You are on page 1of 12

PANANAW NG MGA PILING MAG-AARAL SA UP,PUP AT PNU SAKURIKULUM NG PROGRAMANG

PANGKOLEHIYO NA MAY MALAKINGKINALAMAN SA PAGPAPANATILI AT PAGPAPAUNLAD NG


WIKANGFILIPINO
Tesis na iniharap sa mga dalubguro ng Kagawaran ng Filipinolohiya Kolehiyo ng mga Wika at
Lingggwistika Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas Bilang pagtugon sa kahingian sa kursong Batsilyer
ng Artes sa Filipinolohiyasa asignaturang Pagsulat ng Tesis (FO 421)

Mga mananaliksik:
Peña, Romeo P.Moreno,
Grace A.Gonzaga,
Aiza R.Castillo,
Rolina B.Balauro,
Arnel C.Omac,
Oliver Glenn S.Fellizar,
Joy Zerlaine S.

Oktubre, 2007
PAGPAPAKILALA NG PANGKAT

Ang mga bumubuo sa pangkat na nagsagawa ng pag-aaral sa PANANAW NG MGA PILING MAG-AARAL
SA UP, PUP AT PNU SA KURIKULUM NGPROGRAMANG PANGKOLEHIYO NA MAY MALAKING KINALAMAN
SAPAGPAPANATILI AT PAGPAPAUNLAD NG WIKANG FILIPINO ay ang mgasumusunod:

Peña, Romeo P.
Pinuno

Mga Kasapi:

Moreno, Grace A.Gonzaga,

Aiza R.Castillo,

Rolina B.Balauro,

Arnel C.Omac,

Oliver Glenn S.Fellizar,

Joy Zerlaine S.
PASASALAMAT

Buong pusong pinasasalamatan ng mga mananaliksik ang PANGINOONG DIYOS na


walang sawang sumusubaybay at gumagabay sabawat kasapi upang matapos ang
pag-aaral na ito. Salamat sa ibinibigay Mong karunungan, pag-ibig at pananampalataya
sa bawat isa.
Pinasasalamatan din sina Prof. Lolita K. Abueg Prof. Emelinda C. Layosat Prof. Robert
M. Baldago na nagsilbing lupon ng tagasulit sa depensangoral. Salamat sa pakikinig sa
bunga ng aming pawis at salamat sa mga kritisismo at mungkahi na malaki ang
naitulong bpara ganap na magingmaayos ang aming pananaliksik.

Lubos ding pinasasalamatan si Prof. Perla S. Carpio, ang tagapayo nanagsilbing ina at
patuloy na kumalinga sa bawat problemang dumarating samga mananaliksik.
Salamat sa napakalawak na pag-unawa at matalinongpag-iisip sa pangaraw-araw
na gawain sa unibersidad.

Pinasasalamatan din si Dr. Corazon P. San Juan, ang dekana ng kolehiyona walang
patid ang pagtulong upang maisakatuparan ang pagdedepensa ngpananaliksik. Taos
puso ring pinasasalamatan si Dr. Virgilio S. Almario at Prof. Vina P.Paz ng Unibersidad
ng Pilipinas, Dr. Lydia B. Liwanag at Prof. Patrocinio V.Villafuerte ng Pamantasang
Normal ng Pilipinas sa pagpapahintulot namakapagserbey sa inyong mga mag-aaral.
Maraming salamat po sa inyongmabubuting puso.

Maraming salamat muli kay Prof. Emelinda C. Layos na nagsilbingunang ina ng


mananaliksik, kay Prof. Ma. Victoria R. Apigo na nagsilbi ringsandalan naming
mananaliksik, kay Prof. William G. Cabaysa, sa aklatang naging saksi ng malayang
kaisipan at karunungan, kay Prof. Mary Joy A.Castillo, sa pagtuturo ng maayos na
paggawa ng mga liham at programa.Pangalawa sa Lumikha, wagas na
pagpapasalamat sa aming mgamagulang na nagsilbing tubig kapag kami’y nauuhaw,
nagsilbing damit saaming kahubdan, kasing halaga ng hanging ating nalalanghap.

