You are on page 1of 2

LINGGUHANG TALA SA Asignatura: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik Markahan: Ikaapat

PAGTUTURO Baitang: Labindalawa (12) Semestre: Ikalawa

ARALIN 1 - Pagsusuri ng Ilang Halimbawang Pananaliksik sa Filipino Batay sa Layunin,


Gamit, Metodo, at Etika ng Pananaliksik

Layuning Pampagkatuto:
 Nasusuri ang ilang halimbawang pananaliksik sa Filipino batay sa layunin, gamit, metodo, at etika ng pananaliksik (F11-PB-IVab-100)

Mga Tiyak na Layunin:


A. Natutukoy ang kahulugan, layunin, gamit, metodo, at etika ng pananaliksik
B. Nasusuri ang ilang halimbawang pananaliksik sa Filipino batay sa layunin, gamit, metodo, at etika ng pananaliksik

INTRODUKSYON (INTRODUCTION)
Alam kong may kaalaman ka na tungkol sa pananaliksik. Sa pag-aaral mo nito, nais kong sagutin mo ang sumusunod na tanong
ayon sa iyong natutuhan at karanasan sa pananaliksik.
 Ano ang pananaliksik?
 Bakit tayo nagsasaliksik?
 Ano-ano ang kabutihang dulot ng pagsasaliksik?

PAGPAPAUNLAD (DEVELOPMENT)
A. Pagbasa sa Layunin, Gamit, Metodo at Etika ng Pananalaiksik – Modyul 1
1. Basahin ang “Pagsusuri ng Pananaliksik sa Filipino”
2. Basahin ang bahaging SURIIN – Layunin, Gamit, Metodo at Etika ng Pananaliksik

PAKIKIPAGPALIHAN (ENGAGEMENT)
Pagsasanay 1
1. Bakit mahalagang matukoy mo ang iyong na layunin bago gumawa ng isang pananaliksik?
2. Ano ang kahalagahan ng tama at tiyak na metodo sa paggawa mo ng saliksik?
3. Ano ang etika sa pananaliksik? Bakit kailangang isaalang-alang ito?
4. Ano ang kapakinabangang dulot ng patuloy na pagsasagawa ng pananaliksik sa iyong sarili at sa lipunang iyong
kinabibilangan?

Pagsasanay 2
Basahin ang halimbawang abstrak. Pagkatapos ay sagutin ang mga tanong sa ibaba.

PAGPAPAUNLAD SA KAKAYAHAN SA MAUNAWANG PAGBASA NG MGA MAGAARAL SA GRADE 8


SA PAMAMAGITAN NG ESTRATEHIYANG SAMA-SAMANG PAGKATUTO

HERBERT R. PEREZ Dagupan City National High School


Abstrak:
Sa Pambansang Mataas na Paaralan ng Lungsod ng Dagupan, nakitang may mababang kakayahan ang mga mag-aaral sa
pagbasang may pag-unawa. Kaya’t isinagawa ang pananaliksik upang mapaunlad ang kakayahan sa pagbasang may pag-unawa ng mga
mag-aaral sa grade 8 . Layunin nitong mahasa ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagbasang may pag-unawa gamit ang estratehiyang
samasamang pagkatuto gamit ang isangdaan at apatnapung mag-aaral (140) na taga-tugon sa pag-aaral na tumagal ng anim na buwan.
Idinukomento ang mababang kakayahan ng mga mag-aaral sa paggamit ng research tools tulad ng mga katanungan, resulta ng National
Achievement Test 2013-2015 (NAT) at pagsusulit. Gumamit ang mananaliksik ng estratehiyang sama-samang pagkatuto bilang solusyon
sa pagpapaunlad ng kakayahan ng mga mag-aaral sa pagbasang may pag-unawa. Pagkatapos ng interbensyion ay nakita ng mananaliksik
na nagkaroon ng pag-unlad sa kakayahan ng mga mag-aaral sa pagbasang may pag-unawa. Pinatunayan ito sa pagtaas ng mean score ng
mga mag-aaral pagkatapos ng post-test. Ipinakita rin sa resulta ng t-test na may significant na defirens ang mga pangkat na ginamit sa
pag-aaral. Base sa resulta nagbigay ang mananaliksik ng konklusyon na nagsasabing nakatulong ang estratehiyang sama-samang
pagkatuto sa pagpapaunlad ng kakayahan ng mga mag-aaral sa pagbasang may pag-unawa.

