You are on page 1of 13

Sorsogon State College School of Graduate Studies Qualitative Researches

__________________________________________________________________________________

Gurong Nanay sa Pagtuturo: Dulog sa kabila ng Pandemya


Eric P. Gelilio
Master of Arts in Education- Major in Filipino
eric.gelilio@deped.gov.ph

Abstrak- Tinukoy ang dulog sa pagtuturo ng mga gurong nanay sa kabila ng pandemyang kinahaharap
ng lipunan sa makabagong sistema ng Kagawaran ng Edukasyon. Ang pananaliksik ay ginamitan ng
komparatibong pag- aanalisa ng mga datos batay sa dalawang kalahok na mayroong anak sa dalawang
antas ng pag- aaral: Elementarya at Sekundarya. Kwalitatibong disenyo ng pananaliksik ang ginamit.
Ginamitan rin ng purposive sampling bilang sampol at populasyon ng pag- aaral. Inalisa at sinuri ang
mga datos batay sa open- ended na kasagutan ng mga kalahok. Ginamitan ng dokumentong pagrerekord,
pagsasalin-diwa ng mga kasagutan na nakaangkla sa tanging tunguhin ng pag- aaral. Batay sa resulta
ng pag- aaral, natukoy ang propayl ng mga kalahok batay sa natapos na akademik ng pag- aaral;
kawalan ng sapat na kaalaman, kasanayan at paghahanda ang salik na nakaapekto sa pagtuturo ng mga
gurong nanay; pagsasaayos ng time- scheme schedule at paghahanda ng mga pangangailangang pang-
akademik ang tanging inobatibong dulog na naisakatuparan ng mga gurong nanay sa paraan ng
pagtuturo. Nabuo ang panukalang “Guro si Inay, aking isasanay!”, bilang programa sa pagsasanay,
pagbubukas ng inobatibong dulog, at pagtetertolya ng mga istilo, pamamaraan at istratehiya ng mga
gurong nanay sa pagtuturong tahanan at makaambag sa tanging layunin ng Kagawaran ng Edukasyon.

Susing salita- Gurong Nanay (Mother-teacher), Pagtuturo (teaching), Dulog (approach/es), Inobatibo
(innovation), Panukalang “Guro si Inay, Aking Isasanay!” (Action plan and Program)

INTRODUKSIYON
Ang guro bilang isang instrumento ng pagkatuto ay may malawak na responsibilidad ayon sa
kanilang sinumpaang katungkulan. Ang guro ay may isang mataas na kredibilidad sa mata ng mga mag-
aaral. Sila ang nagsisilbing pundasyon ng sistematiko at organisadong pagbuo ng mag-aaral sa
makabuluhang kaisipan, kaugalian at pagkatao.

Alinsunod sa [1] RA 4670 o Magna Carta for Public Teachers, Sek. 2, ang guro ay ang mga
indibidwal na saklaw ang pagtuturo sa isang silid- aralan, sa iba’t ibang antas ng pagtuturo, sa isang
buong kasanayan, maging isang guidance counselor, school librarian, pambokasyunal at industriyal na
tagasanay, at iba pang indibidwal na sinasaklaw ang pang- administratibo at superbisyon na pinagtibay ng
isang pampublikong kagawaran. Hindi na sakop nito ang mga sumusunod: school nurse, school
physician, school dentists at iba pang mga manggagawa.

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat ang tanging gampanin ng isang guro sa isang dimensyunal na
pagtuturo. Saklaw nito ang iba’t ibang larangan ng pagkatuto upang higit na malinang ang kakayahan ng
bawat mag-aaral sa aspekto ng pagharap sa mga kasalukuyang kaganapan sa lipunan. Ang guro ay
kumakatawan sa isang masusing pagsusuri ng mga kaalaman, pagkatuto, abilidad, kakayahan maging
pagkatao ng isang indibidwal.
[2] Ayon nga kay Pagkalinawan (2015), hindi sapat na maituro ng isang guro kung ano ang
paksang – aralin kundi kung paano niya ito maituturo at matututuhan ng mga mag- aaral. Kaya nga, hindi
nasusukat ang kahusayan ng guro sa dami ng kaniyang naituturo kundi sa kalidad ng natututuhan ng
kaniyang mga estudyante.
[3] Ayon sa aklat na “Ang Tradisyunal at Makabagong Paraan ng Pagtuturo” (2010), upang
maging mabisa at mabilis ang pagkatuto kinakailangan ang paggamit ng mabubuting pamamaraan ng
pagtuturo upang mas higit na maging kawili-wili at mabisa ang pagkatuto ng mga mag- aaral.

