You are on page 1of 19

Ang mga pananaw tungkol sa epekto ng disenyo at

kaayusan ng mga silid-aralan sa akademikong pagganap at


pag-uugali ng mga magaaral na STEM strand na Ika-11
baitang ng La Salle College Antipolo
KABANATA 1
SULIRANIN AT SALIGAN NG PAG-AARAL

2
Panimula

Nilalaman ng panimula ang pagyabong ng edukasyon at


ang mga salik na nakaaapekto sa akademikong pagganap ng
isang indibidwal. Nilalaman din nito ang pag-unlad ng mga paraan
sa pagtuturo ng guro sa kanyang hinahawakang klase. Sa
paglipas ng panahon ay pumasok na ang teknolohiya sa
kagamitan ng pag-aaral. Nilalahad din ditto ang layunin ng pag-
aaral na matukoy ang kaugnayan ng disenyo at kagamitan ng
silis-aralan sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral.

3
Paglalahad ng Suliranin
1. Ano ang mga makabuluhang epekto ng kaayusan at disenyo sa
akademikong pagganap at pag-uugali ng mga mag-aaral ng Grade 11
STEM?
1.1 Paano nakakaapekto ang mga baryabol sa loob ng isang
silid-aralan sa akademikong pagganap at pag-uugali ng mga mag-aaral?
2. Ano ang mga kasangkapan o disenyo na may kaugnayan sa epekto
ng kaayusan at disenyo ng silid-aralan sa akademikong pagganap at
pag-uugali ng mga magaaral?
3. Ano ang pananaw ng mga magaaral sa epekto ng disenyo at
kaayusan ng silid-aralan sa kanilang akademikong pagganap at
paguugali?
4
Kahalagahan ng Pag-aaral

Hangad ng mananaliksik na makatulong ang pag-aaral sa


mga sumusunod na indibidwal, kabilang ditto ang mga guro, mag-
aaral, susunod na mananaliksik, paaralan, arkitekto at mga
inhinyero. Nais ng mga mananaliksik na makinabang ang mga ito
at madagdagan pa ang kanilang kaalaman upang mas
mapayabong pa ang mga paraan sa pagtuturo.

5
Saklaw at Limitasyon

Ang saklaw ng pag-aaral ay limitado lamang sa mga


kasangkapan, kaayusan, at disenyo lamang ng silid-aralan. Ito ay
ilan sa mga salik na nakaaapekto sa pag-aaral ng isang
indibidwal. Ang pagsasaliksik ay magaganap sa La Salle College
Antipolo, na ang mga sampol ay ang piling mag-aaral sa Ika-11
baitang ng STEM strand.
Ang tatalakayin lamang sa pananaliksik ay ang opinion ng
mga napiling sampol sa epekto ng disenyo at kaayusan ng silid-
aralan sa mga mag-aaral.
6
Konseptwal na Balangkas
INPUT PROSESO AWTPUT

 Ang relasyon  Ang mga  Matukoy an


ng disenyo at mananaliksik pananaw ng
ay kukuha ng mga
kaayusan
estudyante
maging ang mga datos sa
sa La Salle
kasangkapan paraan ng College
ay pakikipanaya Antipolo
nakaaapekto m sa mga tungkol sa
sa napiling epekto ng
akademikong sample ng silid-aralan
pagsasaliksik sa pag-aaral.
pag-ganap at
pag-uugali na ito.
ngisang mag-
aaral.

7
KABANATA 2
MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

8
Banyagang Literatura

Tinalakay dito ang ginagampanan ng kulay, ang pamamaraan sa


pagtuturo ng mga guro at ang mga kasangkapan na nakaaapekto
sa kalusugan ng mga magaaral ay mga salik na isinasaalang
alang sa maayos na pagaaral ng isang magaaral.

9
Banyagang Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay nagpokus sa mga kasangkapan gaya ng


mga ilaw,espasyo ng silid at ang ingay at mga tunog, temperatura
ay mga salik na nakaapekto sa pag aaral ng mga mag-aaral.
Tinalakay din dito ang mga kasangkapan na nakaapekto sa
kalusugan ng mga magaaral.

