You are on page 1of 37

TALAAN NG NILALALAMAN

Pahina
KABANATA

1 SULIRANIN AT SALIGAN NG PAG-AARAL 1

Panimula 1
Paglalahad ng Suliranin 4
Kahalagahan ng Pag-aaral 4
Saklaw at Limitasyon 6
Konseptuwal na Batayan 8
Kahulugan ng mga Termino 9

2 MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL 10

Banyagang Literatura 10
Lokal na Literatura 14
Banyagang Pag-aaral 17
Lokal na Pag-aaral 20
Buod 24

3 METODOLOHIYA AT PAGKALAP NG DATOS 26

Disenyo ng pananaliksik 26
Mga kalahok sa Pag-aaral 27
Instrumento ng Pag-aaral 27

BIBLIOGRAPI 29

KURIKULUM BITA 31
Kabanata 1

Ang Suliranin at Kaligiran ng Pag-aaral

Panimula

Magmula noon, ang edukasyon ay naging isang malaking aspeto sa

pamumuhay ng mga tao. Ang sistema ng edukasyon ay napayabong upang mas

maging angkop, lumilinang, at nararapat sa pangkasalukuyang henerasyon.

Pagkalipas ng panahon, ang aghimo at pamamaraan ay napahusay upang

makasabay sa interes ng mga mag-aaral kung saan kinakailangan nilang

makasabay sa napapanahong mga kaganapan. Sa buong kurso ng sistema ng

pag-aaral, ang mga guro ay kadalasang naghahanap ng mga posibleng

pamamaraan upang mapanatili ang mga benepisiyo at kapakinabangan para sa

mga mag-aaral. Hindi lamang para sa kagalingan ng mga mag-aaral ang ginawang

pagunlad ngunit para na rin sa kanilang kaginhawaan at kasiyahan. Sumasaklaw

dito ang pag-unlad ng mga kasangkapan at kagamitan sa pag-aaral na kabilang

sa pagkamit ng kaalaman o kakayahan ng mga mag-aaral. Ang kagandahan at

kondisyon ng kapaligiran ay pinabuti sa isang maayos na lugar para sa kaalaman

para sa paggamit ng mga mag-aaral at guro.

Sa paglipas ng panahon, ang mga kagamitan sa silid aralan ay unti-unting

nagbago. Bilang resulta ng pagbabago sa teknolohiya, mula sa paggamit ng

overhead projector, film strips, at video tapes hanggang sa paggamit ng mga

portable computers, LED na telebisyon at tablets. Ang kaayusan at disenyo ng


2

silid-aralan ay nagbabago rin. Ayon kay Jennifer Brite, (2014), ang pagsulong ng

disenyo ng mga silid-aralan mula sa United States ay nagmula noong 1870, kung

saan ang batas ay ipinagbawal ang pagtratrabaho ng mga batang wala pa sa

tamang gulang o edad na nagreresulta ng agarang pagtaas ng bilang ng

estudyanteng naka-enrol. Ang mga mag-aaral ay nakaupo lamang sa maraming

matatag na lamesa habang ang mga nagtuturo ay nasa mas mataas na puwesto

lamang. Pagkatapos ng ilang dekada, ang mga silid-aralan ay nakatanggap ng

iba’t ibang pagbabago upang maging sapat sa kakayahang umangkop sa mga

mag-aaral at tagapagturo. Ang mga disenyo ay nabago ng tuluyan batay sa kung

ano ang mas mahusay, naaangkop, at maginhawa sa modernong lipunan.

Ayon kay Kristi DePaul, (2014), Ang “workspace” na ginagamit ng mga

mag-aaral ay nakakaapekto sa kanilang pagkatuto. Ang disenyo nito ay

nagpapabuti sa akademikong pagganap ng mga estudyante ng dalawampu't

limang bahagdan. Ang pagkakaayos, kulay, pag-iilaw, kasangkapan, akustika, at

temperatura sa loob ng mga silid-aralan, ito ang mga bagay na dapat isaalang-

alang. Ang mga salik na ito ay mahalaga; ito ay kailangan sa pagpapayabong ng

abilidad ng mga magaaral na magbibigay pansin o tuon sa kanilang pagaaral , ito

rin ay kailangan sa paglinang ng kanilang kakayahan sa pagaaral at sa pagunawa

ng mga pinagaaralang paksa. Hinihikayat din na ang kulay at ang tindi ng liwanag

sa paligid ng mga mag-aaral ay mainam ang pagkabalanse. Habang sa kabilang

banda, ang mga piraso ng kasangkapan tulad ng mesa at upuan ay may taglay na

Ergonomikong katangian; kagaya ng akustika at temperatura na kaugnay sa


3

paggawa ng maayos na kapaligiran sa mga mag aaral; natutulungan din nito ang

mga mag-aaral na maisakatuparan ang mga bagay na kanilang gagawin habang

nakakaranas nang kaginhawaan, katulad din ng akustika at temperatura na ang

mga tunog o ingay at temperatura ay maaring makaapekto sa mga mag-aaral sa

paggawa ng kanilang mga pang-akademikong tungkulin; maari rin itong

makaapekto sa mga estudyante sa paraan ng kawalan ng ginhawa o

pagkatalusaling na puwedeng magdulot ng pagkawala ng kanilang atensyon sa

mga nakatalaga nilang mga gawain. Base sa mga puntong binigay, maraming salik

ang kabilang sa loob ng mga silid-aralan ang maaaring makaapekto sa paguugali

at akademikong pagganap ng mga magaaral.

Ang layunin ng pagaaral na ito ay upang matukoy ang pagkakaugnay ng

disenyo at kaayusan ng silid-aralan sa akademikong pagganap at paguugali ng

mga magaaral; pati na rin ang pagalam sa mga posibleng epekto ng mga iba’t

ibang baryabol ng silid-aral sa mga magaaral. Ang mga mananaliksik ay nilikha

ang pagsasaliksik na ito upang matukoy at makapagbigay ng mga suwestiyon na

maaaring maging solusyon sa mga suliranin sa mga silid-aralan dulot ng mga

disenyo at kaayusan nito, dagdag pa rito ang mga magsasaliksik ay nais na

matukoy ang mga materyal at mga bagay na kabilang na nakakaapekto sa

akademikong pagganap at paguugali ng mga magaaral.


4

Paglalahad ng mga suliranin

1. Ano ang mga makabuluhang epekto ng kaayusan at disenyo sa

akademikong pagganap at pag-uugali ng mga mag-aaral ng Grade 11

STEM?

1.1 Paano nakakaapekto ang mga baryabol sa loob ng isang silid-

aralan sa akademikong pagganap at pag-uugali ng mga mag-aaral?

2. Ano ang mga kasangkapan o disenyo na may kaugnayan sa epekto ng

kaayusan at disenyo ng silid-aralan sa akademikong pagganap at pag-

uugali ng mga magaaral?

3. Ano ang pananaw ng mga magaaral sa epekto ng disenyo at kaayusan ng

silid-aralan sa kanilang akademikong pagganap at paguugali?

