa pagsagot.

Tiyak na Layunin

Pagkatapos ng aralin na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Maipaliwanag ang kahulugan ng Wika, barayti at baryasyon ng wikang Filipino.


2. Matalakay ang kahalagahan, katangian, tungkulin, at antas ng wika.
3. Matukoy ang mga prinsipal at angkan ng wika ng Pilipinas.

Oras o Haba ng Pagtalakay

Paksa: Wika at Kahulugan ng Barayti at Baryasyon ng wika = 8 oras

7 MAJOR 15 BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA


Pagtalakay sa Paksa

KABANATA I: WIKA AT KAHULUGAN NG BARAYTI AT


BARYASYON NG WIKA

Ang wika ayon kay Henry Gleason, ay tumutukoy sa masistemang balangkas


ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo na ginagamit
sa komunikasyon ng mga tao sa lipunang may iisang kultura.
Ayon kay Bienvenido Lumbera, parang hininga ang wika, sa bawat sandal ng
buhay natin ay nariyan ito. Palatandaan ito na buhay tayo, at may kakayahang
umugnay sa kapwa nating gumagamit din dito. Sa bawat pangangailangan
natin ay gumagamit tayo ng wika upang kamtin ang kailangan natin – kung
nagugutom, humihingi ng pagkain; kung nasugatan, dumadaing upang
mabigyan ng panlunas; kung nangungulila, humahanap ng kausap na
makapapawi sa kalungkutan.
Ayon naman kay J.V Stalin, ang wika ay midyum at ang instrumento ang
wika na nakatutulong sa komunikasyon, pagpapalitan ng kaisipan at pag-
uunawaan ng mga tao.

Kahalagahan ng Wika

Pansarili – naipapahayag niya ang kanyang damdamin ng personal at


napapaunlad ito gamit ang bawat kaalaman sa kapaligiran at interaksyon.
Para sa Kapwa – ang pag-unlad ay palagi ng dalawang payak na proseso
ikaw at ang iyong kapwa sa tuwirang pakikipagtalastasan, nagkakaroon ng
isang maayos na relasyong panlipunan.
Para sa Lipunan – sa pagsama-sama ng bawat pangkat ng tao sa lipunan,
nagkakaroon ng sariling Sistema ng pakikipagtalastasan na nakaayon sa
kanilang kultura.

Katangian ng Wika

Sinasalitang Tunog – hindi lahat ng tunog na naririnig natin ay maituturing


na wika.
Ponolohiya – pag-aaral ng mga tunog ng ating wika. “Pono” ibig sabihin
“Tunog” Lohiya, ibig sabihin “Pag-aaral”.
Ponema – pinakamaliit na yunit ng tunog ng ating wika na nakapagpapabago
ng kahulugan.
Hal. Misa – Mesa
Uso – Oso

Masistemang Balangkas – ang wika ay may katangiang makaagham


sapagkat tulad ng agham, ang wika rin ay sistematiko.

8 MAJOR 15 BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA


Ponolohiya – pag-aaral ng mga tunog ng ating wika.
Morpolohiya – pag-aaral ng mga salita ng ating wika. “Morpo” ibig sabihin
“salita”, Lohiya ibig sabihin “pag-aaral”.
Morpema – pinakamaliit na yunit ng salita na may kahulugang taglay.
Sintaks – paraan kung paano bubuo ng isang pangungusap.
Diskurso/Pagpapahayag.
a. Paglalarawan – paglalarawan ng katangian, anyo ng isang tao, bagay, hayop
o pangyayari.
b. Pagsasalaysay – tintawag din itong pagkukuwento.
c. Paglalahad – tinatawag din itong pagpapaliwanag.
d. Pangangatuwiran – tinatawag din itong panghihikayat.

Pinili at isinaayos sa paraang Arbitraryo – “Arbitraryo” ibig sabihin


“Pagkakakilanlan”.
- ang wika ay may pagkakakilanlan.

Hal. Langgam sa Maynila ay tumutukoy sa insekto o “ant” sa Ingles.


Langgam naman sa lalawigan ng Cebu ay tumutukoy sa ibon o “Bird” sa
Ingles.

Kabuhol ng Kultura – madali nating makilala ang isang tao sa pamamagitan


ng wikang kanyang ginagamit. Sumasalamin sa salitang ginagamit ang kultura
ng tao sapagkat malaki ang ugnayan ng dalawang ito. Gayundin, ang kultura
ay nabubuo at napepreserba dahil sa wikang gamit ng tao.

Hal. Ice – limitado sa wikang Filipino na “yelo at niyebe” sapagkat hindi


naman kultura ng bansang Pilipinas ang Yelo na hindi katulad sa ibang bansa
lalo na sa Amerika na kultura nila ang yelo kaya marami silang panumbas na
salita dito.

Rice – maraming panumbas na salita sa Filipino ang salitang “Rice” tulad ng


bigas, kanin, palay, bahaw, at iba pa sapagkat bahagi ng kulturang Filipino ang
“Rice” di katulad sa ibang bansa na hindi bahagi ng kanilang kultura ang
“Rice” kaya iisang panumbas na salita ang gamit nila rito.

Ginagamit sa komunikasyon – ayon sa kasabihan, “No man is an Island” at


ayon sa awit, “Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang”. Ang
bawat indibidwal ay kinakailangang may kausap o makipag-usap sa kapwa.

Nagbabago – ang wika ay dinamiko, patuloy itong nagbabago at parang isang


punong-kahoy na patuloy na yumayabong sa paglipas ng panahon.
Natatangi – bawat wika ay may kani-kaniyang katangian na ikinaiba sa ibang
wika. Walang wikang parehong-pareho, ika nga “No two individuals are
exactly alike”.

Tungkulin ng Wika

9 MAJOR 15 BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA


- Wika ang kasangkapan sa iba’t ibang mensahe na nais mong iparating. Kung
mag-uutos, magpaparamdam, magbibigay opinyon o kaya ay maghahatid ng
kaalaman. Ayon kay Michael Alexander Kirkwood (M.A.K) Halliday, may pitong
(7) pangunahing Tungkulin ang Wika.

Personal – ito ay tungkulin ng wika na ginagamit sa pakikipagkomunikasyon


kung nais o gustong ipahayag ang sariling saloobin nang may pagsasaalang-
alang sa sariling indibiduwalidad. Bahagi nito ang pagbulalas ng damdamin
gaya ng pagkagulat, pagkagalit, hinanakit, at tuwa. Maging ang pagmumura at
mga ekspresyong naibubulalas nang biglaan ay saklaw rin ng tungkuling ito,
gayundin, ang pagtataglay ng punto sa pagsasalita na nagpapakita ng
kakanyahang taglay ng mananalita.

- Ang Idyolek ay isa sa mabuting halimbawa ng tungkuling ito. Kung ang


kausap mo ay isang taga-Benguet, ang pagbati ay ginagawa hindi sa isang
simpleng pagsasabi ng “kumusta?” Kailangan mong habaan nang kaunti ang
iyong sasabihin habang nakatingin sa iyong kausap upang hindi isipin ng
iyong kausap na ikaw ay napipilitan lamang na siya ay kausapin.

Imahinatibo – tungkulin ito ng wika na ginagamit upang hikayatin ang


mambabasa o tagapakinig na mapagana ang imahinasyon o kaya unawain o
bigayang-hugis sa isipan ang mensaheng nais iparating ng tagapagsalita.
Bunga nito na nabubuhay ang emosyon o damdamin ng mambabasa habang
pinatatakbo lamang sa gunita ang mga pangyayari, senaryo, at sitwasyong
inilalarawan. Estetiko ang bunga nito kaya madalas na nagagamit sa pagsulat
ng mga akdang pampanitikan.

Halimbawa:

24 – hours mo akong pinaghintay?


(Sa halip na sabihing “Ang tagal mong dumating!)

Sa kasalukuyang panahon, usong-uso ang paggamit ng hashtag, asimiladong


pahayag, hugot lines, mga birong katatawanan na pawang naglalaman ng
talinghaga.

Hashtag:

#SaEDSALangMayForever (Walang katapusan ang traffic sa EDSA)


#BoBotante (Hindi nag-iisip ang mga botante ng tamang iboboto)

Asimiladong pahayag:

MaAlden Kita.
AlDub You.

“Knock Knock”

Girl 1: Knock! Knock!


Girl 2: Hus der?

10 MAJOR 15 BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA


Girl 1: Guava
Girl 2: Guava hu?
Girl 1: Nagpagupit ako ng buhok. Masaguava?

Interaksyonal – ito ay ginagamit sa pakikipagkapwa, pagpaplano,


pagpapayabong o pagpapanatili ng ugnayan sa iba, gayundin maaari rin
namang may tungkuling panatilihin ang eksklusibidad. Ang paggamit ng
sosyolek tulad na lamang ng wika ng mga bakla at jargon na wika ng isang
partikular na disiplina ay halimbawa ng mga wikang ang tungkulin ay
interaksyonal. Ang paggamit ng jargon ay nag-uugnay sa magkausap na
gumagamit ng mga ispesyal na termino upang magkaroon ng eksklusibong
daloy ang usapan.

Halimbawa:

Hukom: Mungkahi ng panig ng nasasakdal na ganapin ang kasunod na


hearing, dalawang linggo makalipas na makauwi ang saksi sa Pilipinas; Sang-
ayon ba rito ang panig ng sinasakdal?

Panig ng Sinasakdal: Nakahanda po ang aming panig anumang oras na itakda


ang kasunod na hearing.
Hukom: Kung gayon, malinaw na itatakda natin ang kasunod na hearing sa
ika-9 ng Disyembre, ganap na 2:00 ng hapon sa silid ding ito. Adjourn!

Ang salitang “hearing” na nangangahulugang pagdinig sa kaso o usapin ay


jargon ng larangang panghukuman na hindi na kailangang ipaliwanag pa ang
termino sa mga abogadong nagkakasundo sa pagtatakda ng petsa. Sa halip
naman na sabihin ng hukom na “Tinatapos na natin ang sesyong ito, “isang
salita lamang ang naging katumbas ng buong pahayag, at ito ay ang salitang
“Adjourn!”.

Impormatibo/Representasyonal – Ito ay ginagamit sa pagpapaliwanag


upang maipaalam ang katotohanan, datos, at impormasyong hatid ng mundo.
Ito ang ginagampanan ng wika kapag naglelektura, naghahain ng mga bagong
tuklas na datos at magbigay ng mga resulta ng sarbey.

Halimbawa:

Alam ba ninyo na ang pinakamahabang salita sa diksyonaryo ay binubuo ng


apatnapu’t limang letra? Ito ay ang salitang
“Pneumonoultramicroscopicsilicovolcanoconiosis” na ang ibig sabihin ay
isang uri ng sakit sa baga dahil sa alikabok na silica na nagpapamaga sa baga.

Instrumental – Sa uring ito, tungkulin ng wika na maging kasangkapan upang


maipahatid ang nais o gusto, pagtutol o kaya ay pagsang-ayon. Ipinakikita sa
tungkuling ito ang pagbabago ng tono upang bigyang diin ang nais ipahiwatig.

Halimbawa:

11 MAJOR 15 BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA


Nandito ako para ipaliwanag na mali lamang ang iyong pagkakaintindi sa
aking sinabi. (Pagbibigay-diin sa diwa ng mensahe sa halip na sa nagsasalita)

Ang naka “highlight” na bahagi, ang binibigyang-diin sa pangungusap ay ang


nilalaman ng sinabi at hindi ang katangian ng nagsasalita.

Regulatori – Ito ay ginagamit ng mga taong may awtoridad o kapangyarihan


sa pagkontrol ng kanilang nasasakupan. Nakapagpapakilos ang wika tungo sa
pagtatamo ng layunin dahil sa kapangyarihang bunga ng awtoridad,
impluwensiya, karisma, at puwersa. Makikita ang tungkuling ito sa pakikiusap,
pagsulat ng mga batas, pag-aatas sa mga memorandum, mga akta (act),
regulasyon at ang pagpapatupad sa mga kautusan o maging simpleng mga utos
ng magulang, nakatatanda, kaibigan upang mapanatili ang kaayusan, sistema,
tuluyang daloy ng proseso at mabuting pakikitunguhan at samahan.

Mabuting halimbawa nito ang mga tuntunin sa tahanan na ipinatutupad ng


mga magulang upang mapalaki nang mabuti, mabait, responsible at
mapagkakatiwalaan ang miyembro ng pamilya.
Halimbawa:
1. Mabuting huwag ka munang magkaroon ng kasintahan hanggang sa
makatapos ka ng pag-aaral.
2. Dapat na ang lahat ay nasa loob na ng tahanan bago mag-ika-10:00 ng gabi.

Gayundin ang ipinapatupad na batas ng pamahalaan ngayong kasalukuyang


humaharap tayo sa isang pandemya na apektado ang buong mundo.

Halimbawa:

1. Ang pagsusuot ng “facemask at faceshield” sa pampublikong lugar.


2. Ang pagkakaroon ng “social distancing” sa isa’t isa.

At marami pang iba na kinakailangang sundin para sa ikabubuti ng lahat para


malabanan ang pandemya.

Heyuristik – ito ay ginagamit upang makatuklas at mapatotohanan ang mga


hinuha upang makamit ang kaalamang akademiko o propesyunal. Ito ang
naging tungkulin ng wikang ginamit sa mga pananaliksik at imbensyon. Hindi
ng aba, kapag gagawa ng pananaliksik ay kailangang matugunan ang mga
tanong na inihain? Ika nga, ang mga suliranin sa pananaliksik ang nagsisilbing
pundasyon ng isasagawang pananaliksik. Bagamat may hinuhang nabubuo,
mapatotohanan o mapasusubalian ang anumang hinuha sa pamamagitan ng
resultang matatamo ng mananaliksik.

Antas ng Wika

Pambansa – ginagamit sa mga aklat pangwika, ginagamit bilang wikang


panturo sa paaralan, wikang ginagamit sa pakikipag-ugnayan sa pamahalaan.

12 MAJOR 15 BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA


Nagiging pambansa ang isang wika kung ito ay opisyal na naisabatas para
gamitin sa buong bansa.

Hal. Kapatid

Pampanitikan – nakasalalay at nakikita ang kagandahan, yaman, kariktan, at


retorika ng wika. Masining, mabisa, at maingat ang paggamit dito ng mga
salita.

Hal. Kapusod

Lalawiganin – ang wika ay ginagamit sa mga tiyak at partikular na pook at


lalawigan.

Hal. Inday (Katulomg) – Magandang Babae (Bisaya)

Kolokyal – ito ay wikang ginagamit sa pakikipag-usap sa tahanan, kaibigan,


at paaralan.

