You are on page 1of 20

Dalubhasaan sa Gitnang Mindanao

Departamento ng Senior High


Osmeña Drive, Lungsod ng Kidapawan

Antas ng Kakayahang Komunikatibo sa Wikang Filipino ng mga Mag-


aaral sa Senior High School sa Dalubhasaan sa Gitnang Mindanao

Isang Panukalang Papel na Iniharap sa Kaguruan ng Senior High School


sa Dalubhasaan sa Gitnang Mindanao
Bilang Bahagyang Pagtupad sa mga Pangangailangan ng Asignaturang
Pagbasa at Pagsulat ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

Familgan, Joseph L.
Lariosa, Christine Joy B.
Oberio, Rolando Jr. A.
Paligutan, Lady Lyka B.
Sumale, Camille F.

Marso 2018
Panimula

Mabilis na nagbabago ang panahon. Patuloy na umuunlad ang

teknolohiya at komunikasyon. Kasabay ng mga pagbabagong ito, nagbabago

rin ang wika at ang lipunan. Ang wikang Filipino at ang lipunang Pilipino ay

kaagapay ng penomenong ito. Bilang isang wikang buhay, patuloy ang mga

mauunlad na pagbabago ng Filipino. Ilan sa mga wikang banyaga na

nakaiimpluwensya sa ating kabihasnan at ang pag-aambag mula sa ating

wikang katutubo. Bukod dito, ang wika natin ay umaagapay rin sa mga

pagbabago sa lipunan. Kailangan nitong magbago upang umangkop sa mga

intelekwalisadong disiplina (Barnales et. al., 2016)

Wika ang ginagamit natin sa pakikipagtalastasan at pakikipag-unawaan

sa kapwa. Napakahalaga ng pakikipagtalastasan sa buhay ng isang tao. Sa

lahat ng larangan ng buhay, kinakailangan ang pakikipagtalastasan. Ito ang

dahilan kung bakit tayo nagkaka-unawaan at nagpapalit-palitan ng iba’t ibang

ideya, saloobin at damdamin sa ibang tao. Sa punto ng pakikipagtalastasan,

kinakailangang unawain ang mga kakayahang komunikatibo. Parte nito ang

apat (4) na komponent, ito ang gramatika, sosyo-lingguwistik, strategic at

diskorsal (Heramia, 2017). Sa komponent na diskordal, nababatid na ang diskurso

ay may kinalaman sa pagsasalita at pagtatalumpati. Marapat lamang na sabihin

na ang diskurso ay isang pagbibigay ng pagtalakay sa iba’t ibang paksa, pasulat

man o pasalita. Dahil sa diskurso, maraming nalaman ang mga tao mula sa mga

taong nagsisipagsulat ng kani-kanilang mga akda at gayundin sa mga taong

nakikipagpalitan-tugon sa pamamagitan ng pagsasalita sa kanilang kausap


(English, 2007). Samantala, ang kakayahang strategic naman ay ang paraan ng

paggamit ng mga “coping” o “survival strategies” upang punan ang limitado o

imperpektong kaalaman sa tuntunin sa wika at kontekstong saso-kultural para sa

maayos na komunikayon at binibigyang kakayahan ang nagsasalita na gumamit

ng mga senyas o di berbal na hudyat upang maipahiwatig ng maayos ang

mensahe. Ang sosyo-lingguwistik naman ang tawag kung pinapakita ang

ugnayan ng wika at lipunan ang kaangkupan ng gmait ng isang wika batay sa

iba’t ibang konteksto. Lahat ng nabanggit na komponent ay nakabatay sa wika

bilang kasangkapan sa sosyalisasyon. Sa madaling sabi, ang wika ay mahalaga

at kinakailangan ng isang bansa maging ng tao sapagkat ito ang ginagamit sa

pakikipagkomunikasyon, pakikipag-ugnayan at pakikipag-talastasan ng bawat

mamamayan (Agbones et. al., 2016).

Dulot nito, tungkulin ng pananaliksik na ito ang sukatin ang antas ng

kakayahang komunikatibo sa wikang Filipino ng mga ilang mag-aaral. Kabahagi

rin nito ay alamin din kung buhay at ginagamit pa ba ng mga mag-aaral ang

wikang Filipino sa pakikipag-usap o sa pakikipagtalastasan.