Kahalagahan ng pagaaral

Ang mga datos na makakalap mula sa pagsasaliksik na ito ay

makakatulong sa mga sumusunod:

Sa mga Mag-aaral. Ito ay maaaring makatulong sa mga mag-aaral upang

maibaling ang kanilang atensyon sa mas malaking kwadro na dapat ay nakikita.

nila, ito ay maaaring makatulong sakanila na mas mahasa at mapahusay ang

kanilang mga abilidad sa mas malawak na aspeto tulad ng pakikinig na

nagreresulta sa mas malalim na pangunawa sa kada aralin na tinatalakay ng mga

magaaral, dagdag pa rito; mas nabibigyan ng atensyon ang bawat estudyante sa

silid-aralan. Ang panghuli, ang mga estudyante ay mas matututo at


5

makakapagaral sa pinakamabisang paraan ng pagaaral; dahil ito ay may

kaugnayan sa disenyo at kaayusan ng mga silid-aralan.

Sa mga Guro. Ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa mga guro upang lalo pang

lumawak ang kanilang kaalaman at kahusayan sa pagtuturo ng mga leksyon sa

mga mag-aaral, at matuklasan ang mga teknikalidad na dapat ikonsidera sa pag-

aasikaso sa mga estudyante sa bawat silid-aralan. Dagdag pa rito, maaari silang

makabuo ng mas malalim na relasyon at komunikasyon sa pagitan ng mga mag-

aaral.

Sa mga Susunod na Mananaliksik. Ang pag-aaral na ito ay maaaring

makatulong sa mga mananaliksik na magsasagawa rin ng pananaliksik na

tumatalakay sa mga aspeto na nakapaloob sa isang sild-aralan na makaaapekto

sa akademikong pagganap at pag-uugali. Ang pag-aaral na ito ay makakatulong

para sa mas matibay na pundasyon sa paggawa ng mga susunod na

mananaliksik.

Paaralan. Ang pag-aaral na ito ay maaaring makatulong sa mga ibang institusyon;

upang higit na mapabuti ang estruktural na disenyo ng mga silid-aralan pati na rin

ang materyales at iba pang mga kasangkapan na kaugnay sa kaayusan ng silid-

aralan. Ito ay makatutulong na maunawaan at magkaroon pa ng magagandang

konsepto na higit pa sa mga kaayusan ng kapaligiran na magiging kapaki-


6

pakinabang sa mga guro at mag-aaral; upang maisakatuparan nila ang mga

kailangan nilang gawin sa pinakamabisa at epektibong paraan.

Mga Arkitekto at Mga Inhinyero. Ang pag-aaral na ito ay maaaring makatulong

sa kanila upang malaman ang mga kagamitan at materyales na dapat nilang

isaalang-alang sa pagdidisenyo at pagtatayo ng silid-aralan na para sa mga mag-

aaral at mga guro.

Saklaw at Limitasyon

Ang pagaaral na ito ay sumasaklaw lamang sa mga kasangkapan,

kaayusan at disenyo ng mga silid-aralan tulad ng katigmakan ng liwanag ng mga

bumbilyang ginamit, disenyo ng mga lamesa at upuan, kulay ng mga pisara, kulay

ng pader at ang temperatura sa loob ng silid-aralan. Ang pagsasaliksik ay

tatalakay sa mga baryabol na nakakaapekto sa akademikong pagganap at

paguugali ng mga magaaral; mangangalap ang mga mananaliksik ng mga datos

sa paraan ng interbyu, kung saan ang opinyon o ang mga pananaw ng mga

napiling sampol ay kukuhain.

Ang pagsasaliksik ay magaganap sa magaganap sa mataas na

paaralan ng La Salle College Antipolo, ang mga napiling sampol sa pagaaral na

ito ay manggaling lamang sa mga magaaral na kabilang sa STEM strand at nasa

Ika-11 baitang na pagaaral. Ang mga sampol ay pipiliin batay sa mga nakatakdang

katangian na nais makita ng mananaliksik sa mga pipiliing sampol. Ang saklaw


7

lamang nito ay ang pagkatukoy sa mga posibleng epekto ng kaayusan at disenyo

ng mga silid aralan sa akademikong pagganap at paguugali ng mga magaaral.

Maliban pa rito, ang mga opinyon na makakalap ng mga mananaliksik ay

magmumula lamang sa isang strand kung kaya’t ito ay maaaring makaapekto sa

kalalabasan ng pagaaral. Dagdag pa rito, ang mga sampol ay may pagkukulang

sa kaalaman sa kaayusan at disenyo ng kanilang silid-aralan; kung kaya’t ang mga

mananaliksik ay pipili ng mga sampol base sa batayan na gagawin.


8

Konseptwal na Balangkas

INPUT
PROSESO AWTPUT

 Ang Relasyon ng  Ang mga  Matukoy Ang mga


Disenyo at mananaliksik ay pananaw sa mga
Kaayusan ng kukuha ng mga epekto at
mga silid-aralan datos sa paraan impluwensya ng
sa akademikong ng pagiinterbyu sa kaayusan at
pagganap at
mga napiling disenyo ng mga
sample ng silid-aralan sa
pag-uugali ng
pagsasaliksik na akademikong
mga magaaral ito. pagganap at
paguugali ng mga
 Epekto ng mga estudyante na
kasangakapan o nasa Ika-11
kagamitan na baitang ng STEM
kaugnay sa strand sa La Salle
disenyo at College Antipolo"
kaayusan ng
silid-aralan sa
akademikong
pagganap at
paguugali.

Fidbak

PIGURA 1

Ang mga pananaw tungkol saLa


epekto
Salle ng disenyo
College at kaayusan ng mga silid-aralan sa
Antipolo
akademikong pagganap at pag-uugali ng mga magaaral na STEM strand
na nasa Ika-11 baitang ng La Salle College Antipolo
9

Kahulugan ng mga terminong ginamit

 Disenyo at kaayusan ng silid-aralan - Ito ay ang wastong paraan upang

lubos na ilarawan ang loob at labas ng isang silid-aralan, ang isa sa mga

ito ay ang mga materyales sa silid-aralan tulad ng mga upuan, mga lamesa,

mga ilaw, pisara at mga bintana, pati na rin ang "acoustic", temperatura,

kulay at tunog na naroroon sa loob ng silid-aralan

 Ergonomik - ang pag-aaral ng kahusayan ng mga tao sa kapaligiran

na kanilang pinagtatrabahuhan

 Akustik - ito ay kaugnay sa tunog, sa kung paano tumugon ang isang

bagay, inintindihin at kontrolin ang mga tunog

 Saturation / Pagkatigmak - ang antas ng kasiglahan ng mga kulay

 Lighting / Liwanag - ang sinadyang paggamit ng liwanag upang makamit

ang praktikal o "aesthetic" na epekto

 Aesthetic - hinggil sa kagandahan o pagpapahalaga sa kagandahan.


