Professional Documents
Culture Documents
BASAHIN NATIN
Mga Layunin:
1. Nakikilala ang pagkakaiba ng buod, kongklusyon, at rekomendasyon.
1. Nasusuri ang tamang pamamaraan sa pagbibigay buod, kongklusyon, at
rekomendasyon.
2. Nauunawaan ang kahalagahan ng iba pang bahagi ng pananaliksik.
3. Nahaharap ang mga gawain nang matapat.
4. Naitatama ang mga sariling pagkukulang.
Ito na ang pinal na gawain ng isang mananaliksik. Isinama rin ang mga
panghuling bahagi ng pananaliksik na tutulong para sa ikatatagumpay ng isang
pananaliksik.
Ang nabuong buod ay base sa kinalabasan ng pag-aaral. Kung ilan ang bilang ng
suliranin ay dapat siyang bilang din ng mabubuong kongklusyon, ganoon din ang
mabubuong rekomendasyon. Ngunit maaaring madagdagan ang mga rekomendasyon
kung may nakikitang iba pang saklaw na hindi nabigyang-pansin para magsilbing gabay
sa bagong pag-aaral, o sa mga gusto pang magsaliksik sa hinaharap.
Haypotesis:
Mas mataas ang antas ng kakayahan sa pagsusulit ng mga mag-aaral gamit ang
instruksiyong modyular kaysa sa tradisyonal.
Haypotesis:
B. Kongklusyon
Halimbawa:
Halimbawa ng rekomendasyon:
Aklat-isang awtor
Pansinin:
Journal
Artikulo
Cruz, Corazon M. (2005) “Bakit Aalis ang Mama, Anak,” UHAY, Hunyo-Oktubre,
pp. 50-56.
Tesis o desertasyon
Clerkin, Ben at Fiona Macrae. (2006). Men are intelligent than woman. Retrieved
May 31, 2008. http://www.chinadaily.com.cn/lifestyle/2006-
09/14/content_689220.htm.
Apendises
Mahalaga ang mga liham dahil ito ay isang patunay na ang isang mananaliksik ay
kailangang magbigay galang sa mga kinauukulan.
Mainit na pagbati!
ERMILYN P. RAMOS
(mananaliksik)
Resumé
Ang Saint Louis University ay kilala sa Hilagang Luzon bilang isang unibersisdad na
nagbibigay ng mataas na kalidad ng edukasyon. Sa paglilikom ng “Statistics on
Performance in Licensure Examination” na naganap noong 1999-2003, hinirang ang
pamantasang ito bilang pangatlo sa dalawang daan siyamnapu’t anim na paaralan sa
buong Pilipinas na may mataas na bilang ng mga pumapasa sa iba’t ibang Licensure
Examinations. Ang ulat na ito ay inihanda ng ESTF o Educational Statistics Task Force-
ang pinagsamang pag-aaral ng Professional Regulation Commission (PRC) at ng
Comission on Higher Education (CHED). Ang Kolehiyo ng Edukasyon ng Saint Louis
University gaya ng iba pang pamantasan ay tumatalima sa pagpapaunlad sa larangan ng
edukasyon. Nakapokus ang pamantasan sa pagtatatag ng Inklusibong Edukasyon bilang
pagtalima at suporta sa batayang prinsipyo ng edukasyong itinatadhana ng
internasyonal na komunidad sa pamamagitan ng UNESCO. Ayon sa UNESCO,
pundamental na karapatan ng bawat bata ang mabigyan ng buong oportunidad sa
edukasyon at nararapat na atensyon ang dapat ibigay upang siguraduhing lahat ng
pasilidad ay maakses ng lahat ng mamamayan at pantay-pantay nilang tamasahin ang
kalidad na edukasyon nang walang diskriminasyon dahil sa kasarian, lahi, kulay,
relihiyon, political na opinion, at lipunang pinagmulan o kondisyong ekonomiko. Sa
kalagayang ito, bukas ang pamantasan sa pagtanggap ng mga mag-aaral na kabilang sa
ibang lahi at ang mga mag-aaral na may dalawang pagkamamamayan, na may
kakayahang umangkop sa mga pangangailangang pang-akademiko sa antas kolehiyo
ngunit sa pinakabatayan ay kailangan nilang pumasa sa Saint Louis University – College
Entrance Examination (SLU-CEE). Sa kabuuan ay sinusuhayan ng unibersidad ang
pangkalahatang tunguhin ng UNESCO sa antas ng tersyarya na ipalaganap ang isang
edukasyong komprehensibong magpapaunlad sa kultural, politikal at ekonomikong
aspekto ng lipunan. Tinitingnan ang edukasyon bilang tagapagpalaganap ng karapatang
pantao, istableng pag-unlad, demokrasya, kapayapaan, at hustisya sa lipunan.