Layunin ng Pag-aaral

Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay matukoy ang

antas ng kakayahang komunikatibo ng mga mag-aaral na tatayong

respondente gamit ang ating sariling wika.


Bilang pagtitiyak, inaasahang matutugunan ang sumusunod na mga

layunin:

1. Matukoy ang demograpikong propayl ng mga respondente ayon

sa;

1.1 Edad

1.2 Kasarian

2. Matukoy ang antas ng kakayahang komunikatibo ng mga mag-

aaral gamit ang Wikang Filipino ayon sa apat na komponent:

1.1 Gramatikal

1.2 Sosyo-lingguwistik

1.3 Istratedyik

1.4 Diskorsal

Kahalagahan ng Pag-aaral

Hinahangad ng pag-aaral na ito na matukoy ang antas ng kakayahang

komunikatibo ng mga mag-aaral sa SHS sa paggamit ng wikang Filipino sa

Dalubhasaan sa Gitnang Mindanano. Ang mga mananaliksik ay naniniwala na

ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa mga mag-aaral, sa mga guro, sa mga

magulang, sa administrasyon ng paaralan, sa mga mananaliksik at iba pa.

Sa mga mag-aaral, makatutulong ang pag-aaral upang sila ay

magkaroon ng kamalayan tungkol sa kung gaano sila kasanay sa

paggamit ng wikang Filipino bilang gamit sa pakikipagkomunikasyon at

bilang gamit rin upang magka-intindihan.


Sa mga guro, nakatutulong ang pag-aaral na ito, upang matulungan ang

mga mag-aaral na maipalago ang kanilang kakayahan sa

pakikipagkumunikatibo gamit ang Wikang Filipino.

Sa mga magulang naman, makatutulong ang pag-aaral na ito upang

maimpluwensiyahan rin sila na gamitin ang ating sariling wika sa kanilang

pakikipagkomunikasyon.

Sa administrasyon ng paaralan, makatutulong ang pag-aaral na ito upang

malaman rin nila na ang wikang Filipino ay hindi lang ginagamit sa

pakikipagkomunikasyon kundi ito rin ay ginagamit bilang pagkikilanlan sa

pagiging maka-Pilipino.

At sa mga mananaliksik, sa susunod na henerasyon ay pwede itong

gamitin upang maging gabay at batayan tungkol sa pag-aaral sa antas

ng kakayang komunikatibo ng mga mag-aaral gamit ang wikang Filipino.

Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral

Nakatuon ang pag-aaral na ito sa pagtukoy sa antas ng kakayahang

komunikatibo gamit ang wikang Filipino. Saklaw nito ang pagsusuri sa apat (4)

na komponent; ang Gramatikal, Sosyo-lingguwistik, Diskorsal at Istratedyik.

Limitado lamang ang pag-aaral na ito sa mag-aaral sa Senior High School

sa Dalubhasaaan sa Gitnang Mindanao sa Lungsod ng Kidapawan bilang

tatayong respondente. Gamit ang “Yamane’s Formula”, matutukoy ng mga

mananaliksik kung ilang respondente ang kailangang kunin para sa pag-aaral na

ito.
Konseptual na Balangkas

Ito ay isang ilustrasyon na kung saan ay naglalarawan sa ugnayan ng

dalawang baryabol.

Malayang Baryabol Di- malayang Baryabol

Antas ng kakayahang
komunikatibo
Mag-aaral
 Gramatikal
 Sosyo-lingguwistik
 Istratedyik
 Diskorsal

Kahulugan ng mga Terminolohiyang Ginamit

Ang mga sumusunod na mga terminong ginamit sa pag-aaral ay

binigyang kahulugan upang ganap na malinaw at madaling maunawaan ng

sinumang babasa.

Wika- masistemang balangkas ng sinalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa

paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang

kultura. (Henry Gleason, 2000)

Kakayahang Komunikatibo- tumutukoy sa abilidad ng pagpapahayag ng ideya

sa pamamagitan ng pasulat, pasalita, o pagkilos.

