You are on page 1of 29

Nilalaman

i. Pahina ng Titulo
ii. Pagkilala
iii. Dedikasyon

I. Kaligiran ng Pananaliksik

a. Panimula
b. Paglalahad ng Suliranin
c. Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral
d. Batayang Teoritikal
e. Saklaw at Limitasyon
f. Kahulugan ng mga Katawagan

II. Mga Kaugnay na Literatura


III. Pamamaraan
IV. Paglalahad, at Interpretasyon
V. Paglalagom, Konklusyon at Rekomendasyon
VI. Talasanggunian
VII. Mga Dagdag na Dastos
John Paul College
Odiong, Roxas, Oriental Mindoro
MG Andaya Compound

Pahina ng Titulo

“Salik na Nakaaapekto sa
Pagkatuto ng Paggawa ng
Papel Pananaliksik ng mga
mag-aaral ng BS Accountancy
sa John Paul College”

Ipinasa kay G. Rommel “Bong” Madrona


Ipinasa ni Wenjun H. Herminado
Pagkilala

Ako po ay lubos na nagpapasalamat sa mga taong walang sawang

sumuporta at tumulong na matapos ang pananaliksik na ito.

Unang una, sa ating Panginoon na binigyan ako ng sapat na karunungan

at kasipagan, nagpapasalamat din ako sa aking pamilya sa hindi tumigil sa

pagsuporta sa akin, pinansyal man o emosyonal na suliranin,

Sa aming matikas at butihing guro na si G. Rommel “Bong” Madrona na

siyang tumulong at nagbigay ng mga pwedeng makatulong sa paggawa ng

madalubhasang pananaliksik na ito.

Sa aking mga kaibigan na bagamat may sarili silang pananaliksik ay

hindi pa rin nakalimutang tumulong na magbigay ng ideya tungkol sa aking

pananaliksik.

Maraming Salamat sa inyong lahat!

Wenjun Herminado
Mananaliksik
Dedikasyon

Ang papel na ito ay iniaalay ko sa aking pamilya at kaibigan na laging

nakasuporta sa akin sa pinansyal at emosyonal na aspeto. Sila ay tumulong sa akin

sa mga panahon na hindi ko alam kung ano pa ang ilalagay ko sa aking

pananaliksik. Kung wala sila wala rin ang papel na ito dahil sila ang aking

inspirasyon.

Iniaalay ko din ito sa aming matalino at masipag na guro na si Ginoong

Rommel “Bong” Madrona na walang sawa sa pagbabahagi sa akin ng

kanyang mga nalalaman at laging nakagabay at handang tumulong sa akin sa

paglikha ng pananaliksik na ito.

Iniaalay k o d i n a n g p a p e l n a i t o s a a k i n g s a r i l i , n a d i

sumuko at patuloy na nagsumikap upang matapos ang

pandalubhasang pananaliksik na ito.

At higit sa lahat, sa ating Panginoon na walang sawang

gumabay at nagpatnubay sa mga oras na gusto ko nang sumuko.


I. Kaligiran ng Pananaliksik

a.) Panimula

Ang masilayan at makadaupang palad ng bahagya ang tagumpay na

hinahangad makamtan ng bawat isa ay talaga namang isang malaking pribelihiyo.

Ang maabot at mapasaiyong bisig ito ay tila langit para sa sinuman. Ngunit hindi

mapagkakaila na naririryan tuwina ang mga magsisilbing balakid o hadlang na kung

minsan ay sinasabing kakambal na ng pag-abot ng tagumpay. Gayunpaman hindi

maipagkakaila na ang mga ito aysiyang magsisilbing daan din upang matuto habang

binbaybay natin ang rurok ng tagumpay. Kinakailangan ng mga mag-aaral na

payabungin ang mga kasanayang gingamit sa pagbuo ng isang papel pananaliksik,

gaya na lamang ng pagsulat. Ang kasanayang ito'y kinakailangan ng sapat na

panahon upang matutukan. Hindi lahat ng tao ay may natural na talento at

kaytrangian ng isang manunulat kung kaya't ang paglalaan ng oras dito ay kailangang

ibigay. Ang pagsulat ay tinataglay ang iba't ibang proseso at tuon, gaya na lamang ng

malawak na pag-iisip at mahusay na pakikipagtalastasan. Tulad ng intelektwal na

kasanayan kailangang mabigyang pansin maging ang mga sosyal na kasanayan,


sapagkat ang pagsulat ay pakikipag-usap sa mambabasa. Upang maging epektibo ang

pagsulat kailangang mahikayat ang mga mambabasa, ngunit upang

mapagtagumpayan ito kailangang paniwalain ito na isa siyang intelektwal at sa

kabilang banda ay magiliw na tao.

