You are on page 1of 23

Paglalahad ng

Resulta ng
Pananaliksik
• Maituturing na isa sa pinakamahalagang bahagi
ng pananaliksik ang paglalahad ngb resulta at
pagtalakay nito.
• Ito ang nagpapakita ng kontribusyon ng
mananaliksik sa pag-unlad ng kaalaman
sapagkat binibigyan niya ng panibagong
pagsusuri ang mga orihinal na datos na nalikom
sa pananaliksik.
• Ayon kina Catherine Marshall at Gretchen
Rossman (1990) sa aklat na “Designing
Qualitative Research,” ang pagsusuri ng datos
ay binubuo ng pagsasaayos, kategorisasyon, at
pagsisiyasat ng mge ebidensya upang
mapatunayan o mapasubalian ang inisyal na
mga proposisyon ng pag-aaral. Ito ay proseso
ng pagbibigay ng kaayusan o estruktura sa
napakaraming datos na nakolekta sa mga
naunang bahagi ng pananaliksik
• Makikita sa bahaging ito ang kinalabasan ng
pag-aaral, pagsusuri, at ang interpretasyon
nito.
Presentasyon ng Datos

• Bago ang presentasyon ng datos, mahalagang


gawin muna ang proseso ng tabulasyon o
pagsasaayos ng impormasyong nakalap.
Pangunahing hakbang dito ang paglikom at
pagbilang ng mga bumalik na datos mula sa
ipinamahaging talatanungan, transkripsyon ng
na naganap na pakikipanayam o pag-aayos ng
mga tala mula sa obserbasyon.
Presentasyon ng Datos

• Mula sa pag-aayos, kailangang alisin ang mga


talatanungan na hindi maayos o may kulang na
sagot ng kalahok.
• Sa mga tala at transkripsyon, maaari nang
alisin ang mga tugon na walang kabuluhan sa
magiging pagsusuri.
• Kailangang itala ng mananaliksik ang mga
hakbang na ito
Presentasyon ng Datos

• Kapag nasala na, maaari nang simulan ang


tallying sa pamamagitan ng paglalapat ng
datos sa working tables o iba pang paraan ng
organisasyon batay sa pagsusuring gagawin
• Pagkatapos nito ay igagawa ang pinal na
talahanayan, chart o anomang uri ng
presentasyon ng datos.
Presentasyon ng Datos

• Ang talahanayan ay ang pinakasimpleng paraan


ng pagbubuod ng mga obserbasyon.
• Naglalaman ito ng mga tiyak datos gaya ng
mga numero, bahagdan, at iba pa na maaaring
pagmulan ng kalakaran o paghahambing.
Guro (n=21) Mag-aaral (n=407) kabuuan
(n=428)
Estratehiya WM I R WM I R WM I R
1. Naglulunsad ng mga 1.4 WI 6 2.5 LI 6 2.5 LI 6
exposure trips upang 8 9 4
mabigyan ng ideya ang mga
mag-aaral sa mga tunay na
nagaganap sa komunidad at
gumawa ng pananaliksik
hinggil dito
2. Nagpapagawa ng 2.6 LI 2.5 2.8 LI 3 2.8 LI 3
pakikipanayam hinggil sa 7 4 3
mga napapanahong isyu at
usaping panlipunan
3. Nagpapagawa ng mga 2.7 LI 1 3.1 LI 1 3.0 LI 2
sarbey at iba pang porma 1 1 9
ng pag-alam hinggil sa mga
kongkretong suliranin na
dinadanas ng
kinabibilangang komunidad
ng mag-aaral
Guro (n=21) Mag-aaral (n=407) kabuuan
(n=428)
Estratehiya WM I R WM I R WM I R
4. Nagpapagawa ng mga 2.4 BI 4 2.8 LI 2 2.8 LI 2
proyektong direktang 8 8 6
makatutulong sa
komunidad na
kinabibilangan ng mag-
aaral
5. Nagpapasulat ng 2.6 LI 2.5 2.5 LI 4 2.8 LI 4
repleksyong papel upang 7 8 1
alamin ang antas ng
pagkatuto ng mga mag-
aaral sa mga aktibidad na
isinasagawa sa komunidad
6. Nakikiisa ang guro kung 2.2 BI 5 2.7 LI 5 2.9 LI 9
may organisadong gawain 4 1 9
sa komunidad ang mag-
aaral
Presentasyon ng Datos