10
Lokal na Pag-aaral

Ang pag aaral na ito ay tumatalakay sa espasyo na dapat


nakalaan sa silid-aralan upang mas mapadali ang
pakikipagugnayan ng mga magaaral sa kapwa nito, ang
teknolohiya ay gamit sa pakikipagtalastasan at pagsasaliksik ng
mga impormasyon na ginagamit sa pagaaral.

11
Lokal na Literatura

Tinatalakay dito ang epektibong pamamaraan na gagamitin ng


guro sa mabisang pagtuturo, pagkakakilanlan ng teknolohiya sa
pagbibigay ng karagdagang kaalaman at simpleng pagdidisenyo
ng silid upang maging aktibo ang mga magaaral sa klase.

12
KABANATA 3
METODOLOHIYA AT PAGKALAP NG DATOS

13
Metodolohiya at
Pagkalap ng Datos
Nilahad sa bahagi ng kabanatang ito ang paraan sa
pagkalap ng mga datos o impormasyon na gagamitin upang
suportahan ang pagaaral. Sa pamamagitan ng pananaliksik na
palarawan bilang kanilang disenyo ng pananaliksik.

14
Disenyo ng Pananaliksik

Ang disenyo ng pananaliksik na gagamitin para sa pag-


aaral ay ang pananaliksik na palarawan na nakahanay sa
kwalitatibong pananaliksik. Ang mga mananaliksik ay
magsasagawa ng pag-aaral sa mga mag-aaral ng Grade 11
S.T.E.M. sa pamamagitan ng pakikipanayam at ang mga
palatanungan ay mababatid at makakalap ang mga pang-unawa
sa mga epekto ng disenyo at kaayusan ng mga silid-aralan sa
akademikong pagganap at pag-uugali ng mga mag-aaral.

15
Kalahok sa Pag-aaral

Ang mga mananaliksik ay pipili ng mga respondente; ang


mga presidente at bise-presidente ng mga silid-aralan at kung
hindi makakapanayam ang mga nabanggit, makikipanayam ang
mga mananaliksik sa mga mag-aaral na opiser din ng silid-aralan
na magmumula sa Grade 11 ng STEM Strand sa La Salle College
Antipolo, mga inhinyero at arkitekto; binubuo ng sampung mag-
aaral, tig-isang inhinyero at arkitekto, sa kabuuan mayroong
labing-dalawang respondente na makakapanayam ng mga
mananaliksik.
16
Instrumento sa Pag-aaral

Ang mga mananaliksik ay magsasawa ng pag-aaral sa


pamamagitan ng pakikipanayam bilang instrumento upang
makakalap ng datos. Ang mga respondente ay sasagot ng limang
tanong na may kaugnayan hinggil sa disenyo at kaayusan ng mga
silid-aralan at kung paano ito nakakaapekto sa akademikong
pagganap at pag-uugali ng mga mag-aaral sa La Salle College
Antipolo.

17
Mga Katanungan sa
Pakikipanayam
1. Ano ang iyong nalalaman tungkol sa disenyo at kaayusan ng
silid-aralan?
2. Nakakaapekto ba ang mga disenyo at kaayusan ng silid-aralan
sa iyong pag-uugali at akademikong pagganap? Paano?
3. Ano sa tingin mo ang mga baryabol sa loob ng silid-aralan na
nakakaapekto sa pag-uugali at akademikong pagganap mo at ng
iyong mga kaklase?

18
Mga Katanungan sa
Pakikipanayam
4. Paano mo mapapakinabangan ang paggamit ng disenyo at
kaayusan ng silid-aralan na nakakaapekto sa akademikong
pagganap at pag-uugali mo at ng iyong mga kamag-aral?
5. Ano ang mga problemang lumitaw dahil sa disenyo at
kaayusan ng silid-aralan?
6. Dapat mo bang isaalang-alang ang pagbabago ng disenyo at
kaayusan ng silid-aralan dahil sa kung paano ito ginagamit ng
mga mag-aaral? Kung oo, ano sa palagay mo ang mga
possibleng solusyon? At kung hindi, Bakit?
19

You might also like