Kakayahang Gramatikal- tumutukoy sa komponent na kung saan binibigyang

kakayahan ang nagsasalita upang epektibong maibatid ang dapat na

ipabatid gamit ang angkop na mga salita ayon sa tamang balarila.


Kakayahang Sosyo-lingguwistik- tumutukoy sa komponent na nagbibigay

kakayahan sa nagsasalita na gamitin ang mga angkop na salita ayon sa

sitwasyon at lugar kung saan ginagamit ang wika.

Kakayahang Diskorsal- tumutukoy sa komponent na kung saan ay nagbibigay

kakayahan na pagsasasamahin ang mga salita, parirala, at mga

pangungusap upang makabuo ng isang makabuluhang teksto.

Kakayahang Istratedyik- tumutukoy sa komponent na nagbibigay kakayahan na

gamitin ang di-berbal at berbal na paraan upang maibait ng maayos ang

mensaheng nais na ipabatid.


MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Ang pagkakaroon ng wikang pambansa ay nagbibigay daan sa

pagkakaisa ng mga mamamayan at nagbibigay tulong sa pag-unlad ng iba’t

ibang aspeto sa isang bansa. Ang sariling wika ay mahalaga at kinakailangan ng

isang bansa sapagkat ito ang ginagamit sa pakikipag-ugnayan at pakikipag-

talastasan ng bawat mamamayan. Ang ekonomiya ay hindi lalago o uunlad kung

ang mga tao ay hindi nagkakaisa o nagkakaintindihan (Baldon, et. al., 2014).

Ang wika ay maaaring tumutukoy sa kakayahan ng tao na mag-angkin at

gumamit ng mga komplikadong sistemang pangkomunikasyon, o sa ispesipikong

pagkakataon ng nasabing komplikadong sistemang pangkomunikasyon

(Bernales, et. al., 2016). Bilang isang ispesipikong lingguwisktik na konsepto, ang

wika ay tumutukoy sa mga tiyak na lingguwistik na sistema ang kabuuan ay

pinangalanan ng tiyak na katawagan tulad ng Ingles, Prances, Aleman,

Nighonggo, Mandarin, Filipino at iba pa. Ang salitang Ingles na “Language” ay

mula sa salitang Latin na “lingua” na ang ibig sabihin ay dila.

Sa kabilang banda, ang mga eksperto sa wika ay may kanya-kanyang

deskripto at paliwanag. Ang wika ay masisitemang balangkas ng sinalitang tunog

na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong

kabilang sa isang kultura, ito ay ayon kay Henry Gleason (sa Tumangan, et. al.,

2000). Ayon naman kay Archibald Hill, sa kanyang akda na What is Language?,

ayon sa kanya na ang wika ang pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng

simbolikong gawaing pantao (Tumangan, et.al, 2000).


Ang wikang binibigkas ng isang tao ay naglalahad ng pagkakakilanlan ng

kanyang pinagmulan. Ito rin ay nagsilbing daan para magkaintindihan at

magkaunawaan ang mga mamamayan sa isang bansa. Ang wika ay mahalaga

at kinakailangan ng isang bansa maging ng tao sapagkat ito ang ginagamit sa

pakikipagkomunikasyon, pakikipag-ugnayan at pakikipag-talastasan ng bawat

mamamayan (Agbones et. al., 2016).

Ang wika sa makabagong panahon ay nagbabago at umuunlad, ang

mga kabataan ngayon ay madami ng diyalekto ang alam at ginagamit upang

magkakaintindihan at isa na dito ang paggamit ng wikang Filipino. Wika ang

dahilan kung bakit tayo ay nagkakaintindihan at nagkakaisa. Gumagamit na din

tayo ng iba’t ibang paraan upang mas mapaikli ang pagbigkas o paggamit ng

ating wika, ilang halimbawa ng pagpapalawak ng bokabularyo ay ang

paggamit ng akronim o ang paggamit ng mga letra na nagprepresenta sa isang

salita o tumatayo bilang kapalit ng salita. Sumunod na halimbawa ay ang

pagpapalit ng mga arkayk na salita, sa pamamagitan nito pinapalitan ng mga

makabagong salita ang mga salita na ginagamit noong unang panahon upang

mas madaling gamitin at mas magandang bigkasin at pakinggan. At ang

pinakauso sa panahon ngayon ay ang paggamit ng mga balbal na salita, ito ang

pinakamababang antas ng wika na karaniwang ginagamit ng mga kabataan

(Baldon, et. al., 2014).