• Sinasagot ng talahanayan na ito ang tanong na


“Ano ang antas ng integrasyon ng
transpormatibong edukasyon sa pagtuturo ng
pananaliksik sa Filipino?” sa isang tiyak na
aspekto (sa pamamagitan ng community-based
na pananaliksik)
• Pagkuha ng weighted mean sa bawat aytem
ang ginamit na estadistikal na pagsusuri.
Presentasyon ng Datos

• Ang weighted mean ay may katapata na


deskripsyon na LLI, LI, BI, o WI na makikita sa
grid.
• Kapansin-pansin din na ipinakita ang resulta
mula sa mga kalahok na guro (n=21), mag-
aaral (n=407) at kabuuang bilang ng dalawang
grupo (n=428). Sa huling kolum naman ay
inaayos ng mananaliksik ang resulta batay sa
pinakamataas hanggang sa pinakamababang
value
Presentasyon ng Datos

• Mula sa mga datos na ipinakita, makabubuo ng


pagpapakahulugan ang mananaliksik tungkol sa
paghahambing sa dalawang grupo ng kalahok,
at matutukoy kung sa anong paraan
pinakamataas o pinakamababa ang integrasyon
sa pamamagitan ng pagraranggo sa kinalabasang
weighted mean ng pinagsamang grupo. Sa
kabuuan ay matutukoy ng mananaliksik mula
rito kung gaano katas ang antas ng integrasyon
sa paraan ng community based na pananaliksik
Pagsusuri at Interprestasyon ng
Datos