Maramingmaraming salamat, ama, papa, tatay, ina, mama, nanay at sa mga kapatidna
mapagmahal at handang tumulong.Maraming salamat sa mga kaibigan, kakilala at sa
mga taongnakasalamuha habang binubuo ang pananaliksik na ito.At sa huli, salamat sa
edukasyon at wika na nagsisilbing palamuti saating katauhan at ang nagbabantayog sa
karunungan.
PAGHAHANDOG

Iniaalay sa mga punong pinutol para gawing papel.

Iniaaalay sa Panginoong Diyos at mga magulang.

Noong ako ay bata pa,


nasa kupkop pa ni ama,
Batambata, walang malay,t anging anak nga ni ina,
Itinuro niya sa akin at kanyang sinabi:
Unahin mo sa lahat anak, pagtuklas ng kaalaman,
Ito’y pilitin mong matamo kahit gaano kamahal.
Kaalama’y pahalagahan at kanya kang itataas.
Bibigyan kang karangalan kapag siya’y isinakbat.
Siya’y korona sa ulo,s akdal ganda,anong inam,
At putong pa ng luwalhati sa buo mong katauhan
PANIMULA

Ang kurikulum ay isang bagay na napakahalaga sa isang programangpangkolehiyo. Ito ay nagsisilbing


talaan ng mga kurso o asignatura at angbatayan at gabay ng mga guro at mag-aaral sa institusyong
pang-edukasyon

Sa pagpili ng tatlong pangunahing pang-estadong unibersidad saPilipinas tulad ng UP, PUP, at PNU,
ihahain sa pag-aaral na ito kung bakitnapakalaki ng bahaging ginagampanan ng kurikulum ng
programangpangkolehiyo na may malaking kinalaman sa wikang Filipino kaugnay sapagpapanatili at
papapaunlad ng wikang Filipino.

MGA LAYUNIN NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong sagutin ang mga sumusunod nakatanungan:

1. Bakit pinili ng mga mag-aaral sa tatlong piling unibersidadang kursong may malaking kinalaman sa
wikang Filipino?

2. Anu-ano ang pananaw at kaalaman ng mga mag-aaral satatlong piling unibersidad sa programang
pangkolehiyo na maymalaking kinalaman sa wikang Filipino?

3. Anu- ano ang pananaw at kaalaman ng mga mag-aaral satatlong piling unibersidad sa kurikulum ng
programang pangkolehiyona may malaking kinalaman sa wikang Filipino?

4. Sa anong paraan tumutugon para sa pangangailangan ngkasalukuyang panahon ang mga


sumusunod:a. layunin ng programang pangkolehiyo na may malakingkinalaman sa wikang Filipino.b.
mga kurso o asignatura na nakapaloob sa kurikulum ngprogramang pangkolehiyo na may malaking
kinalaman sawikang Filipino.

5. Paano umuugnay ang kurikulum ng programang pangkolehiyosa tatlong piling unibersidad sa


Pangkalahatang Edukasyon na inihainng CHED?

6. Ano ang saloobin ng mag-aaral sa mga preperensyangpangwika kaugnay sa pagpapanatili at


pagpapaunlad ng wiikangFilipino na maaaring ihain ng kurikulum ng programang pangkolehiyona may
malaking kinalaman sa wikang Filipino?

III. SAKLAW AT LIMITASYON

Ang pag-aaral na ito ay kinasasangkutan ng mga piling mag-aaral na maykabuuang bilang na pitumpu’t
lima(75) na kumukuha ng programangpangkolehiyo na B,A. Filipino, B.A. Malikhaing Pagsulat at B.A.
Araling Pilipino(UP); AB Filipinolohiya (PUP); BSE Major in Filipino (PNU).

IV. PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

Ang mga mananaliksik ay gumagamit ng deskriptibong pamamaraan.Nagamit ang pamamaraang ito


sapagkat inilarawan ang kasalukuyangginagamit na kurikulum ng UP, PUP, at PNU. Upang
maisakatuparan ang pag-aaral na ito ay kumunsulta ang mga mananaliksik sa iba’t ibang silid-
aklatangaya sa Pambansang-Aklatan, Ninoy Aquino Learning Resource Center at Silid-Aklatan ng
Kolehiyo ng mga Wika at Linggwistika upang makapangalapng mahalagang datos na may kaugnayan sa
pag-aaral. Kumuha rin ngmahalagang impormasyon sa websayt ng tatlong piling pang-
estadongunibersidad. Humingi ng pahintulot sa pamamagitan ng pormal na liham angmga mananaliksik
sa dekana at tagapangulo na nakasasakop sa mganabanggit na programang pangkolehiyo upang
mapahintulutan namakapagsarbey sa ilang piling mag-aaral namay bilang na dalawampu’t lima(25) sa
bawat unibersidad. May kabuuang pitumpu’t limang (75) binahaginanng talatanungan ng mga
mananaliksik at maayos na ipinaliwanag angnilalaman nito sa mag-aaral.