Ngunit, sa panahon ng Pandemya ang mga sinumpaang ito ay maililipat sa ibang dulog at
pagkatuto. Isang malaking hamon ito sa mga kaguruan sa lipunan kung paano maisasakatuparan ang
pananaw ng malawakang pagkatuto at pagtuklas alinsunod sa misyon at bisyon ng Kagawaran ng
Edukasyon.

[4] Ayon kay Schmidt (2013), nagsisimula ang makabuluhang pagtuturo sa tahanan, binigyang
diin niya na ang mga magulang ang siyang magiging pundasyon ng pagharap ng isang bata sa realidad na
tunguhin niya sa kaniyang buhay, dagdag pa niya, nakaguhit na sa mga kamay ng mga magulang ang
tamang pagdisiplina upang higit na mahubog sa pakikipag-ugnayan sa kapwa at lipunan.

[5] Ayon kay Tom Perry (2010), ang ina ang nagtuturo sa mga anak sa tahanan, sapagkat ayon sa
kaniyang pananaw plano ng Diyos na ang tungkulin ng mga ina ay magbibigay- ddin sa pagkalinga at
pagtuturo sa susunod na henerasyon, dagdag pa niya malaki ang gampanin na nakaakibat sa ina sa
pagpapalaki ng mga anak upang higit na maging responsable sa pagpapasya sa buhay.

Kung lalagumin ang dalawang pag- aaral, binibigyang implikasyon nito na ang ina bilang ilaw ng
tahanan ay may natatanging gampanin sa malawakang pagkatuto ng mga anak. Sila ang magsisilbing
ehemplo upang maging handa ang anak sa susunod pang hamon na haharapin sa lipunang kinalakhan.

Sa makabagong modalidad na pinagtibay ng Kagawaran ng Edukasyon dahil sa Pandemya, apat


na platforms ang napagkasunduan ng mga nasa katungkulan, ayon sa paghahanda at pag- aaral ito ang
Online class, Face to face, Modular at Blended. Ngunit dahil sa patuloy na paglaganap ng Pandemya,
naalis ang Face to Face, at higit na pinagtibay ang Modular na metodo ng pag- aaral. Sa kabila ng mga
pagpapasyang ito, maraming mga pagbabago ang dapat na harapin ng mga magulang lalong- lalo na sa
pagtugon ng kalidad ng Edukasyon. Ito ang nag- udyok sa mananaliksik upang alamin, suriin at
analisahin ang mga pagbabagong ito sa mga magulang, guro, mag- aaral at sa mga ina bilang pokus ng
pananaliksik. Sangkot sa pag- aaral na ito ang kakayahan at inobatibong dulog ng mga Gurong Nanay sa
makabagong normal na Sistema ng Kagawaran ng Edukasyon.

LAYUNIN NG PAG- AARAL


Dahil sa mga pagbabago ng sistema ng edukasyon, nabuo ang pananaliksik tungkol sa paksang
Gurong Nanay sa Pagtuturo: Dulog sa kabila ng Pandemya. Sinagot ang mga sumusunod na tunguhin ng
pag- aaral. (1) Matukoy ang pagkakaiba- iba ng Propayl ng mga Gurong Nanay sa Pagtuturo sa kabila ng
Pandemya. (2) Matukoy ang mga salik na nakakaapekto sa pagtuturo ng mga Gurong Nanay. (3) Matukoy
ang mga kakaibang dulog ng mga Gurong Nanay sa pagtuturo ng bagong modalidad ng Kagawaran ng
Edukasyon. (4) Makaambag sa mga inobatibong dulog ng mga gurong nanay sa pagtuturo at pagtuklas ng
karunungan batay sa resulta ng pag- aaral.