Tanong:
1. Tungkol saan ang ginawang pananaliksik?
2. Ano kaya ang layunin ng may akda sa pagsasagawa nito?
3. Sa iyong palagay sino-sino kaya ang makikinabang sa nasabing pananaliksik?
4. Ano-anong pamaraan o metodo ang ginamit ng mananaliksik sa kanyang pag-aaral?

Pagsasanay 3
Tukuyin at isulat ang layunin, metodo, gamit (kapakinabangan) ng ginawang pananaliksik sa ibaba. Hanapin din kung paanong
isinaalang-alang ng may akda ang etika sa pananaliksik. (balikan sa ibinigay na babasahin ang apat na prinsipyong nabanggit sa etika ng
pananaliksik).
Pagbuo at Balidasyon ng Interaktibong Modyul sa Pagtuturo ng Florante at Laura

Joyce B. Cordenete, Ma. Theresa E. Macaltao Ph.D.


Mabalacat National High School
Abstrak:
Ang pinakalayunin ng pag-aaral na ito ay makabuo ng isang interaktibong modyul sa pagtuturo ng Florante at Laura.
Naglalaman ang interaktibong modyul ng mga paksang aralin mula sa obra maestrang Florante at Laura. Kasama rito ang sumusunod:
“Kay Selya” , “Sa Babasa Nito”, “Gubat ng Pighati”, “Ang Kabataan at Pag-Ibig ni Florante”, “Ang Pag-ibig at Pighati ni Aladin”, at “Ang
Masayang Wakas”. Minabuti ng mananaliksik na ang interaktibong modyul ay iangkla sa inilabas ng Gabay Pangkurikulum ng Kagawaran
ng Edukasyon.
Gumamit ng disenyong Research and Development ang mananaliksik para sa kaniyang pag-aaral o kilala sa tawag na
pananaliksik at pagpapaunlad.
Matapos makabuo ng isang interaktibong modyul, ito ay pinabalido sa mga gurong eksperto sa larangan ng panitikan upang
masuri at masiyasat ang nilalaman nito. Gumamit ng tseklis ang mananaliksik na nagmula sa LRMDS at ito ay kaniyang minodipika.
Binubuo ang tseklis ng Layunin, Nilalaman, Format, Presentasyon at Organisasyon, at Pagsasanay. Lumabas sa resulta ng pagpapabalido
na ang Layunin, Nilalaman, Ilustrasyon, Disenyo, Presentasyon at Organisasyon at Pagsasanay ay may mean na 5.00, ang Format naman
ay nakakuha ng mean na 4.93. Ang lahat ng bahagi ay mayroong deskripsiyong Lubos na Katanggap-tanggap. Sa kabuuan ng resulta, ang
interaktibong modyul ay nagtamo ng kabuuang mean na 4.96 at may deskripsiyong Lubos na Katanggaptanggap. Samakatuwid, ang
interaktibong modyul ay katanggap-tanggap batay sa mga bahagi nito.
Matapos ang pagpapabalido, pinagamit ng mananaliksik ang narebisang modyul sa mga mag-aaral sa ikawalong baitang upang
malaman ang antas ng pagtanggap dito. Gumamit rin ng tseklis ang mananaliksik na mula sa LRMDS, at naglalaman din ito ng limang
bahagi: Layunin, Nilalaman, Format, Presentasyon at Organisasyon at Pagsasanay.

