You are on page 1of 13

PANANALIKSIK

Pangangalap ng Datos:
Archival at Etnograpiya

*Juan Sumulong Memorial Schools System Inc. – SENIOR HIGH SCHOOL


PANANALIKSIK
Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahang:
1. Maipaliwanag ang archival research at etnograpiya
bilang mga paraan sa pangangalap ng datos
2. Makapagsuri ng mga halimbawang saliksik na
naisagawa gamit ang archival o etnograpiya
3. Makapagsagawa ng isang simpleng pananaliksik na
ginagamitan ng paraang archival o etnograpiya

*Juan Sumulong Memorial Schools System Inc. – SENIOR HIGH SCHOOL


PANANALIKSIK

Pananaliksik na Archival

*Juan Sumulong Memorial Schools System Inc. – SENIOR HIGH SCHOOL


PANANALIKSIK

- Ang tradisyunal na paraan ng


pangangalap ng mga datos na
nagmumula sa mga silid aklatan at museo.
- Sabihin mang panahon ng internet
ngayon, hindi pa rin mawawala sa isip ang
magpunta sa mga silid-aklatan upang
manaliksik.
*Juan Sumulong Memorial Schools System Inc. – SENIOR HIGH SCHOOL
PANANALIKSIK
- Sa tradisyunal na pangangalap ng datos, karaniwang
gumagamit ng tinatawag na card catalogue ang isang
nananaliksik. Sa catalogue na ito, nakaayos ang mga librong
hahanapin sa pananaliksik. Nakaayos ayon sa pamagat,
awtor, at tema ng libro.

- Sa kasalukuyang panahon, malimit na lamang gamitin ang


card catalogue at sa halip, gumagamit na ng tinatawag na
Online Public Access Catalogue o OPAC kung saan lahat ng
nakasaad sa isang card catalogue, makikita at
matutunghayan na lamang sa pamamagitan ng online na
resources.

*Juan Sumulong Memorial Schools System Inc. – SENIOR HIGH SCHOOL


PANANALIKSIK
Ang isang silid-aklatan ay may sumusunod na mahahalagang bahagi
o seksiyon:

1. General Reference Books – Dito matatagpuan ang seleksiyon ng mga


aklat na may kinalaman sa pangkalahatang sangkap ng karunungan
sa iba’t ibang disiplina. Dito rin makikita ang mga koleksiyon na
maipagmamalaki ng silid-aklatan.

2. Reserved Collections – Dito matatagpuan ang mga batayang aklat o


iba pang librong sanggunian na inererekomendang gamitin.

3. Filipiniana – koleksiyon ng babasahing gawa ng mga pinipitagang


manunulat na Filipino sa iba’t ibang larangan. Makikita rin dito ang
mahahalagang sulating tanging tumatalakay sa pagka-Filipino.

*Juan Sumulong Memorial Schools System Inc. – SENIOR HIGH SCHOOL


PANANALIKSIK
4. Reference Collections – Dito mababasa ang mga
sangguniang materyal tulad ng encyclopedia, handbooks,
directories, mga diksiyonaryo, yearbooks, indeks, at iba pang
katulad.
5. Periodical Sections – Dito mababasa ang mga pangunahing
pahayagan sa loob at labas ng bansa. Araw-araw itong ina-
update upang mabigyan ng pinakabagong kaalaman ang
mga nananaliksik hinggil sa lipunan sa loob at labas ng bansa.

6. Journal Sections – Dito mababasa ang iba’t ibang academic


publications

*Juan Sumulong Memorial Schools System Inc. – SENIOR HIGH SCHOOL


PANANALIKSIK

7. Audio-Visual material collections – makikita ang


mga koleksiyong nakarekord, sa audio o biswal na
pamamaraan man. (pelikula, awitin, dokumentaryo,
at iba pang recorded clips)

8. Thesis/Dissertation section – Bahagi kung saan


mababasa at masusuri ang mga isinulat na tesis o
disertasyon ng mga guro at estudyante ng silid-
aklatan ng unibersidad o koleksiyong iyon.

*Juan Sumulong Memorial Schools System Inc. – SENIOR HIGH SCHOOL


PANANALIKSIK

Pananaliksik na Etnograpiya

*Juan Sumulong Memorial Schools System Inc. – SENIOR HIGH SCHOOL


PANANALIKSIK
- Ang etnograpiya ay ang malalimang pag-oobserba sa isang
likas na kapaligiran upang makagawa ng tumpak at
madetalyeng paglalarawan ng pamumuhay ng mga tao sa
loob ng kulturang iyon at ng mga bagay na
pinahahalagahan nila (Rubin at Babbie, 2010) –
(kuwalitatibong pakikipanayam at kuwalitatibong
obserbasyon)

- Ayon pa kay Ken Anderson, ito ay sanga ng antropolohiya


na kaugnay ng pag-unawa sa kung paano namumuhay ang
mga tao.

*Juan Sumulong Memorial Schools System Inc. – SENIOR HIGH SCHOOL


PANANALIKSIK
- Mula sa Merriam Webster, ito ay ang pag-aaral
at sistematikong pagtatala ng kultura ng mga
tao.
- Kung gayon, sa ganitong pananaliksik,
bumibisita ang mananaliksik sa isang aktuwal
na lugar upang magsagawa nang pagmamasid
at pakikipanayam sa mga taong may
kinalaman sa isinisagawang pananaliksik.

*Juan Sumulong Memorial Schools System Inc. – SENIOR HIGH SCHOOL


PANANALIKSIK
Ayon kina Margaret D. LeCompte at Jean J.
Schensul sa kanilang aklat na Designing and
Conducting Etnographic Research: An Introduction
(2010), ang mga sumusunod ay ilan sa mga metodo
ng etnograpikong pananaliksik:

1. Sarbey
2. Etnograpikong Pakikipanayam
3. Obserbasyon

*Juan Sumulong Memorial Schools System Inc. – SENIOR HIGH SCHOOL


PANANALIKSIK

Takdang aralin:

Magsaliksik ng mga kaugnay na


pag-aaral at literatura (5 each) at
gumawa ng tenatibong
bibliograpiya

*Juan Sumulong Memorial Schools System Inc. – SENIOR HIGH SCHOOL

You might also like