You are on page 1of 4

Balangkas Teoritikal

Ayon kay Henry Gleason ang wika ay sinasalitang tunog na may masistemang
balangkas na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit sa
komunikasyon ng mga taong kabilang sa iisang kultura. Ang wika ay dinamiko na
patuloy na nagbabago sa paglipas ng panahon. Nakasalalay ang pagbabago ng wika
sa taong gumagamit at kulturang nabuo sa lipunan. Lumalago ang bokabularyo ng
wika kapag may nadadagdag sa mga bagong salita na dulot ng pagkamlikhain ng
tao at pagsabay nito sa modernong panahon. May mga salita ring namamatay dahil
hindi na ginagamit at itinuturing sa kasalukuyan na hindi na naaayon sa panahon o
luma na.
Mula sa teoryang cognitive, sa mga mosernong pa aaral na isinagawa, napag
alaman na sa pagitan ng biswal na pagkilala (visual recognition) at pagsasalita
(wika), ang nauna ang higit na nadedebelop. Ito ay sapagkat unang nakakakit ang
mga bata kaysa sa naririnig. Sa konsepto ni Lev Vygotsky (zone of proximal
development) malaki ang papel na ginagampanan ng kamalayanng bata sa
kanyang kapaligiran, na siya namang nagtatakda ng kanyang pagkatuto.
Sa ilang pag-aaral tulad ng kay Jessie Gace Rubrico, ang barayti ng wika ay
maihahalintulad sa tinatalakay niyang barasyon ng wika. Ipinangkat niya ang
barasyon ng wika sa tatlo: diyalekto, sosyolek at rehistro ng wika. Dito nakapaloob
ang barasyon ng wika na nililikha dulot ng dimensyong heograpikal at sosyal. Sa
ilalim ng rehistro ng wika, bawat pangkat ng tao ay may kanya-kanyang code na
ginagamit sa pakikipagtalastasan. Ito ang nagsisilbing rehistro ng wika nila na
espesiyalisado lamang sa kanilang pangkat.
Ang tagumpay sa pakikipagtalastasan ay nababatsa kaalaman ay kasanayan
sa lawak ng wikang ginamit sa pagsasalita, pakikinig, pagbasa at pagsulat.
Nababatay rinito sa lawak ng kaalaman sa paksa, at sa kakayahang pumili ng
angkop na salitang nababagay sa antas ng pagkatao ng tatanggap ng mensahe.
Balbal ang isa sa limang antas ng paggamit ng wika at itinuturing na
pinakamababang antas ng wika. Nalilikha ito ng mga grupo ng tao upang

magsilbing koda sa kanilang pag-uusap. Dito nakapaloob ang mga salitang may
kinalaman sa pornograpiya.
Sa bibliya, kasama sa pitong mortal na kasalanang nakamamatay na kilala rin
bilang ang mga panong mga bisyo o pangunahing mga kasalanan ang kahalayan.
Ang sabi sa Marcos 7:20-23; Nagpatuloy siya sa pagsasalita: Ang lumalabas mula
sa tao ang magpaparumi sa kanya sa mata ng Diyos sapagkat sa loob sa puso ng
tao- nagmula ang masamang isipang nag-uudyok sa kanya na makiapid,
magnakaw,pumatay,mangalunya, mag-imbot at gumawa ng lahat ng kabuktutan,
tuad ng pagkainggit, paninirang puri, kapalaluan at kahangalan. Ang lahat ng itoy
nanggagaling sa puso ng tao, at siyang nagpaparumi sa kanya Kung saan
napakaloob dito ang masamang dulotng pagnanas aat maling paggamit ng mga
salitang nagpaparumi sa mga tao sa mata ng Diyos.

Balangkas Konseptwal

wika ng
pornograpiya

teoryang
cognitive

diyalekto

teoryang Biblikal

sosyolek

rehistro ng wika

balbal

lipunan

Tao

Midya

Ipinapakita ng dayagram sa itaas na ang wika ng pornograpiya ay maaaring


maiugnay sa teorya ng pinagmulan ng wika, ang cognitive at biblical. Sa kasunod
na bahagdan ay iniuugnay ito sa baryasyon ng wika, ang mga ito ay ang
sumusunod: Diyalekto na nililikha dulot ng dimensyong heograpikal; sosyolek na
nililikha naman ng dimensyong sosyal at rehistro ng wika kung saan may kanya
kanyang code na ginagamit sa pakikipagtalastasan. Nakakaapekto ang baryasyon
ng wika sa antas ng paggamit nito, halimbawa na lamang sa balbal kung saan
madalas gamitin sa wika ng pornograpiya.
Sa panahon ngayon, dahil sa patuloy na paglago o pagbabago ng wika may
mga bagong salita na nabubuo o ginagawa ng mga tao na nakukuha nila sa

telebisyon o midya, mga tao sa paligid o lipunan. Kadalasan pag naririnig ito ng
mga kabataan kahit hindi nila alam ang ibig sabihin nito ay sinasalita pa rin nila.

You might also like