You are on page 1of 14

Teoritikal na Balangkas

Nagiging matagumpay ang isang pag-aaral lalo na’t may

katulong na mga teorya na siyang gagamiting gabay upang

makamit ang minimiti ng mga mananaliksik.

Isinalig ng mga mananaliksik ang pag-aaral na ito sa

teoryang diskurso. Ang teoryang ito, ay hindi madaling

maintindihan. Ang mga sosyologo at mga politiko kung mag-

isip ang nagdebelop sa buong sistema ng pilosopiya na

umiikot sa terminong ito.

Ang teoryang diskuso ay napatutungkol sa expresyon ng

mga tao, na kadalasan ay nasa anyo ng wika. Binibigyang

tuon dito kung paano nagkakaugnay ang mga sinasabing

expresyon sa kaalaman ng tao. Anumang katotohanan na

lumalaganap sa lipunan ay madaling nababago. Sinasabing

maaaring ang totoo ngayon ay hindi na totoo bukas. Ito ay

nakadepende sa mga ideyang naganap na pagpapalitan ng mga

ideya ng tao sa lipunan at kung saan ito nangyari. Isa pang

binigyang tuon ay kung paano hinubog ng maliliit na tao o

ng isang samahan ang tinatawag na “daloy ng kaalaman”.

Isa sa pinakatanyag sa teoryang ito ay ang pranses na

pilosopo at sosyologo na si Michel Foucault (1926-1984). sa

simpleng paraan, naniniwala si Foucault na ang mundong

tinitirahan natin ay nabuo sa pamamagitan ng kaalaman. Sa


madaling sabi, ang tao o ang mga taong lumikha o bumubuo ng

mga ideya tungkol sa ating mundo na kung saan ang mga

kondisyong ito ay nagiging makatotohanan at ito ay

nagsisimulang maging normal.

May mga tao na mataas ang posisyon para makapagpatunay

kung ano ang totoo, samantalang may iba naman na nawawala

sa diskusyon, halimbawa nalang nito kapag nagkakasakit ang

tao'y mas pinaniniwalaang nakagagamot ang isang doktor

kaysa sa isang matandang nagagamot. Ito'y dahil sa katayuan

sa buhay ng doktor at kasanayan sa panggagamot. Sa madaling

sabi ang teoryang diskurso ay napapatungkol sa hirarkiya na

humantong sa pagpangingibabaw at paglaban, halimbawa kapag

ang magkaibang tao ay nagsumikap na magkaroon ng karapatang

magpahayag tungkol sa mga isyung nangyayari sa lipunan.

Ang pag-uugali at karakteristik ng isang tao ay bunga

ng kanyang katauhan katulad ng kung pang-ilan siya sa

kanilang magkakapatid. Ang ideyang ito ay unang ipinanukala

ng Austrayanong psychiatrist na si Alfred Alder. Naniniwala

siya na ang Birth Order(Panganay, gitna, bunso, walang

kapatid) ng tao ay may malaking epekto sa personalidad ng

tao at sa piniling katayuan sa buhay.

Kapag panganay sila itong nagiging pangalawang

magulang, responsable, matapat, nananalig at siyang


nakikihalubilo sa mga matatanda. Sila din ay mapangmataas o

bossy, hindi nila gusto ang magkamali, ayaw nila ang mag-

alala, sa madaling sabi, gusto nila na ang lahat ng bagay

ay maging perpekto. Kapag sila naman ay panggitna, sila

itong madaling makibagay at mahusay sa pakikitungo sa iba.

Sila rin ang mas nagpapapansin at matiyaga. Karamihan sa

kanila ay nagrerebelde.Sila ay hindi nagpapatalo sa anumang

paligsahan. Wala silang masyadong oras na kasama ang

kanilang pamilya kaya naghahanap sila ng mga paraan para

makuha ang atensyon ng kanilang mga magulang. Kapag bunso,

sila itong kahanga-hanga, mapusok, mabait at “happy-go-

lucky”. Pakiramdam nila na hindi sila siniseryoso at hindi

sila nabibigyan ng kalayaan kaya marami sa kanila ang

nagrerebelde. Gumagawa sila ng mga bagay na kakaiba sa

ginagawa ng ibang miyembro ng pamilya. At kapag kaisa-

isang anak naman, siya itong umaasa sa mga magulang, siya

itong nagiging panganay at bunso sa pamilya. Siya rin ay

malawak kung mag-isip. May mga pagkakataong umaasa siya na

naiintindihan siya ng ibang tao. Nakadepende siya ng

matagal sa kanilang mga magulang, palagi lang siyang

namamalagi sa kanilang bahay at mabagal siya sa

pagdedesisyon pagdating sa kanyang kinabukasan.


