You are on page 1of 9

KABANATA II

Mga Kaugnay na pag-aaral

Matutunghayan sa bahaging ito ang mga kaugnay na pag – aaral at literatura mula

sa mga nakalap na pananaliksik sa iba’t ibang kaparaanan gaya na lamang ng mga

artikulo, aklat, mga nakaraang pananaliksik at mga sites na siyang naging basehan at

gabay sa pagsasagawa ng pananaliksik na ito. Sa bahagi ring ito mabibigyan ng gabay

ang mga mambabasa kung tungkol saan talaga ang pokus ng mga mananaliksik at mga

kaugnay o kaparehong mga pag – aaral nito

“Dekalidad na Edukasyon”. Ito ang sigaw ng bawat isa sa atin. Nag nanais tayo na

ito’y matugunan ng institusyon kong saan tayo nag-aaral. Ang dekalidad na edukasyon

ay makakamtan lamang kung malalaman ang mga salik na siyang makatutulong upang

paunlarin ang performans ng mga mag-aaral. Ang gawain na ito ay ang responsibilad

ng guro. Dapat niyang malaman kung anu-ano ito sa ganoon ay makapagplano siya ng

mga estratihiya namakapagbibigay daan tungo sa mas maunlad at produktib na resulta

sa performans ng mga mag-aaral. Isa sa mga asignatura na kasalukuyang kabilang sa

bawat na programa sa pag-aaral nainilatag ng DEPEd ay ang Filipino. Ang Filipino ay

isang asignatura na tumatalakay sa mga bagay-bagay na may kaugnayan sa ating

Wikang Pambansa

Mahalagang paglaanan ng panahon na matukoy ang mga estilo ng pagtuturo ng

mga guro na siyang magsisilbing puwersa sa aktibong pag-aaral sapagkat ito ang

sukatan sa aktibong motibasyon ng bawat mag-aaral dapat akma ang estilong

gagamitin sa pagtuturo upang mas lalong maintindihan ng mga mag-aaral ang isang
paksang tatalakayin. Sa pagpapatunay nina Chickering at Gamson(1987), ang pag-

aaral ay hindi isang palabas na isportang mga mag-aaral ay hindi natututo nang malaki

sa pamamagitan ng pag-upo sa klase at pakikinig lamang sa mga guro, pagsasaulo sa

mga impormasyon, at pagsagot sa mga katanungan. Dapat din nilang pag-usapanang

kanilang natutuhan, isulat ang tungkol dito, iugnay ito sa mga karanasan,ilapat ito sa

kanilang pang-araw-araw na pamumuhay at dapat din nilang tanggapin ang kanilang

natutunan bilang isang bahagi na ng kanilang sarili.

Sa Unibersidad ng Oklahoma, ayon sa pag-aaral ni Dee Fink (2003),ang epektibong

estilo o teknik sa pagtuturo ay ang basehan sa aktibong motibasyon ngunit hindi lahat

ng guro ay may kakayahan pa tungkol sapaggamit ng epektibong estilo para sa

aktibong pag-aaral. Ang mag-aaral dinay walang kamalayan sa kanyang responsibilidad

sa pag-aaral. Ang aktibong pag-aaral ay nakatuon sa pagtulong sa mga mag-aaral na

makisangkot sa pag-aaral subalit hindi lahat ng paaralan ay may kapasidad na makamit

ito; ang iba hindi angkop ang estilong ginagamit sa pagtuturo na idinudulog ng guro sa

nilalaman ng paksa.