Kaugnay nito, higit sa pagsulat, kinakailangan taglayin ng mag-aaral ang

mga katangian ng mananaliksik. Satulong nito, kasabay na rin ng pagiging bihasa sa

pagsulat, magiging madali ang pagsasagawa at pagbuo ng pananaliksik. Ang mga

katangiang ito ang magpapagaan ng proseso ng pananaliksik. Magiging madali at

kapanipaniwala ang mga pag-aaral na isinasagawa. Sa makatuwid, sa kahit anumang

istilong gamitin ng mga guro sa pagtuturo kinakailangang malaman ng mga mag-

aaral kung paano ito matutunan sapagkat sa kanila nakasalalay ang pagkatuto.
b.) Paglalahad ng mga Suliranin

Katulad ng pag-abot ng tagumpay ang pagbuo ng isang papel pananaliksik,

may mga balakid na maaring magdudulot ng kalituhan sa oras ng talakayan o

hanggang sa oras ng pagbuo ng isang papel pananaliksik. Maaaring ang ilang mga

bahagi ng pananaliksik ay hindi malinaw na matutuhan ng mga mag-aaral, mga

bahagi na maaaring maging ilan ay ang mga pinakakumplikado na matutuhan at

gawin, ngunit maaari din isa sa pinakamahalagang bahagi ng isang pananaliksik. Ang

pagkatuto ng mga mag-aaral sa pagbuo ng isang papel pananaliksik ay nakasalalay sa

kanilang mga guro, gayundin sa mga mag-aaral. Mahalagang malaman ng bawat isa,

lalo na ng mga tagapagturo. ang mga mabisa at angkop na paraan ng pagtuturo. Ang

kakaiba't kawili-wiling paraan ay makapagbubukas ng pagkakataon sa mga mag-

aaral na matuto. Kaugnay nito, tinuturuan at natuto ang mga mag-aaral ng

kasanayang kinakailangan. hindi lamang sa pagbuo ng isang papel pananaliksik,

maging sa pang araw-araw na pamumuhay ng tao.


c.) Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral

Layunin ng Pag-aaral

Ang mananaliksik ay naglalayong makapagbigay ng mga posibleng

solusyon hinggil sa mga salik na nakakaapekto sa pagkakatuto ng mga mag-aaral sa

pagbuo ng papel pananaliksik.


Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang mananaliksik ay buong puso ang paniniwala na ang pananaliksik na

ito ay makakatulong para sa mga sumusunod:

Tagaplano ng Kurikulum

Makapaglalatag ng bagong plano ng mga leksyon na maaring makatulong

sa mga mag-aaral.

Guro

Madaragdagan ang mga posibleng paraan ng pagtuturo sa mga mag-aaral

ukol sa Papel Pananaliksik.

Magulang

Mahihikayat ang mga anak na mag-aral o matutuhan ang pagbuo ng isang

pananaliksik.

Mag-aaral

Magkakaroon ng kaalaman sa mabisang paraan sa pagkatuto sa pagbuo ng

isang Papel Pananaliksik.


d.) Batayang Teoritikal

Literaturang Teoritikal

Sa pananaw ni Gladys (2015), ang pananaliksik ay mahalagang sangkap ng

buhay ng tao, sapagkat daaan ito sa modernong pamumuhay. Isa ito sabatayan ng

pag-angat ng estado gn isang tao sa kanyang trabaho, isa sa mga pangunahing

isinusumite ng mga mag-aaral sa koiehiyo para sa kanyang kurso, nagbubukas ito ng

oportunidad sa tao upang makapamuhay ng maayos at moderno sinasakiaw rin nito

ang iba,t ibang uri ng tao sa iba't ibang larangan na makapagdudulot ng

napakaraming benipisyo. Sa katunayan ang pananaliksik ay nakapagbibigay ng

impormasyon at solusyon sa mga suliranin ng isa ng bansa, pinalalawak rin nito ang

kabihasaan ng mga tao tungkol sa mga isyu na kanilang kinahaharap, nagsisilbi rin

itong batayan ng pagunlad ng isang bansa at humuhubog sa kinabukasan ng mga

mamamayan nito.