LAYUNIN GAMIT METODO ETIKA

ASIMILASYON (ASSIMILATION)
Maghanap ng isang papel pananaliksik sa aklat o internet o maaaring tesis sa silid-aklatan. Maaaring ito ay nasa wikang Filipino o Ingles.
Punan ang talahanayan mula sa iyong nasaliksik pagkatapos ay saguin ang mga tanong sa ibaba bilang suporta sa inilagay mo sa
talahanayan. Ang makukuhang saliksik ay nararapat na ipasa sa guro ang abstrak kasama ang talahanayan at ang mga sagot sa tanong

Halimbawa:
Pamagat ng Pananaliksik Layunin Gamit Metodo Etika
Mahasa ang kakayahan Ang pagpapatunay ng Gumamit ng Pumili ang
PAGPAPAUNLAD SA ng mga mag-aaral sa mananaliksik na ang talatanungan, mananaliksik ng
KAKAYAHAN SA pagbasang may pag- estratehiyang sama- nagkaroon ng pre-test 140 na bata na
MAUNAWANG PAGBASA unawa gamit ang samang-pagkatuto ng at post-test (maaaring siyang tumugon sa
NG MGA MAGAARAL SA estratehiyang mga mag-aaral ay experimental method), kaniyang ginawang
GRADE 8 SA samasamang pagkatuto solusyon sa pag-unlad sa gumamit ng statistical pag-aaral.
PAMAMAGITAN NG pagbasa nang may pag- tool na t-test
ESTRATEHIYANG SAMA- unawa ay magagamit ng
SAMANG PAGKATUTO mga guro upang
magamit sa kanilang
pagtuturo.

1. Ang mga layunin ba ng pananaliksik ay naisakatuparan? Patunayan.


2. Ang ginawa bang pananaliksik ay tunay na kapaki-pakinabang sa sarili, kapwa o sa komunidad? Patunayan.

PAMANTAYAN DESKRIPSYON PUNTOS


A. Pagiging Mapanaliksik Nagpakita ng wastong abstrak na sinaliksik mula sa internet o tesis bilang awtput 10 puntos
B. Kawastuan ng Gawa Napunan ng wastong sagot ang talahanayan at ang dalawang katanungan na 15 puntos
ibinigay ng guro
KABUUANG PUNTOS 25 puntos

B. Pangwakas na Pagsubok (Quiz)


Tukuyin at isulat kung ang tinutukoy ng mga pahayag sa ibaba ay LAYUNIN, GAMIT, METODO at ETIKA ng pananaliksik.
1. Ang mananaliksik ay gumawa ng talatanungan sa isasagawang pananaliksik.
2. Ipinagamit ng mananaliksik sa paaralan ang ginawang modyul.
3. Isinagawa ang pananaliksik upang mapataas ang antas ng komprehensyon ng mga mag-aaral.
4. Gumamit ng Likert Scale ang mananaliksik para sa pagbibigay ng interpretasyon sa ginawang balidasyon ng modyul.
5. Ang paglalagay ng pangalan ng kalahok sa talatanungan ay opsyonal.
6. Sa paggawa ng pananaliksik ay mahalagang banggitin ang ngalan ng may akda ng mga pinagkunang resources.
7. Nais patunayan ng mananaliksik na may positibong epekto sa academic performance ng mag-aaral ang FB.
8. Ang ginawang modyul ay nakatulong upang tumaas ang antas ng kakayahan sa pagbasa ng mga mag-aaral.
9. T-test ang ginamit na statistical tool ng mananaliksik.
10. Nasusukat ang kabisaan ng komiks bilang alternatibong kagamitang pampagtuturo sa baitang 7.

PAALALA: Gagamitin ang modyul upang maunawaan ang leksiyon sa pananaliksik ngunit ang mga gawain sa modyul ay hindi na
sasagutan. Tanging ang ibinigay lamang ng guro ang gagawin.

You might also like