2
PAMAMARAANG GINAMIT

Ang pananaliksik ay ginamitan ng komparatibong pag- aanalisa ng mga datos batay sa


kwalitatibong disenyo ng pag- aaral. Purposive sampling ang ginamit upang makakalap ng mga kalahok
sa pag- aaral, ginamit sa pananaliksik ang open- ended na katanungan upang masagot ang epekto at dulog
ng makabagong modalidad ng Kagawaran ng Edukasyon. Personal na interbyu sa mga gurong nanay
upang maitala ang mga inobatibong dulog na pamamaraan ayon sa tanging tunguhin ng Kagawaran ng
Edukasyon sa pamamagitan ng pagsunod ng pangkalusugang protokol sa kabila ng pandemya. Ginamit
ang audio- recording bilang instrumento sa pagbabalik- salaysay ng mga gurong nanay batay sa mga
katanungang inihanda ng mananaliksik.

RESULTA AT PAGTALAKAY NG PAG- AARAL

(1) Propayl ng mga Gurong Nanay sa Pagtuturo sa kabila ng Pandemya.

Ang propayl ng kalahok ay may malaking gampanin sa pag- aaral sapagkat mahihinuha dito ang
anyo, bista o balangkas ng tao (English 2009). Sa pag- aaral na ito, natukoy ang propayl batay sa
pinakamataas na natapos ng kalahok. Inalisa at sinuri ang propayl batay sa personal na interbyu sa mga
kalahok

Kalahok A.

“Grade 6 man lang an natapos ko, wara man nga ako kaaram- aram sadi na mga modyuls, pero
sa bata ko, inhihinguha, maski papan- o baya sir, nakasimbag man…”

(salindiwa- baitang 6 lamang ang natapos ko kaya’t walang kaalam- alam hinggil sa modyuls,
ngunit, para sa aking anak, magsusumikap, kahit papano sir, nakakasagot naman…)

Ayon sa pag- aaral ni Wayne (2016), malaking usapin sa lipunan ang estadong maaring
kabilangan ng mga indibidwal na nagtapos lamang sa elementarya at sekundarya kumpara sa diplomang
pangkolehiyo. Dagdag pa niya, isang malaking hamon ito sa pamilya maging sa pakikibaka sa lipunan.

Implikasyon ng pag- aaral na ito sa kasalukuyang pananaliksik ang ginagampanan ng kababaan


ng propayl sa antas ng estado ng pag- aaral, pinatutunayan sa oras ang makabagong sistema ng
edukasyon, malaking tipak ito sa pagtuturo ng mga nanay lalong- lalo na sa mga natatanging layunin ng
Kagawaran ng Edukasyon hinggil sa mga modalidad ng pagtuklas at pagkatuto

Kalahok B.

“May certificate man ako sa TESDA ugang, NCII, pero mapagal man gihapon, kay may trabaho,
pagal na, maasikaso pa sa balay, wara mahihimo kundi i- tsek an bata ko kun nanu na an mga
modyuls, hanggang didto lang sir, kay may internet man, kaya na niya ‘yun.

(salindiwa- mayroong sertipiko ako sa TESDA, NCII, pero mahirap rin dahil sa may trabaho
ako, pagod na, mag- aasikaso pa sa bahay, walang magagawa kundi itsek ang anak ko kung
kumusta na ang mga sagutang modyuls, hanggang doon lang sir, mayroong internet naman, kaya
na nila ‘yun)

3
Ayon kay Biῆas (2017), ang mga makabagong guro ay mga gurong nakapagtapos ng apat na
taong kurso sa pangkolehiyong akademik at pangangailangan. Pinatutunayan nito na mataas ang antas ng
kaalaman ng konteksto sa mga indibidwal na may mataas na kredensyal ng pag- aaral.

Implikasyon na ang isang gurong nanay na mayroong mataas na antas ng edukasyon ay may higit
na kaalaman sa paraan ng pagtuturo at paglalapat ng mga ideya sa mas mataas pa nitong layunin.
Nakaangkla ang pag- aaral ni Biῆas sa kakayahang makapagturo ng mga gurong nanay sa makabagong
modalidad ng pag- aaral ng Kagawaran ng Edukasyon.

Batay sa pag- aanalisa ng resulta, makikita ang kaibahan ng propayl sa antas ng pagkatuto ng
bawat kalahok. Pinatunayan ng resulta na ang pagtuturo ng makabagong modalidad ng pag- aaral ay
malaking hamon sa mga gurong nanay, lalong- lalo na sa mga gurong nanay na mayroong mababang
antas ng edukasyon.