Ang pagsulat ay hindi basta nakukuha sa biglaang pag-aaral lamang. isa

itong kasanayan na hindi agarang matatamom kung hindi pag-aaralan ng

masusi.Kinakailangan nito ng pakikinig, pagbasa at pagsasalita. Kaugnay nito, ayon


kay Bernales (2009). Ang pagsulat ay sosyo-kognitib na gawain. Binibigyan ng

pansin ang mental na kapasidad ng tao bilang manunulat at kakayahan nitong

makipagusap sa mga mambabasa gamit ang nalathala nitong sulatin. Dahil dito,

nagkakaroon ng sosyal na ugnayan ang mga mambabasa at manunulat kahit hindi sila

personal na nagkikita. Dagdag pa rito, maraming prosesong dimensyonal ang

pagdadaanan tulad ng oral na dimension at biswal na dimensyon. Nagiging epektibo

ang manunulat sa mambabasa. Gayunpaman, ang kakayahan sa pagsulat ay isa pa

lamang sa mga dapat na matutunan at taglayin ng mga mag-aaral sa pagbuo ng isang

pananaliksik. Ngunit kinakailangan ng mga mag-aaral na matutunan ito sa mga

paraaan na madali nilang maintindihan.

Literaturang Pananaliksik

Sa pag-aaral ni Mapa (2014), mananatiling pinakamahalagang bahagi ng

pagtuturo at pag-aaral ang pagkatuto. Ngunit, ang pagkatuto ay nakabatay sa kung

paano at anong paraaan ang gagagmitin ngmga guro sa pagtuturo. Ang mga

pamamaraang gagagmitin ng mga guro ay nakabatay din sa ninanais niyang resulta

na makamit ngmga mag-aaaral, maging sa paksa ng kanyang araling kanyang ituturo.

Malaki ang maitutulong ng mga makabagong estratehiyang gagamitin sa pagtuturo.

Magdudulot ito ng aktibong pakikiisa ng mga mag-aaral sa bob at pananatilihin ang

interes ng mga mag-aaral sa talakayan, Ponce (2000). Nakasalalay sa guro ang interes

ng mga mag-aaral. Kung gagamit ang mga guro ng motibasyon at paggaganyak


magiging madali ang pagkakapukaw ng interes ng mga mag-aaral,Slovin (2000).

Pagsang-ayon sa pag-aaral na isinagawa nina Agbay et.al. (2002), na napatunayan na

nakapagdudulot ng ibayong interes sa mga kasanayan at kaalaman ukol sa partikular

na asignatura ang mga mag-aaral kung ang isang guro ay gumagamit ng iba't ibang

estratihiya na gagamitin sa larangan ng pagtuturo. Kung ang estratihiyang ginagamit

ay matagumpay, ang mga mag-aaral ay mawiwili at magkakaroon ng interes sa pag-

aaral ukol sa mga aralin sa paaralan at iba pang mga bagay-bagay. Gayundin,

maaaring magpakita pa ang mga mag-aaral ng pagpupursige na matuto at mapataaas

ang kani-kanilang mga marka kung ang nasabing mga estratihiya ay matiwasay na

nasagawa. Sa makatuwid, mananatiling nasa kamay ng mga guro ang pag-unlad ng

kanilang mga mag-aaral gayundin ang pagkuha ng kanilang mga interes.Ang

kakayahan ng isang guro sa pagtuturo ay may malaking impluwensaya sa gagawin at

tutunguhin ng isang mag-aaral, ito ay ayon sapag-aaral ni Flores (2002).

Ayon kay Roque (2015), ang kompyuter ay isang mahalang produkto ng

teknolohiya. Para sa mga estudyante ito ay mahalaga lab na kung meron silang

kailangan na hanaping impormasyon. Mahalaga rin ang mga kompyuter games

pagkat ito ay isang paraan ng pagrerelax ng mga estudyante sa stress na gawain sa

eskwela. Ginagamit rin ang kompyuter sa pagprepresenta ng power point. Napapadali

rin ang pagpapadala ng mga mensahe sa pamamagitan ng mga email at social

networking sites na kayang matanggap sa bob ng isang segundo lamang. Nagagamit

din ito ng mga guro sa pagkokompyut ng mga grado ng mga mag-aaral. Na


ginagamit rin upang maging batayan ng mga guro sa kanilang pagtuturo. Sa pag-aaral

naman nina Garcia et.al. (2015), ang mga laptop at iba pang uri ng multimedia ay

lumalabas na nakapagbibigay ng sigla at giliw.Ang mga paggaganyak mula sa

internet ay nililinag nag kakayahan ng mga mag-aaral ng mag-isip ng mga isasagot sa