Konseptuwal na Balangkas

Sa payak na pagpapakahulugan, ang talumpati ay isang

pormal na pagsasalita sa harap ng mga tao (Abueg at

Catacataca, 2011). Ito‘y nasa anyong tuluyan na nagtataglay

ng isang makabuluhang paksang binibigkas nang maingat upang

makaimpluwensya sa madlang nakikinig. Ito ay itinuturing na

tugon hindi lamang sa tagapakinig kundi maging sa

kapaligiran ng isang nagtatalumpati. Isang pagsisiyasat at

pagsusuri sa mga karanasan sa lipunan ang pinakapuso ng

paksa ng diskursong ito na sinusundan ng pagpapakilala sa

mga kaipala o posibilidad at alternatibong solusyon sa

isang partikular na problema (Dayag at Baisa, 2005).

Layunin nitong magbigay-impormasyon, manghikayat, o mang-

aliw sa mga nakikinig. Sinuman ay maaaring magtalumpati

basta‘t may sapat na kaalaman sa paksang ilalahad at may

kahandaan at kasanayan sa pagharap sa balana upang

magsalita.

Kadalasang pinapangkat ng mga awtor sa tatlong bahagi

ang talumpati. Ito ay ang panimula, katawan at wakas. Ang

panimula ay ang bahagi ng pagbati at pagpapahayag ng

mananalumpati na makagaganyak sa mga tagapakinig na makinig

nang mabuti. Isinasalaysay sa katawan ang mahahalagang

ideya o kaisipang nais ipabatid at ipaunawa ng

nagtatalumpati. Binibigyang diin sa wakas ang kongklusyon


ng nagtatalumpati sa mga bagay na kanyang inilahad sa

kabuuan ng kanyang pagtatalumpati.

Samantala, ayon naman sa ibang manunulat gaya nina

Baisa at Lontoc (2005) at Sauco, et al. (2004), ang

talumpati ay nahahati pa sa apat na bahagi. Una, ito ay ang

panimula na naghahanda sa mga tagapakinig sa diwang ibig

talakayin ng mananalumpati; ikalawa ay ang paglalahad na

siyang pinakakatawan ng talumpati na nagpapaliwanag ng

impormasyong ipinahahayag; ikatlo ay ang paninindigan na

nagsisilbing pinakakaluluwa ng talumpati sapagkat dito

pinangangatuwiranan ng nagtatalumpati ang mga kaisipang

nauna na niyang isinalaysay; at ikaapat ay ang pamimitawan

na nagtatapos sa talumpati sa pamamagitan ng paglalaan ng

kongklusyon sa mga katuwirang binanggit.

Ayon kina Tendero, et al. (2009), kinapapalooban ng

apat na anyo ang talumpati. Ito ay ang isinaulo, binabasa

sa sipi o manuskrito, ekstemporanyo o pinaghandaang on the

spot at impromptu o biglaan. Pinakamadali sa apat na ito ang

binabasa at ekstemporanyo samantalang pinakamahirap naman

ang impromptu at isinaulo.

Maraming uri ng talumpati subalit hindi lahat ay

itinatala o matatagpuan sa isang partikular na aklat. Ito‘y

maaaring pampubliko o pampribado, at pormal o impormal. Isa


na rito ang Talumpati sa Kalagayan ng Bansa na mas kilala

bilang State of the Nation Address o SONA. Ito‘y isang

pormal na talumpating binabasa taon-taon tuwing ikaapat na

Lunes ng buwan ng Hulyo ng sinumang nahalal na pangulo ng

ating bansa. Isa ito sa napakaraming tadhanang isinasaad ng

kasalukuyang saligang batas, ang Konstitusyon ng 1987, na

kinakailangang bigkasin sa pinakamataas na pulpito ng

gusaling pang-Kongreso ng ating pamahalaan.

Pinakalayunin ng alinmang SONA na magbigay-

impormasyon o mag-ulat sa ssambayanan ng mga hakbang na

isinagawa at isinasagawa ng administrasyon para sa

ikabubuti ng bansa. Malawak ang temang saklaw nito sapagkat

lubhang napakaraming paksa ang matutunghayan sa SONA ng

isang pangulo. Naglalaman ito ng mga usapin at sitwasyong

pambansa gaya ng mga isyung pang-edukasyon, pang-ekonomiya,

pangkalikasan, pangkalusugan, pampolitika at panseguridad.

Dito rin natutunghayan ng mga tagapakinig ang damdamin,

diwa, lunggati, mga balak, paniniwala at mga pansarili at

pambansang pagpapahalaga ng isang pangulong nagtatalumpati.