Sa pagbabago ng henerasyon, marami na rin ang nagbabago sa ating

ekonomiya lalong-lalo na patungkol sa ating wika. Nagkaroon na ng mas

maraming barayti ng wika at nagsisimula na ring lumikha ng mga panibagong


lenggwahe katulad nalang ng mga ginagamit ng bakla na kadalasang

tinatawag na “beki language”. Marami nang nadulot na impluwensiya ang mga

pagbabagong ito lalong-lalo na sa mga kabataan. Nang dahil sa teknolohiya na

nakapaligod sa ating kabataan ngayon, nalipat na ang kanilang atensiyon sa

mga bagay na dapat ay hindi mas inuuna o mahalaga, nakakalimutan na nila

ang pangunahing kaalam kagaya ng wastong paggamit na mga salita at

kahalagahan ng bagbibigay importansiya at pagtangkilik sa ating sariling wika,

ang wikang Filipino (Agbones, et. al., 2016).

Marami ang nahihirapan sa paggamit ng purong Filipino lalo na pagdating

sa pag-angkop ng mga teknikal na ideya at salitang hiram mula sa Ingles.

Bagaman umuunlad ang wikang Filipino sa pagdami ng mga akdang nasususlat

dito, nananatili pa ring problema ang istandardisasyon nito at ang pangigibabaw

ng wikang Ingles na lumalabas maging sa paggamit ng Taglsih o paghalo ng

Filipino at Ingles (Santos, 2008).

Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga

kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Ginagamit

ang pamamaraang ito sa pagpapaabot ng kaisipan at damdamin sa

pamamagitan ng pagsasalita. Isa rin itong likas na makataong pamaraan ng

paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mga hangarin sa pamamagitan ng

isang paraan na lumilikha ng tunog at kabuuan din ito ng mga sagisag sa

paraang binibigkas. Isang mahalagang instrumento ang wika sa komunikasyon.

Nagkakaroon ng kakayahang kumuha at makapagbahagi ng kaalaman, mithiin

at nararamdaman sa lahat ng aspeto ng pag-iiral sa ating pang-araw-araw na


pamumuhay. Ang wika ay nalilinang ang kakayahang komunikatibo ng isang

mag-aaral (Porter, 2009). Sa pasalitang diskurso, mahalaga ang kakayahang

pangwika sa pakikipag-usap ngunit minsan ay naaapektohan ang kahulugan

kung hindi bibigyang-pansin ang kalagayang sosyal habang nagaganap ang

diskurso kaya’t mahalaga rin ang kakayahang komunikatibo. Dapat na iangkop

ang sasabihin sa panahon, sa lugar at sa taong kausap upang makamit ang

layunin. Nagbabago ang anyo at pamamaraan ng diskurso maging ang daloy

nito depende sa konteksto ng diskurso. Ang konteksto ay tumutukoy sa oras,

espasyo at maging ang taong kasangkot sa diskurso. Dahil dito, ang konteksto ng

diskurso ay nararapat na pagtuonan din ng pansin dahil maaaring makaapekto

ito hindi lamang sa daloy ng komunikasyon kundi maging ng kalalabasan nito

(Peralta, 2015). Ang soso-lingguwistong kakayahan ay pinapakita ang ugnayan

ng wika at lipunan ang kaangkupan ng gamit ng isang wika batay sa iba’t ibang

konteksto at ang wika rin ay maituturing na gamit o kasangkapan sa sosalisasyon.

Ukol sa kakayahang komunikatibo, mahalagang malaman kung kalian tayo

magsasalita, ano ang pag-uusapan, sino ang kakausapin, saan at sa paanong

paraan. Kakayahang istratedyik naman ang tawag kung ito ay ang paraan na

kung saan ay gumagamit ng mga “coping” o “survival strategies” upang punan

ang limitado o imperpektong kaalaman sa tuntunin sa wika at kontekstong sosyo-

kultural para sa maayos na komunikasyon. Ito rin ay nagsasabi na walang

perpektong kaalaman ang nagsasalita sa kanyang wika at nagkakamali minsan

nang hindi namamalayan. Wika ang ginagamit natin sa pakikipagtalastasan at

pakikipag-unawaan sa kapwa. Napakahalaga ng pakikipagtalastasan sa buhay

ng isang tao. Sa lahat ng larangan ng buhay, kinakailangan ang


pakikipagtalastasan. Ito ang dahilan kung bakit tayo nagkaka-unawaan at

nagpapalit-palitan ng iba’t ibang ideya, saloobin at damdamin sa ibang tao.