V. BUOD NG NATUKLASAN AT KONGKLUSYON

Mga Natuklasan

1.Malaya ang mga mag-aaral ngayon na makapamili ng kursong kanilangkukunin pagtuntong nila sa
kolehiyo.

2.Malaki ang pananalig ng mga mag-aaral mula sa UP, PUP at PNU namagiging daan ang programang
pangkolehiyo na B.A. Filipino, B.A.Malikhaing Pagsulat at B.A. Araling Pilipino sa UP; AB Filipinolohiya sa
PUP;at BSE major sa Filipino sa PNU sa pag-aangat sa kamalayan bilang tunayna mamamayang Pilipino.

3. Higit na nakatuon ang mga nasabing programa pangkolehiyo sapropesyon bilang tagahasik ng
kaalaman sa mga paaralan o angtinatawag na guro.

4. Ang isang mag-aaral ay mapapabilang sa mga nabanggit na programangpangkolehiyo ay malaki ang


posibilidad na mapayabong ang kaniyangpagmamahal sa wikang Filipino.

5. Pinakamabisang daan upang magkaroon ng kaalaman ang mag-aaraltungkol sa nilalaman ng


kurikulum ay ang pagbabahagi ng kopya nito.

6. Sa wika higit na nakasentro ang mga nabanggit na programangpangkolehiyo.

7. Intelektwal na pagkatuto ang higit na inihahain ng mga asignatura nanakapaloob sa kurikulum ng


programang pangkolehiyo na BA Filipino, BAMalikhaing Pagsulat at BA Araling Pilipino sa UP; AB
Filipinolohiya sa PUP;at BSE major sa Filipino sa PNU.

8. Ang paggamit ng wikang Filipino sa ulat at korespondensya opisyal ay isasa mabisang paraan upang
lalo pang mapanatili at mapaunlad ang wikangFilipino.

9. Ang pagtangkilik at panonood ng mga palatuntunang Filipino ay isa saepektibong paraan upang lalo
pang mapanatili at mapaunlad ang wikangFilipino.

10. Ang pagbabasa ng iba’t ibang babasahin na nakasulat sa wikang Filipinoay isa sa mabisang paraan
upang lalo pang mapanatili at mapaunlad angwikang Filipino.

11. Ang paggamit ng Filipino sa pagsulat ng mga sulating pampanitikan ay isasa epektibong paraan
upang lalo pang mapanatili at mapaunlad angwikang Filipino.
12. Ang pagsasalin sa Filipino ng mga banyagang sulatin para lalong mabatidng maraming Pilipino isa sa
mabisang paraan upang lalo pang mapanatiliat mapaunlad ang wikang Filipino.

13. ang pagsasalita ng wikang Filipino na hindi ito ikinahihiya ay isa saepektibong paraan upang lalo pang
mapanatili at mapaunlad ang wikangFilipino.

14. ang pagpapalimbag ng maraming aklat sa wikang Filipino upang dumami ang sanggunian ng mgs
mag-aaral ay kailangan upang lalo pangmapanatili at mapaunlad ang wikang Filipino.

15. ang paggamit ng wikang Filipino sa pagtatalumpati ay isa sa mabisang paraan upang lalo pang
mapanatili at mapaunlad ang wikang Filipino.

16. ang pagtangkilik sa mga pelikulang Pilipino ay isa sa epektibong paraan upang lalo pang mapanatili at
mapaunlad ang wikang Filipino.

17. ang pagpapahayag ng kuru-kuro at saloobin gamit ang wikang Filipino ay makatutulong upang lalo
pang mapanatili at mapaunlad ang wikang Filipino.

18. ang pakikiisa sa mga kilusang may kaugnayan sa pagpapaunlad sawikang Filipino ay isang daan
upang lalo pang mapanatili at mapaunladang wikang Filipino.