mga katanungan ng mga guro. Nagdudulot ito ng interes sa mga mag-aaral upang

higit na aralina ng mga Ieksyon at magsisilbi na ring batayan ng mag guro sa

kanilang ituturo. Ang pagaanalisa ay ay nagagawang padaliin at madaling nagagawa

ng guro na mapaliwang at mabigyang linaw ang mga araling tinatalakay. Kaugnay

nito, ayon pa rin kay Guerero, ang mga umuunlad na teknolohiya ay isang malaking

tulong bilang basehan ng mga guro at mag-aaral, kung saan hindi na niya kailangang

gumamit ng napakaraming mga aklat sa pagtuutro. Sa tulong ng mga teknolohiyang

ito madaling maipapakita ng mga guro ang konteksto ng aralin gamit ang mag bidyo

at power point presentasyon. Dagdag pa rito, ang pag-usbong ng social networking

sites at patuloy na pag-unlad ng mga internet connection, nagiging madali ang tulay

at pagpapasa-pasa ng mga impormasyon. Sa sarbey naman na ginawa ng Rizal

Science High School (2009), ang kapaligiran ng eskwelahan o kiasrum ay

nakaaapekto sa okus ng mga mag-aaral. Halimbawa, kapag madumi at maingay ang

paligid ng isang klassrum ay hindi makapagaral ang mga mag-aaral ng maayos. Ang

kagamitan ng paaralan ay malaki ang epekto sa mga mag-aaral gaya na lamang ng

mga sira-sirang upuan at kulang-kulang na bilang ng mag aklat. Ngunit ayon naman

kay Badayos (2008), anumang paraan ang gamitin ng guro sa pagtuturo, higit na
dapat matutukan an gang istilo ng pagkatuto ng mga mag-aaral sapagkat sila ang

matuto sa kahit anong mabisang paraang gamitin ng mga guro.

e.) Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Nakatuon ang pananaliksik na ito sa pagsusuri ng mga salik na

nakakaapekto sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa pagbuo ng pananaliksik. Saklaw nito

ang mga mag-aaral ng BS Accountancy na mayroong papel pananaliksik sa

asignaturang Filipino. Limitado ang pananaliksik na ito para sa mga mag-aaral ng

BS Accountancy. Lubos ang paniniwala ng mga mananaliksik na magiging malaki

ang kontribusyon ng isinasagawang pananaliksik sapagkat ito ay nmakakatulong sa

mga mag-aaral upang mas mabilis na matutunan ang mga proseso at hakbangin sa

pagbuo ng isang papel pananaliksik.

f.) Kahulugan ng mga Katawagan


Papel Pananaliksik
- ang pananaliksik ay isang mapanuring pagsisiyasat ng mga ideya, isyu,
konsepto o anumang bagay na nangangailangan ng sapat na patunay, at maari ding
magpasubali sa kaisipang inilalatag ng mga naunag pag-aaral (Atanacio et.al 2009).
-gampanin ng mga mag-aaral sa ginagawang pag-aaral.
Salik
- isang bagay na karaniwang nagiging dahilan ng pangyayari na
nakaaapekto sa posibleng resulta (Nakpil et.al 2000).
-nakaaapekto sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa pagbuo ng papel
pananaliksik
Mag-aaral
- taong nag-aaral at maaring bihasa sa talino. Ang estudyante ay tinuturuan
ng guro na mag-aaral at makadiskubre ng mga bagay. Lahat ng tao ay dumadaan sa
proseso ng pagiging estudyante. Ang mga estudante ay nangangailangan ng mga
silid-aralan at mga kagamitan pang-iskwela (Wikepedia).

II. Mga Kaugnay na Literatura sa Pag-aaral

Awit ng Pangarap
By: Yeng Constantino

Bawat tao'y magkakaiba, iyong Ika'y matuto (matuto)