Simula ng tayo ay nasa mababang baitang pa lamang ay itinuturo na sa

paaralan ang iba’t ibang gramatika at bokabularyo ng wikang Filipino. Bagama’t

ginagamit natin ito sa pang-araw-araw na pamumuhay at pakikipagtalastasan,

maraming Pilipino pa rin ang hindi alam ang wastong paraan sa paggamit nito

(Heramia, 2017).

Ayon kina Michael Canale at Merril Swain, ang kasanayan sa

pakikipagkomunikasyon ay mayrooon ding mga komponent, ito ang gramatikal,

sosyo-lingguwistik, diskorsal at ang istratedyik na kung saan ay nabibigay ng

kakayahan sa tagapagsalita na maging sanay sa pagsasalita, Gramatikal, ito ay

ang komponent na kung saan ay nagbibigay kakayahan sa nagsasalita upang

maging epektibo sa pakikipagtalastasan gamit ang angkop na mga tuntuning

pang-gramatika. Mahalaga ang komponent na to sapagkat ang nagsasalita ay

batid niya ang tuntuning pang-gramatika dahil magagamit ang mga ito sa

epektibong pagbuo ng salita, pangungusap, tamang pagbigkas pagbaybay at

maging sa pagbibigay kahulugan sa salita. Ang komponent na ito ay nagsasaad

kung ano ang angkop na salita ang gamitin sa pagsasalita o sa pakikipagusap.

Sosyo-lingguwistik ang tawag naman sa komponent na kung saan ay nagbibigay

kakayahan sa nagsasalita na gamitin ang angkop at tamang salita na naaayon

sa okasyon, sitwasyon ay sa kontekstong sosyal. Susunod na komponent ay ang

diskorsal na kung saan nagbibigay kakayahang sa nagsasalita na gumamit ng

mga salita upang pagsamasamahin ang mga salita, pariral at mga pangungusap

upang ang kanyang pakikipagkomunikasyon sa ibang tao ay maging epektibo


at makabuluhan. Ang panghuling komponent ay ang strategic, ito ang

komponent na kung saan ay nagbibigay kakayahan na magamit ang berbal at

di-berbal na mga hudyat upang maihatid nang mas malinaw ang mensahe at

maiwasan o maisaayos ang mga hindi pagkakaunawaan o mga puwang sa

komunikasyon. Sa pamamagitan ng mga komponent na ito ay maging mas

epektibo, makabuluhan, at mataas ang posibilidad na magkakaunawaan ang

mga tao na ginagamit ang wika para sa pakikipagkomunikatibo.

Pangunahing Palagay

Sa pag-aaral na ito, ipinapalagay ng mga mananaliksik na sa paggamit

ng ating sariling wikang Filipino, ang mga mag-aaral sa departamento ng Senior

High School sa Dalubhasaan sa Gitnang Mindanao ay may mataas na antas ng

kakayahang komunikatibo ayon sa apat (4) na komponent.


METODOLOHIYA

Sa kabanatang ito, dito malalaman kung ano ang mga ibat-ibang paraan

na ginamit upang maisagawa ang pag-aaral na ito. Sinasakalaw ng kabanatang

ito ang disenyo ng pag-aaral, lokal na pag-aaral o saan gaawin ang pag-aaral,

pamamaraan as pagpili ng sampol, mga respodente, instrumentong ginamit sa

pag-aaral, mga paraan sa pagtipon ng mga datos at pag-aanalisa ng mga

datos na nakuha.

Disenyo ng Pag-aaral

Ang disenyo ng pag-aaral na ito ay diskriptibong pag-susuri upang

malaman ng mga mananaliksik ang antas ng kakayahang komunikatibo ng mga

mag-aaral sa Senior High School sa Dalubhasaan sa Gitnang Mindanao.