Hal. Mayroon – Meron


Nasaan – Nasan
Hintay Ka – Teka
Hayaan mo – Hamo
Tingnan mo – Tamo

Balbal – itinuturing ito na pinakamababang antas ng wika. Katumbas ito ng


“Slang” sa Ingles.

Hal. tol – kapatid


Dehins – hindi
Chaka – hindi maganda/pangit
143 – I love you
Sibat – pagtakas

Mga Prinsipal na Angkan ng Wika ng Pilipinas

Ang pagkilala at pagpapangkat-pangkat ng halos 5000 wika sa daigdig ayon sa


kani-kanilang pinagmulan ay isa sa pinakamahirap ng gawain at layunin ng isang
linggwista. Naisasagawa ng mga antrologo, dalubwika at linggwista ang ganitong
gawain sa pamamagitan ng pagtutulad-tulad sa ibat-ibang wika upang alamin kung
ang mga ito’y may pagkakahawig kundi man ay pagkakatulad pagdating sa
palatanungan, palabuuan, palaugnayan gayundin sa talasalitaan o leksikong pag-aaral.
Ipinapalagay ng mga dalubhasa na ang dalawang wikang may pagkakatulad o
pagkakahawig sa nabanggit ay may lawak ng mga palantandaan na ang dalawang
wika ay magkaangkan.

13 MAJOR 15 BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA


Binabakas din ng mga antrologo, dalubwika at linggwista ang kasaysayan ng
paglaganap ng tao sa daigdig, ang pag-uugnayan ng mga tao na may kinalaman sa
kanilang pakikipagkalakalan, mundo ng pulitika, ang heograpiya at iba na may
kaugnayan sa pagbakas ng pinagmulan ng ibat-ibang wika sa mundo.
Ang pagbakas sa kasaysayan ng mga wika ay masasabing nakabalik lamang ng
mga 6000-8000 taon dahil sa kawalan ng mga datos na mapanaligan sa pag-aaral. Sa
katotohanan, ang pagbakas sa ibang wika ay ni hindi nakaabot sa nakaraang 2000 taon.
Narito ang pagkaklasipika ng ibat-ibang wika sa Pilipinas ng mga antrologo,
dalubwika at linggwista:
Ayon kay Henry Gleason (1961)
Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang pinakamaraming wika sa buong daigdig.
Maliban sa pambansang wika- ang Filipino kasama nang mahigit isa isang-daang
pitongpu’t limang (175) katutubong wika kasama na din ang mga sinasalitang wika
tulad ng Ingles, Mandarin, Fookien, Cantonese, Koreano, Kastila/Espanyol at Arabe.
Ang mga katutubong wika sa Pilipinas ay napapaloob sa pamilya ng mga wika na
kung tawagin at mga Wikang Austronesyo (Austronesian Languages). Ang mga ito ay
ang pangkat ng mga wika na ginagamit ng mga tao mula sa Tangway ng Malayo
(Malayan Peninsula) hanggang sa mga pulo-pulong teritoryong Polynesia sa
karagatang Pasipiko. Tinatayang ito ang may pinakamalaking pamilya ng mga wika
sa buong daigdig.
Ang Angkang Malayo-Polinesyo at ang mga Wika sa Pilipinas
Ang Alif’bata (Alibata sa kasalukuyan) unang sistema ng pagsulat ng mga
Pilipino na buhat sa Arabia na umabot sa Pilipinas mula sa daang India, Java, Sumatra,
Borneo at Malaya. Ang Bahasa Melayu o Malayo-Polinesyo naman ay
pinaniniwalaang nagmula rin sa Alif’bata na naging lengua franca sa Timog
Silangang Asya sa pagitan ng A.D. 700 at A.D. 1500 na taon.
Ipinaglalagay na pumasok ang Alif’bata sa Pilipinas nang maintindig ang emperyo
ng Madjapahit sa Java sapagkat noon mabilis na lumaganap ang impluwensiya ng
Malay sa pulu-pulo mula sa Java hanggang sa Pilipinas.
Ang Malayo-Polinesyo ay angkang kinabibilangan ng mga Wikang Indonesian
(Tagalog, Visayan, Ilocano, Pampango, Samar Leyte, Bicol) at Malay. Ito ay
sumunod ang laki sa wiakng sakop ng angkang Indo-European na kinabibilangan ng
Espanyol/Kastila at Ingles.
Ayon kay David at Healey (1962) ng Summer Institute of Linguistics
Tatlong Panahon – Ang Malakihang Paglaganap sa Kapuluan ng mga Wika buhat sa
Angkang Malayo-Polinesyo
1. Philippine Stock
1.1. Northern Philippine Family, 200 B.C.
1.1.1. Ang mga Wika sa Lalawigang Bulubundukin (Ifugao, Kankani at
Bontoc)
1.1.2. Ilocano at mga Wikang lumaganap sa kahabaan ng Ilog Cagayan
(Kalinga, Tinggian, Isneg, Ibanag, Atta, Gaddang at Agta)
1.2. Southern Philippine Family, 100 B.C.
1.2.1. Sambal
14 MAJOR 15 BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA
1.2.2. Tagalog
1.2.3. Kapampangan
1.2.4. Bicol
1.2.5. Cebuano
1.2.6. Butuanon
1.2.7. Surigao
1.2.8. Kalagan
1.2.9. Mansaka
1.2.10. Batak
1.2.11. Cuyunon
1.2.12. Maranao
1.2.13. Magindanao
1.2.14. Binukid
1.2.15. Dibabaon
1.2.16. Western Bukidnon Manobo
1.2.17. Southern Bukidnon Manobo
1.2.18. Subanun
1.3. Pangasinan

2. Philippine Superstock
- Ito ay nahati sa mga wika sa Timog Luzon tulad ng Ivatan, Ilongot, Baler
Dumagat
- Taong 1300 B.C., ito’y nahati ayon na na rin sa Proto-Indonesina
2.1. Wika sa Borneo, Celebes, Kanlurang Micronesia o Formosa
2.2. Southern Mindanao Family (Bilaan, Tagabili, Tiruray)
2.3. Malay
2.4. Chamic Family ng bansang Vietnam

Ayon kay Conklin (1952). Pinangkat niya ang ilang wika sa dalawa batay sa
korespondensya at ang mga tunog kasama ang iba pang katangiang panglinggwistika.
1. Iloko Type- Iloko at Pangasinan
2. Tagalog Type- Tagalog, Bicol, Hiligaynon, Cebuano at Waray
* Ang Kapampangan naman ay nasa pagitan ng dalawang pangkat.
Ayon kay Fox, Sebley at Eggan (1953)
Pag-aaral na ginamit ay Lexico-statistics.
Ang paggamit ng Glottochronology sa Katimugang Luzon. Ito ay isang paraan ng
pagtaya kung anong petsa o panahon nahiwalay ang mga anak na wika sa kanilang
inang wika. At gayundin kung ano-anong petsa nagkahiwa-hiwalay o nagkawatak-
watak ang nasabing mga anak ng wika pagkatapos mahiwalay sa inang wika.
Ayon sa kanilang pag-aaral, ang mga wika sa Luzon ay nahahati sa mga
sumusunod:
1. Southern Division
2. Central Division
3. Southwestern Division

15 MAJOR 15 BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA


4. Southeastern Division

Ayon kay Dyen


Si Dyen ang kinikilalang pinakapangunahing linggwista ng Wikang Malayo-
Polinesyo.
Pag-aaral na ginamit ay Lexico-statistics.
Mga Natuklasan:
1. Hindi malapit ang relasyon ng Tagalog at Kapampangan.
2. Higit na malapit ang Tagalog sa Cebuano at Kuyunon (Cuyunon) kaysa sa
Kapampangan.

Barayti

Ang pagkakaroon nito ay bunga ng paniniwala ng mga lingguwista na ang


wika ay heterogenous o nagkakaiba-iba. ito ng magkakaibang pangkat ng tao
na may iba’t ibang lugar na tinitirahan, interes, gawain, pinag-aaralan at iba pa.

Dalawang Uri ng Barayti

Permanente – likas na gamit at linang sa sinumang tagapagsalita o tagabasa.

- Kabilang sa mga Barayting Permanente ang dayalekto/dialect at idyolek.


Batay ang dayalekto sa lugar, panahon, at katayuan sa buhay. Nakikita ito
kaugnay ng pinanggagalingang lugar ng tagapagsalita o grupo ng tagapagsalita
sa isa sa tatlong dimensyon: espasyo, panahon, at katayuang sosyal. Samantala
ang idyolek ay isang barayti na kaugnay ng personal na kakanyahan ng
tagapagsalita o wikang ginagamit ng partikular na indibiduwal.
Pansamantala – nagbabago o batay sa pagbabago ng sitwasyon.

- Ang pansamantalang barayti ng wika ay kaugnay sa sitwasyon na ginagamit


ang wika. Kasama sa pansamantalang barayti ay ang register, estilo, at mode.

a. Register – ay barayting kaugnay ng panlipunang papel na ginagampanan ng


tagapagsalita sa oras ng pagpapahayag.
b. Estilo – ay ang barayti na kaugnay ng relasyon ng nagsasalita sa kausap.
Maaaring pormal, kolokyal, personal ang estilo.
c. Mode – ay ang barayting kaugnay sa midyum na ginagamit sa
pagpapahayag tulad ng pasalita o pasulat.

Baryasyon

Sa pagdaan ng panahon, nagiging ispesyalisado ang gawain at tungkulin ng


tao at ito ay nagreresulta ng pagkakaiba-iba ng kultura at wika na siyang
nagiging panukat sa progreso ng tao.

16 MAJOR 15 BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA


Gawain/Pagsasanay

Pagsasanay 1

Pangalan: ______________________ Petsa: _________________


Kurso/Pangkat: _________________ Marka: ________________

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Isulat ang sagot sa patlang bago
dumating ang bilang. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

_______________1. Itinuturing ito na pinakamababang antas ng wika.

_______________2. Ito ay ginagamit sa mga aklat pangwika, ginagamit bilang


wikang panturo sa paaralan at wikang ginagamit sa pakikipag-ugnayan sa pamahaan.

_______________3. Ito ang naging tungkulin ng wikang ginamit sa mga pananaliksik


at imbensyon.

_______________4. Ipinakikita sa tungkuling ito ang pagbabago ng tono upang


bigyang diin ang nais ipahiwatig.

_______________5. Ayon sa kanya, ang wika ay midyum at instrumento ang wika na


nakatutulong sa komunikasyon, pagpapalitan ng kaisipan, at pag-uunawaan ng mga
tao.

_______________6. Estetiko ang bunga nito kaya madalas na nagagamit sa pagsulat


ng mga akdang pampanitikan.

_______________7. Ito ay ginagamit sa pakikipagkapwa, pagpaplano,


pagpapayabong o pagpapanatili ng ugnayan sa iba.

_______________8. Ito ay ang barayti na kaugnay ng relasyon ng nagsasalita sa


kausap na maaaring pormal, kolokyal, o personal ang estilo.

_______________9. Ito ay ginagamit ng mga taong may awtoridad o kapangyarihan


sa pagkontrol ng kanilang nasasakupan.

_______________10. Ito ang ginagamit sa pagpapaliwanag upang maipaalam ang


katotohanan, datos, at impormasyon na hatid ng mundo.

17 MAJOR 15 BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA


Pagtataya

Pagsasanay 2

Pangalan: ______________________ Petsa: _________________


Kurso/Pangkat: _________________ Marka: ________________

Panuto: Ibigay at ipaliwanag ang mga sumusunod. Isulat ang sagot sa sagutang
papel. (5 puntos bawat bilang).

1. Ibigay ang Dalawang Uri ng Barayti at ipaliwanag ang bawat isa.


2. Ibigay ang mga katangian ng wika at ipaliwanag ang bawat isa.
3. Ibigay ang kahalagahan ng wika at ipaliwanag ang bawat isa.
4. Ibigay ang kahulugan ng wika ayon kina Henry Gleason at Bienvenido Lumbera.
5. Ibigay ang kahulugan ng Barayti at Baryasyon.

Rubriks sa Pagmamarka:
Pamantayan Napakahusay Katamtaman Di-gaanong Mahusay
(5) (3) (1)
Sistematiko at Napakalinaw at Hindi gaanong Mahirap maintindihan
malinaw na si s t em at i ko a n g malinaw at maayos ang ipinahahayag na
pagkalahad ng p a g l a h a d ng ang pagkalahad ng detalye
detalye detalye
detalye.

Kalinisan at Napakalinis at Maayos subalit Magulo ang paraan ng


kaayusan sa napakaayos ang hindi gaanong pagkakasulat, hindi
pagsulat. pagkakasulat, malinis ang nasunod ang pagsulat
walang mali sa pagkakasulat, may ng tamang talata.
(wastong
ispeling, at tama mali sa ispeling at
pagsulat ng ang paggamit ng maling paggamit
talata, ispeling, bantas. ng bantas.
paggamit ng
bantas)

18 MAJOR 15 BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA


Takdang-Aralin

19 MAJOR 15 BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA


Mga Sanggunian
Aklat

Badayos, Paquito et. al. (2007). Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Mutya


Publishing House: Malabon City

Castillo, Mary Joy A. et. al. (2008). Komunikasyon sa Akademikong Filipino.


Booklore Publishing Corporation. Manila

Garcia, Lakandupil C. et. al. (2010). Tinig: Komunikasyon sa Akademikong Filipino.


Malabon City: Jimczyville Publications.

Komisyon sa Wikang Filipino (2001). Dokumentasyon ng mga Batas Pangwika,


Komisyon sa Wikang Filipino at Iba pang Kaugnay na Batas: 1935-2000. Maynila.

Peregrino, J. et. al. (2002). Minanga: Mga Babasahin sa Varayti at Varyasyon ng


Wikang Filipino. Quezon City: UP Sentro ng wikang Filipino.