Ang guro ay may napakahalagang papel sa paghubog ng kakayahan ng mga

kabataan. Sila ay nagsisilbing instrument upang matamo ng mga mag-aaral ang

inaasam na tagumpay sadarating na panahon. Kung kaya ang guro ay nahaharap sa

pagsubok kung papaano niya mas mapapabuti ang pagtuturo parasa inaasam-asam na

layunin. Sa pagtupad ng layunin na ito hindi lamang ng guro kunghindi pati ang ating

pamahalaan ay magkaagapay upangmagkaroon ng pagbabago sa sistemang

edukasyon. Ang K to 12 Kurikulum (2012) ay ipinanukala upang matugununan

angpangangailangan ng mga mag-aaral at makasabay sila sapandaigdigang


kompetisyon. Ang pagbabagong ito ay nakatuon din sa pagbabago saparaan ng

pagtuturo ng mga guro sa iba’t ibang asignatura. Ang tradisyunal na paraan ay pinalitan

ng mga makabagong estratehiya na mas gaganyak sa interes ng mga mag-aaral sa

kanilang pag-aaral.

Ang kaalaman sa iba’t ibang istilo sa pagkatuto ay nagbibigay ng pagkaunawa sa

pagkakaiba ng bawat tao. Dahil sa palagay na ito, nahihinuha natin kung papaano

naaapektuhan at kung ano ang mararamdaman ng isang tao sa iba’t ibang sitwasyon.

Ang kaalaman ng istilo ng pagkatuto ay mahalaga dahil napapadali nito ang proseso ng

pagkatuto ng isang indibidwal sapagkat nagkaroon siya ng malinaw at tiyak na

kabatiran sa pangangalap at tamang kapamaraanan sa pag-intindi sa mga

impormasyon.

Ang pangingibang-bayan o penomenon ng diaspora ang isa sa iilang natitirang

pamamaraan na nakikita ng maraming pamilyang Filipino para sa panlipunang

mobilidad sa kasalukuyang panahon. Sa loob ng ilang dekada, ang pagpapaigting sa

polisiya ng labor export ng pamahalaan, ang nagtulak sa marami nating kababayan na

maghanap ng kabuhayan sa labas ng bansa. Nilalayon ng papel na ito na dalumatin

ang naging karanasan ng mga mananaliksik sa kanilang pakikipag-ugnayan sa

komunidad ng mga Pilipinong naninirahan sa Venezia, Italya at pagtuturo ng wika at

kulturang Filipino sa mga bata at kabataang miyembro nito. Sa tatlong taon ng

pagpapatupad ng Manunggul Jar Project: Programang Pangedukasyon sa Wika at

Kulturang Pilipino na proyekto ng Departamento ng Filipino ng Pamantasang De La

Salle, ibabahagi ng dalawa sa mga naging guro ang kanilang karanasan sa paggamit

ng sining sa pagtuturo ng wikang Filipino ay pagpapakilala ng kulturang Pilipino sa mga


pangalawa hanggang pangatlong henerasyon ng mga Pilipinong naninirahan na sa

Italya. Gamit ang penomenolohikal na pagsusuri sa kanilang karanasan, nakita ng mga

mananaliksik ang malaking papel na ginagamapanan ng sining sa integrasyon nito sa

pedagohiya at pagtuturo sa mga bata at kabataan. Napagtanto sa pag-aaral na ito na

ang mga ginamit na estratehiya at dulog sa pagtuturo ng mga guro gamit ang iba’t

ibang anyo at genre ng sining at literatura, mula sa mga aktibidad nito, ay nakatulong

ng malaki sa pagpapakilala sa mga bata at kabataang lumaki at mas pamilyar sa wika

at kultura ng bansang Italya

Mahalaga ang wika sa lahat ng aspekto ng buhay dahil kaakibat nito ang lahat ng

gawain ng tao. Sa proseso ng pagtuturo at pagkatuto, hindi matatawaran ang

mahalagang papel na ginagampanan ng wika sa ikatatagumpay ng mga mag-aaral.