Kaugnay nito, itinatadhana rin ng mga batas sa Pilipinas ang pagtalima sa tunguhin ng
global na edukasyon. Alinsunod sa kautusang ipinalabas ng CHED Memorandum Blg. 59
noong taong 1996 hinggil sa New General Education Curriculum, ay may
pangangailangang gabayan ang mga estudyante na makita ang tao bilang isang integral
na nilalang na bahagi hindi lamang ng kaniyang bansa kundi ng global na komunidad sa
pamamagitan ng interdisiplinaring lapit sa pagtuturo at pag-aaral. Dito isinasaad na
siyam (9) na yunit ang kinakailangang tapusin ng mga mag-aaral sa kursong Filipino sa
pangkalahatang edukasyon. Itinatadhana rin nito ang pagbabago sa deskripsyon at
nilalaman ng mga kurso sa Filipino 1 (Komunikasyon sa Akademikong Filipino), Filipino 2
Ang mataas na antas sa akademikong pagkatuto ng wika ang inaasahan sa lahat ng mag-
aaral na kumukuha ng mga regular na klase ng Filipino na binanggit sa itaas kasama na
ang mga mag-aaral na may dalawang pagkamamamayan. Iba-iba man ang antas ng
kanilang kakayahang umunawa at magpahayag sa wikang Filipino, may
pangangailangang kuhanin nila ang kurso sapagkat parte ito ng pambansang kurikulum
sa kolehiyo ng Pilipinas.
Inilahad ni Wagner (2007) na ang wika ay problema ng mga imigrante at ito ang
kinahaharap ng mga paaralan para sa pagtuturo sa mga hindi nagsasalita ng Ingles sa
kanilang paaralan. Sa kanyang pananaliksik sa Paaralang Illinois, kinakailangang turuan
nila ang mga mag-aaral na imigrante, kahit na ano pa ang pagkamamamayan ng kanilang
mga magulang sapagkat naniniwala sila sa polisiyang No Child Left Behind. Nalaman niya
na ang mga mag-aaral na nagsasalita ng Ingles na may dalawang wika ay may malaking
problemang kinakaharap. Halimbawa na lamang ang Quincy Public School na ganito rin
ang nararanasan tungkol sa mga mag-aaral na marunong magsalita ng Ingles ngunit may
problema o balakid na nararanasan sa kanilang pag-aaral.
Kaugnay ng mga nabanggit na mga kalagayan, layunin ng pag-aaral na ito na tuklasin ang
mga saloobin ng mga mag-aaral na may dalawang pagkamamamayan kaugnay sa
kanilang mga karanasan sa araw-araw na pakikisalamuha sa pag-aaral ng mga kursong
Filipino. Ang dalawang pagkamamamayan na tinutukoy sa pag-aaral na ito ay ang mga
half-blooded Filipino at half-blooded foreigner. Mula sa kanilang mga saloobin ay
inaasahang masuri ang kanilang iba’t ibang pagtingin sa pagkuha ng regular na kurso sa
Filipino at ano ang mga iba’t ibang antas ng kahirapan ng mga mag-aaral sa pagkuha ng
kurso. Sisipatin din ng papel na ito ang iba’t ibang suliraning kinakaharap ng mga guro sa
pagtuturo ng Filipino sa mga mag-aaral na may dalawang pagkamamamayan.