Mga Onlayn na Sanggunian

https://journals.upd.edu.ph

file:///C:/Users/user/Downloads/4943-13322-1-PB.pdf

https://dokumen.tips/documents/barayti-ng-wika-5652f6fa5ccd1.html

https://philnews.ph/2019/07/17/barayti-ng-wika-uri-halimbawa/

https://www.academia.edu/34093314/Ang_Pag_Aaral_ng_Varayti_at_Varyasyon_ng
_Wika_Hanguang_Balon_sa_Pagtuturo_at_Pananaliksik

https://prezi.com/0wwovvq69ing/wika-at-kasarian/

https://www.academia.edu/37037043/MGA_VARAYTI_AT_VARYASYON_NG_W
IKA_Heyografikal_Sosyal_at_Okufasyunal

https://www.coursehero.com/file/48227443/aralin-2-26pptx/

20 MAJOR 15 BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA


Barayti at Baryasyon ng Wika

Kabanata 2

Ang Wikang Pambansa

21 MAJOR 15 BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA


Kabanata 2
Ang Wikang Pambansa

Panimula

Makatutulong ang modyul na ito upang higit na mapahalagahan ng mga mag-aaral


ang Wikang Pambansa. Lalo na sa panahon ngayon nahaharap sa isang malaking
hamon ang araling Filipino sa larangan ng ating edukasyon. Sa pagbabago ng
kurikulum nagdisenyo ang Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon upang tugunan
ang pangangailangan na mapataas ang kompitensi ng mga mag-aaral sa kolehiyo.
Sadyang ginawa ang modyul na ito upang tugunan ang pangangailangan sa naganap
na pagbabago sa kurikulum sa kolehiyo. Ipinapakita rito ang pagtataguyod sa ating
Wikang Pambansa sa mas mataas na antas ng edukasyon. Bahagi ng talakay ang ilang
mahahalagang batas pangwika at ang unibersal na nukleyus at ang pagkakaiba ng
Tagalog, Filipino, Pilipino. Ang mga mag-aaral ay kinakailangang magsagot ng mga
pagtatasa na nakapaloob sa modyul na ito.

Tiyak na Layunin

1. Natatalakay ang Wikang Pambansa, mga batayan, at pinagmulan ng mga wika sa


Pilipinas.

2. Naipaliliwanag ang unibersal na nukleyus at ang pagkakaiba ng Tagalog, Pilipino,


at Filipino.

Oras o Haba ng Pagtalakay

Paksa: Ang Wikang Pambansa = 7 oras

22 MAJOR 15 BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA


Pagtalakay sa Paksa

Disyembre 30, 1937 – iprinoklama ni Pangulong Manuel Luis M. Quezon


na ang Wikang Tagalog ang batayan ng Wikang Pambansa base sa
rekomendasyon ng Surian ng Wikang Pambansa sa bisa ng Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 134. Tagalog ang naging batayan ng wikang pambansa
sapagkat isinaalang-alang ang mga pamantayan:

a. Wika ng sentro ng pamahalaan


b. Wika ng sentro ng edukasyon
c. Wika ng sentro ng kalakalan
d. Wika ng nakararami at pinakadakilang nasusulat na panitikan.

Agosto 13, 1959 – pinalitan ang tawag sa wikang pambansa. Mula sa Tagalog
ay naging Pilipino sa bisa ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 na
ipinalabas ni Jose E. Romero, ang Kalihim ng Edukasyon noon.

Saligang Batas ng 1987 ay pinagtibay ng Komisyong Konstitusyunal na


binuo ni dating Pangulong Corazon C. Aquino ang implementasyon sa
paggamit ng Wikang Filipino. Nakasaad sa Artikulo XIV, Seksiyon 6 ang
probisyon tungkol sa wika na nagsasabing:

“Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay


dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at
sa iba pang mga wika”.

Ang Wikang Pambansa at Edukasyon

Ang Edukasyon ay isang proseso ng komunikasyon ang lawak ng kapakinabangan ng


tao ay nakabatay sa wikang ginagamit sa proseso ng pagtuturo/pagkatuto.

Wikang Opisyal – itinadhana ng Saligang Batas ng Pilipinas na Filipino at Ingles


ang magiging Wikang Opisyal ng bansang Pilipinas.

Mga Batayan sa Pagtuturo ng Wikang Pambansa

1. BE Circular No. 71, s. 1939 – ipinag-utos nang noo’y Kalihim Jorge Bocobo ng
Paturuang Bayan na gamitin ang mga Katutubong Diyalekto bilang mga pantulong na
wikang panturo sa primarya simula taong panuruan 1939 – 1940.
2.Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 – Noong Abril 01, 1940 ay nilagdaan ni
Pangulong Quezon ang kautusan at dito’y ipinag-utos ang pagtuturo ng wikang
pambansa sa lahat ng paaralang pampubliko at pribado sa bansa.

23 MAJOR 15 BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA


3. Executive Order No. 10 – noong Nobyembre 30, 1943 nagpalabas si Jose P.
Laurel ng Executive Order Blg 10 na nagsasaad na ang wikang pambansa ay ituturo
sa lahat ng mataas na paaralang pampubliko at pampribado, kolehiyo at unibersidad.

4. Memorandum Pangkagawaran Blg. 6, s. 1945 – ipinalabas ng Kagawaran ng


Edukasyon na nagtatakda ng tentatibong kurikulum sa elementarya. Sa Kurikulum na
ito ang wikang pambansa ay binibigyan ng araw-araw na pagkaklase, 15 minuto sa
primary at 30 minuto sa intermedya.

5. Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 – noong Hunyo 19, 1974 ang Kagawaran ng


Edukasyon at Kultura ay naglagda sa pamamagitan ng Kautusang Pangkagawaran Blg.
25, s. 1974 ng mga panuntunan sa pagpapatupad ng Patakarang Edukasyong
Bilingguwal.

6. Kautusang Pangkagawaran Blg. 50, s. 1975 – simula sa taong panuruan 1979 –


1980, isasama sa kurikulum ang lahat ng mga institusyong tersiyarya ang anim (6) na
yunit ng Pilipino.

7. Kautusang Pangkagawaran Blg. 52, s. 1987 – Ang Filipino at Ingles ay


gagamiting mga midyum sa pagtuturo.

8. Kautusang Pangkagawaran Blg. 60, s. 2008 – Ang Filipino at Ingles ang


mananatiling mga wika sa pagtuturo at ang mga lokal na wika ay gagamitin bilang
pantulong na wika ng pagtuturo para sa pormal na edukasyon at para sa alternatibong
Sistema ng pagkatuto.

9. Kautusang Pangkagawaran Blg. 74, s. 2009 – ito ay may pamagat na


Institutionalizing Mother Tongue-Based Multilingual Education (MTBMLE).

10. CMO No. 20, s. 2013 – dahil sa pagbabago ng Sistema ng edukasyon sa seksyon
3 ng kautusang ito, ang GEC ay bumaba sa tatlumpu’t anim (36) na yunit at inalis ang
Filipino bilang asignatura. May mga tunggaliang nangyayari na dulot ng
kontrobersyal na kautusan mula sa Commission on Higher Education (CHED), ang
CMO 20, na kung saan nawala sa mga kursong ipakukuha sa lahat ng mag-aaral sa
kolehiyo ang wika, bagama’t ginawang opsyon na ituro ang lahat ng mga kurso sa
bagong GE sa Filipino.

11. CMO No. 57, s. 2017 – ito ay kautusang pagdaragdag ng asignaturang Filipino sa
lahat ng kurso sa kolehiyo bilang bahagi ng GEC., ngunit dahil sa mga may
nagsusulong sa kapakanan ng wikang pambansa, ang CMO No. 57, noong 2017 ay
naipatupad ang pagbabalik ng asignaturang Filipino at hanggang kasalukuyan ay
mainit pa rin itong pinag-uusapan.

PSLLF (Pambansang Samahan sa Lingguwistika at Literaturang Filipino)


– ay isang propesyonal na organisasyong nagtataguyod ng mahusay na
paggamit ng wikang Filipino, pangunahin sa edukasyon at pananaliksik. Isa
rin ito sa mga kasaping organisasyong tagapagtatag ng Alyansa ng mga
Tagapagtanggol ng Wikang Filipino (Tanggol Wika) na nangunguna sa
matagumpay na pakikibaka para mapanatili ang mga asignaturang Filipino at
panitikan sa Kolehiyo.

24 MAJOR 15 BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA


Tanggol Wika o Alyansa ng mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino – ay
isang organisasyon na nabuo noong 2014 na binubuo ng mga dalubhasa sa
wika, dalubguro, manunulat, at mga mag-aaral bilang tugon sa pagbabalak na
pagpatay ng wikang Filipino.

Sa petisyon ng Tanggol Wika, layunin nito ang mga sumusunod:

1. Panatilihin ang pagtuturo ng asignaturang Filipino sa bagong GEC sa kolehiyo.


2. Kumilos tungo sa pagrerebisa ng CMO 20.
3. Gamitin ang wikang Filipino sa pagtuturo ng iba’t ibang asignatura at:
4. Isulong ang makabayang edukasyon.

NCCA (National Commission for Culture and the Arts) o Pambansang


Komisyon para sa Kultura at mga Sining – isang organisasyon na
nagtataguyod sa kahalagahan ng wikang Filipino.

Pinagmulan ng mga Wika sa Pilipinas

1. Teoryang Biblikal – ang wika ay kaloob ng Diyos sa tao na siyang instrumento


upang pangalagaan ang iba pang nilikha niya.

a. Tore ng Babel – kilala rin sa tawag ng Teorya ng Kalituhan, hango ito sa


aklat ng Genesis.

b. Pentecostes – ito hango sa bagong Tipan, natuto ang mga Apostol ng mga
wikang hindi nila nalalaman. Dito nagsimula ang pagpapalaganap sa salita ng
Diyos sa iba’t ibang lupalop ng daigdig.

2. Teoryang Siyentipiko – simulang mag-usisa ang mga Iskolar sa pagkakaroon ng


iba’t ibang wika sa mundo.

a. Teoryang Bow-wow – nagmula ang wika sa panggagaya ng tao sa tunog ng


kalikasan.

Hal. ngiyaw ng pusa, tilaok ng manok, lagaslas ng tubig sa ilog.

b. Ding – dong – hango sa mga tunog na nalilikha sa paligid.


Hal. tunog ng kampana, tiktak ng orasan, langitngit ng kawayan, talbog ng
bola.

c. Pooh – Pooh – ang tao ay nakabubulalas ng tunog sa pamamagitan ng


masidhing damdamin tulad ng galit, tuwa, lungkot, takot, pagkabigla.

d. Yo-he-ho – ang teoryang ito ay nakatuon sa puwersang pisikal ng tao.

25 MAJOR 15 BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA


Hal. Subuking bumuhat ng dalawang malaking container na may lamang tubig,
may nauusal kang tunog na dulot ng paglalaan ng pisikal na lakas sa
pagbubuhat.

e. Ta-ta – ang Ta-ta ay salitang Pranses na nangangahulugang goodbye o


paalam. Pansinin na tuwing tayo ay magpapaalam tiyak na magkasabay ang
pagsambit ng salita at kumpas ng kamay.

f. Ta-ra-ra-boom-de-ay – ang tao nakabubuo ng tunog o salita sa


pamamagitan ng ritwal at dasal.

Ang Unibersal na Nukleyus at Ang Filipino

NAPATUNAYAN NA NG ILANG pag-aaral (Jakobson, Fant at Halle, 1952;


Greenberg (ed.),1963) na may mga bagay na pare-pareho sa mga wika sa
mundo. Ito ang tinatawag na language universals. Lalo nang totoo ito kung
ang mga wikang magkakamag-anak ang pinag-uusapan. Sa katotohanan, kaya
tinuturing na magkakamag-anak ang isang grupo ng wika’y dahil nga sa
pagkakapare-pareho ng maraming elemento ng mga nasabing wika.

Matagal nang napatunayan na malapit na magkakamag-anak ang mga wika sa


Pilipinas (Dempwolff, 1925; Conant, 1908, 1911, 1912; Dyen, 1947, 1953;
Paz, 1981). Ang mga elementong magkakapareho o halos magkakapareho ay
matatagpuan sa lahat ng lebel ng mga wikang ito—sa lebel ng mga tunog, sa
lebel ng mga morpim at mga salita, sa lebel ng sintaks at sa lebel ng kahulugan.
Ang layunin ng papel na ito’y ipakita ang mga elementong pare-pareho sa mga
wika sa Pilipinas para mapatunayan at maaydentifay ang mga bagay na
bumubuo sa tatawaging unibersal na nukleyus (UN). Ito ang komon na
elemento ng lahat ng mga wika sa Pilipinas. Importante na maaydentifay ang
UN para makita kung bakit madaling kumalat at kumakalat pa ang Filipino o
ang lingua franca na ginagamit sa buong Pilipinas o sa mga sentro ng
populasyon man lamang. Hindi naiiba ang Filipino sa mga ibang wika sa
Pilipinas kaya’t may UN ito na masasabing mula sa inambag ng mga
gumagamit ng wikang ito na galing naman sa mga wika nilang sarili.

Dahil ginagamit ang Filipino na wikang pangkomunikasyon sa bansa o


nasyunal na wika, dapat kilalanin ito na Wikang Pambansa (WP). Ang kulang
na lamang sa kasalukuyan ay ang malawakang paggamit nito bilang opisyal na
wika ng gobyerno at wikang panturo sa lahat ng mga iskwelahan. Pero
masasabi na superpisyal ang kakulangan na ito dahil ginagamit na ang Filipino
sa oral na komunikasyon sa gobyerno’t mga iskwelahan kahit hindi pa tanggap
ng lahat bilang wikang pansulat. Inaasahan na makakatulong ang pag-
aaydentifay ng UN sa pagpuno ng nasabing kakulangan dahil maipapakita na
hindi na kailangan pang antayin ang diumanong panahon na madebelop o
idebelop pa ang WP natin. Inaasahan din na kapag napatunayan ang UN,
mabibigyan ng lakas loob ang lahat ng Pilipino na magpatuloy sa kanilang
pagpapayaman sa WP dahii may bahagi na ang sarili nilang wika sa wikang

26 MAJOR 15 BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA


ito, ang UN.

Mga Tunog:

Sa lebel ng mga tunog, hindi gaanong magkakaiba ang mga wika sa Pilipinas.
Ganoon din sa pagkabit-kabit ng mga tunog na ito sa pagbuo ng mga salita.
Kadalasan, ang napapansin natin ay ang mga pagkakaiba sa paggamit ng i at e,
u at o sa mga iba’t ibang wika natin bukod sa pagkakaiba ng mga punto natin.
Dahil hindi gaanong marami ang mga tunog na magkakaiba, hindi natin halos
naririnig o napapansin ang mga ito, lalo na kung hindi natin pakikinggan ng
mabuti ang sinasabi.

Lahat ng mga wika sa Pilipinas ay may:

 i, a, u
 p, t, k
 b, d, g
 s, h
 m, n, ng
 l
 w, y

Halos walang pagkakaiba ang pagbigkas ng mga tunog na ito sa lahat ng mga
wikang katutubo na matatagpuan sa bayan natin. Maituturing na sa lebel ng
mga tunog, ang mga tunog na nakalista sa itaas ay ambag ng lahat ng mga
wika natin sa wikang ginagamit na lingua franca o wikang komon, ang
Filipino.
Halos lahat ng mga wika’y may p at kung wala nito, may malapit ditong tunog:

Halimbawa:

Ang p (Kal) na binibigkas na kaparis ng f pero ginagamit ang dalawang labi sa


halip na labi at ngipin, na siyang ginagamit sa pagbigkas ng f, o natutumbasan
ito ng f (Bla, Ibg). Halos lahat at mey h at r.