10

KABANATA 2

Ang mga kaugnay na pag-aaral at literatura

Ang kabanatang ito ay tungkol sa mga kaugnay na literature at pag-aaral

na kinalap ng mga mananaliksik matapos ang masinsinan at malalim na

paghahanap. Sa kabanatang ito, ang mga kaugnay na literature at pag-aaral ay

ipinakita upang mailahad kung paano ito mayroong magkasing tulad na konsepto

at ideya tulad ng sa ang pag-aaral ito. It ay makakatulong sa mga mananaliksik sa

paglikha ng matibay at matatag na pag-aaral. Ang kabanata rin na ito ay

maglalahad ng buo ng bawat literature at pag-aaral na may kaugnayan sa pag-

aaral upang maipaliwanag kung paano ito magagamit upang higit pa na

maunawaan ang konsepto at ideya ng pag-aaral na isasagwa ng mga

mananaliksik. Ito ay magbibigay ng mga sanggunian sa bawat literature at pag-

aaral na maaaring gamitin ng mga mananaliksik sa hinaharap na magsasagawa

rin ng pag-aaral na kahit paano ay may kaugnayan sa kung tungkol saan ang pag-

aaral na ito.

Banyagang Literatura

Ayon kay Kendra Cherry (2018), ang kulay ay may mahalagang ginagampanan

sa paghahatid ng impormasyon, paglikha ng mga damdamin at maging ang

pagimpluwensya nito sa mga desisyon na gagawin ng tao. Ang pagkakaroon ng

tukoy na gusto ng kulay ay nakaaapekto rin sa kung anong bagay ba ang nais
11

bilhin o suotin ng mga mamimili; inaangkop nila ito sa kanilang paligid. Karamihan

sa mga tao ay pumipili ng mga bagay na naayon sa kulay nito na may kaugnayan

sa kanilang damdamin o pananaw, tulad na lamang sa pagpili ng kulay ng

sasakyan na magmumukhang magara, makabago, makintab at matibay na

maaasahan. Ang kulay ng mga kuwarto ay maaari ring makaapekto sa mga ilang

damdamin, tulad ng mga pinta, o kama na ang gulay ay berde na lumilikha ng

mapayapang pakiramdam.

Ayon kay Carlette Jackson (2012) sa librong “Effective Classroom

Management”, ang malawak na dami ng pag-aaral na mayroon tungkol sa kaligiran

ng mga estudyante at ang mga epektibong kasanayan sa pamamahala sa silid-

aralan ay ginagawa ang mga guro na mas maging maaalalahanin at mas reaktibo

sa kanilang pag-aasikaso ng kalagayan sa silid-aralan. Sa kasamaang palad, ang

pag-aaral ay nabigo upang ibigay ang lahat ng mga sagot na kailangan ng mga

guro upang epektibong pamahalaan ang kanilang mga silid-aralan. Ang mga guro

ay pumasok sa isang bagong kapanahunan ng pamamahala sa silid-aralan.

Nahaharap sa mga bagong hamon sa unang bahagi ng ikadalawampu’t isang

siglo, ang mga guro, tagapagturo sa mga guro at mga tagapangasiwa ng paaralan

ay naghanap ng mga alternatibong paraan upang pamahalaan ang silid-aralan.

Ang mga tagapagturo na mas nakatuon sa estudyante ay nakikita and

pamamahala sa silid-aralan bilang isang paraan upang ihanda ang mga mag-aaral

sa buhay. Ang mga guro at tagapangasiwa ng paaralan na tinitignan ang

pamamahala sa silid-aralan mula sa pananaw na ito ay nagtatakda ng epektibong


12

pamamahala sa silid-aralan bilang proseso ng paglikha ng isang positibong klima

sa sosyal at emosyonal sa silid-aralan. Noong 1970s at 1980s, ang diin ng

pangangasiwa sa silid-aralan ay sa paglikha ng ligtas na silid-aralan, pagtatag ng

mga alituntunin ng pag-uugali at pagpapanatili ng disciplina. Para sa mga guro,

ang disciplina ay tinitignan bilang parehong pangngalan at isang pandiwa. Bilang

isang pangngalan, ang disiplina ay tinutukoy bilang mga panuntunan na itinatag

upang mapanatili ang kaayusan sa silid-aralan. Bilang isang pandiwa, ang

disciplina as tinutukoy kung ano ang ginagawa ng mga guro upang tulungan ang

mga mag-aaral na kumilos nang katanggap-tanggap sa paaralan. Natuklusan ng

marami na ang naunang mga modelo (Skinner’s Behavioral Management,

Canter’s Assertive Discipline, Jone’s Positive Classroom Discipline at Albert’s

Logical Consequences) ay hindi sapat na naglilingkod sa mga guro na naghangad

ng lumikha ng kalmado at ligtas na mga kapaligiran sa pag-aaral para sa lahat ng

kanilang estudyante. Para sa mga kadahilanang ito, naniniwala ang mga guro na

ang pinakamagandang paraan ng pamamahala sa silid-aralan ay ang sistematiko,

simula sa paghahanda bago magsimula ang taon ng pag-aaral at magpatuloy sa

buong akademikong taon. Kasama rito ang pagpaplano at pagsasagawa ng mga

gawain sa isang maayos na paraan, mapanatili ang mga mag-aaral aktibong

nakikibahagi sa mga aralin at gawain at pagbabawas ng mga pagkagambala at

mga problema sa pagdidisciplina. Sinasaad ni Carolyn Evertson na ang

pangangasiwa sa silid-aralan batay sa kontrol at disciplina ay hindi magkatugma

sa pagtatayo ng mga uri ng mga komunidad sa pag-aaral kung saan ang mga

estudyante ay tumataya sa kanilang sariling pag-aaral at kanilang sariling


13

komunidad ng pag-aaral. Sa halip, ang mga sistematikong pamamaraan ay

lumikha ng isang positibong sosyal at emosyonal na klima na mula sa magandang

pakikipag-ugnayang relasyon sa pagitan ng mga mag-aaral at guro, pati na rin sa

mga mag-aaral.

Ayon kay Rani Lueder at Valerie J. Berg (2008) sa librong “Ergonomics for

Children: Designing Products and Places for Toddler to Teens”, ang mga

kagamitan sa silid-aralan ay nakakaapekto sa postura, kaginhawaan, kalusugan

and ablidad na matuto ng mga bata. Ipinakita sa pagsasaliksik na marami sa mga

mag-aaral ay nakaupo sa upuan na hindi tugma sakanila nang maayos. Higit pa

roon, ang mga mag-aaral na nakaupo sa hindi komportableng postura nang

matagal ay mas madaling makaranas ng pagsakit ng likod, leeg at iba pang mga

sintomas ng “musculoskeletal” na maaaring lumala sa paglipas ng oras at madala

hanggang sa pagtanda. Sa ginawang pagsasaliksik, ipinakita sa ulat na mataas

ang bilang ng mga mag-aaral na hindi komportable, lalo na sa kanilang leeg at

likod. Dahil sa kakulangan ng kaginhawaan at sakit na nararanasan ng mga mag-

aaral, nakakapekto ito ng masama sa kanilang abilidad na gawin ang kanilang

mga tungkulin. Ito rin ay maaaring makagambala sa pag-aaral dahil ang mga

postura ay maaring pagsimulan ng mga bagong pagkagambala. Ang kakulangan

sa ginhawa ay maaaring makasagabal sa abilidad ng bata na matuto.