Inaasahang makapaglalahad ng ilang mga pamamaraan at suhestiyon ang mga
mananaliksik kung paano haharapin ang mga saloobing ito upang lalong maging
epektibo ang pagkatuto ng mga mag-aaral na may dalawang pagkamamamayan sa
unibersidad.
Metodo at Pamamaraan
Makikita rin sa kabanatang ito ang kabuuang bilang ng mga tagatugon, pamamaraan, at
mga instrumentong ginamit sa paglikom ng mga datos.
Gamit ang disenyong “phenomenology” o ang pag-alam sa kung ano nga ba ang
nangyari. Hinangad ng mga mananaliksik na matuklasan ang mga saloobing
nararamdaman ng mga mag-aaral na may dalawang pagkamamamayan na kumuha at
kumukuha ng kursong Filipino. Ang phenomenology ay isang uri ng disenyong ginagamit
sa pagbuo ng qualitative research.
Ginamit din ang quantitative na deskriptibong paraan dahil inilarawan ang mga
kahirapan ng mga mag-aaral na may dalawang pagkamamamayan sa pagkuha ng
asignaturang Filipino gayundin ang suliraning kinakaharap ng mga guro sa pagtuturo ng
Filipino sa mga mag-aaral na may dalawang pagkamamamayan.
Ang pananaliksik na ito ay may kabuuang bilang na siyam (9) na tagatugon: 5 babae at 4
lalake sa mga mag-aaral na may dalawang pagkamamamayan. Siyam din ang naging
respondenteng guro. Sila ang naging guro ng mga respondenteng mag-aaral na may
dalawang pagkamamamayan.
Isinagawa ang pag-aaral na ito sa Saint Louis University. Ang mga tagatugong mag-aaral
na may dalawang pagkamamamayan ay mula sa Kolehiyo ng Edukasyon, Likas na
Agham, Agham Pantao, Narsing, Komersiyo, at Inhinyero, at Arkitektura. Ang ilan sa
kanila ay nakatapos na ng mga kursong Filipino samantalang ang ilan ay kumukuha ng
kursong Filipino sa unang Semestre, Taong Pampaaralan 2008-2009.
Para sa mga respondenteng mag-aaral, ginamit ang gabay sa Panayam (Aide memoir)
kung saan nakasulat ang mga katanungang ginamit bilang basehan sa pagsagot ng
suliraning sinasaliksik sa pag-alam sa kanilang saloobin. Ginamit din ang liham pahintulot
na humihingi ng mga tala ng mga mag-aaral na may dalawang pagkamamamayan mula
sa Kagawaran ng Filipino; permiso sa mga dekano at dekana ng mga kolehiyong kalahok
sa isinagawang pag-aaral na may mag-aaral na may dalawang pagkamamamayan, at sa
mga mag-aaral na may dalawang pagkamamamayan na sumang-ayong maging
tagatugon.
Upang maisakatuparan nang husto ang pagsasagawa ng panayam, ginamit ang tape
recorder/MP3 player. Dito kinuha ng mga mananaliksik ang mga kasagutang sinuri para
sa pag-aaral na ito.
Ginamit din ang talatanungan upang makuha ang antas ng kahirapan ng mga mag-aaral
na may dalawang pagkamamamayan sa pagkatuto ng Filipino at ang suliraning
kinakaharap ng mga guro sa pagtuturo ng Filipino sa mga mag-aaral na may dalawang
pagkamamamayan.
Bilang panimula, sumulat ng isang liham (letter of request) ang mga mananaliksik sa
Kagawaran ng Filipino na kung maaari ay magbigay sila ng pangalan ng mga mag-aaral
na may dalawang pagkamamamayan sa anumang kolehiyo ng pamantasan kaya nakuha
ang iba’t ibang kolehiyo.
Kasunod nito, nagbigay ng liham pahintulot ang mga mananaliksik sa mga dekano at
dekana ng naturang mga kolehiyo bago tuluyang simulant ang panayam at
pagpapamudmod ng mga talatanungan, gayundin sa mga mag-aaral na may dalawang
pagkamamamayan at mga guro na sumang-ayong maging tagatugon sa pananaliksik na
isinagawa.