Bukod sa mga tunog na nasa UN may ilan pang tunog sa Filipino na masasabing
galing
sa ibang wika sa Pilipinas i, e, f, at v na matatagpuan sa Ibanag at Ivatan o nasa
wikang
Filipino dahil sa impluwensiya ng mga wikang ito at ng Kastila’t lngles. Bukod dito,
ang r
na matatagpuan sa Iloko, Tiruray, Yakan, Kapampangan, at iba pa; “j” sa Tausug,
Itbayat; “e” sa Tagalog, Kapampangan, lsinai, Kalingga, Subanon, Blaan, Bagobo;
“z” sa Ibanag; “o” sa Yakan, Kalinga, Bagobo, at iba pa. Lahat ng mga wika natin ay
may diin. Ang ibig sabihin nito’y nababago ang kahulugan ng salita kapag nililipat
ang diin, Hal. Tag at Hil: púno “mataas na halaman” — punó “wala ng maidaragdag
sa isang lalagyan”, Sa Ivatan, matá “mata”— máta “hilaw”, Buk (Binukid) béleng
‘gubat’ — beléng ‘laging’.

Mga Morpema o Salita:

27 MAJOR 15 BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA


Nasa leksikon o lebel ng mga salita ang pinakamaraming pagkakaiba. Ito ang rason
kung bakit hindi nagkakaintindihan ang mga Pilipinong may iba’t ibang katutubong
wika.
Ganoon pa man, pare-pareho ang halos higit sa 50% ng mga salita ng bawat wika
natin. Ang mga salitang ito ang tinatawag na kogneyt (cognate) o mga salitang pareho
ang kahulugan at halos pareho ang bigkas.

Halimbawa:

 apúy —Tag, Iba, Png, Ilk, Kal, Bon, Isi, Igt, Nag, Agt, Mar, Tbw
 hápuy — Itb
 afúy — Itw, Buh
 afí — Ibg
 apí — Kap
 ápi —Tau
 ópuy — Bag
 bángun —Tag, Kap, Iba, Ilk, Itw, Isi, Nag, Seb, Akl, Tau, Bah, Buk, Mar, Sub
 bangún — Png, Agt
 fángun — Bon
 vangún — ltb
 pyúngun — Kal

Makikita sa apendix ang isang listahan ng mga kogneyt (cognate) na inaasahang


maipapakita ang pagkakapareho ng leksikon ng mga wika natin. Hindi ko lang
nasama ang lahat ng mga kogneyt (cognate) sa mga wikang ito dahil magiging
masyadong mahaba ang listahan para ilagay dito. Hindi naisama ang lahat ng mga
wika sa Pilipinas, pero nandito ang masasabing representatibo ng bawat rehiyon ng
bansa.
Ang listahan na nasa apendix ay bahagi ng datos na nakolekta para sa pagkokompara
ng mga wika sa Pilipinas (Paz, 1981). Meron pang ibang listahan ng mga kogneyt na
ginawa ni C. Lopez (1974) at ni F. Yap (1977). Bukod sa mga kogneyt, ang isa pang
komon na bahagi ng mga wika natin ay ang mga hiram na salita na galing sa Kastila
at Ingles: bapur, kahon, pasahe, iskwela, blakbord, titser, sabon, sabe, oto, bisikleta,
tivi, koks, doktor, nars/narsis at napakarami pang iba. Ang isang katangiang kapansin-
pansin sa mga wika natin ay ang pagkakabit ng isa o higit pang apix sa istem, na
nagreresulta sa mga salitang magkakaiba ng kahulugan.

Halimbawa sa Seb, kapag nilagyan mo ng gi - ng kaun ang resulta’y gikaun na


katumbas ng Tag, kinain, at kung idaragdag pa ang pa- para maging gipakaun na
katumbas ng Tag, ipinakain naiba na ang kahulugan ng resultang salita. Sa unang
halimbawa, iisa ang aktor, sa ikalawa naman, dalawa ang aktor ang nagpapagawa
kilos at ang mismong gumagawa.
Ang mga panlapi na karaniwang matatagpuan sa mga wika natin ay: mga panlapi na
ginagamit sa pandiwa: mag-, in, -i, na-; mga panlapi na pang-uri: ma-, pala- at marami
pang iba.

Ang Sintaks

28 MAJOR 15 BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA


Ang importanteng bahagi ng wika na nagpapatunay sa pagkakamag-anak ng isang
grupong wika’y ang sintaks. Ito ang naglalarawan kung papaano nabubuo ang mga
iba’t ibang pangungusap ng isang wika. Kung pagkokomparahin ang mga istruktura
ng mga pangungusap sa mga wika natin, malalaman na halos magkakapareho ang
mga ito at kakaunti ang mga istrukturang naiiba.

May dalawang pag-aaral si Ernesto Constantino: The Sentence Patterns of


Twenty-Six Philippine Languages at The Deep Structures of Philippines
Languages na ipinapahayag ang pagkapareho at pagkakaiba ng mga pangungusap ng
mga wika sa Pilipinas. Ayon sa analisis niya, lahat ng mga simpleng pangungusap sa
mga wika natin ay may nakapang-ilalim na istruktura o unibersal na istruktura na
nabubuo ng isang “phrase” o sugnay na may pandiwa at isang “phrase” na
komplement ng pandiwa o ang tinatawag na “keys”.
Pareho o halos pareho ang pagbubuo ng pangungusap sa lahat ng mga wika
natin. Ang isang bahagi ng pangungusap na kinikilalang paksa ay binubuo ng
pangngalan at ng sabjek-marker.

Halimbawa:

 Tag - ang áso


 Seb – an iru
 Ilk - dyay áso

Maaari ring madaragdagan ito ng posesiv o di kaya lokativ preys.

 Tag - ang áso mo Ang kambing sa búkid.


 Seb - ang irú mo Ang kánding sa umá.
 Ilk - tay ásum Tay kalding diyay taltálon.

Ang tinatawag na panaguri (predicate) ay puwedeng buuin ng:

1. Isang pandiwa (verb):

 Tag - Tumakbo ang áso.


 Seb - Nidalagan an irú.
 Ilk - Nagtaray dyay áso.

2. Pandiwa at Pangngalan:
 Tag - Kumain ng mangga ang bata.
 War - Kinmáun hin mangga ang bata.
 lbg - Kininán ti mángga i abbing.

3. Pangngalang Sugnay:

 Tag - Abogado ang kapatid ko.


 Hil - Abogado ang tuod ko.
 Tau - Abugaw in tymanghud ku.

 Tag - Wala sa bukid ang kambing.

29 MAJOR 15 BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA


 Seb - Wala sa uma ang kambing.
 Kap - Aláyu king taldawa ing kambing.

4. Pang-uring Sugnay:

 Fil - Gwapo ang binata.


 Bkl - Gwapu an sultero.
 Png - Gwapu su bagit ley.

Lahat ng mga wika ay may mga pangungusap na nabubuo ng isang salita


lamang katulad ng:

 Tag - Umuulan.
 Seb - Nagaulan.
 Tau - Immulan.
 Ilk - Agtudtudo.
 Kap - Mumuran.

Pare-pareho rin ang sistema natin sa pagtatanong na katangi-tanging atin. Ito


ang
morpim o salitang pantanong na ba o di ba sa halos lahat ng mga wika natin. Sa
ibang wika ito’y kadi/adi.

 Tag - Maaga pa, di ba?


 War - Maaga pa, dirí ba?
 Seb - Sayu pa, dí ba?
 Rom - Kaaga pa, bukun ba?
 Ilk - Nasapa pay, saan kadi?
 Is - Bihihat pay, boon adi?
 Kap - Maranun pa, ali mó?

Marami nang naibigay na mga elementong pare-pareho sa mga


wika natin, inaasahan na naipakita dito ang bahagi at elemento na nasa bawat
katutubong wika natin na maaaring sabihin na ang ambag ng bawat wika natin sa
Filipino. Dahil dito, masasabi natin na ang Filipino’y wika ng lahat ng mga Pilipino at
hindi lamang ng isang etnolinggwistikong grupong Pilipino.

Mga katumbas na Abrebyesyon ng mga pangalan ng wika ay ang mga


sumusunod:

Agt = Agutaynen, Bag = Bagobo, Bla = Blaan, Bon = Bontok, Buh = Buhi, buk =
binukid,
Hil = Hiligaynon, Ibg = Ibanag, Igt = Ilongot, Ilk = Iloko, Is = Isinai, Itb = Ibayat, Itw
= Itawis, Ivt = Ivatan, Kal = Kalinga, Kap = Kapampangan, Mar = Maranaw, Nag =
Naga Bikol, Png = Pangasinan, Rom = Romblomanon, Sub = Subanes, Tag = Tagalog,
Tau = Tausug, War = Waray, Yak =Yakan, Zam = Zambal.

Tagalog, Pilipino, Filipino: May Pagkakaiba ba?


30 MAJOR 15 BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA
Ano ang tinatawag ninyo sa wikang ginagamit ninyo? Tagalog? Pilipino?
Filipino? Bakit Tagalog ang tawag ng mga dayuhan at mga Pilipinong nasa ibang
bansa sa Wikang Pambansa ng Pilipinas? Bakit tinatawag pa ring Tagalog ang
Wikang Pambansa rito sa atin matapos baguhin ang tawag dito mula pa noong 17 taon
na ang nakararaan? May pagkakaiba baa ng Tagalog sa Pilipino? Sa Filipino?
Tingnan natin ang mga pagkakaibang ito batay sa konsepto at sa anyo.

Wikang Tagalog

Tagalog ang wika sa Bulacan, Batangas, Rizal, Laguna, Quezon, Cavite,


Mindoro, Marinduque, ilang parte ng Nueva Ecija, Puerto Princesa, at pati Metro
Manila. Ito kung gayon, ay isang wikang natural, may sariling mga katutubong
tagapagsalita. Isang partikular na wika na sinasalita ng isa sa mga
etnolingguwistikong pangkat sa bansa ang mga Tagalog. Pagdating pa man nina
Miguel Lopez de Legaspi noong 1565 sa Maynila ay napuna na nilang sinasalita ito
ng maraming Pilipino.

Wikang Tagalog Bilang Wikang Pambansa

Nasangkot ang Tagalog sa pambansang arena nang ideklara ni Pangulong


Manuel Luis M. Quezon ang Wikang Pambansa na batay sa Tagalog noong
Disyembre 30, 1937 (Executive Order No. 134). Mula noong 1940, itinuro ito sa lahat
ng paaralang publiko at pribado.

Wikang Pilipino

Samantala, ang Wikang Pilipino ay ang National Language (noong 1943) na


batay sa Tagalog mula noong 1959, nang ipasa ang Department Order No. 7 ng noo’y
Sec. Jose E. Romero, ng Department of Education.
Ito ring pangalawang ito ang itinatawag sa wikang opisyal, wikang
pampagtuturo at asignaturang sa Wikang Pambansa mula 1959. Nahinto lamang ito
nang patibayin ang Filipino bilang wikang pambansa. Filipino naman ang itinatawag
sa wikang pambansa sa Konstitusyon ng 1987 (maging noong 1973 subalit Pilipino pa

31 MAJOR 15 BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA


rin noon ang wikang opisyal).

Pagkakaiba ng Pilipino sa Filipino

Lumalabas na ang Pilipino ay Tagalog din sa nilalaman at istruktura at walang


Pilipino bago 1959. Gayundin, walang wikang Filipino bago 1973.
Magkaiba ang Filipino kahit parehong naging Wikang Pambansa ang mga ito
dahil magkaibang konsepto ang mga ito – ang isa’y batay sa iisang wika at ang isa’y
sa maraming wika sa Pilipinas kasama na ang Ingles at Kastila.
Dahil batay sa Tagalog at gamit ng mga Tagalog hindi nabigyan ng
pagkakataon ang mga di-tagalog na maging parte ng pagpapayaman at pagpapaunlad
ng Filipino. At sa mga paaralan, mas tama ang aklat kaysa libro; ang takdang aralin
kaysa asaynment; ang pamantasan kaysa kolehiyo/unibersidad; ang mag-aaral kaysa
estudyante.
Matagal ding panahong namayani at namayagpag ang Tagalog. Sa pag-aaplay
ng trabaho, halimbawa’y titser at tagasalin sa Pilipino, mas uunahin kunin ang
nagsasalita ng Tagalog bago ang di-Tagalog. Naging problema lang noon ang kung
aling Tagalog ang “mas maganda, mahusay, angkop” na pinag-aagawan ng mga
Tagalog mula Bulacan, Laguna, at Batangas.

Tagalog Imperialism

Ang ganitong pangyayari ay tinawag ni Prof. Leopoldo Yabes noon na


“Tagalog Imperialism”. Nakondisyon na ang mga tao sa Tagalog kung kaya’t kahit
nabago na ang tawag sa Wikang Pambansa (Pilipino, Filipino), Tagalog pa rin ang
itinatawag dito ng mga Pilipino at mga dayuhan.
Ang pagkokondisyong ito ang nagdulot ng negatibong reaksyon mula sa mga
di-Tagalog. Naisantabi ang mga wikang malawak din ang gamit gaya ng Cebuano,
Hiligaynon, at Ilokano. Ito naman ang naging dahilan ng pagpapalit sa Wikang
Pambansa mula sa Tagalog tungo sa Filipino sa Konstitusyon ng 1973 at 1987.

Miskonsepsyon sa Filipino

Ang tawag sa Filipino sa wikang pambansa ay hindi mula sa Filipino na tawag


sa Ingles, para sa mga mamamayan ng bansa. Hindi rin mula sa Ingles ang F dito.
Mga miskonsepsyon ang mga ito.
Mula ito sa binagong konsepto ng wikang pambansa na batay sa lahat ng wika
sa Pilipinas, kasama ang Ingles at Kastila. May tunog na F sa ilang mga wika sa
Pilipinas tulad ng afuy (apoy/fire), kofun (kaibigan/friend) ng Ibanag; ayfu flafus
(magandang umaga/good morning) ng Bilaan; fidu (peste/pestilence) ng South
Cotabato Manobo, atbp.
Ang paggamit ng F ay simbolo ng hindi na pagiging Tagalog lang na batayan
ng wikang pambansa dahil walang ganitong tunog ang Tagalog. Pinapalitan ng P ang
anumang tunog ng F sa Tagalog gaya ng pamilya (familia/family) at reperensya
(referencia/reference). Dinagdagan din ang alpabeto ng Filipino. Mula 20 letra ng
Tagalog, naging 28 letra ang Filipino. Idinagdag ang 8 letra na c, f, j, ñ, q, v, x, z

32 MAJOR 15 BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA


bilang akomodasyon sa mga tunog mula sa mga wika sa Pilipinas, Ingles at Kastila.