• Kapag naiyos na ang mga datos at nakabuo ng


mahahalagang impormasyon sa pamamagitan ng
sistematikong presentasyon, tutuloy na ang
proseso sa interpretasyon ng datos.
• Ayon kina Graham Hitchcock at David Hughes
(1995) sa aklat na “Research and the Teacher: A
Qualitative Introduction to School-Based
Research,” ang interpretasyon ay isang paraan
kung saan ang mananaliksik ay umuusad mula sa
deskripsyon ng kung ano ang kaso tungo sa
pagpapaliwanag kung bakit naging kaso ito.
• Ibig sabihin, kung sa presentasyon ay sinasagot
ng mananaliksik ang tanong na “ano,” mas
binibigyang-diin naman niya sa interpretasyon
ang tanong na bakit. Sa bahaging ito
kinakailangang isaalang-alang ang kabuluhan
ng mga impormasyong natuklasan – potensyal
na mga dahilan na nagbunsod sa impormasyon
at mga posibleng susunod na hakbang o
rekomendasyon.
• Binibigyan ng kahulugan ang impormasyon,
bumubuo ng mga ugnayan at paghahambing at
tinutukoy ang mga sanhi at posibleng
kahihinatnan.
• Ginagamit sa bahaging ito ang teoretikal na gabay
at mahahalagang kaisipan mula sa konseptwal na
balangkas upang gabayan sa pagsusuri ang
mananaliksik. Mahalaga ring iugnay ito ng
mananaliksik sa iba pang naisagawang pag-aaral
ang kinalabasan nito upang suportahan o kaya ay
pasubalian ang kinalabasan ang pananaliksik
• Iwasan ang mapanlahat na pahayag o sweeping
statements. Ito ay ang mga resulta mula sa iba’t
ibang bahagi ng pagtalakay.
• Sa bahaging ito binibigyang – diin ng
mananaliksik ang mahahalagang impormasyon
na ipinakikita ng mga ebidensyang nakalap at
ipinaliliwanag ang mga pagkakaugnay nito.
Kailangang ipaliwanag ang sinasabi ng datos at
hindi basta na lamang inuulit ang nakalagay sa
talahanayan.
• Kailangan din na idagdag ang mga dahilan at
epekto at kung kinikumpirma nito o hindi ang
haypotesis ng pag-aaral.
• Mahalaga ang cross referencing o pagg-
uuganay ng mga resulta mula sa iba’t ibang
bahagi ng pagtalakay.
HALIMBAWA
Makikita sa Talahanayan 1 na magkaiba man ang antas ng integrasyon ng
dalawang grupo ng tagasagot sa iba’t ibang pamamaraan ay halos
nagkakaisa sila sa pagraranggo. Nangunguna sa dalawang grupo ang
pagpapagawa ng sarbey at iba pang porma ng pag-alam hinggil sa mga
kongkretong suliraning dinaranas na kinabibilangang komunidad ng mga
mag-aaral na nakakuha ng weighted mean na 2.71 sa mga guro at 3.11
naman sa mga mag-aaral na may interpretasyong lubos ang integrasyon.
Pumapangalawa naman ang pagpapagawa ng pakikipanayam hinggil sa
napapanahong isyu at usaping panlipunan sa mga guro na may 2.67 na
weighted mean at interpretasyong lubos ang integrasyon na nakakuha
naman ng ikatlong ranggo at 2.84 na weighted mean sa mga mag-aaral na
may katulad ding interpretasyon. Pumapangalawa naman sa mga mag-
aaral ang pagpapagawa ng mga proyekytong direktang makatutulong sa
mga komunidad na nakakuha ng 2.88 na weighted mean, lubos na
integrasyon ngunit ikaapat lamang sa mga guro na nakakuha ng 2.48 o
bahagyang integrasyon.
HALIMBAWA
Gayundin nagkakasundo sa dalawang pinakamababang ranggo sa mga
pamamaraan ang mga guro at mag-aaral ngunit sa magkaibang antas
lamang. Nakakuha ng ikalimang ranggo na may weighted mean na 2.71 sa
mga mag-aaral at interpretasyong lubos ang integrasyon at 2.24 na
weighted mean o bahagyang integrasyin lamang sa mga guro ang ikaanim
na aytem na nagsasabing nakikiisa ang guro kung may organisadong
Gawain sa komunidad ang mga mag-aaral.Kapuewa pinakamababa naman
sa dalawang grupo ang pamamaraan na paglulunsad ng mga exposure trips
upang mabigyan ng ideya ang mga mag-aaral sa mga tunay na nagaganap
sa komunidad at gumawa ng pananaliksik hinggil ditto. Nakakuha ito ng
weighted mean na 2.59 o lubos ang integrasyon sa mga mag-aaral ngunit
1.48 lamang sa mga guro na nangangahulugang walang integrasyon.
HALIMBAWA
Magkatulad man ang pagraranggo ay may malaking pagkakaiba sa
pagbibigay ng antas ng mga guro at mag-aaral pagdating sa bahaging ito
ng pamamaraan. Kung titingnan ang kabuuang weighted mean, 2.83 ang
antas ng mga mag-aaral na may interpretasyong lubos ang integrasyon
habang 2.38 lamang ang sa mga guro na nangangahulugang bahagyang
integrasyon. Halos sumunod din ang kabuuang weighted mean sa
pagpapasya ng mga mag-aaral. Nakakuha ng pangkalahatang weighted
mean na 2.80 na may interpretasyong lubos ang integrasyon ang bahagi ng
pamamaraang community based na malapit sa naging resulta ng kabuuang
weighted mean ng mga mag-aaral.
HALIMBAWA
Mula sa impormal na pakikipanayam sa mga

You might also like