You are on page 1of 2

Balangkas Teoretikal

Pinagbatayan at ikinonsider sa pag aaral na ito ang mga sumusunod na theory:

Sa Social Cognitive Theory ni Bandura, sinasabi rito na natututo ang tao at

nakukuha ang ugali sa iba sa pamamagitan ng pag obserba at pagmamasid lamang.

Kabilang rin sa teoryang ito ang pag oobserba sa isang tao na maaaring mag

palawig ng panibagong pag-uugali at karagdagang kaalaman. Sa ibang salita, hindi

nakabatay ang pamumuhay ng isang tao sa pag gawa ng sariling bagay bagkus ito

ay nakadepende sa pag gaya ng isang tao sa iba.

Magagamit ang teoryang ito sa aming pag aaral sapagkat ito ay may

kinalaman sa pag kuha ng ideya ng isang indibidwal. Mahihinuha sa teorya ang

isang malaki at mahalagang parte ng pag aaral. Ang impluwensya na hatid ng iba

ay maaring magkaroon ng kaugnayan sa pagpili ng isang mag aaral sa kanyang

karerang tatahakin.

Ayon naman sa Self Perception Theory ni Daryl Bem, nalilinang ang saloobin

ng isang indibidwal sa pamamagitan ng pag obserba sa sariling pag-uugali. Ang

teoryang ito ay nagtatakang patunayan na nalilinang ng isang tao ang

pagkakaintindi sa sarili sa pamamagitan ng pagkilala sa sariling pag-uugali.

Karagdagan pa dito, ang teoryang ito ay nagtatankang ipaliwanag kung papaano

napapalawig ang pagkaka-unawa ng motibasyon sa pagpili sa likod ng kanilang

sariling ugali.

Ang self-perception sa pag-aaral ay maaaring i-ugnay sa mga mag-aaral kung

saan ang kanilang naging binatayan sa pag pili ay dahil sa kanilang pagkakakilala

sa sariling pag-uugali. Muli, ito ay higit na maiuugnay sa aming pagaaral sapagkat


ang teoryang ito ay nagtatangkang maipaliwanag kung papaano, at kung ano ang

naging dahilan kung papaano namimili ang isang indibidwal. Dahil dito, tunay na

magiging makabuluhan ang hated ng teoryang ito sa aming pagaaral.

Isa pang teorya ang na maaring magkaroon ng kaugnayan sa pag aaral ay

ang Self-Development Approaches to Career ni David Tiedeman. Naniniwala si

Tiedman na ang lumalagong pagkakakilala sa sarili ay ang mahalaga sa proseso ng

pagtukoy kung anong karera ang maaring tahakin. Nakasaad din dito na ang isang

indibidwal ay maaring magbago ng pagiisip ukol sa piniling karera batay sa

pwersang eksternal o sa simpleng psychological drive.

Ang naturing na teoryang ito ay maaaring maipaliwanag kung bakit paiba-iba

ang isip ng mga mag aaral sa pagpili ng track. Bukod pa rito, makabuluhan ang

teorya na ito sa aming pag aaral dahil may kinalaman ito sa paraan ng pagiisip ng

isang tao. Magkakaroon ng matibay na relasyon ang teorya na ito sa aming

pagaaral dahil dito lamang ito iikot.

You might also like