19. ang panonood at pakikinig sa mga balita sa radyo at telebisyon na wikangFilipino ang midyum ay isa
sa epektibong paraan upang lalo pangmapanatili at mapaunlad ang wikang Filipino.

Mga Kongklusyon

1. Ang pagpili ng mga mag-aaral sa programang pangkolehiyo na maymalaking kinalaman sa wikang


Filipino.Sa masusing pagsasarbey ng mga mananaliksik ay napag-alaman na kaya pinili ng mga mag-aaral
na pumasok o mapabilangsa programang pangkolehiyo ay dahil ito ay kagustuhan nila.Naging malaya
ang mga mag-aaral ngayon sa pagpili ng kursongkanilang kukunin na hindi kainakailangan ng
impluwensiya ngmagulang at ng ibang tao. Sa kabilang banda, malaki rin angnagging bahagdan ng mga
mag-aaral na napagsarhan o nawalanng pagkakataon sa gusto nilang kurso.

2. Sa pagsarbey, sa kabuuan, nagiging instrumento upang maiangat angkamalayan ng mag-aaral bilang


isang Pilipino ang programangpangkolehiyo na BA Filipino, BA Malikhaing Pagsulat at BA Araling
Pilipinosa UP; AB Filipinolohiya sa PUP; at BSE major sa Filipino sa PNU ay nagtalang pinakamaraming
tugon na may bilang na 34 mag-aaral na maykatumbas na 45.33%

Nangangahulugan na may pinakamalaking gampanin angprogramang pangkolehiyo sa tatlong


piling pang-estadongunibersidad sa kalakhang Maynila sa pag-angat sa kamalayanbilang tunay na
mamamayang Pilipino at sa pagmamahal sa wikangFilipino. Nangangahulugan din na higit pa sa hangarin
namakahanap agad ng magandang trabaho ang layunin nito atnaniniwala din ang mga mag-aaral na
magiging dalubhasa sila sawikang Filipino sa pamamagitan bg mga nabanggit na
programangpangkolehiyo sa pamamagitan ng paghasik ng kaalaman o pagigingguro.
3. Ang Pagkatuto – Napatunayan na sa wika talaga higit na nakasentro angmga nabanggit na
programang pangkolehiyo dahil sa napakaramingmag-aaral ang tumugon nito.Naikintal ang pagkatutong
intelektwal sa mga mag-aaralng programang pangkolehiyo na may malaking kinalaman sawika.

4. Ang Pagtangkilik at Paggamit ng Wikang Filipino sa mga Gawaing Pang-unibersidad ng mga Mag-aaral
na may Kinalaman sa PagpapaunladNito. Tinatangkilik ng mga mag-aaral sa pamamagitan ngpanonood
ng mga palatuntunang Filipino, pagbabasa ng iba’tibang babasahin na nakasulat sa wikang Filipino,
pagsasalita ngwikang Filipino na hindi ikinahihiya, pagpapalimbag ngmaraming aklat sa wikang Filipino
upang dumami ang sanggunian ng mga mag-aaral at pagtangkilik sa pelikukangPilipino.Gayundin,
ginagamit ang wikang Filipino sa mga gawaingpang-unibersidad gaya ng sa ulat at korespondensya
opisyal,pagsulat ng mga sulating pampanitikan, pagsasalin sa Filipinong mga banyagang sulatin, sa
pagtatalumpati at sapagpapahayag ng mga kuru-kuro at saloobin. Samakatuwid, angmga mag-aaral na
nasa ilalim ng programang pangkolehiyo namay malaking kinalaman sa p-agpapaunlad ng wikang
Filipino aypatuloy sa paggawa ng mga epektibong paraan sa pagtangkilikat paggamit ng wikang Filipino
sa labas o sa loob ng unibersidadupang lalong mapanatili at mapaunlad ito.

5. Ang Pagpapaunlad sa Wikang Filipino ng mga Mag-aaral sa AspetongSosyalAng pakikiisa sa mga kilos
ang may kaugnayan sapagpapaunlad sa wikang Filipino at ang panonood at pakikinig sa mgabalita sa
radio at telebisyon na wikang Filipino ang midyum ay ilan lamangsa mga epektibong paraan upang
lalong mapanatili at mapaunlad angwikang Filipino sa aspetong sosyal.