Dagdag pa, ang mga pamamaraan sa pagtatalumpati, gaya ng

kilos ng katawan at kumpas ng kamay, na ipinamamalas ng

isang pangulong bumibigkas ng ganitong uri ng talumpati, ay

dito rin masisilayan ng sinumang nagnanais na makinig at


magmasid nang mabuti. Isa rin itong daan upang iugnay ng

nagsasalita ang mga paksang ipinahahayag sa personal niyang

buhay.

Alinmang SONA na ipinahayag ay angkop suriin hindi

lamang dahil sa ito‘y inilalathala manapa‘y sa masaklaw

nitong kalikasan na tumatalakay sa napakaraming bagay sa

ating lipunan. Subalit anumang pagsusuri ng SONA na

isasagawa ay kinakailangang maging maingat ang isang

magtatangkang mananaliksik na suriin ito.


Mga Isyung
Tinalakay

SONA ni
Pangulong
Duterte
Diskursong
Ginamit

Figura 1. Istematik na Modelo ng Pag-aaral


Paglalahad ng Suliranin

Nilalayon ng pananaliksik na ito na masuri ang mga

siyung tinakay at diskursong ginamit na mababasa mula mga

SONA ni pangulong Duterte.

Tinatangka nitong sagutin ang mga sumusunod na

katanungan:

1. Ano- anong mga isyu ang tampok sa mga SONA ni

Pangulong Duterte?

2. Anong uri ng diskurso ang ginamit ni Pangulong

Duterte sa kangyang mga SONA?

3. Ano ang mga implikasyon ng kanyang SONA sa

komunidad, mga guro at mag-aaral?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ninanais ng Pag-aaral na ito na masusing masuri ang

mga SONA ni Pangulong Duterte. Naniniwala ang mga

mananaliksik na makatutulong nang malaki ang pag-aaral na

ito hindi lamang para sa kanila at maging sa lahat ng

mamamayang may malasakit at matagal nang sumusubaybay sa

mga usaping pambansa:

Gurong nagtuturo ng Agham Panlipunan. Makapagtatamo

sila ng mas malalim na kabatiran hinggil sa mga nilalaman


ng mga talumpating sinuri na tiyak na makadaragdag sa

kanilang mabisa at makabuluhang pagtuturo ng kasaysayan,

lipunan at pamahalaan ng ating bansa.

Gurong nagtuturo ng Filipino at Ingles. Maaari nilang

gamitin ang mga piyesang sinuri bilang lunsaran ng kanilang

pagtuturo ng talumpati sa panitikan. Samantala, ang bawat

pagpapahalagang matatagpuan sa mga talumpating ito ay

maaari ring magamit ng mga guro sa Edukasyong Pagpapahalaga

sa kanilang pagtuturo.

Kawani ng pamahalaan. Hindi lamang kabatiran ang

kanilang matatamo sa mga nilalaman ng bawat talumpating

sinuri manapa‘y mabisa rin nilang maisasakatuparan ang mga

simulaing isinasaad nito bilang pagtupad sa sinumpaan

nilang tungkulin na maging tapat ang kanilang paglilingkod

sa sambayanang Pilipino.

Kapwa nila mga mananaliksik. Higit yaong kasalukuyang

mga nagpapakadalubhasa sa Agham Panlipunan, kanilang

malalaman ang katuparan ng mga pangakong binitiwan ng mga

pangulong nabanggit noong mga nagdaang halalan na pawang

mahalagang lahat sa kanilang pag-aaral; ito‘y walang iba

kundi ang mga proyektong kanilang naisakatuparan tungo sa

pagpapaunlad ng ating ekonomiya at mga kalutasang kanilang


ipinairal upang matuldukan ang iba‘t ibang suliraning

pambansa.

Mag-aaral. Partikular na yaong mga nasa antas

sekundarya, kanilang matutunghayan ang mga nagawa at

ginagawang hakbang o pagbabago sa ating lipunan ng mga

naging pangulo at ng kasalukuyang pangulo upang maibsan ang

lumalalang krisis na nararanasan ng ating bansa.

Mga mamamayan. Mahirap man o mayaman, na bumubuo sa

ating lipunan at may pakialam sa mga usaping pambansa tulad

ng mga isyung pang-edukasyon, pang-ekonomiya,

pangkalikasan, pangkalusugan, pampolitika at panseguridad,

kanilang mapag-iisipan ang kaganapan at kabisaan ng mga

paksang inilahad sa mga talumpating sinuri.