Ubod ng Konseptong Filipino

Ang pinakaubod ng konsepto ng Filipino bilang batay sa mga wika ng


Pilipinas ay ang pagiging pambansang lingua franca nito. Sa pakikipagkomunika ng
bawat Pilipino sa isa’t isa lalo na sa mga siyudad, gumagamit siya ng wikang alam din
ng kanyang kapwa Pilipino kahit pa mayroon silang katutubong wika gaya ng
Cebuano, Ilokano, Pampango, Tausug, Kalinga atbp. Ang wikang ito ang nagsisilbing
pangalawang wika at lingua franca sa bansa. Dahil dito hindi dapat asahan na aklat
ang gagamitin kundi libro o kaya’y buk (book), hindi silid-aralan kundi klasrum, hindi
pahayagan kundi dyaryo/peryodiko, hindi manananggol kundi abogado/lawyer.
Mahirap na ring gamiting argumento ang sabihing mayroon naman tayo, bakit
manghihiram pa? Kailangang tiyakin kung sino ang tayo roon, ang mga Tagalog lang
ba o ang karamihan ng mga Pilipino?
Dahil nga lingua franca at pangalawang wika, nabubuo ang mga barayti nito
dahil sa interference o paghalo ng mga unang wika ng mga tagapagsalita. Kaya kung
gagamitin ang Filipino ng isang Cebuano, hindi maiiwasan ang ganito: Nagbasa ako
ng libro. (Bumasa ako ng libro). Bago ang 1973, mali ang nabanggit na pangungusap
dahil batayan nga ang Tagalog. Subalit ngayon itinuturing ito na barayting Cebuano
ng Filipino.
Ang pagbabago ng atityud sa Filipino o pagtawag dito ng Tagalog ay hindi
basta mawawala. Subalit darating din ang panahon lalo na kapag mismong ang mga
di-Tagalog ay mawala ang inhibisyong gumamit dito para magbahagi sila ng mga
salitang magiging bahagi ng wikang pambansa. Kapag nangyari ito ay malilimutan na
sigurong tawaging Tagalog ang Wikang Pambansa ng Pilipinas.

33 MAJOR 15 BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA


Gawain/Pagsasanay

Pagsasanay 1

Pangalan: ______________________ Petsa: _________________


Kurso/Pangkat: _________________ Marka: ________________

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Isulat ang sagot sa patlang
bago dumating ang bilang. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

_____________1. Siya ang “Ama ng Wikang Pambansa” ng Pilipinas.

_____________2. Batas na kung saan ipinatupad ang panuntunan ng patakarang


Edukasyong Bilingguwal sa bansa.

_____________3. Batas na kung saan ipinatupad ang “Institutionalized Mother


Tongue Based Multilingual Education” (MTB – MLE).

______________4. Batas na kung saan ang naging Wikang Pambansa ng Pilipinas ay


Filipino.

______________5. Batas na kung saan sa kurikulum na ito ang wikang Pambansa ay


binibigyan ng pang-araw-araw na pagkaklase, 15 minuto sa primarya at 30 minuto sa
intermedya.

______________6. Teorya na kung saan nakatuon dito ang puwersang pisikal ng tao.

______________7. Teorya na kung saan nakabubulalas ng tunog o salita sa


pamamagitan ng ritwal at dasal.

______________8. Batas na kung saan ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay


Pilipino.

______________9. Teorya na kung saan ang tao ay nakabubulalas ng tunog sa


pamamagitan ng masidhing damdamin tulad ng galit, tuwa, lungkot, takot, at
pagkabigla.

______________10. Batas na kung saan ang naging Wikang Pambansa ng Pilipinas


ay Tagalog.

34 MAJOR 15 BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA


Pagtataya

Pagsasanay 2

Pangalan: ______________________ Petsa: _________________


Kurso/Pangkat: _________________ Marka: ______________

Panuto: Ipaliwanag ang mga sumusunod. Isulat ito sa sagutang papel. (10 puntos
bawat bilang).

1. Ipaliwanag ang pagkakaiba ng Tagalog, Pilipino, Filipino.

2. Ipaliwanag ng komprehensibo ang Unibersal na Nukleyus ng Wikang Filipino.

3. Ipaliwanag ang Pinagmulan ng wika sa Pilipinas.

Rubriks sa Pagmamarka

Pamantayan Napakahusay Katamtaman Di-gaanong Mahusay


(10) (5) (1)
Sistematiko at Napakalinaw at Hindi gaanong Mahirap maintindihan
malinaw na si s t em at i ko a n g malinaw at maayos ang ipinahahayag na
pagkalahad ng p a g l a h a d ng ang pagkalahad ng detalye
detalye detalye
detalye.

Kalinisan at Napakalinis at Maayos subalit Magulo ang paraan ng


kaayusan sa napakaayos ang hindi gaanong pagkakasulat, hindi
pagsulat. pagkakasulat, malinis ang nasunod ang pagsulat
walang mali sa pagkakasulat, may ng tamang talata.
(wastong
ispeling, at tama mali sa ispeling at
pagsulat ng ang paggamit ng maling paggamit
talata, ispeling, bantas. ng bantas.
paggamit ng
bantas)

35 MAJOR 15 BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA


Takdang-Aralin

36 MAJOR 15 BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA


Mga Sanggunian
Aklat

Badayos, Paquito et. al. (2007). Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Mutya


Publishing House: Malabon City

Castillo, Mary Joy A. et. al. (2008). Komunikasyon sa Akademikong Filipino.


Booklore Publishing Corporation. Manila

Garcia, Lakandupil C. et. al. (2010). Tinig: Komunikasyon sa Akademikong Filipino.


Malabon City: Jimczyville Publications.

Komisyon sa Wikang Filipino (2001). Dokumentasyon ng mga Batas Pangwika,


Komisyon sa Wikang Filipino at Iba pang Kaugnay na Batas: 1935-2000. Maynila.

Peregrino, J. et. al. (2002). Minanga: Mga Babasahin sa Varayti at Varyasyon ng


Wikang Filipino. Quezon City: UP Sentro ng wikang Filipino.

Mga Onlayn na Sanggunian

https://journals.upd.edu.ph

file:///C:/Users/user/Downloads/4943-13322-1-PB.pdf

https://dokumen.tips/documents/barayti-ng-wika-5652f6fa5ccd1.html

https://philnews.ph/2019/07/17/barayti-ng-wika-uri-halimbawa/

https://www.academia.edu/34093314/Ang_Pag_Aaral_ng_Varayti_at_Varyasyon_ng
_Wika_Hanguang_Balon_sa_Pagtuturo_at_Pananaliksik

https://prezi.com/0wwovvq69ing/wika-at-kasarian/

https://www.academia.edu/37037043/MGA_VARAYTI_AT_VARYASYON_NG_W
IKA_Heyografikal_Sosyal_at_Okufasyunal

https://www.coursehero.com/file/48227443/aralin-2-26pptx/

37 MAJOR 15 BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA


Barayti at Baryasyon ng Wika

Kabanata 3

Ang Dimensyon ng Wika

38 MAJOR 15 BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA


Kabanata 3
Ang Dimensyon ng Wika

Panimula

Makatutulong ang modyul na ito upang higit na mapahalagahan ng mga mag-aaral


ang pagtalakay at pag-aaral ng mga Dimensyon ng Wika. Lalo na sa panahon ngayon
nahaharap sa isang malaking hamon ang araling Filipino sa larangan ng ating
edukasyon. Sa pagbabago ng kurikulum nagdisenyo ang Komisyon sa Lalong Mataas
na Edukasyon upang tugunan ang pangangailangan na mapataas ang kompitensi ng
mga mag-aaral sa kolehiyo. Sadyang ginawa ang modyul na ito upang tugunan ang
pangangailangan sa naganap na pagbabago sa kurikulum sa kolehiyo. Ipinapakita rito
ang iba’t ibang pagtalakay sa mga Dimensyon ng Wika. Bahagi ng talakay ang
Dimensyong Heograpiko/Heograpikal at Dimensyong Sosyal.

Tiyak na layunin
Sa pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Malaman ang nilalaman ng Dimensyong Heograpiko/Heograpikal at ang


Dimensyong Sosyal.

Oras o Haba ng Pagtalakay


Paksa: Ang Dimensyon ng Wika = 5 na oras

39 MAJOR 15 BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA


Pagtalakay sa Paksa

KABANATA III: ANG DIMENSYON NG WIKA

I. Dimensyong Heograpiko

Dayalek ang barayti ng wikang nalilikha ng Dimensyong Heograpiko.


Tinatawag din itong wikain sa ibang aklat. Ito ang wikang ginagamit sa isang
partikular na rehiyon, lalawigan o pook, malaki man o maliit.
Ayon sa pag¬aaral ni Ernesto Constantino, mayroong higit sa apat na raan
(400) ang dayalek na ginagamit sa kapuluan ng ating bansa. Sa Luzon, ilan sa mga
halimbawa nito ay ang Ibanag ng Isabela at Cagayan, Ilocano ng llocos, Pampango ng
Pampanga, Pangasinan ng Pangasinan at Bicolano ng Kabikulan. Sa Visayas ay
mababanggit ang Aklanon ng Aldan, Kiniray-a ng Iloilo, Antique at Kanlurang Panay,
Capiznon ng Hilaga-Silangang Panay at ang Cebuano ng Negros, Cebu, Bohol at iba
pa. Samantala, ilan sa mga dayalek sa Mindanao ay ang Surigaonon ng Surigao,
Tausug ng Jolo at Sulu, Chavacano ng Zamboanga, Davaoeño ng Davao at T’boli ng
Cotabato.
Ang mga dayalek ay makikilala hindi lamang sa pagkakaroon nito ng set ng
mga distinct na bokabularyo kundi maging sa punto o tono at sa istraktura ng
pangungusap. Pansinin na lamang natin ang pananagalog ng mga naninirahan sa iba’t
ibang lugar na gumagamit ng isang wika. Iba ang pananagalog ng taal na taga-
Maynila sa taga-Batangas, taga-Bulacan at taga-Rizal.
Katulad ng sa Tagalog, may barayti rin ang Ifugao ng Amganad, Batad at
Kianan; ang Subanon ng Tuboy-Salog, Siocon, Lapuyan at Sindangan; ang Blaan ng
Koronadal at Sarangani; at marami pang ibang dayalekto.

II. Dimensyong Sosyal

Sosyolek naman ang tawag sa barayting nabubuo batay sa Dimensyong


Sosyal. Tinatawag din itong sosyal na barayti ng wika dahil nakabatay ito sa mga
pangkat panlipunan. Halimbawa nito ay ang wika ng mga estudyante, wika ng
matatanda, wika ng kababaihan, wika ng mga preso, wika ng mga bakla at ng iba
pang pangkat. Makikilala ang iba’t ibang barayti nito sa pagkakaroon ng kakaibang
rehistro na tangi sa pangkat na gumagamit ng wika. Pansinin kung paanong
inilalantad ng rehistro ng mga sumusunod na pahayag ang pinagmulan ng mga ito:

a. Wiz ko feel ang mga hombre ditech, day!


b. Wow pare, ang tindi ng tama ko! Heaven!
c. Kosa, pupuga na tayo mamaya.
d. Girl, bukas na lang tayo maglayb . Mag-malling muna tayo ngayon.
e. Pare, punta tayo mamaya sa Mega. Me jamming dun, e.

40 MAJOR 15 BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA


Ang sosyolek ay maaari ring may okupasyunal na rehistro. Pansinin ang mga
sumusunod na termino. Kung maririnig mo ang mga ito sa isang taong hindi mo kilala,
ano ang agad mong iisiping trabaho niya?

hearing, exhibit, court,


pleading, fiscal, justice,
settlement, appeal, complainant

Ang mga salitang nakatala sa itaas ay mga legal jargon. Ang jargon ang mga tanging
bokabularyo ng isang partikular na pangkat ng gawain.
Ang mga sumusunod naman ay mga jargon sa disiplinang Accountancy at iba pang
kaugnay na disiplina:

account, balance, net income,


debit, revenue, asset,
credit, gross income, cash flow

Sa disiplinang Medisina at Nursing naman ay gamitin ang mga sumusunod:

diagnosis, therapy, prognosis,


symptom, emergency, patient
check up, ward, x-ray

Kung minsan, ang mga jargon ng isang larangan ay may kakaibang kahulugan sa
karaniwan o sa ibang larangan. Pansinin ang mga sumusunod na salitang gamitin sa
isports na tennis at kung paano naiiba ang kahulugan ng mga ito sa karaniwan:

ace, fault, love,


breakpoint, deuce, rally,
slice, advantage, service

Pansinin naman na ang mga sumusunod na terminolohiya ay may magkaibang


kahulugan o rehistro sa larangang nasa boob ng panaklong:

mouse (Computer, Zoology)


stress (Language, Psychology)
strike (Sports, Labor Law)
hardware (Business, Computer)
race (Sports, Sociology)
nursery (Agriculture, Education)
operation (Medicine, Military)
note (Music, Banking)
accent (Language, Interior Design)
server (Computer, Restaurant Management)

41 MAJOR 15 BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA


Barayti at Baryasyon ng Wika

Kabanata 4

Rehistro at Barayti ng Wika

42 MAJOR 15 BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA


Kabanata 4
Rehistro at Barayti ng Wika

Panimula

Makatutulong ang modyul na ito upang higit na mapahalagahan ng mga mag-aaral


ang pagtalakay at pag-aaral ng mga Rehistro at Barayti ng Wika. Lalo na sa panahon
ngayon nahaharap sa isang malaking hamon ang araling Filipino sa larangan ng ating
edukasyon. Sa pagbabago ng kurikulum nagdisenyo ang Komisyon sa Lalong Mataas
na Edukasyon upang tugunan ang pangangailangan na mapataas ang kompitensi ng
mga mag-aaral sa kolehiyo. Sadyang ginawa ang modyul na ito upang tugunan ang
pangangailangan sa naganap na pagbabago sa kurikulum sa kolehiyo. Ipinapakita rito
ang iba’t ibang pagtalakay sa mga Rehistro at Barayti ng wika. Bahagi ng talakay ang
Ekolek, Dayalek/Dialect, Etnolek, Idyolek, Pidgin at Creole, Rehistro at Sosyolek.
Ang mga mag-aaral ay kinakailangang magsagot ng mga pagtatasa na nakapaloob sa
modyul na ito.

Tiyak na layunin
Sa pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Maisa-isa ang mga Rehistro at Barayti ng Wika sa Pilipinas.