VI. Rekomendasyon

1. Mas mainam kung ang maraming bilang Pilipinong mag-aaral ay kukuhang kursong naaayon sa
kanilang kagustuhan na magiging daan sapagpapaunlad ng kanilang sarili.
2. Dapat ipagpatuloy ang paghahain ng mga asignaturang masmagpapalawak sa kaalaman ng mga
mag-aaral sa pangkasalukuyangpanahon lalo na sa kaso ng pagpapanatili at pagpapaunlad ng
wikangFilipino.
3. Higit na patatagin ang layunin at kahalagahan ng pag-aaral ng wikangFilipino.
4. Higit na palaganapin ang mga pamamaraan at preperensyang pangwikana lalong
magtataguyodsa wikang Filipino.
5. Higit na pahalagahan ng mga mag-aaral ang mga Gawain na maykinalaman sa wikang Filipino.
6. Dapat pag-ibayuhin ng mga programang pangkolehiyo na may malakingkinalaman sa wikang
Filipino ang pangunguna sa pagpapatatag atpagpapayabong ng wikang Filipino sa iba’t ibang
larangang pang-edukasyon.
7. Maging matulungin ang mga ahensyang pang-edukasyon at pangwika sapatuloy na
pagpapanatili at pagpapaunlad ng wikang Filipino upang lalongmaging malakas ang pwersa na
gaganap sa usaping ito.
8. Pantilihing tiyak, malinaw, at umuugnay sa kasalukuyangpangangailangan ng panahon ang mga
programang may malakingkinalaman sa wikang Filipino.
9. Ito na ang tamang pagkakataon upang paramihin ang mga programangpangkolehiyo na may
malaking kinalaman sa wikang Filipino na maaaringkabilangan ng mga Pilipinong mag-aaral
pagtuntong sa tersyarya
10. Ang patuloy na pagdaragdag na makatutulong sa pagpapahusay ngpananaliksik na ito ay
tinatanggap ng mga mananaliksik upang lalo pangtumibay ang kredibilidad nito.

10.Ang patuloy na pagdaragdag na makatutulong sa pagpapahusay ngpananaliksik na ito ay tinatanggap


ng mga mananaliksik upang lalo pangtumibay ang kredibilidad nito.

KABANATA 1ANG SULIRANIN AT SANLIGANG PANGKASAYSAYAN

PANIMULA

“Thought is the blossom; language the bud, action the fruit behind it.” -Ralph Waldo Emerson

Malaki ang papel na ginagampanan ng wika sa pagbuo ng isangpambansang identidad o kaakuhan, lalo
na sa pagsabak sa proseso ngglobalisasyon. Mahalagang mabuo muna ang identidad ng isang ng
bansapara makasabay sa hamon ng kasalukuyang panahon.

Ayon kay Dr. Nita Buenaobra, malaki ang bahagi ng mga mamamayangPilipino sa pagtanggap sa Filipino
bilang wikang umiiral sa bansa. Ang ibig sabihin ng Filipino ngayon ay ang wikang nauunawaan ng lahat,
simple, madaling iakma o fleksibol at ekonomikal.

Ang wikang Filipino ay isang isyungsosyo-pulitikal, isang krusada na nangangailangan ng pag-unawa at


atensyonmula sa mamamayan at pinuno na nangunguna sa pagpapaunlad nito bilangkaluluwa ng isang
bansa (Medina, 2003:4).Subalit sa Pilipinas, bunga ng globalisasyon, sa halip na paunlarin angsariling
wika, bakit unti-unting humihina ang wikang Filipino?

Sinabi ni Dr.Galileo Zafra, sa larangan ng pananalita mahirap isipin na magkakaroon ngisang wikang
puro. Ang katotohanan, hihiram at hihiram ang tao mula saibang wika at ito’y tinatanggap na sa
kasalukuyan.Sa mga bansang mauunlad, kahanga-hanga ang kanilang pagmamahalsa kanilang wika. Sa
bansang Hapon, ang mga pabatid sa trapiko ay nasawikang Nihongo. Halimabawa, ang tawag sa no right
turn nila,