Ayon kay Amy A. Turano (2005), Ang kapaligiran ng mga silid-aralan ay

parating isa sa mga isinasaalang alang ng halos lahat ng mga guro, ang mga
14

bawat kasangkapan na kabilang sa kapaligiran ng isang silid aralan ay maaaring

kumakatawan sa pagkatagumpay ng mga magaaral sa hinaharap, ang kapaligiran

ng mga silid-aralan ay isang paksa na dapat malaman ng mga guro, sapagkat

maraming mga bagay na dawit dito na nagaganap sa bawat sulok ng isang silid.

Lokal na Literatura

Ayon kay Liandro Antonio Turano (2011), ang module sa disenyo ng

pagtuturo ay magagawang matugunan ang ilan sa mga problema sa pagkatuto na

maaaring harapin ng mga mag-aaral sa isang regular na paligid ng klase.

Maraming dahilan kung bakit inaral niya ang disenyo ng pagtuturo, ngunit sa huli

lahat ng ito ay magreresulta sa isang dahilan: mahinang disenyo ng pagtuturo.

Ang halaga ng nasayang na oras, nasayang na pera at nasayang na oportunidad

ay sumusuray - lahat ng ito ay dahil hindi alam ng taong responsable para sa

programa, hindi sinamantala ang ilan sa mga karaniwang panuntunan para sa

paglikha ng isang magandang pagsasanay. Kung ipapalagay ng guro ang papel

bilang isang facilitator, siya: ginagawang mas madali ang pag-aaral, magtaguyod

sa pag-aaral, mapabilis ang pag-aaral, pinadadali ang pag-aaral, tinutulunagn sa

pag-aaral at pinalalago ang pag-aaral. Upang makamtan ang mga ganitong uri ng

aktibidad, ang guro, bilang isang facilitator, dapat lumikha ng isang kapaligiran sa

silid-aralan na bukas at suportado ng lahat ng mga nag-aaral. Sa ganitong

kapaligiran, ang mga estudyante ay sumasali sa aktibong pakikinig, paggmumuni-

muni, mga paliwanag at pagtatanong habang ang guro ay ginagabayan sila sa

proseso ng pag-aaral sa parehong isang direktiba at hindi direktiba na paraan. Ang


15

mga positibong aspeto ng pasilitasyon ay naging klaro mula sa itaas na

paglalarawan, at karamihan sa mga guro ay marahil na ipahihiwatig ang pagnanais

na ibigay ang ganitong uri ng kapaligiran sa silid-aralan para sa kanilang mga

estudyante. Gayunpaman, kung ang guro ay nais na akayin ang papel ng isang

facilitator, hindi lamang niya kailangang baguhin mula sa paggamit ng tradisyonal

na tungkulin kapag nakikipag-ugnayan sa mga mag-aaral sa silid-aralan, ngunit

baguhin din ang iba pang mga tungkulin ng guro upang mapakita ang iba’t ibang

paraan.

Ayon kay Timoteo-Afinidad, Christine B., (2010), maraming mga

teknolohikal na pagbabago kasama ang pinagbabatayang teknikal na kakayahan

ay itinuturing na mahalaga sa maraming mga proseso ng trabaho at pamamahala.

Isa sa mga pinakamahusay na teknolohikal na pagbabago na naimbento ay ang

kompyuter. Kahit ang mga “non-profit” na organisasyon, tulad ng mga paaralan,

ay napukaw sa praktikal at maginhawang paghawak ng iba-ibang operasyon.

Ngayon, ang mga aklatan at mga sentro ng impormasyon sa mga umuunlad na

bansa ay sumasabay sa tulin ng teknolohiya. Mas maraming mga gawain ang

natatapos sa tulong ng mga makinarya na tila pinapabilis ang trabaho ngunit, kung

minsan, ay ginagawa ang trabaho na hindi nakakahingkayat at nakakatamad. Ang

mga teknikal na gawain sa silid-aklatan, tulad ng “cataloging” at “indexing”, at ang

sirkulasyon ng mga serbisyo ay ginagawa sa mga kompyuter dahil sa reputasyon

ng mga makinarya na mas mahusay at mas pagiging produktibo. Sa kabilang

banda, mayroon pa ring isang pinakamahalagang at importanteng elemento, at


16

ang maliwang na madaling mahuhulaan sa sistema ng “workspace” – ang tao, ang

uri na mayroong abilidad na lumikha at gumamit ng mga kasangkapan ng

teknolohiya.

Ayon sa SunStar Davao (2018), ang guro sa elementarya na si Carly

John Condino ay pininturahan ng putin ang mga walang buhay na mga upuan at

nilagyan ng mga makukulay na unan ang bawat upuan. Ang dating walang buhay

na silid-aralan ay naging mas nakakaengganyo at kahali-halina para sa mga mag-

aaral. Ngunit, sinabi ni Condino na ito tanging para sa kagandahan lang. Ang

pangunahing layunin nito ay upang tiyakin na ang mga mag-aaral ay hindi lilipat

mula sa isang upuan papunta sa isa pa. Ang kanyang simpleng solusyon para sa

problema ng paglipat ng mga bata sa iba’t ibang upuan ay nagresulta sa isang

mas komportable at pinahusay ang interes ng kanyang mga mag-aaral. Ipinakita

ni Condino na bilang isang tagapagturo, siya ay handa na gawin ang kanyang

bahagi sa pagtulong na mapabuti ang kapaligiran ng pag-aaral ng mga

estudyante. Pagpapatayo ng mga silid-aralan, pagpapabuti ng Building

classrooms, improving ratio ng guro sa estudyante, mga bagong pamamaraan

nang pagtuturo, at ang iba pang mga hakbangin upang magturo sa mga

estudyante ay hindi sapat. Ang kanilang kapaligiran ng pag-aaral ay dapat ding

mas mapabuti upang matiyak na talagang naiintindihan nila kung ano ang itinuturo

sa kanila. Gayunpaman, parang nabigo ang kagawaran ng edukasyon pagdating

sa kapaligiran ng pag-aaral ng mga estudyante. Kapag bumisita ka sa mga

pampublikong paaralan, maIf you visit the public schools, maaari mong

maobserbahan na ang mga silid-aralan ay maaaring pagandahin pa. Gayundin,


17

ang malikhaing kalayaan ay dapat ibigay sa mga guro sa kung paano nila

mapapabuti ang kapaligiran sa pag-aaral sa kanilang mga estudyante. Ang mga

guro na ginugugol ang kanilang pang-araw-araw na gawain sa mga mag-aaral ay

makakaalam kung paano papangunahan ang kanilang klase at samakatuwid,

alam kung paano nila maaaring gawing mas nakakabuti ang silid-aralan.