(2) Salik na nakaapekto sa pagtuturo ng mga Gurong Nanay

Kalahok A.

“Wara internet connection, wara san kaaraman sa modyuls, maski sabihon pa na may mga simbag
na sa likod, wara man gihapon, kay kaipuhan itukdo nakay irog sadto an simbag. Mapagal saamo,
lalo na saako na may duwa pa na estudyante, nan kawaraon man sir, wara pa niyan masyado
trabaho dahil sadi na pandemic. Natatapos man, pero mao yun, wara kasiguraduhan kun tama an
pagka- eksplain ko sa bata ko…”

(salindiwa- walang internet connection, walang sapat na kaalaman sa modyuls, kahit sabihin pa
nating mayroon ng kasagutan sa likod, wala pa rin, kailangan pa ring ituro kung bakit nagkagano’n
ang kasagutan. Mahirap para sa amin, lalo na sa akin na mayroong dalawang estudyante, walang-
wala rin, wala pa ngayong gaanong trabaho dahil sa pandemya. Natatapos rin, pero ‘yun, walang
kasiguraduhan kung tama ba ang aking pagpapaliwanag…)

Ayon sa pag- aaral ni Fungo (2015), bagaman nailatag na ang mga pangangailangan sa pagtuklas ng
mga kaalaman at pagkatuto, mayroon pa ring mga sagabal sa pagpapatupad nito. Ang pag- aaral na ito ay
nagbigay patunay sa kasalukuyang pag- aaral sapagkat, sa kabila man ng kahandaan ng Kagawaran ng
Edukasyon ay may mga salik paring nakakaapekto sa pagtugon nito.

Kalahok B.

“Bzhunon sir sa trabaho, minsan gab- I na an uli, syempre nagtatrabaho para sa pangangaipo sadi
na mga bata ko, an saro college, duwa ini na hayskul, minsan natutukduan, an aram ko lang,
inpapabayaan ko nalang ngani na mag internet sira, pero sir maski sa internet di’ man gihapon
maintindihan. Wara kami mahihimo kay mao naini, mao na ini an sistema san edukasyon, sana
danunan kami na mga magurang, maski sa simple na pagpaintindi sadi na mga daghanon na
modyuls…”

(salindiwa-laging busy sir sa trabaho, minsan gabi na rin nakakauwi, kasi nagtatrabaho para sa
pangangailangan ng aking mga anak, ang isa sa kolehiyo, dalawa sa sekundarya, minsan
natuturuan, ‘yung alam ko lang, hinahayaan ko nalang nga na mag- internet sila, ngunit kahit nga sa
internet di’ rin maintindihan. Wala kaming magagawa, ito na ‘yun, ito na ang sistema ng edukasyon,

4
sana, tulungan rin kaming mga magulang, kahit sa simpleng pagpapaunawa nitong kadami-raming
modyuls…)

Binanggit ni Kizlik (banggit ni Manallo, 2016), sa paggamit ng mga dulog ay may kaakibat na
pagkatuto kung paano ito maisasakatuparan. Pinatunayan ng pag- aaral na ito, ang higit na pagsasanay at
pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa mga indibidwal na maaring maging tugon ng pagtuklas. Ang
kasanayan sa pagtuklas ay kailangan upang maisakatuparan ang tanging tunguhin ng sistema o
Kagawaran.

Implikasyon ng resulta ang pagkakaroon ng kahandaan sa pagsasanay sa mga gurong nanay, hinggil
sa pagtuturo ng mga disiplina sa iba’t ibang antas upang magkaroon ng sapat at tiyak na kaalaman at
pagkatuto. Ayon nga kay Matias sa Pamantasan ng Marikina, “Ang pagtuturo ay parang paghahanap
ng karayom sa gitna ng talahiban sa mga pagkakataong ito. Suntok sa buwan ang
pagsasakatuparan ng misyon, sapagkat ang balakid ay distansya...”, pahayag na nagbigay angkla
sa kasalukuyang pag- aaral sa mga salik na nakaapekto sa mga gurong nanay sa paraan ng
paghahanda at pagtuturo sa kanilang mga anak bilang mag- aaral.

(3) Dulog ng mga Gurong Nanay sa pagtuturo ng bagong modalidad ng Kagawaran ng


Edukasyon.