Sa mga datos na nakalap, sinimulan ang pagsusuri sa mga kasagutan gamit ang
repertory grid. Dito pinagbuklod ang mga magkakaparehong kasagutan at inayos sa
isang kategorya upang mabigyang tema ang bawat isa. Ito ang ginamit upang malaman
ang saloobin ng mga mag-aaral na may dalawang pagkamamamayan sa pagkuha ng
Filipino.
Resulta at Diskusyon
Bilang sagot sa katanungang “Ano-ano ang mga saloobin ng mga mag-aaral na may
dalawang pagkamamamayan sa pagkuha ng kursong Filipino sa kolehiyo,” tatlong
“I am shocked.”
“Inisip ko agad na mahirap ang asignaturang
Filipino.”
“I was disappointed for it was my least favorite
subject”
“I just feel kinda bothered because I didn’t
understand Filipino.”
“I took up Filipino 1 and 2 but Filipino 3, not yet.
I’m afraid.”
“I feel like they are talking about me or
sometimes when my instructors talk to me in
Tagalog. I still need to ask my surroundings.”
“I would try but if I failed, I will not try it again.”
“It was scary at first because even for the other
students that are not pure Tagalog speakers they
Bentahe
Ang mga kasagutang naitala sa ibaba ang sumasalamin
sa positibong pananaw at pagpayag ng mga mag-aaral
na may dalawang pagkamamamayan sa pagkuha ng
kursong Filipino. Pangunahing sumasalamin dito ang
FT 602 MGA LAWAK SA PANANALIKSIK SA FILIPINO 192
PROF. ALEXIS P. RAMIREZ
silbi sa kanila ng pagkatuto ng wika.
“Yeah, I think so. I learned about Philippine
History.”
“I learned about the country’s history and
politics. In Filipino 1, I learned about history and
the presidents.”
“Yes, I can socialize with other people using
Filipino and/or English language”
“I am able to converse and socialize with my
Filipino friends.”
“It feels good because there are a lot of people
that sometimes can speak two languages,
Filipino and English.”
“Advantage? Little by little I learned to speak
Tagalog, because we are not allowed to speak in
English during class hours.”
“Syempre yung advantage yung being able to
converse in Filipino, syempre. Most Filipinos
nahihirapan din sila mag-English tsaka Filipino,
talagang medium of instruction.”
“I can interact by using the Filipino language
more fluently now. I think it will boost my self-
confidence din.”
Disbentahe
Ang mga kasagutang naitala sa ibaba ang
sumasalamin sa pagpayag ng mga mag-aaral na may
dalawang pagkamamamayan sa pagkuha ng kursong
Filipino ngunit nagsasabing walang patutunguhan
ang pagkuha nila ng kursong Filipino. Ang mga
pahayag na ito ay nagpapakita rin na walang halaga
ang asignatura para sa kanilang mga praktikal na
pangangailangan.
Ilan lamang sa kanilang mga kasagutan ay ang “Sa palagay ko mahirap, nagulat ako,
natatakot ako, at nadismaya ako.” Ang lahat ng reaksiyong ito ay inaasahan mula sa
mga mag-aaral na kukuha ng kursong Filipino na hindi marunong magsalita sa naturang
wika. Para na ring sinabi na ikaw ay mangisda sa isang dapat na wala namang isda. O
kaya naman ay pumasok sa isang pintuan na nagdurugtong sa isang madilim na
lagusan at hindi alam kung saan pahahanggan.
Takot, pangamba at pagkagulat ang kabuuang naging inisyal na reaksiyon ng mga mag-
aaral nang malamang kailangan nilang kumuha ng mga asignaturang Filipino. Ito ang
damdaming nangingibaw sa mga mag-aaral na may dalawang pagkamamamayan.