Oras o Haba ng Pagtalakay


Paksa: Rehistro at Barayti ng Wika = 5 na oras

43 MAJOR 15 BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA


Pagtalakay sa Paksa

KABANATA IV: REHISTRO AT BARAYTI NG WIKA

I. Dayalek/Dialect

tinatawag din itong wikain ng iba. Ito ang baryasyon ng wika na ginagamit sa
loob ng isang partikular na lugar o teritoryo ng isang pangkat ng tao.

II. Ekolek

Ito ay kadalasang ginagamit sa ating tahanan. Ito ay kadalasang nagmumula sa


mga bibig ng mga bata at matatanda.
Halimbawa:

Palikuran – banyo/kubeta
Papa – ama/tatay
Mama – ina/nanay

III. Etnolek
Ginagamit ito mula sa wika/salita ng mga etnolingguwistikong pangkat.
Nagkaroon ng iba’t ibang etnolek dahil sa maraming mga pangkat etniko sa
bansa.
Halimbawa:

Palangga – sinisinta, minamahal


Kalipay – saya, tuwa, kasiya
Bulanim – pagkahugis ng buo ng buwan

IV. Idyolek

Ito ay wikang indibiduwal, Sa madaling sabi, kahit pa sosyal ang pangunahing


tungkulin ng wika, ang indibidwal na katangian ng bawat tao ay
nakaiimpluwensya pa rin sa paggamit ng wika. Ito ang nagpapaiba sa isang
indibidwal sa iba pang indibidwal. Bawat isa kasi ay may kani-kaniyang
paraan ng paggamit ng wika. Tinatawag itong idyolek. Pansinin kung paano
nagkakaiba-iba ang idyolek ng mga sumusunod na brodkaster kahit pa silang
lahat ay gumagamit ng isang wika, nabibilang sa isang larangan at naninirahan
marahil lahat sa Metro Manila: a. Mike Enriquez. b. Noli de Castro, c. Mon
Tulfo,
d. Rey Langit at e. Gus Abelgas. Gayahin ang paraan ng pagsasalita ng bawat
isa. Iba-iba, hindi ba?
Prominente rin ang idyolek ng mga sumusunod na personalidad kung kaya
madalas silang gayahin ng mga impersonators: a. Kris Aquino, b. Gloria
Macapagal-Arroyo, c. Mel Tiangco d. Anabelle Rama, e. Ruffa Mae Quinto
at f. Mirriam Defensor-Santiago.
44 MAJOR 15 BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA
V. Pidgin at Creole

May iba pang barayti ng wika na tinatawag na pidgin at creole. Ang pidgin ay
tinatawag sa Ingles na “nobody’s native language”. Nagkakaroon nito kapag
ang dalawang taal na tagapagsalita ng dalawang magkaibang wika na walang
komong wika ay nagtatangkang magkaroon ng kumbersasyong makeshift.
Madalas, ang leksikon ng kanilang usapan ay hango sa isang wika at ang
istraktura naman ay mula sa isa pang wika. Madalas na bunga ng kolonisasyon
ang barayting ito ng wika. Pansinin ang pananagalog ng mga Intsik sa
Binondo. Ang salitang gamit nila ay Tagalog ngunit ang istraktura ng kanilang
pangungusap ay hango sa kanilang unang wika. Ganito ang madalas na
maririnig sa kanila:

Halimbawa:

Suki, ikaw bili tinda, mura.


Hindi ikaw galing kanta.
Ako punta banyo.

Ang creole naman ay isang wika na unang naging pidgin at kalaunan ay


naging likas na wika (nativized). Nagkaroon nito sapagkat may komunidad ng
mga tagapagsalita ang nag-angkin dito bilang kanilang unang wika.
Pinakamahusay na halimbawa nito ang Chavacano na hindi masasabing
purong Kastila dahil sa impluwensya ng ating katutubong wika sa istraktura
nito. Creole din ang tawag sa wika ng mga taga-Mauritius na magkahalong
Pranses at kanilang unang wika.

VI. Rehistro

Ito ay espesyalisadong ginagamit sa isang particular na pangkat o domain.


May tatlong uri nito:
a. Larangan – naaayon ito sa larangan ng taong gumagamit nito.
b. Modo – paano isinasagawa ang uri ng komunikasyon?
c. Tenor – ayon sa relasyon ng mga nag-uusap.
Halimbawa:

Jejemon
Binaliktad
Pinaikli sa Teks

VII. Sosyolek

Baryasyon ng wika batay sa katayuan sa lipunan ng nagsasalita o sa pangkat


na kanyang kinabibilangan. May kinalaman sa katayuang sosyo-ekonomiko ng
nagsasalita. Ang esensya nito ay “Panlipunan” sapagkat patuloy itong
dumadaloy sa diskursong panlipunan ng mga grupo ng tao.

45 MAJOR 15 BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA


Halimbawa:
Wika ng mag-aaral
Wika ng matanda
Wika ng mga bakla

46 MAJOR 15 BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA


Gawain/Pagsasanay

Pagsasanay 1

Pangalan: ____________________ Kurso: _____________Marka:_________

Panuto: Ibigay ang katuturan ng mga sumusunod. Isulat ito sa sagutang papel.
(10 puntos bawat bilang).

1. Pidgin at Creole –

2. Sosyolek –

3. Dimensyong Sosyal –

4. Dimensyong Heograpiko –

5. Dayalek/Dialect –

6. Ekolek –

7. Etnolek –

8. Jargon –

9. Idyolek –

10. Rehistro –

47 MAJOR 15 BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA


Rubriks sa Pagbibigay Puntos:
Pamantayan Napakahusay Mahusay Di-gaanong Di-Mahusay Marka
(5) (4-3) Mahusay (1)
(2)

Nilalaman Natumbok at Nailahad ng Hindi Hindi


nailahad nang malinaw ang masyadong nailahad
malinaw ang karamihan sa nailahad ng nang malinaw
mga mga malinaw ang ang mga
pangunahing pangunahing karamihan sa pangunahing
ideya. ideya. mga ideya.
pangunahing
ideya.
Konstruksiyon Walang mali May ilang Marami- Napakaraming
ng sa mali sa raming mali mali sa
Pangungusap konstruksiyon konstruksiyon sa konstruksiyon
at Gramatika ng ng mga konstruksiyon ng
mga pangungusap ng mga mga
pangungusap at sa pangungusap pangungusap
at gramatika. at gramatika at
sa gramatika sa gramatika.
sa
wikang
Filipino.

48 MAJOR 15 BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA


Pagtataya

49 MAJOR 15 BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA


Takdang Aralin

50 MAJOR 15 BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA


Mga Sanggunian
Aklat

Badayos, Paquito et. al. (2007). Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Mutya


Publishing House: Malabon City

Castillo, Mary Joy A. et. al. (2008). Komunikasyon sa Akademikong Filipino.


Booklore Publishing Corporation. Manila

Garcia, Lakandupil C. et. al. (2010). Tinig: Komunikasyon sa Akademikong Filipino.


Malabon City: Jimczyville Publications.

Komisyon sa Wikang Filipino (2001). Dokumentasyon ng mga Batas Pangwika,


Komisyon sa Wikang Filipino at Iba pang Kaugnay na Batas: 1935-2000. Maynila.

Peregrino, J. et. al. (2002). Minanga: Mga Babasahin sa Varayti at Varyasyon ng


Wikang Filipino. Quezon City: UP Sentro ng wikang Filipino.

Mga Onlayn na Sanggunian

https://journals.upd.edu.ph

file:///C:/Users/user/Downloads/4943-13322-1-PB.pdf

https://dokumen.tips/documents/barayti-ng-wika-5652f6fa5ccd1.html

https://philnews.ph/2019/07/17/barayti-ng-wika-uri-halimbawa/

https://www.academia.edu/34093314/Ang_Pag_Aaral_ng_Varayti_at_Varyasyon_ng
_Wika_Hanguang_Balon_sa_Pagtuturo_at_Pananaliksik

https://prezi.com/0wwovvq69ing/wika-at-kasarian/

https://www.academia.edu/37037043/MGA_VARAYTI_AT_VARYASYON_NG_W
IKA_Heyografikal_Sosyal_at_Okufasyunal

https://www.coursehero.com/file/48227443/aralin-2-26pptx/

51 MAJOR 15 BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA


Barayti at Baryasyon ng Wika

Kabanata 5

Mga Teorya at Pananaw sa


Barayti ng Wika

52 MAJOR 15 BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA


Kabanata 5
Mga Teorya at Pananaw sa Barayti ng Wika

Panimula
Ang Teorya at pananaw sa Barayti ng wika ay isang mahalagang kasangkapan sa
paghubog sa mga mag-aaral sa pag-alam sa mga pangunahing mga teorya na kung
saan kinasasangkutan ng mga barayti ng wika. Sadyang ginawa ang modyul na ito
upang tugunan ang pangangailangan sa naganap na pagbabago sa kurikulum sa
kolehiyo. Ipinapakita rito ang iba’t ibang pagtalakay sa mga teorya at pananaw sa mga
barayti ng wika. Bahagi ng talakay ang Sosyolingguwistikong Teorya at Teoryang
Akomodasyon. Ang mga mag-aaral ay kinakailangang magsagot ng mga pagtatasa na
nakapaloob sa modyul na ito.

Tiyak na Layunin

Pagkatapos ng aralin na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Maipaliwanag ang mga teorya at pananaw sa barayti ng wika ng bansa.


2. Matukoy ang kahulugan ng Sosyolingguwistikong Teorya at Teoryang
Akomodasyon.

Oras o Haba ng Pagtalakay

Paksa: Teorya at Pananaw sa Barayti ng wika = 9 na oras

53 MAJOR 15 BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA


Pagtalakay sa Paksa

KABANATA V: MGA TEORYA AT PANANAW SA BARAYTI NG WIKA

A. Sosyolingguwistikong Teorya

Nangunguna sa mga teoryang ito ang Sosyolinggwistikong Teorya na batay


sa palagay na ang wika ay panlipunan at pang-indibidwal ang speech
(langue). Ayon kay Sapir (1949), ang wika ay isang kasangkapan ng
sosyalisasyon, na hindi matutupad ang mga relasyong sosyal kung wala ito.
Para naman kay Saussure (1915), hindi kumpleto ang wika sa sinumang
indibidwal o nagsasalita, nagagawa lamang ito sa loob ng isang kolektibo o
pangkat. Gayundin makikita ang paghahalo ng mga varayti ng wika, dayalekto
at register sa dalawang paraan: a) code switching o palit koda at b)
panghihiram. Sa palit koda gumagamit ang isang nagsasalita ng iba’t ibang
varayti ayon sa sitwasyon o okasyon. Mababanggit ang mga usapan ng mga
kabataan ngayon na nag-aaral sa mga kolehiyo: “O, how sungit naman our
teacher in Filipino.” “Hoy, na-gets mo ba sabi ko sa text ko?” “It’s so hard
naman to make pila-pila here.” Ito ang tinatawag na conversational code
switching kung saan ang nagsasalita ay gumagamit ng ibang varayti o code sa
iisang pangungusap. Dito naghahalo ang Ingles at Filipino. Mayroon ding
palit-koda na sitwasyonal o depende ang pagbabago ng code sa pagbabago ng
sitwasyon na kinalalagyan ng tagapagsalita. Isang magandang halimbawa nito
ang pagbabago ng code ng konduktor ng bus patungong Baguio mula sa
pakikipag-usap niya sa mga pasahero na nagmula sa Metro Manila, Pampanga,
Pangasinan, Tarlac at sa mga pasaherong galing Ilokos. Ginagamit niya ang
mga wika ng taong galing sa lugar na sumakay sa bus. Isa pang paraan na
pinaghahalo-halo ang mga varayti ang panghihiram. Sa paraang ito,
hinihiram ang isang salita o higit pa mula sa isang varayti tungo sa isa pang
varayti dahil walang katumbas ang mga ito sa varayting ginagamit ng
nagsasalita. Tinatawag itong lexical borrowing. Maihahalimbawa ang
pangalan ng pagkain na narito ngayon sa bansa na may kulturang dala mula sa
pinagmulan nito (cultural color) tulad ng hamburger, pizza, taco, french
fries; mga salitang dala ng pagbabago sa teknolohiya tulad ng CD,
computer, diskette, fax, internet, e-mail at iba pa. Kaugnay pa rin ng
sosyolinggwistikong teorya ang ideya ng pagiging heterogeneous ng wika o
ang pagkakaroon ng iba’t ibang anyo, mapalinggwistika, mapa-okupasyunal o
mapasosyal man ang anyong ito. Nadadagdag pa sa pagkakaiba-iba ng anyo
54 MAJOR 15 BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA
ng wika ang lokasyong heograpiko, pandarayuhan, sosyo-ekonomiko, political
at edukasyonal na katangian ng isang partikular na lugar o komunidad na
gumagamit ng naturang wika. Ito ang nagbubunsod sa pagkakaroon ng mga
varayti ng wika tulad ng pagkakaroon ng Tagalog Filipino, Ilokano Filipino,
Ilonggo Filipino, Singapore English, Filipino English at iba pa. Tinatawag
itong linggwistikong varayti ng wika. Mayroon ding varayti na ayon sa
register o sosyal na kalagayan tulad ng Filipino ng mga nabibilang sa third
sex, Filipino ng mga taong may iba’t ibang trabaho tulad ng mangingisda,
magsasaka, mga taong-pabrika, maging ang mga taong may iba’t ibang
dibersyon tulad ng sugarol, sabungero, mga namamahala ng huweteng at
karera. Gayundin may Filipino ng mga kolehiyala, Filipino ng agham
panlipunan, matematika, kemistri, at siyensiya na mga varayting pang-
akademiko.

B. Teoryang Akomodasyon

Teoryang Akomodasyon (Accommodation Theory) ni Howard Giles (1982).


Kaugnay ito ng mga teorya sa pag-aaral / pagkatuto ng pangalawang wika sa
linguistic convergence at linguistic divergence. Nakapokus ito sa mga taong
kasangkot sa sitwasyong pangwika. Sa linguistic convergence, ipinapakita na
sa interaksyon ng mga tao, nagkakaroon ng tendensiya na gumaya o bumagay
sa pagsasalita ng kausap para bigyang-halaga ang pakikiisa,
pakikipagpalagayang-loob, pakikisama o kaya’y pagmamalaki sa pagiging
kabilang sa grupo. Sa kabilang dako, ang linguistic divergence naman kung
pilit na iniiba ang pagsasalita sa kausap para ipakita o ipahayag ang pagiging
iba at di-pakikiisa at pagkakaroon ng sariling identidad. Mahalaga ang
pananaw na ito sa pag-aaral ng varayti ng wikang Filipino laluna kaugnay ng
atityud sa paggamit ng inaakalang mas superior na varayti kompara sa mas
mababang varayti depende sa katayuan ng kanilang unang wika sa lipunan.