Ayon kay Brumfit (1995), mahalaga ang wika sa lahat ng asignatura dahil ito ang

kasangkapan sa pagkatuto. Ang tagumpay sa loob at labas ng paaralan ay nakikita sa

kakayahan ng tao na gamitin ang wika sa iba’t ibang larangan. Mahalaga kung gayon

ang pagkakaroon ng iba’t ibang kasanayan at kakayahan sa wika kung ninanais ng

isang tao na magtagumpay. Sa pagkatuto ng wika, kadalasang nagsisimula ang

paglinang muna sa kasanayang makinig bago makapagsalita at ang kasanayang

magbasa bago makapagsulat. Ang pandinig ay isang napakahalagang sangkap sa

epektibo at matagumpay na pagkatuto ng wika; at dahil ang wika ay likas na tunog,

nagkakaroon ng kahirapan ang mga may kapansanan sa pandinig. Ang mga taong may

kapansanan sa pandinig ay tumutukoy sa mga bingi at nagkakaroon ng di maayos na

input sa bahagi ng tainga na kasangkapan sa pakikinig. Dahil sa sitwasyong ito,


naaapektuhan ang pag-unlad ng kanilang pasalitang pagpapahayag at nagkakaroon

sila ng malaking suliranin sa komunikasyon.

Ang pagkabingi ayon sa Individuals with Disabilities Act (IDEA) ay tumutukoy sa

kapansanan sa pandinig na masyadong malala kaya nagkakaroon ng kahirapan sa

pagpoproseso ng mga impormasyong lingguwistika sa pakikinig. Nakaaapekto ito sa

pagganap ng mga mag-aaral sa paaralan (Federal Register, 1992) sa pagbanggit ni

Agwayaway (2007). Dahil dito, minabuting masuri ang paraan ng pagpapahayag ng

mga taong may kapansanan sa pandinig sa paraang pasulat dahil kadalasang hindi sila

nakalilikha ng tunog. Hindi rin lahat ay marunong sa pasenyas na wika (sign language)

na siyang pinakakasangkapan ng mga taong may kapansanan sa pandinig, kaya ang

pasulat na wika ay isang paraan sa pakikipagtalastasan nila sa iba. Isa sa mga dahilan

ng hirap ng mga mag-aaral sa pagkatuto ng wika tulad ng Ingles at Filipino ay ang

kabiguang makarinig o pagiging limitado sa pakikinig ng mga wikang ito. Sa mga taong

may kapansanan sa pandinig, ang pasenyas na wika lalo na ang American Sign

Language (ASL) na siyang nakasanayan ng nakararami at iba pang anyo ng manwal na

komunikasyon ang pinakagamitin dahil sa katangian nitong biswal (Holcomb 1992, 1-2).

Binigyang-diin ni Charrow (1981) na hindi ang kakulangan sa pakikinig ng mga taong

may kapansanan sa pandinig ang dahilan ng kanilang suliraning pangwika kundi ang

hindi nila pagkatuto at paggamit ng wika.

Ang mga kondisyong ito ang nagtulak sa mananaliksik upang siyasatin ang mga

hirap na ito lalo sa aspektong pasulat bilang isa sa pinakahuli at pinakamahirap matamo

sa mga kasanayang makro. Gayundin, ang pasulat ay isa sa epektibong paraan upang

magkaroon ng komunikasyon ang mga taong may kapansanan sa pandinig at ang mga
taong hindi marunong ng pasenyas na wika. Ninanais ng pag-aaral na matukoy ang

kahirapan sa iba’t ibang aspekto/kategorya ng wika ng mga mag-aaral na may

kapansanan sa pandinig sa kanilang isinulat na journal. Sa pamamagitan ng

pagkamulat sa kanilang hirap sa wika, matutulungan ang gaya ng mga guro,

administrador, estudyante, at iba pa upang makabuo ng mga epektibong pamamaraan

at teknik sa pagpapaunlad ng kanilang kasanayang magsulat sa Filipino. Gayundin, ang

pag-alam sa kanilang mga suliraning kinakaharap ay makapagbibigay ng sapat na

impormasyon upang mabigyan ang mga mag-aaral na may kapansanan sa pandinig ng

mga naaangkop na suportang serbisyo na magbubunga ng epektibong pagkatuto ng

wika bilang kasangkapan nila sa pag-aaral sa lahat ng asignatura.

You might also like