Kailangan ng ating darating na henerasyon ng isang mas mahusay na kapaligiran

sa pag-aaral, isa na komportable at nakakatulong sa pag-aaral.

Banyagang Pagaaral

Ayon kay PJC Sleegers, NM Moolenaar, M Galetzka, A Pruyn, BE Sarroukh at

B van der Zandesa (2013) sa “Lighting affects students' concentration positively:

Findings from three Dutch studies”, napatanuyan ng tatlong pagaaral ng mga

dutch na ang ilaw ay nakakaapekto sa konsentrayon ng mga tao. Tinalakay ng

pagaaral ang parehong natural na klase ng liwanag at ang liwanag na artipisyal;

ito’y nakakaapekto sa kalusugan, damdamin, sa kabuuan at pagka-alerto ng isang

tao. Ang pagaaral na ito ay nagbigay ng suhestiyon na ang tindi at ang

temperaturang kulay ng mga artipisyal na liwanag o ilaw ay nakakaapekto sa mga

pangkalusugang proseso sa katawan ng isang tao, tulad ng presyon ng dugo,

pulso o tibok ng puso, EEG, temperatura ng katawan at ang melatonin sa katawan

ng isang tao. Dagdag pa rito, ang pagkakapanatili sa ilalim ng iba’t ibang liwanag

at sa iba’t ibang kulay nito ay maaaring makaapekto sa maaaring tulog na makamit

ng isang tao, maging ang pagkaalerto at pagkakaroon ng pananaw nito sa mga

bagay-bagay.
18

Ang pagaaral na ito ay tumatalakay sa mga maaaring epekto ng tindi at kulay

ng ilaw sa pangkalusugang kalagayan nito sa pisikal at emosyonal na aspekto ng

tao, ito ay may kaugnayan sa pananaliksik na tatalakay dito, sapagkat ang liwanag

o ang ilaw ang isa sa bumubuo sa kaayusan ng isang silid-aralan. Ito ang

nagsisilbing pangmulat sa mga magaaaral upang mas maayos na makita ang

kanilang mga tinatalakay na aralin. Makakatulong ang pagaaral na ito upang mas

lalong maunawaan ang mga bagay na dawit sa mga kasangkapan na sa loob ng

silid aralan; na nakakaapekto sa akademikong pagganap at pag-uugali ng mga

magaaral.

Ayon kay Abdolreza Gilavand (2016) sa “The Impact of Educational Furniture

of Schools on Learning and Academic Achievement of Students at Elementary

Level”, ang pangkalusugang kalagayan at akademikong pagganap ng mga

magaaral at guro ay naapektuhan ng panloob na kapaligiran ng mga gusali ng

paaralan tulad ng ilaw, espasyo sa loob ng eskuwelahan, ang ingay at tunog na

nakapaloob ng eskuwelahan, kulay ng mga haligi, temperatura sa loob ng

eskuwelahan, kalinisan ng hangin at iba pa. Ang pagaaral ay bumubuo bilang

sentro sa bawat buhay ng isang tao, ang pagaaral ay naaapektuhan din mga

baryabol na kaugnay na nakapaligid dito; kapaligiran na binubuo ng mga iba’t

ibang baryabol na may iba’t ibang katangian at gamit na kapwa mahalaga sa isa’t

isa.

Ang pagaaral na ito ay magkasing tulad sa pananaliksik na gagawin, ito ay may

pareho ng nilalaman tulad ng paksa at konsepto nito na kung paano nakakaapekto


19

ang disenyo at kaayusan ng silid-aralan sa akademikong pagganap at paguugali

ng mga tao. Ito ay isang pagaaral na maaaring pagbatayan ng mga ilalagay na

konteksto sa pananaliksik na ginagawa, ito’y makakalikha ng isang matibay na

pundasyon at batayan ng mga mananaliksik para sa pagaaral na

ginagawa/gagawin.

Ayon sa pag-aaral na isinagawa nina Gene-Harn, L., Keumala, N. I. M., &

Ghafar, N. A. (2016), ang liwanag sa paligid ay nakakatulong sa mga nakatakdang

gawain ng mga tao; ang liwanag ay nakakapagpataas ng “pleasure and arousal”.

Ito ay may mahalaga rin na epekto sa kakayahan ng magpataas ng “personal

lighting environment”; dagdag pa rito, ang pagkatingkad ng liwanag ay

nagreresulta sa mataas na kasiyahan; kaugnay ang paggawa ng mga gawain na

dawit ang paggamit ng papel at hindi ng kompyuter.

Ang pag-aaral na ito ay may maiuugnay sa pananaliksik na gagawin, dahil ang

liwanag ay isa sa mga baryabol na kabilang o kaugnay sa disenyo at kaayusan na

nakakapekto sa akademikong pagganap at pag-uugali ng mga mag-aaral. Sinabi

sa pag-aaral na ang liwanag ay nakakatulong sa mga gawain at nakakaapekto rin

sa pakiramdam ng mga tao. Ipinakita ang epekto ng liwanag sa pagkilos ng mga

tao depende sa tingkad at kulay nito.


20

Lokal na Pag-aaral

Ayon kay Edric Warner Sia Ching, Prizzila Nicole Manabat Go at Lexandra

Jessica Lim Ty (2013), ang kahawig na isang karaniwang pagkakaayos ng opisina,

ang mga cubicle ay nakaposisyon nang malapit sa isa’t isa upang magkaroon ng

mas maayos na komunikasyon at patibayin ang pakikipagkaibigan sa mga

miyembro. Ang disenyo ng opisina ay maaaring maging isang paraan upang

tugunan ang mga alalalahanin at pangananib sa kalusugan na naroroon sa opisina

dahil sinasangkot nito ang pagdidisenyo ng isang espasyo sa opisina para sa

kadahilanan na ito ay tinutukoy ng siyensiya at nauunawaan ang mga

pangangailangan, kakayahan at limitasyon ng gumagamit at ilapat ang kaalaman

na nakamit sa mga sistematikong paraan. Ang iba’t ibang mga aspeto ay dapat

isaalang-alang sa matagumpay na paglikha ng isang kumportableng “workspace”

sa opisina ay ang mga sumusunod: disenyo ng opisina, espayo na magagamit,

mga gawaing natapos, kapaligiran, “anthropometry” at mga kagamitan. Ang

lokasyon ng opisina ay ang espayo kung saan ang isang indibidwal ay ginagawa

ang kanyang trabaho. Ang kaayusan ng opisina ay ang pagkakaayos ng mismong

“workspace” at ang uri ng mga hangganan na isinasangalang-alang ng lugar. Ang

paggaamit ng opisina ay ang layunin ng lugar na may kaugnayan sa indibwal. Ang

kakulangan ng probisyon ng kinakailangang espasyo para sa parehong mga

materyales at mga gumagamit upang makamit ang ginhawa habang nagtatrabaho

ay isang indikasyon ng hindi magandang alokasyon ng espasyo. Ito rin ay

nauugnay sa lugar ng “workstation” at ang distansya nito mula sa ibang mga

pasilidad. Ito ay maaaring matukoy sa pamamagitan ng pagkakamit at pag-abot


21

ng isang tao mula sa mga materyales at kagamitan para gamitin at mga lugar na

kailangan marating. Nakikita habang nagtatarabaho ang pagtaas ng paghapay

tungo pagsulong ng teknolohiya, ito ay importanteng isaalang-alang ang

teknolohikal na kagamitan at aksesorya na maaaring inangkop sa “workspace”.