makikita Ganyan ang tao (ang tao)
Iba't ibang istorya, iba't ibang Itanim sa puso, dahil
paniniwala Nais naming marating
Ngunit nagsisikap (nagsisikap) Tuktok ng mga bituin
Para sa pangarap (para sa Di kami titigil
pangarap) Papatunayan sa buong mundo
May sakripisyo, pawis Kayang kaya natin 'to
binubuno Di kami susuko
Nagbabago (nagbabago) Nakikinig ka ba
Ganyan ang tao (Ganyan ang Imulat mo ang iyong mga mata
tao) Dinggin ang sigaw ng iyong
Itanim sa puso, dahil damdamin
Sabihin ang hangarin
Nais naming marating
Tuktok ng mga bituin Nais naming marating
Di kami titigil Tuktok ng mga bituin
Papatunayan sa buong mundo Di kami titigil
Kayang kaya natin 'to Papatunayan sa buong mundo
Di kami susuko Kayang kaya natin 'to
Di kami susuko
Nag-iisang damdamin ang
aming aawitin Nais naming marating
Ating Tagumpay
by: Coco Martin
Eto tayo ngayon
Sama-samang umaahon
Kapit-kamay sa bawat hakbang
Malayo nang inabot
Ng iyong diskarte't galing
At kung sabay ang paglakbay
Tiyak ang ating tagumpay
Ang galing ng Pilipino iwagayway
Ibang klase ang talino
Tapang ay walang kapantay
Sa sipag mo't tyaga
Umaangat buong bansa
At yan ang ating tagumpay
Ito ang ating tagumpay
Patuloy silang humahanga
Sa sipag mo angat sa iba
Alay ang buong puso
Yan tayo Pilipino
Ang pinoy ay magaling
Tuktok ay nararating
At kung watawat ang gabay
Tiyak ang ating tagumpay
Ang galing ng Pilipino iwagayway
Ibang klase ang talino
Tapang ay walang kapantay
Sa sipag mo't tyaga
Umaangat buong bansa
At yan ang ating tagumpay
Ito ang ating tagumpay
Ang galing ng Pilipino iwagayway
Ibang klase ang talino
Tapang ay walang kapantay
Sa sipag mo't tyaga
Umaangat buong bansa
At yan ang ating tagumpay
Ito ang ating tagumpay

WIKA NG KARUNUNGAN
by Dr. Jennifor L. Aguilar
(Tula)
Kamangmangan, kamangmangan, Ikaw ang umaalipin sa sambayanan Ikaw ang
gumagapos sa kaunlaran Ikaw ang dahilan ng kaguluhan Ikaw rin ang gumagahasa sa
katiwasayan
Kay tagal mong nagkubli sa mga edukasyon ng dayuhan Sa relihiyong niyakap at
pananampalatayang hiram Sa imperyalismo't pananakop ng mauunlad na bayan
Kami'y iyong inilugmok, tinanggalan ng kasarinlan Naghihikahos ngunit
nangangarap ng aming kalayaan!
Kalayaan sa kamangmangan, kasaguta'y karunungan! Nguni't karununga'y makukuha
ba sa wikang hindi alam? WIKANG FILIPINO ang WIKA NG KARUNUNGAN ng
mga PILIPINO SA SARILING NATING BAYAN!
Edukasyong K-12 sagot ka raw sa kamangmangan Outcomes-Based Education para
makasabay sa ibang bayan CMO 20 - FILIPINO'y tinanggal sa mga kolehiyo't
pamantasan! Hindi ba't lahat ito'y taliwas sa prinsipyo ng karunungan?
Palibhasa'y makadayuhan ang wikang nagpoproseso sa kaisipan Kaya't makadayuhan
rin ang nakikitang kalutasan Nawalan ng tiwala sa sariling kakayanan
Pananampalataya sa ibang lahi ang ipinagpipilitan lginigiit ang karunungang
nagdadala satin sa KAMANGMANGAN!
CHANGE IS COMING!!! Naghuhumiyaw na SIGAW ng mga PILIPINO Ngayo'y
iniupo ang kakaibang pangulo! Papatayin ko kayo mga P"©#&$# Ina Nyo! Madaling
maunawaan dahil nasa Wikang Filipino
Wikang Filipino, Ipaglaban! Gamitin sa Edukasyon ng sambayanan Itama ang K-12
at ituon sa kailangan ng mamamayan Maging siyentipiko, makamasa at makabayan
CMO 20, ibasura! Filipino'y huwag tanggalin sa Kolehiyo Edukasyong Pilipino para
sa mga Pilipino Patatagin ang pagkalahi, patatagin ang pagkatao Doon lang tayo
makasasabay sa mamamayan ng buong mundo!
Panahon nang itaguyod ang sariling wika Sa sariling lahi, sa sariling bansa Walang
nang iba na dito ay dadakila Kundi tayong mga iniluwal ng bayang sinisinta.

III. Pamamaraan

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay isang uri ng kwantitatibong pananaliksik, kung

saan tataglayin nito ang mga datos na nakalap na siyang makapagbibigay linaw sa

pananaliksik na isinasagawa. Kinakailangang makapagbigay ng istatistikong datos

mula sa mga respondente at mailahad ang kasagutan sa mga nasabing layunin.