Takot na bumagsak o pangambang baka sila’y hindi makasabay sa gagawing talakayan
dahil sa kakulangan nila ng kaalaman sa wika, na siya ring pinaniniwalaang
pangunahing kaalamang dapat taglayin upang matapos ang kurso. Bukod dito, may
Kung bubuin ang nakalap na mga reaksiyon sa kategoryang ito, makikitang sa kabuuan
ay takot ang mga mag-aaral na may dalawang pagkamamamayan na kumuha ng kurso
sa Filipino dahil sa kadahilanang maaari silang bumagsak o hindi makasabay dahil sa
mababang kaalaman sa Filipino. Maaaring ugatin ang ganitong pananaw ng mga mag-
aaral mula sa pagpapaliwanag ng pag-uugali at saloobin ni Katz noong 1960. Ayon sa
kaniya, may apat na pangunahing gamit ang aktitud at saloobin ng tao na humuhulma
sa kanilang nagiging reaksiyon sa mga iba’t ibang penomenon na kanilang kinakaharap
(Katz, 1983).
Sa kabuuan, kapag sinipat ang mga sagot ng mga mag-aaral kaugnay ng bentahe ay
makikitang nag-uugat ang kagustuhan nilang matuto ng wika sapagkat gusto nilang
Ngunit mayroon ding nagsasabing may disbentahe ang pagkuha ng kursong Filipino.
Isang salaysay ang nagsabing: “Nakalimutan ko ang aking unang wika at hindi ko na
masyadong magamit sa pakikipag-ugnayan ko sa iba kong kamag-anak magmula ng
natutunan ko ang wikang Filipino” o kaya ay may nagpahayag na “time-consuming” o
nakauubos ng oras ang pag-aaral ng asignaturang ito. Ang tendensiyang makalimutan
ang unang wika ay ilan sa mga disbentahe ng pagkatuto ng ikalawang wika na matagal
na ring sinisipat ng mga linggwistikong mananaliksik.
Sa kabuuan, may itinuturing na disbentahe man ang mga mag-aaral ay mas matingkad
pa rin ang mga bentahe ng pag-aaral ng wika na hindi lamang sa pagiging bahagi ng
mag-aaral sa lipunan kung hindi sa pagpapaunlad nila ng kanilang mga sarili at
kabuuang pagkatao. Halimbawa ang mga pahayag na bentahe sa kanila ang
kakayahang makapagpahayag kapwa sa Ingles at Filipino at “I think it will boost my
self-confidence” ay nagpapakitang napagtatanto rin ng mga mag-aaral ang personal na
kagalingang ibubunga sa kanila ng pag-aaral ng ikalawang wika.
Ibinahagi ng mga tagatugon ang kanilang mga karanasan sa pag-aaral ng Filipino. Dito
rin naipakita kung paano makihalubilo ang mga mag-aaral na may dalawang
pagkamamamayan sa mga mag-aaral na purong mga Pilipino; naikumpara at
Marahil wala na ngang ibang maaaring tumulong sa kanila kundi ang mga sarili na rin
nila mismo. Karamihan sa mga tagatugon na ito ay kumuha ng private tutor upang
mapadali ang pag-aaral. Ngunit lahat sila ay sumang-ayong na sa araw-araw na
baliktaktakan sa loob ng klase sila mas mabilis na natuto.
Sinasagot din ng teoryang ito ang panghuling katanungan mula sa aide memoir: Paano
kayo nakababagay sa takbo ng talakayan sa klase ng Filipino? Ipinakita rito ang mga
naging kahalili ng mga mag-aaral na may dalawang pagkamamamayan sa pagkatuto ng
kursong Filipino. Tatlo ang lumabas na naging malaking tulong sa kanilang pagtapos at
pagpasa ng kurso. Mula sa panayam, masasabing wala sa kanila ang kumuha ng kurso
ng dalawang beses dahil sa sila ay bumagsak. Maliban sa isa na nag-drop ng kursong
Ang pangalawa ay ang kanilang mga sarili mismo. Marahil tama nga ang kasabihang,
wala nang mas malaki pang tulong na mapagkukunan kundi ang sarili mismo. Sa pag-
aaral at pagsisikap na intindihin ang wika at ang tinatalakay na aralin, naipapasa nila
ang kanilang mga pagsusulit.