Ito ay may kaugnayan sa gagawing pagaaral ng mga mananaliksik dahil

tinatalakay nito ang kahalagahan ng pagkakaroon ng espasyo at mahusay na

kalidad ng mga kagamitan sa paggawa ng mga iniatas gawain. Binanggit ni Morse

ang ilang mga kadalasang suliranin gaya ng kakulangan sa pagsuporta sa

istraktura, ang maling pagkakaayos ng mga kagamitan at hindi magandang

alokasyon ng espasyo ay nakaaapekto sa abilidad ng indibidwal na magtrabaho.

Konektado ito sa pagaaral dahil ang espasyo at ang mga disenyo ng kagamitan

ay mga salik na isinasaalang alang upang mas mapadali at mas lalong mapahusay

ang isang aktibidad.

Ayon kay John Mark Carino at Rochelle Anne Relevo (2012), ang espasyo

na inilaan sa bawat estudyante sa mga silid-aralan ay isang ikinababahalang isyu

ng pang-edukasyon na pamamahala sa iba’t ibang bansa at sa loob mga taon.

Ang sapat na espasyo sa bawat estudyante sa silid-aralan ay mahalaga upang

pagyamanin ang kalidad ng pag-aaral. Sa mga nakaraang pag-aaral ay ipinakita

na ang mataas na densidad sa silid-aralan ay negatibong nakakaapekto sa pag-

aaral ng mga estudyante. Nais malaman ng pag-aaral na ito kung ang

panghihikayat ng postibong disposisyon ay maaaring sumalungat sa mga

negatibong epekto ng mataas na densidad sa silid-aralan o mapabuti ang


22

pagkatuto ng mga estudyante. Sa isinagawang eksperimento, nakita na hindi

nakakaapekto sa pagganap ang mataas na densidad sa silid-aralan. Mayroon din

makabuluhang epekto ng pakikipag-ugnayan sa tatlong baryabol; densidad,

disposisyon at pag-aaral. Nagsagawa muli ng isang eksperimento, ipinakita sa

resulta na ang pagmamanipula ng distansya ng pakikipag-ugnayan ay

nakakaapketo sa pagganap ng mga grupo at indibidwal sa mga gawain na walang

kinalaman sa mataas o mababa na densidad sa silid-aralan. Kaya naman,

mayroon dapat sapat na espasyo para sa bawat mag-aaral sa mga silid-aralan

upang gawin itong kaaya-aya para sa pagkatuto. Ayon kay Hainault (2010) na

sinuri ang nakaraan at kasalukuyang mga pag-aaral tungkol sa bilang ng mga

estudyante sa bawat silid-aral, napagpasiyahan niya na mas kaunti ang mga

estudyanteng sa huli ay magbubunga ng mataas na makakamtang pang-

akademiko.

Ito ay nauugnay sa gagawing pag-aaral ng mga magsasaliksik dahil ang

tinatalakay dito ay tungkol sa kung paano nakakaapekto ng negatibo o positibo

ang mataas na densidad sa silid-aralan o ang masikip na espasyo sa loob ng silid-

aralan. Kung kaya’t konektado ito sa gagawing pag-aaral dahil tatalakayin naman

doon ang epekto ng pagpagkakaayos at disenyo ng silid-aralan sa akademikong

pagganap at pag-uugali sa mga mag-aaral. Sinabi rin sa pag-aaral nila John Mark

Carino at Rochelle Anne Relevo na mayroon dapat sapat na espasyo ang mga

mag-aaral upang mas matuto sila at mapabuti ang kanilang pag-aaral. Kailangan

ng malawak na espasyo sa silid-aralan upang maging epektibo ito sa pagkatuto


23

ng mga estudyante. Konektado ito sapagkat kasama sa pagkakaayos ng silid-

aralan ang laki ng espasyo sa silid-aralan at ang pagitan ng bawat lamesa at upuan

sa isa’t-isa.

Ayon kay Genevieve A. Pillar (2014), ang mga tao sa ika-dalawampu’t

unang siglo ay nakatira sa isang kapaligiran na laganap ang teknolohiya at

pakikipagtalastasan, minarkahan ng iba’t ibang mga katangian; kabilang ang

pagkakaroon ng daan sa kasaganahan ng impormasyon, mabilis na pagbabago

sa kasangkapan ng teknolohiya at kakayahang makipagtulungan at gumawa ng

mga indibidwal na kontribusyon sa isang wala pang makagagawang antas. Ang

paaralan ayitinatag noong Marso 29, 1978 upang matugunan ang layunin ng

paglipat ng departamento ng elementarya ng De La Salle University-Manila sa

isang mas nakakatulong at angkop na kapaligiran sa pag-aaral na may isang

departamento ng mataas na paaralan upang tiyakin pagkakalagay ng mga

magtatapos ng ikalawang baiting sa paaralan para sa pangalawang edukasyon.

Ang mga panandaliang layunin ay: upang ipahintulot ang mga mag-aaral na

manguna sa mga akademya sa pamamagitan ng pag-aaral sa isang kapaligiran

na pinapagana ng teknolohiya, upang ilantad ang mga mag-aaral sa

responsableng paggamit ng mga paratong “mLearning” sa konteksto ng

edukasyon, bawasan ang bigat ng mga aklat at mga “bag”upang itaguyod ang

pisikal na kalusugan ng mga mag-aaral at upang mag-ambag sa mga pagsisikap

ng pagligtas ng mga puno bilang resulta ng mas kaunting paggamit ng papel. Ang

pag-aaral na ito ay isinagawa upang tuklasin ang epekto ng mga interaktibong


24

aplikasyon gamit ang “mobile learning device” sa silid-araan. Bagaman ito ay

naroon pa rin sa maagang yugto ng pag-unlad maliwanag na ang bagong

henerasyon ng mga teknolohiya sa pag-aaral ay may malaking epekto sa

edukasyon at pagsasanay.

Ito at nauugnay sa gagawing pag-aaral ng mga magsasaliksik dahil

tinatalakay dito ang tungkol sa pagbawas ng bigat ng mga aklat at bag ipang

itaguyod ang pisikal na kalusugan ng mga mag-aaral, sa pamamagitan ng

paggamit ng mga mga mobile learning device at ang maitutulong nito sa pagbawas

ng paggamit ng mga papel. Kung kaya’t konektado ito sa gagawing pag-aaral dahil

tatalakayin naman doon ang epekto sa pagkakaayos at disenyo ng silid aralan sa

akademikong pagganap at pag-uugali sa mga mag-aaral. Sinabi rin sa pag-aaral

ni Genevieve A. Pillar (2014) na ito ay makatutulong sa pag-unlad na ang

makabagong henerasyon ng mga teknolohiya sa pag-aaral ay may malaking

epekto sa edukasyon at pagsasanay.