Bahagi rin ng Teoryang Akomodasyon ang tinatawag na interference


phenomenon at interlanguage na nakapokus sa mga wikang kasangkot.
Ipinapakita ang pagkakaroon ng interference sa pagbuo ng mga varayti ng
Filipino. Makikita ang impluwensya ng unang wika sa pagsasalita ng Filipino
ng mga kababayan natin sa iba’t ibang rehiyon. Tulad halimbawa ng Cebuano-
Filipino na kapapansinan ng di-paggamit ng reduplikasyon o pag-uulit ng
pantig sa salita. (Halimbawa: Magaling ako sa pagturo ng Filipino.)
Maibibigay ring halimbawa ang paggamit ng panlaping mag- kahit na
dapat gamitin ng um- sa dahilang walang um- na panlapi sa Sebwano.
Halimbawa: ‘Magkain na tayo’ sa halip na ‘Kumain na tayo’. Ang
interlanguage naman ang tinatawag na grammar o istruktura (mental
grammar) ng wika na nabubuo o nakikintal sa isip ng tao sa proseso ng
pagkatuto niya ng pangalawang wika. Sa kalagayang ito nagkakaroon ng
pagbabago sa grammar sa pamamagitan ng pagdaragdag, pagbabawas o
pagbabago ng mga tuntunin sa wika. Halimbawa nito ang paglalagay natin ng
mga panlapi sa mga salitang Ingles kahit na ito ay wala sa diksyunaryong

55 MAJOR 15 BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA


Ingles sa ating pang-araw-araw na interaksyon tulad ng presidentiable,
boarder, bed spacer, malling. Gayundin naririnig na ng mga salitang “Turong-
turo na ako, Sayaw na sayaw na ako” na dati ay hindi tinatanggap bilang
pang-uri.
Kabanata 6
Baryasyon ng Wika

Panimula
Ang Baryasyon ng Wika ay isang mahalagang kasangkapan sa paghubog sa mga
mag-aaral sa pag-alam sa mga pangunahing wika at pangkat na kinasasangkutan
ng bansa. Sadyang ginawa ang modyul na ito upang tugunan ang pangangailangan
sa naganap na pagbabago sa kurikulum sa kolehiyo. Ipinapakita rito ang iba’t
ibang pagtalakay sa mga Baryasyon ng Wika. Bahagi ng talakay ang Wika at
Etnikong Pangkat, Wika at Kasarian, Wika at Panlipunang Pangkat, Wika, Kultura,
at Pangkatang Pilipino. Ang mga mag-aaral ay kinakailangang magsagot ng mga
pagtatasa na nakapaloob sa modyul na ito.

Tiyak na Layunin

Pagkatapos ng aralin na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Matalakay ang mga baryasyon ng wika sa bawat pangkat: Etniko, Kasarian,


Panlipunan at Kultura.
2. Malaman ang kahalagahan at kabuluhan ng pagbubuklod ng wika sa bawat
pangkat: Etniko, Kasarian, Panlipunan, at Kultura.

Oras o Haba ng Pagtalakay

Paksa: Baryasyon ng Wika = 10 na oras

56 MAJOR 15 BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA


Pagtalakay sa Paksa

KABANATA VI. BARYASYON NG WIKA

I. Wika at Etnikong Pangkat

Ang etnisidad ay ang pagkakaroon ng identidad sa pagiging kasapi sa isang


partikular na lahi o kultural na pangkat.
Ang gawi o kilos, paniniwala, wika o dayalekto ang nagiging batayan kung
anong pangkat o grupo sila nabibilang o kasapi.
May pagkakaiba sa pagsasalita ng wikang Ingles ang mga puti at Negrong
Amerikano. Madaling tukuyin kung ang mga tao ay nabibilang sa isa sa mga
pangkat etniko sa pamamagitan lamang ng kanilang wika. Ito ay nagsasaad na
ang “black speech” at “white speech” ay tunay na may pagkakaiba sa
Amerika. Ang pagsasalita ng isang tao halimbawa ng white o black English ay
resulta ng learned behavior, hindi nagsasalita ang mga tao dahil sila ay puti o
itim natatamo o nakukuha ng mga mananalita ang mga katangiang
panglingguwistika ng mga taong malimit nilang nakakasalamuha sa araw-araw.
Ang bawat tao ay maaaring matuto ng kahit na anong wika ng tao. Hindi
masasabing may pagkakaugnay ang wika at lahi, magkagayunpaman,
nananatili pa rin ang katotohanan na…, ang wika ay maaaring maging isang
mahalagang tagapag-ugnay ng pagiging miyembro ng pangkat etniko. Ito ay
isang panlipunan at pangkalinangang (kultural) katotohanan.

57 MAJOR 15 BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA


Sa kaso ng pagkakaiba-iba ng Barayti ng isang wika, ang mga katangiang
panglingguwistika ay maaaring ang pinaka-pamantayan na tumutukoy para sa
pagiging kasapi ng pangkat etniko.
Ang pagkakaiba-iba ng mga etnikong pangkat sa isang halong komunidad ay
isang partikular na uri ng mga “social differentiation”, at dahil dito, ay
madalas na may pagkakaibang panglingguwistika na nauugnay dito. Ang wika
bilang katangiang tumutukoy sa pagiging kasapi ng pangkat etniko. Sa
maraming pagkakataon, natutukoy ng isang indibiduwal kung saan partikular
na pangkat etniko siya nabibilang sa pamamagitan ng kanyang unang wika.

Halimbawa:

Sa bansang Africa – multilingual, may apat na pangunahing wika


(Twi, Hausa, Ewe, at Kru), na katulad din dito sa Pilipinas na
multilingual din ang wika.
Sa bansang Canada – may dalawang pangunahing pangkat etniko na
makikilala sa pamamagitan ng kung sino ang taal na mananalita ng
Ingles at Pranses.

II. Wika at Kasarian

Batay sa pananaliksik sa lingguwistika, nagkakaiba ang pananalita ng mga


lalaki at babae sa lipunan. Bakit kaya nagkakaiba ng pananalita ang mga lalaki
at babae?

Sex – salitang ginagamit na nagsasaad at naglalarawan ng pisikal na tipo ng


isang tao ayon sa biyolohikal na pananaw. (Reproductive Organs).

Gender – salitang ginagamit para sa sosyal at kultural na konstruksyon ng


kasarian ng isang tao. Ito ang mas angkop para tukuyin ang mga tao ayon sa
kanilang sosyo-kultural na gawi, kasama na ang pananalita. (Holmes – page
157).

58 MAJOR 15 BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA


Ayon naman kay Deborah Tannen isang Propesor ng lingguwistika sa
Georgetown University, may-akda ng maraming libro at artikulo tungkol sa
wika at epekto ng pangkaraniwang pakikipag-usap sa relasyon ng mga tao,
sinabi niya na, ang mga lalaki at babae ay pinalaki sa magkaibang kultura kaya
kapag sila ay nag-uusap nagkakaroon ng “cross cultural communication”.
Dahil dito, nagkakaroon ng di pagkakaunawaan sa pagitan ng lalaki at babae.
Ang magkaibang paraan ng pag-uusap ng lalaki at babae ay tinatawag na
“genderlect”.
Ang “Genderlect Theory” na ito ay tungkol sa kaibahan sa
pakikipagtalastasan ng lalaki at babae at kung ano ang maaaring gawin para sa
ugnayan ng dalawang estilo.
Ayon kay Deborah Tannen pa rin, may anim na kategorya na nagpapakita ng
pagkakaiba ng paggamit ng wika ng babae at lalaki sa kanilang
pakikipagkomunikasyon:
a. Status Vs. Support
b. Advice Vs. Understanding
c. Information Vs. Relationship
d. Orders Vs. Proposals
e. Conflict Vs. Compromise
f. Independence Vs. Intimacy

Status Vs. Support

Lalaki (Status) Babae (Support)


Ang mga lalaki ay nabubuhay sa Ang mga babae naman ay nakikipag-
mundo na kompetitibo ang pag- usap upang bumuo ng koneksyon at
uusap. Ang paraan nila ng pag-uusap makakuha ng suporta mula sa ibang
ay resulta ng kanilang kagustuhan sa tao.
dumomina sa iba hindi madomina ng
iba.

Independence Vs. Intimacy

59 MAJOR 15 BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA


Lalaki (Independence) Babae (Intimacy)
Ang lalaki ay nag-aalala sa pag-asa Ang mga babae naman ay karaniwang
sa iba dahil para sa kanila nagbibigay kahalagahan sa kalapitan
nakakababa ito ng katayuan sa at pagsuporta upang mapanatili ang
lipunan. “intimacy”.

Information Vs. Feelings

Lalaki (Information) Babae (Feelings)


Ang pakikipag-usap ng mga lalaki ay Habang ang mga babae ay nakikipag-
nakabatay sa pagbibigay ng usap upang maibahagi ang kanilang
impormasyon at pagtanggap ng nararamdaman at damdamin. (Rapport
impormasyon. (Report Talk) Talk)

Advice Vs. Understanding

Lalaki (Advice) Babae (Understanding)


Para sa karamihan ng mga lalaki, ang Mas madalas naghahanap ang mga
isang reklamo o daing ay hamon babae ng emosyonal na suporta at
upang makahanap ng solusyon. simpatiya hindi solusyon.

Orders Vs. Proposals

Lalaki (Orders) Babae (Proposals)


Ang mga lalaki ay mas madalas Ang mga babae ay kadalasan
gumamit ng mga direktang pahiwatig nagpapahiwatig ng payo sa hindi
o mga utos. direktang paraan.

Conflict Vs. Compromise

Lalaki (Conflict) Babae (Compromise)


Kahit madalas na gusto ng lalaki na Sa pag-iwas sa di pagkakasunduan,
mas susunod sila, kapag nakita nilang ang ibang babae ay hindi harapang
desidido na ang kausap minsan ay tututol sa iba kahit na mas mabuti at
sasang-ayon na lamang sila upang mabisa para sa babae na ipaglaban ang
wala ng mabuong alitan. gusto niya.

III. Wika at Panlipunang Pangkat


60 MAJOR 15 BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA
Ito ay dibisyon o “order” ng lipunan sang-ayon sa isang istatus.
Kolektibong pangkat ng mga indibiduwal na may magkatulad na sosyal at/o
ekonomiko na mga katangian.
Sa pag-aaral ng mga dayalekto, ginagamit ang panlipunang pangkat upang
ilarawan ang grupo o pangkat ng mga mananalita na may pagkakatulad.
Ayon kay Trudgill: Social Class Dialects, mapapansin sa dalawang pangkat
ng mananalita na:

a. May gramatikal silang pagkakaiba na nagbibigay ng palatandaan


ukol sa kanilang sosyal na “background”.
b. Maaari ring ang pagkakaiba ay nasa ponetiko o ponolohikal na
pagkakaiba – “social class accents”.
c. Gumagamit ng iba’t ibang mga panglingguwistikang barayti ang
mga iba’t ibang pangkat panlipunan.

Ang lipunan ay malaking pangkat ng mga tao na may karaniwang set ng pag-
uugali, ideya, saloobin, at namumuhay sa isang tiyak na teritoryo o lugar at
itinuturing ang mga sarili bilang isang yunit.
Ang wika, pasalita man o pasulat, ang instrumentong ginagamit ng mga tao sa
loob ng lipunang ito upang makipag-ugnayan sa isa’t isa. (Sapi,1949).

Epekto ng Sosyal na Pagkakaiba-iba sa wika:

1. Heograpikal na Hangganan o “Geographical Boundaries” – kung gaano


kalayo ang heograpikal na distansya o layo ng dalawang dayalekto, ganoon
din ang hindi pagkakatulad ng mga ito sa lingguwistika.

2. Sosyal na mga hadlang o “Social Barriers” – ang paglaganap ng


katangiang panglingguwistika sa pamamagitan ng lipunan ay maaaring

61 MAJOR 15 BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA


mapigilan ng mga hadlang na ito tulad ng panlipunang pangkat, edad, lahi,
relihiyon, at iba pa.

3. Sosyal na Layo o “Social Distance” – ang epekto ay tulad din ng


heograpikal na salik, ang anumang inobasyong panglingguwistika na
nagsimula sa pangkat na nabibilang sa pinakamataas na istatus ay
makararating sa pinakamababang pangkat ngunit may katagalan.

“Social Stratification”

Tumutukoy sa anumang antas ng mga pangkat sa isang lipunan.


Nagbigay daan sa pagkakaroon ng tinatawag na “social class dialects”.
Mas madaling pag-aralan at ilarawan ang “caste” kaysa sa “social class
dialects”
Ang “Caste” – hango sa salitang “Casta” na nangangahulugang
“Angkan”.
Ang sistemang “Caste” ay isang uri ng “social stratification” na
ginamit ng mga Hindu sa pag-aayos ng kanilang sistemang panlipunan.
Ito ay karaniwang nadedetermina sa pagkapanganak pa lamang at ang
tanging paraan upang makalipat ka ng “Caste” ay ang mamatay at
maisilang muli.
Ayon kay Basil Bernstein, may dalawang Barayti ng Wika na ginagamit ng mga
tagapagsalita:
Elaborated Speech Codes
Restricted Speech Codes

Elaborated Speech Codes Restricted Speech Codes


1. Katangian ng pananalita ng 1. Katangian ng pananalita ng mga
mga nasa “middle class”. nasa “working class”.
2. Binubuo ng mga Kompleks na 2. May maikli at payak na
pangungusap. pangungusap.
3. Pinalawak ang bokabularyo. 3. Limitado ang bokabularyo.
4. Gumagamit ng unang 4. Sa wikang Ingles madalas
panauhan. ginagamit ang “you know” at iba pa.
5. Ginagamit sa pormal na mga 5. Ginagamit sa mga impormal na
debate o mga akademikong sitwasyon.
pagtalakay.

62 MAJOR 15 BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA


IV. Wika, Kultura at Pangkatang Pilipino

Wika
 Kasangkapan ng pakikipagtalastasan
 Tagapagdala ng mga ideya
 Iniimpluwensiyahan nito ang ugali ng tao, ang kanyang isip at
damdamin
 Instrumento sa paglikha ng makabuluhan at malikhaing pag-iisip
 Samakatuwid, upang magamit sa sukdulan ang wika, dapat itong
hawakan nang buong husay at angkining ganap.
Kultura
 Tumutukoy sa karunungan, sining, paniniwala, at kaugalian ng isang
pangkat ng mga taong nananahan sa isang pamayanan
 Batayan ng pag-iisip ng isang tao
 Nagbibigay impluwensiya o nagtatakda sa kung ano ang kanyang
iisipin at gagawin
Pangkatang Pilipino
 Pangkalahatang katangiang Pilipino
 Bunga ng karanasan at kaisipan na hinubog o hinulma ng panahon at
kasaysayan na masasalamin sa sariling kultura at wika

Sinabi ni Virgilio S. Almario, “Kung ano ang wika mo, iyon ang pagkatao
mo”.
 Kung ano ang sinasabi mo at wikang sinasalita mo ay ang uri ng
pagkatao na mayroon ka – ugali, paniniwala, at kultura o pamamaraan
ng buhay mo bilang isang tao.