Respondente

Ang mga respondente na napili para sa pag-aaral na ito ay mga mag-aaral

na nasa kursong BS Accountancy na nasa kasalukuyang proseso ng pagkatuto ng

pagbuo ng isang papel pananaliksik.

Instrumento ng Pananaliksik
Ang pananaliksik na ito ay isasagawa sa pamamagitan ng pagsasarbey

kung kaya ang mananaliksik ay naghanda ng mga kwestyoner na magiging batayan

ng mga datos o impormasyon na kakailanganin para sa pananaliksik. Ang

mananaliksik ay namili ng sampung respondante mula sa mag-aaral ng BS

Accountancy sa kakatawan sa kabuuang bilang ng nasa nasabing kurso.

IV. Pagsusuri, Paglalahad at Interpretasyon

Ang mananaliksik ay naglalayong malaman ang mga salik sa pagkatuto sa

paggawa ng papel pananaliksik ng mga mag-aaral ng BS Accountancy sa

pamamagitan ng mga sumusunod:

1. Ang tesis ay madaling matutunan

2. Madali lamang gawin ang tesis kung maraming mapagkukunang impormasyon

3. Nakakatulong ang silid-aklatan sa pagkalap ng mga hinahanap na impormasyon

4. Nakakatulong ang mga halimbawang tesis sa silid-aklatan

5. Nakakatulong ang internet sa madaling mapagkukunan ng impormasyon

6. Mahirap gawin ang tesis

7. Ang tesis ay nangangailangan ng sapat na pag-intindi at pag-unawa


8. Kailangan ng mahabang panahon sa paggawa ng tesis

9. Ang tesis ay dagdag gawain sa aming mag-aaral

10. Ang tesis ay gawaing pampaaralan lamang at walang pakinabang

Salik na Nakaaapekto sa Pagkatuto ng Paggawa ng Papel Pananaliksik ng mga


mag-aaral ng BS Accountancy sa John Paul College

Pahayag Mean Deskripsyon


1. Ang tesis ay madaling matutunan 2.7 Nagdadalawang isip
2. Madali lamang gawin ang tesis kung maraming 2.0 Sumasang ayon
mapagkukunan ng impormasyon
3. Nakakatulong ang silid aklatan sa pagkalap ng 2.0 Sumasang ayon
mga hinahanap na impormasyon
4. Nakakatulong ang mga halimbawang tesis sa 2.0 Sumasang ayon
silid-aklatan
5. Nakakatulong ang internet sa madaling 2.0 Sumasang ayon
mapagkukunan ng impormasyon
6. Mahirap gawin ang tesis 1.8 Sumasang ayon
7. Ang tesis ay nangangailangan ng sapat na pag- 1.7 Sumasang ayon
intindi at pag-unawa
8. Kailangan ng mahabang panahon sa paggawa ng 1.7 Sumasang ayon
tesis
9. Ang tesis ay dagdag gawain sa aming mag-aaral 1.9 Sumasang ayon

10. Ang tesis ay gawaing pampaaralang lamang at 1.9 Sumasang ayon


walang pakinabang
Lumalabas sa pagtatala, na sa unang pahayag na ‘Ang tesis ay madaling

matutunan’, ang mga respondente ay ‘Nagdadalawang isip’. Dalawa sa sampung

respondante ang di sumasang ayon sa unang pahayag. Pito sa sampung respondante

ang nagdadalawang isip sa unang pahayag, at isa sa sampung respondante ang lubos

na sumasang ayon sa unang pahayag.

Lumalabas sa pagtatala, na sa pangalawang pahayag na ‘Madali lamang

gawin ang tesis kung maraming mapagkukunan ng impormasyon’, ang mga

respondente ay ‘Sumasang ayon’. Tatlo sa sampung respondante ang nagdadalawang

isip sa pangalawang pahayag. Lima sa sampung respondante ang sumasang ayon sa

pangalawang pahayag, at dalawa sa sampung respondante ang lubos na sumasang

ayon sa pangalawang pahayag.

Lumalabas sa pagtatala, na sa pangatlong pahayag na ‘Nakakatulong ang

silid aklatan sa pagkalap ng mga hinahanap na impormasyon’, ang mga respondente

ay ‘Sumasang ayon’. Dalawa sa sampung respondante ang nagdadalawang isip sa

pangatlong pahayag. Anim sa sampung respondante ang sumasang ayon sa

pangatlong pahayag, at dalawa sa sampung respondante ang lubos na sumasang ayon

sa pangatlong pahayag.
Lumalabas sa pagtatala, na sa ika-apat na pahayag na ‘Nakakatulong ang

mga halimbawang tesis sa silid-aklatan’, ang mga respondente ay ‘Sumasang ayon’.