Buod

Ang mga mananaliksik ay nakakuha ng mga datos o impormasyon mula sa

iba't ibang mga lokal at internasyonal na mga literatura at pag-aaral, ang mga

mananaliksik ay tumukoy at sumiyasat ng bawat sanggunian na gagamitin;

karamihan sa mga pag-aaral na nakalap ay tumutukoy sa mga disenyo at

kaayusan sa silid-aralan tulad ng mga materyales na ginagamit at iba pang mga

kadahilanan tulad ng akustik, kulay at temperatura ng mga silid-aralan panloob at

panlabas na mga baryabol. Ang ilan sa mga ito ay ipinaliwanag at pinatunayan na

ang mga kaugnay sa pagaaral na ito ay maaaring makaapekto sa akademikong


25

pagganap, pag-uugali pati na rin sa pisikal na pangangatawan ng mga mag-aaral.

Ang mga pag-aaral na ito ay nakatulong sa mga mananaliksik upang lumikha ng

isang kongkretong pag-aaral, dahil ang mga sanggunian na ginamit ay

magkakaugnay sa konsepto ng pananaliksik na isasagawa.


26

Kabanata 3

Metodolohiya at Pagkalap ng Datos

Ang kabanatang ito ay tatalakay tungkol sa pagkalap ng datos at mga

paraan na gagamitin ng mga mananaliksik; ang mga mananaliksik ay

mangongolekta ng datos o impormasyon upang gamitin at suportahan ang pag-

aaral na gagawin. Ang mga sumusunod na konteksto na makikita sa kabanatang

ito ay ang disenyo ng pananaliksik, pamamaraan ng pagpili ng respondente at

paraan ng paglikom ng datos. Ang mga mananaliksik ay gagamit ng pananaliksik

na palarawan bilang kanilang disenyo ng pananaliksik. Ang mga tutugon o sampol

ng pag-aaral ay manggagaling sa mga presidente ng Grade 11 STEM, mga

arkitekto at mga inhinyero; ang paraan nang paglikom ng datos ay sa

pamamagitan ng pakikipanayam.

Disenyo ng pananaliksik

Ang disenyo ng pananaliksik na gagamitin para sa pag-aaral ay ang

pananaliksik na palarawan na nakahanay sa kwalitatibong pananaliksik. Ayon kay

Shaira Dianggal (2017), ang pananaliksik na palarawan ay isang uri ng

pagsasaliksik kung saan pinag-aaralan dito ang kasalukuyang isyu na

makabuluhan sa mga tao. Tutukuyin dito ang mga pangkasalukuyang ginagawa,

pamantayan at kalagayan. Nilalayon ng mga datos na ilarawan kung ano ang mga

kasalukuyang nagaganap sa mga suliraning kinahaharap ng mga tao sa kanilang

paligid. Ang mga mananaliksik ay magsasagawa ng pag-aaral sa mga mag-aaral

ng Grade 11 S.T.E.M. sa pamamagitan ng pakikipanayam at ang mga


27

palatanungan ay mababatid at makakalap ang mga pang-unawa sa mga epekto

ng disenyo at kaayusan ng mga silid-aralan sa akademikong pagganap at pag-

uugali ng mga magaaral.

Kalahok sa Pag-aaral

Ang mga mananaliksik ay pipili ng mga respondente; ang mga presidente

at bise-presidente ng mga silid-aralan at kung hindi makakapanayam ang mga

nabanggit, makikipanayam ang mga mananaliksik sa mga mag-aaral na opiser din

ng silid-aralan na magmumula sa Grade 11 ng STEM Strand sa La Salle College

Antipolo, mga inhinyero at arkitekto; binubuo ng sampung mag-aaral, tig-isang

inhinyero at arkitekto, sa kabuuan mayroong labing-dalawang respondente na

makakapanayam ng mga mananaliksik. Ang mga mananaliksik ay nagtakda ng

pamantayan sa mga sampol na mapipili, upang makakalap sila ng kongkreto at

maasahan na mga datos. Sa pamamagitan ng kanilang sariling pananaw, ang mga

mananaliksik ay magagawang unawain ang kanilang mga opinion at

pangkalahatang-ideya tungkol sa mga epekto ng disenyo at kaayusan ng mga

silid-aralan sa akademikong pagganap at pag-uugali ng mga magaaral.

Instrumento sa Pag-aaral

Ang mga mananaliksik ay magsasawa ng pag-aaral sa pamamagitan ng

pakikipanayam bilang instrumento upang makakalap ng datos. Ang pag-aaral ay

naglalayong mabatid ang mga pananaw ng mga mag-aaral mula sa Science,

Technology, Engineering, and Mathematics (STEM) strand ng La Salle College


28

Antipolo. Ang pag-aaral ay naglalayong maunawaan ang tungkol sa pananaw ng

mga mag-aaral mula sa STEM kung saan ang pakikipanayam ang naaangkop at

wastong paraan upang makakalap ng impormasyon. Ang mga respondente ay

sasagot ng limang tanong; ang pakikinayam ay makakakuha ng impormasyon na

may kaugnayan hinggil sa disenyo at kaayusan ng mga silid-aralan at kung paano

ito nakakaapekto sa akademikong pagganap at pag-uugali ng mga magaaral sa

La Salle College Antipolo.


29

Bibliograpi

Cariño, J., & Relevo, R. (2012). The effect of positive mood induction and high room
density in reading comprehension, (pp. 1-2, 17-19). De La Salle University, Taft
Avenue, Manila.

Castellucci H. I., Arezes P. M., Molenbroek J. F. M., de Bruin R. & Viviani C. (2016).
The influence of school furniture on students’ performance and physical
responses: Results of a systematic review. Ergonomics, p. 1. Retrived on
February 9, 2019 from http://dx.doi.org/10.1080/00140139.2016.1170889

Cherry, K. (2018). Color Psychology: Does It Affect How You Feel?. Retrieved on
February 27, 2018 from https://www.verywellmind.com/color-psychology-
2795824

Ching, E., Go, P., & Ty, L. (2013). A study on the application of ergonomics on the
Gokonwei college of engineering faculty room layout and workstation, (pp. 1-2,
67-68). De La Salle Univerity, Taft Avenue, Manila.

Editorial: Better learning environments. (2018). Retrieved on March 8, 2019 from


https://www.sunstar.com.ph/article/1765351

Gilavand, A. (2016). The Impact of Educational Furniture of Schools on Learning and


Academic Achievement of Students at Elementary Level. Int J Med Res Health
Sci., 5(7S), pp. 343-344. Retrieved on February 26, 2019 from
https://www.researchgate.net/publication/306960105

Hardin, C. (2012). Effective Classroom Management (3rd ed.), (pp. 1-5). Boston, MA:
Pearson Education Inc.