Kalahok A.

“An inhihimo ko sun sir para masimbagan an mga modyuls sadi na elementary ko, talagang may
iskedyul man, hapon- hapon ugang sir an pagsimbag mi kay bz pagkaaga. Una, intitiripon ko an
mga simbagan san bata ko, Panduwa, intutukdo ko man kun nanu lang an pagkaintindi ko,
minsan nga mao pa an matibay kay grade 4 na, grade 6 man lang an ina, hehe,..Pantulo, kapag
pareho namo diri kaya, diri na insisimbagan kay pagpiriton man na di’ man kaya…”

(salindiwa- ang ginagawa ko para masagutan ang mga modyuls sa elementary kong anak,
talagang mayroon akong iskedyul, tuwing hapon lamang sir ang pagsagot namin dahil abala rin
kapag umaga. Una, tinitipon naming lahat ang mga modyuls na sasagutan, Pangalawa,
tinuturuan ko kung hanggang saan lang ang alam ko, minsan nga mas marunong pa saakin kasi
baitang 4 na, ang nanay baitang 6 lamang ang natapos, hehe… Pangatlo, kapag pareho hindi
naming kaya, hindi na namin sinasagutan, bakit pa pipilitin , eh di’ na kaya… )

Ayon sa pag- aaral ni Sandoval (2015), ang mga tuklas o imbentong paraan ng pagtuturo ay
mahalaga upang higit na mabilis, magaan at epektibo ang pagkatuto. Binanggit rin sa pag- aaral na
kinakailangan bilang tagapagturo ay makatuklas ng kakaibang pamamaraan upang higit na malinang ang
tanging tunguhin ng pagkatuto. Ang mga bagong- tuklas na pamamaraan ay kinakailangang gamitin at
palawakin upang higit na mapakinabangan ng mga mag- aaral maging ng Kagawaran.

Pinatunayan ng pag- aaral na ito ang pagiging inobatibo ng gurong nanay sa paraan ng kaniyang
pagtuturo. Sa kabila man ng paghahanda sa pangangailangan ng pamilya ay mayroon pa ring mga dulog
na maaring makaambag sa ibang mga gurong nanay sa paraan ng paghahanda at pagtuturo sa
makabagong modalidad ng pagtuklas.

Inirekomenda ni Manallo (2015), kinakailangan bilang tagapagturo ng disiplina ang sapat na


kahandaan at maging inobatibo sa pagharap nito upang maisakatuoparan ang tiyak na layunin at
pagkatuto ng pag- aaral. Malaking hamon, ngunit nasa kamay ng tagapagturo ang kadalian ng pagtuklas
at pag- aaral.

5
Kalahok B.

“ Ako dahil bz sa work, if may vacant, im checking on it, minsan nga lang, insasabihan ko nalang
an mga bata ko, kay yada man an mga kaipuhan nira, irog san internet, itsek, kontakon an titser,
maghapot nan sundon an time frame schedule na inhatag san iskwelahan, basta an inhihimo ko
bilang ina, kun nanu an mga pangangaipo sa iskwelahan lalo na sa pag- adal, inhihinguha para
kanira…”

(salindiwa- ako dahil abalang- abala sa trabaho, kapag mayroong bakante, tsinetsek ko naman,
minsan nga lang, sinasabihan ko nalang ang mga anak ko, andiyan naman lahat ng kailangan
nila, gaya ng internet, itsek, kontakin ang mga titser, magtanong at sundin ang time frame
schedule na ibinigay ng paaralan. Basta’t ako bilang ina, kung ano ang mga pangangailangan
nila sa paaralan lalo na sa pag- aaral, pinagsusumikapan ko para a kanila…)

Sinabi ni Tamayo (2014), sa panahong tinatawag nating “knowledge explosion”, ang tagapagturo
sa makabagong panahon ay maaring hindi kayang ibigay ang lahat ng kailangang hinahanap ng kaniyang
mga mag- aaral. Katulad ng maraming kasanayan at kaalaman na kailangan sa pagpaunlad ng kurikulum
at pagtataya. Ang suliranin ukol sa umaapaw na impormasyon ay totoo kaya ang mga tagapagturo ay
napipilitang mamili at maghanap ng mga inobatibong lapit sa pagtuturo.