Dalawa sa sampung respondante ang nagdadalawang isip sa ika-apat na pahayag.

Anim sa sampung respondante ang sumasang ayon sa ika-apat na pahayag, at dalawa

sa sampung respondante ang lubos na sumasang ayon sa ika-apat na pahayag.

Lumalabas sa pagtatala, na sa ika-limang pahayag na ‘Nakakatulong ang

internet sa madaling mapagkukunan ng impormasyon’, ang mga respondente ay

‘Sumasang ayon’. Dalawa sa sampung respondante ang nagdadalawang isip sa ika-

limang pahayag. Anim sa sampung respondante ang sumasang ayon sa ika-limang

pahayag, at dalawa sa sampung respondante ang lubos na sumasang ayon sa ika-

limang pahayag.

Lumalabas sa pagtatala, na sa ika-anim na pahayag na ‘Mahirap gawin ang

tesis’, ang mga respondente ay ‘Sumasang ayon’. Tatlo sa sampung respondante ang

nagdadalawang isip sa ika-anim na pahayag. Dalawa sa sampung respondante ang

sumasang ayon sa ika-anim na pahayag, at lima sa sampung respondante ang lubos

na sumasang ayon sa ika-anim na pahayag.

Lumalabas sa pagtatala, na sa ika-anim na pahayag na ‘Mahirap gawin ang

tesis’, ang mga respondente ay ‘Sumasang ayon’. Tatlo sa sampung respondante ang

nagdadalawang isip sa ika-anim na pahayag. Dalawa sa sampung respondante ang


sumasang ayon sa ika-anim na pahayag, at lima sa sampung respondante ang lubos

na sumasang ayon sa ika-anim na pahayag.

Lumalabas sa pagtatala, na sa ika-pitong pahayag na ‘Ang tesis ay

nangangailangan ng sapat na pag-intindi at pag-unawa’, ang mga respondente ay

‘Sumasang ayon’. Tatlo sa sampung respondante ang nagdadalawang isip sa ika-

pitong na pahayag. Anim sa sampung respondante ang sumasang ayon sa ika-pitong

na pahayag, at isa sa sampung respondante ang lubos na sumasang ayon sa ika-pitong

na pahayag.

Lumalabas sa pagtatala, na sa ika-walong pahayag na ‘Kailangan ng

mahabang panahon sa paggawa ng tesis’, ang mga respondente ay ‘Sumasang ayon’.

Tatlo sa sampung respondante ang nagdadalawang isip sa ika-walong pahayag. Isa sa

sampung respondante ang sumasang ayon sa ika-pitong pahayag, at anim sa

sampung respondante ang lubos na sumasang ayon sa ika-walong pahayag.

Lumalabas sa pagtatala, na sa ika-siyam na pahayag na ‘Ang tesis ay

dagdag gawain sa aming mag-aaral’, ang mga respondente ay ‘Sumasang ayon’. Apat

sa sampung respondante ang nagdadalawang isip sa ika-siyam na pahayag. Isa sa

sampung respondante ang sumasang ayon sa ika-siyam na pahayag, at lima sa

sampung respondante ang lubos na sumasang ayon sa ika-siyam na pahayag.

Lumalabas sa pagtatala, na sa ika-sampung pahayag na ‘Ang tesis ay

gawaing pampaaralang lamang at walang pakinabang’, ang mga respondente ay


‘Sumasang ayon’. Apat sa sampung respondante ang nagdadalawang isip sa ika-

sampung pahayag. Isa sa sampung respondante ang sumasang ayon sa ika-sampung

pahayag, at lima sa sampung respondante ang lubos na sumasang ayon sa ika-

sampung pahayag.

V. Paglalagom, Konklusyon at Rekomendasyon

Paglalagom
Ang pananaliksik na ito ay isinagawa sa pagnanais na malaman ang mga

salik na nakaaapekto sa pagkatuto ng mag-aaral na nasa kursong BS Accountancy sa

pagbuo ng papel pananaliksik. Ang mananaliksik ay gumamit ng kwalitatib-

kwantitatib na pananaliksik. Sa pamamagitan ng pagbuo ng mga kwestyoner,

nagsagawa ang mga mananaliksik ng isang sarbey sa sampung (10) mag-aaral.