Lugar ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa Dalubhasaan sa Gitnang Mindanao

sa Lungsod ng Kidapawan. Ang pag-aaral na ito ay nagsimula sa ikalawang

semestre ng taong pampaaralan 2017-2018.

Pamamaraan sa Pagpili ng Sampol

Pagkatapos malaman ang bilang ng mga respondente, gagawa ng

talaan ng mag-aaral ang mga mananaliksik na naglalaman ng mga pangalan

at bilang na itinalaga sa bawat respondent sa layon ng loteryang pagpipili.


Ang mga Respondente
Ang mga respondente ng pag-aaral na ito ay mga mag-aaral sa Senior

High School sa Dalubhasaan sa Gitnang Mindanao. Sila ay kikilalanin sa

pamamagitan ng paggamit ng pormula ni Slovin (1960).

Base sa resulta ng kompyutasyon, ang pananaliksik ay nangangailangan

ng 296 na mga respondente mula sa tinatayang 1,138 na bilang ng populasyon.

Instrumentong Ginamit

Ang mga mananaliksik ay gagamit ng sarbey-kwestyuner. Ang

talatanungang ito ay susuriin at iniinterpret ang mga pananaw ng mga

respondente hinggil sa isang paksang usapin.

Paraan ng Pagtitipon ng mga Datos

Ang mga mananaliksik ay gagawa ng liham upang humingi ng pahintulot

sa Punong Guro ng Senior High School sa Dalubhasaan sa Gitnang Mindanao na

kung saan inaasahan pagsasagawaan ng pag-aaral. Ang pagbibigay ng sarbey-

kwestyuner sa mga respondente ay gaganapin tuwing bakanteng oras na mga

mananaliksik. Pagkatapos, ang sarbey-kwestyoner ay kokolektahin ng mga

mananaliksik at ang mga nakulektang mga datos o mga impormasyon ay ia-

analisa at iinterpretahin ng mga mananaliksik.

Tritment ng mga Datos

Ang mga datos o impormasyong nalikom o nakuha ay i-aanalisa at

bibigyang interpretasyon ng mga mananaliksik. Ang mga mananaliksik sa pag-

aaral na ito ay gagamit ng mga grapiko at mga istatistikal na pamamaraan


upang maging maayos na maipaliwanag ang magiging resulta ng pag-aaral na

ito. Ang unang layunin ay gagamit ng “mean” at “frequency” habang ang

ikalawa naman ay gagamit ng “percentage”.


Antas ng Kakayahang Komunikatibo sa Wikang Filipino ng mga Mag-aaral sa
Senior High School sa Dalubhasaan sa Gitnang Mindanao
Talatanungan:

Pangalan: (optional): ____________________________________________


Edad: __________ Kasarian: ___________
Tandaan: Ang pag-aaral na ito ay may layuning sukatin ang antas ng
kakayahang komunikatibo ng mga mag-aaral sa Senior High School sa
Dalubhasaan sa Gitnang Mindanao sa paggamit ng Wikang Filipino. Ang
anumang sagot sa talatungang ito ay mananatiling kompedinsyal at tanging
gagamitin lamang layon sa pag-aaral na ito.
Panuto: Lagyan ng tsek (√) para malaman namin ang iyong mga sagot.

Pananda:
4- lubos na sumasang-ayon 2- hindi sang-ayon
3- sang-ayon 1- lubos na hindi sumasang-ayon

A. Gramatikal
4 3 2 1

1. Bago ako magsasalita, sinisiguro ko muna na tama at


angkop ang mga sinasabi kong mga salita upang
maintindihan nang maayos ng aking kausap ang
aking mga sinasabi sa kanya.
2. Ako ay nakikipag-usap na may wastong diin at may
tamang pagbigkas upang hindi mabigyan ng ibang
kahulugan ang aking mga sinasabi.
3. Pinag-uugnay ko ang mga salita nang tama at wasto
upang maging malinaw ang aking pagpapahayag.