Pinatunayan ng pag- aaral na ito, ang hamong kinahaharap ng mga gurong nanay sa mga panahon
ng pagtuturo sa makabagong modalidad ng pag- aaral. Mahihinuha ang kapagalan upang maisakatuparan
lamang ang tunguhin ng Kagawaran ng Edukasyon sa kabila ng kakulangan at kawalan ng sapat na
paghahanda at kaalaman sa disiplinang binibigyang tugon.

Batay sa mga dokumentong salaysay ng mga kalahok, napatunayan na sa kabila ng pandemya at


hamong dala ng Kagawaran ng Edukasyon ng pagtuturo, tinitiyak ng mga gurong nanay kahit sa simpleng
pamamaraan at dulog ay magkaroon ng kakintalan sa kanilang mga anak- mag- aaral, magkaroon lamang
ng sapat na kaalamang intelektwal at pagkatuto sa mga ito.

KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON
Batay sa mga natuklasan at pag- aanalisa ng mga datos, nabuo ang mga sumusunod na
kongklusyon at rekomendasyon. (1) Magkaiba ang antas ng pagkatuto at kaalaman ng mga gurong nanay
sa propayl na aspekto ng pag- aaral, kaya’t kinakailangan na magkaroon ng mga sapat na pagsasanay
upang higit na maalis ang gap sa katayuan ng pamumuhay sa iisang layunin ng pagkatuto at pagtuklas; (2)
Kawalan ng sapat na kaalaman, impormasyon at kapasidad ang salik na nakaapekto sa pagtuturo ng mga
gurong nanay sa bagong modalidad ng pag- aaral kaya’t inirerekomenda ang pagkakaroon ng
malawakang pagkilala, seminar, salingkurang pagsasanay at oryentatasyon sa bagong sistema ng
Kagawaran ng Edukasyon nang sa gayun ay maiwasan ang kalituhan at kahirapan sa pagtuturo at pag-
aaral (3) Time- Scheme Schedule ang natatanging inobasyon ng mga gurong nanay sa pagtuturo ng
disiplina, ngunit mayroon pa ring kakulangan sa inobasyong ito, dahilan sa mga pangangailangang
pampamilya at iba pang salik , kaya’t higit na bigyan ng sapat na panahon ang pagtugon sa mga
pangangailangan ng mga gurong nanay sa kabila ng kanilang pagtuturo at pagtuklas. (4) Batay sa mga
pag- aanalisa, interpretasyon, kongklusyon at rekomendasyon sa bawat suliranin, nabuo ang panukalang
“Guro si Inay, Aking isasanay!”, ay maladimensyunal na pagtuklas sa makabagong dulog, istilo at
pagpapalawig ng kasanayan ng mga gurong nanay sa kabila ng pandemya, upang magkaroon ng sapat na
kaalaman at pagkatuto kung paano makatutulong, maisasakatuparan ang tanging gampanin ng Kagawaran

6
ng Edukasyon kaugnay sa pagpapalawak ng kompetensi ayon sa kakayahan at kapasidad ng mga gurong
nanay sa paraan ng kanilang pagsasanay.

Apendiks A

LIHAM PAHINTULOT SA PUNONG BARANGGAY

Republika ng Pilipinas
PAARALANG GRADWADO
Sorsogon State College
Sorsogon City

12, Disyembre 2020

FRANCIS L. REONDANGA
Punong Baranggay
Gulang- Gulang, Irosin, Sorsogon

Ginagalangang Punong Baranggay.

Ang inyo pong lingkod ay nagsasagawa ng isang pag – aaral tungkol sa “Gurong Nanay: Dulog sa
kabila ng Pandemya” Taong 2020 bilang bahagi ng pangangailangan sa kwalitatibong pananaliksik
bilang bahagi ng kursong pandisiplina.

Layunin ng pag- aaral na ito ay matukoy ang propayl, salik, inobasyon at mga dulog ng mga gurong
nanay sa pagtuturo sa bagong modalidad at sistema ng Kagawaran ng Edukasyon.

Kaugnay nito, magalang ko pong hinihiling at bukas na pagpapatibay na makakuha ng mga


kinakailangang datos sa pananaliksik. Ipinapangakong susundin ang pangkalusugang protokol para sa
kaligtasan ng lahat maging ng aking mga kalahok sa pananaliksik.