Ang pangatlo at panghuli ay ang mga libro at tutorial na ginamit o pinasukan nila. Ito
ang nagsisilbing pagbabalik-aral sa lahat ng kanilang mga natutunan at pagdiskubre sa
mga bagay na kailangan pa nilang malaman o nararapat lamang na kanilang alamin.
Kapansin-pansin din ang iba’t ibang taktika na ginagamit nila upang makasabay sa
klase. Bukod sa pagkakaroon ng ibang taong tumutulong sa kanila, sa ilang mga oral na
aktibidad tulad ng role playing ay pinipili na lamang nila ang maliliit na bahagi upang
hindi sila gaanong makapagsalita sa Filipino. Makikita rin ito sa mga pagsusulit kung
saan sinasagutan lamang ng iba sa kanila ang may pagpipilian at sa ilang mga piling
gawain sa klase ay malaki ang naitutulong ng dagdag na pagpapaliwanag sa kanila ng
mga guro.
Ang limang tagatugon sa pananaliksik na ito ay kapwa mga lahing Pilipino. Tatlo ang
may halong dugong banyaga at dalawa ang walang halong dugong banyaga ngunit
ipinanganak at lumaki sa ibang bansa. Sa kadahilanang sila ay lumaki sa ibang bansa,
nalinang ang dila nila sa wika ng kanilang pangalawang pagkamamamayan. Ito ang
pinaniniwalaang dahilan kung bakit nangangapa sila sa unang taon ng pag-aaral nila sa
Pilipinas particular sa mga kursong Filipino at iba pang asignatura na Filipino ang
midyum sa pagtuturo.
Ang pagkatuto ay isa sa pinakamahalagang aspekto lalo na sa wika dahil ito ang
kasangkapan sa pagkatuto ng ibang asignatura. Sa proseso ng pagkatuto, hindi
magiging madali ang pagkatuto lalo na kung may mga hadlang sa kanilang pagkamal ng
kaalaman. Sa kaso ng mga mag-aaral na may dalawang pagkamamamayan, maraming
mga kahirapan ang kanilang nararanasan lalo na sa mga mag-aaral na walang
kaalaman sa kanilang wikang pinag-aaralan. Bagamat sila ay mga Pilipino rin, iba ang
naging sitwasyon nila dahil sa ibang bansa sila lumaki. May mga ibang mag-aaral na
may dalawang pagkamamamayan na hindi na tinuruan ngunit hindi sila gaanong
matatas. Ang Filipino na pinag-aaralan ay nasa akademikong antas at hindi lamang
para sa pakikipagkomunikasyon kundi sa pang-akademiko o iskolarling
pakikipagtalakayan.
Sumunod sa ranggo ang pag-unawa sa pagtalakay ng guro na libro lamang ang gamit,
pag-unawa agad sa tinalakay sa klase at pagsulat ng sanaysay, sariling komposisyon at
maikling kwento na pawang may mean na 3.00 at may deskripsyong mahirap. Kung
papansinin ang mga nabanggit na aytem, magkakaugnay ang mga ito sa puntong may
kaugnayan sa pag-unawa. Nangangahulugan lamang itong ang kahirapan ng mga mag-
aaral na may dalawang pagkamamamayan ay nakaugat sa kanilang kakulangan ng pag-
unawa dahil na rin sa kakulangan nila sa bokabularyo hinggil sa wikang Filipino. Ang
Mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga guro sa pagtuturo ng wika sa mga mag-
aaral na may dalawang pagkamamamayan. Sa proseso ng pagtuturo at pagkatuto,
kung nagkakaroon ng magandang ugnayan ang mga guro at mga mag-aaral,
nagbubunga ito ng epektibong pagkatuto ng wika. Ngunit, sa kabila ng magagandang
ugnayang ito ay hindi maiiwasan ang mga suliraning kinakaharap ang mga guro sa
pagtuturo ng Filipino sa mga mag-aaral lalo na sa mga mag-aaral na may dalawang
pagkamamamayan na hindi pa ganap ang kanilang kaalaman sa wikang Filipino at
kasama pa sila sa regular na klase.