Saklaw at Deliminasyon
Nakatuon ang pag-aaral sa pagsusuri ng mga talumpati

ng kasalukuyang Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Ito ay ang

Talumpati sa Kalagayan ng Bansa o State of the Nation

Address (SONA) na kanilang ipinahayag sa Batasang Pambansa,

Lungsod ng Quezon mula 2016-2018.

Saklaw ng pagsusuring ito ang nilalaman ng mga

talumpati ng kasalkuyang pangulo; ito ay ang isyung

tinalakay na nagpapakita ng kanilang pagmamahal sa bayan.


Nakapaloob din sa pagsusuri ang mga diskursong ginamit nila

sa pagtatalumpati upang mabisa nilang maihatid ang

mensaheng nais nilang iparating sa mamamayang Pilipino.

Katuturan ng mga Terminolohiya

Sa bahaging ito, binibigyang-katuturan ang mga

sumusunod na mga katawagan ayon sa pagkagamit nito sa pag-

aaral at pananaliksik na ito para mas lalong maging malinaw

at maintindihan.

Mensahe. Ito ay ang nakaeengganyo o makahulugang

komunikasyon mula sa isang propeta, manunulat, pinuno at

katulad (Almario). Sa pag-aaral na ito, ito ang mga bagay o

paksang nais ipabatid at ipaunawa ng mga pangulong

nabanggit sa kani-kanilang piling mga talumpati.

Pagsusuri. Ito ay isang masusing pag-aaral, pag-

eeksamen, o pagsisiyasat sa anumang ibig malaman o

matuklasan (Abueg at Catacataca). Sa pag-aaral na ito, ito

ay ang masusing pagsisiyasat sa ilang piling Talumpati sa

Kalagayan ng Bansa ng mga pangulong nabanggit.

Pakikipag-ugnayang pangmasa. Ito ay ang pansariling

pamamaraan ng mga prominenteng tao ng ating lipunan sa

pakikisalamuha sa karaniwang mamamayan ng ating bansa. Sa

pag-aaral na ito, ito naman ang pansariling pakikipag-

ugnayan ng mga pangulo, bilang mga politiko at pinuno ng


bansa, sa lahat ng mamamayang Pilipino na kanilang

ipinamalas sa kanilang pagtatalumpati.

Paksa o Isyung Tinalakay. Ito ay ang bagay na pinag-

uusapan o tinatalakay na ibig mangyari ng isang nagsasalita

(Abueg at Catacataca). Sa pag-aaral na ito, ito ay ang mga

usaping pang-edukasyon, pang-ekonomiya, pangkalikasan,

pampolitika at panseguridad ng bansa na pawang tinalakay ng

mga pangulo sa kani-kanilang mga piling talumpati.

Pamamahala. Ito ay ang proseso sa pagkontrol at

paghawak sa mga bagay o sa mga tao (Almario). Sa pag-aaral

na ito, ito ay ang pagganap ng mga pangulo sa kanilang

tungkulin at pagsisilbi sa taumbayan na masasalamin sa

kanilang pagtatalumpati.

Pamamaraan o Diskursong Ginamit. Ito ay isang sistema

ng mga paraan, tuntunin at simulain sa pagsasaayos ng isang

larang (Almario). Sa pag-aaral na ito, ito ay ang tanging

paraang ginamit ng mga pangulo sa kanilang pagtatalumpati.

Pangulo ng Pilipinas. Siya ang namumuno sa sangay na

ehekutibo ng ating pamahalaan na inihahalal ng taumbayan at

maaari lamang manungkulan ng isang termino sa loob ng anim

na taon (Oliveros, et al., 2007).


SONA. Ang Talumpati sa Kalagayan ng Bansa (Ingles:

State of the Nation Address, pinapaikli bilang SONA) ay

taunang kaganapan sa Republika ng Pilipinas, na kung saan

inuulat ng Pangulo ng Pilipinas ang kalagayan ng bansa,

karaniwang sa pagbukas muli ng pinagsamang sesyon ng

Kongreso (ang Kapulungan ng mga Kinatawan at Senado).

Tungkulin ito ng Pangulo na nakasaad sa Artikulo VII,

Seksiyon 23 ng Saligang Batas ng 1987.

Talumpati. Ito ay ang sining ng maayos na paghahanay

ng mahahalagang kaisipan at mabisang paraan ng paghahatid

ng mga ito sa mga tagapakinig sa pamamagitan ng pagbigkas

sa ibabaw ng entablado (Tanawan, et al., 2004). Sa pag-

aaral na ito, ito ay ang anyo ng panitikang pinag-aralan ng

mga mananaliksik.

You might also like