Inaasahan ko pong mabigyang halaga ang kahilingang sa ikakatagumpay ng pag – aaral na ito.

Maraming salamat po.

Lubos na gumagalang,

(LGD) ERIC PAJARITO GELILIO


Mananaliksik

Pinagtibay:

(LGD) FRANCIS L. REONDANGA


Punong Baranggay

7
Apendiks B

TALATANUNGAN PARA SA MGA GURONG NANAY

Ginagalangan kong kalahok,

Ang inyo pong lingkod ay nagsasagawa ng pananaliksik tungkol sa“Gurong Nanay: Dulog sa
kabila ng Pandemya” Taong 2020
Kaugnay po nito, humihingi po ang mananaliksik ng matapat na kasagutan sa bawat talatanungan.
Ang inyo pong kasagutan ay napakalaking ambag upang matugunan ang kailangang datos para
maisakatuparan ang layunin ng pag-aaral.
Maraming salamat po sa inyong gintong oras sa pagpapaunlak sa hiling na ito.

Lubos na gumagalang,

(LGD)ERIC PAJARITO GELILIO


Mananaliksik

Pangalan(Opsyunal): _______________________________________

Tirahan : ________________________________________________

1. Ano ang mataas na antas na akademik o propesyon na nakuha ng kalahok?

______________________________________________________________________________

2. Ano ang mga salik na nakaapekto sa pagtuturo sa bagong sistema ng edukasyon?

______________________________________________________________________________.

3. Ano ang mga dulog, pamamaraan o istilo na ginawa upang maging madali ang pagtuturo sa

tahanan?

______________________________________________________________________________

_______________________.

4. Ano ang mga maimumungkahi sa mga gurong nanay na katulad mo?

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
_______________________.

MARAMING SALAMAT!

8
(LAGDA)

Appendiks C

PANUKALANG “GURO SI INAY, AKING ISASANAY!”

I. Panimula:

Ang panukalang “Guro si Inay, Aking isasanay!”, ay maladimensyunal na pagtuklas sa makabagong


dulog, istilo at pagpapalawig ng kasanayan ng mga gurong nanay sa kabila ng pandemya, upang
magkaroon ng sapat na kaalaman at pagkatuto kung paano makatutulong, maisasakatuparan ang tanging
gampanin ng Kagawaran ng Edukasyon kaugnay sa pagpapalawak ng kompetensi ayon sa kakayahan at
kapasidad ng mga gurong nanay sa paraan ng kanilang pagsasanay.

Ang panukalang ito ay magbubukas ng panibagong pinto upang hindi maging balakid sa buhay ng mga
gurong nanay ang pagtuturo sa kanilang mga anak- mag- aaral sa mga modalidad ng pagtuturo.
Magbubukas ng mga inobasyon, dulog at mga pamamaraang teknikal upang higit na maging madali,
epektibo at kapanapanabik ang pagtuturo sa tahanan.

Ang panukalang magtetertolya ng mga nanay na istilo at pakikiisa sa kabila ng suliraning kinahaharap ng
lipunan maging sa patuloy na pakikibaka ng Kagawaran ng Edukasyon.

II. Layunin;

Magkaroon ng mga salingkurang pagsasanay sa mga gurong nanay sa pagtuturo ng mga modalidad ng
pagtuturo at pagtuklas

Magbukas ng oportunidad upang bigyan ng sapat na kaalaman ang mga gurong nanay sa bagong sistema
at alituntunin ng Kagawaran ng Edukasyon.

Magbahagi ng kaalaman, istilo, dulog na maaring magamit sa pagtuturo ng mga gurong nanay sa kanilang
mga mag- aaral o anak ng tahanan.

Maiugnay ang gampanin ng mga guro sa mga gurong nanay upang higit na mabigyan ng tugon ang
pangangailangan ng mga mag- aaral hinggil sa paksa o disiplinang binibigyang tugon ng pag- aaral.

Magbukas ng maraming programa sa mga gurong nanay, sa pamamagitan ng pagkilala at pagbibigay ng


puwang sa estado ng edukasyon at pagkatuto

Maiangkla sa layunin ng Sangay ng Sorsogon, sa pagpapaunlad ng Bisyon at Misyon ng Kagawaran ng


Edukasyon.