Naging malubha pa ring suliranin ng mga guro ang kakulangan ng mga mag-aaral ng
terminolohiya sa Filipino na ginagamit sa pakikipagtalastasan at paggamit ng iba’t
ibang estratehiya upang lalo pang maunawaan ng mga mag-aaral ang aralin. Ang mga
aytem na ito ay parehong nasa ika-2.5 na ranggo na may mean na 3.00. Sa panig ng
Ayon kay Christison (1998) sa aklat ni Nunan (2003), magkakaiba ang kaligiran ng mga
mag-aaral. Sa isang klase, iba-iba ang kanilang estilo ng pagkatuto kaya kailangan sa
mga guro ang laging paglikha ng mga bagong kagamitang pampagtuturo at pagbibigay
ng iba-ibang gawain sa mga mag-aaral upang matugunan ang kanilang
pangangailangan sa pagkatuto ng pangalawang wika. Sa kaso ng mga guro, marami
silang mga klaseng tinuturuan kaya mahirap para sa kanila ang laging pagsasagawa ng
mga pagbabago sa paraan at estratehiya sa pagtuturo sa mga mag-aaral.
Gayunpaman, hindi naman naging suliranin sa mga guro ang pagsali ng mga mag-aaral
na may dalawang pagkamamamayan sa iba. Kahit papaano, nakakatulong din ang
pagsama nila sa kanilang mga kamag-aral na matatas sa Filipino dahil napipilitan silang
matuto. Umaayon ito sa naging saloobin ng mga mag-aaral kung saan nabanggit nilang
may bentahe ang kanilang pagsama sa regular na klase dahil natutulungan sila ng
kanilang mga kamag-aral upang ipahayag ang kanilang sarili. Ang pagkalantad sa
wikang pinag-aaralan ay nakakatulong sa proseso ng pagkatuto ng mga mag-aaral,
kung gayon habang nalalantad ang mga mag-aaral sa kanilang mga kamag-aral,
napipilitan silang gumamit o magpahayag ng wikang Filipino.
Bilang mga guro ng Filipino, mahirap ding iangkop ang estratehiya at terminolohiyang
gagamitin sa mga mag-aaral na sobrang magkalayo ang agwat ng kanilang antas ng
kaalaman sa wikang pinag-aaralan. Mas madaling iangkop ang estratehiyang gagamitin
sa mga mag-aaral na kahit iba-iba ang estilo ng kanilang pagkatuto kung medyo
magkakalapit ang antas ng kanilang kaalaman sa wikang binibigyan ng tuon sa
pagtuturo.
Kongklusyon at Rekomendasyon
Kongklusyon
Rekomendasyon
TALASANGGUNIAN
Almiro, Virgilio G. (1997). Tradisyon at wikang Filipino. Quezon City: Sentro ng Wikang
Filipino.
Brown, H. (1994). Principles of language learning and teaching. New Jersey: Prentice
Hall Regents.
De Leon, Hector S. (1999). The Philippine constitution. Manila: Rex Book Store
Diaz, Domingo L. (1987). Efffective Filipino. Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc.
Mayos, Norma S. et al. (2008). Ang guro ng bagong milenyo: May kagamitang panturo
sa Filipino. Cabanatuan City: Jimcy Publishing House.
Patting , Pacita A. (1994). Mga saloobin ng mga guro sa paggamit ng Filipino at mga
salik na nakakaapekto rito. Di nalathalang Tesis. Saint Louis University: Baguio City
MAGPAHINGA
MUNA BAGO
SAGUTAN
ANG MGA
KATANUNGAN!
tesis.
BILANG 2
GAWIN NATIN
Suliranin:
1. Ano-ano ang mga kaugalian ng mga taga-Bauko ang inilarawan sa mga ilang
piling kuwentong-bayan ng mga taga-Bauko batay sa pananaw:
a. Sosyolohikal
b. Moralistiko
2. Paano nakatutulong ang mga kuwentong-bayang ito sa paghubog ng
katauhan ng mamamayang taga-Bauko?
3. Paano magagamit ang mga kuwentong-bayan upang malinang ang sariling
identidad ng mga taga-Bauko?