Ang kultura ay binubuo ng mga ideolohiya o pangkalahatang pananaw ng mga


tao na nabibilang sa isang lipunan. Ang mga ideolohiyang ito gaya ng mga
ideya, pananaw, paniniwala, pagpapahalaga ang siyang patnubay ng mga tao
sa pagsasagawa nila ng kanilang nakasanayang mga gawain tulad ng mga
ritwal, sa pagdiriwang ng kasalan, pagsilang, at paglilibing.

63 MAJOR 15 BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA


Ang kulturang ito ay hinubog mula sa isang henerasyon patungo sa susunod
pang salinlahi. Naisasalin ang kultura sa pamamagitan ng komunikasyon
gamit ang wika. Habang natututuhan ng isang bata ang kanyang nakagisnang
wika, unti-unti ri niyang nakukuha ang kanyang kultura (Rubrico, 2006).
Ang mga taong may sariling kultura ay lumilinang ng wikang angkop sa
kanilang pangangailangan. Sa wikang ito nasasalamin ang mga mithiin at
lunggatiin, pangarap, damdamin, kaisipan o saloobin, pilosopiya, kaalaman at
karunungan, moralidad, paniniwala at kaugalian ng mga mamamayan.

Nagkakatali-tali ang wika, pag-iisip, kultura at lipunan, kung kaya’t ang uri ng
pag-iisip at kaugalian ng mga mamamayan ay nalalantad sa ginagamit nilang
mga salita, mga kawikaan, at mga kasabihan. Higit sa lahat, ang katutubong
pag-iisip ng mga taong bayan ay siyang humuhulma hindi lamang sa kanilang
pilosopiya ng buhay o pandaigdigang pananaw, kundi pati na rin sa kanilang
pala-palagay, pagkukuro’t pagpapakahulugan tungkol sa mga pangyayari’t
mga katayuan sa santinakpan. Ang kaalaman natin sa iba’t ibang kultura ay
humubog sa atin upang luminang pa ang kaisipan at pag-unawa sa bawat
sambayanang Pilipino.

64 MAJOR 15 BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA


65 MAJOR 15 BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA
Gawain/Pagsasanay

Pagsasanay 1

Pangalan: ____________________ Kurso: _____________Marka: _________

Panuto: Ipaliwanag ang mga sumusunod. Isulat ito sa sagutang


papel. (10 puntos bawat bilang).

1. Ipaliwanag ang pagkakaiba ng paggamit ng wika ng babae at lalaki ayon kay


Deborah Tannen:

a. Status Vs. Suppor


b. Advice Vs. Understanding
c. Information Vs. Relationship
d. Orders Vs. Proposals
e. Conflict Vs. Compromise

Rubriks sa Pagbibigay Puntos:


Pamantayan Napakahusay Mahusay Di-gaanong Di-Mahusay Marka
(5) (4-3) Mahusay (1)
(2)

Nilalaman Natumbok at Nailahad ng Hindi Hindi


nailahad nang malinaw ang masyadong nailahad
malinaw ang karamihan sa nailahad ng nang malinaw
mga mga malinaw ang ang mga
pangunahing pangunahing karamihan sa pangunahing
ideya. ideya. mga ideya.
pangunahing
ideya.
Konstruksiyon Walang mali May ilang Marami- Napakaraming
ng sa mali sa raming mali mali sa
Pangungusap konstruksiyon konstruksiyon sa konstruksiyon
at Gramatika ng ng mga konstruksiyon ng
mga pangungusap ng mga mga
pangungusap at sa pangungusap pangungusap
at gramatika. at gramatika at
sa gramatika sa gramatika.
sa
wikang
Filipino.

66 MAJOR 15 BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA


67 MAJOR 15 BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA
Pagtataya

68 MAJOR 15 BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA


69 MAJOR 15 BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA
Takdang-Aralin

70 MAJOR 15 BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA


Mga Sanggunian
Aklat

Badayos, Paquito et. al. (2007). Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Mutya


Publishing House: Malabon City

Castillo, Mary Joy A. et. al. (2008). Komunikasyon sa Akademikong Filipino.


Booklore Publishing Corporation. Manila

Garcia, Lakandupil C. et. al. (2010). Tinig: Komunikasyon sa Akademikong Filipino.


Malabon City: Jimczyville Publications.

Komisyon sa Wikang Filipino (2001). Dokumentasyon ng mga Batas Pangwika,


Komisyon sa Wikang Filipino at Iba pang Kaugnay na Batas: 1935-2000. Maynila.

Peregrino, J. et. al. (2002). Minanga: Mga Babasahin sa Varayti at Varyasyon ng


Wikang Filipino. Quezon City: UP Sentro ng wikang Filipino.

Mga Onlayn na Sanggunian

https://journals.upd.edu.ph

file:///C:/Users/user/Downloads/4943-13322-1-PB.pdf

https://dokumen.tips/documents/barayti-ng-wika-5652f6fa5ccd1.html

https://philnews.ph/2019/07/17/barayti-ng-wika-uri-halimbawa/

https://www.academia.edu/34093314/Ang_Pag_Aaral_ng_Varayti_at_Varyasyon_ng
_Wika_Hanguang_Balon_sa_Pagtuturo_at_Pananaliksik

https://prezi.com/0wwovvq69ing/wika-at-kasarian/

https://www.academia.edu/37037043/MGA_VARAYTI_AT_VARYASYON_NG_W
IKA_Heyografikal_Sosyal_at_Okufasyunal

https://www.coursehero.com/file/48227443/aralin-2-26pptx/

71 MAJOR 15 BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA


Barayti at Baryasyon ng Wika

Kabanata 7

Komparatibong Sarbey sa
Barayti at Baryasyon ng Wika

72 MAJOR 15 BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA


Kabanata 7
Komparatibong Sarbey sa Barayti at Baryasyon ng Wika

Panimula
Ipinapakita rito ang iba’t ibang pagtalakay sa Komparatibong Sarbey sa Barayti at
Baryasyon ng Wika. Bahagi ng talakay ang Relasyunal, Sosyal, Antropolohikal, at
Okupasyunal ng Wika. Ang mga mag-aaral ay kinakailangang magsagot ng mga
pagtatasa na nakapaloob sa modyul na ito.

Tiyak na Layunin

Pagkatapos ng aralin na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Maipaliwanag ang mga komparitibong sarbey sa Barayti at baryasyon ng wika:


relasyunal, sosyal, antropolohokal, at okupasyunal.
2. Makagawa ng isang malikhaing presentasyon ng impormasyon na akda sa iba’t
ibang barayti ng wika.

Oras o Haba ng Pagtalakay

Paksa: Komparatibong Sarbey sa Barayti at Baryasyon ng wika = 7 na


oras

73 MAJOR 15 BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA


Pagtalakay sa Paksa

KABANATA VII. KOMPARATIBONG SARBEY SA BARAYTI AT


BARYASYON NG WIKA

I. Relasyunal

Di – berbal na pagpapahiwatig ng damdamin o pagtingin sa kausap.

II. Sosyal

Dito pumapasok ang epekto ng komunikasyon batay sa uri ng relasyon ng


dalawang nag-uusap o ng mga nag-uusap. Iba ang takbo ng usapan ng
magkakaibigan ng dati nang magkakakilala, ng magkakapatid, ng mag-ama o
mag-ina, ng mag-aaral sa kapwa mag-aaral o ng mag-aaral at guro. May mga
pangyayari sa isang grupo ng nag-uusap na sila lamang ang nagkakaintindihan.
Maaaring malapit sila sa isa’t isa at magkakapalagayang loob. Maaari nilang
sabihin ang mga salita na masakit para sa iba o kaya’y biruan na
pangkaraniwan sa kanila subalit hindi para sa iba. Naaapektuhan ang bunga ng
proseso ng komunikasyon batay sa uri ng relasyon ng mga kalahok sa
komunikasyon.
Nagkakaroon ng pagbabago sa pagpapahayag sa pamamagitan ng
kinasasangkutang lipunan, kultura, at itinatakdang mga isyu at usaping
nakabatay sa panahon.
Ito rin ay tumutukoy sa panlipunang baryasyon sa gamit ng wika.
Nagkakaroon ng pagkakaiba-iba ng wika ayon sa larangan sa lipunan:

 Wika at Relihiyon

- sinabi ni Joey M. Peregrino (2002) ang wika ng relihiyon ay isang


simbolikong wika sapagkat kinapapalooban ito ng mga talinghaga at
mga bagay na hindi basta makikita, mararanasan o mararamdaman.
Dagdag pa niya, simbolo ito ng pananampalataya.
 Wika at “Showbiz”
- ayon sa pag-aaral ni Laray C. Abello (2002) karamihan sa mga
salitang ginagamit sa showbiz ay galing sa mga salitang bakla. Hindi
na raw ito nakapagtataka dahil karamihan sa mga manunulat at
“manager” ay pawang mga bakla.

III. Okupasyunal

74 MAJOR 15 BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA


Nagkakaroon ng pagbabago sa pagpapahayag batay sa pangangailangan sa
larangan ng hanapbuhay.

IV. Antropolohikal

Bahagi ito ng larangan ng lingguwistika na may kinalaman sa lugar ng wika sa


mas malawak na konteksto ng lipunan at kultura nito, at ang papel nito sa
paggawa at pagpapanatili ng mga kultural na kasanayan at mga panlipunang
kaayusan.
Tinitingnan sa antropolohikal na lingguwistika ang wika sa pamamagitan ng
lenteng antropolohikal na konsepto upang makita ang kahulugan sa likod ng
paggamit, maling paggamit o hindi paggamit ng wika, ng iba’t ibang anyo nito,
mga rehistro at estilo nito.

Dalawang alalahanin ng Antropolohiya sa Wika:

 Upang panatilihin ang pag-aaral ng wika o lingguwistikang bahagi ng


disiplina ng antropolohiya.
 Upang palawakin ang konsepto ng wika na lampas sa makitid na
interes sa istrukturang panggramatika.

75 MAJOR 15 BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA


Gawain/Pagsasanay

Pagsasanay 1

Pangalan: ____________________ Kurso: _____________Marka:_________

Panuto: Ipaliwanag ang sumusunod: (10 puntos bawat bilang)

Panuto: Ipaliwanag ang Sosyal at Antropolohikal na Komparatibong Sarbey ng


Barayti at Baryasyon ng Wika.

Rubriks sa Pagbibigay Puntos:


Pamantayan Napakahusay Mahusay Di-gaanong Di-Mahusay Marka
(5) (4-3) Mahusay (1)
(2)

Nilalaman Natumbok at Nailahad ng Hindi Hindi


nailahad nang malinaw ang masyadong nailahad
malinaw ang karamihan sa nailahad ng nang malinaw
mga mga malinaw ang ang mga
pangunahing pangunahing karamihan sa pangunahing
ideya. ideya. mga ideya.
pangunahing
ideya.
Konstruksiyon Walang mali May ilang Marami- Napakaraming
ng sa mali sa raming mali mali sa
Pangungusap konstruksiyon konstruksiyon sa konstruksiyon
at Gramatika ng ng mga konstruksiyon ng
mga pangungusap ng mga mga
pangungusap at sa pangungusap pangungusap
at gramatika. at gramatika at
sa gramatika sa gramatika.
sa
wikang
Filipino.

76 MAJOR 15 BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA


77 MAJOR 15 BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA
Pagtataya

78 MAJOR 15 BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA


Takdang-Aralin

79 MAJOR 15 BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA


Mga Sanggunian

Aklat

Badayos, Paquito et. al. (2007). Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Mutya


Publishing House: Malabon City

Castillo, Mary Joy A. et. al. (2008). Komunikasyon sa Akademikong Filipino.


Booklore Publishing Corporation. Manila

Garcia, Lakandupil C. et. al. (2010). Tinig: Komunikasyon sa Akademikong Filipino.


Malabon City: Jimczyville Publications.

Komisyon sa Wikang Filipino (2001). Dokumentasyon ng mga Batas Pangwika,


Komisyon sa Wikang Filipino at Iba pang Kaugnay na Batas: 1935-2000. Maynila.

Peregrino, J. et. al. (2002). Minanga: Mga Babasahin sa Varayti at Varyasyon ng


Wikang Filipino. Quezon City: UP Sentro ng wikang Filipino.

Mga Onlayn na Sanggunian

https://journals.upd.edu.ph

file:///C:/Users/user/Downloads/4943-13322-1-PB.pdf

https://dokumen.tips/documents/barayti-ng-wika-5652f6fa5ccd1.html

https://philnews.ph/2019/07/17/barayti-ng-wika-uri-halimbawa/

https://www.academia.edu/34093314/Ang_Pag_Aaral_ng_Varayti_at_Varyasyon_ng
_Wika_Hanguang_Balon_sa_Pagtuturo_at_Pananaliksik

https://prezi.com/0wwovvq69ing/wika-at-kasarian/

https://www.academia.edu/37037043/MGA_VARAYTI_AT_VARYASYON_NG_W
IKA_Heyografikal_Sosyal_at_Okufasyunal

https://www.coursehero.com/file/48227443/aralin-2-26pptx/

80 MAJOR 15 BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA


81 MAJOR 15 BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA
Learner’s Feedback Form
Name of Student: ___________________________________________________
Program : ___________________________________________________
Year Level : ___________ Section: __________________________
Faculty : ___________________________________________________
Schedule : ___________________________________________________

Learning Module : Number: _________ Title: ______________________

How do you feel about the topic or concept presented?


□ I completely get it. □ I’m struggling.
□ I’ve almost got it. □ I’m lost.

In what particular portion of this learning packet, you feel that you are struggling or
lost?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
__________________

Did you raise your concern to your instructor? □ Yes □ No

If Yes, what did he/she do to help you?


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
__________________

If No, state your reason?


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
__________________

To further improve this learning packet, what part do you think should be enhanced?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
__________________

How do you want it to be enhanced?


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
__________________

82 MAJOR 15 BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA


NOTE: This is an essential part of course module. This must be submitted to the
subject teacher (within the 1st week of the class).

83 MAJOR 15 BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA

You might also like