9
III. Panukalang Gawain:

Petsa Gawain Pangangailangan


Pagsusumite ng Proposal sa Dokumento
Enero 2021 Pamprobinsiyang Sangay ng Liham
Sorsogon Proposal

Pagsisimula ng pangangalap ng Liham Pahintulot


Pebrero 2021 datos hinggil sa oryentasyon sa mga Dokumento
gurong nanay. Pinansyal na Pangangailangan
Pamasahe
Lugar
Pagkain
Iba pa…

Pagpapalawig ng mga pagsasanay sa Liham Pahintulot


iba’t ibang baranggay. Dokumento
Marso- Hulyo 2021 Pinansyal na Pangangailangan
Pamasahe
Lugar
Pagkain
Iba pa…

Pagpapasok ng mga pribadong Liham Pahintulot


sektor upang matugunan ang Dokumento
Agosto- Setyembre pangangailangan ng mga gurong Pinansyal na Pangangailangan
2021 nanay sa pagtuturo ng mga disiplina. Pamasahe
Lugar
Pagkain
Iba pa…

Proposal hinggil sa Gawad pagkilala Liham Pahintulot


sa mga natatanging gurong nanay sa Dokumento
Oktubre- kabila ng pandemya. Pinansyal na Pangangailangan
Nobyembre 2021 Pamasahe
Lugar
Pagkain
Iba pa…

Paggawa ng ulat sa naging bunga ng Liham Pahintulot


mga pagsasanay, inobasyon at Dokumento
Disyembre 2021 pagkilala sa mga gurong nanay sa Pinansyal na Pangangailangan
pagtuturo at pagtuklas Pamasahe
Lugar
Pagkain
Iba pa…

10
Pagpapatibay...Pagpapatuloy…Pagpapalawak…
Apendiks D

DOKUMENTASYON

11
TALASANGGUNIAN:

[1] Almario, Virgilio S., (2015). KWF Manwal sa Manop na Pagsulat Ikalawang Edisyon, Komisyon ng
Wikang Filipino, pp. 36- 40

[2] Aguda, L.A.E., Tamayo, R., Barlan, JR. Leoncion, (2013).“Effects off Heritage Tourism to the
Municipality of Taal, Batangas, Philippines”, Educational Research International, 2(1): 91-95 [4] Playa
Calatagan. Lyceum of the Philippines University, Batangas city, Philippines

[3] Alamer, Rodolfo L. Effects of Discussion- Interaction Method on the Performance of Grade IV pupils
in Science. Sorsogon State College, Sorsogon City, 2015

[4] Arambuyong, Jayce Ann E. Istilo sa Pagtuturo ng Balarila at Panitikang Filipino. Sorsogon State
College, Sorsogon City, 2018

[5] Becky, Francis (2008) Teaching manfully? Exploring gendered subjectivities and power via analysis
of men teachers’ gender performance, Gender and Education,
20:2, 109122, DOI: 10.1080/09540250701797226

[6] Manallo, April D. Differentiated Instruction: Estratehiya sa Pagtuturo ng Literaturang Filipino.


Sorsogon State College, Sorsogon City, 2016.

[7] Mejia, R.C B., Festijo, B., Borbon, J., Barlan, Jr. L. (2013). Involvement of the Community in
Promoting Marine Biodiversity as Tourist Attraction, Journal of International Academic Research for
Multidisciplinary, 1(7), 151-158

[8] Pagkalinawan, Letecia (2015)., Ang tradisyunal at Makabagong Paraan ng Pagtuturo, ISSN: 0115-
6195

[9] Reyes, S. 1997. Pagbasa ng Panitikan at Kulturang Popular. Ateneo de Manila University Press.
Manila, Philippines.pp.175- 180

[10] Tan, Patricinio (2002). Panunuring Pampanitikan. Valenzuela City: Mega Jesta Press, Inc.

[11] Veer U. (2005). Modern Teacher Training. Daryagani, New Delhi, Anmol Publications Pvt.Ltd.

Elektroniko:

https://www.churchofjesuschrist.org/study/liahona/2013/01/meaningful-teaching-at-home?lang=tgl

https://www.churchofjesuschrist.org/study/liahona/2010/05/saturday-afternoon-session/mothers-teaching-
children-in-the-home?lang=tgl

12
13

You might also like