Ang kanilang dahilan,aralin mo ang wika namin kung nais mong alamin ang nais naming sabihin.Nasa
wika namin ang pag-unlad at wala sa iba. Sa Malaysia, ang mga pabatidsa trapiko ay nasa wikang Bahasa
Malaysia. Sa kanilang bilihan ng mga libro,ang mga aklat ay nasa wika nila. Ang tawag sa Silicon Valley
nila ay Cyber Jaya at ang sentro ng kapangyarihan, ay Patra Jaya

Tayo, panay Ingles ang titulo, no left turn, no right turn, dagdagan pa natin ng no swerving, no u-turnat
no jay-walking (Turgo, 2004).Bilang mga mananaliksik, napakahalaga ng wikang Filipino. Sakatunayan,
malaki ang naitutulong ng sariling wika sa pagsusulong ngkahusayang pang-akademya sa iba’t ibang
paaralan at unibersidad dito saating bansa, may mga programa na tumatalakay at nagtuturo
ngkahalagahan upang mapanatili at mapaunlad ang wikang Filipino.

May mga programang pangkolehiyo na may malaking kinalaman sawikang Filipino sa iba’t ibang
unibersidad dito sa Piliipinas. Nakapalobb angkurikiulum sa mga programang ito na nagsisilbing talaan
ng mga kurso oasignatura at ang batayan at gabay ng mga guro at mag aaral. Sa pagbibigaykahulugan ni
John Kerr sa kurikulum ay ganito ang isinasaad:

Curriculum defines as all learning which is planned and guided by theschool, whether it is carried on in
groups or individually inside or outside the school (Kelly, 1983:10).

Ang ito ni John Kerr ay sinuportahan at pinalawig sa aklat ni JohnFranklin Bobbitt na may pamagat na

The Curriculum, Ayon kay Bobbitt:

The idea of curriculum has its roots in the Latin word for a race-courseand explained curriculum as the
source of deeds and experiences inwhich children become the adults that they should be, for success
inadult society. Curriculum must be understood as encompassing not only those experiences that take
place within schools, but the entirescope of formative experience both within and outside of schools.
Thisincludes experiences that are not planned or directed, as well asexperiences that are intentionally
directed (in or out of school) for the purposeful formation of adult members of society.

Dahil sa napakahalagang bagay ang kurikulum sa isang programa natumatalakay sa sariling wika,
minarapat ng mga mananaliksik na pag aaralanito. Isinasaalang-alang din ang pagtukoy sa mga layunin
ng kurikulum para sapagkatuto at pagpapalawak ng kaalaman tungkol sa kinukuhang programa.

Kasabay ang pagsisiyasat kung ito ay nakasasabay sa agos ngkontemporaryong panahon. Kasangkot sa
pananaliksik na ito ang pag-alamkung nakatutugon ang bawat kursong nakapaloob sa kurikulum bilang
tulayupang mapanatili at lalo pang mapaunlad ang wikang Filipino. Gayundin kungito ay naaayon sa
inilalabas na pamantayan ng Commission on HigherEducation (CHED).Ayon sa ipinalabas ng Commission
on Higher Education (CHED) SpecialOrder No. 42 Series of 2003 na may paksang

Guidelines for the FormulationOf Policies and Standards of Academic Programs

Sec. 4, Par. e, kung saan angkurikulum ay dapat magtataglay ng:Kurikulum deskripsyon: Kabilang dito
ang:

Kahalagahan at kaugnayan ng mga kurso

Katiyakan at kahalagahan ng kurso na nakatala sa balangkas ngkurikulum

Tiyak na paksang mapakikinabangan at makatutulong sa mgamag-aaral at ibang suhestiyon o inihaing


opsyon.

Suhestiyon sa iba pang paksang maaaring maging alternatibona magpapalawak sa programa.Sa pagpili
ng tatlong pangunahing unibersidad sa Pilipinas tulad ng UP,PUP, at PNU ihahain ng pag-aaral na ito
kung bakit napakalaki ang bahagingginagampanan ng kurikulum sa programang pangkolehiyo na may
malakingkinalaman sa larangan ng Wikang Filipino.

KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN
Noong bago pa man dumating ang mga Kastila sa Pilipinas ay naunanang makarating ang mga taga-
Arabia, India, tsina, Indo-Tsina at Borneo kungsaan sinasabing sila’y mga sibilisado at may sariling
sistema ng pagsulat,batas at moral sa kanilang pamamahala.Ang mga Pilipino ay walang pormal na
metodong pagtuturo. Angkanilang pagkatuto sa mga kaugalian, ideya at mga bagong kaalaman ayhindi
planado at walangsinunod na sistema.Samantalang sa pagdating ng mga Kastila, ay nagsimula
nangnagtatag ntg mga parochial convent schools.