Lumalabas sa pagtatala na sa unang pahayag ukol sa ang tesis ay madaling

matutunan na may mean na 2.7, nangangahulugang nagdadalawang isip ang mga

respondente ukol dito. Samantalang sa ikalawang pahayag naman ukol sa madali

lamang gawin ang tesis kung maraming mapagkukunan ng impormasyon na may

mean na 2.0 na nangangahulugang sumasangayon ang mga respondente ukol dito.


Samantalang sa ikatlong pahayag naman ukol sa nakakatulong ang silid aklatan sa

pagkalap ng mga hinahanap na impormasyon na may mean na 2.0 na

nangangahulugang sumasangayon ang mga respondente ukol dito. Samantalang sa

ika-apat na pahayag naman ukol sa nakakatulong ang mga halimbawang tesis sa

silid-aklatan na may mean na 2.0 na nangangahulugang sumasangayon ang mga

respondente ukol dito. Samantalang sa ika-limang pahayag naman ukol sa

nakakatulong ang internet sa madaling mapagkukunan ng impormasyon na may

mean na 2.0 na nangangahulugang sumasangayon ang mga respondente ukol dito.

Samantalang sa ika-anim na pahayag naman ukol sa mahirap gawin ang

tesis na may mean na 1.8 na nangangahulugang sumasangayon ang mga respondente

ukol dito. Samantalang sa ika-pitong pahayag naman ukol sa ang tesis ay

nangangailangan ng sapat nap ag-intindi at pag-unawa na may mean na 1.7 na

nangangahulugang sumasangayon ang mga respondente ukol dito. Samantalang sa

ika-walong pahayag naman ukol sa kailangan ng mahabang panahon sa paggawang

tesis na may mean na 1.7 na nangangahulugang sumasangayon ang mga respondente

ukol dito. Samantalang sa ikasiyam ma pahayag naman ukol sa ang tesis ay dagdag

gawain sa aming mag-aaral na may mean na 1.9 na nangangahulugang

sumasangayon ang mga respondente ukol dito. Samantalang sa ika-sampung pahayag

naman ukol sa ang tesis ay gawaing pampaaralan lamang at walang pakinabang na


may mean na 1.9 na nangangahulugang sumasangayon ang mga respondente ukol

dito.

Konklusyon

Batay sa mga datos at impormasyong nakalap, ang mga mananaliksik ay

nagkaroon ng sumusunod na kongklusyon:

1. Higit kalahati ng populasyon ng mga mag-aaral ng MSHS ay naapektuhan ang

pakikinig ang mga leksyon bunsod ng ingay ng mga kapwa mag-aaral.

2. Ang presesnsya ng silid-aklatan ay nakakatulong sa mga mag-aaral upang

makakalap ng mga impromasyong kailangan nila, dagdag pa dito ang internet na mas

malawak na mapagkukunan ng impormasyon,


3. Lubos na sinang-ayunan ng mga mag-aaral na ang papel pananaliksik ay dagdag

gawain lamang para sa kanila, kung kaya't masasabing ang kanilang kaalaman ukol

sa papel pananaliksik ay hindi gaanong kalawig. Hindi nila alam ang importansya ng

papel pananaliksik.

Rekomendasyon

Matapos ang isinagawang pag-aaral , buong pagpapakumbabang

minumungkahi ng mananaliksik ang mga sumusunod na rekomendasyon para sa mga

sumusunod:

1. Kagawaran ng Edukasyon.

Makapaglaan ng sapat na pondo para sa mga aklat na sasapat sa bilang ng

mga mag-aaral sa bawat paaralan.

2. Tagaplano ng Kurikulum.
Makapaglatag ng mga gabay sa pagtuturo na mas magpapayabong ng mga

kaalaman ng at kasanayan ng mga mag-aaral sa pagbuo ng papel pananaliksik.

3. Mag-aaral.

Pag-ibayuhin ang pag-aaral ukol sa pagbuo ng papel pananaliksik,

gayundin ay panatilihing disiplinado ang mga sarili sa loob ng silid-aralan.

VI. Talasangguniaan

John Paul College (Library)


https://www.google.com/search?rlz=1C1SQJL_enPH864PH864&sxsrf=ALeKk03cpJ98j8Gx24o6SLZcLY-
UpMt18A:1583646273252&q=Dictionary&stick=H4sIAAAAAAAAAONQesSoyi3w8sc9YSmZSWtOXmMU4-
LzL0jNc8lMLsnMz0ssqrRiUWJKzeNZxMqFEAMA7_QXqzcAAAA&zx=1583646583259
https://www.wikipedia.org/
https://scholar.google.com/
https://www.onlineocr.net/

VII. Mga Dagdag na Datos

You might also like