B. Istratedyik 4 3 2 1
1. Upang buksan ang usapan, ako ay kakaway na siyang
nangangahulugan na ako ay nagsabi sa kanya ng
“hi”.
2. Upang punan ang salitang hindi maipahayag ng
aking dila at upang mas maintindihan ng aking kausap
ang aking sinasabi, gumagamit ako ng mga hiram na
salita.
3. Para malaman na hindi ko nauunawaan ang sinasabi
ng aking kausap, ako ay umiiling-iling.
C. Diskorsal 4 3 2 1
1. Kapag ako ay naiintriga sa isang isyu, ako ay
nakikipagdebate at nangangatwiran upang mas
maipahayag ko nang maayos ang mga nais kong
sabihin.
2. Upang mas maipaliwanag ko nang maayos ang
aking sinasabi, inilalahad ko ang ideya, kaisipan at
impormasyon sa epektibong paraan na kung saan ay;
una binibigyan kong kahulugan ang ideya nais kong
ipahayag, ikalawa, pinag-iisa-isa ko ang mga
impormasyon at panghuli ay isinasaayos ko ito batay
sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
3. Kapag ako ay nakikipagdiskurso, itinutuon ko sa iisang
paksa lamang at hindi na nalilipat pa sa ibang usapin.

D. Sosyo-Lingguwistik 4 3 2 1
1. Bago ako magsasalita, binibigyan kong konsiderasyon
kung sino ang aking kinakausap upang malaman ko
rin kung ano ang tono ng pagsasalita na aking
gagamitin. Halimbawa: pormal na tono ng
pagsasalita ang aking ginagamit kapag kausap ko
ang aking guro.
2. Kapag ako ay nagsasalita, ang ginagamit kong wika
ay ang wika na kung saan ay maiintindihan ng aking
kinakausap.
3. Mas naipapahayag ko ang lahat ng aking gustong
sabihin, saloobin at mga opinyon kung ang gamit ko
na wika ay ang wikang aking nakasanayan.
Talasanggunian

Galing sa aklat:

 Bernales, R. et. al. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang

Pilipino.

 Salvaña, H. (2009). Wikang Pilipino: Instrumento sa Mabisang Komunikasyon

at Panturo sa Wika at Panitikan.

Mga kaugnay na pag-aaral:

 Agbones, V. et. al. (2016). Ang Wikang Pilipino sa Makabagong Panahon.

 Basa, R. (2015). Kahalagahan ng Wika sa Makabagong Panahon. Sa

https://www.scribd.com/doc/283519064/Kahalagahan-ng-Wika-sa-

Makabagong-Panahon

 Cortes, J. et. al. (2016). Sitawasyong Pangwika sa Kabataan sa

Kasalukuyang Panahon. Sa

https://www.scribd.com/document/328528881/Thesis-Sitwasyong-

Pangwika-Sa-Kabataan-Sa-Kasalukuyang-Panahon

Internet:

 http://alikadtalastaswika.blogspot.com. Naibalik noong ika-16 ng Pebrero

taong 2018.

 http://varsitarian.net/filipino/20110826/pagpapaunlad_ng_wika_nakatutul

ong_sa_ekonomiya. Naibalik noong ika-16 ng Pebrero taong 2018.

 http://varsitarian.net/filipino/20140821/pagpapalawig_sa_kaalaman_sa_

wika. Naibalik noong ika-16 ng Pebrero 2018.


 http://varsitarian.net/filipino/20170808/pagbabago-at-pagkakaisa-abot-

kamay-sa-tulong-ng-wika. Naibalik noong ika-16 ng Pebrero taong 2018.

 http://www.scribd.com/doc/283519064/Kahalagahan-ng-Wika. Naibalik

noong ika-16 ng Pebrero taong 2018.

 https://prezi.com/svk0gygrxse/kakayahang-sosyolinggwitiko/

 https://prezi.com/wnk3rfhlolwq/ang-kakayahang-estrategik/

 https://www.scribd.com/doc/22462360/Ang-Wika-Ay-Isang-Bahagi-Ng-

Pakikipagtalastasan. Naibalik noong ika-25 ng Pebrero taong 2018.

 Irenepearltperalta.blogspot.com. Naibalik noong ika-26 ng Pebrero taong

2018

 thelance.letran.edu.ph/Home/ReadMore/70. Naibalik noong ika-25 ng

Pebrero taong 2018.

You might also like