Ang kanilang madalas na pinag-aaralan at binabasa ay mga Kartilya, ang Katon at ang Katesismo.
Angsistema ng kanilang pagkatuto ay indibidwal na pagkakabisa.Nagsimulang magkaroon ng mga
pampublikong paaralan nang itatagito ng mga Amerikano. Ang kurikulum noon ay nakabase sa
paniniwala attradisyon ng mga Amerikano.

Tulad ng pagkakaroon ng mga babasahintungkol sa mg tanyag na personalidad sa Amerika at pagtuturo


ng pagguhitng mga kabahayang may impluwensiya ng Amerika. Ingles din ang ginagamitsa pagtuturo ng
mga asignatura tulad ng Aritmetik, Heograpiya, Siyensya atIngles.Ang kurikulum ay nananatiling hiwa-
hiwalay na asignatura at sinunodnaman ay sistemang pagrupong pagtuturo.Nagkaroon naman noong
panahon ng Komonwelt ng mga Amerikanongsundalong-guro na kung tawagin ay Thomasites. Ang
kurikulum ay umuunlad sa pagkakaroon ng kurso sa pagtatanim, pangangalakal, negosyo at
domesticscience.

Binago ang kurikulum noong dumating ang mga Hapon na isinunod sakanilang kagustuhan sa
pamamagitan ng pagtanggal sa wikang Ingles bilanggamit sa pagtuturo sa halip ay ginamit ang
Niponggo.

BALANGKAS TEORETIKAL

Naka-angkla ang pag-aaral na ito sa mga teoretikal na oryentasyontungkol sa kurikulum na inihain ng


mga Amerikanong edukador at manunulatna sina Lawrence Stenhouse, John Franklin Bobbit, Ralph W.
Tyler at Hilda Taba para lubos na maunawaan ang suliraning inilahad ng mananaliksik.Sa aklat ni Bobbit
na

The Curriculum,

tinalakay niya ang sentral nateorya ng kurikulum. Nakasulat sa aklat niya na: The central theory of
curriculum is simple. Human life, however varied,consists in the performance of specific activities.
Education thatprepares for life is one that prepares definitely and adequately forthese specific activities.
These will show the abilities, attitudes, habits,appreciations and forms of knowledge that people
(students) need. These will be the objectives of he curriculum. They will be numerous,definite and
particularized. The curriculum will then be that series of experiences which children and youth must
have by way of obtainingthose objectives (1918:42).Ayon kay Taba, Stenhouse at Tyler, may apat na
gabay na sinusunodang pagbubuo at pagpaplano sa pagkatuto ng isang mag-aaral sapamamagitan ng
pag-oorganisa ng kurikulum. Ang apat na gabay aymaituturing na teorya at praktika ng kurikulum. Lubos
na mauunawaan angmga gabay na teorya at praktika tungkol sa kurikulum sa pagkakategorya niAristotle
sa karunungan sa tatlong disiplina: teoretikal, produktibo atpraktikal. Ang mga gabay ay ang mga
sumusunod:

Kurikulum bilang kabuuan ng karunungan na dapat ibahagi.

Tumutukoy ito sa pagbabahagi sa mga mag-aaral ng mga paksang pag-aaralan, metodo at konteksto sa
epektibong proseso at pamamaraan.

Kurikulum bilang isang produkto.

Ang gabay na ito ay nakabase saapat na pundamental na tanong ni Tyler na may kinalaman sa teorya
atpraktika ng kurikulum na gamit sa edukasyon. Ang mga tanong ay angsumusunod:1.Anong layuning
pang-edukasyon ang gustong makamit?2.Anong mga karanasang pang-edukasyon ang maibabahagi
paramakamit ang mga layunin?3.Paano maisasaayos ang mga karanasang pang-edukasyon sapagiging
epektibo nito?4.Paano madedetermina kung nakamit na ang mga layuning pang-edukasyon?Base sa
mga inihain ni Tyler na mga tanong ay nabuo niya angkonsepto sa pagtingin sa kabuuang pananaw sa
kurikulum.

You might also like