Lim, GH., Keumala N., & Ghafar N. (2017). Energy saving potential and visual comfort
of task light usage for offices in Malaysia. Retrieved on March 8, 2019 from
https://www.infona.pl/resource/bwmeta1.element.elsevier-06066053-a8cd-3255-
8e26-fbc685af106d/tab/summary

Lueder, R., & Berg Rice, V. (2008). Ergonomics for Children: Designing products and
places for toddler to teens, (p. 722, 724). Boca Raton, FL: CRC Press.

Pillar, G. (2014). Developing scientific reasoning skills using interactive applications,


(pp. 1-2). De La Salle University, Taft Avenue, Manila.

Sleegers P., Moolenaar N., Galetzka M., Pruyn A., Sarroukh BE., & Zande B. (2012).
Lighting affects students' concentration positively: Findings from three Dutch
studies. Lighting Res. Technol., 45, p. 159. Retrieved on February 26, 2019 from
http://lrt.sagepub.com/content/45/2/159
30

Tabora, L. (2011). Instructional design for high school Science techware, (p. 3, 11). De
La Salle University, Taft Avenue, Manila.

Timoteo-Afinidad, C. (2010). Workstation and workspace ergonomics in Philippine


libraries: An emergic priority. Journal of Philippine Librarianship, 30(1), p. 1.
Retrieved on March 8, 2019 from
http://journals.upd.edu.ph/index.php/jpl/article/view/2075

Turano A., (2005). The impact of classroom environment on student learning. Theses
and Dissertations. 1089. Retrieved on February 27, 2019 from
https://rdw.rowan.edu/etd/1089

Dianggal, S. (2017), Deskriptib at eksperimental na pananaliksik. (2017). Retrieved on


March 12, 2019 from https://prezi.com/m/d1bpxtamzhws/deskriptib-at-
eksperimental-na-pananaliksik/
31

Kurikulum Bita

Pangalan: Jan Lndel A. De Guzman


Contact Number: 09974922225/09276386984
Edad: 17 years old/ January 26, 2002
Email Address: lndeldeguzman@gmail.com
Tirahan:223 Rainbow Ave. st. Rainbow Village,
Brgy.San Isidro, Angono,Rizal.
Nanay: Erlinda A. De Guzman
Tatay: Leonilo Y. De Guzman
Relihiyon: Roman Catholic
Paaralan:
Senior Highschool: La Salle College Antipolo
Nursery-Junior Highschool: Raises Academy Inc.
Parangal:
Academic Scholar
Completed Junior Highschool with Honors; 3rd Honors

Pangalan: Judy Mae M. Gudiaga


Contact number: 09172746250
Edad: 16
Email address: jmgudiaga@gmail.com
Tirahan: M.h del pilar st. Brgy. Plaza Aldea, Tanay, Rizal
Nanay: Editha Gudiaga
Tatay: Santos Gudiaga
Relihiyon: Catholic
Paaralan:
Senior Highschool: La Salle College Antipolo
Gradeschool to Highschool: St. therese school, Tanay, Rizal
Parangal:
Grade 10 loyalty award & 8th Honors
32

Pangalan: Mica Airah M. Ibong


Edad: 17 years’ old
Contact Number: 09183499405
Email: micaairah@gmail.com
Tirahan: Jasmin St. Brgy San Isidro Taytay, Rizal
Nanay: Myra Ibong
Tatay: Nicson Ibong
Relihiyon: Roman Catholic
Paaralan:
Junior Highschool-Senior Highschool: La Salle College Antipolo
Elementary: Lord's Jewels Christian School
Nursery-Kinder: St. Lorence Learning Center
Parangal:
Grade 10 Special Honor
Grade 9 Special Honor
Grade 6 Loyalty Award

Pangalan: Princess Kyla H. Muncal


Edad: 17 years’ old
Contact Number: 09493747594
Tirahan: #4 Phrixus Street Crestview Subd.
Mayamot Antipolo City
Nanay: Eufrocina H. Muncal
Tatay: Ruel C. Muncal
Relihiyon: Born Again Christian
Paaralan:
Junior Highschool-Senior Highschool: La Salle College Antipolo
Elementary: The Pleasant Mount School
Parangal:
With Honors; 6th Honors (Grade 10)
With Honors; 4th-5th Honors (Grade 8 - Grade 9)
Literary Editor/Writer (Grade 10 - Present)
33

Pangalan: Adrielle Johann G. Pinpin


Contact Number: 09562351563
Edad: 17 years’ old
Email Address: gregoriodelpinpin@gmail.com
Tirahan: 72 Ma. Dizon St., Gloria Heights Subd.,
Brgy. Dalig, Antipolo City, 1870
Nanay: Maria Consuelo G. Pinpin
Tatay: Adler E. Pinpin
Relihiyon: Baptist
Paaralan:
Senior Highshool: La Salle College Antipolo
Junior High School: Holy Word Academy
Gradeschool: Holy Word Academy
Parangal:
Grade 10 - High honors & loyalty award

Pangalan: Alyana Mae C. Sakkam


Contact Number: 09777659399
Edad: 16 years’ old
Email: yanamaeskkm@gmail.com
Tirahan: 202B Aster st. La Colina Antipolo Valley Subd.
Mambugan Antipolo City
Nanay: Recelyn C. Sakkam
Tatay: Jun A. Sakkam
Relihiyon: Muslim
Paaralan:
Senior Highschool: La Salle College Antipolo
Gradeschool-Junior Highschool: Al-Dura International School
Parangal:
With High Honors
Loyalty Awardee
34

Pangalan: Michaela Danielle A. Sale


Contact number: 09668118951
Edad: 16 years’ old
Email address: salemichaela@gmail.com
Tirahan: 041, Manila East Rd.,
Brgy. Tandang Kutyo, Tanay, Rizal
Nanay: Mischell A. Sale
Tatay: Orlando P. Sale
Relihiyon: Catholic
Paaralan:
San Ildefonso College (gradeschool and junior highschol)
La Salle College Antipolo (Senior Highschool)
Parangal: Completed Grade 10 with High Honors
“Ang mga pananaw tungkol sa epekto ng disenyo at kaayusan ng mga
silid-aralan sa akademikong pagganap at pag-uugali ng mga magaaral na
STEM strand na Ika-11 baitang ng La Salle College Antipolo”

Ang pananaliksik ay isinumite sa mga guro


ng La Salle College Antipolo
Departamento ng
Senior High School

Bilang bahagi ng katuparan na

kinakailangan sa asignaturang Filipino na may deskripsyong

“Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan”

Ipinasa ni:
De Guzman, Jan Lndel A.
Gudiaga, Judy Mae M.
Ibong, Mica Airah M.
Muncal, Princess Kyla H.
Pinpin, Adrielle Johann G.
Sakkam, Alyana Mae C.
Sale, Michaela Danielle A.

Ipinasa kay:
Migs S.M. Bunyi

Marso 20, 2019


36

You might also like